Melting Ice Princess 3

Par jaysanj

1.5M 61.3K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 39

17.4K 816 563
Par jaysanj


Zaparta's POV

Sawakas! dumating na din ang huling araw namin dito sa Empire Island. Simula nung laban namin ni Blysse nung nakaraan ay hindi na ako makapaghintay na makabalik sa camp at magpatulong kay coach Ella. Sobrang excited na akong mag-training ulit kay coach Ella dahil alam ko na ang mga kahinaan ko. Hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko na talagang mag-training ulit.

Pagkatapos kasi ng event nung nakaraan ay pinagpahinga na nila kami. Gusto ko ngang mag-training kahapon kaso pinagbawalan ako ni Marceline at Kriza na mag-training at gusto nilang magpahinga na lang ako dahil napagod daw ako sa laban namin nung nakaraan. Pagod ako pero gusto ko pa rin mag-training pero hindi ako pinayagan ng dalawa at binantayan talaga nila ako. Parang mga ewan lang.

At dahil huling araw na namin ngayon ay ngayon na gaganapin ang pageant. Pagkatapos naming kumain lahat ng lunch ay pumunta kami sa gym. Nagulat kami dahil may mga design na ang gym. Tinapalan din yung sahig para hindi masira. May mga upuan na nakaharap sa stage. May limang mala-emperor chair ang nasa stage at bawat upuan ay may simbolo ng bawat Empire team. Nasa gitna ang simbolo ng Dragon katabi ang Mušḫuššu at Basilisk. Katabi ng Basilisk ang Wyvern tapos Qilin naman sa katabi ng Mušḫuššu. Sa likuran naman ng Dragon, Mušḫuššu at Basilisk na upuan may daanan. Siguro doon kami lalabas mamaya. 

Sinabi ni Stace na wala dapat akong pagsabihan sa kahit kanino sa mga kasamahan namin na ako ang representative ng Dragon para surprise mamaya. Sinabi nya din na palihim akong umalis mamaya para walang makapansin. Hindi naman daw agad mag-uumpisa ang pageant kaya dito muna daw ako. Ime-message nya na lang ako kapag kailangan na ako.

"Good afternoon, everyone!" sigaw ni Trevor habang naka-mic. Kasunod nya si Dru.

"Bilang panimula sa event natin ngayon, tumayo tayong lahat para magdasal at kumanta ng lupang hinirang." sabi ni Dru.

Tumayo kaming lahat. Tumayo sa gitna si Chelsea at sya ang nag-lead ng prayer. Pagkatapos non ay humarap kami sa watawat ng pilipinas habang nasa kaliwang dibdib ang kanang kamay namin. Umupo ulit kaming lahat pagkatapos ng kanta.

"Okay, nagpapasalamat kami dahil naging successful ang Empire Tournament natin at nakita namin na talagang nag-improve kayo dito. Isang buwan lang kayo dito pero madaming nangyari. May maganda at panget na nangyari." sabi ni Dru. Nasa gitna sila ng stage ni Trevor.

"At nagulat ninyo kami dahil mabilis kayong nagkasundong lahat. Iniisip namin na ilang araw bago matapos ang Empire Tournament ay doon lang kayo magkasundong lahat." sabi ni Trevor na ikinangiti ko. "Mabuti na hindi ninyo pinatagal dahil masayang gumawa ng memories dito sa Empire Tournament kahit na hindi maganda ang tinutulugan ninyo." sabi nya na ikinatawa namin.

"Bawat rookies ay dumadaan talaga sa bahay na 'yon bago kayo makatulog sa magandang bahay, depende kung magst-stay kayo sa team ninyo." sabi ni Dru.

"Yup, karamihan kasi ay may umaalis. Ang dahilan nila? gusto nilang talunin ang team natin na hindi matalo talo." sabi ni Trevor.

"Pwera samin." dagdag ni Dru na ikatawa namin. Sila kasi ay natatalo ng Meteor. "Pero babawi kami, syempre."

Medyo humaba pa ang speech nila. Hindi boring pakinggan ang speech nila dahil palaging may nakakatawang pangyayari ang sinasabi nila. Nag-aadvice din sila samin sa mga dapat namin gawin in the future tapos sa bandang huling speech nila ay naging malungkot na. Pinaalala nila samin yung saya na naramdaman namin dito at kung paano naming naging kaibigan ang ibang mga rookies. Nakakalungkot dahil matagal tagal pa ulit bago namin sila makita. Nakakamiss pala talaga sila kahit isang buwan lang namin sila nakasama. 

