Serendipitous Love [Escuadra...

By MizAnonymous04

1.7K 334 8

[On-Going ] A bitchy conyo girl, enough to describe Lei Angelique T. Gibas, oh and also a troublemaker. Not u... More

Characters
SL: Prologue.
SL 1: C.K.B.
SL 3: Pustahan
SL 4: Sayang
SL 5: Blackmail
SL 6: Choices
SL 7: Trouble
SL 8: Sleepover
SL 9: Talk
SL 10: Reconcile
SL 11: Infinity
SL 12: Silver Anniversary
SL 13: Pinky Promise
SL 14: Eavesdrop
SL 15: Tamiyah
SL 16: Devilish Act
SL 17: Argument
SL 18: Birthday Party
SL 19: Jude
SL 20: Reconcile 2.0
SL 21: Belief
SL 22: Balikat
SL 23: When in Baguio
SL 24: Galit
SL 25: Numb
SL 26: Missing
SL 27: Disturbance
SL 28: Christmas Surprise
SL 29: Run Away

SL 2: Oo!

76 27 0
By MizAnonymous04

Ysha's P.O.V.

"Hindi ba masakit?" untag ni Dein.

"Huh? Hindi naman. Maiksi naman kasi tsaka dahan-dahan siya sa paggalaw." tugon ni Gelay.

"Hindi ba masyadong mahaba para sayo?" sabat naman ni MJ.

"Sakto lang. Hindi ganoon kahaba, hindi rin naman ganoon kaiksi. It's my first time! And, I must say. It actually feels good pala." sagot muli niya habang nakalagay ang kamay sa may batok at hinahagod-hagod pa.

"Masarap ba sa feeling?" kuryoso kong tanong dito.

"Okay lang, medyo makati pala ito! Pero all in all, masaya at nanghihinayang din. First time ko eh!" saad muli nitong si Gelay.

"Buti naman kung ganuon. Sure kang okay kalang sa BANGS mo ngayon?" makulit din itong si Riel eh.

"Oo nga! Ang kulit mo ga?" nahihimigan sa tono nito sa umuusbong na naman na iritasyon. Kahit kelan talaga napakaiksi ng pasensya ng isang ito.

"Duh, nakakapanibago kasi! May nakaharang na dyan sa malapad mong noo. Eh parang dati ayaw na ayaw mong pagupitan. Ni kahit isang hibla ng buhok mo!" napahagikhik ako sa sinabi ni Riel. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ito o ano.

Kaagad ko rin naman pinigil ang pagtawa ko at napalitan na lamang ng ngisi nang makita ang matalim na titig ni Gelay sakin.

"Tanginang ito! Hindi ka ba naniniwala sa kasabihan na kapag malapad ang noo, malapad din ang kepya--"

Bago pa maituloy at matapos ni Gelay ang kanyang sasabihin ay tinakpan na ni MJ ang bibig ni Gelay. Nakakahiya naman kapag may nakarinig!

"Alam mo Gelay, baka mamaya palayasin tayo dito! Wala man lang kafilter-filter 'yang bibig mo!" kompronta ko rito. Mamaya kasi may nakarinig pala sa kanya, edi nagsitinginan sa amin?

Tinagtag na ni MJ ang kanyang kamay sa bibig ni Gelay. Samantalang napaismid na lamang ito at nagkibit balikat na parang walang nangyari.

Hanep na 'toh!

Narito kami ngayong anim sa mall. Hindi nakasama si Andrei kasi may family gathering daw sila ngayon. Okay lang naman.

Kaso ang bakla nag-insist pa na sumama, dahil magpapasalon din daw sya! Mas babae pa kay Dein, ampucha! Ginyera nga namin, mamaya kami pa murahin nina Tito at Tita kapag hindi sya nakaattend eh.

In the end, napapayag din naman namin sya. Magdadala daw sya ng cake bukas na matitira para may malamon daw kami habang nagkaklase! Nice talaga si baklita!

