The Academy Of Paragons

Oleh miss_teriQuil

2.5K 153 3

What's your ideal school? Plot Summary: The story revolves around the students from the prestigious high sch... Lebih Banyak

Must Read!
Prologue:
Volume I : chapter 1
Volume I: chapter 2
Volume I: chapter 3
Volume I: chapter 4
Volume I: chapter 5
Volume I: chapter 7
Volume 1: chapter 8
Volume 1: chapter 9
Volume 1: chapter 10
Volume 1: chapter 11
Volume 1: chapter 12
Volume 1: chapter 13
Volume 1: chapter 14
Volume 1: chapter 15
Volume 1: chapter 16
Volume 1: chapter 17
Volume 1: chapter 18
Volume 1: chapter 19
Volume 1: chapter 20
Volume 1: chapter 21
Volume 1: chapter 22
Volume 1: chapter 23
Volume 1: chapter 24
Volume 1: chapter 25
Volume 1: chapter 26
Volume 1: chapter 27
Volume 1: chapter 28
Volume 1: 29
Volume 1: (30)
Volume 1: (31)
Volume 1: (32)
Volume 1: (33)
Volume 2: (1)
Volume 2: (2)
V2:(3) PE Martial Arts Arc 1
V2:(4) P.E MARTIAL ARTS ARC
V2(5) PE MARTIALS ARC 3

Volume I: chapter 6

76 3 0
Oleh miss_teriQuil


Paalis na ngayon ng school si Serah nang may naka rinig siya na sigaw ng babae na animo'y galit. 

Nakita ni Serah mula sa malayo na umiiyak yung babae sa harapan ng lalakeng naka tingin lang sa kanya na parang naiinip. 

Gusto ni Serah na lumapit para puntahan ang babae pero hindi niya naman alam anong nagyayari.
"If you hear, act like you didn't. If you saw, act like it's nothing". Tanging nasabi niya at tumalikod, aalis na sana siya ng magsalita ang lalake.

"Tapos ka na bang magdrama?  Kase hinihintay niya na ako"
Sabi ng lalake sa babae. Hindi napigilan ni Serah na lumingon, hindi niya makita ang mukha ng babae kase naka talikod ito pero halatang nagulat sa sinabi ng lalake pero hindi na pinansin ni Serah at humakbang na sana para umalis.   Kailangan niya nang makarating sa gate baka hinihintay na siya ni Mang Nicolas.

"anong ibig mong sabihin? "

"hayst aalis na siya". Sabi ng lalake habang nakatingin sa direksyon ni Serah dahil napansin niya si Serah kaya kailangan niyang magsinungaling at gamitin si Serah para lubayan na siya ng babae. Ngunit hindi na ito narinig ni Serah kaya naglalakad na siya ng dalawang hakbang.

Hindi pa siya nakalayo ay agad na may humawak sa kamay niya na ikinagugulat niya.

"maiwan na kita kase baka magalit na itong girlfriend ko...halikana babe". Sabi niya sa babae at mabilis nahanawakan ang kamay ni Serah. Tumalikod na siya sa babae at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Serah at hinila para sumama sa kanya. 

"you're so mean Lancelot!!!  I hate you! ". Sigaw ng babae na mangiyak-ngiyak na sa lalake. Hindi niya ito pinansin at binilisan niya pa ang paglakad niya at sinusubukan siyang pigilan ni Serah.

"Begone"

Hindi niya lang ito pinansin. Bagkus ay nag diretso lang ito sa pag lalakad habang hila hila ang kamay niya. Hindi niya nasabi sa babae kanina na hindi niya kilala ang lalakeng to dahil narin sa nagulat siya sa agad na inakto ng lalake.

Nasasaktan na si Serah sa ginawa niya.  Ang sakit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Serah kaya napangiwi na lamang ito.  he is strong!

Nang makalayo na sila sa lugar na iyon. Huminto sila sa ilalim ng malaking puno at agad niyang binitawan ang kamay ni Serah. napaungol nalang siya ng mahina dahil sa sakit.  Pakiramdam niya tuloy nabali na ang mga buto ng daliri niya.

