Romancing the Nanny

By jennaration

6.3M 77.5K 6.1K

[COMPLETED] When the handsome shipping magnate Kier Falcon hired Helga Diaz to be his twins' temporary Nanny... More

RTN
Author's Note
Chapter 6 - Meet the Falcon's
Chapter 7 - Meet the Falcon's 2
If Only
Sweet child of mine
River Falcon
Rivals
Crossing the line
Not the right time
Crazy in love
Wife..what?
Date
Rights
Lunch
Phone Call
Dinner
Hugs and Kisses
Revenge
Who is she?
Sundo
Meet the past
Things to tell
face to face
Going home
Panic
Wrong timing
End-point
Four years later
Amanpulo
First night, First Date
Meet the Falcon's part 3
Another day, another date
Epilogue
Epilogue 2: as told by Kier
Bonus: 4 years ago as told by Kier
Bonus: 4 years later as told by Kier

Romancing 101

207K 3.5K 340
By jennaration

Helga's POV


Bigla akong nagmulat ng mata nang maalala kong kailangan kong bumangon ng maaga para ipagluto ng agahan ang kambal. Medyo nahilo pa ako dahil bigla din akong umupo kanina.

Inilibot ko ang paningin sa kwartong aking tinulugan.

Bakit nasa kwarto ako ni Kier?

Nasagot din ang katanungan ko nang maalala kong nakatulog ako sa mga bisig ni Kier kagabi.Suot ko pa pala yung damit ko kagabi.

Nalingonan ko ang kambal na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ba dapat nasa kwarto nila ang dalawang ito dahil doon namin sila pinatulog ni Clyde kagabi? Nagkibit-balikat akong hinalikan ang mga ito sa noo. Baka naman inilipat ni Kier nang makaalis na kami ni Clyde.

Isinuot ko na ang tsinelas ko at nagpagpasyahang tumungo sa kusina upang magluto ng agahan. Mamaya na lang ako maliligo tutal ay mangangamoy prito lang din ako.

Nadatnan ko si Kier na nagpriprito. Nakasuot ito ng apron na pink. Napangiti ako nang dahil doon. Para sa akin nakakadagdag sa ka-machohan niya ang kulay pink. Nakatulong din na nakasuot lang ito ng grey na sando at kitang-kita mo ang maalon nitong bisig. Sa sobrang busy niya sa trabaho o alam kung paano niya napapanatili ang kakisigan.

Napalingon ito ng maramdaman niya sigurong may nakamasid sa mga kilos niya.

Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. Ngayon ko lang nakita si Kier na ganito sa umaga.Madalas pormal ang mukha nito na para bang nasa harap ng boardroom palagi.

I smiled back.

Bumalik ang tingin nito sa priniprito dahil medyo tumitilamsik na ito.


"Good morning! How was your sleep?" tanong nito habang  patuloy pa rin sa ginagawa.Sumandal ako sa may kitchen island. Gawain ko ang pagluluto pero hinayaan ko na lang siya. Mukhang nage-enjoy naman siya sa ginagawa.

"great! hows yours?"

"pretty good. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng maayos." sagot nito.

"eh paano gabi-gabi mong pinaglalamayan yang trabaho mo" panenermon ko.

Tinakpan nito ang niluluto at lumapit sa akin. Binuhat ako nito at pinaupo sa kitchen island na sinasandalan ko kanina. Muntik pa akong mapasigaw dahil sa gulat. Nakatayo ngayon ito sa gitna ng dalawa kong hita.

"Maganda ang tulog ko kasi maganda ang katabi ko."

Napanguso ako para pigilan ang kiligin. He gave me a quick kiss. Pinalo ko ito sa may braso. Natawa lang naman siya.

"what was that for?" tanong ko.

"Your lips were warm and inviting. Can I kiss you all day?"

"Kierrr!" pinandilatan ko ito ng mata.Hinalikan niya ang dalawa kong mga mata na siyang dahilan kung bakit ako napapapikit.

"Magmula ngayon kapag nakikita kong ngumunguso ka,halik ang katumbas niyon. get it?"

Humalukipkip ako at inirapan siya. Hindi ko pa nga boyfriend nakarami na sa akin.

Without asking or seeking permission, he pulled my arms around him.He glued himself to my body and gave me a tight embrace.

Tumatawang yumakap ito sa akin na mas lalong ikinainis ko. He buried his face on my neck and gave me a wet kiss on that sensitive part of mine. Tumaas lahat ng balahibo ko. Ayoko man aminin pero parang may gustong kumawala sa akin na hindi ko maintindihan.

Ang aga-aga.

"Are you flirting with me,Kier?" biglang tanong ko.

Hindi ito agad sumagot.

Hinawi nito ang buhok ko at binigyan nito ng maliliit na halik ang balikat ko. Napapikit ako nang dahil doon.

