SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (C...

By khelielove

778K 20.7K 4.5K

LISTEN... Do you wanna know a big secret? Do you promise not to tell? Let's see... Discover the secr... More

T E A S E R
P R O L O G U E
S.U. 1 Getting Ready
S.U. 2 Finalizing Everything
S.U. 3 The Decision
S.U. 4 Knowing Everyone
S.U. 5 The Top 2
S.U. 6 Marketing Project
S.U. 7 New Faces
S.U. 8 Family Picture
S.U. 9 Kilig for the First Time
S.U. 11 Jealous Mode
S.U. 12 Rule #1
S.U. 13 Guidance & Dean's Office
S.U. 14 Changes
S.U. 15 Worrying Part
S.U. 16 Marketing Event
S.U. 17 The Winner
S.U. 18 Houston Corporation
S.U. 19 The Truth
S.U. 20 Musical box
S.U. 21 Friends
S.U. 22 Like a candle
S.U. 23 Missing Hailey
S.U. 24 Motor Accident
S.U. 25 The Two Leaders
S.U. 26 John Tino
S.U. 27 First Adventure
S.U. 28 Aphotic Dread, a secret friend
S.U. 29 The Gertler
S.U. 30 Finding the Felon
S.U. 31 Saving the child
S.U. 32 The Boss
S.U. 33 A normal feeling of being a HUMAN
S.U. 34 Back to School
S.U. 35 Christmas for a Cause
S.U. 36 Battle of the Bands
SECRETS
You are INVITED!!!
S.U. 37 Campus Masquerade Ball Party
S.U. 38 Masquerade Dance Party
S.U. 39 Dark Night
S.U. 40 The Life of the Two Leader
S.U. 41 The Unexpected Visitor
S.U. 42 Another Secret
S.U. 43 Unbelievable
S.U. 43 A Traitor or Not?
S.U. 44 The other side
S.U. 45 Who are you?
S.U. 46 Her Heart
Make your VOICE count!
S.U. 47 His Heart
S.U. 48 The Final Plan
S.U. 49 Chen's Family
S.U. 50 Chen's Thanksgiving Party
S.U. 51 A best friends Attack
S.U. 52 The Final Battle
EPILOGUE
Thank YOU!
LIST OF CHARACTERS
Update

S.U.10 The Prince Move

15K 452 136
By khelielove

CHAPTER 10

THIRD PERSON'S POV

"Good morning Tita Hei," bungad ni Knox nang tawagan niya sa telepono ang ina ni Hailey.

Nalaman niyang may dinner mamaya ang pamilyang Chen at Sandberg. May binubuo silang negosyo sa ibang bansa na tiyak na papatok sa panahon ngayon.

Naisip ni Knox na surpresahin si Hailey. Ilang araw na rin kasi silang hindi pa nagkikita. Kakailanganin niya ang pagsang-ayon ni Mrs. Heidy para mabuo ang kanyang plano.

"Good morning Knox Rei, how are you?"

Kumuha muna nang malalim na hininga ang binata 'saka nagsalita, "I'm good Tita, how about you? I just want to ask if you'll join our family dinner tonight?"

"Yes, we'll be there. Why? Is there something wrong?" Mapapansin ang pag-iba ng tono ng boses ni Mrs. Heidy. Bahagya itong nangamba.

"No Tita! I'm planning to give or set up something for Hailey later. Is it okay po?"

Ilang segundo ang lumipas, naghihintay pa rin si Knox sa sagot. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at ilang beses siyang bumuntong hininga.

"Really? Do you like her?" diretsong tanong ni Mrs. Heidy na nagpaiba sa pakiramdam ni Knox. Namumula ang mukha ng binata. Napapatingin siya sa kung saan at napapangiti na hindi makuha ang tamang isasagot sa tanong.

"Honestly Tita...." Nagdadalawang-isip siya kung dapat na ba niyang sabihin ang kanyang nararamdaman sa ina ng dalagang gusto niya. Hindi siya sigurado kung magiging maayos ang usapan nila o lalayo ang loob sa kanya ni Mrs. Heidy. Subalit mas mainam ng sabihin agad kaysa sa patagalin pa.

"I like her Tita. I'm sorry but I think, I'm falling in love with her unexpectedly."

Kung kanina ay hindi agad sumagot si Mrs. Heidy, mas matagal ang namayaning katahimikan sa pagitan nila ngayon. Napasapo sa noo si Knox, pakiramdam niya ay wrong timing ang ginawa niyang pagtapat.

