Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.2K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 30

17.1K 734 206
By jaysanj


Zoe's POV

"Tinalo pa ata ang Cup Tournament ang event ngayon sa sobrang daming tao." sabi ni Russel. Natawa naman ako. Nasa locker kami ng mga kateam ko ngayon. Ang mga kasama ko ay sila Russel, Aj, Xenon, Nikki at Kiara tapos ang makakalaban namin ay sila Steph, Alexa, Japan, Torey, Louise at Gen, mga bigating kalaban. 

Hindi ko alam kung paanong naging ganito ang team up namin dahil nung pagkarating namin ni Alexa ay sinabi nya dito ang locker ko kasama ang mga kateam ko tapos sa kabila naman sila. At ito nga, nagulat ako na sila ang makakasama ko, wala man lang kasama sa Big Three, hindi nga lang Big Three dahil nandon si Gen.

"Sinadya nila na magkakasama yung apat." sabi ni Aj. "Aba wala akong palag kay Gen simula pa lang nung una." dagdag nya pa. Si Aj ang pumapangalawa noon sa Blue Team.

"Paano pa kaya kami? Steph, Japan at Alexa?" sabi ni Kiara.

"Ano ba? tiwala lang tayo kay Zoe." langya itong si Nikki binigay sakin yung pressure.

"Tama, ito na ang pagkakataong talunin ang Big Three ng Red Team." sabi ni Russel.

"Mga walangya kayo." sabi ko at nagtawanan kami.

Ang game namin ang unang maglalaro sunod ang kanila Ate Kill. Hindi ko pa alam kung sino ang magkakasama dahil wala naman sinabi sa post ni Louise nung nakaraan at walang nagsabi kung sino ang magkakasama. At katulad ng sabi ni Russel ay sobrang daming nanood ngayon. Dito pa lang sa locker namin ay rinig na namin ang mga nagsisigawan na tao dahil meron munang pa-raffle.

Tinawag lang kami nung mag-uumpisa na ang laro. Ang lakas ng sigawan nung lumabas kami pati sila Alexa. Sobrang daming fans ng nasa kabilang team.

"Edi sila na sikat!" sabi ni Aj. Talaga ito hindi na nagbago.

"Lampasuhin natin sila." sabi ni Kiara. Parang dali ng gusto nya ah.

"Go, Zoe kaya mo yan." sabi ni Nikki.

"At talagang sakin kayo umaasa ah?" sabi ko.

"Ikaw lang yung araw-araw may practice eh. Kahapon lang kaya kami nakapag-pratice." sabi ni Aj.

"Maniwala ako sa inyo." sabi ko at hindi naman nila pinilit na kahapon lang sila nag-practice. Sila pa ba?

"Wala ng warm-up, warm-up! Bira na agad!" sigaw ni Russel dahil nagwa-warm-up ang kabila.

"Aba, aba mukhang ready na ready si Russel ah." naka-mic na sabi ni Ate Anya. Siraulo naman itong si Russel at kinuha pa ang mic.

"Lalampasuhin namin kayo!" sabi nya. Napa-face palm naman ako. Ang agang trash talk naman ito. Sumabay ang mga fans sa sinabi nya.

"Ano Black team?" natutuwang sabi ni Ate Kiwi. Black at White team ang pangalan ng team namin. Kami ang White.  Kung ano ang pangalan ng team namin ay sya din ang kulay ng jersey namin at hindi na rin kami nagpagawa ng jersey dahil may kulay kaming jersey ay ayos na. Isang araw lang naman gagamitin at rush pa ang larong ito.

Lumapit si Steph at mukhang gustong i-broadcast ang sasabihin nya. Hay nako naman sa mga 'to hilig talaga mang-trash talk.

"Hindi ninyo kami kaya. Dalawang NBA player, PBA star player tapos may Gen pa kami?" maangas na sabi ni Steph.

"Hoy! Paano naman kami ni Torey!" rinig kong sabi ni Louise. Ang mga malapit lang nakarinig sa sinabi nya at tumawa.

"Isama na natin ang asawa ng NBA player at coach ng Shakers. Eh kayo?" panghahamon ni Steph. Napatingin ako kay Aj na lumapit kay Russel at kinuha ang mic.

"Kami? may Zoe kami! panis!" natawa ang lahat sa sinabi ni Aj. Napa-face palm na naman ako dahil sa kakahiyan.

