Dagger Series #1: Unwritten

By MsButterfly

1.6M 63.1K 9.6K

Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of he... More

Author's Note
Synopsis
Chapter 1: L
Chapter 2: List
Chapter 3: Ice Cream
Chapter 4: Unicorn
Chapter 5: Questions
Chapter 6: Complicated
Chapter 7: Feud
Chapter 8: Special
Chapter 9: Sleep
Chapter 10: Three Seconds
Chapter 11: Poison
Chapter 12: Choice
Chapter 13: Cut
Chapter 14: Vulnerable
Chapter 16: Educate
Chapter 17: Collide
Chapter 18: Signature
Chapter 19: Happy
Chapter 20: Bliss
Chapter 21: Point
Chapter 22: Scale
Chapter 23: Black
Chapter 24: Memory
Chapter 25: John
Chapter 26: Gift
Chapter 27: Box
Chapter 28: L&T
Chapter 29: Better Than Fiction
Chapter 30: Present
Epilogue
Author's Note
Dagger Series #2: Unstrung
Announcement
Book: Unwritten

Chapter 15: Close

39.1K 1.6K 125
By MsButterfly


CHAPTER 15

LUCIENNE'S POV

Naririnig ko ang mga malalakas na boses ng mga tao sa paligid pero nananatili akong tutok sa ginagawa. Iyon lang ang paraan para magawa kong ibaon at itago ang kaba na nararamdaman ko. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. It's not like I can change myself overnight.

Ang pagkakaiba lang ay nagagawa ko ng harapin ang takot ko ngayon. Pinopokus ko ang sarili ko sa isipin na kung para saan ba ang ginagawa ko. I've been writing for ages but if I'm being honest, it was mostly just for me.

"Akala ko po talaga lalake kayo. Kahit Lush Fox and author name niyo hindi kasi malamya ang pag describe niyo sa mga senaryo sa libro eh. Hindi po talaga ako makapaniwala na makikita ko kayo ngayon. Sobrang fan niyo po talaga ako!"

Nag-angat ako ng tingin sa babae na nakatayo sa harapan ko. Yakap-yakap niya ang iba ko pang mga libro na natapos ko ng pirmahan. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan at para bang any moment ay bigla na lang siyang sasabog sa sobrang kasiyahan.

"Thank you." matipid kong sabi sa kaniya at pagkatapos ay tinuro ko ang kinaroroonan ng ilan sa mga staff ng Quetzal Publishing. "Hingi ka ng eco bag sa kanila. Umuulan pa naman sa labas baka masira ang paper bag mo."

Akala mo ay binigay ko sa kaniya ang sikretong lugar kung saan mayroong nakatagong mga kayamanan sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. "Sobrang bait niyo po! Pwede pong papicture?"

Itinaas ng babae ang cellphone niya at tumango na lang ako. Katulad sa mga nauna ay maliit na ngiti ang ang binigay ko. Mukha namang okay lang iyon sa kanila at tanggap naman nila na ito lang ang kayang ibigay ng pagkatao ko.

Umirit ang babae sa kasiyahan habang tinitignan ang selfie naming dalawa at pagkatapos ay nakangiting nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ang ganda niyo po! As in!"

Muli akong nagpasalamat sa kaniya at sinundan ko na lang siya ng tingin nang bumalik na siya sa upuan niya habang ang susunod sa kaniya ay naglalakad na palapit sa kinaroroonan ko.

Sa totoo lang namamangha talaga ako sa sinasabi nila. Mula nang makarating kami rito sa event venue at magsimula ang book signing ay parang sunod-sunod na surpresa ang dumadating sa akin. Una na ro'n ang dami ng tao na pumunta. Sobrang nalagpasan ang expectation ko. Inaasahan ko kasing marami ang hindi makakarating dahil hindi naman lahat ng mambabasa ko ay nasa Luzon. Pero base sa mga nakausap ko kanina ay marami sa kanila ang galing pa sa malalayong lugar.

Bukod do'n ay ang mga sinasabi nila sa akin. Kung paanong hinahangaan nila ako, na mahal nila ako, ang galing ko raw, at kung ano-ano pang compliment. Lalo na kapag pinupuri nila ang itsura ko. Wala namang kakaiba sa akin kapag nakikita ko ang sarili ko.

