Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)

15.4K 400 151
By wistfulpromise

~unedited

Chapter 68

Di matigil ang tawa at biruan namin ni Clarisse noong nakarating kami ng ospital. Alam namin na hindi dapat namin ito ginagawa lalo na ako-- dahil si Jace ay nasa loob at may sakit.

Pero sadyang hindi ko lang kasi mapigilan. Hindi naman nakakatulong si Clarisse dahil sya ang pinakapasimuno kung bakit ako tumatawa ngayon.

Pumasok kami sa room number na itext sa akin ni Souta. Namumula ang mukha namin sa kakatuwa noong maabutan namin sila kuya Niel at Shane sa loob. Si Jace ay natutulog sa kama di kalayuan. Nakapwesto ang higaan nya malapit sa may bintana.

Tiningnan nila kami na akala mo tinubuan kami ng dalawang ulo. Hindi lang siguro sa kadahilanan na tumatawa ako kundi dahil tumatawa ako kasama si Clarisse-- isang bagay na ni minsan ay hindi pa nangyari sa history ng pagkakakilala namin noon pa man. 

Tatawa pa sana ako pero sa nakikita kong tingin nila kuya Niel sa akin ay agad kong pinigilan ang sarili. Dali dali akong tumayo ng maayos at inaayos ang damit ko.

"Ahem," pilit kong nilinaw ang boses ko. "Bakit?"

"Nakita ko lang ba na magkasama kayo ni Clarisse?" Takang tanong ni Shane na tila ba hanggang ngayon ay hindi madigest ang nakita. "Kung hindi ko lang kayo kilala, aakalain kong matalik kayong magkaibigan at hindi dalawang magkaaway na kahit kailan ay hindi nagkasundo sundo."

"Friends na kayo?" tanong ni kuya Niel. 

"Hindi ah!"

Noong narealize namin na halos sabay namin itong sinabi, nagkatinginan, natawa sabay irapan ni Clarisse sa isa't-isa.

"Tsk. Malala na kayo." iling ni Shane sa amin.

"Sya nga pala, tinawagan kami agad nila Pietr at Souta noong dumating sila rito sa ospital. Kwinento nila sa amin ang lahat bago sila nagpaalam. Anong nangyari? Anong ginawa nyo kay Ayesha?"

Ngumiti ako ng pagkalaki laki sabay kibit balikat.

"Sikret." sabi ni Clarisse sa kanila. Kung makakindat sya wagas. 

"Sikret? Bakit?" tanong nilang dalawa sa amin. 

"Basta...sa amin na lang yun." tumingin ako kay Clarisse with slow motion epek. Hindi ko naman alam na ganun rin pala ang ginagawa nya kaya noong nakita namin yun ay mas lalo kaming natawa. Ang tinginan namin ay puno ng sikreto at kalokohan na kami lang ang nakakaalam. 

"Huwag nyo sabihing...tinuluyan nyo si Ayesha?" pigil hiningang tanong ni kuya Niel. 

"O.A naman." pabiro kong hampas sa kanya. Dahil dun nakahinga silang dalawa ni Shane ng maluwag. 

"Hindi pa naman kami aabot dun. You guys are really thinking for the worse. Don't you even trust us? Geez. Thanks for the support." Maarteng humalukipkip si Clarisse sabay irap sa kanila. 

"Naninigurado lang. Mahirap na eh." 

"Let's just say," putol ko sa sinasabi ni Shane kanina. "We put Ayesha on her proper place. End of conversation." 

Nagkatinginan ulit kami ni Clarisse. Both of our faces still has that shadow of evilness. Hindi ko nga akalain na sa lahat ng pagkakataon doon pa kami magkakasundo ni Clarisse. At mas lalong hindi ko inakala na ang panig nya ay nasa akin na. 

Kung ano man ang ginawa namin kay Ayesha kanina ay sa amin muna iyon. Basta ang importante tapos na ang problema ko sa kanya. Hinding hindi na yun babalik. Katakot nya lang sa amin ni Clarisse. 

Pabiro akong itinulak ni Clarisse. Hindi ko ito naasahan kaya muntik pa akong natumba sa gilid.

"Aray naman. Ano na naman bang trip mo?" Sabi ko sa inis na tono pero hindi ko pa rin mabura ang ngiti ko. Hinila ko ang buhok nya. Nagreact, tapos tumawa rin. Baliw. 

"Aalis na muna ako freak. Niel, Shane," turan nya sa kanila na may kasamang kindat. "Mauna na ako. Babush!"

Kasabay ng pagkasabi nito ay ang pagsara ng pinto. Bumalik ang katahimikan. 

Nandoon pa rin ang tingin nilang dalawa na akala mo isa akong alien sa harap nila. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Dumiretso ako sa natutulog na Jace na may ngiti sa aking mga labi. 

"Ano na raw ang lagay nya?" tanong ko sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni Jace at tahimik na umupo sa higaan nya.

"Ayon, pinagalitan sya ng doktor na kung bakit masama na nga ang pakiramdam umalis pa rin ng bahay at dumiretso sa trabaho. Bumaba na ulit ang lagnat nya kaya ayos na. Ang kailangan nya ngayon ay pahinga kaya bed rest muna raw sya ng ilang araw sabi ng doktor."

Sandali ko syang pinagmasdan. Dahan dahan ay nabura ang ngiti sa labi ko at napabuntong hininga ng napakalalim.

Noong nakita ko sila ni Ayesha kanina para akong sasabog. Nasasaktan ako...nagseselos. Paano kaya kapag hindi ako dumating? Paano kaya kung nagkataon na totoong mahal nila ang isa't-isa? Paano kung talagang mahal ni Jace si Ayesha? Kaya ko kaya? Kaya ko kaya syang makitang may kasama syang iba? Kaya ko kaya kung tuluyan syang mawala sa akin? 

Iniisip ko pa lang yun nasasaktan na ako. Ngayon ko lang lubusang napagtanto na ang sagot sa lahat ng tanong kong iyon... hindi ko kaya. 