Narinig niya ang malalim na paghinga ni Mrs. Heidy sa kabilang linya.

"It's okay Knox, don't worry. If you like her or love her... it's your feeling anyway. To be honest with you, courtship is not okay with me at this moment. My daughter is still in adjustment period wherein she's trying to survive from the unexpected change of our lives. Two years is not enough, she's longing for the love of his father. I hope you do understand."

Nauunawaan ni Knox ang pinupunto ni Mrs. Heidy subalit kailan ang tamang panahon? Pakiramdam naman ng binata ay talagang hihintayin niya ang tamang panahon na kung saan ang lahat ng bagay ay aayon na sa kanya.

"It's up to you if you will take my suggestion in a positive way. Just give her some time to enjoy her college life with new friends, new atmosphere and new found happiness. In the right time, you can court her even without my permission. I know you and your family, my approval is with you. For now friendly dates na lang muna ha. Kilalanin ninyo muna ang isat-isa."

Natuwa na nalungkot si Knox. Alam niya kung ano ang tamang gawin at iyon ay pakinggan ang suhestiyon ni Mrs. Heidy. Plano niyang maging malapit na magkaibigan muna sila ni Hailey at ipapakita niya kung paano magmahal at magpahalaga ang isang Knox Rei Chen.

"Naiintindihan ko po, gusto ko rin po munang maging magkaibigan kami."

"Salamat! Alam kong mabait kang bata. 'Wag mong sirain ang tiwala ko sa 'yo," sabi agad ni Mrs. Heidy.

Napangiti si Knox. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya sisirain ang ibinigay na tiwala sa kanya at maging ang binigay na approval ng ina ni Hailey ay sisikapin niyang hindi mabawi.

"Thank you Tita. Kaya ko pong maghintay sa tamang panahon. Puwede ko bang malaman kung ano pong paborito ni Hailey? Bagay, pagkain o kahit anong magpapasaya talaga sa kanya?"

Sandaling natigilan si Mrs. Heidy at inisip ang mga paborito ng anak.

"Sa mga bagay, kahit ano na nagpapasaya talaga sa isang babae, pero subok ko na ang mga bulaklak at teddy bear. Noon pa man ay mahilig na mahilig siya sa mga iyon kaya hindi ako nagsasawang bigyan siya ng gano'n kahit paulit-ulit. At gusto rin niyang pinapakitaan siya ng espesyal. 'Yun bang ipaparamdam sa kanya na isa siyang prinsesa."

Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng binata. Ang mga balak niya ay angkop na angkop sa sinabi ngayon ni Mrs. Heidy. Sigurado siyang magugustuhan ni Hailey ang gagawin niya mamayang gabi.

"Thank you so much Tita Hei. Magugustuhan niya talaga ang surpresa ko mamayang gabi!" pagmamalaking sabi ng binata.

Napailing na lang si Mrs. Heidy sa kabilang linya. Ang mga kabataan nga naman, ang daming mga plano at gimik na gustong gawin. "Siguraduhin mo lang Knox ha, para makuha mo ang loob niya at maging mag kaibigan kayo."

"Yes po! Sige po Tita, salamat ng madami! Have a great day!"

Nagsimula nang tawagin ni Knox ang mga assistant niya para sa gagawing surpresa. Hindi na siya mapakali sa tuwa! Saktong-sakto ang mga ideya niya sa gusto ni Hailey. Sisiguraduhin niyang magiging kanais-nais ang gabi nilang dalawa.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Papunta na sa lugar ang mga Sandberg, sa Old Aubergine Restaurant na kung saan naghihintay na ang mga Chen's sa kanila.

Nang marating na nila ang lugar ay sinalubong agad sila ng receptionist.

"Good evening, welcome to Old Aubergine Restaurant!"

Ngumiti ang mag-ina sa kanya. "Good evening, reserved table for Mr & Mrs. Chen," sambit ni Mrs. Heidy.

Habang naghahanap ang receptionist sa listahan nila ay iginala muna ni Hailey ang kanyang paningin sa paligid.

Ang desenyo at istilo ng restaurant ay base sa taong 1900. Gawa ito sa bato at ang mga ginamit na kulay ay masasabi mong nalipasan na rin ng panahon, may mga halamang gumagapang na halos naokupa ang mga dingding, may mga lumang istatwa sa paligid na iginaya sa taong iyon at napalilibutan din ng puno ang lugar. Magaling ang pagkakagawa ng restaurant na ito dahil naiparamdam at naidala ang mga customer sa panahong iyon sa pamamagitan ng disenyo at istraktura.

