Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.3K 28K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 31

17.5K 668 253
By jaysanj


Zaparta's POV

"Mag-iingat ka, okay?" ngumiti ako kay Mama Alicia. Masaya ako na sya ang totoo kong magulang kahit na hindi ko hinihiling na makilala sya pero iba pa rin talaga kapag nakasama ko na ang totoo kong magulang.

"Yes po. Kayo din kapag nakabalik na kayo sa America." sabi ko. Ngayon ang balik namin sa camp. Nahuli ako ng balik dahil kinailangan namin pumunta sa hospital para makita ang resulta ng DNA namin tapos konting bonding lang at hinatid nya na ako dito sa camp.  Si Mama Alicia naman ay may ilang araw pa syang bakasyon dito. Since nasa camp ako ay hindi muna daw magre-resign si Mama Alicia sa pagiging manager nya. Next year na sya magre-resign kapag tapos na ang training ko. Pwede naman kami lumabas labas ng camp kapag official member na kami basta wag lang kakalimutan mag-training.

Nagtaka ako kay Mama Alicia dahil tinitigan nya ako ng maigi. Nataranta ako nung umiyak na sya.

"Ma-mama Alicia.." sabi ko at hindi ko alam kung paano sya patatahanin.

"Masaya lang ako." napatigil ako. "Masaya ako na nakita kita at makakasama pa. A-akala ko hindi na kita makikita pa." naiiyak nyang sabi. Napakagat ako ng labi. Naiiyak na din ako dahil umiiyak sya. Niyakap ko na lang sya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya. Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Mama Alicia na tila ayaw akong bitawan. Napangiti ako at hinayaan sya. Alam kong sobra-sobra syang nangulila at ngayon lang ulit sya nakaramdam na hindi sya nag-iisa.

Hindi ka na nag-iisa, Mama. Nandito na ako.

"Tawagan ninyo po ako araw-araw." sabi ko pagkatapos ng mahabang yakapan namin ni Mama Alicia.

"Araw-araw? hindi kaya kita maabala sa training mo nyan?" nag-aalalang sabi nya habang nag-aayos ng sarili nya.

"Ayos lang po 'yon." sabi ko. Ngumiti sya sakin.

"Ikaw ang bahala. Sige na, pumasok ka na." sabi nya. Muli ko syang niyakap. Ang mainit na yakap na nagmumula sa kanya.

"Ingat po kayo." paalam ko sa kanya. Tumango lang sya at kumaway. Tumakbo ako papunta sa golf cart. Kumaway ako sa kanya bago paandarin ang golf cart. Isang minuto ay nilingon ko sya. Saktong pasakay na sya sa sasakyan. Nawala ang ngiti ko dahil konting panahon ko lang sya nakasama. Bigla akong nalungkot dahil matagal tagal pa ulit bago ko ulit sya makita.

Dumiretso ako cafeteria pagdating ko sa dorm. Dala ni Marceline at Kriza ang gamit ko kaya wala akong dalang gamit ngayon. Pagpasok ko sa cafeteria ay nagtataka ako sa nakikita ko. Napatingin sila sakin pero mabilis din ibinalik ang atensyon sa pagkain. Kumunot ang noo ko. Aakalain mo kasing nag-eexam sila sa sobrang layo ng mga agwat nilang lahat tapos ang tahimik pa nila na bihira mangyari.

"Zap." nakangiting bati sakin ni Stace. Kasama nya si Lyte.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ko.

"Wag mo silang pansinin kung ayaw mong magaya sa kanila." napangiwi ako sa tono na binitawan ni Stace. Nakangiti sya pero ang creepy nya.

"Sa amin ka na sumabay, Zap." nakangiting sabi ni Lyte. Tumango ako kahit na nawe-werduhan ako kay Stace.

Umorder na muna ako bago tumungo sa table nila Stace. Hindi ako sanay na ang tahimik ng paligid. Ano bang nangyari?

"Zap." nagitlang ako nang tawagin ako ni Stace. May iba talaga sa taong ito. "Hindi ako magiging captain kung hindi ako mahigpit." nakangiting sabi nya. Kakaibang ngiti.