Galing kaming anim sa salon para samahan si Gelay na ipaayos ang kanyang bangs na ginupit kanina. Kumbaga'y moral support! Chos! para

Feeling ko nga naiiyak pa sya kanina habang pinapaayos niya yung bangs niya.

Hanep na yan. Bangs lang 'yon, uy! Kaunting hibla lang yun ng buhok. 'Kala mo naman ikamamatay niya!

Nakauniform pa kami ngayon. Masyado bang obvious? Kakaawas palang namin ngayon galing school.

Bumili lang kami saglit sa may DQ para kahit papaano ay may laman naman kahit konti ang mga tyan namin. Di pa din naman kasi kami nakakapag hapunan.

Eto namang si Gelay, nakakapanibago ngayon, may sandata ng nakaharang sa noo niya! Pero I admit! It suits her well. Akalain niyo yun? Mas lalo ngang nag glow-up ang ganda ng gaga na 'toh eh!

Naalala ko tuloy yung ginawa niyan kanina kay Kendrick. Bumawi ba naman si gaga! Hahaha!

"Gelay! San punta mo?" sigaw ni MJ na syang ikinalingon ni Gelay sa gawi nito.

"Ahhh. Wala magpapahangin lang. Magpapahupa ng sama ng loob?" malumanay na sagot ni Gelay.

"Tara! Sama ako!" animo'y batang paslit na sambit nitong si MJ.

"Na-ah. Mag-stay kana dito. Kelangan ko lang magpahangin para ilabas ang sama ko ng loob sa nangyari kanina." tugon nito pabalik.

Wala na lang nagawa si MJ at napaupo nalang sya sa may bleachers dito sa may field ng school. P.E ang klase namin ngayon at nagbibihis pa ang mga lalaki kaya hindi pa kami nag-iistart. Ang P.E. teacher rin namin ay may kinakausap pa sa kanyang telepono kaya umalis muna sya saglit.

Hindi ko nalang namalayan na nakalayas na pala si Gelay at ni isa sa amin ay wala man lang nakahalata sa pag-alis nito.

Di nalang namin sya ginambala pa dahil alam naman namin na kailangan noon maglabas ng sama ng loob sa nangyari sa kanya kanina.

Makikipag daldalan na nga lang muna ako dito sa mga ito nang may magawa naman ako kahit papaano.

Halos walang minuto ata ang tinagal ni Gelay mula nang umalis siya at ngayo'y kababalik lamang nito. Samantalang ang P.E. teacher namin ay nowhere to be found parin. Hanep, napasarap ata sa pakikipag-usap sa telepono!

"Gelay! Ayos na ang pakiramdam mo?" kita ko sa gilid ng aking mata si Dein na nasa tabihan ni Gelay ngayon. Hindi ko maalis ang tingin sa cellphone ko. Naglalaro kasi ako ngayon ng ML e! Rank game pa. Kaya mamaya na sila!

"Ano sa tingin mo?" nahihimigan ko ang pag-iiba ng mood nito ngayon kaysa kanina bago siya umalis. Medyo natatawa na ito. Gumanda ang mood ni gaga? Anyare?

"Oh, napaano ka? Ba't ang ganda na ng mood mo?" base sa boses ng nagsalita ay batid kong si Ellie iyon, naglalaro pako ML eh!

Puta naman ang bobo noong isa! Inatake ang Lord nang hindi nagsasabi! Anong napala? Namatay na nga, nasa kalaban pa ang Lord! Lecheng kakampi!

"Hoy mga abnoy, may sasabihin ako sa inyo! At alam kong matutuwa din kayo!" sabay ng pagsasalita nito ay ang pagbungisngis din niya. Aba't ilang minuto lang itong nawala nabaliw na kaagad? Ano bang nangyayari sa--

"TANGINA KA, BOBO MO! GAGO!" sigaw ko nang umatake na naman yung bobo naming kasagpi ng mag-isa! Sa tower ng kalaban!

Huli na nang mapagtanto kong sumigaw pala ako kaya nahagilap ng aking tingin si Gelay na nakabusangot ang mukha habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Hehe! Don't worry, hindi naman ikaw sinasabihan ko!" paliwanag ko at tsaka ibinaling muli ang tingin sa cellphone.