"Hindi pa nag-uumpisa ang laro pero mainit na agad ang tagpuan." sabi ni Ate Anya.

"Ano kaya ang mangyayari? malalampaso nga kaya ng White team ang Black team o sila ang malalampaso?" natatawang sabi ni Ate Kiwi.

"Sila!" sabi ng dalawa.

"Tumigil na nga kayo dyan." saway ko sa dalawa.

"Ikaw na nagsabi noon, Zoe. Hindi masaya ang laro kung walang trash talk-an." sabi ni Kiara.

"Natandaan mo pa 'yon?" gulat na sabi ko. Natandaan ko nga na may nasabi akong ganon nung unang laban namin dahil doon lang kami nagkaroon ng trask talk.

"Ano pa hinihintay natin? Simula na natin ang laban!" kahit na naka-mic na si Ate Anya ay sumigaw pa din sya na sinabayan ng mga fans. Lalo tuloy umingay.

Bumilog kaming anim at nilahad ang kamay sa harapan.

"Tapusin ang Black team!" nagulat ako sa sigaw nila. Hindi ko alam 'yon ah!

Nakipagkamay ako sa anim bago sila pumasok sa loob ng court.

"Wait, what? nasa bench si Zoe?" takang sabi ni Ate Anya. Napatingin samin sila Alexa. Si Louise ang natira sa kanila. Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

"Mukhang confidence ang White team na matatalo nila ang Black team na wala si Zoe ah?" komento ni Ate Kiwi.

Tinignan ko sila Alexa. Napangiwi ako nung makitang seryoso sila. Patay, mukhang kami ang malalampaso.

Si Kiara at Alexa ang magju-jump ball. Professional referees ang mga magre-referee ngayon, hindi yung kung sino kakilala lang namin. Parehas na tumalon ang dalawa pagkatapos ihagis ang bola. Inaasahan na nakuha ni Alexa ang bola at nakuha ni Steph ang bola. Lahat sila ay tumakbo sa court namin. Tumigil sila. Nakikita kong kinakausap ni Steph si Aj bago inumpisahan sumugod. Napangiwi ako nung nalampasan nya si Aj. Hindi ata tama na nasa bench ako sa unang laro.

"Ano, White team? kayo ang nilampaso." natatawang sabi ni Ate Anya pagkatapos ng ikatlong puntos ng Black team. Six na ang score nila habang kami zero pa din.

Nasa tapat namin ang court namin at kay Japan ang bola. Pumunta sa gilid si Alexa at tumingin sakin.

"Labas." utos na sabi nya. Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Kaya nila yan." pero sa loob-loob ko ay napapangiwi ako. Kaya nga ba nila?

Dahil nakatingin ako kay Alexa ay hindi ko alam kung paano naagaw kay Japan ang bola. Tumakbo silang lahat sa kabilang court. Mabilis na nakalusot si Aj kay Gen at naipasok nya ang bola sa ring. Napatayo ako sa tuwa.

"Nice one Aj!" sigaw ko. Nag-thumb ups sya sakin. Kaya naman pala.

Pero hindi naging madali ang laban. Kahit na kaya nilang pumuntos ay nilalamangan pa rin sila nila Alexa. Palaki ng palaki ang lamang nila kada minuto at mukhang napapagod na din sila Aj dahil sa hirap makabantay sa lima. Second half ay nagpa-raffle muna sila habang nagpapahinga. Nakakagulat ang mga pa-raffle nila. Kaya pala nung dumating kami ni Alexa ay ang daming pinapirmang tshirt, notebooks, balls, at shoes samin ni Alexa. Akala ko ipagtitinda ni Louise dahil tauhan ni Louise ang lumapit samin pero yun pala ay ipamimigay sa mga fans.

"Zoe, ayoko na. Ikaw naman sunod." sabi ni Nikki. Natawa naman ako.

"Sige, sasali na ako sa susunod." sabi ko.

"Putek, benta ang hahabulin natin, Zoe." sabi ni Xenon. Napangiwi naman ako. Ang laki talaga ng lamang nila.

"Mama!" sa kabila ng ingay sa paligid ay narinig ko ang boses ni Aero. Kasama nya si Alex.

