Mask Off, Rosegun.

By Leanesha

768K 18.8K 819

COMPLETED (Isa sa mga nauna 'kong isulat dito sa Wattpad so i-expect ang kajejehan ng author.) Highest Rank A... More

MOR
Note
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Author's Note
Dreame

Chapter 48

10.2K 224 7
By Leanesha

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom. Iminulat ko ang aking mga mata at kaagad kong naramdaman ang katawan ni Zander sa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang asawa ko ay nakaupo sa isang upuan habang ginagawang unan ang kama ko.

Agad akong na guilty, may dextrose pa siyang dala-dala. Agad akong umayos ng upo.

"Kawawa naman ang asawa ko..." Sinimulan ko nang hagurin ang buhok niya.

"Hubby..." Sinimulan ko naring halik-halikan ang ulo niya.

Agad siyang nagising. Tumingin siya sa akin at agad na ngumuso. Natawa ako.

"Come here, bakit diyan ka kasi natutulog..." Pinagpagan ko ang gilid ng kama ko.

"Hindi mo ako pinapansin. Alangan namang iwanan kita rito?" Napangiwi ako. Isang linggo nga tayong hindi nagkita.

Pero dahil nakasimangot parin ang asawa ko, kaagad akong lumapit sa kaniya para bigyan siya ng halik.

"Sorry po..." Hinaplos ko ang baba niya. Nagpapalambing lang ang isang ito.

"Tara na rito, rito kana matulog hubby. Magpapa deliver ako ng pagkain." Hindi ko siya maalalayan tumayo dahil ang bigat-bigat na ng katawan ko dahil sa mga anak namin.

Hindi naman siya gaanong nahirapan sa pagtayo. Kaagad siyang tumabi sa akin.

"Are you hungry?" Tanong niya.

"Obviously, hubby." Tinatawagan ko ang tauhan ni Zander para magpautos.

"Ma'am--"

"Bilhan mo kami ng pagkain ni Zander. Gusto ko 'yong may mainit na sabaw, okay?" Habang nag-uutos ako kay Andrew ay naramdaman ko ang kamay ni Zander sa tiyan ko. Nilingon ko siya at nagkatitigan kami.

I smiled at him but he remained serious.

"Okay po, Ma'am. Ay ma'am!"

"What?" Napakunot ang noo ko sa tono ng boses ni Andrew.

"Pwede pasabay kami? Hehe." Tumaas ang kilay ko. Hindi ba pinapakain ni Zander ang mga ito?

"Syempre. Orderin niyo kung ano man ang gusto niyo." Narinig ko silang nagsigawan.

"YAS WHOOOO! SAWANG-SAWA NA AKO SA PAGKAIN NG HOSPITAL!" Rinig kong sigaw nila.

Pagkain ng hospital? Diba mga pasyente lang naman ang binibigyan?

"TANGINA. NAMISS KO NA MAG PIZZA."

Napailing nalang ako at hindi ko pa man binababa ang phone ko ay kaagad itong nahulog dahil sa paghila sa akin ni Zander.

"Hubb-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sa biglaang paghalik sa akin ni Zander.

Marahan at mabagal. Sa hindi malamang dahilan, nanubig ang aking mga mata.

I missed him. I missed my husband. Sobrang nag-alala ako. Dahil sa halik niya, muli kong naalala ang takot ko, ang pangagamba ko nang makita siyang mabaril. Ang makita siyang duguan.

He wiped my tears. And continue kissing me again na buong puso kong tinugunan.

My Mafia Boss. I never saw him like that. Nakilala ko siyang astig at malakas. Pero ng dahil sa akin, ng dahil sa pagmamahal niya sa akin, nalalagay ang buhay niya sa peligro.

He wiped my tears again. Tinitigan niya ako habang ako naman ay nanunubig ang aking mga mata habang nakangusong nakatitig sa kaniya.

He smiled at me and he gave me another kiss.

"I love you my wife. So much. You're my life." Mas lalo akong naluha. Konting salita lang ni Zander, ng asawa ko, nawawala na lahat ng pagdududa sa isip ko.