"Niel, Shane, aalis muna ako." Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ang violin na hindi ko namalayan na hanggang ngayon ay nasa likod ko. 

"Huh? Bakit? Saan ka pupunta? Siguradong hahanapin ka sa amin nyan kapag nagising sya." turo ni Shane kay Jace. 

"Paano yung sa Maeda Mora? Kailangan pa nating asikasuhin yun. Sabi ni Souta pumunta raw tayo roon mamaya. Marami pa tayong kakausapin sa kanila at kailangan na nating simulan ngayong araw na ito. Hindi na tayo pwedeng magsayang ng oras." mahinahong apela sa akin ni kuya Niel.

"Huwag kayong mag-alala. Sandali lang ako. I'll be back as soon as I can." 

"Sasama na ako." 

Kinokolekta na ni kuya Niel ang mga gamit nya sa may gilid noong umiling ako sa kanya.

"Dito ka na lang. Mas kailangan ka rito. Kailangan ko lang tapusin ito... ng mag-isa. Sana maintindihan nyo ako." 

"You are not thinking to attack The Highest alone aren't you?" puno ng pagdududang tanong nya sa akin. Hindi ko naman mapigilang matawa ng konti sa mukha nya. 

"Silly. I'm not." iling ko. "Wala 'tong kinalaman kay The Highest. Personal 'to." 

Iniabot ko ang isang kamay sa harap ni kuya Niel. Nakuha naman nya agad ang ibig kong sabihin dahil wala pang ilang sandali iniabot nya sa akin ang susi ng kotse nya. 

"Be safe then." bilin nya.

Nandoon pa rin sa mukha nya ang pag-aalala na baka may gawin akong kalokohan na ikakapahamak ko. 

"I will." 

***

Dumiretso ako sa park kung saan ako madalas na tumutugtog. Madalas ay maraming tao rito pero hindi ngayong araw na ito. Sa may dating pwesto ko ay may naabutan akong nakaupo sa may damuhan. Tahimik syang nakadungaw sa malayo. 

"Tinawagan ko si Aries. Sabi nya nandito ka raw." 

Tumayo ako sa tabi nya. Maraming puno sa paligid at ang lakas ng simoy ng hangin. Katulad nya ay hindi ko mapigilang mahalina sa tahimik at payapa nitong paligid.

"Hinahanap mo na ako ngayon. Is that a good sign?" seryoso man ay bakas ang pamilyar na sarkastiko sa boses nya.

"Pietr kailangan nating mag-usap. Kailangan--" 

"Don't say it."

"Hindi pa nga ako tapos. Ni hindi mo nga alam kung anong sasabihin ko." 

"I already know what you are going to tell me. Just don't." 

Seryoso ang blanko nyang mga mata. Saka lang nagkakaganyan si Pietr kapag seryosong seryoso na talaga sya. 

Pinalipas ko pa ang ilang sandaling katahimikan. Kung sana ganun lang kadali ang lahat.

"Do you know how much I loved you before?" I suddenly blurted out. "I'm willing to do anything. Anything for you." 

Hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako. 

"You're my first love, my first kiss. You're my first to everything. Natatawa nga ako noon eh kasi lahat planado ko na. Kasal natin...kung ilang ang magiging mga anak natin...dahil dati siguradong sigurado na ako na kung may tao man akong makakasama habang buhay wala ng iba kundi ikaw yun. I loved so much but then...you left me." 

May tumulong luha sa mga mata ko pero sa ikalawang banda ay hindi ko rin mapigilang matawa ng konti. I never really thought how silly I am before for thinking and assuming everything ahead to what might happen in the future. Siguro ganun talaga kapag bata ka. Akala mo lahat fairytale. Akala mo lahat happy ending sa unang lalaking mamahalin mo. But sometimes dreams are far from reality. And our reality together is now happening. 

"Iniwan mo ako kung kailan kailangan na kailangan kita. Iniwan mo ako sa ere na parang wala lang ang ilang taon na pagsasama natin. Naiintindihan ko na ginawa mo ang lahat ng yun para protektahan ako, para maligtas ako sa maitim na plano ng ama mo. Pero sana hindi mo ako iniwan. Sana hindi ka bumitaw. Alam mo namang tutulungan kita diba sa kahit anong problema? What is the power of one compared to the power of two? Kailangan ko na nakikita kita palagi sa harap ko. Kailangan ko na nakakasama kita sa piling ko. Kasi alam mo higit sa kanino pa man, sayo ako humuhugot ng lakas noon. Kaya kahit ano pa mang tulong gawin mo sa akin habang hindi ako nakatingin, hindi ko maramdaman ng lubos dahil sa araw araw nag-iisa ako, bumabagsak ako at wala sumasalo sa akin.

I badly needed someone by my side during that time. At alam mo kung sino ang sumalo sa akin? Si Jace." 

Huminto ako saglit. Pinupunasan ko ang mga luha na pumapatak patak.

"I love you Pietr...but I love Jace now more than I loved you."

And I realize thay now more than anything.

"I know." 

Napatigil ako mula sa nag-iisang komento na sinabi nya magmula noong nagsalita ako tungkol sa nararamdaman ko.

"Paano mo nasabi?"

"Kanina...noong sinugod mo si Ayesha dahil sa ginawa nya kay Jace. I knew from that moment...that I already lost you completely."

Nakatingin pa rin sya sa malayo kaya hindi ko mabasa ang mga mata nya.

"Maybe you never noticed but whenever you act like that to someone, it means how much deeply you care for that person. Kahit anong galit na nararamdaman mo minsan lang kita nakitang nagkaganun..at yun ay noong akin ka pa."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong react lalo na noong tumayo na sya sa harapan ko. Bigla akong nanliit sa napakataas nyang height. Halos hindi sila nalalayo ni Jace, parehas sila na hanggang balikat lang ako. 

"So it's really the end isn't? For us?" 

Taimtim akong tumango sa kanya. Suminghal sya ng tawa pero agad din nyang inilayo ang tingin sa akin. 