"Yeah..." sabi ko na lang. Tinignan ko si Lyte para humingi ng paliwanag pero umiling lang sya.

"Ayoko sa lahat yung inaabuso ang kabaitan ko." patagal ng patagal ay nagiging nakakatakot ang boses ni Stace. Nahahalata ko na galit sya. Ano ba talagang nangyari dito?

"Umm...Sta─" nagulat kaming lahat sa malakas na hampas ni Stace sa lamesa. Napalunok ako sa kaba.

"Mula bukas..." tila nandilim ang mukha ni Stace sa itsura nya ngayon. "Sabay-sabay na kayong magtra-training lahat at ayokong makakarinig ng reklamo sa gagawin ninyo." tumaas ang mga balahibo ko. Nararamdaman kong mas mahirap pa ang gagawin namin simula bukas.

Pagkatapos ng nakakatensyong kaganapan sa cafeteria ay tahimik na bumalik kami sa kanya-kanyang kwarto. Hindi ko na natanong pa si Marceline dahil inutusan kami ni Stace na matulog na. Hindi ko naman matatanong si Kriza dahil kasama namin si Lesley.

Tila pagod na nahiga si Lesley sa higaan habang si Kriza ay pumasok ng banyo.

"Bakit ba damay ang lahat?" may inis na sabi ni Lesley. "Sila lang naman yung mga naglaro."

"Ano bang nangyari?" tanong ko. Tinignan ako ni Lesley.

"Nung una naglalaro lang sila ng tagu-taguan hanggang sa nagharutan sila sa sala. Nabasag nila ang vase na binili ni Stace sa America kaya nagalit si Stace." ayokong sabihin na yun lang dahil baka mahal ang bili ni Stace doon. "Pinarusahan nya kaming lahat kahit na ilan lang kaming hindi sumali sa harutan nila."

"Siguro mahal ang bili ni Stace sa vase kaya nagalit sya ng husto." sabi ko. "Ngayon ko lang makitang magalit 'yon."

"May kasabihan nga na mahirap galitin ang taong masayahin." may puntong sabi nya.

Kinabukasan, galit pa rin si Stace. Nasa gym kaming lahat at pinatakbo ni Stace ang lahat pwera ako at si Lyte. One hundred laps ang pinagawa ni Stace sa kanila.

"Zap, ang training mo ngayon ay saluhin ang bola kung ano ang kulay ng tamang sagot sa itatanong ko." sabi ni Stace.

"Huh?" hindi ko ata naintindihan ang sinabi nya.

"May tatlong kulay ang bola, blue, red at white." pinakita nya ang bola na kasing laki ng tennis ball. "For example, sasabihin ko muna ang pagpipilian mo. Red ay one, blue ay two at white ay three. Ang tanong ay one plus one?" pagkatanong nyang 'yon ay hinagis nya sakin ang tatlong bola. Nataranta ako pero sinalo ko ang kulay blue na bola. "Gets?"

"Ang hirap!" sabi ko. Bukod sa tanong na sasabihin nya ay iisipin ko pa kung saan ang tamang sagot sa tatlong bola tapos ang bilis nya pang ihagis ang mga bola.

"Sa loob ng court, kailangan mong mag-isip ng mabilis." sabi nya. Natahimik naman ako.

"Pero hindi pa pwedeng wala munang tanong? yung kulay na lang muna." pagpapatawad ko sa pinapagawa nya. Tinignan nya ako ng mabuti. Napangiwi ako dahil mukhang hindi sya yung pwedeng biruin.

"Okay. Red." sabi nya sabay hagis ng tatlong bola. Sa biglaan nyang desisyon ay hindi ko nasalo ang sinabi nyang kulay na bola.

"Pwedeng wag naman biglaan?" nakangiwing sabi ko.

"Blue." hindi nya ako pinansin pero mabuti na lang nasalo ko ang blue. "Red." sabay nya ulit sabay hagis ng bola. Mukhang hindi ko makakausap ng maayos si Stace hanggang sa hindi pa napapawi ang galit nito.