"Hey!" nakangiting lumapit ako sa kanila. Hinalikan ko silang parehas sa pisngi. "Bakit ngayon lang kayo?"

"Nandon kami sa pwesto nila Mommy." sabi ni Aero. Napasimangot naman ako dahil doon pala sila nakapwesto. "Pero dito na kami pwe-pwesto." dagdag ni Aero.

"Iche-cheer ka namin Mama!" masayang sabi ni Alex.

"Sweet naman ng inaanak ko." lapit ni Russel.

"Ninang!" masayang bati ni Alex.

"Sayang nasa kabila ang pamilya ko." sabi ni Russel.

"Dapat dito mo na lang pinaupo." sabi ko.

"Nandon din kasi sila Yuri." sabi ni Aj. "Papuntahin mo na lang kaya sila don para may kasama sila?" tumingin ako sa dalawa.

"Doon na lang kayo mga Tita ninyo, panigurado nandon ang mga kaibigan ninyo." tukoy ko sa mga anak ng mga ito.

"Sige po!" masayang sabi ni Alex. Ang hyper talaga ng bata ito.

"Ihatid ko na kayo." sabi ko. 

Binuhat ko si Alex para makalagpas sa harang tapos ibinaba ko sya. Sunod na inalalayan ko si Aero. Sa gilid kami dumaan para hindi agaw atensyon. Tumungo kami kung saan nakapwesto sila Ivy. Nandon pala ang lahat ng mga kaibigan namin pati na din sila Alicia.

"Alex!" natutuwang sabi nila Ivy. Tila artista naman na kumaway si Alex sa kanila na ikatawa ko.

"Bakit hindi ka naglaro sa first half, Zoe?" tanong ni Jayden.

"Secret weapon kasi ako." biro ko. Binuhat ni Aero si Alex para makalagpas sa harang. Agad naman tinawag nila Ate Shiela si Alex pero tinatawag din nila Madelyn si Alex. Hindi tuloy alam ng anak ko kung saan pupunta. Ang cute cute at bibo ng anak ko kaya maraming may gusto sa kanya.

"Aero, balik na ako don. Si Alex ah?" sabi ko.

"Grabe, wala ka bang tiwala samin?" sabi ni Ate Sun.

"Oo nga, si Ponjap nga basta na lang iniwan samin ng mga magulang nya." sabi ni Ate Zeke na kalong kalong si Ponjap. Ang isang anak nila Japan na si Jerwin ay kasama ng mga kaedaran nyang mga anak ng mga ito.

"Yun na nga eh. Baka kung ano gawin ninyo kay Alex." natatawang biro ko.

"Lumayas ka na nga at maglaro na. Ipakita mo na samin ang moves mo."  sabi ni  Ate Sharm.

Nagpaalam na ako na babalik na sa pwesto namin. Saktong mag-uumpisa na din ang laro.

"Ito na! lumabas na si Zoe!" sigaw ni Ate Anya. May mga humiyaw naman. Putek, laking pressure sakin ito dahil inaasahan nila ako.

"Lumabas din." sabi ni Steph. Ngumiti lang ako sa kanya. Napatingin ako sa tatlo na lumapit din samin.

"Wala naman ganyanan! pinapahalata ninyong malalakas kayo eh." sabi ko. Natawa si Gen.

"Good luck." sabi ni Japan bago sila pumwesto. Hay nako.

Samin ang bola ngayon dahil huling nakapuntos ay sila Alexa. Ipinasok ni Kiara ang bola at tumakbo sila sa kabilang court. Dahan-dahan naman akong lumapit habang drinidribble ang bola. Si Torey ang nasa harapan ko.

"Teka." sabi ko. Nagtataka naman si Torey. Tumingin ako kanila Russel. "Bumalik kayo." sabi ko at mabilis na ibinato ang bola sa ring. Tantsado ko 'yon kaya sigurado akong pasok 'yon.

"What the hell!" sigaw ni Ate Kiwi nung pumasok ang bola sa ring.

Ngiti-ngiti naman akong naglalakad patalikod. Pinagmamasdan ko ang mga kalaban ko habang ang mga kakampi ko ay bumalik sa court namin. Ipinasok ni Alexa ang bola at pinasa kay Steph. Nakangisi si Steph na mabilis na tumakbo papunta samin. Umayos agad ako at iniharap si Steph. Mabilis ang dribble nya at minsan ay nagte-tempt syang lumusot sa magkabilang gilid ko pero mabilis ang kilos ko kaya nahaharangan ko sya. Wala na syang nagawa kundi ipasa ang bola kay Japan.

