My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

361K 24.4K 3.4K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 18

5.5K 387 27
By DyslexicParanoia

Senda's P.O.V.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay, ang alam ko lang ay kung ano ang bumulaga sa akin sa muling pagmulat ng aking mga mata...

Apat na kakilakilabot na mukhang nakatunganga sa aking mukha. Nakalutang ang mga ito sa aking ibabaw at pawang mga wala ang kalahati ng kanilang katawan.

Ako mismo'y nabingi sa sarili kong pagtili. Nagsipagliparan naman papalayo ang mga nilalang na iyon sa bigla kong pagbangon nang paupo.

Wala pa rin namang puknat ang aking pag-irit, hanggang sa dumampi na ang aking paningin kay Luis. Nakaupo ito sa isang engrandeng silya sa sulok ng napakalaking silid na aking kinaroroonan. Nakatakip din ang magkabilang tenga nito na tila ba rinding-rindi ito sa akin.

Paglalao'y ako rin naman ang napagod sa kasisigaw, kaya naman ako na rin ang nagkusang huminto.

"Tapos ka na ba?" nakangising tanong sa akin ni Luis, habang tumatayo ito at naglalakad papalapit sa napakalaking kamang kinuupuan ko.

"Ano ang mga 'yun?" nanginginig ako habang itinuturo ko ang mga nilalang na putol ang katawan. "Anong ginagawa nila sa akin?"

"O bakit? Masama bang bantayan ng mga manananggal ang kanilang reyna?" Nakabungisngis na wika ni Luis.

Agad ko itong sinaksak ng matatalim na tingin, bagaman hindi ko pa rin naman maitago ang matinding takot, "nasaan ako?" iniikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. "Anong ginagawa ko rito?" tiningnan ko rin ang malaking kamang may lambong. "Bakit ganito ang hitsura ko?" napagtanto kong nakasuot na ako ng asul na sayang yari sa velvet. Tadtad na rin ng ginintuang singsing at mga purselas ang aking magkabilang kamay at pupulsuhan. Mayro'n na rin akong suot na makapal na gintong kuwintas na tila kaya na nitong pugutin ang aking leeg kung hahaklitin ito mula sa akin. May mga hikaw na rin akong may mga palawit, at isang mahabang banda ng alahas na lantay ng mga batong nakapaikot sa aking ulo bagaman nakakapa ko lamang ito ngayon.

"Bakit po, mahal na Reyna?" wika ng isa sa mga nilalang na putol ang katawan, na bagaman nakakatakot ang hitsura'y may tinig ito ng isang babaeng malumanay magsalita. "Bagay naman po sa inyo ang kasuotang pinili para sa inyo ng Panginoon."

"R-Reyna? Anong pinagsasabi mo riyan?" nagdali-dali akong bumaba sa kama. Hindi naman makapa ng mga paa ko ang mga bakya ko kaya bahagya akong nagkumahog, "ano ba 'yan, nasaan na ba ang mga bakya ko?! Saan niyo dinala ang mga bakya ko?" Yumuko ako sa bandang ilalim ng kama ngunit napaupo ako sa labis na pagkagulat nang may mga kulubot na kamay ang bigla na lamang sumulpot mula roon. May hawak itong isang parihabang unan na nay ginintuang pares ng sapatos.

Nakasimangot na nilingon ko namang muli si Luis, na tila isang baliw na walang humpay sa katatawa habang pinagmamasdan ako.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Wala na po kayong suot na bakya nang inuwi kayo ng Panginoon dito." Wika ng isa sa mga putol na nilalang. "Iyan na lamang po muna ang isuot niyo. Malambot po naman 'yan at yari sa tunay na balat ng buwaya, bagaman itinubog po ito sa mamahaling ginto ay nananatili po itong kumportable sa paa."

Mukhang wala naman akong magagawa kung talagang wala na ang aking mga bakya, kaya isinuot ko na lamang ang mga ito kahit na labag ito sa aking kalooban.