"I guess even how much good I am with games, I will still going to feel the sweet taste of losing."

"Magmula ngayon pinapalaya na talaga kita. I want you to be happy." and I mean it more than ever. "Ngayon maiintindihan ko na kung sa pagtatapos nating ito, ay maisipan mong magpakalayu-layo kasama ang buong Serendipity. Hindi kita pipigilan. Kung ano mang mangyari sa laban namin nila The Highest sa mga susunod na araw, wala kayong responsibilidad sa amin. Sa lahat ng tulong nyo...sa lahat ng tulong mo. Habang buhay ko yung tatanawin na utang na loob." 

"I will not leave," usal nya kapagkuwan. Tahimik ito at nakatingin sya ulit sa malayo. Nakabulsa ang dalawang kamay nya. "not unless the war is over. I promised you and I will not break it.Tutulungan pa rin kita hanggang sa makakaya ko para mapabagsak si The Highest." 

Hindi ko maitago ang pasasalamat sa mukha ko. Masaya ako na ang isa mabigat na problema ay tuluyan ko ng napakawalan sa puso ko. Namiss ko ang pakiramdam na ang gaan gaan sa dibdib. 

"Friends?" itinaas ko ang isang kamay ko. 

"Super friends." tinaggap nya ang kamay ko na may napakalaking ngiti sa labi.

Hindi ko mapigilang matawa ng konti dahil nakuha pa nyang magbiro ulit katulad ng ginagawa nya ngayon.

 "Pwede bang one last request?" tanong nya sa akin. 

"Sure. Basta kaya kong ibigay, bakit hin--" 

Hinila nya ang kamay ko at niyakap ng napakahigpit. Noong nauna nagulat pa ako dahil hindi ko ito inasahan pero di nagtagal ay naging kumportable rin ako at niyakap sya pabalik. I may not love him anymore but I will always care for him. Kasi alam ko naman na itanggi ko man ito o hindi, Pietr and I will always have that special connection. Unang pag-ibig...na habang buhay na mag-iiwan ng puwang dito sa puso ko. 

"Sige tama na," sabi nya noong tinanggal nya ang pagkakayakap sa akin. Ang laki laki ng ngiti nya. Ako man ay naluluha pa ng konti ay hindi mapigilang mahawa sa kanya. "baka masarapan ko pa at hindi na kita bitawan."

"Sira ka talaga." Pabiro ko syang sinuntok sa dibdib. 

"Biro lang. Masyado kang sensitive.Aalis na ako. Naalala ko na may kailangan pala kaming puntahan ngayon ni Aries." tumingin sya sa relo nya. "Tsk, tsk. Tingnan mo o, late na pala ako! Sige! Mauna na ako ah!" Paalam nya sa akin. Halatang nagmamadali. 

"Hoy teka! May meeting tayo ni Souta sa Maeda Mora. Kailangan mong pumunta!" 

Kailangan ko ng lakasan ang boses ko dahil nakalayo na sya. Ang bilis nga nya eh.

"Oo sige! Pupunta ako roon wag kang mag-alala! Kita kits na lang!" 

"Sige!" kaway ko sa kanya. Nakakapanibago na parang ang bilis nya yatang natanggap ang mga kaganapan na nangyari ngayon. Pero masaya pa rin ako na maayos na talaga kaming dalawa. 

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng napakalalim. Noong muli ko itong idinilat ay iniayos ko ang violin na nasa likod ko. Sa pagkakahawak ko sa likod ng braso ko ay doon ko lang namalayan na basang basa yata ito. Doon ko lang napagtanto na kaya pala niyakap ako ni Pietr ay para maitago nya ang mga luha sa mga mata nya na pilit nyang pinipigilan at itinatago. 

***

Bumalik ako sa ospital ng mas maaga pa sa inaasahan ko. Bumili na ako ng maraming pagkain along the way dahil malakas ang pakiramdam ko na pupunta ngayon sa ospital sila Rico para dalawin si Jace. Mas mabuti na ang handa dahil baka kung ano na namang kadramahan ng kabaliwan ang sumanib kay Rico kapag nagkataon at kulitin lang ako ng kulitin. 

Suot ko ang sumbrero ni kuya Niel na palaging nasa loob ng kotse nya kaya kahit papaano ay nagsilbi itong proteksyon ko mula sa mga fans na maaaring makakilala sa akin. Mahirap pa man din dahil nagkataon na dala ko ang violin ko sa likod. Ayoko namang iwan ito kung saan saan lang kaya since dala ko na sya, pinanindigan ko nang wag itong ilayo sa akin. 

Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ng kwarto ni Jace pero rinig na rinig ko na mula sa kinatatayuan ko ang mga kwentuhan at tawanan na nasa loob. 

Inayos ko ang sarili bago dahan dahang binuksan ang pinto.

"...alam nyo naman si Rico pa! Lahat naman yata kakainin eh. Hindi pa kayo nasanay sa mokong na yan." 

"Pero ano itong nababalitaan namin ah? Inlove daw ang loko! Hala. Sino yan Rics ha? Secretive ka na ngayon. Pakwento naman o!" 

"Sino sya? Sino sya? Sabihin mo na dali!" 

Naabutan ko ang pagtakip ni Rico sa dalawa nyang tenga na akala mo ayaw nyang pakinggan ang sunod sunod na pangangantsaw sa kanya ng mga kaibigan.

"Ayoko! Ayoko! Tigilan nyo ako! Tigilan nyo ak-- sugar babes!!" 

Tumakbo sya agad sa akin noong makita ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil ang tawanan sa loob pero humina ito ng konti sa pagdating ko. Lalong lalo na sa ginawang eksena ni Rico. 