"Okay! tama na ang drama. Simulan na natin ang awarding!" masayang sigaw ni Trevor. Pumasok sa stage sila Jak, Chelsea at Stace sa stage kasama ang mga medal, flowers, certificate.

"Simulan natin sa 1v1 competition. Top three ang a-award-an ngayon dito." sabi ni Dru. May hawak silang parehas ni Trevor na papel.

"Ang top three natin ay walang iba kundi si Zap ng Dragon Empire!" sabi ni Trevor sabay turo sa direction ng mga Dragon Empire. Nagpalakpakan at nagsigawan sila Marceline nung binanggit ang pangalan ko.

Alanganin na ngumiti at tumayo ako. Naglakad ako papunta sa stage. Lumapit ako kanila Stace. Isinuot nya ang medal sakin tapos nakipagkamay. Sunod na nilapitan ko si Chelsea, nakipagkamay ako sa kanya bago abutin ang bulaklak. At ang huli ay si Jak, nakipagkamay din ako sa kanya at inabot ang certificate. Pagkatapos ay pinagitnaan nila akong lima. Nasa harapan namin si Eunice para kuhaan kami ng picture. Nagpalakpakan ulit ang mga tao pagkatapos.

"Stay ka muna sa gilid." sabi ni Stace kaya sinunod ko naman.

"Next, ang top two natin ay si Kanao ng Basilisk Empire!" sabi ni Dru. Kung wala lang akong hawak na bulaklak at certificate ay sumabay ako sa palakpakan ng mga tao.

Nakangiti ako habang sinusundan ng tingin si Kanao na sabitan ng medal. Pagkatapos nyang kunin ang bulaklak at certificate, nagpa-picture sya sa limang kapitan tapos lumapit sakin.

"Congrats." nakangiting bati ko sa kanya.

"Same." nakangiting napailing na lang ako sa kanya.

"Syempre kilala na natin kung sino ang top one natin sa 1v1 competition. Isang beses lang sya natalo eh. Let's congratulate, Blysse from Wyvern Empire!" sabi ni Trevor. Nagpalakpakan ang mga tao habang nakatingin kay Blysse na naglalakad papunta sa stage. Naka-hood pa rin sya.

"Hindi ako masaya na natalo ko sya pagkatapos kong makita ang laban ninyong dalawa." sabi ni Kanao. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung paano sya ico-comfort.

Pinalapit kami nila Jak kay Blysse para magpa-picture kaming tatlo. Pagkatapos ay bumaba na kami ng stage at bumalik sa pwesto namin. Hindi pa ako nakakaupo nang makatanggap ako ng message galing kay Lori. Sinasabi nyang pumunta na ako ng backstage pero dumaan ako sa likuran para walang makapansin.

"Banyo lang ako guys." paalam ko sa kanila at inalis ang medal sa pagkasuot sakin. Ibinigay ko ito kay Marceline.

"Kung kailan kami na yung a-award-an?" sabi ni Marceline. Napangiwi ako.

"Ang layo pa naman ng banyo dito." sabi ni Justin. Sa bahay o cafeteria pa ang may banyo dito kaya magandang dahilan ang banyo para magtagal ako.

"Bilisan mo, baka hindi mo pa makita si Kriza na umakyat ng stage." sabi ni Marceline. Napatampal ako ng mukha. Oo nga pala, champion si Kriza sa dunk contest. Mukhang hindi ko talaga makikitang umakyat si Kriza mamaya.

"Sige, try ko." sabi ko na lang kahit alam kong hindi ko makikita. Paumanhin na nilingon ko si Kriza bago naglakad palabas ng gym.

Dali-dali akong pumunta sa likuran at pumasok. Hinanap ko agad si Lori at nung makita ko sya sa labas ng isang tent ay dali-dali akong lumapit. Hinila nya ako papasok ng tent namin. Nakita ko din sa loob si Rian.

"Dali! konting oras lang guguhulin natin." sabi ni Rian at pinaupo ako sa harap ng salamin.