Pabagsak na naupo kaming lahat sa sahig ng gym pagkatapos sabihin ni Stace na tapos na ang training ay umalis kasama si Lyte. Kahit na hiwalay ako sa training ay napagod ako sa mga pinapagawa ni Stace pati utak ko. Physical at mental training ang ginawa sakin ni Stace. Wala na ako sa wisyo mag-isip ngayon.

"Fuck! Mamamatay na ako." Sabi ni Sakura. Ang OA nya pero hindi ko sila masisisi dahil grabe ang mga pinagawa sa kanila ni Stace. Sobrang natuwa pa nga sila coach sa mga pinagawa sa kanila.

Pagkatapos ng ilang minuto namin pagpapahinga ay tumayo na kami at bumalik sa dorm. Nanginginig ang binti ako sa pagod. Sabay-sabay kaming naligo lahat sa shower room. Kung dati na naghaharutan sila kapag sabay-sabay kami, ngayon mga nagrereklamuhan sila sa pagod.

Nauna silang umalis ng shower room habang ako ay nagbabad pa sa shower. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig pagkatapos ng mahabang training. Nakakabawas ng konting pagod.

Nagulantang ako nang may humasak sa pwetan ko. Paglingon ko ay si Lesley ang nakita ko.

"Matambok ka pala." Pilyang sabi nya. Namula ang mukha ko lalo na napansin ko ang kalakihan nyang dibdib. Parehas kaming walang saplot at basa.

"Umalis ka nga dito." Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo habang takpan ang dibdib ko. Hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto ng cubicle na ginagamit ko at akala ko ay umalis na silang lahat.

"May abs ka din." Tila nagulat pa sya don. Balak nyang hawakan ang abs ko pero lumayo ako sa kanya. Tumaas ang tingin nya sa dibdib ko. "Yun nga lang..." Alam ko na ang sunod nyang sasabihin.

"Jeez..umalis ka nga." Tinulak ko ulit sya pero hindi sya napaatras. Sa sobrang pagod ko ba at hindi ko nagawang itulak si Lesley?

"Don't wanna." Sabi nya at lumapit sakin. Ikinulong nya ako sa mga kamay nyang nakapatong sa pader na nasa likod ko. Mas lalo syang lumapit sakin na ikinalaki ng mga mata ko. Buong pwersa kong itinulak si Lesley gamit ang dalawa kong kamay pero konting atras lang nagawa ko sa kanya. Seryoso? Naubusan na ba ako ng lakas?

"Lesley, ano ba?" Inis na sabi ko. Akala ko ba si Kriza ang gusto nito? Bakit sakin sya nagkakaganito?

Nagulat ako nang hawakan nya ang dalawa kong kamay at itinaas sa bandang ulunan ko. Bakit ang lakas nito?!

"Huh.." namula ako sa tingin na pinupukol ni Lesley sa buong katawan ko. Isinara ko ang dalawang binti ko. "Not bad."

"Lumayo ka nga." Sabi ko at pumipiglas pero masyadong malakas si Lesley. "Bwisit, hindi ka ba napagod? Bakit ang lakas mo pa din?"

"Malay ko." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hey!" Sigaw ko dahil idinikit nya ang katawan nya sakin. Napapikit ako nang hawakan nya ang hita ko. Inilayo ko din ang mukha ko dahil inilapit nya ang mukha nya sakin. Oh shit.

Nakaramdam ako na tila may nakatingin sakin kaya napamulat ako. Tila ako nakakita ng multo nang makita ko si Kriza na nakatingin saming dalawa. Yung mukha kong namumula kanina ay namutla. Patay na naman ako!

Sinubukan kong pumiglas kay Lesley pero masyado pa rin syang malakas. Sapalitan na nilayo ni Kriza si Lesley. Nagulat si Lesley nang makita si Kriza.

"What are─"

"What are you doing?" Kinilabot ako sa boses ni Kriza. Ibinato nya ang tuwalya sakin na hindi ako nililingon.

