The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 14: Never too late

553K 16.1K 6.3K
By iDangs

Hailey’s POV

Kinuha ko ang mga librong inilapag ni Piper sa kama. Ayaw huminto nang pag-agos ng luha ko. What have I done? Matagal ko ng alam na mali ang ginagawa ko kaya lang hindi ko magawang tigilan. Umaapaw pa rin kasi minsan ‘yung lungkot ko. Pati na rin ang takot na mag-isa. Sige, aaminin ko na. Pati ang selos dahil na kay Piper ang lahat ng atensyon. Pakiramdam ko kasi lagi na lang siya ang mahalaga sa lahat. ‘Yung parang sa sobrang halaga niya, kahit mawala man ako walang malulungkot.. walang makakapansin. Kasi nandyan naman siya.

To avoid getting hurt, I pushed people away without knowing that it will just hurt me more. Stupid, Hailey.

Iyak lang ako ng iyak ng mapansin kong nasa harapan ko na si Nathan. Nginitian niya ako pero hindi ‘yung normal na ngiti niya. Nginitian niya ako na parang nagsasabing ‘nandito ako para sa ‘yo’.

Walang sali-salita, niyakap lang niya ako at tinapik.

***

The next morning, nang magising ako, pakiramdam ko sobrang bigat ng mata ko. Wala akong kasama sa kwarto unlike nung original na plano.

Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng kwarto. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto na ‘to. Hindi ko alam kung anong sasalubong sa akin. Kung sinong sasalubong sa akin.

Ilang minuto na akong nakatulala nang biglang tumunog ang phone ko. Bumungad sa akin ang pangalan ng mommy ko nang kuhanin ko ‘yun at iharap sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

“Hello, Hailey!” Ang energetic ng boses niya. Sana ako rin.

“Bakit po?”

“Kamusta kayo diyan? Ayos lang ba kayo?”

“Opo.”

“Nakatulog ka ba ng maayos? Baka mamaya namamahay ka? Naalala ko pa noong bata ka, nung natulog tayo sa grandparents po. Hindi ka nakatulog magdamag noon palibhasa hindi ka sanay sa ibang kwarto,” tumatawa siya sa sarili niyang kwento pero hindi ko magawang sabayan ang energy niya.

“Ayos lang.”

“Nagbreakfast ka na ba? Nako, dapat kumain ka ha.”

“Opo.”

“Anong gusto mong uwi? Mamimili kami maya-maya bago bumalik dyan. May ipapabili ka ba?”

“Wala po.”

“O sige. Kami na lang bahala ng daddy mo kung anong iuuwi sa ‘yo. Behave kayo nila Nate dyan ha. ‘Yung lahat ng gamit mo nasa bag ha? Kung may nakalimutan ako -- “

“Yes. Yes. Okay na po. No need to remind me everything. Malaki na po ako.”

Natahimik sandali ang nasa kabilang linya. Pero ilang sandali lang ay nagsalita na ulit ang mommy ko, “Ah.. oo nga pala. Malaki ka na. Sorry anak. Sige. Mag-ingat ka na lang dyan ha?”

“Bye po,” sagot ko sa kanya saka inend ang tawag.

Inilagay ko ulit sa bedside table ang phone ko at saka lumabas na ng kwarto. Nagdirediretsyo ako sa kusina at inabutan ko roon si Nathan na nagluluto. Malamang tinuruan siya ni Tita Zoe kung paano magluto.

“Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong niya nang makita ako.

Tinaguan ko siya bilang sagot. Naalala ko.. kagabi, siya nga pala ang nag-comfort sa akin kaya pakiramdam ko obligado akong magpasalamat.

“Salamat sa pagcomfort sa akin.”

“Wala ‘yun.”

“Bakit ako ang nilapitan mo kahit na si Piper ang bestfriend mo?”

Saglit siyang napalingon sa akin at ibinalik ang tingin sa niluluto niya, “Kaibigan din kasi kita.”

“Dati. Kaibigan mo ako dati. We stopped being friends a long time ago. Kung sino pa ang totoong kaibigan mo, siya pa ang hindi mo nilapitan.”