"Hello po Miss Lush-"

Nanglaki ang mga mata ko nang hindi matapos ng babae ang sasabihin dahil bigla na lang siyang napaiyak. Napatayo ako ng wala sa oras at humihingi ng saklolo na nagpalingon-lingon ako. "H-Hala ate anong nangyari? Hoy! Gawan niyo ng paran 'to sinong umaway dito?!"

Imbis na tulungan ako ng mga staff ng Quetzal ay nagtawanan lang sila habang ang mga taong nanonood sa amin ay naghahagikhikan din. Ang boss ko naman ay nasa isang panig ng stage at magkakrus ang mga braso na pinapanood lang ako. Hindi malaman ang gagawin na ibinalik ko ang atensyon ko sa babae na pinupunasan ang mga mata niya.

"Okay lang po ako. Ang tagal ko na po kasi kayo gustong makita. Mula pa po noong una kang maglabas ng libro. Akala ko nga po imposible na ma-meet kita in person." naluluha pa rin na sabi ng babae. "Halos every week po nag me-message ako sa Facebook page mo. Kahit hindi po nasasagot 'yon gusto ko lang pong maramdaman na nakakausap kita. At saka siyempre hoping na rin ako na makaabot 'yung mensahe ko. Sobrang laking pasalamat ko kasi talaga sa mga libro na nilikha mo kasi kahit sinasabi ng iba na morbidity lang daw ang nababasa ko alam kong hindi 'yon totoo. Kasi bawat libro mo talagang sinasarado mo 'yung kwento sa paraan na may napaparating ka sa amin na hindi kinakailangan i-preach iyon. Pinaparamdam mo sa amin na readers mo na kahit na anong mangyari hindi kami dapat mawalan ng pag-asa. Kasi lahat ng bagay dapat paghirapan at lahat ng worthy na bagay sa mundo ay hindi nakukuha ng madali lang. Na pagkatapos ng lahat mahahanap din namin 'yung kasiyahan na parang noong una imposible makita. Ang daming beses ko na po kasi talagang gustong sumuko sa lahat. Iyong mga libro mo lang ang nagbigay sa akin ng oras para huminga at magpahinga para laban ulit."

Lumingon ako sa kinaroroonan ng boss ko na si Magnus at sinalubong niya ang tingin ko. Pakiramdam ko ay sa mga mata pa lang niya ay pinaparating na niya sa akin ang mga salitang noon pa niya sinasabi sa akin. Maraming sumusuporta at nagmamahal sa akin kahit ang hirap para sa akin na paniwalaan 'yon. Nakikita nila ang mga akda ko sa paraan na hindi ko nakikita at minahal nila ang mga iyon higit pa sa inakala ko.

I was used to running away from attachment. I don't want to lose more people in my life. Masyadong masakit mawalan ng mga taong akala mo ay makakasama mo hanggang dulo. And of course, there's the pressure. The constant demand of some people. Pakiramdam ko kinukuha nila sa akin ang kontrol sa pagdedesisyon sa sinusulat ko. But now I'm beginning to understand that I don't need to shut away those who genuinely cares for me just because of those that I find harmful for my writing. Pwede ko namang baliwalain ang mga tao na nagdudulot sa akin ng stress sa pagsusulat pero hindi ko kailangan idamay ang mga taong gusto lang naman akong makilala, gustong magsabi ng mga nararamdaman nila nang mabasa nila ang mga gawa ko, at mga taong gusto lang mag reach out.

"Come here." I said to the woman.

Mukhang hindi naman niya naintindihan ang ibig kong sabihin kaya ako na ang kumilos. Umikot ako sa lamesa at ako na ang yumakap sa babae na tila nabigla sa ginawa ko. I can hear the cheers from the crowd but in that moment everything was just a background noise. Ang tangi lang na nasa isipan ko ay kung paanong sa tagal kong nagsusulat ay ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. For once, I feel proud that I become a writer.

"Thank you." mahina kong sabi sa babae nang mahanap ko na ang boses ko.

Siguro nang bumukas ang puso ko ay kasabay noon ang pagkawala ng mga pader na nagkukulong sa akin. Pinalaya ako noon hindi lang para matutong magmahal kundi para makita ang mga bagay na pilit kong iniiwasan noon.