Napako ang tingin ni Hailey sa isang puno na medyo malapit sa kanya. Maraming ilaw ang nakapalibot sa mga sanga nito na agad na nagpalabas sa maganda niyang ngiti. Ilang sandali lang ay may nakita siyang lalaki na nakatayo malapit roon. Hindi niya maaninag masyado ang mukha ng lalaking iyon subalit sigurado siyang nakatingin iyon sa kanya. Nakasuot ng black leather jacket at black pants ang lalaki.

Tinitigan iyon ng dalaga, nakatayo ng diretso ang lalaki at nakatingin pa rin sa kanya. Mayamaya'y kinulbit na siya ng kanyang ina. "Sweetie, tara na sa loob."

"Sige mommy."

Ibinalik niya ang tingin sa may puno subalit wala na roon ang lalaki. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid para hanapin iyon ngunit hindi na niya nakita pa.

"Hailey? May problema ba? Kanina ka pa patingin-tingin diyan," nag-aalalang sabi ni Mrs. Heidy.

Napansin ng dalaga ang pagkunot ng noo ng kanyang ina. Hinawakan niya ang kamay nito at agad na ngumiti. "Wala naman po... nagandahan lang ako sa paligid."

"This way Ma'am, Mr. John will accompany you. Enjoy your dinner!" sambit ng receptionist.

Lumingon ang mag-ina sa itinuro ng babae. Nakatayo sa gilid si Mr. John at sinamahan na sila papunta sa reserved seats nila. Habang sila'y naglalakad ay napukaw ng mga nakasabit na paintings ang atensyon ni Hailey. Abstract ang mga desenyo nito na kailangang titigan nang maigi para lubos na maintindihan ang gustong iparating ng mga painting.

Nasa second floor na sila nang magpaalam si Mrs. Heidy na pupunta muna sandali sa powder room.

"Nasaan ang reserved seats para sa amin?" tanong ng dalaga.

Itinuro ni Mr. John ang kabilang parte ng kainan. "Doon po tayo sa bridge garden, Ma'am." Naglakad si Mr. John papunta roon. Sumunod naman agad sa kanya si Hailey.

"Excuse me, hintayin na lang natin si mommy dito."

"Susunduin ko na lang po siya. Pumasok na po tayo sa loob." Hindi na umalma pa ang dalaga dahil halos magkalapit lang naman ang lugar at ang powder room.

Pinagbuksan ni Mr. John ng pinto ang dalaga at sinabihang mauna na siya sa loob dahil susunduin pa nito si Mrs. Heidy. Tumango si Hailey. Pagpasok niya sa silid ay nagtaasan ang mga balahibo niya sa braso dahil sinalubong siya ng malamig na hangin at madilim na paligid.

Wala siyang makita kaya tumalikod siya at kinapa ang switch ng ilaw malapit sa may pinto ngunit wala siyang nakapa. Kaya hinawakan na lang niya ang door knob ng pinto para lumabas dahil sa tingin niya ay baka maling silid ang pinagdalhan sa kanya ni Mr. John.

Subalit nang mabuksan niya na ng kaunti ang pinto ay bigla siyang may narinig na tunog. Isang musikang pamilyar sa kanya ang ritmo. May tumutugtog ng paborito niyang kanta.

Tumalon ang puso niya kaya napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang lamig sa kanyang dibdib. Muling nagtaasan ang kanyang mga balahibo sa braso nang may kumanta. Ang boses ng lalaking kumakanta ay napakalamig sa pandinig. Naistatwa na si Hailey habang nakikinig sa musika.

We'll do it all

Everything

On our own

We don't need

Anything

Or anyone

Hindi niya mahanap ang kumakanta dahil ang paligid ay madilim pa rin.

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me

And just forget the world?

Napangiti ang dalaga. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nasasabik makita kung sino ang kumakanta dahil sa ganda ng boses nito. Biglang may umilaw na spot light sa kanyang harapan. Nasa garden siya at nakita niya ang napakadaming bulaklak.

Lalong lumaki ang kanyang mga mata nang makita na ang mga bulaklak pala ay nakaayos ng hugis puso. Hindi napigilan ni Hailey lumapit sa mga iyon. Hinawakan niya ang mga bulaklak at inamoy-amoy pa. Ang maganda niyang ngiti ay hindi na natanggal sa kanyang mukha habang hawak ang mga bulaklak.