"Teka! makeup?" inilayo ko agad ang mukha ko sa brush na ididikit sa pisngi ko ni Rian.

"Ano ka ba? para gumanda ka naman." sabi ni Rian. Sinamaan ko sya ng tingin. Natawa silang dalawa ni Lori. "Wag ka ng maarte. Kailangan maganda kang tignan mamaya." inilayo ko ulit ang mukha ko nung ididikit na naman ni Rian ang brush. "Zap." nanlalaki ang mga mata ni Rian na binantaan ako.

"Kasi naman eh." ayoko kaya mag-makeup. Ang kati sa mukha.

"Light lang gagawin ni Rian sayo dahil hindi mo kailangan magmukhang maganda." sabi ni Lori.

"Alam kong hindi ako maganda kaya wag na ninyong ipamukha." sabi ko na tinawanan lang ako ng dalawa.

"I mean, kailangan mong mukhang handsome." sabi ni Lori. Binawi pa.

"Game!" sabi ni Rian at hinawakan ang pisngi ko para hindi ako lumayo. Napapikit na lang ako habang mine-makeup-an.

Mga ilang minuto ang pagpipintura sa mukha ko tsaka lang sinabi na tapos na. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin, light makeup lang talaga ang ginawa ni Rian. Mukhang fresh na ang mukha ko na kanina ay mukhang pagod. 

"Suotin mo na 'to." tumingin ako kay Lori. Napa-wow ako nang makita ko ang susuotin ko.

"Ang ganda 'no?" nakangiting pagmamalaki ni Rian. Tumango ako bilang pangsang-ayon.

"Mukhang emperor naman ako dito." sabi ko habang tulalang tinignan ang kabuoan ng susuotin ko.

"Yun naman talaga ng theme eh. Dali, suotin mo na para makita natin ang itsura mo." sabi ni Lori. Tinulak nya ako sa isang maliit pa na tent. "Kung kailangan mo ng tulong sabihan mo kami."

"Okay." sabi ko.

Sinimulan ko ng suotin ang damit. Inuna ko ang pantalon tsaka ang boots tapos ang pangtaas. Pagkatapos kong suotin ay lumabas na ako habang inaayos ang iba pang botones.

"Wow!" napatingin ako sa dalawa. Halata sa kanila ang pangkamangha.

"Oh my gosh, Zap, ang gwapo mo." napakunot ang noo ako sa turan ni Rian tapos napailing.

"Buhok mo naman ang ayusin natin." sabi ni Lori at hinila ako pabalik sa upuan.

Tinerentas nila ang buhok kong mahaba pero nag-iwan sila ng bangs. Yung iniwan na bangs ay ini-spray-an ni Rian tapos inayos. Habang inaayos ni Rian ang buhok ko ay napapansin ko na kung anong klaseng hair style ang ginagawa nya.

"Mas mukhang handsome ka kapag ganitong hair style mo." sabi ni Rian. "Ayan tapos na!" sabi nya tapos pinakita sakin ang salamin.

"Wow, bagay pala sakin ang ganitong hair style." sabi ko.

"Ligyan na natin ng contact lens ang mga mata mo." nabibiglang napatingin ako kay Lori. "Mas maganda kapag kulay pula ang mga mata mo lalo na dragon eyes ito." sabi nya tapos pinakita sakin ang contact lens.

Dragon eyes nga ang contact lens tapos kulay pula pa. Tinulungan ako ni Lori na iligay ang contact lens sa mga mata ko dahil hindi naman ako marunong. Pagkatapos ay tinignan ko ang itsura ko sa salamin.

"Wow!" ilang beses na akong napahanga sa itsura ko ngayon lalo na dragon eyes ang mga mata ko ngayon. 

"Konting retouch na lang." sabi ni Rian tapos inayusan ulit ang mukha ko. 

"Guys! ano na?" napatingin ako mula sa salamin nang pumasok si Stace. "Wow. Ang cool mo, Zap!" napangiti ako sa sinabi nya.

"Magsisimula na ba?" tanong ni Lori.

"Oo." sa sinabi ni Stace ay bigla akong kinabahan. Hoo! haharap ako sa madaming tao.

"Okay na! yung cloak na lang." sabi ni Rian. Napatingin ako sa kanya nang may kunin sya sa nakahilerang mga damit.