I deserve this. I deserve to feel proud and happy of what I had achieved. I was a writer for a long time but now I'm a writer that can finally see what it really means to be one.

IBINABA ko sa sofa ang hawak ko na handbag at kasunod no'n ay pabagsak na umupo ako ro'n. Nahahapong iginalaw-galaw ko ang mga daliri ko sa kanang kamay. Pakiramdam ko kasi ay nawalan na iyon ng pakiramdam.

"Tired?"

Nag-angat ako ng tingin kay Magnus na ngayon ay nakatayo di kalayuan sa akin. Sa paanan niya ay naroon ang mga paper bag na naglalaman ng mga regalo na natanggap ko kanina sa book signing galing sa mga reader ko.

"Yeah." sagot ko.

"Happy?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kita ko ang pananaliksik sa mga mata niya na para bang wala siyang balak pakawalan kahit na kaunting senyales na nagsisinungaling ako. Hindi ko siya masisisi. Nitong nakaraang apat na buwan ay parang sumasabay lang ako sa daloy ng mga nangyayari sa paligid.

Bawat broadcasting station laman no'n ang kuwento tungkol sa akin at ang pagkahuli ng killer na ginagamit ang mga libro ko bilang basehan sa mga pagpatay na ginagawa. Pinilit ng pulisya na huwag ilabas ang mukha ko sa mga balita pero hindi na nila nagawang pigilan ang pagkalat ng mga kuha mula sa mga nakasaksi sa tangkang pagdakip sa akin ni Kevin Robles.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pumayag na rin ako na sa kauna-unahang pagkakataon ay magkaroon ng book signing. Dahil ayokong manatili ang mga litrato na iyon na tanging katunayan ng eksistensiya ko bilang manunulat. I want to erased those images so I can forget everything too. I just want everything to be over.

Iyon din ang rason kung bakit umalis na ako sa bahay na tinutuluyan ko na ngayon ay nakalagay na sa market para maibenta. I left everything except my important documents, copies of my books, and my laptop. Tinulungan ako nina Magnus at Nate para i-donate ang mga naiwan ko.

Then I started again. From a new home, wardrobe, furniture, kahit maging gamit sa kusina na noon ay hindi ko man lang alam kung paano gamitin. But I'm trying. I'm slowly learning to live with the curtains drawn back to let the light beam from my windows. No more hiding.

"I am." I said to my boss. Bahagyang naningkit ang mga mata ng lalaki na para bang nagdududa sa sinabi ko pero ununahan ko na siya bago pa siya makapagsalita. "Really. I enjoyed meeting my readers. Nakakailang lang talaga kasi hindi naman ako sanay sa gano'ng kadaming tao. Being around five people is too crowded for me already paano pa iyong gano'n?"

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."

Siya ang naging saksi kung paano ako nag break down dahil nangyari iyon habang nasa sasakyan niya ako. Everything was just too much that time. 'Yung tungkol kay Thorn, sa killer, at kung ano na ang gagawin ko nang panahon na iyon na tapos na ang lahat.

"I'm fine."

Mukhang may sasabihin pa siya pero muli lang naudlot iyon nang tumunog ang cellphone niya. Kunot-noong kinuha niya iyon mula sa bulsa ng pantalon at mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya nang makita kung sino ang tumatawag.

"This woman." he growled.

"Trouble?"

"More than you can imagine." bumuntong-hininga ang lalaki bago kinuha ang mga paper bag na nasa paanan niya at pagkatapos ay inilagay iyon sa coffee table. "Magpahinga ka na. You had a long day."

Binigyan ko siya nang maliit na ngiti at pagkatapos ay tumayo na ako para ihatid siya sa labas. Nang makasakay na siya sa sasakyan niya ay sinarado ko ang gate at siniguro ko na activated na ang security alarms ko bago ako pumasok muli sa bahay.

Huminga ako ng malalim habang inililibot ang paningin sa malawak na sala ng bahay. Lahat ng kagamitan sa bahay na 'to ay umiikot lang ang kulay mula sa puti, itim, at wood colors. Malayo iyon sa bahay ko noon na madilim ang dating ng kabuuan. Ang tangi lang pagkakapareho ay ang espasyo. I still love the huge space both in my living room and bedroom. Ayoko kasi talaga iyong masyadong maraming gamit.