I don't quite know

How to say

How I feel

Those three words

Are said too much

They're not enough

Nakisabay ang dalaga sa pagkanta. Halos hindi siya masyadong mapakali dahil sa dami ng hinahawakan niyang bulaklak. Ito talaga ang kanyang kahinaan. Sobrang mahal niya ang kahit na anong klase ng bulaklak.

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me

And just forget the world.

Forget what we're told

Before we get too old

Show me a garden

That's bursting into life

Napansin niya na may umilaw sa kabilang bahagi ng hardin. Natanaw niya ang maraming teddy bears na nakaupo sa isang mahabang upuan.

"Wow! Ang cute nila!" sambit ng dalaga.

Tumakbo siya papunta sa mga iyon. Naupo siya sa upuan at niyakap ang mga teddy bears. Madalas kasi siyang binibigyan ng kanyang ama ng iba't ibang kulay ng teddy bears noon. Simula no'n ay isa na rin ito sa nagpapaligaya sa kanya. Pakiramdam niya ay kasama niya ang kanyang ama kapag may nakikitang ganito.

Let's waste time

Chasing cars

Around our heads

Biglang may umilaw na daan sa kanyang harapan. Tumayo ang dalaga at lumapit doon. Nang makita niya ang daan, napansin niyang papunta iyon sa isang tulay. Sa pagkakataong ito ay napuno na ng magagandang ilaw ang paligid. Hindi na ito madilim tulad kanina.

Naglakad siya papunta sa tulay. Hindi naman iyon sobrang mataas dahil kapantay ng tulay ang second floor ng kainan. Humawak muna siya sa hawakan bago itinapak ang kanyang kanang paa sa tulay. Ilang beses pa siyang kumurap nang umilaw ang unang tinapakan niya. Muli siyang napangiti at diretsong tumingin sa dulo ng tulay. Subalit sa dulo nito ay madilim, wala siyang maaninag.

Humakbang ulit siya, sa bawat paghakbang niya ay umiilaw ang kanyang tinatapakan. Dahil masyado siyang naaliw sa surpresang ito ay hindi na niya namalayang malapit na siya sa dulo ng tulay. Halatang pinaggastusan ng malaki at sobrang pinaghandaan ang surpresang ito sa dalaga.

I need your grace

To remind me

To find my own

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me

And just forget the world?

Nasa dulo na ng tulay si Hailey. Kahit madilim ay hindi man lang natakot ang dalaga dahil napuno ng tuwa ang kanyang nararamdaman ngayon at gustong-gusto na niyang malaman kung sino ang may pakana ng surpresang ito. Mas lalong lumapit ang tinig ng kumakanta. Hula niya ay nag-aabang iyon sa madilim na bahagi ng tulay na ito.

Forget what we're told

Before we get too old

Show me the garden

That's bursting into life

All that I am

All that I ever was

Is here in your perfect eyes

They're all I can see

Humakbang si Hailey palapit sa naririnig niyang tinig. Pagtapak niya ay biglang umilaw ang nasa itaas niya. Para iyong pabilog na bubong na puno ng mga bulaklak. Marami ring mga nakalawit na halaman na mas lalong kuminang sa ganda dahil sa mga ilaw na nag-iiba-iba ng kulay.

I don't know where

Confused about howas well

Just know that these things

Will never change for us at all

Ngayon ay lumiwanag na ng buo ang kanyang nasa harapan. Nasa harap niya ang pabilog na lamesa na may dalawang upuan. Ang lamesa ay may mga bulaklak din. Pagsulyap ng dalaga sa gilid ay napatakip siya sa kanyang bibig. Kitang-kita na niya ngayon kung sino ang nagmamay-ari ng magandang boses na kanyang naririnig. Sumilay ang matamis niyang ngiti. Para bang nabalot ng matinding kagalakan ang kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita agad.

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me

And just forget the world...

Umiling ang dalaga habang papalapit sa kanya ang kumakanta. Halos naningkit ang kanyang mga mata dahil sa lawak ng kanyang ngiti.

"Hi my princess," bati ni Knox pagtapos kumanta.

Mabilis na namula ang mukha ng dalaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagsalita subalit ang ngiti niya ay hindi man lang nabubura.

"Nagustuhan mo ba?" Tumango si Hailey. "Para sa 'yo nga pala." Inabot ni Knox ang isang bouquet ng pink and white roses.