" hindi kita kilala. Sino ka ba?  Babalikan ko yung babae at sabihin sa kanya ang totoo"

Hahakbang na sana siya para bumalik sa lugar na iyon.  Pero sa isang iglap lang hinila ng lalake ang braso niya at sinandal siya sa puno. Napapikit na lamang siya sa sakit dahil malakas siyang tinulak para makasandal sa puno.  Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang minulat niya ito dahil sobrang lapit ng mga mukha nila.  Tinulak niya yung lalake pero agad niyang nahawakan ang mga kamay ni Serah at nagsisimula na siyang pumiglas. 

"What are you...? "
Pagpupumiglas niya. Hindi lang siya pinansin ng lalake. Sinandal nya lang ang kanyang kanang palad sa puno.  Now she's being cornered. Walang emosyong naka tingin ng diretso si Serah sa mga mata ng lalake habang ang lalake naman nakakunot ang noo.

"walang aalis, walang magsusumbong"
Mahina pero may pagka diin niyang sabi. At binitiwan niya na ang kamay ni Serah. Tumalikod siya kay Serah at nilagay ang kaliwang kamay sa bewang niya. At binalik ang atensyon kay Serah.

Tumitig lang ito sa kanya ng ilang segundo bago magsalita.

"kasalanan mo rin naman,  bakit ka kase nagpakita sa mata ko kaya wala na akong magawa kundi gawin 'yon, pero buti nalang at nakita kita dahil kung hindi baka hanggang ngayon nando'n parin ako..."

Tumalikod muli siya kay  Serah but he turned his face towards her.

"ngayon ko lang nakita mukha mo, tch kaya naman pala next week pa ang regular class ng mga senior high..tch mabobored talaga ako nito"

Why you're always blaming me for everything?  Napakamot siya sa kanyang sariling batok at hindi alam ni Serah kung namalik mata lang ba siya o talagang may nakita siyang tattoo sa kaliwang pulsuhan ng lalake.

"pero,  mag ingat ka sa mga peragon na isa sa mga Elite students at mga peragon na kulay ang mga buhok..."
Tiningnan niya si Serah nang hindi umiimik habang nakatingin sa kanya ay napakalmot nalang sa sariling batok. "hayst, bakit ko ba sinasabi sayo 'to".sabay niyang bulong. "sige, salamat.". Dagdag niya at patakbong umalis. Pinanood lang ni Serah na maglaho ang likod ni Lancelot.

When she realized that Mang Nicolas was still waiting for her at the gate, she hurried off. Fortunately, Lancelot led her not far from the main entrance.

Tumungo na siya sa gate na dinaan niya kanina, ginamit niya ang ID card na bigay ni Sam kanina para makalabas.  At buti na lang kakarating lang ni Mang Nicolas.  Pumasok na siya sa taxi bago paman niya ito pinaharurot.

Sigh.

Sa buong oras na biyahe ay hindi kumikibo si Mang Nicolas.  Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse tanging ang ingay lang ng sasakyan ang naririnig niya.  Napahawak siya sa ulo niya dahil kumikirot ito. 

"HAHAHA"

Biglang kumunot ang noo niya dahil sa tawa na narinig niya kay Mang Nicolas pero hindi boses matanda kundi boses binata. 
Sinilip niya kung sino ang lalakeng tumawa.

"Eli?"
May bahid na ngiti sa kanyang mga labi nang binanggit niya ang pangalan niya.  Hindi niya mapigilang ngumiti Dahil siya ang sumundo kay Serah ngayon.

Naka bucket hat ito na kulay itim.

Tinanggal niya ang kanyang bucket hat at ginulo ang sariling buhok.

"ayos ba? "
Tanong nito sa kay Serah.  Sinilipan niya si Serah through mirror. Ngitian lang siya ni Serah bilang tugon.

"masakit ba ang ulo mo? "

"How did you know? "

"sabi kase ni lolo na kapag sobrang tahimik ay sumasakit 'yong ulo mo"

So sinadya niya talaga na hindi kumibo.
"balak ko sanang makita ang reaksyon mo unang una palang pero nagdesisyon nalang na hindi magsalita para masaksihan ko kung totoo ba". Humahalakhak siya sa tuwa habang nagmamaneho.