Shit!

What is he doing to me?

Umakyat ang halik nito sa may punong tainga ko.

I held my breath.

Gosh. I cant believe i'm saying this but I want more of him.

Nang bigla naman itong tumigil. Pinanatili ko ang mukha kong blangko para hindi niya mahalata na malapit na akong bumigay sa pang-aakit niya kung yun man ang tawag sa ginagawa niya.

Humarap ito sa akin. He ran his hands along my cheeks, before he leaned down and kissed me again. Tinugon ko naman ito nang walang alinlangan.

It was a gentle kiss.

Naghiwalay lamang ang aming mga labi nang pareho na kaming hindi makahinga.

"Its not flirting Helga. Its called romancing," habol hiningang sabi nito sabay kindat sa akin. Binalikan nito ang niluluto kanina.

Habang ako ay nakamata lang sa kanya.Kababae kong tao pero ako pa ata ang mas nabitin sa aming dalawa.

"Its not going to work."

"Oh really?" naglalakad na siya ulit palapit sa akin.

Agad akong pumikit sa pagkakaakalang hahalikan niya ako sa labi. Ngunit sa noo lang niya ako hinalikan. Nag-init ang pisngi ko sa pagkapahiya.

He chuckled. "Do I still need to get a masters degree in romancing you?" pang-aasar nito.

Napamulagat ako.

"Romancing ka dyan. Hindi mo ako maikakama kahit ano pang gawin mo. " diretsahang sabi ko. Hindi ba ganoon iyon?

Kahit ano pang gawin niya nakapagdesisyon na akong hindi bibigay sa kanya. Biglang pumasok sa isipan ko ang paghahalikan namin kanina. Napapikit ako ng mariin at pagtapos ay inalog-alog ang ulo ko.

Hindi ito maari.

Isang linggo na lang at matatapos na ang trabaho ko dito. 

"You overthink too much. Hindi kita pipilitin sa isang bagay na hindi ka kumportable. At kung kinakailangan kong maligo ng sangkatutak na yelo araw-araw gagawin ko para lamang mapigilan ang sarili."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Look how hot you are right now. Kahit mukhang pugad ng ibon yang buhok mo. At tsaka yang damit mo,para kang nang-aakit. Alam mo ba kung gaano kadaming pagpipigil ang ginawa ko buong magdamag?"

Napakapa tuloy ako sa buhok ko na medyo magulo nga. At itong maxi dress ko na expose and bandang balikat ko. At lumaki ang mga mata ko nang maalalang hindi pa ako naghihilamos at nagto-tooth brush. Nag-init ang aking mga pisngi kasabay ng pagtakip ko sa aking bibig.

Nakakahiya.

"Why? Whats wrong?"

Umiling ako.

Ngumisi ito. "I love your morning breath. Nakakaadik." natatawang sabi niya at pagkatapos ay hinalikan ang likod ng palad ko na nakatakip sa bunganga ko.

Hinampas ko tuloy ang dibdib nito gamit ang kamay na nakatakip kanina sa bibig ko. Hinuli nito ang kamay ko.

Mabilis niya akong binigyan ng halik sa labi. Itinulak ko ito.

"Ang landi-landi mo. Bahala ka na nga dyan." mabilis akong bumaba mula sa kitchen island at nagtatakbo paitaas.

Sinarado ko ang pintuan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Siguro sa pagtatakbo paakyat.

Tama.

Iyon lang 'yun.

Ano ba itong napasukan ko?

Napaigtad pa ako nang mag-ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot at sinagot.

"Hello?"

"Hello Helga? Oy babae I missed you!" tumatawang bati ni Rita.Isa sa mga matalik kong kaibigan na halos kilala ko na buong buhay ko. Matagal itong nawala dahil pinadala siya sa Cape Town. She's a nanny too. Na[agtri[an lang niya ang magtrabaho sa Nanny World hanggang sa nagustuhan na rin niya ang trabaho dahil madami daw siyang nakikilalang lalake.

"Kailan ka pa dumating?" excited na tanong ko.

"Well kahapon lang at nabalitaan ko na nandyan ka sa Palawan ngayon."

"Oo. Next week na ako matatapos dito."

"So malinamnam ba si Boss?" humagikgik pa.

Palaging ganyan ang tanong niyan kapag tinatawagan ako sa trabaho.

Nang dahil sa tanong niya bumalik na naman sa aking isipan ang mga halik ni Kier.

Bwisit talaga.

"Hay naku. You know me."

"Yeah right. Ikaw pala ang dakilang ampon ng simbahan. Na maski 8 pack abs ni Homer pogi hindi mo magawang maglaway." Si Homer ay isa sa mga naging boss ko. Nakita ni Rita ang katawan nitong hubad sa billboard. Isa kasing model itong si Homer. Nagtitili siya noon sa loob ng kotse ko dahil kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng EDSA.