"Eh, makikinig ba naman kayo?" tanong nito sa amin.

"Oo. Nakikinig kami" Ako at Riel.
"Sige, ano ba yun?" MJ.
"Ano yunnnn?" Ellie.
"Oo dali sabihin mona." Dein.

Wala si Andrei kasi nagbibihis pa, paniguradong "Langhap, Sarap" na naman ang baklitang 'yon dahil napapalibutan na naman sya ng mga topless na lalaki. Landi!

"In 10 seconds, mag abang kayo dyan! May dadating dito sa field. A masculine princess! Wearing a pink floral dress with a pair of two inches pink high heels! Ahh! Magkacount down na ako! I'm very very excited!" Pagkasabing pagkasabi ni Gelay ay agad kong nabitawan ang cellphone ko kahit na rank game pa ang nilalaro ko. Narinig ko pa ang pagdedeklara ng "Initiate Retreat!". Pero hindi na iyon ang pakialam ko!

Napalapit narin kay Gelay ang lima dahil siguro sa ngayon ay pare-parehas na kami ng iniisip.

"GELAY! ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO!?" sabay-sabay na pagngalngal namin kay Gelay pero hindi ganoon kalakas. Tama lamanh para marinig naming anim dito sa kumpulan namin para hindi makagawa ng eksena dito sa field. Hindi kami pabida.

"Ano bang sinasabi niyo? Basta mag-abang kayo! Saya neto! Bumabawi lang ako eh!"

Hay nako! Paniguradong detention na naman abot nitong lukang ito! Hindi muna iniisip ang kanyang kahihinatnan!

Kumbaga'y para syang sumugod sa gyera ng wala ni isang dalang armas. Ni kahit proteksyon sa katawan!

Eh, ni hindi man lang naisip na gulo na naman ang kalalabasan nito!

"Maling mali ang ginawa mo! Madedetention ka na naman Gelay! Ako na nagsasabi sayo! Hindi maganda ang pakana mo," sabay tuktok ko pa ng noo ni Gelay kaya napanguso ito.

"Masama bang bumawi? Tsk! E, nagsisimula palang ang pranks namin! Ako pa ang magpapatalo sa lagay na ito?! Hell no!"

Kung pwede lang sanang batuhin ito ng bola ng basketball para matauhan ay gagawin ko na! Kaso-- nakakaawa e!

"Gelay naman! Hindi na kayo bata para magbawia--"

"LEI ANGELIQUE T. GIBAS! WHERE ARE YOU!?" kung malakas lang sana ang loob ko ay hinarap kona si Kendrick. Kokomprotahin ko kaagad sya na, sya naman ang nagsimula ng lahat ng ito eh! Kung hindi niya sana inistorbo si Gelay, hindi mangyayari ito! Pero puta, alam na alam ko kung kanino nanggagaling ang boses na 'yon.

Napalunok na lamang ako tsaka ibinuka ang bibig.

"G-Good luck Gelay. H-hindi ka n-namin matutulungan. G-Gago mo eh!" sambit ko dito na dahilan ng pagpaling ng tingin nito galing kay Kendrick papunta sa akin.

Wrong move Gelay. Tsk!

Unti-unti kong ibinaling ang tingin ko sa kinaroroonan ni Kendrick at napamulagat kaagad ako nang makita ang papalapit na si Kendrick na nakasuot ng bistidang kulay pink at pink na heels rin.

Malayo pa lamang ay kita ko na sa mata nito ang galit at kahihiyan sa nangyayari sa mga oras na ito.

Paktay ka talaga Gelay ka!

Nang makalapit si Kendrick dito ay kaagad napatuwid ng upo si Gelay sa may bleachers. Kita ko din ang paglunok nito na paniguradong dahil sa kaba.

Hindi ko alam sa sitwasyong ito kung matatakot ba ako para kay Gelay o matatawa sa hitsura ni Kendrick.