"Panginoon," wika ng tinig ng isang babae, mula sa labas ng pintuan ng silid. "Nakahanda na po ang hapag-kainan para sa inyo at sa inyong panauhin."

"Sige. Lalabas na kami." Sagot ni Luis sa babaeng nasa labas. "Pero iwanan niyo muna kami sandali."  Sabi naman nito sa apat na nilalang na putol ang katawan.

Agad naman na nagsisunuran ang apat. Tahimik na pumila ang mga ito sa paglabas.

"Pati po ba ako, Panginoon?" tanong ng nilalang ba nasa ilalim ng kama.

"Oo."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko na ang kabuuan ng nilalang na iyon habang gumagapang ito patungo sa pintuan.  Isa pala itong taong ahas na may ulo at mga kamay ng sa tao, ngunit ang ibaba ng katawan nito ay katulad ng sa isang Anaconda na hindi lamang yata dalawampung talampakan ang haba.

***

"Ano ba talagang klaseng lugar itong pinagdalhan mo sa akin?" nasa hapag-kainan na kami na sa sobrang haba ng lamesa'y halos hindi ko na halos maaninag ang mukha ni Luis sa kabilang dulo. Hindi ko naman maintindihan kung bakit nagpaiwan muna kami sa silid kanina gayung hindi rin naman nito ako kinausap. "At ano ito?" inginunguso ko ang isang tipak na inihaw na karne sa plato ko. "Karne ng ano ba 'to?"

"Huwag kang mag-alala. Karne ng tupa lamang 'yan." Ngumingisi ito sa akin na tila nang-iinis. Abala ito sa paghiwa sa kanyang karne.

Hindi ako sanay kumain ng karne kaya tinutusok-tusok ko lamang ito ng kutsilyo. "Wala ka ba talagang balak sagutin ang mga tanong ko? Ano ka ba talaga? Bakit may mga halimaw dito sa mansiyon mo? Isa ka ba talagang Arkeologo at Kolektor ng mga tunay ba halimaw? Dinala mo ba ako rito para maging isa sa mga kuleksyon mo?!"

Humalakhak muna ito matapos nitong nguyain ang pagkaing nasa bibig nito, bago nito sinabing, "akala ko ba nagtatanong ka? Pero bakit ikaw rin ang sumagot sa lahat ng itinatanong mo?"

Ibinagsak ko ang kubyertos na hawak ko sa ibabaw ng babasaging plato sa harapan ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ako Aswang!"

"Alam ko." Muli niyang inasikaso ang kanyang pagkain.

"Hindi rin ako manananggal!"

"Alam ko rin." Muli itong sumubo at ngumuya na tila sarap na sarap ito sa kinakain niya.

"'Yun naman pala eh." Hindi ko na maitago ang matinding pagkainis. "Eh bakit dinala mo pa rin ako rito? Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?"

Binitawan nito ang kubiyertos na hawak bago nito hinaplos-haplos ang sarili nitong baba. "Hindi mo naitatanong na isa rin akong tagapagkasundo ng mga nilalang na gustong makapag-asawa ng mga tao, kapalit ng mga ginto, pilak at mamahaling mga bato. Itinituro lamang nila sa akin ang partikular nilang natitipuhan, at pagkatapos ay ako lamang ang nagrarasyon nito sa kanila."

Agad akong kinabahan sa naging panibagong tema ng kanyang pananalita.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"May isang napakayamang eternal na nilalang ang nagkagusto sa 'yo. Matapos ang napakahabang panahon ay ngayon lamang ito muling nakaramdam ng gayon. Mayro'n itong maipapalit sa akin na gustong-gusto ko kaya, hiniling ka nito sa akin kapalit ng gusto ko."

"N-nilalang...eternal?" unti-inti kong nararamdaman ang panlalamig ng mga paa't kamay ko. "A-anong klase ng eternal na nilalang? M-Maligno? A-aswang? Engkanto? D-demonyo?"

Umiling muna ito, bago nito sinabing, "Nephilim...isa itong Nephilim."

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 61.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
3.7M 64.2K 50
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
69.3K 1.8K 32
Read at your own risk!
171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...