Napabuntong hiniga siya, “Hindi dahil sa hindi na kaibigan ang tingin mo sa akin, ibig sabihin hindi na rin kaibigan ang tingin ko sa ‘yo. Hindi ganun ‘yun, Hailey. Kung tingin mo, hindi na kita kaibigan.. para sa akin, kaibigan pa rin kita. Kaibigan ka pa rin namin. Ikaw ang nilapitan ko kasi mas kailangan mo nang kaibigan.”

“Hindi ko kailangan,” mahinang sagot ko sa kanya. Alam kong narinig niya ako pero hindi na lang siya sumagot.

Nang maayos na niya lahat ng kakainin namin sa almusal, bumaba na rin si Warren para samahan kami. Tumingin tingin siya sa paligid at alam ko na kung ano ang nasa isip niya. Nasaan si Piper. Masyado siyang halata. Kaya lang napatingin din siya sa akin at nagulat na lang ako ng ngitian niya ako at hindi na nagtanong kung nasaan ang hinahanap niya, “Good morning.”

Kumain kaming tatlo ng sobrang tahimik. Hindi na rin ako naiilang palibhasa sanay naman na ako sa ganitong eksena. Ilang taon na rin naman naming ginagawa ‘to. Ngayon pa ba ako maiilang? Kaya lang, natapos kaming kumain nang hindi dumarating si Piper. Siguro natutulog pa siya. Anong oras na? Buhay prinsesa.

Huhugasan ko na sana ang pinagkainan ko nang harangan ako ni Nathan at akuin ang dala ko. Hindi na rin naman ako nagpapilit at ibinigay iyon sa kanya.

Paakyat na sana ako sa kwarto nang marinig ko ang tanong ni Warren. Mahina lang ‘yung boses niya at halatang ayaw niyang iparinig ‘yun pero ang akala ata niya wala na ako dito kaya kahit hindi man sadya ay narinig ko siya.

“Natutulog pa ba?”

“Hindi. Pagkagising niya kanina nagpaalam siya na pupunta siya sa isang kaibigan niya.” Nagawa pang maglakwatsya. Tss. Ayan ba ang sinasabi niya kagabi na kaming tatlo lang ang kaibigan niya?

***

Buong maghapon hindi bumalik si Piper. Nakabalik na rin ang mga magulang namin sa overnight vacation nila pero wala pa rin siya.

Pag-uwi ko, sinalubong agad ako ng magulang ko ng yakap. Agad naglabas ng mga uwi si mommy. Kung anu-ano ang ipinapakita niya pero hindi ako interesado kaya nagpaalam na lang ako na aakyat na ako. Hindi ko na hinintay ang sagot nilang dalawa at umakyat na sa kwarto ko.

Nagpakalunod ako sa pagbabasa ng libro nang may kumatok sa kwarto ko. Ang akala ko ay si mommy lang ‘yun kaya hindi na ako sumagot. Alam ko naman na papasok na lang siya bigla. Kaya lang nakailang katok pa kaya lumapit na ako at pinagbuksan kung sino man ang kumakatok na ‘yun.

Napailing na lang ako nang sinalubong ako ni daddy na parang ewan kung makangiti sa labas ng kwarto ko.

“Bakit hindi ka na lang po agad pumasok?”

“Mas trip kong kumatok lang e,” natatawa niyang sagot. “Nabanggit nga pala sa amin ni Tita Ayu mo na nakita na niya ‘yung librong hinahanap mo. Natanggap mo ba?”

Itinuro ko ‘yung mga librong nakapatong sa desk ko, “There.”

“Nagpasalamat ka na ba sa kanya?”

“Hindi pa po.”

“Aba, pumunta ka kaya doon at magpasalamat.”

Kung pupunta ako doon.. paano na lang kung nakabalik na pala si Piper? Paano kung magkita kami sa bahay nila? Parang napaka-awkward naman nun.

“Pwede po bang pakisabi na lang?”

Medyo nanliit ang mata ni daddy at parang saglit na nag-isip. Umiling siya at sinagot ako, “That’s rude, Hailey. Magpapasalamat ka lang kasi binigyan ka niyan. Anong mahirap gawin dun?”