Pinatayo ako ni Rian tapos isinuot nya sakin ang cloak. Hinawakan ko ang mabalhibong parte. Ang fluffy. Inayos ni Rian at Lori ang ibang parte ng damit.

"Zap, mamaya paglabas mo bawal kang ngumiti." naguguluhan na tumingin ako kay Stace. "Tandaan mo, isa kang high class person, isang Emperor or Empress. Kailangan pagkalabas mo minamaliit mo ang mga tao para magmukha kang mataas na tao."

"Ang hirap naman non. Hindi ganon ang personality ko." sabi ko. Okay sana kung si Kriza dahil sa ugali nya pa lang ngayon.

"Basta kailangan mong gawin. Bawal kang ngumiti kaya wag kang titingin sa gawi ni Kriza." sabi nya.

"Lah." sabi ko. Sabagay, napapangiti nga naman ako kapag tumitingin ako kay Kriza.

"Labas lang ako, para tignan kung tayo na." sabi ni Lori at lumabas ng tent.

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako.



Third Person's POV

"Simulan na natin ang Ms. Empire!" sigaw ni Trevor. May mga nagtaka dahil karamihan sa mga rookies ay hindi alam na may ganong event.

Tumugtog ang remix ng Rockstar. 

"Let's welcome, the first candidate from Basilisk Empire!" masayang sabi ni Dru. Naghiwayan ang mga Basilisk Empire pero iniisip nila kung sino ang representative nila dahil dalawang tao lang ang nakakaalam sa team nila kung sino ito.

Elegant na naglakad ang representative ng Basilisk Empire, suot ang Empire suit nito. Pinaghalong pula at puti ang kulay ng Empire suit nito. May suot din ng corona at nakaipit ang buhok. 

Naghiwayan pa lalo ang mga Basilisk Empire nang makilala nila ang representative nila. Si Kanao. Walang emosyon na pinapakita si Kanao na naglalakad sa magkabilang gilid ng stage habang nagpo-pose ng maangas. Tumigil sa harap ng mic-stand si Kanao at doon tumahimik ang lahat.

"Good afternoon, I'm Kanao from Basilisk Empire." sabi ni Kanao. Naghiwayan muli ang mga Basilisk Empire at iba ay natawa sa ikli nitong pagpapakilala.

Naglakad papunta sa upuan ng Basilisk Empire si Kanao pero hindi ito umupo. Nanatili syang nakatayo habang nakaharap sa madaming tao.

"Now, let's also welcome the candidate from Mušḫuššu Empire!" sabi ni Trevor.

"Kung sino ka man galingan mo!" sigaw ni Chariz na sinabayan ng mga Mušḫuššu.

Naglakad palabas ng stage ang representative ng Mušḫuššu Empire. Pinaghalong black and white ang kulay ng Empire suit nito. May corona na suot at may hawak ng espada. 

"What the hell, si Drew?!" sigaw ng mga Mušḫuššu Empire nang makita si Drew na rumampa sa stage.

Wala itong pinapakitang emosyon. Naglakad sa sya kanang bahagi ng stage at iniwasik ang espada. Muli itong naglakad papunta sa kaliwa. Tinignan nya saglit si Dru bago tumingin sa mga tao. Ngumisi saglit si Drew bago naglakad sa gitna kung saan ang mic.

"My name is Astris but also know as Drew. Mušḫuššu Empire." sabi ni Drew. Natawa ang mga Mušḫuššu Empire sa pagpapakilala nito. Inaasahan na nila ito.

"Let's proceed to Qilin Empire!" sigaw ni Dru. Nagsimula ng magsigawan ng malakas ang mga Qilin.

Pumasok ng stage ang representative ng Qilin. Pinagsamang puti at asul ang kulay ng Empire suit ng Qilin. May espadang nakasabit sa bewang nya.

"Go Gab!" sigaw ng mga Qilin nang makita si Gabriella.

Katulad ng ginawa ng dalawa ay pumunta sa magkabilang gilid si Gabriella. Maangas na pose si Gabriella bago pumunta sa gitna para ipakilala ang sarili.

"Gabriella from Qilin." sabi ni Gabriella. Napahiyaw at natawa ang ilan. Hindi rin maiwasan mapailing ng dalawang MC at mapangiti ng bahagya sina Kanao at Drew.

