How to live with Mr. Arrogant...

By NostalgiCoffeeBean

283K 6.6K 170

Gugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on H... More

Prologue
LESSON 1
LESSON 2
LESSON 3
LESSON 4
LESSON 5
LESSON 6
LESSON 7
LESSON 8
LESSON 9
LESSON 10
LESSON 11
LESSON 12
LESSON 13
LESSON 14
LESSON 15
LESSON 16
LESSON 17
Lesson 18
LESSON 19
LESSON 20
LESSON 21
LESSON 22
LESSON 23
LESSON 24
Lesson 25
LESSON 26
LESSON 27
LESSON 28
LESSON 29
LESSON 31
LESSON 32
LESSON 33
LESSON 34
Lesson 35
Chapter 36
Chapter 37
Lesson 38
LESSON 39
Lesson 40
Lesson 41 Epilogue

LESSON 30

5.1K 132 0
By NostalgiCoffeeBean

CHAPTER 30

 

Parang nanginginig ang kalamnan ko sa takot ng itigil ni Alexis ang sasakyan sa harap mismo ng tarangkahan ng bahay namin. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 4:45AM Pinagsalikop ko ang mga kamay ko para lang mabawasan ung lamig at tensyon na nararamdaman ko.

“You’ll be fine.” Bulong sakin ni Lea na hinawakan ako sa balikat.

“I know. Thanks.” Sabi ko na hinawakan din ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.

Panu ko haharapin ang mga magulang ko? Ang buong angkan namin matapos ang ginawa ko? Natatakot ako sa magiging reaksyon nila.

“Relax.” Anas ni Alexis “Let’s go.” Maya-maya sabi nito at saka bumaba na ng sasakyan. Nilingon ko si Lea na nginitian ako at saka bumaba na din ng sasakyan. Kasunod si Joey na sumunod kay Alexis para ibaba na ang mga maleta mula sa trunk.

Huminga muna ako ng malalim saka dahan dahang binuksan ang pinto ng side ng kotse saka marahang umibis mula doon.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Walang nagbago bukod sa pathway na sementado na na puro buhangin noon. May ilang puno din na nawala tulad ng tatlong puno ng kasoy sa tarangkahan namin na dati’y gawa sa kawayan pero ngayon ay gawa na sa bakal. Wala na din ang puno ng suha at binawasan ng kaunti ang mayabong na punong mangga sa tabi ng bahay namin na nagiging dahilan ng malamig na hangin sa tanghali.

“Ang ganda ng lugar niyo, Charm. Kung ako’y gusto kong tumira sa ganitong lugar. Except kung may wifi lang.” sabi ni Lea na tumabi sakin habang hinihintay namin na maalis nila Alexis ang mga maleta.

Kapag dinire-diretso ay tatagos na kami sa malawak na bukirin at mga bundok kaya gustong gusto ko noon na maglaro ng mga dayami doon sa bukid. Tuyo na din ang mga taniman ng palay kaya doon pinapastol ang mga kambing at baka dahil tinutubuan iyon ng mga damo.

“Ate Ine!”

Napalingon ako sa boses na mula sa likuran ng sasakyan. Isang batang lalaki nakasakay sa mountain bike at may mga dyaryo sa basket sa unahan ang tumawag sa nickname ko . Ine. Matigas sa ‘Ne’.

“Kaloy?” gulat kong sabi.

“Ate ine! Ikaw nga!” sigaw ng bata na halos talunin paalis ang bike niya at tumakbo palapit sakin. “Ang ganda ganda mo.” Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.

“Malandi ka pa din.” Tuwang sabi ko. Pinalo niya ako sa braso habang nakatikwas ang mga kamay saka humiwalay. “Ang laki laki mo na.”

“hindi ako forever na bata nu.” Malanding sabi nito na kinangiti ko. Inakbayan ko siya at iniharap kila Lea at kila Alexis na tapos na pa lang mag-alis ng mga gamit.