Napabuntong hininga ako at tumango saka lumipat sa kabilang bahay.

Habang naglalakad papunta doon, pinilit kong pabagalin ang lakad ko. Para lang akong baliw sa ginagawa ko. Alam ko naman na kahit gaano kabagal ang paglakad na gawin ko, makakarating at makakarating ako sa pupuntahan ko.

Mabigat man sa loob ko, pinindot ko pa rin ang doorbell nila. Laking pasasalamat ko na lang nang si Tito Ken ang lumabas para pagbuksan ako.

“O, may kailangan ka ba Hailey?”

“Si Tita Ayu po?”

“Ah, nasa may kusina. Tara, pasok ka.”

Nakiramdam ako kung nandito si Piper at nang hindi ko siya makita sa kahit na anong nilakaran ko, parang nabunutan na ako ng tinik at medyo gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano.

Nilalaro ni Tita Ayu si Jarvis nang abutan ko siya. Bahagya akong umubo para mapansin niyang nandito ako at nang marinig niya ‘yun ay napatingin siya at ngumiti, “Hi, Hailey!”

“Hi po. Uhh. Ano.. Thank you po sa books na binigay niyo. Matagal ko na po kasing hinahanap ‘yun pero hindi ko po matapatan na mayroong stock. Kaya po salamat.”

“Wala ‘yun. Binasa ko nga ‘yung description niya at mukhang maganda ‘yung kwento. Magaling ka talagang pumili ng mga libro.”

“Ah,” bahagya akong tumawa at saka siya nginitian, “Lahat naman po ng kwento maganda. Lahat naman po kasi pinaghirapan isulat. Kaya ayun ang mas nagpapaganda sa bawat libro.”

Tumango-tango siya, “Matalino talaga ang batang ‘to. Hindi ka talaga nagmana sa mga magulang mo,” biro pa niya na nagpatawa sa akin. Umupo ako sa tapat niya at nagkwentuhan pa kami habang tahimik na kumakain si Jarvis sa tabi ng mommy niya.

Nalibang na ako sa pinag-uusapan namin nang biglang dumating si Piper. Nagulat siya nang makita ako sa bahay nila. Expected na rin naman ‘yun. Sinong hindi magugulat kung makikita niya ‘yung taong kasagutan niya kagabi sa sarili niyang pamamahay?

Lumapit siya kay Tita Ayu at humalik sa pisngi nito, “Saan ka nanggaling?”

“Sa kaibigan ko lang po.” Sagot niya pa habang ginugulo at nginingitian si Jarvis.

“Nagdaan lang nga pala dito si Hailey at nagpathank you sa libro.”

“Ah.. sige po, Ma. Akyat na po ako para makapagpalit na ng damit.” Umalis siya nang hindi man lang ako nililingon. As if I care.

“Babasahin ko nga rin pala ‘yung librong binigay ko sa ‘yo.” Nakangiting sabi ni Tita Ayu. “Kaya lang malamang ko ba mauunang basahin ni Piper ‘yun kaysa sa akin.”

“Po?!”

Nagbabasa si Piper ng mga libro? Pwera biro ba ‘to? Parang hindi naman kapani-paniwala. Kailan pa siya nahilig? E halos sumuka na nga siya kapag nagpapasama ako sa kanya dati sa library? Kesyo ang boring daw tapos ngayon malalaman laman ko na nagbabasa na siya? Anong nangyari?

“Buti na nga lang at naimpluwensiyahan mong magbasa ‘yang si Piper. Maliit pa lang ‘yan pinipilit ko na ‘yang magbasa pero ayaw talaga at mas natutuwang maglaro. Hanggang noong naghighschool kayo, bigla na lang akong inaya sa bookstore at namili ng mga libro.” Natatawa pa siya at napapailing na parang naaalala ‘yung pangyayaring ‘yun, “Sobrang excited ni Piper noon. Pag-uwing pag-uwi namin nagbasa na agad. Akala ko naman para sa school project nila ‘yun. Pero nung tinanong ko siya hindi naman daw. Sabi niya nagbabasa siya kasi mahilig ka raw magbasa. Gusto raw niya na may mapag-usapan pa kayo kaya pinasok niya ang hilig mo. Buti nga at nahilig siya kaya ngayon puno na ‘yung bookshelf niya.”