Pero kung may isang bagay talaga akong nagustuhan sa lugar na ito ay ang view iyon. Hindi naman ganoong kalayo ang tinitirhan ko noon dito sa bagong bahay. Cavite pa rin naman. But here in Tagaytay, I can look at the scenic view everyday. Nagbibigay iyon sa akin ng kaginhawaan dahil pakiramdam ko ay malayo ako sa realidad kapag nandito ako.

If I can only buy the house. Sa ngayon kasi ay for rent pa lang iyon dahil hindi pa sigurado ang may-ari sa pagbenta no'n. Okay lang din naman sa akin dahil hindi naman ako nagmamadali. I'm still waiting for the other house to get sold anyway. Mataas din kasi talaga ang presyo ng mga bahay sa lugar na ito kaya magagamit ko iyon bilang pagbayad para kaunti na lang ang kakailanganin ko bago maging buo ang kabayaran para sa bahay. For now, I'll just enjoy the place.

Nahugot ako mula sa malalim na iniisip nang maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong napabuntong-hininga bago ako naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang isa sa mga cupboard at napakamot ako sa pisngi ko nang makita kong ubos na ang mga instant noodles na binili ko. Pinipigilan ko kasi ang sarili ko na bumili ng marami para may rason akong lumabas ulit ng bahay hindi katulad noon na ang tagal kong magkampo sa bahay dahil nag ho-hoard ako ng pagkain. Bukod pa ro'n ay iniiwasan ko na rin kasi ang dumepende masyado sa instant foods.

Kinuha ko ang mga nakita ko na natitirang ingredients na nasa cupboard at inilagay ko ang mga iyon sa center island bago ko binuksan ang refrigerator. "Hotdog, cheese, carrots, garlic and onion, corn beef, tomato sauce, at spaghetti noodles. Wow. Birthday na birthday ang dating."

Kinuha ko ang tablet pc ko na nakapatong sa ibabaw ng microwave at pumunta ako sa youtube para maghanap ng tutorial. Iyon na lang kasi ang pag-asa ko dahil wala naman akong alam sa kusina. Nitong mga nakaraan na sumubok ako magluto ay tanging Tinola lang ang nagawa kong maluto na hindi palpak. Wala naman kasi akong ginawa masyado do'n kundi mag-intay na maluto iyon.

I can feel my face scrunching up when I remembered the chicken that I tried to bake. Sa buong buhay ko wala pa akong nakita na kasing sunog katulad ng sinapit nang niluto ko.

Nang makahanap na ako nang madaling tutorial ay sinimulan ko ng i-prepare ang mga kakailanganin. Not long after, I was finally going through the cooking process. Lahat ng sinabi sa tutorial ay sinunod ko. Lagay ng asin dito, lagay ng paminta roon, at pagkatapos ay haluin iyon ng haluin. Iyon nga lang dahil mabilis ang video tutorial ay nagmamadali tuloy ako sa paglalagay ng mga sangkap na para bang isa akong mangkukulam na gumagawa ng potion kesa ang magluto ng kakainin ko mamaya.

Pagkaraan ay kumulo na ang niluluto ko ay kaagad na tinikman ko iyon. Hindi pa halos bumababa iyon sa lalamunan ko ay sunod-sunod na napaubo na ako at kaagad na tumakbo ako sa sink para hugasan ang bibig ko.

"Ano ba 'to? Spaghetti o dagat?!" bulalas ko habang pinupunasan ko ang bibig ko.

Mabilis na bumalik ako sa niluluto na ngayon ay kulo na ng kulo. Hindi katulad sa mga napapanood ko ay parang malapit na talaga iyon ihambing sa cauldron ng mga witch kung saan may nabubuong sinumpang mahika.

Inabot ko ang lalagyan ng asukal at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay ibinuhos ko iyon sa lutuan sa kagustuhan na maisalba iyon. Pagkatapos no'n ay muli kong hinalo ang sauce at nang sa tingin kong tunaw na ang nilagay ko ay tinikman ko ulit iyon.

Nalukot ang mukha ko sa lasa na natikman ko. Mabuti pa kanina at least alam kong maalat iyon. Ngayon hindi ko na maintindihan dahil pakiramdam ko sumabog na ang taste buds ko.