"Weak." mayabang na sabi ko. Ang lakas kong mag-trash talk mamaya lang lalampasuhin na ako nito.

"Ah...ganon ah." sabi ko na nga ba, patay na kami nito.

Pagkatapos makascore nila Japan ay sumugod kami kanila Steph. Nasa akin ang bola at kaharap ko na naman si Torey. Nag-dribble ako at pumunta sa kaliwa ni Torey pero humarang sya, umikot ako para lumusot sa kaan nya pero nagulat ako na biglang sumulpot si Steph. Napaatras ako at ipinasa ang bola kay Kiara.

"Tsk..si Torey na pala ang kapalit ni Jayden." sabi ko.

"Ilang beses ka na nadali ng taktika kong 'yon pero hindi ka nadala." mayabang na sabi ni Steph. Napangiwi ako. Oo nga 'no?

Sa laban namin ay kumokonti ang lamang namin kanila Steph. Hindi sa napipigilan namin sila, kundi panay ang score namin lalo na ako sa tres. Hanggang ngayon ay hindi nila matantsa ang tira ko dahil binabato ko lang ito minsan pero syempre hindi lahat ng tira ko ay pumapasok sa ring.

Hawak ko ang bola at tumatakbong nagdri-dribble. Hinarangan na naman ako ni Torey at napansin ko na nasa likuran si Steph. Mabilis kong drinibble ang bola at pumunta sa kanan tumigil ako na ikinabigla ng tigil ni Torey kaya natumba ito. Umasta ako na ititira ko ang bola at doon tumalon si Steph. Napansin ko na nasa gilid si Japan na nag-aabang kung sakaling dumaan ako sa kaliwa. Mahigpit kong hinawakan ang bola at tumalon. Kung syang pababa ng talon ni Steph, sya naman ang talon ni Alexa. Nag-aabang din si Gen sa ilalim ng ring. Napangiti ako at may presyang ibinaba ang bola para ipasa ang bola sa taong nasa likuran ko.

"Nice pass, Zoe!" sigaw ni Russel at tinira ang bola sa ring. Naghiyawan ang mga tao nung pumasok ang bola sa ring.

Kinindatan ko ang lima habang patalikod na naglalakad. Natuto ko ang back pass kay Ate White noon at si Russel ang minsan na katandem ko kaya naman perfect namin ang back pass. Instinct na lang na nasa likuran ko sya.

"Full of surprise nga naman itong si Zoe." sabi ni Ate Anya.

"Sinabi mo pa, bukod kay Kill, sa kanya talaga ako humahanga eh. Palaging may nakakabilib na moves." sabi ni Ate Kiwi. Napangiti ako dahil sa sinabi ni Ate Kiwi.

Nagtaka ako na si Alexa na ang humarap sakin. Tinitignan ako ng seryoso ni Alexa pero hindi ko sya tinitignan, nakatingin ako kay Japan na hawak ang bola. Mahirap na ma-distract kay Alexa.

"You never failed to amaze me, Hon." napatingin ako kay Alexa. Ngumiti sya sakin kaya kusang ngumiti din ako sa kanya. Ang ganda talaga ni Alexa lalo na kapag ngumingiti.

"Ako pa ba?" kinindatan ko sya.

"Pero hindi mo pa din ako matatalo." pagkasabi nyang 'yon ay sinalo nya ang bola. Ngumiti ako sa kanya.

"Mag-asawa, nagkaharap na." sabi ni Ate Anya.

Drinibble nya ang bola. Mabilis ang pagkadribble nya, nasisigurado akong susugod sya. Sa pagitan ng dalawang hita nya pinadaloy ang bola tapos pumunta sa kanan ko. Hindi ko sya hinayaang makalagpas sakin pero napansin ko ang pagkahawak nya sa bola, nalaman ko na iikutan nya ako kaya kasabay ng pagkaikot nya at pumunta ako sa kaliwa. Halata sa mukha ni Alexa ang pagkagulat nung maharangan ko sya. Umatras sya at nagdribble ulit.

"Ohmygosh! napigilan si Alexa!" hiyaw na sabi ni Ate Kiwi kasabay ng ilan na fans.