"Huh..akala ko hindi ka magseselos dahil alam mong gusto kita." nakangising sabi ni Lesley na tila hindi man lang sya natakot kay Kriza. Palaban talaga ang isang ito.

"Hindi ako nagseselos. Ayoko lang na hahawakan mo si Zaparta." sabi ni Kriza na ikakabog ng puso ko. Napatingin sakin si Lesley at natawa.

"Kinikilig ka naman dyan?" namula ang mukha ko at umiwas ng tingin. "Oh well, hindi pa din ako sumusuko kay Kriza. Ang sarap mo lang kasing asarin." sabi nya at naglakad paalis.

Huminga ako ng malalim at nagpunas na ng katawan. Umangat ang tingin ko na mapansin na nakatingin sakin si Kriza. Namula ang mukha ko dahil nahuli ko syang nakatingin sa katawan ko. Napaiwas din naman sya ng tingin nung mahulihan ko sya.

"Bilisan mo." sabi nya at lumabas ng cubicle. Binilisan ko na ang pagpunas ng katawan ko at tinakpan ng tuwalya bago lumabas ng cubicle. Saktong bihis na si Lesley at nag-aabang naman sa locker kung saan nakaligay ang gamit ko si Kriza.

Kinindatan ako ni Lesley bago sya lumabas ng shower room. Bwisit 'yon. Dahan-dahan na lumapit ako kay Kriza. Nakasandal sa locker si Kriza habang nakahulukipkip. Nahihiyang kinuha ko ang damit ko. Hindi ko alam kung dito ba ako magbibihis sa harap nya o papasok ako sa cubicle.

"Bilisan mong magbihis." utos nya at ipinikit ang mga mata nya. Nagtatalo pa din ako kung saan magbibihis pero minamadali na ako ni Kriza kaya dito na lang ako nagbihis. Binilisan ko na lang talaga.

Pagkatapos kong magbihis ay hinila ako ni Kriza palabas sa shower room. Sa daan na tinutungo namin ay papunta kami sa lake. Tumigil kami sa gitna ng tulay. Hapon na at palubog na din ang araw kaya hindi ito masakit sa katawan tapos mahangin pa.

"Ano ang ginawa nya bukod sa nakita ko?" nagulat ako na magsalita sya.

"Wa-wala naman na." sabi ko. Tinignan ko sya sa mukha. Hindi pa din nawawala ang inis nya sa mukha. Napangiwi ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. 

At dahil wala akong maisip na pwedeng ipang-iba sa usapan ay hinawakan ko na lang ang kamay ni Kriza. Naramdaman kong napatingin sya sakin kaya nilingon ko din sya. Alanganin na ngumiti ako sa kanya.

"Idiot." sabi nya at walang pakundangan na hinawakan ang pisngi ko gamit ang isang kamay nya at hinalikan ako. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako naka-react. Nanlalaki ang mga mata ko dahil muli na naman akong hinalikan ni Kriza. Sino bang hindi magugulat?!

Naghiwalay ang labi naming dalawa. Nagtataka ako sa tingin na pinupukol sakin ni Kriza.

"You don't like it?" sabi nya. 

"Hi-hindi sa ganon, na-nagulat lang ako." sabi ko sabay iwas. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Ito ang unang pagkakataon na mahalikan nya ulit ako na okay kaming dalawa kaya naman nahihiya ako.

Iniharap nya ang mukha ko sa kanya at muli nya akong hinalikan. Sa pagkakataong ito ay tumugon na ako sa halik nya.  Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa batok nya habang ang sa kanya ay niyakap ako. Ninamnam ko ang labi ni Kriza. Ang unang halik muli namin ni Kriza na nangyari sa America ay hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin sa sobrang gulat ko at saglit lang yung halik pero ngayon, matagal at nakatuon ako sa kanya. Napakalambot at napakanamis ng labi ni Kriza. Nakakaadik. Hindi nakakasawa.

Ngayon, naiintindihan ko na si Ate Zoe kung bakit hindi nya mapigilan kakahalik kay Ate Alexa kahit nasa harapan namin. Masarap pala talaga sa pakiramdam ang mahalikan mo ang taong mahal mo. Sana lang may pagkakataong itong mangyari ulit, knowing Kriza, hindi ko mabasa kung ano ang gusto nyang mangyari.