"ngayon napatunayan mo na. Salamat sayo at sumakit ang ulo ko"

Tumawa lang ito. Ngayon ay naka tingin siya sa labas. Malayo na sila sa PJ high.

"stop the car"
Utos ni Serah. Tinabi niya ang kotse sa tabi ng daan. At lumabas si Serah sa kotse na ikinagulat ni Eli.

"Saan ka pupunta? "
Hindi niya pinansin at lumipat sa front seat.  Nakatingin si Eli sa kanya ng gulat,  sinara naman ni Serah ang pinto at nagseatbelt.

"let us go? "

Ngumiti si Eli at napangiti rin siya.  Hinarurot niya na ang sasakyan.

" 'musta 'yong unang araw mo sa klase? "
Tanong niya habang nakatingin sa daan at nagmamaneho.

"So-so,  may nalaman ako tungkol sa PJ high....at bago pa ako lumabas sa gate may nakausap akong lalake..."

Lumingon si Eli sa kanya at binalik ang tingin sa daan.

"sabi niya na mag-ingat daw ako lalo na sa mga elite students at mga estudyante na kulay ang mga buhok. hindi ko siya maiintindihan kung bakit"

"sinong lalakeng tinutukoy mo? "

Naalala ni Serah sinigaw ng babae sa lalake.

'you're so mean Lancelot!!!.. I hate you! '

"Lancelot? The guy with a tattoo on his wrist"

Tanging lumabas sa bibig niya. Alam niyang tattoo yung nakita niya sa pulsuhan nito. Dahil may Tattoo din si Alex.

The moment she mentioned his name Eli suddenly stop the car. At muntik na silang masusob sa harapan.

"pasensya na, nabigla lang ako"

Bakit naman siya nabigla sa pangalan ng lalakeng iyon?
O marahil ay 'yon ang nag b-bully sa kanya noon. Yan ang sumagip sa isip ni Serah. Dahil may ikiniwento si Eli sa kanya noon na pinaglalaruan siya mga kaklase niya sa PJ High kung kaya't naisipan niyang mag transfer na lamang ng ibang eskwelahan para mag bagong buhay at makalimutan ang kanyang sinapit sa eskwelahang iyon.
Maybe he still holds a grudge against him for the way he treated him in school.

"why? Did that person previously harm you in any way? Does he know you? "

"ah wala kalimutan mo na lang"

Kumunot ang noo niya dahil ayaw sabihin ni Eli sa kanya ang totoo pero nirerespeto niya ito. Marahil ayaw niyang pag usapan ang nangyari sa kanya noon. 

"Okay,  if that is what you want "
Balin ni Serah sa labas. Salit niyang tinapunan ng tingin si Serah at binalik ang atensyon sa daan. Huminga nalang ito nang malalim.

○●○●○●●●

"1 week? "

Tanong ni Serah kung ibang babae pa ay sumigaw na ito pero dahil kalmado ang ugali ni Serah kaya hindi mo maisip na magagawa niya 'yon. Tumango lang si Eli sa kanya habang nageempake. Nagpaalam si Eli na isang linggo siyang mawawala dahil may pupuntahan siya.  Kaya siya ang sumundo kay Serah kanina para makita niya ito sa huling pagkakataon.

"oo"

"bakit ganun ka tagal? "
Pero hindi ito sumagot. Marami pa sana gustong tanungin si Serah sa kanya. Now she almost forgot about the dorm. 

"If so, may I then move into the PJ high dorm? "

Hindi pa ito sumagot.

"para hindi na mahihirapan si Mang Nicolas ihatid at isundo ako"  pagpapaliwanag niya. Pero para kay Serah hindi niya dapat ito sinabi ngunit dahil nasabi niya na kaya paninindigan niya nalang ang magiging reaksyon ni Eli.

"It would just be simple for me and Mang Nicolas if I moved there, as you are aware" dagdag niya. At parang kinakabahan pa ito. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan kahit na alam niyang hindi naman siya pinapagalitan o sisigawan ni Eli. Maybe because she always considered Eli's feelings.

Huminto si Eli sa kanyang ginagawa at humarap kay Serah.