"I love you too, hubby. Sobra-sobra. Takot na takot ako... Akala ko, mawawala k-kana sa akin." Dahil sa pag-iyak ko, nautal ako.

"Shh. Stop crying now." Hinalikan niya ang pisngi kong basa-basang ng luha. "Umiiyak din ang mga babies natin. It kills me more everytime i see you crying. Walang-wala sa tama ng baril ang sakit na nararamdaman ko tuwing umiiyak ka. Parang pinipiga ang puso ko."

I smiled at him. Naglapat ang aming mga ilong at ito'y aming pinaglaruan.

Dumating na ang pagkain namin. Nakaupo kami ngayon sa sofa ng kwartong ito. Naghahanda ako ng pagkain samantalang si hubby ay nagsasalang ng movie.

"What do you want to watch, wife?" Tanong niya.

"Avengers or any superpower movies will do." I answered. Hindi ko siya nililingon dahil busy ako sa pag-aayos ng pagkain namin.

"Okay..."

Nang matapos na ay sakto namang tapos narin siya. Maingat siyang lumapit sa akin.

"Done preparing?" Nakangiti akong tumango.

"Yup."

Hindi niya inaasahan ang pagsubo ko nang pagkain sa kaniya. Dahil nakatingin siya sa TV kaya natapon sa suot niyang lab gown ang soup.

"Ay!" Kaagad akong tumayo at naghanap ng tissue.

"It's okay, wife. I'll just remove this thing." At walang preno-preno niyang hinubad ang lab gown niya at naiwan nalang ang boxers niya.

"What the fvck, hubby!?" Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Why the fvck are you cursing, wifey?" Pagalit niyang tanong.

Oo nga pala, ayaw niyang nagmumura ako.

"Sa tingin mo makakakain ako ng maayos niyan!? You're flexing your abs!" Ang galit niyang ekspresyon ay unti-unting nawala hanggang sa tumawa siya.

"HAHAHAHAHA! Oh, wife! You're so cute, damn it." Inirapan ko na lamang siya.

"Come here, wifey. Come on, i'm hungry too." Pinaypayan ko ang sarili ko.

"Na s-stress ako sayo, alam mo 'yon?" Ngumisi siya sa akin at agad na hinawakan ang tiyan ko.

"Come here my preggy mommy. I'm going to show my abs to our babies." Hindi na ako sumagot o nag protesta pa. Pero iniiwasan ko talagang mapatingin sa maganda niyang katawan. Especially sa abs niya! Damn.

Bakit ba ngayon pa ako nahihiya? Ngayon pa na may tatlo na kaming anak!?

Umupo ako sa tabi niya. Ramdam na ramdam ko ang titig niya habang nagsasandok muli ako ng pagkain.

"Staring is rude, Mister." Inilapit ko sa bunganga niya ang kutsara. Nakangisi niya naman itong isinubo. Mas lalo akong napasimangot.

Kumain din ako ng soup.

"Come on, wifey..."

"Tigilan mo ako, Anderson ha. Kakain ka ng mag-isa riyan, tamo." Masungit kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm just kidding, i'm sorry. Ang bilis naman mapikon ng buntis ko. Hmm." Nilapit niya ang mukha niya sa leeg ko.

Mabilis naman na humupa ang inis ko. Tinignan ko si Zander at bumuntong hininga.

Inalis niya ang mga hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"Don't be shy, wifey. I'm all yours. My body, my mind, my heart and my soul. It's all yours. Ngayon ka pa ba nahihiya, eh may tatlo na tayong anak?" Nanlaki ang mga mata ko. Nakangiti niya kong hinalikan.

"What? Alam m-mong--"

"Yes. No'ng hindi mo ako pinansin no'ng araw na 'yon, pumunta ako sa ob-gyne mo at ayon nga, nalaman ko na may triplets tayo. Pero nalito ako nang sinabi ni Jackson na we're having a twins. Dahil alam kong hindi nagkamali ang pandinig ko. She said that we're having a triplets." Napanguso ako. Wala na akong masabi. Akala ko pa naman ay masi-sikreto ko sa kaniya.

"Akala ko pa naman ay ma su-surprise kita. Tsk."

"Iyong soup, malamig na!" Kaagad akong kumain at sinubuan ko rin si Zander.