Nang titigan iyon ni Hailey ay agad na lumaki ang kanyang mga mata at tumingin kay Knox. Tumango lang si Knox sa kanya. Napanganga ang dalaga at parang napatigil siya sa kanyang paghinga dahil sa nakikita ngayon.

"Oh my!" Nagningning ang kanyang mga mata at niyakap ang mga rosas. Hindi pa rin siya makapaniwala na nahahawakan na niya ito ngayon.

Ang mga bulaklak na kanyang natanggap ay Juliet Roses. Bihira lang iyon makita at nangunguna sa pinakamahal na bulaklak sa buong mundo maliban sa Kadupul Flower na isang priceless flower at matatagpuan lamang sa Sri Lanka. 

Juliet Rose is a unique flower and took 15 years to bloom. It is known as the £3 million rose. The unusual and sophisticated color of Juliet was not found in roses of the past and is hard to find among modern roses. Pale peach buds open to reveal deeper inner tones neatly arranged within the heart of the bloom.

Isa ito sa pinapangarap ni Hailey na mabili niya sana at maitanim sa kanyang hardin. Paulit-ulit na tumatalon ang kanyang puso sa nararamdamang galak. Ngayon ay natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap... nangyari iyon dahil sa tulong ni Knox.

"My princess?"

Natigilan si Hailey at nakangiting tumingin kay Knox. Nawala ang atensyon niya rito dahil sa mga Juliet roses.

"Thank you so much Prince!"

Bigla niyang niyakap ang binata. Agad na lumiwanag ang mukha ni Knox. Hindi niya iyon inaasahan, lubhang nagalak nang todo ang dalaga sa kanyang surpresa.

"Buti naman at napasaya kita Princess. Maupo na tayo."

Umupo muna ang dalawa. Subalit si Hailey ay lumalayag pa rin ang kanyang mga mata sa paligid. Sakto ang ambiance ng lugar, malamig ang simoy ng hangin, may musikang tumutugtog, may mga halaman at bulaklak. Para sa dalaga ay ito ang pinakaromantikong surpresa na natanggap niya.

Tinignan niya ang mga bulaklak, napansin niya ang mga Tulips, Saffron Crocus, Casablanca Lily, Peony at Lisianthus sa palibot. At ngayon, ang nasa lamesa naman nila ay Glorosia. Kilala lahat ni Hailey ang mga klase ng bulaklak dahil paborito niya ito at may hardin siya sa kanilang mansyon.

"Thank you for all of these. Lahat ng gusto kong bulaklak ay nandito. Biruin mo, kumpleto ang mga sikat na bulaklak sa buong mundo at ang pinaka-precious ay nahahawakan ko na ngayon. Grabe! Hindi pa rin ako mapakali sa mga nakikita ko, lalong-lalo na ito." Ipinakita niya ang hawak na Juliet Roses.

"Welcome, basta para sa 'yo... para sa kaligayahan mo."

Napansin ng dalaga ang pamumula ng mukha ni Knox.

"I'm so happy! This night is the most perfect night for me so far... I love all of these! Very enchanting! From the beginning, you sung the song chasing cars... my favorite, then I saw the spot light, the flowers, the teddy bears, the bridge, the sparkling lights, until I reached the end of the bridge which I saw the well-known flowers around the globe and the most precious one of them all, the Juliet roses! Then I saw you, the most handsome man I know... thank you so dearly for this surprise!"

Bahagyang natawa si Knox nang makita ang reaksyon ng dalaga. Hindi rin ito makapaniwala na ang surpresa nito ay isang perpekto pala para sa dalaga. Hindi talaga nito inaasahan!

"Bakit ka natawa?" taas kilay na tanong ni Hailey.

"Wala 'yun. Natutuwa ako kasi napasaya talaga kita. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang kasiyahan mo! Salamat Princess, sa bawat ngiti mo... napapaligaya mo na rin ako."

Umiling ang dalaga, "Naku, bolero!" Napaubo si Knox sa biro ni Hailey. "Hindi mo man lang sinabing magaling ka pala kumanta," dagdag niya.

Ang alam niya ay nasa dance group si Knox at wala sa musical group. Subalit ang boses ng binata habang kumakanta ay malayo talaga ang mararating kapag narinig ng maraming tao.

"Honestly, I'm a previous member of a band. Pero may nangyaring hindi maganda noon," seryosong sagot niya.