"talaga bang ayos lang sayo?"
Tanong sa kanya ni Eli at tumango nalang si Serah.
"pero hindi ka na makabalik dito"
Habol niya.

"what do you mean? "
Mahina niyang tanong. huminto si Eli sa kaka-empake at hinarap si Serah ulit na ngayon diretso lang nakatingin sa kanya.

"once doon kana titira Hindi ka na ulit makakalabas doon. Makukulong ka doon makakalabas ka lang 'pag naka graduate ka na".pananakot ni Eli sa kanya.

"what? Why! "

"isa 'yon sa mga rules na ginawa ng presidente dati. Ayaw niyang may labas pasok sa campus kaya ginawa niya ang rule na iyon at alam kong nanatili parin ang rules na iyon"

Naiinis si Serah sa hindi malaman na dahilan. Ngayon bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Sam no'ng araw na 'yon.

'Hindi ka ba mag d-dorm, it's required y'know'

Ah, so that's what he means?

"do you mean si Geovany? The campus president? "

"Geovany?.." kumunot ang noo ni Eli na tila may naalala. "Nakilala mo na pala siya. Ba't ganun tawag mo sa kanya? Buong PJ High tawag sa kanya President o hindi Mr. Cabrera. Ikaw lang siguro ang tumatawag sa kanya sa pangalan niya ". balin niya kay Serah

'Yon din ang tawag ni Serah sa kanya no'ng una pero siya mismo nagsabi na Geovany na lang ang tawag ni Serah sa kanya.

"even Lancelot calls him by his first name,  what's the problem with that?  He is still a human we breathe the same air plus he is the one who told me to call him by his first name"

"ano?..ah hindi na 'yan mahalaga.  Kailangan ko nang umalis"

"why are you in a rush? Eli! "

"tatawagan na lang kita. (sigh)  payag na akong doon ka titira..."

"pero hindi na kita makikita ulit, si Mang Nicolas  at hindi na ako makakaturo sayo"

"papayagan ka nila pag gumawa ka ng gate pass at ipakita ito sa mismong presidente pero makalabas ka lang sa araw na sabado at linggo pinapalabas naman mga gustong umalis eh pag weekends"

Tumango lang si Serah.  Sinara niya na ang zipper ng bag pack niya na hindi gano'n kalaki at kinarga ito.

"ako nang bahala sa apartment pagkauwi ko"

"mag-ingat ka"

"palagi naman akong nagiingat eh"

Hinawakan niya ang ulo ni Serah at ginulo ang buhok nito. Napayuko na lamang siya ng konti sa ginawa sa kanya ni Eli.

"aalis na ako"

Hinatid siya ni Serah pababa.  At nakita ang motor niya na nakaparada sa tapat ng apartment. Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at hinarurot ito.  Sa isang iglap lang hindi na nakita ni Serah ang motor sa bilis niyang magpatakbo.

"Bye Eli"
Bulong niya sa sarili kahit alam niyang hindi ito maririnig.

Umakyat na siya sa hagdan at tumungo sa apartment niya.

Kinuha niya ang kapiraso ng papel na may numero ng paaralang PJ High.

Dinial niya ito sa telepono.  Sampung segundo bago paman ito sinagot.

"Hello? "

Boses lalake ito.  Husky voice hindi ito si Geovany kundi hindi pamilyar na boses.

"my name is Zeus... Whatever, who are you anyway?  Why are you calling this school at this hour? " sa kabilang linya.
Nagulat na lamang si Serah sa asal ng lalake na nasa kabilang linya.

"yes school, I'm the new scholar student Serah Mcbain Balzano and I'm calling to speak with the headmaster of PJ High ". Mahinhin niyang sagot.

"for what?  You're just bothering him"
Sa kabilang linya. Nagdududa si Serah na baka pinag laruan lang siya ng lalakeng nasa kabilang linya. Dahil sa ideya na iyon ay hindi siya nakapag timpi.

"pardon". Hindi niya akalain na ganito babati sa kanya ang lalake.
Nagulat si Serah nang hindi na nagsasalita ang lalake sa kabilang linya.

"Hello? "
Hindi ito sumagot at wala narin siyang naririnig sa telepono. Siguro binaba niya na ito.  Ibaba na sana ni Serah nang biglang may nag salita.