“Kaloy, mga kaibigan ko, si Lea, Alexis at Joey.” Pinakilala ko sila sa isa’t isat. Parang kumislap naman ang mata ng bakla ng kamayan siya nila Alexis at Joey.

“Kaloy sa umaga, Kikay sa gabi. Pinakamagandang pinsan ni Ate Charmaine.” Kinindatan niya si Alexis at malanding nakipagshake hands eh hanggang bewang lang naman siya ni Alexis. Bahagyang natawa lang si Joey at nakangiti lang si Lea.

“Hoy, Magpatuli ka muna bago ka lumandi.” Sabi ko na hinawakan na siya sa ulo kaya binitiwan na niya si Alexis.

“Syempre tuli na ako nung bakasyon pa nu! Nakakahiya naman at maghigh school na ako eh hindi pa ako tuli.” Malandi pa ding sabi niya na inirapan pa ako.

“High school ka na ba? Kala ko, Kinder ka pa lang.” natatawang sabi ko sa kanya.

“Excuzem muwaa, Ang ganda ganda kong 1st year nu.” Feeling long hair pa siya ng hawiin niya ang kunwariang buhok niya sa balikat.

“Charmaine!”

Natigil kami sa tawanan at nilingon ang malaking boses na iyon. Nakadungaw si daddy sa bintana at nakatingin samin katabi si Mommy na nakangiti.

Tinignan ko sila Lea. They gave me that same reassuring smile bago ako bumaba bukod kay Alexis na hindi ko kinakatian ng kahit na anong emosyon.

Walang gustong magsalita, tahimik lang kaming nakaupo ni daddy na magkaharap. Nakaupo kami sa parehong single sofa at napapagitan kami ng lamesang salamin. Habang sila Lea, Alexis at Joey ay tahimik na nakaupo sa malaking sofa na animo’y mga robot na nagaantay lang ng sasabihin ko para gumalaw.

Dumating si Mommy mula sa kusina dala ang tray ng orange juice kasunod ang katulong na ngayon ko lang nakita dala ang pandesal at iba’t ibang palaman. Inilapag nilang iyon lahat sa lamesa bago tumabi si mommy kay daddy na umupo muna sa arm rest habang ang katulong ay bumalik sa kusina.

“Kamusta ka, iha?” masuyong tanong ni mommy sakin na kinapitlag ko at parang napahinga ako ng malalim kasi parang pinigilan kong huminga habang paakyat ako sa bahay namin.

“Mabuti naman po mommy. Kayo po?” kandautal kong sabi na pinagsalikop ko pa ang mga kamay ko. Nanlalamig na talaga ako sa tensyon at kabang nararamdaman ko. Nakatitig sakin si daddy na parang kinikilala ako.

“Tope, wala ka man lang bang sasabihin sa anak mo?” nakangiting siniko ni Mommy si daddy na bakas na sa mukha ang katandaan pero makisig pa din ang pangangatawan nito. Wala kasing bisyo bukod sa miminsang pag inom ng alak.

“Ate!”

Sabay sabay kaming nagsilingunan mula sa likod nila mommy. Lumitaw mula sa kwarto niya si Chris. Ang nakababata kong kapatid.

“Chris!” sigaw ko at napatayo pa ako para salubungin siya ng yakap.

“ate! Namiss kita ng sobra. Bakit hindi ka nag fefacebook? Hindi kita makontak ha! Wala kaming balita sayo.” Naiiyak na sabi ni chris na bahagyang humiwalay sakin.

“Sorry ha? Hindi kasi ako nagfefacebook. Busy ang ate eh. Kamusta?”

“Magcocollege na ako sa pasukan ate. Gusto ko sanang sumama sayo sa Maynila.”

Napatingin ako kila Mommy na umiwas ng tingin sakin. “Nakausap ko na sila mommy, okay lang daw basta mahanap kita at ikaw daw ang kasama ko.”