"Alexa!" tawag ni Steph. Ipinasa ni Alexa ang bola kay Steph. Tumakbo agad ako papunta kay Steph. Tumalon ako nung ititira ni Steph ang bola. Hindi ko man lang nadampian ang bola.

Pagkababa ko sa sahig ay tumingin ako sa ring. Nagulat pa ako na hindi pumasok ang bola at nag-rebound si Gen at Aj. Tinignan ko si Steph pero inis lang ang mukha nya.

Nagpatuloy ang laban namin. Nakakahabol naman kami kanila Alexa pero lamang pa din sila pero konti na lang. Inaasahan ko na ako ang babantayan nila kaya naman sila Aj ang pumupuntos. Nakikita ko na din ang inis sa mukha ni Steph sa tuwing binabantayan ko sila. Sa sobrang focus kasi nila na makalagpas sakin, sa oras na makalagpas sila ay nasa likuran ko lang sila Xenon. Ginaya namin ang taktika ni Steph na tumatalab naman sa kanila.

Nakakatuwa na nalilito namin sila. Ang plano kasi namin, kapag ako ang binantayan nila Alexa, sila Russel ang pupuntos at ia-assist ko lang sila tapos kapag open ako ay magtre-tres ako. Kaya ang nangyari sa huling quarter ay konting defense na lang at nag-unahan na lang sa scoring. Hindi na din kasi mapigilan ang pagsugod ng apat sa tuwing nasa kanila ang bola. Ang nagagawa na lang ni Louise ay ipasa ang bola sa apat. Kami naman ay ganon din ang ginawa. Ako ang nagpapasa sa apat ng bola.

In last one minute, nag-tie ang score namin. Sobra-sobra ang cheer ng mga fans habang nag-time out kami.

"Okay, paniguradong susugod sila kaya dapat natin silang bantayan ng mabuti." sabi ko. "Ako ang bahala sa bola tatapusin natin sila sa misdirection."

"Wait, oo nga 'no? Ang misdirection mo, bakit ngayon mo lang yan sinabi?" sabi ni Russel. Napakamot ako ng ulo.

"Nakalimutan ko eh." sabi ko.

"Kung kanina mo pa sana yan nagamit, paniguradong nalamang natin sila." sabi ni Aj.

"Matanda na kasi tayo." sabi ko.

"Ikaw lang yon, uy!" sabay-sabay na sabi nila. Natawa na lang ako.

Bumalik kami sa loob ng court pagkatapos ng time-out. Hindi lang pala kami ang maghihigpit ng bantay dahil binantayan ako ni Japan at Alexa. Mukhang hindi nila kami hahayaan na manalo.

Pinipilit kong mawala sa dalawa pero masyado silang magaling magbantay. Tinignan ko ang mga kasamahan ko na nahihirapan. Kung makakaalis lang talaga ako sa dalawang ito eh. Kalhating segundo na lang ang natitira samin. Hawak ni Louise ang bola at binabantayan sya ni Aj. Si Russel at Kiara ay binabantayan si Steph tapos si Gen ay si Xenon. Once na mapasa ni Louise ang bola kay Steph, tapos na ang laban.

Napatingin ako kay Japan na bigla na lang umalis. Makakaalis na sana ako pero binantayan ako ni Alexa. Patay! 

"Russel, si Japan!" sigaw ko. Umalis din agad si Russel para puntahan si Japan na hawak ang bola. Tumingin ako kay Steph na pumunta sa gilid kasunod ni Kiara. Hindi si Japan ang pupuntos!

Tumingin ako sa gawi ni Xenon. Malapit lang sya samin. Nagets nya ang ibig kong sabihin at pumunta sa likuran ni Alexa. Pumunta ako sa kanan at hinarangan ni Xenon si Alexa. Agad akong tumakbo papunta sa gitna ng dalawa. Saktong ipinasa ni Japan ang bola kay Steph kaya naman hinarangan ko ang kamay ko sa bola. Buong lakas kong ibinato ang bola sa ring ng kalaban. Masyadong mabilis ang desisyon ko kaya walang nakatakbo agad sa kabila. Sinadya kong itama ang bola sa board ng ring, hindi ko kayang ipasok ang bola sa ring sa ganong position. Nagtakbuhan kaming lahat sa kabila. Mabilis ang takbo ni Alexa at Steph. Kinuha nila ang bola at ibinato sa court namin. Paglingon ko sa kabila ay nandon si Japan. Nasalo nya ang bola at ipinasok sa ring.