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nagkwekwento si Tita Ayu. Hindi ko alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na parang natatakot na parang ewan. Hindi ko maintindihan.

“K..kailan pa po siya nahilig magbasa? A..anong year po kami?”

“Nung mid first year niyo ‘yun. Kapag nakakatapos siya ng libro sobrang tuwang tuwa at magbabasa na ng panibago. ‘Yung mga favorite mo nga ang una niyang binasa. Kaya laking pasasalamat ko sa impluwensya mo sa anak ko. Masaya ako na ikaw ang kaibigan niya.” Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Tita Ayu pero parang wala ng pumapasok sa tenga ko. Paulit ulit na lang narerehistro sa utak ko ang mga nauna niyang sinabi.

Wala sa sarili akong tumayo at nagpaalam sa kanya. Idinahilan ko na lang na may gagawin pa ako kahit hindi naman ‘yun totoo.

Bago ako tuluyang makapasok sa bahay namin ay napatingin pa ako sa bintana ni Piper. Nakabukas ang ilaw nun. Naisip ko na lang tuloy.. nagbabasa kaya siya ngayon?

***

Ala-una na ng madaling araw nang magising ako at naghanap ng tubig. Kaya kahit tinatamad akong bumaba ay ginawa ko pa rin. Mas okay na ‘yun kaysa ma-dehydrate pa ako.

Inabutan ko si Daddy na nagkakape sa may dining at mukhang tutok na tutok sa laptop niya.

“Work, dad?”

Lumingon siya sa akin at tumango, “Kabayaran sa bakasyon na ginawa ko.” Isa siyang sports agent kaya kung anu-ano ang ginagawa niya at kung sinu-sino ang kinakausap niya. Pero minsan mukha rin naman siyang hindi nagtratrabaho palibhasa mahal niya ang pinasukan niyang industriya.

“Bakit nga pala bumangon ka pa?”

“Thirsty,” sagot ko sa kanya.

“Inaantok ka na ba?” tanong niya pagkatapos kong uminom.

“Medyo nawala na po. Bakit po?”

Isinara niya ang laptop niya saka humarap sa akin at tumango sa direksyon nung silyang katapat niya, “Let’s talk.” Uh-oh. Mukhang seryoso siya. Ano ba ang mga kasalanang ginawa ko ngayon buwan?

I am lost in my own thoughts when he speaks again, “What’s the problem?”

“P..po?”

“Hindi ikaw ang usual na Hailey. Halatang may bumabagabag sa ‘yo. Matagal ko na napapansin na para kang may problema kaya lang habang dumadaan ang mga araw parang mas nag-iiba ka. Ayos ka lang ba, anak?”

“I’m okay.”

“Anak kita. Alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi.” Masyadong seryoso ang boses niya kaya hindi ko alam kung paano sasagot sa kanya. Yes, I’m lying. I’m not okay. Kaya lang paano ko sasabihin sa kanya ‘yung tungkol kila Piper?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, “Is it about your friends?” My eyes grew wide. He knew? “Napansin ko lang na hindi ka na nakikipag-interact sa kanila. Kung may problema ka, okay lang sabihin mo sa akin. I’m your father, Hailey.”

Pinaglaruan ko ang kamay  ko at yumuko. Iniisip ko kung paano ko ba sasabihin ang lahat kay daddy kaya lang parang wala namang tamang paraan.

“Just speak, Hailey.”

So I did. Nagsalita ako. Kwinento ko ang lahat ng nararamdaman ko. Sinabi ko na natigil kami sa pagiging magkaibigan noong first year kami hanggang sa naging sagutan namin ni Piper kagabi.

Buong oras na kwinekwentuhan ko siya ay nakatahimik lang siya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya and that scares me more.