Napabuntong hininga ako. At least si Chris hindi pinakasal sa matandang babae na byuda. Kung hindi, itatakas ko na lang din si Chris.

Umupo ako ulit at hinawakan si Chris sa magkabilang balikat. “May pasok ka pa ba?” tanong ko. Hindi naman kasi kapareho ng sembreak ng mga college ang high school.

“Oo ate. Magreready muna ako ha? Mag usap tayo mamaya ha?” excited na niyakap ako ulit ni Chris saka tumakbo pabalik sa kwarto.

Saglit na natahimik ang lahat. Nilingon ko si Lea at binigyan ng sabi-ko-sa-inyo-wag-na—kayong-sumama look.

“Dad, bakit po si Chris madali niyong pinayagan sa mga gusto niya? Bakit ako? Kelangan pang mawala ako ng matagal na panahon sa buhay ninyo para marealize niyong kaya ko ang sarili ko?” ayan, may tapang na narumehistro sa pagkatao ko para tanungin iyon sa daddy ko.

“Gagawin kong lahat para hindi ka mahirapan sa buhay Charm.” Malumanay na sabi ni daddy.

“So sa tingin niyo, naging maayos ang buhay ko sa Maynila? Dad, umalis ako sa bahay na to para hindi ako ipakasal sa matandang may video scandal. Nung oras na yun, hirap na hirap na ang kalooban ko, hindi niyo man lang ba naisip yun?”

“Pinili mong umalis, Charmaine. Hindi kita pinaalis.”

“Hindi dad. Ginawa niyo sakin yun! Kayo ang dahilan kung bakit ako umalis sa poder niyo. Wala akong kalayaang mamili kung sinong makakasama ko habang buhay para lang siguraduhin ang kinabukasan ko? Mas gusto ko ng maghirap at kumayod ng kumayod na parang kalabaw kesa naman gawin ung kasalanang pinagagawa ninyo sakin.”

Hindi nagsalita si daddy. Tinitigan ko lang siya. Pinilit kong wag tumulo ang luha ko. Ang akala ko’y yayakapin niya ako, ang akala ko’y tapos na ang issue na ito sa pamilya namin.

“Patawarin mo sana ang daddy mo, Charmaine. Gusto ka lang niyang mapabuti.” Malumanay na sabi ni mommy. Hindi pa din siya nagbabago. Napakabait niya pa din pero wala siyang magawa sa desisyon ni daddy. Dahil si daddy ang boss sa bahay na ito. Hanggang ngayon naman ay nirerespeto ko siya. Ayoko lang ung naging desisyon niya.

Hindi ako sumagot. Yumuko na lang ako para wala na akong masabi pang makakasakit kay daddy. Ayokong pasamain ang loob niya sa unang araw pa lang na nandito ako sa bahay.

“Mabuti at umuwi ka. Magpahinga na muna kayo at pagod kayo sa byahe.” Malamig na sabi ni daddy na tumayo. “Maya-maya’y luto na ung breakfast na pinaluluto ko.” Sabi nito bago naglakad papasok sa kwarto kasunod si mommy na nginitian ako.

“See? Wala namang nangyareng masama diba?” sabi ni Joey na nginitian ako.

“Walang mangyayareng masama dahil mgamagulang mo sila.” Hinawakan ni Lea ang kamay ko na nakapatong sa tuhod ko. Sana nga.. Sana nga walang mangyareng masama.

Continue Reading

You'll Also Like

66.2K 730 21
Nag hire si Ellaine ng magiging boyfriend kuno niya na magpapamuka kay Dennis na hindi na niya ito mahal. Then she sets her own rules between them. ...
1.6K 119 11
𝐊𝐮𝐲𝐚, 𝐛𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐚𝐤𝐨 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐚 ( 𝐒𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝟎𝟐 )
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
103K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...