"Tulungan mo ako! Inaapi nila ako. Pinagkakaisahan! Sabihin mo sa akin, ano bang nagawa ko? Anong ginawa ko para tratuhin nila ako na tulad nito? I don't deserve this! I need to be treated with respect! Ginawa ko naman ang lahat. Ano pa ba ang kulang? Sabihin mo sa akin sugar babes! Sabihin mo sa aaaaaaki-- Oh. Food." Agad nyang hinablot yung plastik bag na dala ko na akala mo wala lang yung kadramahan na ginawa nya kanina. May anong saya ang nagliwanang sa mukha nya. Burado na agad ang lahat ng problema at hinaing na iniisip nya kani-kanina lang. "Oh may gulay! Ang daming pagkain! Fiesta ba ito sugar babes? Fiesta?! Fiiii-yessss-estaaaa?!!" 

Ako naman ang napatakip ng magkabilaan kong tenga ngayon. 

"Sabi na eh mahal mo talaga ako at hindi mo ako matitiis! I love you sugar ba--!" May isang flying unan ang tumama sa ulo ni Rico. Sapul na sapul sya na nagdulot ng pagkabagsak nya sa isang sofa. Gayunpaman, nanatili pa ring nakadikit sa mukha nya ang napakalaking ngiti na akala mo hindi sya tinamaan ng isang unan at bumagsak sa sofa. Para sya yung emoticon ng Yahoo! na nakangiti lang labas ngipin habang hawak hawak ang pagkain sa kamay nya. 

"Pagkain." sambit nya na may kasamang nakakatakot na tawa. "Pagkain. Oh pagkain ko." Naaalala ko tuloy yung sa 'The Lord of the Rings', si 'My Precious' guy. Ganun na ganun kasi ang tono ni Rico ngayon.

"Sa tingin ko si Rico na ang kailangang mabed rest." iling ko sabay tsk tsk sa kanya. "Baliw itong kaibigan natin. Natuluyan na." 

"Inlove eh." sabi ng isang boses na lumabas ng banyo. Nakita ko si Kelly at hindi ko maiwasang mapatili at yakapin sya ng napakahigpit. 

Doon ko lang din napansin na bukod sa buong Princeton Band, naroon din sila Nyree at...surprise surprise! Aiden. 

Niyakap ko ng napakahigpit ang magkapatid na akala mo kasalukuyan kaming nagfafangirl sa isang kinahuhumalingang fafa. Pero ano bang magagawa ko? Masaya ako eh! 

Nagkwentuhan kami at nagkamustahan. Yung pagkain na dala ko ay kasalukuyan ng pinaghahatian nila kuya Niel ngayon. Si Shane at Nathan ang kasalukuyang nag-aasaran ngayon kasama si Jace na syang naghagis ng unan kay Rico kanina. Si Aiden tahimik lang. Parang may sarili syang mundo habang kumakain ng burger sa may gilid. Hindi ko na lang sya pinansin dahil ang importante, kumpleto kami kahit papaano at masaya ako. 

Maya maya pa, habang kasalukuyang nagrarambulan ang lahat kung sino ang kakain ng natitirang puto na dala ko, umupo ako sa tabi ni Jace at sinimulang kainin ang itinago kong pagkain kanina. Alam ko kasing mangyayari ito eh. Yun bang, magkakaroon ng 'Survival of the fittest' para lang makakain at makarami ng pagkain. 

"Tinaguan kita ng pagkai--" 

Iniabot ko yung isang maliit na plastik bag kay Jace at ganun din sya sa akin. Bukod sa sabay kaming may itinago na pagkain para sa isa't-isa, halos sabay din namin itong sinabi. 

Pilit mang labanan ay hindi ko mapigilang mapangiti. 

"Thank you." and I think, that is one of the most heart whelming 'thank you' that I've ever said. Small little things...and I'm so touched. 

"Salamat din." sabi nya, there's a small smile tugging on his lips.

Halos nagpalit lang kami ng plastik bag. Wala pang ilang sandali, sabay na kaming kumakain. 

"Ano nang nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya. 

"Ayos na ako. Gusto ko na ngang lumabas mamaya eh. Halos wala na rin naman ang sinat ko." 

Huminto ako saglit at ibinaba ang kinakain ko. 

"Jace, kailangan mo muna raw magstay rito sa ospital ng ilang araw. Hindi ka pwedeng lumabas ng lang agad agad."

"Anong gagawin ko rito? I cannot stay here for too long." reklamo nya. Mabuti na lang malaki itong kwarto at ang higaan nya nasa tabi lang ng bintana. Kahit papaano ay hindi magiging diskumportable dahil ayos sya. 

Binalot kami ng katahimikan. Yung kumportabke...masaya. Natatawa ako ng konti habang pinagmamasdan sila Rico at Nathan na nag-aagawan naman ngayon ng natitirang pizza. Kapag talaga sa pagkain, dinaig pa nila ang mga tagabundok. 

"About what happened to Ayesha and I..." paninimula ni Jace kaya muling naibalik sa kanya ang atensyon ko. "I did not mean it. I did not want that to happen."

"I know." Malungkot akong ngumiti.

"Noong narinig ko ang boses mo kahit hindi ko maimulat ang mga mata ko...nakaramdam ako ng takot na ni minsan hindi ko pa naramdaman. I thought you will really believe what you saw. I thought you will really leave without hearing my explanation."

Hinawakan ko ang kamay nya. 

 "I trust that you love me. Hindi naman siguro magbabago yun agad agad di ba dahil lang sa isang halik?" tudyo ko. Pero sa tuwing naaalala ko pa rin, hindi pa ring maiwasang kumulo ng dugo ko dahil sa Ayesha na yun. 

"Si Ayesha..." malungkot nyang usal, hindi sya nakatingin sa akin. "dahil masyado akong desperado na makuha agad yung kumpanya ginamit ko sya. I knew it was wrong and now I payed the price." 

Hindi ko mapigilang mapa-"oh em gee!" ngayon ko lang napagtanto kung ano ang nagawa ko. 

"Oh my gahd. I'm sorry! Alam mo naman na noong nakita ko yung ginagawa nya sayo hindi na ako nakapagpigil." napakagat ako sa kuko ko. "I ruined it. Your plan. I'm sorry. I'm so sorry."