Hindi ko sya napansin na hindi sumunod samin. 

Naghiwayan ang buong tao sa stadium pagkarinig ng buzzer na tapos na ang laro. Hingal na hingal na nakatingin ako kay Japan. Inalis nya ang ipit sa buhok nyang hanggang balikat at isuklay ng kamay nya. Napangiti ako. 

Noon pa lang na aangas na ako sa personality ni Japan kaya nagustuhan ko sya noon. Naalala ko din kung bakit naging malapit ako sa kanya dahil naiinggit ako na kaya nya ang ankle break na nagagawa ni Ate Kill na idol na idol ko. Sa sobrang inis ko sa kanya ay hinahamon hamon ko sya at pa-onti onti ay nagugustuhan ko na sya. Sino ba naman hindi mahihiwagan sa kanya? para syang second version ni Ate Kill.

"Zoe." napatingin ako sa gilid ko at nagulat ako sa tingin na pinupukol sakin ni Louise. "Wag kang magbalik-tanaw noon nung kayo pa ni Japan." nanlaki ang mga mata ko at natawa. Nagseselos ba sya?

"Japan!" hindi ko pinansin si Louise at nilapitan si Japan. Narinig ko pang tinawag ako ni Louise.

"What?" sabi nya.

"Wala lang. Nagseselos kasi asawa mo." natatawang sabi ko. Nilingon ni Japan ang asawa nya.

"Bakit naman?" tanong nya.

"Nakatingin kasi ako sayo kanina. Naalala ko lang na dati kitang hinahangaan at kinaiinisan dahil sa galing mo hanggang sa pinakita ni Alexa ang galing nya at dumating si Steph." sabi ko at nilingon ko ang mga kasamahan ko na nag-uusap.

"Naalala ko nga na ilang beses kitang tinalo." napangiwi ako sa sinabi nya. "Pero sa totoo lang, alam ko kaya mo akong talunin kapag pinagbutihan mo ang pagpra-practice." tumingin ako sa kanya na nagtataka. Tinignan nya din ako. "Dahil kita ko sa mga mata mo ang determinadong talunin ako at hindi lang ako, pati na ang dalawa." napaawang ang bibig ko sa sinabi nya pero napangiti din kinalaunan.

"Wow, my princess charming." nakangiting sabi ko. Napangiti lang si Japan sakin.

"Ano? my princess charming?" nagulat ako nang marinig ang boses ni Alexa.

"Princess charming?" dahan-dahan na nilingon ko ang dalawa na masama na nakatingin samin.

"Hindi ka na nagbago, Zoe." napatingin ako kay Japan. Nanlalaki ang mga mata ko dahil tila hindi nya ako kakampihan.

"Zoe." may bantang sambit ni Alexa. Napangiwi ako.

"Hon, let me explain, please?" pagmamakaawa ko. Tinignan ako ng masama ni Alexa pero huminga sya ng malalim at kumalma. "Wala naman kayong dapat pagselosan na dalawa. Asawa na ninyo kami 'di ba? tsaka nagbabaliktanaw lang naman kami ni Japan." sabi ko.

"Selosa kasi." sabat naman ni Japan. Tinignan ko sya na hindi makapaniwala. Kanina kinakampihan nya yung dalawa.

"Malay ba namin na bigla ulit kayo nagkagusto sa isa't isa." sabi ni Louise.

"Huh?" sabi ko at natawa. "Patay na patay sayo si Japan noon pa lang tapos magkakagusto sakin? eh kaibigan lang tingin nya sakin simula pa lang."

"Ikaw nagkagusto sa kanya." nakangusong sabi ni Louise at naghalukipkip ng braso.

"Louise, nagkagusto nga ako kay Japan noon pero pinagsisisihan ko 'yon."

"What?" hindi makapaniwalang sabi ni Japan. Natawa ulit ako.

"Dahil kung si Alexa ang pinili ko noon, hindi ko sana sya nasaktan." nakangiting sabi ko.

"Ikaw lang eh. Ilang beses kitang pinagsasabihan." sabi ni Louise. Napakamot naman ako ng ulo.