"You surprised me from the very beginning, wifey. I didn't expect that we're going to have a triplets. Not just one, not just two but three." Nagkatinginan kami. I sighed and smiled.

"I love you, Zander."

"I love tou too, Wifey. And i promise to love you forever."

Bumilis ang mga araw at siyam na buwan na ang pagbubuntis ko. Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal namin ngayon.

"Wife! I told you, stay in our bed and don't do anything, argh!" Nilingon ko si Zander at tinaasan ng kilay.

"Sinisigawan mo ba ako, Zander? Umagang-umaga ha." Kaagad na lumambot ang ekspresyon niya at lumapit sa akin.

"Nope. I am not shouting at you. I'm sorry. Good morning, Wifey. I love you." Binigyan niya ako ng halik. Kaagad akong ngumiti.

"I love you too. Umupo kana riyan at kakain na tayo."

"Where's Nanay Coring?" Himbis na sundin ang sinabi ko ay niyakap niya ako mula sa likod.

"Nagdidilig ng mga halaman. Paano, ang dami-dami mong halaman, eh wala ka namang tagadilig. Ang taba din ng utak mo eh no?" Tumawa siya sa sinabi ko.

"Damn wife. Bakit puro pambabara nanaman ang lumalabas sayo?"

"Magtigil Zander ha. Magtigil. Hindi kita pakakainin diyan."

Umangat ang ulo niya. "You can?"

"Hehehe. Hindi syempre. Mahal na mahal kaya kita no."

Hinalikan niya ang leeg ko. "I love you more. Pero bakit ba kasi ikaw ang nagkikilos? Dapat ay nagpapahinga kana lang."

Lumayo ako sa kaniya dahil luto na ang pagkain naming lahat. Ang totoo, marami naman talagang katulong dito sa bahay ni Zander. Pero ayokong inaasa sa kanila na dapat ay ako ang gumagawa. Ako ang ina ng bahay na ito. Pero pag hindi ko talaga kaya, hinahayaan ko na ang mga katulong.

"Hubby, sabi ng doctor maglakad-lakad ako para mas mapadali ang panganganak ko." Nilapag ko ang mga pagkain at kaagad akong tinulungan ng asawa ko.

"Maglakad-lakad wifey. Hindi magkikilos." Napangisi ako.

Lumapit ako sa asawa ko na nakasimangot parin. Hinawakan ko ang mga pisngi niya.

"Hubby, ayos lang ako, okay? Sasabihin ko naman kapag may kakaiba akong nararamdaman." Ngumiti ako sa kaniya at tumingkayad para bigyan siya ng halik.

"Whooooo! Maga-maga, porn agad." Si Joshua na may pagtakip pa ng kaniyang mga mata pero may butas parin naman.

"Wanna die, Joshua?"

"Huwag kang kakain ha."

Sabay kami ni Zander na nagsalita kaya nagkatinginan kaming muli at ngumisi sa isa't-isa.

Lumapit si Dan kay Joshua. Namumungay pa ang mga mata nito na halatang antok pa.

Tinapik niya sa balikat si Joshua. "Okay lang 'yan, minsan masaya rin ang mamatay ng maaga."

Natawa ako at umiling sa kaniya.

"Pfft. Hahahaha!"

"Gago lahat kasi pinapansin mo! Hahahaha!"

"Zander, ijo. Nadiligan ko na ang mga halaman ha." Tumango si Zander kay Nanay.

"Salamat po Nanay Coring. Sumabay na po kayo sa amin." Tumingin sa akin si Nanay kaya agad ko siyang nginitian.

Lumapit sa akin si Nanay. "Ang laki-laki na ng tiyan mo, ija. Pwede bang naroon ako sa panganganak mo?"

Sasagot pa lamang sana ako nang naunahan na ako ni Zander.

"Ofcourse Nanay, hindi ka pa man nagsasabi ay isasama talaga kita. I want you to be there. Gusto ko rin na turuan mo ko kung paano mag-alaga, Nanay."

Tumango si Nanay habang nakangiti. "Osige, ijo. Gusto ko 'yan."

"Salamat Nanay."

"Osiya, kumain na tayo."