Oh my gahd! How stupid I am? Dahil sa lintik na galit at selos na yan nakalimutan ko na si Ayesha na lang pala ang pinanghahawakan nyang pag-asa para mabawi ang kumpanya nila kay Pietr. Ngayon ginulo ko ang lahat, malabo na na makikipagtulungan si Ayesha sa kanya! 

Hindi ko mapigilang maluha ulit ng konti. I ruined it for Jace. How could I ruined it for me? 

"Hey, don't be. That's not what I meant." dali dali nyang pinunasan ang luha sa mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha nya. 

"I'm sorry. Aayusin ko 'to. Kung kinakailangan kong magsorry kay Ayesha gagawin ko. Kung gusto mo ngayon na aalis na ako habang maaga pa. Siguro naman papakinggan pa nya ako. Siguro nama--" Nakatayo na ako sa kinauupuan ko noong hinawakan nya ang kamay ko. 

"Hey, hey, Serene calm down." pagpapahinahon nya sa akin. "Wala kang kasalanan okay? It's not your fault. It's mine. Ako ang nagdesisyon na magpatulong sa kanya. Ako ang nagdesisyon na pumasok sa opisina kahit masama ang pakiramdam ko. At lalong lalo na na ako rin ang nagdesisyon na na bumaba ng hagdan kaya nahilo ako. Lahat ng nangyari, yun ay dahil sa mga naging desisyon. What you did and what you saw were only the mere consequences of my actions. Kaya wala kang kasalanan dun okay? Taha na." 

Parang hindi na sya magkandaugaga na punasan ang mga luha na ayaw ng tumigil sa mga mata ko.

"Pero yung kumpanya nyo Jace, paano na lang yun?" Alam ko kung paano nya pinaghirapan na binawi yun. Tapos ngayon, nawala nang lahat ng yun.

"Ilang porsyento lang naman ng shares ang nawala sa akin pati na rin ang title ng 'presidency' pero bukod pa roon, parte pa rin naman ako ng company. Isa pa rin ako sa major share holder kaya secured pa rin ang posisyon ko roon. Ngayon ngang narealize ko yun natatawa ako sa sarili ko. Sinayang ko ang oras sa mga bagay na hindi ko naman pala lubos na kailangan. Napabayaan tuloy kita."

He looked at me in the eyes and stared longingly. Inayos nya ang buhok sa tenga ko.

"I'd rather lose the company than lose you." 

How could I be so stupid? I almost lose this wonderful person in front of me because of the confusion of my feelings towards Pietr. But I know that I made the right choice. I never felt some happy and contented like what I feel now. 

"Sigurado ka ba talaga jan sa desisyon mo? Paano ang papa mo? Paano si Aiden? Paano kung..." tinanggal ko ang kamay ko sa kanya. "hindi naman pala ako ganun ka worth it para isipin mo yan." 

Kahit tinapos ko na ang sa amin ni Pietr, hindi pa rin mawala ang guilt na nararamdaman ko dahil sa mga pinagagagawa ko noong mga nakaraang araw kasama nya. 

"Maiintindihan ni Aiden ang desisyon ko. It's my life, not his. Si papa naman, matagal na syang wala. You're all I have. You're my only family. Of course, you will be worth it." 

"Alam mo naman na hindi totoo yan, nandito pa sila Rico," tumingin ako sa kanila. Naghahabulan na silang lahat sa loob ng kwarto na akala mo mga unggoy na nakawala sa zoo. Dinamay pa nila si Aiden. Nasermonan tuloy sila. "sila Niel, Nathan, Shane, Nyree, Kelly...Aiden. They are all your family."

"You don't understand." umiling sya pero may maliit na ngiti ang sumilay sa labi nya. 

"Anong hindi ko maintindihan? Sinasabi ko lang ang totoo. Marami pang ibang nagmamahal sayo hindi lang ako." 

"Ang ibig kong sabihin, 'pamilya' hindi mga 'kaibigan'. Yes they are my friends and they are all important to me. Pero iba ka sa kanila. You're my only family." 

"How so?" 

Ngumiti sya sa akin na puno ng sinsero. Hinaplos nya ako sa pisngi.

"You will be my wife." 

Nabilaukan ako bigla sa kinakain ko. Buti na lang naabutan nya ako agad ng tubig bago pa may nangyaring kung ano sa akin. Marahan akong tinatapik tapik ngayon ni Jace sa likod. Tinatanong kung ayos na raw ba ako. Hindi nya maitago ang pag-aalala sa boses nya. 

"Wife agad? Hindi ba pwedeng girlfriend muna o fiancé?" 

Pinunasan ko ang tumulong tubig sa may baba ko. Pagkatapos nito ay kabado akong natawa. Para kasing seryoso talaga si Jace.

Oh...wait. Seryoyso?!

"You can't be serious." sabi ko matapos mapagtanto kung anong iniisip nya.

"What?" 

"Jace wag mong sabihin sa akin na pagkagraduate natin-- no. Just... no." 

Sya naman ang mahinang natawa ngayon. 

"Mas excited ka pa nga yata sa akin eh." 

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. 

"O-oy! Hindi ah! Sinasabi ko lang. Masyado pa tayong bata. Hindi biro ang pagpapakasal. Ilang taon lang tayo pagkagraduate? Wala pang twenty! Dapat enjoyin muna natin ang buhay dahil minsan lang maging dalaga at binata. Hindi naman ako nagmamadali eh. There's a right time for everything." 

"I know you'll say that." sabi nya pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi nya. "Kaya nga sinasabi ko lang. Hindi pa ako nagpropropose. I just want to say it dahil gusto kong malaman mo. Those are my plans, but for now, we'll follow yours." 

"Good." nakahinga ako roon ng maluwag ah! Noong nakita ni Jace yung reaksyon ko mas lalo lang lumakas ang tawa nya.

Niyakap nya ako sa may bewang since nakatayo ako at sya ay nanatiling nakaupo sa higaan nya. Huminga sya ng napakalalim, puno ng kontento rito. 