"Okay na 'yon. Nangyari na ang nangyari, basta ngayon ay masaya na tayong lahat." sabi ko.

"Sabagay." ngumiti na lang ako sa kanila.

Nag-announce sila Ate Anya na break time muna at bumalik na lang after one hour para sa laban nila Ate Kill. Pumunta naman kaming dalawa ni Alexa sa mga kaibigan namin para kunin ang dalawa.

"May dala kaming pagkain dito. Sumabay na kayo kumain samin, madami kaming niluto." sabi ni Ate Shiela.

"May dala din kaming pagkain pero makiki-share na rin kami." napatingin ako kay Louise na sumunod pala samin. "Madami din 'yon dahil alam kong madami tayo." natatawang sabi nya.

Nagsabi din yung iba na madami silang dinalang pagkain dahil inaasahan nilang madami kaming lahat. Nakakatuwa lang dahil kahit papaano ay madami dami pa din kami.

"Magbibihis lang kami ni Alexa at kukunin na din ang pagkain naming dala." sabi ko.

Bumalik kami sa locker namin para magbihis. Nandon din sila Kiara na nagbibihis din. Sinabihan ko sila na sabay-sabay na kami kumain kasama ang iba at pumayag naman sila. Tatawagin lang nila ang mga pamilya nila. Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ko si Alexa sa locker nila. Sabay-sabay na din kaming lahat na pumunta sa mga kasamahan namin.

Mabuti na lang medyo konti na lang ang nasa loob ng gym. Break time kaya siguradong kumain ang ilan na tao sa labas. Kasama din namin sila Ate Kill pero tapos na sila kumain. Masaya kaming kumain lahat. Ang iingay pa din nila at akala mo mga hindi kilalang tao para umastang ewan. Pansin ko din ang ilan na natira na fans ay nakatingin samin at mga kinukuhaan kami ng picture o video.

After ng lunch break, nag-umpisa na din maglaro sila Ate Kill. Ngayon ko lang ulit mapapanood na magkakaharap ang mag-asawa na sila Ate Kill at Ate Avey. Napapansin ko na kanina pa nakangiti si Ate Avey sa laro habang si Ate Kill ay seryoso. Iniisip ko kung seryoso ba naglalaro si Ate Avey pero lamang sila Ate Avey.

"Ganon kaya 'yon?" tumingin ako kay Zap.

"What are you talking about, Zap?" tanong ni Alicia. Hindi pa sigurado na mag-ina sila dahil bukas pa malalaman ang resulta ng DNA nila. Bago bumalik ng camp sila Zap ay aalamin muna namin ang resulta ng DNA at tsaka nila pag-uusapan kung ano ang gagawin nila. Isang linggo lang din si Alicia dito.

"Kasi po trina-train kami ni Kriza nila coach Avey at coach Ella. Sinabi nila na kami ang susunod sa yapak nilang dalawa. Napapanood ko naman sila maglaro na dalawa pero may isang bagay sakin na hindi ko maintindihan kung paano nagsi-sync ang moves nilang dalawa." sabi ni Zap. Magkakampi sila Ate Avey at Ate Ella.

"Eh ngayon, naintindihan mo na?" tanong ni Ate Lexie na nasa harapan nila Zap nakaupo.

"Medyo? napapansin ko kasi na nagkakatinginan silang dalawa pero paanong nangyaring alam na nila ang gagawin nila?" tanong ni Zap.

"Isa lang yan, Zap." sabat ni Ate Juls. "Matagal na kasing magkasama ang dalawang yan. Hindi din naman sila perfect sync noon dahil parehas pa silang matigas ang ulo pero habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa ay naiintindihan na nila ang isa't isa sa loob ng court o sa labas. Hindi sila magbestfriend kung hindi."

"Alam mo dati akala namin sila ang magkakatuluyan dahil para silang aso't pusa na palaging nag-aaway. Si Ella kasi noon ay masungit habang si Avey ay napakatigas ng ulo na ayaw sumunod sa mga utos kaya naiinis si Ella sa kanya." sabi ni Ate Lexie. Hindi makapaniwala naman si Zap sa narinig nya. Parehas lang kami noon nung nalaman ko ang tungkol sa dalawa.