"hello? ". Sa kabilang linya.

Agad na tinapat ni Serah ang telepono sa tenga niya.

"I'm sorry for the inconvenience Ms? "

"Balzano..  Serah Mcbain Balzano "

Sa pagkakataong ito mahinahon na ang boses niya.
"ah okay,  I'm so sorry but  the headmaster isn't here at the moment and I'm just his substitute for now but I can help you"

"Alright, thank you"
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ni Serah sa kanya ang sadya niya na papayag na siyang lilipat dorm.  At sinabi ng lalake na maghintay siya ng dalawang araw bago lumipat doon dahil maghahanap pa sila ng magiging room niya lalo pa't bagong estudyante ito.  Sumang ayon naman si Serah And that's the end of their conversation.

Napabuntong hininga nalang siya at binagsak ang sarili sa kama.

○●○●○●○

ZACH EDWARD

Napabuntong hininga na lang ako bago binaba ang telepono.

Hindi ko mapigilan ang tawa ko.  Nauto ko siya Hahahaha  Pinaniwala ko siya na ako si Zeus.  Laughtrip pre!  Hahaha

Nahirapan pa akong baguhin boses ko dahil gusto ko nang tumawa. Pinipigilan ko lang.

Serah Macbain?
Huh!

"sorry natagalan ako,  May kausap ka ba kanina?..o ba't parang ang saya mo ata? "

Tanong ni Zeus sa akin na kakarating lang.
Hindi parin nawala ang ngisi ko.

"nakausap ko lang 'yung bagong scholar"
Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko.  Umupo ako sa couch at siya umupo sa kanyang swivel chair.

" so what did she say, and what are you laughing about? "

"hinahanap niya ang headmaster dahil lilipat siya sa dorm sinabi ko na maghintay siya ng dalawang araw dahil hindi ko alam anong sasabihin. "
Sagot ko.

"Why didn't you call me? Wala nga ang headmaster ngayon but I'm her substitute"
Bumuntong hininga lang ako.

"you're not fun at all". Binagsak kolang ang sarili ko sa couch.

"fun or not, as if I care". Naiinis niyang sabi at mahinang umiling.  Seryoso lang ako nakatingin sa kanya.

  May kinuha siyang white folder sa ilalim ng mesa niya at inabot ito sa akin.  Tumayo ako para kunin 'yon. Nang tuluyan ko nang alisin ang tali ng folder nakita ko ang isang litrato ng babae na nasa 2x2 size picture. 
Nakangiti ito na parang walang problema sa buhay. Walang bahid na lungkot sa kanyang mga mata.

I stop upon seeing her sweet smile. A smile that I can't take my eyes off. . She's smiling as if it was the happiest moment in her life.  Straight hair at naka black ito na parang may designed na floral ang damit.

"what's with that sudden stare Zach?  Are you already that INLOVE?  "

Mapang-uyam niyang sabi. Agad kong binalin ang tingin ko sa kanya. At tiningnan lang siya ng masama.

Sa baba ng litrato niya ay may nakasulat na pangalan niya.

  Serah Mcbain Balzano.

Siya pala ang bagong scholar? Hindi ako makapaniwala na ang babaeng pinaglaruan ko kanina ay may mala anghel ang itsura. Sa unang tingin kala mo hindi makakabasag pinggan pero baka 'tulad lang siya nang ibang babae. 

Napansin 'kong walang pangalan ng ama at ina niya. Pero may pangalan ito ng Guardian.  Nicolas Robles.

Pinalit ko ang pahina at doon nakalagay ang profile niya bilang isang peragon.

"Set C"

Basa ko sa papel.  Kala ko pa naman nasa set A siya dahil itsura mayaman. Dahil meron ring scholar na napunta sa Set A.

Dumapo naman ang mata ko sa class information niya.  

"magkaklase kame? "
Tanong ko sa sarili ko.  Narinig ata ni Zeus yung bulong ko dahil rinig kong tumawa ito.

"sineswerte ka nga naman"

"bakit may balak ka ba? "
Tanong nito sa akin habang nilalaro ang ballpen na hawak niya.