"Paangasan ata ito ng pagpapakilala." natatawang sabi ni Trevor. "Okay doon naman tayo sa Wyvern Empire!"

Sumigaw ang mga Wyvern Empire pero natahimik din nang pumasok ng stage ang representative nila. Kulay asul at puti ang Empire suit ng Wyvern Empire 

Nakadilat ang kaliwang mata ni Blysse at lahat ng tao ay ramdam ang pagmamataas ng aura ni Blysse. Dahil sa cloak nito ay parang mas nagmukhang hari si Blysse. Hindi suot ni Blysse ang corona bagkus ay pinaglalaruan nya lang ito sa kamay nya.

"Blysse." sabi ni Blysse bago naglakad sa tapat ng upuan nya.

Napahiyaw at napailing ang iba dahil paikli ng paikli ang mga pinagsasabi ng mga kandidato. 

Mula sa backstage ay nagmamadaling lumabas ng tent sila Zap. Hindi pwedeng makita ang iba pang kalahok sa pageant na 'yon kaya naghihintay sa tent ang apat. Huminto sila sa gilid at inayusan si Zap.

"Galingan mo ang rampa mo, Zap ah?" sabi ni Rian.

"Doon lang kami sa labas. Galingan mo!" paalam ng tatlo at umalis ng backstage para mapanood din ang paglabas nito. Bigla namang kinabahan si Zap.

"Mukhang alam ko na kung sino representative natin." nakangiting sabi ni Marceline.

"Mukhang alam ko na din. Wala dito eh." sabi ni Math.

"Nae-excite ako kung ano ang suot nya." hindi mapakaling sabi ni Lulu.

"And last but not the least the Dragon Empire!" sigaw ni Dru habang nakaturo sa likuran.

Hindi naghiyawan ang mga Dragon Empire dahil inaabangan nilang lumabas ito. Mula sa backstage ay huminga ng malalim si Zap bago nag-fierce look. Naglakad palabas ng backstage si Zap. Taas noong nakatingin sya sa harapan.

Walang nakaimik nang makita nila si Zap. Lahat ay humanga sa itsura ngayon ni Zap. Walang emosyon at dragon eyes ang mga mata. Bakas sa mukha ang gulat at paghanga ng lahat nung makita si Zap. Nang dumapo ang tingin ni Zap sa ilang manonood ay tumaas ang mga balahibo nila. Tila naramdaman nila ang isang Dragon na tumingin sa kanila.

Tumigil sa gitna si Zap. Sa isip-isip ni Zap ay minumura na nya si Stace dahil hindi man lang sya nasabihan na may introduction pa palang mangyayari.

"I, the Empress of Dragon Empire. Zaparta Reyes." kahit ang boses ay pinalalim nya.

Doon na naghiyawan ang mga Dragon Empire. Napasabay ang iba sa pagkahanga nila dito.

Sa loob-loob ni Zap ay napangiti at nakahinga sya. Tumalikod sya at hinarap ang mga kalaban nya. Hindi nya pinakita ang gulat nya nang makita sila Kanao habang suot ang mga Empire suit. Naglakad sya papunta sa harap ng upuan nya at tumingin sa harapan.

"Let's welcome the candidates for Ms. Empire!" sabay na sabi ni Dru at Trevor. Nagsigawan ang mga tao habang sinasabi ang mga pangalan nila.



Zaparta's POV

"Okay, pwede na kayong maupo at i-enjoy ninyo ang sarili nyo sa palabas." sabi ni Trevor.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na kaming gagawin pa. Pambihira talaga si Stace, hindi ako sinabihan sa mga gagawin ko dito. Hindi man lang ako in-orient. Napahalumbaba ako dahil naramdaman ko ang pagod ko. Nakakaubos ng lakas yung sobrang kabado.

"Para sa kaalaman ninyo guys. Hindi lang Ms. Empire ang magaganap ngayon. May iba pa tayong contest. Best in singing, best in dancing, best in swimsuit at best in dress. Ang dami non?" sabi ni Trevor.

"Tapos after nito ay may party magaganap dito din mismo sa gym. Magugulat na lang kayo pinapasok na ang pagkain dyan." sabi ni Dru.

"So wag na tayong magpatumpik tumpik pa. Unahin na natin ang mga kalahok sa kantahan." at nagpatuloy sila sa pagsasalita.