"Its just that Im not attracted to him." makatotohanang sabi ko.

"Kung ako sa iyo,hindi pa ako inaakit niyon ay bibigay na ako."

"Speaking of akit. May itatanong ako sa iyo."

"Ano iyon?"

"Ano kaibhan ng flirting sa romancing?" seryosong tanong ko.

"Hmmmm...let me think."

Nag-antay ako ng limang minuto at wala na akong narinig sa kabilang linya.

"RITA? Buhay ka pa ba?"

"Ang hirap naman kasi ng tanong mo buti na lang nandito at karamay ko si google."

Bakit nga ba hindi ko agad naisiip konsultahin si google.

"Eh ano nga?"

"Bakit may ro-romansahin ka ba? Pwedeng sumama?"

"Ang halay mo pareho kayo ng Boss ko."

"OMG! Hinalay mo ang boss mo?"

"Hell NO!!! Its just that------....its just..." hindi ko madugtungan ang irarason ko.

"Oh ano? Wala kang masabi?" tumatawang sabi niya.

"Fine. He said he is romancing me but maybe he is just flirting. I dont know."

"Wow. Romancing the nanny. I like that."

"Rita,im serious ok?" naiinis na sabi ko.

"Chill girl ang init ng ulo mo. Did he kiss you?"

Wala akong ideya kung bakit niya tinatanong pero sinagot ko na lang. "yes."

"Did you respond?"

"umm yes?"

"How was it?"

"Anong klaseng tanong yan?"

"oh come on! masarap ba? Tumaas ba patalikod ang isang binti mo nang halikan ka niya? Nasa alapaap ka ba? Nanginig ba mga tuhod mo? Nagdeliryo ka ba? Ano?"

"Thats what happens when you watch too much movies."

"Excuse me? Nangyayari iyon sa totoong buhay noh! Lalo na kapag inlove na in love ka sa guy.Antayin mo lang at lalamunin mo lahat ng pangongontra sa akin."

"Ano ngang nangyari?" pangungulit nito.

"Nadapa ako." nahihiyang sagot ko dahil totoo naman. Yun ang nangyari nang halikan niya ako sa may garden.

As expected,she burst out laughing.

"Kaya naman pala hindi tumaas ang isang binti mo kasi nadapa ka. Ibang klase ka pala kapag na in love." tumatawa pa rin na sabi niya.

"And what do you mean by that?"

"Eh kasi diba matagal na kitang naging kaibigan pero ngayon pa lang natin napag-uusapan yung ganito. You know kissing a guy? Lahat naman kami kilala ka namin na mailap sa lalaki. Super hot ng mga widower boss na ibinibigay sayo ni Maam Olga pero umuuwi ka pa rin na single. So maybe this time you are finally in love."

"Im in love with my job." simpleng sagot ko sa mga sinasabi niya.

"Yes but whats wrong with going on a date once in a while right?"

"I dont have time. I travel a lot you know that."

"Ang sabihin mo hindi ka pa rin nakaka-move on."

Huminga ako nang malalim.

"Matagal na panahon na iyon.Huwag na nating pag-usapan pa." simpleng sagot ko.At wala na akong balak na bumalik pa sa masakit na kinasadlakan ko.

"Girl can i just say one last thing?"

"What?"

"Free yourself. Pakawalan mo na ang sarili mo sa mga nangyari noon. Dahil hanggat nabubuhay ka sa nakaraan, hindi  mo maibibigay ang sarili mo sa taong mahal mo nang buong-buo. When you get back to Manila. Visit him. You need it. Do you get me?"

"Yes. thank you."

"And about your boss. He is in love with you. I gotta go,cheers!" at bigla na lang naputol ang linya.

Ang dami niyang tinanong sa akin tapos hindi naman nasagot ang tanong ko.

Ano daw? In love daw si kier sa akin.

Imposible.

Maybe he likes me.

But love? No.

--------------------------------------------------------------------

A/N Wow. Chapter 19 pa lang pero nakaabot na tayo sa 1M. Thank you lovies for reading. Hindi po ako full time writer so sorry po kung matagal akong mag-update. And thank you lovies for your votes,comments and for answering every dedic question kahit may nauna na sa inyo. I have the most amazing readers ever.

Dedic Question: Ano ang pangalan ng EX ni CLYDE?

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 40K 40
Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbatibong babae. Kaya naman nang sabihan siya...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

83.3K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
109K 51 1
Because of the debt, Courtney was forced to marry a stranger. Isang kasal na kailan man ay hindi niya pinangarap. Matapos siyang ikasal kay Travis ay...
81.5K 2.5K 17
#5 fanfiction Oct.2.2018 #5 Random Oct.2.2018 One night mistake series. "i want you to know that i love you so what do i have to do? tell me i just w...