Ngumisi lang ako sa kanya. 

"Papasok na ako bukas Mr. Jase"

Diin ko pa sa apelyido niya.  At nilapag ang folder sa mesa niya.  Ngumisi lang ito sa akin. 

"pag naging CEO na ako bibilhin kita ng maraming maraming pikachu stuff"

"hindi ko na kailangan , mukhang nahanap ko na ang pikachu na nagiisa lang sa lahat"

Huling sabi ko sa kanya at umalis na sa office pero narinig ko pa ang sigaw at pagmumura sa akin ni Zeus.

"Ew! Zach you're so gross!"

This is not right! Why am I already attracted by her stupid smile!

Serah Macbain Balzano

◇◇◇◇

HINDI pa nila regular class ngayon kaya naisipan ni Serah na pumasyal sa buong campus.

Nasa open area siya naglalakad. marami rin siyang makikitang estudyante. Maraming nagtataasang mga pole. Lumingon siya sa mga nagtataasang building ng school na nasa harapan nito ay nandoon ang pinaka malawak na field. Naglakad siya papunta sa may puno para umupo sa bench sa tabi lang ng building nang may nakarinig siya na nagsasalita sa likod ng malaki at nagbeberdeng halaman.  Sumilip siya para malaman kung ano ang nangyayari at boses lalake ito.  Huminto siya bago niya pa man masilipan ito.
Ayaw niya sanang sumilip para hindi siya madamay dahil kailangan niyang maging alarma dahil sa sinabi ni Lancelot kahapon.

"ibigay mo na lang kase sa akin 'yung papel kung ayaw mo masaktan"

Rinig niya sa kabila.  At rinig niya naman ang ungol ng isa pang lalakeng na parang nasasaktan. Hindi niya na napigilan ang sarili niya at sumilip na lang.

May nakita siyang isang lalake na naka salamin na yakap yakap ang bag habang nakayuko at pinapalibutan naman ito ng tatlong lalake na tinulak tulak siya.

Para kay Serah pamilyar ang ganitong senaryo. Oo, madalas niyang nakikita ang ganito sa mga pinapanood niyang movie at pelikula. At para sa kanya ito ang unang pagkakataon niyang makita ito ng personalan.
At para hindi madamay sa gulo kunwari wala siyang nakita!  if you saw act like it's nothing.

Napangiwi nalang siya dahil kahit ayaw niya ay hindi siya pipigilan ng konsensya niya kahit pinagbalaan na siya ni Eli no'ng una palang.
Lumabas siya sa malaking halaman at sumigaw.

"sto..."

Pero bago niya natapos ang isisigaw niya may tumapon ng bag sa lalakeng nasa gitna. Kaya napa atras siya.

"sinong.... "

Sigaw ng lalakeng nasa gitna na lider nila. Napalingon silang lahat sa lalakeng tumapon ng bag. Nanlilisik ang mata ng lider nila habang naka tingin sa lalake at sinundan ni Serah ang tingin nito.

"Ah, bag ko 'yan . Pasensya na may nakapagsabi kase sa akin na pwedeng lumipad yung bag kaya tinesting ko lang"

Nakita ni Serah ang isang lalakeng nakatayo at nakatingin sa kanila habang naka ngisi.  Naka bulsa ang dalawa nitong kamay.

Naka hati sa gitna ang bangs nito na halos matakpan na ang mga kilay. Ang kanyang maamong mukha at malalim na mata ay seryosong na nakatingin sa mga lalake. Maari siyang tawaging cute at gwapong lalake. Makisig ang kanyang katawan at naka suot lamang na puting polo at neck tie na kulay itim na tulad sa uniporme na nakita niya kay Lancelot.

Humakbang ito sa direksyon ng tatlong lalake dahilan para maalarma ang tatlong.

Are they scared of him? Hindi naman siya isa sa mga sinabi ni Lancelot sa kanya dahil ang buhok niya ay natural black na may medyo pagka-light brown kung maiilawan ito ng sinag ng araw at hindi ito naka kulay na sinasabi ni Lancelot o baka isa siya sa mga Elite class. Takbo sa kanyang isip.

"si Zee? "

Tanong ng isang lalake.