Hindi pa rin maipinta ang mukha ko nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Pinatay ko muna ang stove bago ako naglakad papunta sa living room para kunin ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay kaagad ko iyong sinagot.

"Are you picking me up for dinner?" I asked unceremoniously without even greeting the person on the other line.

Sandaling katahimikan ang namayani bago ko narinig ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. "As a matter of fact, yes. Aayain sana kita mag celebrate para sa successful event mo today."

"Good. Kasi baka ma-food poisoning ako sa niluto ko."

Muling napatawa ang lalaki, "Perfect then. Thirty minutes away lang ako sa bahay mo. Just bring a jacket, it's my treat."

"Thanks, Nate."

"You're welcome as always, Lucy."

Napailing na lang ako nang putulin ko na ang tawag. Kahit talaga anong sabihin ko sa kaniya ay iyon na ang naging tawag niya sa akin. Kahit noong malaman niya na ang totoong pangalan ko. Hindi naman daw kasi malayo kaya iyon na ang naging nickname ng lalaki sa akin.

After everything that happened and when I decided to move forward, besides my boss, Nate was one of the people that helped me to leave everything and start again. Sa pagsisimula ko sa bago kong buhay, mula sa Lucienne na sarado sa mundo at least sa pagkakataon na 'to ay may matatawag na akong kaibigan.

Ipinilig ko ang ulo ko at bumalik na ako sa kusina para ilagay sa lababo ang palpak kong niluto. Mamaya ko na lang lilinisin ang mga 'yon.

Tumuloy na ako papunta sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag ng bahay. Dalawa lang ang kwarto sa bahay. Isang master's bedroom at guest room. Malaki parehas ang mga kwarto pero pinili kong gawing master's iyong kwarto na tanaw ang kagandahan ng Tagaytay.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at naglakad ako palapit sa walk-in closet. Binuksan ko ang pintuan at kaagad nahagip ng mga mata ko ang kabuuan ko mula sa malaking salamin sa loob. Nakasuot ako ng puting blouse na mahaba ang sleeves na may flare effect kaya malaki ang dulo no'n. Plain white lang iyon maliban sa ribon no'n sa bandang collar na kulay itim. Ang pang-ibaba ko naman ay high waisted slacks na kulay green pastel. Bahagya na ring humaba ang buhok ko na ngayon ay nakakulot ng maayos dahil sa nag-ayos sa akin kanina na siyang naglagay din sa akin ng make-up.

I look put together. Normal. Malayo sa kung paano ako manamit noon. Hindi ako tinitignan na para bang wala ako sa katinuan at hindi rin ako nilalayuan. I look like everyone else.

Binuksan ko ang isang drawer na nandoon sa loob ng closet kung saan alam kong nilagay ko ang mga jacket ko. Basta ko na lang hinila ang una kong nahawakan at inilabas ko iyon.

Natigilan ako nang makita ko kung anong jacket ang hawak ko ngayon. It's just a plain jacket with a horn on its hood and a print in front. I'm a unicorn.

I didn't expect the sudden memories blasting inside my head. That forsaken first date where I wore this. Kung saan suot din niya ang kaniya na kaparehas nito. Iyong gabi na akala ko masaya lang kami pero iyon na pala ang huli.

That's the problem with goodbyes. It will always take you by surprise. Hindi mo mapaghahandaan. Just an ordinary day. There's no foreshadowing, just a sudden swish of the scythe that will destroy what once you thought can go on for a long time.

I blinked back the tears that are starting to form in my eyes. Marahang hinaplos ko ang jacket at pagkatapos ay maingat na ibinalik ko iyon sa drawer. I can't throw it away yet. Kahit na sinabi ko sa sarili ko na dapat iwan ko ang lahat ay hindi ko pa rin nagawang bitawan ang bagay na iyon.

Trying to collect myself, I pulled another piece of clothing and slam the door of the drawer shut. Mabilis na sinuot ko ang jacket na kinuha ko bago ako lumabas ng walk-in closet. I closed the door like how I should close everything that will remind me of the things that will just continue to hurt me.

One step at a time. Then one day, I can leave it in the past too.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 124K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and...
38.6K 2K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
317K 16.4K 75
Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a m...
800 95 9
It was six years, after all. Nana Misch was a decent playgirl, not until he met Greg Alexis Jimenez, the one whom she loves the most. The kind of lov...