Samantha's POV

"Nakakagulat na hindi na kinukulit ni Tyrant si Eloi." tumingin ako kay Janine tapos kay Tyrant na kausap ang Mama nya.

"Nagmo-move on na daw sya." sabi ko.

"Seryoso?" singit ni Daily na pinaglayo pa kami ni Janine para maupo sa gitna namin. Itong taong ito pwede naman sa tabi namin. "Nauntog na si Tyrant?" natawa kami ni Janine sa sinabi nya.

"Oo nauntog na daw sya." sabi ko. "Isang beses ay panay ang iyak nya sakin. Doon ata sya natauhan na wala syang pag-asa kay Eloi." tumingin ako kay Eloi na nagdri-dribble ng dalawang bola.

"Mabuti naman at natauhan na ang loka." sabi ni Daily.

"Umiyak sayo huh?" tinignan ko si Janine dahil sa pilyang boses nya. Nagtaas baba ang dalawa nyang kilay nung mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. Natawa na lang ako sa iniisip nya.

"Parehas kayo ni Zandy. Masyado kayong ano." sabi ko.

"Sus! gusto mo din naman." pang-aasar ni Daily.

"Ito na kasi ang chance nya kay Tyrant." dagdag ni Janine. Natatawang umiling ako sa kanila.

"Kaya pala lagi silang magkasama 'no?" kung mag-usap ang dalawang ito parang wala ako.

"Alam naman natin na ginagamit lang ako ni Tyrant para makalimutan nya si Eloi." sabi ko.

"At wala lang 'yon sayo." sabay na sabi ng dalawa na ikatawa ko.

"Tumpak!" sabi ko sabay tingin kay Tyrant. "Dahil may kasabihan na nahuhulog ang isang tao sa taong palagi syang inaasar." nakangising sabi ko.

"Kaya pala panay ang pang-aasar mo sa kanya na mas lumala ngayon." sabi ni Janine.

"Mabuti nga na hindi katulad ng pang-aasar nya dati na kasama si Eloi. Ngayon yung pang-aasar nya yung sa kanila lang eh." sabi ni Daily. Napailing ako.

"Minsan ang tanga mo, Daily. Hindi ko na inaasar pa si Tyrant kay Eloi dahil baka hindi nya pa ito makalimutan." sabi ko.

"Paano makakalimutan eh palagi nyang nakakasama?" sabat ni Janine.

"Yung feelings!" sabi ko. "One of these days ay aamin na ako kay Tyrant para naman yung feelings ko ang isipin nya."

"Kakaiba talaga." sabi ni Janine. Napangisi na lang ako at tumingin kay Tyrant. Saktong tumingin sya sakin. Binelatan ko sya na ikairap nya sakin. Natatawang napailing ako.

"Inlababo ang putek." sabi ni Daily. "Ayoko na nga dito." sabay alis nya.

"Bitter!" natatawang sabi ko. Paano kasi nag-away sila ni Monique. May crush kasi sya kay Monique eh.

"Alam ko naman na hindi mo sasaktan si Tyrant dahil matagal mo na syang gusto pero bilang bestfriend nya, sa oras na saktan mo sya ay malalagot ka sakin." sabi ni Janine. Nag-thumb ups ako sa kanya. "Gago seryoso ako." sabi nya sabay sapak ng mahina sa balikat ko.

"Seryoso din ako sa kanya." sabi ko.

"Smooth." natawa kaming parehas.

Tumingin ako kay Eloi. Masyadong bulag ito para hindi pansinin si Tyrant. Natutuwa ako dahil wala syang gusto kay Tyrant pero naiinis ako dahil sa ganda ni Tyrant ay hindi nya man lang ito napansin. Sinayang nya ang isang napakagandang gyamante sa mas magandang gyamente. Psh! bakit kasi ang dyosa ni Kriza eh? muntik na kaya din ako magkagusto doon kung hindi lang sya umalis ng bansa.