Matapos kong magkwento ay nakatahimik pa rin siya at pagkalipas siguro ng dalawang minuto- which is like the most dreadful two minutes of my life- ay nagsalita na siya, “I see. Madalas kaming magsama ni Warren dahil siguro parehas kaming mahilig sa sports. At least two times a week kung maglaro kami ng basketball. Ngayon na lang medyo nabawasan dahil sa parusa niyo. Madalas din kaming magkakwentuhan dahil sa parehas kami ng pinapanuod at dumadayo pa ako madalas sa bahay nila para kasama siyang manuod.” Hindi ko maintindihan kung bakit niya kwinekwento sa akin ang bagay na ‘to. Bakit naipasok sila ni Warren sa usapan.

“Nagselos ka ba kay Warren kasi mas madalas ko siyang kasama kaysa sa ‘yo?”

“Ha? Hindi po? Bakit po?”

Ngumiti siya sa akin at umiling, “Hmm. Mas madalas kaming magkasama ni Warren kaya sa magkasama ang mommy mo at si Piper. Nagsasama lang sila para bumisita sa boutique ng mommy mo at leace twice a month. A month, anak. Not week. Ngayon.. bakit mas nagseselos ka kay Piper kaysa kay Warren?”

“It’s different. Lalaki ka. Babae kami. Besides, ikaw naman po, gumagawa ka ng way para makausap ako. Nag-uusap naman tayo at nakikipagbiruan ka sa akin. Unlike mom. She’s not trying.”

Saglit na napapikit si daddy at huminga ng malalim, “Hindi mo pwedeng idahilan na magkaiba kami ng gender. Parehas ka naming anak at parehas mo kaming magulang kaya walang pagkakaiba ‘yun. Isa pa.. kung hindi mo alam.. sinusubukan niya, Hailey. Hindi mo lang makita kasi ayaw mong tingnan. Lumalapit siya, tinutulak mo siya palayo.  Nakikita ko ‘yun. Sa tuwing magkasama kami tapos hindi ka namin kasama todo alala siya sa ‘yo. Kahapon.. gusto ka niyang tawagan every hour kasi first time niyang matulog nang hindi ka kasama pero pinigilan ko lang siya kasi baka magalit ka and that one time.. one time.. na tinawagan ka niya, what did you do?

“Mahal kita, anak kaya lang hindi na tama ‘to. Kung ang makaka-close ba ng mommy mo ay si Nate o si Warren ganyan pa rin kaya ang reaskyon mo? Nag-aalala ako sa ‘yo kaya sinasabi ko ang mga bagay na ‘to. Just open your eyes at makikita mong marami kaming nagmamahal sa ‘yo. Huwag mong ikumpara ang sarili mo kay Piper kasi magkaiba kayo. At huwag mo rin pagdudahan ang pagmamahal sa ‘yo ng mommy mo kasi mahal ka niya higit pa sa pagmamahal na binibigay niya kahit kanino. Baka kahit sa akin man.”

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng luha ko hanggang sa nagtuloy-tuloy na ‘to. Aaminin ko.. alam kong totoo ang sinasabi ni daddy kaya lang ayaw kong tanggapin sa sarili ko ‘yun palibhasa masyado akong nainggit at nasilaw kay Piper. Kaya maski ang mommy ko naitulak ko na palayo.

Nagsisisi ako na kanina nung tinawagan niya ako bago sila umuwi, parang pinipilit ko pang patayin agad ang call. Masyado akong busy sa insecurities ko at sarili ko lang ang iniisip ko kaya hindi ko na nagawang isipin ang nararamdaman ng mommy ko. She loves me. She does. Mahal niya ako kahit palagi ko siyang tinatalikuran. Mahal niya ako kahit palagi ko siyang tinatakbuhan. Anong ginawa ko?

Iyak lang ako ng iyak nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Daddy. Tama sila. Mali ako. Ano na ang gagawin ko?

“It’s never too late to make things right,” bulong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

28.4M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...
581K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
6.9M 103K 24
Ang She Died po ay ini-adapt bilang isang manga or comics, available po ang She Died manga sa bookstores nationwide. 150 pesos po ang Volume 1, tagal...