Napapikit ako. Tutal kakanta naman sila ay makikinig na lang ako. Magaganda ang mga boses ng bawat kalahok. Sarap pakinggan at nakakarelax. Hanggang sa umakyat ng stage si Marceline. Napa-face palm ako at inisip kung sino ang pumili kay Marceline para kumanta.

"Para kay Empress Zap." nakangising sabi ni Marceline bago nagsimulang kumanta.

Tinakpan ko ang tainga ko dahil sa boses ni Marceline. Madaming natawa nung kumanta na si Marceline pero hindi iyon pinansin ni Marceline at nagtuloy tuloy lang sa pagkanta. Sigurado na akong hindi mananalo si Marceline.

Pagkatapos ng kantahan ay sayawan naman. Unang sumayaw si Harriet. Napalihim na tinignan ko si Kanao. Napangiti ako ng palihim ng makita itong titig na titig kay Harriet habang sumasayaw. Ibinalik ko ang tingin kay Harriet. Sport bra na pinatungan nya ng checker polo shirt tapos maikli na short ang suot ni Harriet. Magaling sumayaw si Harriet at ang lambot ng katawan nya. Sigurado akong mananalo ito mamaya.

Kahit na naaliw ako sa mga sumasayaw ay hindi ako nagpakita ng emosyon. Bawal daw sabi ni Stace eh. Ang hirap pa naman nito. Hindi ako sanay na ganito ang expression ko. Hirap magpigil ng tuwa.

Maya-maya tinawag na ang representative ng Dragon Empire sa sayawan. Inabangan ko ang aakyat sa stage pero tumugtog na yung music ay wala pa sya. Napatingin ako sa gilid ko nung maramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Nagulat ako nang makita si Kriza. Sinundan ko sya ng tingin habang dahan-dahan syang naglalakad papunta sa gitna.

Napatulala ako sa ganda ngayon ni Kriza. Tanging magandang brassier at manipis na tela sa pang-ibaba ang suot ni Kriza. May mga accessories syang suot. Nakalugay ang buhok nya na medyo kinulot ng konti.

Napakaganda. Sobrang ganda ni Kriza. Nakalimutan ko na wala dapat akong emosyon na ipakita pero ito ako ngayon, tulala sa kanya habang sumasayaw sya ng malaya. Parang kumikinang ang paligid habang sumasayaw si Kriza. Napapasunod ang mga mata ko sa bawat galaw nya. 

Pagkatapos ng sayaw ni Kriza ay nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Nag-bow na muna si Kriza bago bumaba ng stage. Sinundan ko pa rin sya ng tingin hanggang sa makaupo na sya kasama nila Marceline.

Isang oras bago natapos ang iba pang contest. May konting commercial break bago simulan i-announce ang nanalo sa bawat contest. Syempre, hindi nanalo si Marceline sa singing contest. Naniniwala akong sya ang pinakamababang puntos sa kanilang lima. 

Sunod na ina-announce ang dance contest. Ang pangatlong nanalo ay ang taga Qilin tapos ang pangalawa ay si Harriet. Sigurado na akong si Kriza ang nanalo sa kanilang lahat pero kinakabahan pa rin ako.

"For our grand winner in dance contest. Let's congratulate, Kriza from Dragon Empire!" sigaw ni Trevor. Nagpalakpakan ang lahat nung sinabi ang pangalan ni Kriza.

Tumayo ako at naglakad pababa ng stage. Maraming nagtaka nung nakita nila akong tumayo pero hindi ko sila pinansin. Sinalubong ko si Kriza at nilahad ang kamay ko. Walang pakundangan nyang tinanggap ang kamay ko. Gusto kong ngumiti pero hindi pa rin pwede. Naglakad kami ni Kriza paakyat ng stage. Inilalayan ko sya sa hagdan at hinatid ko sya sa gitna. Paalis na sana ako para bumalik sa upuan nang pigilan ako ni Trevor.

"Teka, sumama ka na din." sabi ni Trevor. Nakitbitbalikat akong sumama sa picture taking nila.

Pagkatapos ay hinatid ko sa pwesto nila Marceline si Kriza. Bago bumalik ay hinalikan ko ang likod ng palad ni Kriza. Narinig ko naman nagtilian sila Lulu. Tipid na ngumiti ako sa kanila bago bumalik sa stage.