Pero si Kriza kasi ay napakahirap makuha. Madaming karibal at may boyfriend pa kaya imposibleng makuha ni Eloi si Kriza lalo na halatang wala naman gusto si Kriza kay Eloi. Bulag talaga eh. Hindi nya makitang walang gusto sa kanya si Kriza. Love is blind talaga.



Zaparta's POV

Ilang buwan na nakakalipas at sa susunod na araw ay pupunta na kaming Empire Island kaya ngayon ay may meeting na mangyayari kasama ang mga captain at vice-captain ng Empire Team. Sabi ng kambal, pumupunta ang mga captain at vice-captain sa limang team para magpakilala at mag-observe. Mag-oobserve para malaman kung ano ang pwedeng i-train samin at para na rin malaman ang kahinaan namin at magamit sa kani-kanilang team sa oras na magkaharap harap kami.

Pabalik na ako sa dorm pagkatapos kong mag-jogging kasama ang boys. Rest day namin ngayon kaya sila ang kasama ko ngayon mag-jogging pero wala kaming training ngayon dahil sa meeting mamaya. Si Kriza naman ay hindi na nag-training kasama ang boys simula nung nakaraang buwan. Hindi ko alam kung bakit, basta nagsabi na lang sya na hindi na sya magtra-training pa sa boys.

Yung tungkol naman samin ni Kriza, ganon pa din naman kung ano ang pinag-usapan namin. Wala kaming pansinan kapag may kasama kaming iba tapos sa rest day ay magkikita kami sa lawa pero minsan hindi natutuloy 'yon dahil kay Charles. Sa tingin ko nga din kaya sya tumigil dahil kay Charles. Rookie lang si Charles pero gusto nya na sya ang mag-train kay Kriza tapos ayaw nya pang may lumalapit kay Kriza bukod sa pinsan nya. Naiinis tuloy si Kriza.

Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa dahil naiinis si Kriza sa kanya o magseselos dahil panay ang buntot ni Charles kay Kriza. Para syang k-9 na aso, ang seryoso at ang cold nya pero panay naman ang sunod kay Kriza.

"Psst!" napatingin ako sa sumitsit. Napanganga ako dahil tila ako nakakita ng mga anghel sa sobrang gaganda nila.

"Akalain mo narinig ka pa non?"

"Maganda kasi ako."

"Kapal."

Tinignan ko sila na naguguluhan kung sino ba sila. Paano sila nakapasok ng camp? Imposibleng masasamang tao sila sa sobrang gaganda nila. Napansin ko ang suot nilang jacket. Napanganga ako dahil sila pala ang Empire Team.

"Alam mo, mapapasukan ka na ng langaw kakanganga mo dyan." napatikom ako ng bibig sa sinabi ng isang magandang nakasuot ng blue na jacket na may tataktak ng Wyvern Empire. Masungit ang isang ito, para syang si Jacky.

"Wag ka naman ganyan, Jak." sabi ng nakasuot ng green na jacket na may taktak ng Mušḫuššu Empire. Hindi lang sila magkaugali ni Jacky, magkatugma pa ang pangalan nila.

"Bagong mukha sya kaya paniguadong rookies sya." sabi ng nakasuot na violet na jacket at may tatak na Qilin Empire.

"Hello, naligaw kasi kami." sabi ng nakasuot na yellow na jacket na may tatak na Basilisk Empire. Naligaw sila? hindi pa ba sila nakarating dito noon?

Napatingin ako sa gilid dahil kinakaway-kaway nya ang kamay nya sa harap ng mukha ko.

"Nakatunganga ka kasi." sabi nya. Nakasuot din sya ng jacket ng Qilin. Bali walo sila ngayon dito.

"Baka pipi." sabi ng nakasuot din na Wyvern jacket. Parehas sila ng kasama nyang masungit.

"Ano ba kayo? nagagandahan lang sya satin." sabi ng isang nakasuot din ng Mušḫuššu na jacket.