"Paano nangyaring nagbago ang ugali nila kung ano sila ngayon?" tanong ni Zap. Hindi ko alam ang tungkol don kaya curious din ako.

"May malaki silang pinag-awayan noon. Parehas silang nagalit sa isa't isa at isang buwan na hindi nagkibuan." sabi ni Ate Juls.

"Naalala ko pa nga na sobrang stress nila Ate Kiwi sa dalawang yan." natatawang sabi ni Ate Lexie. "Sirang sira ang mga practice game ng dalawa dahil hindi sila nagbibigayan tapos nagsisisihan pa."

"Kaya sa sobrang inis na din ni Ate Kiwi sa dalawa ay ikinulong silang dalawa sa isang kwarto at hindi sila pinalabas hangga't hindi sila nagkakaayos. Hindi na namin alam ang nangyari sa dalawa nung nasa kwarto sila pero doon sila nagkaintindihan sa isa't isa. Nagulat kami na nagbago ang dalawa, naging kalmado si Ella at si Avey na nagseryoso na kahit papaano sa practice pero nandon pa din yung pagiging mapang-asar nya lalo na nung sya na yung naging captain ng Dragon Empire. Doon nauso ang mga thrill nyang nakakasura at pahirap." sabi ni Ate Juls.

Natawa naman kami dahil halatang ayaw nila ang thrill ni Ate Avey sa practice.

"Kaya kung gusto pala ng dalawa na kayo ang sumunod sa kanila, dapat maintindihan ninyo ni Kriza ang isa't isa. Alam nating lahat na hindi kayo okay pero sa umpisa lang yan katulad ng dalawa kaya konting pagtitiis lang sa isa't isa at balang araw ay magiging katulad ninyo ang dalawa." sabi ni Ate Lexie. Napangiti si Zap na mukhang na motivate sa sinabi ni Ate Lexie.

Natapos ang laro at nanalo sila Ate Avey. Kahit na ang tanda na nila at hindi na masyadong naglalaro ay magaling pa din sila. Mas intense ang laro nila kaysa samin dahil halatang seryoso sila pwera lang kay Ate Avey na hindi ako sure kung seryoso ba talaga sya. Sinabi sakin ni Ate Kill noon na isang beses nya lang nakalaban ng seryoso si Ate Avey kaya maaring hindi seryoso si Ate Avey.

"For our closing remarks, let's welcome, Zaparta Reyes!" sigaw na sabi ni Ate Anya. Napatingin ako kay Zap.

"Teka, ano 'yon?" tanong ko kay Zap na tumayo. Nagtataka ako kung bakit sya tinawag.

"May pumilit sakin." nakangiwing sabi ni Zap bago naglakad pababa papunta sa court.

Tumingin naman ako kay Louise.

"Wala akong alam dyan." sabi ni Louise.

Hinintay na lang namin kung ano ang gagawin ni Zap. May dala syang gitara tapos nagsimula na syang kumanta. Noon pa lang alam kong magaling kumanta si Zap kaya hindi na kakagulat na kumanta sya ngayon. Memories ng Maroon 5 ang kinakanta nya. Bigla ko tuloy naalala ang mga araw na kasama ko ang Dragon Empire. Saktong sakto ang kinakanta ni Zap ngayon dahil magkakasama kaming lahat ngayon. Panigurado akong naaalala din nila ang mga panahon na magkakasama kami.

Nagtaas ng kamay sila Ate Shiela at iginawayway. Napasali na din ang mga katabi nila hanggang sa lahat na kami ay dahan dahan na iginawayway ang mga kamay pati tuloy ang ibang tao ay sumunod na samin. Nakakatuwa na nakakaiyak ang nangyayari samin simula noon. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nangyari samin.

"And the memories bring back, memories bring back you."


---------------------

A/N: Nagbaliktanaw din ba kayo?

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 201 30
I offered my sister to help with teaching her new private student. I don't know her that well but I recognize her. We met a long time ago by accident...
40.8K 1.3K 17
See, mama, she raised her a savage Went and took it if I didn't have it See, I can do magic I can get rid of my gun And still beat your ass like you...
30.6K 375 16
Hi I'm Miracle the new girl that moved to Canada and I get bullied by Justin Drew Bieber It's my first story I hope you like it
64.6K 283 11
Honestly self explanatory. I just wrote one and realized I could publish it I'll take requests, just no broxbro