"Bossing, pahinga muna tayo sa mga missions kung ganon?" Lumingon ako kay Zander. Hinihintay ko ang sagot niya sa tanong ni Gray.

"Yes. Hanggang sa manganak ang asawa ko. Hahayaan muna natin silang gawin 'yong mga binabalak nila." Tumingin sa akin si Zander at ngumiti.

"Tapos pag bumalik tayo, bakbakan na ulit," sagot ni Jackson habang sumusubo ng pagkain.

Napakunot ang noo ko nang may maalala ako. "Asan si Denise? Bakit parang hindi ko na siya nakikita?" Simula nung i-kwento niya sa akin ang tungkol sa pag turo sa kaniya ni Jackson ng self defense at pag hawak ng baril ay hindi na kami muling nagkita.

"Natutulog lang, Ma'am," sagot nito sa akin.

"Pre, parang pinapagod mo si Denise ha." Pang-aasar ni Andrew.

"Gago," Maikling sagot ni Jackson.

"Jackson, nasa harap tayo ng pagkain." Tumingin siya sa akin at tumalikod tiyaka muling nagmura. Nagtawanan naman sila.

Tumaas ang kilay ko. "Pinopilosopo mo ba ako, Jackson?"

Kaagad itong napalunok. "H-hindi po ma'am."

Inirapan ko siya at kumain na lamang at syempre hindi nawala sa hapag kainan ang tawanan at kalokohan lalo na't kasama ko ang mga ito.

Nandito kami ngayon sa garden ni Denise. Kumakain siya ng cake at may shake pa habang ako naman ay tahimik na pinapanood ang pagbaba ng araw.

"Alam mo, hindi ko naiintindihan ang trabahong pinili mo. Puro gulo, barilan, sakitan tapos hindi ka pa sigurado kung makakauwi ka ng buhay. Kaya ayaw na ayaw ko sa trabaho mo pero wala akong magawa. Diyan ka masaya. Diyan ka kuntento." Hindi ko siya nililingon pero patuloy akong nakikinig sa kaniya.

"Pero naintindihan na kita nang makitang binaril ang asawa mo na dapat ay para sayo. Inisip ko ang buhay mo, ng mga inaanak ko. Kahit ayokong humawak ng baril, ginawa ko kasi kailangan ko. Kailangan kong protektahan ka. Gaya ng pag protekta mo sa akin noon... hanggang ngayon." Nilingon ko siya at ngumiti sa kaniya. Ganon din siya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako roon.

"Kaya pinapangako ko, simula ngayon... sasamahan kitang alagaan ang sarili mo at ang mga anak mo. Sasamahan kitang protektahan ang pamilya mo. Gaya lang ng mga bata pa tayo." We smiled at each other and after three seconds, we laughed.

"Okay ba? Kinabisado ko 'yan." Tumango-tango ako.

"Pumasok kana sa pbb, mananalo ka ron."

"I know right."

Muli kaming tumingin sa pababang araw.

Totoo nga ang salitang, sa bawat pagbaba at pag angat ng araw ay panibagong simula. Bagong pag-asa.

Dapat hindi tayo sumusuko sa mga problemang hinaharap natin, dahil katulad ng mga araw, may katapusan din 'yan. May hangganan din 'yan. Laban lang at magtiwala ka sa kaniya.

Dahil nandito ako ngayon, kasama ng mga mahal ko sa buhay at...

Hinawakan ko ang tiyan ko.

At kasama ng magiging pamilya ko.

***
-

Lea_Nesha

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 690 19
|Complete| Book 1: Secretly Married To Mr President Book 2: officially married to Mr president. Book 3: Before our tale ends I love you till my last...
6.4M 328K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
12.7K 625 53
"Pinagtagpo pero 'di itinadhana." Paano kung ang paglayo niya ang tangi lamang paraan para masagip ka? Handa ka bang tanggapin na hindi kayo para sa...
15.9K 670 35
COMPLETED "ANG GUSTO KO BOYFRIEND KAYA BAKIT NIYO AKO BIBIGYAN NG LALAKING AYAW SA TAO" - Oceana Maritez Woodfare (Best Girlfriend ng taon)