Marceline's POV

"Kenekeleg eke!" sabi ko habang pinagtutulak ko si Lulu. Natawa naman sila Math.

Sinong hindi kikiligin na sinundo pa ni Zap si Kriza patungo sa stage? Oh my gosh! My ship is sailing!

"Ate Marceline naman eh! nasasaktan na ako." sabi ni Lulu kaya naman tumigil na ako.

Nakatingin kaming lahat sa stage habang nagpi-picture-an sila kasama si Zap. Bagay na bagay sila ni Kriza oh my gosh! nakakagigil ang dalawang 'to!

Muling hinatid ni Zap si Kriza pabalik sa pwesto namin. Ang laki ng ngiti ko sa dalawa pero wala namang emosyon na pinakita ang dalawang ito. Sinabi ni Rian na hindi ngingiti si Zap habang nasa stage sya dahil kailangan nyang magmukhang empress. Pero alam ko deep inside kinikilig yang si Zap at tuwang tuwa pa.

Napatili kami ni Lulu nung halikan ni Zap ang likod ng palad ni Kriza bago sya umalis. Gigil na tinulak ko si Math sa sobrang kilig ko. Nagreklamo pa sya sakin pero hindi ko sya pinansin. Masaya ako sa dalawa eh!

"Napaghahalataan na si Zap na may gusto sya kay Kriza." sabi ni Summer. Tumigil ako at pinakinggan sya. Tinignan ko si Faith kung ano ang reaction nya.

"Slow kayo kung ngayon nyo lang napansin." sabi ni Lesley. Nakangisi sya habang nakatingin kay Zap. "Kilala ko ang mga karibal ko." dagdag nya.

"Sino ba naman kasing hindi magkakagusto kay Kriza? isang dyosang nilalang." natatawang sabi ni Wyn.

"Grabe din naman ang mga nagkakagusto kay Kriza. Wala silang pakialam kung may boyfriend o wala si Kriza." sabi ni Sakura. "Ano kaya laban ninyo sa boyfriend nya 'no." dagdag nya pa.

"Wala akong pakialam sa boyfriend." sabi ni Lesley. Palaban talaga ang isa 'to.

"How about her parents? mukhang wala din silang pakialam na madaming nagkakagusto kay Kriza at hinahabol sya kahit na may boyfriend na sya." sabi ni Cleo. Natawa naman ako.

"Hindi sa wala silang pakialam. Hindi lang nila ito pinagtutuunan ng pansin kasi normal na sa kanila 'yon." natatawang sabi ko. "Kita nyo nga, kahit na may boyfriend si Kriza, supportive pa rin si coach Avey sa dalawa." tukoy ko kay Faith at Lesley. "Pero wag kayong umasang dalawa dahil pinagtri-tripan lang ni coach Avey si Kriza." dagdag na biro ko.

"Whatever." sabi ni Faith.

"Tsaka alam ninyo si Charles? display lang 'yon kay Kriza eh." sabi ko sabay tumingin kay Kriza. "Ni hindi nya nga ito mahal." tumingin sakin si Kriza. Ngumiti ako sa kanya bago ibinalik ang tingin kanila Summer. "Kaya nga hinahayaan lang ng parents ni Kriza ang mga nagkakagusto kay Kriza para piliin nya ang totoong mahal nya." sabi ko.

"Kung ganon bakit hindi pa sya makipag-break kay Charles?" tanong ni Sakuno. "Nakakaurat na kaya ang panay punta nya satin. Ang awkward palagi ng paligid kapag nandyan sya." natawa ako. Paano naman kasi binabakuran ni Charles si Kriza. Hindi tuloy makausap si Kriza kapag nandyan si Charles tapos natatakot pa sila kay Charles. Akala mo kasing mangangain eh.

"Malapit na sila mag-break." nakangiting sabi ko. Sinabi sakin ni Kriza na pagbalik sa camp ay makikipag-break na sya kay Charles.

"Mabuti naman." sabi ni Faith. "Wala na syang karapatan pa kay Kriza." napangiti ako.

"Mukhang magkakagulo kapag nag-break na sila." sabi ni Math.

"Super dahil yung pinakakaribal nila ay kikilos na." sabi ko.

"Sino? si Zap?" nakataas na kilay na tanong ni Lesley.