Agad na naalarma si Hailey dahil naiba ang emosyon ni Knox, para bang maling pag-usapan sa mga oras na ito.

"Teka, 'wag na natin pag-usapan para hindi ka na malungkot. Bakit pala nag-set-up ka pa ng ganito? Naglabas ka ng maraming pera para dito, sobrang effort mo a! Pero sandali... sina mommy at sina Mrs. Chen pala? Nasaan na sila?"

Naalala ng dalaga ang kanyang ina kaya napatingin siya sa kabilang bahagi ng tulay.

"Gusto ko lang na mapasaya ka. Sana ay maging magkaibigan tayo Hailey. "Wag mong alalahanin sina Mommy."

Kinuha ni Knox ang dalawang wine glass sa gitna ng lamesa at nilagyan nito ng wine.

"Ano ka ba! Kahit hindi mo 'to gawin ay tinuturing na kitang kaibigan simula no'ng sinamahan mo ako sa first day of school ko."

Inabot ni Knox ang isang glass of wine sa dalaga. "Thank you my Princess. Cheers for the start of our friendship!"

Nag-toss ang dalawa at ininom ang wine. Hindi maikakaila ang sobrnag kasiyahan nila. Maging si Knox ay hindi pa rin matahimik ang kanyang puso sa kakasayaw. Ayaw na nitong lumipas ang mga oras dahil gusto nitong makasama ang dalaga nang mas matagal pa.

"Negosyo ang pag-uusapan nila mommy kaya huwag na tayo sumali sa kanila. Mamaya pa 'yun matatapos," sambit ni Knox.

"Sige! Salamat ulit Prince ha, bigyan mo lang ako ng Juliet Roses paniguradong mapapaligaya mo ulit ako," biro ng dalaga.

"Halata nga sa mukha mo. Bukod sa nanlaki nang sobra ang mga mata ay abot tainga din ang mga ngiti mo."

Napahawak sa magkabilang pisngi ang dalaga. Bigla tuloy siyang nag-alala kung ano nga ba ang itsura niya kanina. "Ikaw ha pinapansin mo pa ang itsura ko, kainis 'to!"

Inirapan niya si Knox pero napangiti pa rin siya sa huli dahil maging siya ay biglang napatawa sa kanyang sarili nang maalala ang sobrang pagkagulat niya kanina.

"Sino ba naman ang hindi papansin sa mukha mo, makita pa lang ang mga ngiti mo ay hindi na matanggal-tanggal ang tingin ko."

"Ewan ko sa 'yo. Bolero! Lumalabas na ang iba mo pang ugali! Tigilan mo na nga 'yan!"

Biglang nahiya si Hailey subalit si Knox, tumawa na naman.

"Ikaw talaga! Kumain na tayo my princess."

Kumain sila at muling nagkuwentuhan. Mas naging malapit ang loob ng isa't isa sa ginawang surpresa ni Knox. Mas marami silang napag-usapan dahil nakampante ang loob ng dalaga sa kanya. Naramdaman ni Hailey na para siyang isang totoong prinsesa dahil sa mga ipinakita at ginawa ng binata sa kanya.

Nahuli ni Knox ang kiliti ng dalaga. Hindi man iyon inaasahan, sobra-sobra ang pasasalamat nito. Hindi ito nagkamali sa kanyang naging plano.

It was a successful night for him!

E N D    O F   C H A P T E R  10
Edited April 16, 2017

HAPPY READING!!!

Please drop down your comments, hit like and share this story.

Maraming salamat po sa pagsuporta. luv yah!

-Ms. K

Let's have a chitchat... follow me here:

Makipagkulitan at mag-share ng mga opinyon at kung ano-ano pa! Join us!
✍FB Group: 
Skrivena University Group
✍FB Page:
Khelielove's Stories
✍FB Accnt:
Khelielove WP
✍Twitter:
Khelielove
✍Instagram:
mjkhelie

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
468K 5.7K 14
✓| Witches don't usually look like those in cliche books who looks like an old woman, hunchback, and a hooked nose. Just like how Luna Hamilton looks...
258K 1.4K 8
Magics? Powers? Hindi ako naniniwala dyan. Sa books at movies lang merong ganyan. 'Yan ang paniniwala ko NOON pero nagbago ang lahat dahil sa pagigin...
1.4M 36.6K 63
She's Zurie Belladona Angeni Achyls. Nasa kamay ng mga bampira ang Mommy nya at gagawin nya ang lahat para mailigtas lang ito. Pumunta sya ng lugar n...