Hanga naman ako sa kanya, nakaganito na syang bihis. Nakalabas pa! Wow! Dinaig pa si Andrei, na NEVER naging cross dresser! Charot!

"Sabihin mo sakin, ikaw ba gumawa nito?" nakatayo ngayon si Kendrick sa harapan ni Gelay na titig na titig lamang dito. Matamang nakatingala habang nakatitig lamang si Gelay kay Kendrick.

Syempre, titingala yan. Nakaupo kasi ngayon si Gelay sa may bleachers eh, tapos si Kendrick naman ay nakapamaywang habang hinihintay ang isasagot ni Gelay.

Ramdam ko din ang pagtitimpi sa boses ni Kendrick bago pa sya sumabog sa galit. Aba, kung lalaki din naman kasi ako at may babaeng gumawa sa'kin nito. Sadyang magagalit din ako 'noh.

"Do you have any proofs ba na ako ang gumawa niyan sayo ha?" isa pa itong si Gelay, ayaw nalang magsosorry! Ayaw nalang kainin ang pride para tapos na ang away!

Siguro napapansin niyo na bakit sila nakakapag-away ng ganito dito pa mismo sa may field 'noh? Wala parin kasi hanggang ngayon yung P.E. teacher namin dahil tinawag raw ng isang co-teacher. Kaya eto, kagulo mga ito ngayon. May iba nakatingin kay Kendrick at Gelay, ang iba naman naglalaro lang. May sari-sariling mundo.

Kung hindi ko siguro kakilala si Gelay at Kendrick aakalain ko sana na magsyota ang dalawang 'toh at mayroong LQ. Hahaha! Chos!

"May nakakita raw sayo na pumasok sa men's restroom? Lakas ng loob natin dyan 'ah? Tsansing ka ba para makita mo ako?" nakapamaywang pa rin na sambit nito. Yung totoo? Akala ko ba'y galit 'tong si Kendrick? Eh, ba't ang malumanay naman ngayon nito?! Tangina, bipolar?!

Gusto ko sana silang patigilin dahil medyo dumadami na anh nakikiusyoso kaso, wala ako sa posisyon para dito! Baka makasali pa'ko, oy! Tsaka hindi pwede. Mas lalong lalaki ang gulo kung ganun ang gagawin namin.

"Duh? Sira kasi ang ladies restroom, okay!? Nakalagay kasi doon sa pinto na it is unavailable because it's sira and ginagawa! Eh, sobrang ihing ihi nako, so? I'm left with no choice, diba! Kesa naman sa umihi ako sa tabi-tabi? Eww! That's gross! Edi iyun! I went to the men's restroom. At mabuti nalang at walang tao noon. And tapos nako umihi tapos narinig ko na parang may naliligo then may nakasabit na damit tapos--

"Tapos?" mapang-asar na tanong ni Kendrick dito.

Tangina, namula ba si Gelay? Kadiri!

Pero hanga din ako sa gagang ito! Story teller, amp! Tapos hanggang ngayon nagagawa pang maging conyo! Susko po! Buti hindi dumugo ilong ni Kendrick?

"Tapos u-umalis nako!" Nako! Hayup sa galing ng pagkukwento, Gelay ha? Alam ko naman na nagsisinungaling lang ang isang 'toh. Actually, I'm stunned kung paano niya naideliver ng maayos ang "made-up story" niya! Charot! Susko. Gelay naman. Pwede ka ng manalo sa story telling, 'lam mo 'yun?

"Layas na nga! Mukha kang prinsesang napasobra sa pag-eexercise! Isa pa, mukhang gago ka rin dyan sa suot mo e! Magbihis ka nga! Go! Chupi! Alis na!" patuloy na itinutulak ni Gelay si Kendrick pero hindi ito nagpatinag. Yumuko naman ito bigla para pumantay sa mukha ni Gelay.

"Tsk. Pag may kinalaman ka talaga dito. Magsisisi ka talaga, Gelay." Tsaka tumayo ng tuwid at tinignan muli si Gelay na nakanguso lang at kung saan-saan idinadako ang paningin para hindi magtagpo ang sa kanilang dalawa ni Kendrick. Wala ng anu-ano'y naglakad na ito papalayo ng field.