"tsk!  Tsk! Tsk! pero hindi ko alam kung anong meron sa papel na sinasabi niyo kaya nagtataka lang ako kung anong meron doon "

Wika nito sa mahinahon pero madiin na boses.  Nagsitinginan naman silang tatlo sa isa't isa.  May pagkahambog ang awra niya. Ngumiwi siya.

"sa susunod 'wag na 'wag niyo nang kunin ang papel ng iba,  maliwanag?  Ayaw ko kayong saktan.."

Huminto ito ng ilang segundo at napatingin sa direksyon ni Serah. Kaya mas lalo siyang napa atras. Nakita niya si Serah. binalik niya agad ang tingin sa tatlong lalake na ngayon alerto.

"dahil ayaw kong magkaroon ng masamang impression sa akin ang babaeng iyon"

Pagpatuloy niya.  Binulong niya pa ito pero narinig naman ng dalaga.  Halatang nagulat ang apat na lalake sa sinabi niya. At lumingon sila kay Serah.

"huh!  You mean nagpapakabayani ka? "

Madiing tanong ng isang lalake ngunit halatang kinakabahan.  Tumayo ng diretso ang tatlong lalake at humarap sa kanya.

"huh!  Hindi kame takot sayo,  Zee!"

Tapang nitong sabi.
Napabuntong hininga nalang si Zee.

Nilabas nito ang kamay na galing sa bulsa. At mas nataranta pa ang mga lalake.

What a sight! Pakiramdam tuloy ni Serah ay nanunuod siya ng palabas.

Umaktong susugod si Zee kaya nagsitakbuhan naman yung tatlong lalake sa takot.

Hayst!  What a fool! .ang nasabi ni Zee sa kanyang isip.

Hindi nila alam na tinakot lang sila ng lalakeng ito. Hindi naman 'yon susugod.

Tumawa naman ng mahina si Zee.  At sumigaw ng..

" 'wag na 'wag na kayong kukuha ng papel sa iba ng sapilitan ah!! At wag na kayong manggulo matutong bumili ng papel niyo mga gago! Bakit pa kayo nandito sa PJ High kung wala naman kayong pambili ng papel!"

Sigaw nito ng may diin at kumaway para magpaalam sa tatlong lalake.
Nakangisi parin ito at humakbang para pulutin ang bag niya.  Pinagpag niya ang kanyang bag at humarap sa lalake.

Walang magawa si Serah kundi panoorin sila.

"ayos ka lang? "
Tanong nito sa lalakeng naka salamin.
Tumango naman ang lalakeng naka salamin at nagpasalamat at halatang nanginginig parin lalo na si Zee ang kaharap niya.

Pinagpag ni Zee ang lalakeng naka salamin para alisin ang dumi sa damit nito na ikinagulat ng lalake.

"sa susunod sabihin mo sa akin kung may nang bully sayo ah"

Halos hindi maka sagot ang lalakeng naka salamin dahil sa gulat.

"o sige,  aalis na ako"

Kahit mabuti ang ginawa ng lalake para kay Serah parang ang yabang niya parin sa paningin niya.

Lumakad na ito at panay pasalamat naman ang lalakeng naka salamin.  Lumakad ito papunta sa direksyon ni Serah ng naka bulsa ang mga dalawang kamay habang diretso lang naka tingin at hindi nililingon si Serah.

Habang naka tayo at hindi makagalaw si Serah lumagpas sa gilid niya ang lalakeng si Zee na parang hindi siya nakikita at napakindat na lang si Serah ng tatlong beses nang lumagpas na ito sa kanya.

Tumalikod si Serah para harapin ang lalake na si Zee ngunit naka talikod na ito sa kanya at ngayon pinapanuod niya na lamang maglaho ang likod nito.

Eli!  May nakilala na naman akong bagong lalake.  sigaw niya sa kanyang isip. Kung nandito lang si Eli ay ibabahagi niya ito. Dahil hindi lahat ng estudyante sa PJ High ay nag b-bully sa mga mahihina. Naiisip niya lang ito sapagka't hindi niya pa kilala ang ibang Peragon o Paragon hindi niya pa ito nakilala.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
164K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
284K 19.8K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...