"Hindi, si Eloi ng Shakers." sabi ko. May mga nabigla sa nalaman nila. Karamihan ay hindi nila alam na may gusto si Eloi kay Kriza.

Kahit na alam kong mahal ni Kriza si Zap ay nababahala ako kay Eloi lalo na ang deal nilang dalawa. Ngayon ko na realize na ang sarap tuktokan si Kriza dahil pumayag sya sa deal na 'yon. Paano kapag hindi sya nanalo? Edi wala ng KriZap? naman eh!

"Tsaka alam ninyo, kayong dalawa, sumuko na kayo. Hindi ninyo makukuha ang pagmamahal ni Kriza." sabi ko sa dalawa. Ako ang naaawa sa kanila eh. Naging close ko naman sila kahit na hindi maganda ang ugali nila. "Baby pa lang si Kriza talo na kayo." napahiyaw ako nang maramdaman ko ang kurot sa tagiliran ko. "Kriza!" sabi ko sa salarin. Inirapan nya ako.

Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Mukhang nagets naman nila ang sinabi ko dahil alam nilang childhood friend kaming tatlo nila Zap. Sana talaga ay tumigil na sila dahil wala talaga silang mapapala kay Kriza.

"Our grand winner for best in dress, let's congratulate Blythe from Dragon Empire!" napatili ako nung marinig ko ang pangalan ni Bonnie. Nilingon ko si Bonnie at nag-thumb ups sa kanya. Ngumiti lang sya sakin ng tipid. 

Sinundan ko sya ng tingin papunta sa stage at napataas ang kilay ko na sinundo din ni Zap si Bonnie. Gentlewoman naman nito ni Zap. Hinatid din ni Zap si Bonnie pabalik sa pwesto namin pagkatapos ng picture taking. Pinaliitan ko ng mata si Zap na nagsasabing wag nyang hahalikan ang likod ng palad ng Bonnie ko kundi may ibubulgar ako dito.

"Good!" sabi ko nung naglakad na pabalik sa stage si Zap pagkahatid nya kay Bonnie. Itinaas nya lang kamay nya sakin. Napangiti ako dahil naintindihan nya ako.

"Selosa." rinig kong sabi ni Kriza.

"Nagsalita." sabi ko.

Sunod na ina-announce ang Ms. Empire na pinahuli talaga nila. Pinarampa muli nila ang lima. Kung titignan si Blysse lang ang kalaban ni Zap dahil parehas silang may aura ng pagiging Emperor. Pero may tiwala ako, may tiwala akong mananalo si Zap.

Ina-announce na nila ang second runner up na si Drew. Ang ganda ba naman kasi ng suot nya kaya talaga sya ang isa sa tatlong mananalo. Sunod ang first runner up. Hawak kamay kaming lahat nandito at nagdadasal na si Blysse ang first runner up. Please si Blysse!

"Blysse ng Wyvern Empire!" napahiyaw kaming lahat nung sinabi na si Blysse ang first runner up. Oh my gosh! si Zap ang nanalo! ang Empress ng Dragon Empire!

"At ang nanalo ng Ms. Empire ay walang iba kundi ang Empress ng Dragon Empire!" naghiyawan kami lalo nung binanggit ang team namin. Nagtutulakan na kami dahil sa tuwa.

"Ang pogi mo, Zap!" sigaw ni Lori. Naghiyawan kaming lahat.

Napatigil ako nang mapansin ko na may pumapasok na ibang tao sa gym pero may mga dala sila. Nung makita ko ang pagkain ay bigla akong ginutom sa tagal ng event na 'to. Makakakain na din sa wakas!




-----------------------

A/N: Adik lang sa 'Who made me a Princess'. Isipin nyo lang na girl version ang mga nasa picture.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

2.8M 178K 126
Throughout her life, Diana Greengrass was raised to hate all Muggles and Muggleborns, fear half-breeds such as werewolves, believe that Divination wa...
22.8K 895 14
*Gender Neutral Nezuko Reader* ✄┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈ "Let your dreams blossom." Despite being a Man-Eating-Demon, they refused to harm any human and prote...
5K 55 25
Images and one shots of the lost boy trilogy
666K 16.4K 198
Hey! People seemed to really like my other oneshot book, so I decided... make another! Again, mostly female/gender neutral reader, I might include OC...