"Nandito lang pala kayo!" napatingin kaming lahat sa likuran nila. Si Stace at Lyte. "Kanina pa namin kayo hinahanap. Sabi na nga ba maliligaw na naman kayo." hindi na masungit si Stace simula nung nakaraang linggo. Ang tagal mawala ang galit nya 'no? ilang buwan din.

Hindi ko na intindi pa ang mga sinasabi nila dahil pinagkaguluhan na nila ang dalawa. Kung ano-ano na kasing ang pinagsasabi nila. Mukhang hindi na nila ako pinansin pa kaya naman tumuloy na ako sa dorm para makapaligo na. Mukhang magme-meeting na din dahil nandito na ang Empire Team.

Saktong pagkatapos kong magbihis ay sinabihan nila kaming pumunta sa gym. Nag-aabang na din ang Empire Team habang kausap ang ilan na seniors. Kita ko sa mukha ang pagtataka ng mga kasamahan ko at paghanga nila sa walong nilalang.

"Zap!" nagulat ako dahil tinawag ako sa isa sa walo. Natanong ba nila ang pangalan ko kay Stace at Lyte?

Napatingin sakin ang mga kasamahan ko. Mga may pagdududang tingin.

"Halika dito, Zap! may kasalanan ka samin!" sabi ng isa. 

Nakakunot ang noo kong lumapit sa kanila. Pagkalapit ko ay inumbagan agad ako ng akbyan ng isa kaya medyo napayuko ako at tumama ang mukha ko sa kalakihan din nyang dibdib. Agad naman akong lumayo sa kanya dahil mahirap na, nasa paligid lang si Kriza.

"Tantanan ninyo si Zap." pag-aawat ni Stace. "Sige na, Zap. Maupo ka na." tumango ako sa kanya at lumapit kay Marceline.

Agad naman na bumulong sakin si Marceline kasama si Math na makikichismis.

"Paano mo sila nakilala?" tanong ni Marceline.

"Hindi ko sila kilala. Nakasalubong ko sila kanina pero hindi ko pa din alam pangalan nila. Nalaman siguro nila ang pangalan ko kay Stace." sabi ko.

"Mukhang gusto ka nila ah?" sabi ni Math. Weird na tinignan ko sila.

"Malabo." sabi ko. Tumingin na kami sa harapan nung mag-umpisa na sila magsalita.

Sinimulan ni Stace ipaalala ang Empire Tournament tapos isa isang nagpakilala ang walo na bawat isa sa kanila ay binabantaan kami kung anong klaseng team meron sila. Iniisip ko kung ano ang sinasabi nila Stace kapag sila yung pinakilala sa ibang Empire Team.

"I'm Dru, captain ng Mušḫuššu Empire. Nakakalungkot at nakakahiya man sabihin dahil sa buong Empire Team ay kami ang hindi na nangunguna sa Cup Tournament." sabi ng huling nagpakilala sa kanila na si Dru na ikinagulat namin.

"Okay lang, natalo din kami ng Shakers last Summer Cup." sabi ni Kimberly.

"Mga mahihina." trashtalk na sabi ni Trevor ng captain ng Basilisk Empire. Weird nga ng pangalan nya dahil panlalaki 'yon. Hindi naman sya mukhang lalaki dahil sobrang babae nya at malabote nyang katawan.

"Hindi lang kami isang beses natalo. Tatlong beses nila kami natalo." sabi ni Dru.

"Seryoso?" hindi makapaniwalang sabi ni Marjo ng Qilin.

"Sino ang nakatalo sa inyo?" tanong ni Jak.

"Ang Meteor." kahit na wala akong iniinom ay nasamid ako sa narinig ko. Napatingin tuloy sila sakin.

"Meteor po?" tanong ni Marceline.

"Yes. Kilala mo sila?" tanong ni Ange ang vice-captain ng Mušḫuššu Empire.

"Paniguradong kilala nila ang Meteor dahil kilala ng kambal si Zap." sabi ni Dru na nakatingin sakin. "Isa sa inaasahan ko sa Dragon Empire ay si Zap. Binantaan nila ako tungkol kay Zap." dagdag nya.