"Kung nagkataon siguro na nagkabaliktad ang sitwasyon at nabawi ko ang company pero ikaw naman ang nawala sa akin, I know I will never be completely happy. Ngayong hindi na ako ang presidente, mas magkakaroon na ako ng oras para sayo-- para sa ating dalawa. And that's all I'm asking for." 

Niyakap ko rin sya ng napakahigpit. Masyadong tumataba ang puso ko mula sa naririnig. I know that with Jace by my side, I made the right choice. 

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jace at ng rambulan ng mga kasama namin sa paligid. Isa-isa na rin silang nagpaalam at umuwi. Si kuya Niel lang ang nagpaiwan dahil may kailangan pa kaming pag-usapan. Samantanla, si Jace naman sa ikalawang banda ay natulog lang. Ewan ko ba, pero pagdating yata talaga sa pabilisang makatulog si Jace ang palaging mananalo. 

Mabilis dumaan ang oras, sa loob ng kwarto ni Jace di kalayuan, nagmemeeting kami nila Souta at kuya Niel sa mga dapat at hindi dapat namin gawin. Isinama ko rin si Aziel dito dahil alam kong kakailanganin ko ang mga taktika nya sa ilang mga bagay. Wala si Pietr sa meeting at naiintindihan ko iyon. Kailangan nya ng oras at yun ang ibibigay ko. 

Hindi kami sa Maeda Mora nagmemeeting dahil yun ang nirequest ni Jace. Since ayoko na rin namang makipagtalo ay pumayag na ako sa kanya. 

Dumating ang hapon. Pagkagising na pagkagising nya ay nagpalit agad sya ng damit. Kahit ano mang pigil ang gawin ko ay ayaw nya. As much as we want to held our meeting inside, kailangan pa rin naming pumunta sa Maeda Mora. Isa pa, kailangan din naming sadyain si Owen. Hindi kasi magiging posible ang lahat ng mga plano namin sa Maeda kung wala ang tulong nya.

Nagpumilit si Jace na sumama. Ayaw nyang magpaiwan. Sabi nya kaya raw sya maagang natulog ay para mabawi nya ang lakas nya para pagkagising nya, ready na sya. Kaya naman na raw nya dahil 'nakapagpahinga' na sya (sa maikling tulog na yun. Like 4 or 5 hours I think?). Jace and his logic. I know.

Ang labas tuloy, kinailangan pa namin syang itakas sa ospital dahil alam naman naming hindi sya papayagan ng doktor na lumabas agad agad lalo na at kakapasok nya lang sa ospital kaninang umaga.

"Jace sigurado ka ba talaga na kaya mo? Sabi ng doktor magstay ka pa raw roon ng ilang araw para makapagpahinga ng lubusan. Pero ang ginawa mo, oras lang. Anong klaseng pahinga yun?" 

Ilang beses ko ng tinanong sa kanya 'to magmula sa ospital hanggang ngayon na malapit na yata kami sa Maeda Mora. Hindi ko lang kasi mapigilang mag-alala. 

"Kaya ko." sagot nya sa hindi mabilang na tanong ko. "Hindi naman kita hahayaan doon na mag-isa. Ginawa ko na minsan, at hindi ko na uulitin." 

Binuksan ni Aziel ang pinto ng kotse para sa amin. Inalalayan ako ni Jace sa pagbaba. 

Maeda Mora High. Nagkita ulit tayo. 

"Freak!!" sa isang sigaw na iyon ay nakuha agad nito ang atensyon ko.

Si Clarisse ay excited na tumakbo sa tabi ko. Kasama nya si Souta sa likod na may malaking ngiti sa mukha. Humiwalay kasi sila ng kotse. Kaming apat nila kuya Niel, Aziel at Jace ay sumakay sa dalang kotse ni Aziel. Sila Souta na sinundo si Clarisse kung saan man ay nagsolo papunta rito. 

"Sakto lang ang pagdating natin. Mag-uuwian pa lang ng mga estudyante. Tara sa loob." pagyayaya ni Souta sa amin na syang nauna na sa loob. 

"Anong klaseng lugar ito?" tanong ni Jace na para bang nandidiri sa nakikitang nagkalat na mga basura sa paligid, mga vandalism sa pader at kung anu-ano pang mga dumi at kalat na ni minsan sa Princeton Academy ay hindi nya nakita.

"Dito kayo nagstay noong pumunta kayo rito?" 

Tumango ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya dahil hindi nya akalain na ganito pala kalala rito. 

"Tara." Hinila ko na ang kamay nya bago pa sya makapagkomento. Nahuhuli na rin kasi kami. Alam kong malapit nang magbell. Kapag nakita nya ang mga estudyante rito, baka mas lalo syang mag hurementado sa reaksyon nya. 

"Shay! Anna!" tawag sa akin nila Deck at Andrei. Ang laki laki ng mga ngiti sa mukha nila noong makita kami. Nakasuot sila ng sibilyan since hindi na rin naman sila dito nag-aaral magmula noong ilipat ko sila sa Princeton Academy. Sigurado nagpalit sila ng damit dahil ang uniform ng Princeton Academy ay sadyang agaw tingin sa lugar na tulad nito. 

"Shay? Anna? Sino yun?" narinig kong bulong ni Jace sa tabi ko. Noong nakita nya na sa amin nakatingin sila Deck, kunot noo nya akong tinuran.

"Mahabang kwento." sabi ko naman sa kanya bago ako kumaway kanila Deck na lumapit. 

Pagkalapit nila ay agad din silang napaatras. Nabura ang ngiti nila noong mapagtantong kasama ko si Jace sa tabi ko. Takot na takot na nagtago si Andrei kay Deck. Hindi naman nakatulong si Jace. He keeps on glaring at them. 

Hinila ko ng konti ang kamay nya para makuha nito ang atensyon nya. 

"Kailangan natin ng mga allies. Huwag kang manakot." 