Nang makalayo-layo na ito ay tsaka naglabas ng napakalalim na buntong hininga si Gelay na animo'y "Mission Passed! Respect!"

Hinagilap kong muli anh pigura ni Kendrick ngunit hindi ko na ito makita. Mukhang nagbibihis na. E saan naman kaya dinala ng gagang ito ang damit ni Kendrick?

Lumapit na kami kay Gelay at ang mga estudyanteng nakikiusyoso kanina ay ngayo'y nagsisialisan na. Hanep, ang tsitsismosa't tsitsismoso talaga!

Sa paglapit namin dito ay kaagad nagsalita si Riel.

"You made it up. Aren't you?" untag ni Riel dito.

"Sorry. Madedetention kasi ako pag inamin ko ang totoo. Pasensya na talaga." nakatingin lamang sa kanyang mga paa habang kinukutkot ang daliri habang nakanguso. Tsk. Ulul din e. Gagawa-gawa ng ganito tapos kapag tapos na, biglang magu-guilty! Ay naku, ewan ko sa'nyo!

"Gelay. At ngayon mo pa ito naisip? Kung kailan nagawa mona? Tsaka nga-- Bakit ba sa'min ka nagsosorry? Sa kanya ka magsorry. Kay Kendrick. Hindi ka samin gumawa ng kasalanan. Nagkamali sya, at nagkamali ka! Oh ngayong naprank mo din ba sya masaya kana? Hindi diba? Guilt? You should say sorry to him. Tapos umamin ka sa nagawa mo. Gelay. Tama na please. Di na kayo mga bata pa para mag away ng ganan. Ikaw na magfirst move para matapos na ito. " pag aadvice ni Dein kay Gelay.

At some point, masakit din magsalita si Dein pero it helps naman para masampal ng katotohanan.

Ganito sya kapag nag-aadvice sa bawat isa sa amin. At kapag kami naman ang-aadvice sa kanya, ayos lang. Sinasampal lang naming anv bawat isa ng realidad.

"Oo na. Oo na. Sorry na. Oo din at mag sosorry ako. I know that what I did was wrong. Okay. Pero dapat sya magsosorry din! Ginlue-han niya ang buhok ko e. Sampigahin ko sya ng isa dyan." Ay Dios ko! 'Kala ko naman ayos na! Eto talagang babaeng 'toh! Napakakulit!

"Tsk. Oo na! You should be sincere, alright?" giit ko sa kanya na ikinatango muli nito.

"Oo nga. Ang kukulit niyo talagang tunay, eh 'noh?" sabay irap pa niya sa aming lima. Aba't sya pa ang may ganang magtaray?

"Pagkalabas natin. Tara ipaayos 'tong bangs ko. Ang sama e. Hehe. Samahan niyo ko?" Pag iiba niya ng topic.

"Sure ka talagang magsosorry ka?" sabat ni Ellie.

"Alam mo sinabi ng oo diba? Ilan beses pa ba ha? Unli ka Ellie, ha?" Panggigigil ni Gelay kay Ellie. Dalawang magpinsang 'toh!

"Bukas kapag ka-lunch break, basta vacant. Mag sorry ka na." seryosong pagkakasabi ni Riel.

"OO NGA!" pagsigaw ni Gelay na syang ikinatawa namin. Sarap talaga inisin nh mga pikon! Hahaha!

"Hoy, tara na! Uuwi na tayo! Ano pa bang ginagawa mo dyan! Kanina ka pa dyan ah?" naiiritang pukaw atensyon ni Ellie sakin.

"Oo na! Sige na!" tumingin naman ako kay Gelay na ngayo'y nakabusangot ang mukha sa sinabi ko.

Kung di pa pagsasabihan, di pa magsasabi ng sorry ang luka.

---

[Revised]

~♡[MizAnonymous04]♡~

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.9M 95.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
76.4K 2.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
448K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...