Pahamak ang kambal na 'yon. Alam nilang may nagaganap na Empire Tournament at nasa Dragon Empire ako, nagsabi sila tungkol sakin.

"Ano bang meron kay Zap?" tanong ni Chelsea ang captain ng Qilin.

"Kilala ninyo si Kill Walker at Japan Sawada?" tanong ni Dru. Tumango sila Chelsea. "Kaya nyang talunin ang dalawang 'yon."

"What?!" gulat na sabi nila tapos tumingin sakin. Umiwas naman ako ng tingin.

"Zaparta Reyes ba ang buo mong pangalan?" tanong ni Jak. Tumango naman ako. Nagtataka ako kung paano nya nalaman ang buo kong pangalan. "Ikaw pala ang tinutukoy ni Ate Peyt." nagtataka naman ako kung sinong Peyt ang tinutukoy nya.

"Sa sinasabi ninyo ay parang sobrang galing ni Zap." sabi ni Eunice ang vice captain ng Basilisk. Sya ang umakbay sakin at sumitsit kanina. Nakangisi sya na tila natutuwa sa nalalaman.

Hindi ko gusto ito. Ang tingin nila sakin ang sobrang galing ko kaya malaki ang expectation nila sakin. Ayoko pa naman ng ganito, paniguradong ako agad ang una nilang pupurtiryahin. Sobrang nakakahiya kapag nangyaring hindi ko sila matalo. Pambihira, nakaka-pressure!

"Girls, hindi ninyo ba napansin si Blythe?" sabi ni Kade ang vice-captain ng Wyvern. Nakaturo sya sa pwesto ni Blythe.

"What the hell, Stace?" gulat na sabi ni Trevor. Nagtaka tuloy kami.

"Oh my gosh! bakit hindi mo sinabi na nandito si Blythe?" sabi ni Marjo na tila fan girl sa sobrang tuwa. "Blythe my labs!" napangiwi ako kay Marjo tapos tumingin kay Marceline. Tinignan ko sya na nagtataka dahil wala man lang syang reaction. Weird nito.

"Huh! meron din kaming Faith at Summer." pagmamalaki ni Stace. Kumunot ang noo ko kung bakit nya pinagmamalaki yung dalawa. Naiintindihan ko yung kay Blythe dahil sabi ni Marceline ay sikat na modelo si Blythe pero yung dalawa ay hindi ko alam.

"Bakit hindi mo sinabi?!" sabay-sabay na sabi tatlo na si Trevor, Marjo at Ange.

"Tsk..sikat na modelo lang yung tatlo pinagkakaguluhan na ninyo." sabi ni Jak. Tumingin ako kay Marceline.

"Modelo din ba sila Faith?" tanong ko.

"Oo, magkakasama silang tatlo sa isang agency kaya nga magkakasama sila sa Red team." sagot nya. "Yan puro kasi basketball ang alam eh."

"Aba malay ko ba." wala din naman akong paki sa mga sikat na tao na hindi ko kilala.

Pero okay na din dahil nawala ang atensyon nila sakin. Nakaka-pressure kasi silang walo. Mukhang kailangan ko tuloy pag-igihan dahil ayokong mapahiya sa kanila.

Tumingin ako sa gawi ni Dru nang maalala ko ang kambal pero nagulat ako na nakatingin sya sakin. Ngumiti sya sakin. Alanganin tuloy na ngumiti ako sa kanya. Kinakabahan ako sa mangyayari sa Empire Tournament.



----------------------


Continue Reading

You'll Also Like

22.8K 895 14
*Gender Neutral Nezuko Reader* ✄┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈ "Let your dreams blossom." Despite being a Man-Eating-Demon, they refused to harm any human and prote...
88.9K 1.8K 14
Colby Adams. Sounds like a boy name but its actually a girls. Colby lives with her mom, Marian, and little sister, S.J. Colby pretty much keeps to h...
40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
33.4K 1.1K 28
❝Why is everyone in love with me!?❞ Kim Seungmin is a guy who just longs for some love. So one night, he sneaks into his school's chemistry lab to cr...