Alam ko na hindi basta basta nagtitiwala si Jace sa kung sinu-sino. Matagal na ang panahon na lumipas at napatunayan ko na rin sa kanya na wala naman silang ginawang masama sa akin. Kahit papaano ayos na si Jace roon pero alam ko na nandoon pa rin ang pagdududa nya sa kanila, hindi lang kanila Deck kundi pati kay Souta. 

Kapag ang tiwala kasi kay Jace nasira, hindi mo na basta basta maibabalik yun. For him, first impression lasts.

"Nakalabas na si Owen sa kulungan. Pinasundo ko sya right away papunta rito sa Maeda Mora para makausap mo." pagbibigay alam sa akin ni Souta. Nagpatuloy kami sa paglalakad. 

Nakatayo sa magkabilaang gilid ko si Jace at Niel. Si Aziel naman ay nasa likod. Hindi man nila sinasabi pero alam kong masyado silang secured sa akin. Noong hindi nga sinasadyang napatigil ako ng lakad, tumigil din sila Jace at kuya Niel para balikan ako. Sinasabi nila sa akin na bilisan ko raw ang maglakad at tinakot pa ako na bubuhatin ako kapag hindi ako nakahabol. Hindi ko sila nakita na magkasundo tulad nito sa tagal ng panahon. 

Bumukas ang isang pinto, kasabay ng pagpasok namin dito ay ang nakakabinging pagtunog ng bell na naghuhudyat para sa uwian. 

Sa loob ng isang silid ay may nakita akong isang lalaki. Puno ng tatuan ang buong braso nya. Nakasuot din sya ng isang makulay na jejecap. Ang dami daming pimples sa mukha nya. 

"Oh. Ang reyna." ngisi sya sa akin. 

Base na rin sa porma nya na galing bilibid, alam kong sya na nga yun. 

"Owen. Ikinagagalak kitang makilala." tango ko sa kanya. 

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Nandoon ang ngiti nya na para syang adik. Nandoon kami lahat sa loob, presentable at seryoso. Pero sa pagpito na ginawa nya sa akin, at sa ikinikilos na parang isang tambay sa kanto, mas lalong nalayo ang agwat namin sa kanya. 

"Hoy Deck. Bakit hindi mo sinasabi sa akin na kay gandang dilag pala ng ating reyna! Gusto mong masolo noh? Ikaw ah. Madamot pa rin hanggang ngayon." 

Umiiling iling si Deck sa kanya sa likod. Na para bang sinasabi na 'itikom mo ang bibig mo! itikom mo ang bibig mo!'. Gumagawa pa nga sya ng 'ligit' sign sa leeg. Puno ng takot para sa kaibigan dahil sa lumalabas sa bibig nya. Gayunman, parang hindi ito pansin ni Owen dahil busy syang nakatingin sa dibdib ko. 

Wala ako sa sariling napataas ng sando ko. 

"Ilihis mo yang mga mata mo, o bulag kang makakalabas sa kwartong ito." babala ni Jace sa kanya. Biglang dumilim ang aura nya. 

"Whoa! Chill!" taas nya ng dalawang kamay na animoy sumusuko. Sa mukha nya ay halatang hindi sya naapektuhan sa sinabi ni Jace. Nakuha pa nyang tumawa. "Ikaw naman 'tol masyadong seryoso! Minsan lang ako makakita ng magandang chicks eh. Pagbigyan na."

"Hindi kami pumunta rito para bastusin mo si GClef." sabi ni kuya Niel. Katulad ni Jace ay may madilim akong nakita sa mga mata nya. Sa mga nakakuyom nilang mga kamay halatang nagpipigil lang silang hindi maumbagan ang isang 'to sa harap namin. Kahit nga si Aziel ay napaabante ng konti. Halata ang nagngingitngit na galit sa postura nya.

"Oh yeah? So hindi sya pwedeng tawaging chicks? Anong gusto nyo? Baby?" bakas ang sarkastiko sa boses nya pero ang sunod ko na lang na nakita ay nakasandal na sya sa dingding. Galit na galit na hawak ni Jace ang kwelyo nito sa dibdib. 

Todo na ang pag-iling ngayon ni Deck kay Owen sa gilid. Napapalo na lang sya sa ulo dahil sa alam nyang ito ang mangyayari sa kanya dahil sa matabil nitong dila. 

"Show some respect. Or I will get it to you one way or another." May kakaiba sa mga mata nya, mas nakakatakot. Mas mapanganib. 

"S-sige na, sige na." sa unang pagkakataon ay nakita ko ang takot sa mga mata ni Owen. "Chill ka lang tol masyadong mainit ang ulo eh. Nagbibiro lang ako." 

Itinulak sya ni Jace sa may gilid. Galit nyang tinuran si Souta. 

"Sino bang nakaisip ng planong ito? Ikaw ba?" 

Umiling si Souta. Ramdam din nya ang tensyon sa paligid. "Hindi ako."

"Ako." Pumasok si Pietr sa pinto kasama si Aries sa likod nya. 

"Diretso pa rin ba ang utak mo noong plinano mong makipagtulungan sa taong 'to? O sadyang baliw ka na?" 

"He's the only card we left." turan ni Pietr kay Owen na pinapagpag ang damit nya. "As much as I hate to admit it, ang lokong yan ang may hawak sa mga tao rito sa Maeda Mora." 

Sya talaga? Parang ang hirap namang paniwalaan. 

"Marami pang ibang paraan. Hindi lang sya ang taong pwedeng hingan ng tulong." 

"Maybe you're right, pero wala na tayong oras." sagot naman ni Pietr. Naroon na naman ang tensyon sa pagitan nila. Lahat kami na nasa loob ay ramdam iyon. 

"Oy. Sasabihin ko sa inyo, nandito ako. Naririnig ko kayo." wika ni Owen na pachill chill lang na nakasandal sa may dingding. "Gusto nyo ng tulong ko diba? Let's make a deal." 

"Anong klaseng deal ang gusto mo?" tanong ni kuya Niel pero kahit sa mukha nya ay halata ang pagkadisgusto nya rito. 

"Deal sa reyna syempre." Nasa akin ang mata ni Owen. "Kapag napagbigyan nya ako, mangangako kami na magiging number one ally nyo kami. Pramis." Kininditan nya ako. Muntik na syang sinugod ng suntok ni Aziel para mabura ang ngisi sa mukha nya pero umiling ako sa kanya. 

"Alam nyo naman diba? Gang to gang leader, kapag nangako walang bawian. Ayan, nasa inyo ang salita ko. Hindi ko tinatakasan ang isang pangako."

"Ano bang gusto mo?" sabi ko. Tatlong araw na lang ang natitira sa amin. Konti na lang ang oras. I'm willing to bargain to him. 

"Hmmm... ano nga ba?" 

Sa ginagawa nya, mas lalong nabwibwisit ang mga kasama ko sa kanya.

"Singer ka diba? Magaling martial artist. Tumutugtog ka rin ng mga instrumento. Hmm... ano pa bang hindi mo nagagawa? Ah! Alam ko na. Kailangan nyo gumawa ng isang musical performance dito sa Maeda Mora. Syempre yung libre. Kaya nyo naman eh." 

"This is ridiculous." Umiling sa kanya si Jace. Parang biglang sumakit ulit ang ulo nya sa narinig. 

Ako naman sa isang banda ay napasinghal na lang ng tawa. Kung hindi lang namin sya kailangan baka niligatan ko na rin sya sa leeg. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, nalagutan na sya ng hininga sa kinatatayuan nya.

"Sa tingin mo ba biro pa rin ito? Maraming buhay ang nakasugal dito. Humaharap ako sayo bilang Gangster Queen at hindi si Serene na isang band performer. Ngayon kung hindi mo kayang seryosohin ang bagay na 'to, tapos na ang usapang ito. Ito lang ang masasabi ko sayo, oras na umanib kayo kay The Highest at ipagkalat sa kanila ang plano naming pagsugod, ipagdasal mo nang hindi ka ipinanganak sa mundo dahil buburahin ko kayo-- ang buong lahi nyo." 

Palabas na ako ng pinto at masayang sumunod ang mga kasama ko sa akin. Pinapainit nya ang ulo ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede syang magbiro. 

"Teka lang sandali! Wag ka namang ganyan. Seryoso ako, pramis!" huminto ako sa kinatatayuan ko. Rinig ko ang biglang pagpapalit ng boses nya. Sa wakas, seryoso na rin sya. 

"Wala naman akong hinihiling na iba. Yun lang ang gusto ko, ang free performance nyo. Hindi bilang reyna kundi bilang si Serene Lopez na sikat na personalidad sa tv." 

 Ibinalik ko ang tingin sa kanya pero wala na ang tingin nya sa akin kundi nasa sahig. Parang nahihiya sya bigla na itaas ang tingin nya. 

"Hindi nyo kasi maintindihan. Ang Maeda Mora...sila lang ang naging pamilya ko. Magmula ng makulong ako ulit, hindi pa rin sila tumigil na suportahan ako. Kaya nga nakalabas ako eh dahil sa kanila yun. Ngayon gusto ko lang ibalik iyon. Gusto ko silang pasalamatan." Tumingin sya sa malayo. Biglang namula ang mga pisngi nya.

"Ang totoo nyan marami kang tagahanga rito Serene Lopez. Hindi lang si Andrei na adik sa banda nyo-- marami pa sila rito sa loob. At alam ko na kapag nagperform kayo kasama ang Princeton Band mas lalo silang magiging masaya. Mas lalo ko silang madaling mapapa-oo sa mga plano ko. Kaya kung pagbibigyan nyo ako, isang malaking bagay na sa akin yun. Matagal ng pangarap ng mga estudyante rito na may magpeperform na sikat na banda o kahit pa personalidad dito sa Maeda Mora pero palaging tinatanggihan kasi alam nyo na, hindi maganda ang reputasyon nito kaya hanggang pangarap lang talaga yun. Ngayon kung mapagbibigyan nyo ang hiling ko, mapapasaya nyo sila, mapapasaya nyo ako. Matutulungan pa namin kayo sa kahit anong plano nyo. O diba kwits na tayo?" 

Siguro ito nga ang tunay na Owen at hindi yung sira ulo kanina. Ito nga siguro yung Owen na sinasabi sa akin ni Deck na tumulong kay Andrei na makatakas noong hinahabol sila ng mga pulis. Ito yung Owen na may pagpapahalaga sa kapwa at marunong tumanaw ng utang na loob. At ito...ang totoong Owen.

Sandaling katahimikan ang nanaig sa paligid. Kung hindi pa aksidenteng napabahing si Clarisse, hindi na hihinga ang mga nasa loob. 

"Anong gusto mong gawin namin?" sabi ko. 

 Lumaki ang ngiti ni Owen sa mukha. Walang kahit anong kalokohan kundi tanging sinsero lang. 

Sa tingin ko mapapasabak ako rito. Hindi sa pakikipaglaban o bugbugan kundi sa kahit ano mang plano na umiikot sa isip nya na gagawin namin. 

 ♥♥♥

Author's Note:

Nagpagames kami sa last last day sa LTMS Group sa FB at sya ang second place!! Fansign and dedication! WOOHOO!! Congrats sayo dear and thank you for joing our little game. Mabuhay ka!! \(^O^)/ Godbless sayo and keep inspiring! Mwuah! 

Yung kay Katrina, sa next UD na lang ang dedic mo at yung isa pang surprise prize since ikaw ang nanalo!! Thank you rin sayo! Mwuah! 

OLE! 

-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
1.8M 56.9K 72
Her name is Akira Jade Alford. Hindi siya Gangster, hindi siya kabilang sa kahit na anong Mafia o Yakuza at mas lalo namang hindi siya Assassin. She'...
1.3M 47.6K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
421K 16.6K 48
Saellyn Yosjua was born with golden spoon in her mouth, being spoiled with all the things she want, and was even trained to act like a princess. But...