Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.3K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 29

15.9K 657 310
By jaysanj


Zoe's POV

Naghahanda ng almusal si Alexa at Alicia kasabay ng pagkwe-kwentuhan nila. Hindi na sila naubusan ng pagkwe-kwentuhan simula kagabi. Himalang hindi malamig ang pakikitungo ni Alexa kay Alicia. Tinanong ko sya kagabi pero hindi nya ako sinagot at natulog na lang. Magtatampo nga sana ako sa kanya pero niyakap nya ako kagabi kaya okay na ako.

"Mama." Tumingin ako sa bagong pasok ng kusina. Si Aero na halatang hindi pa naghihilamos.

"Maghilamos ka muna, Aero." Sabi ko.

"May malaking gagamba sa banyo ko." Sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Wag mong sabihin na takot ka don?" Sabi ko. Nahihiyang napayuko si Aero. Napailing na natawa ako kay Aero. Kalalaking tao.

"Doon ka muna sa banyo namin maghilamos." Sabi ko. Tumango si Aero at lumabas ng kusina. Sya naman ang masiglang pasok ni Alex.

"Goodmorning, goodmorning, goodmorning!" Masigla nyang sabi at isa-isa kaming hinalikan sa pisngi. Natuwa pa si Alicia sa kanya.

"Ang hyper agad ng bata." Sabi ni Alicia at ginulo ang buhok ni Alex. Napahalikgik si Alex sa kanya.

"Mama! Punta ako kanila Tito Al. I want to try to play piano!" Masiglang paalam nya sakin. Tumingin ako kay Alexa pero hindi ito tumingin sa gawi namin. Ako na naman ang magdedesisyon.

"Wala sila Tito Al mo don ngayon." Sabi ko. Gustohin ko man syang samahan sa bahay nila Alexa, may lakad kami ni Steph ngayon.

"Nandon si Mommy." Sagot ni Alexa at lumingon samin.

"Hindi kaya makulitan sila Mommy kay Alex? Tila nakainom ng energy drink ang isang 'to ngayon." Sabi ko. Napa-pout sakin si Alex na ikatawa namin ni Alicia.

"I will go with him, Ma." Sabi ni Aero na bagong pasok. "Magpra-practice din akong mag-gitara doon."

"May haharanahin ka?" Tanong ko. Tila nabigla si Aero sa sinabi ko.

"Ma!" Natawa ako sa reaction ni Aero. Hindi man nya sabihin pero halata sa mukha nya.

"Wag mo unahan Ate mo." Sabi ko sa kanya.

"Wala naman eh." Sabi nya na namumula pa din.

"Oh talaga? Sino yung nakita kong kasama mo nung nakaraan?" Pang-aasar ko kahit wala naman akong nakita. Nakakatuwang asarin ang mga anak ko eh.

"Wala naman akong kasamang babae nitong nakaraang araw eh!" Sabi nya. Natatawa ako dahil tumataas ang boses nya.

"Tama na yan. Hindi ka na nagbago, ang hilig mong mang-asar." Sabi ni Alexa habang inililigay nila ang pagkain sa lamesa.

Hindi na ako umimik dahil baka sermunan ako ni Alexa. Nakangiti na lang ako kay Aero na naiinis sakin.

"Goodmorning!" Napatingin kami kay Zap na pumasok. "Makikikain lang."

"Wala bang pagkain sa kabila?" Tanong ko. Dalawang araw silang nasa labas ng camp, babalik din sila pagkatapos. Kailangan kasing ibigay sa pamilya nila ang mga pasalubong nila at makasama din ang pamilya.

"Inubos ni Kuya eh. Ayoko na din abalabin pa sila Mama magluto." Sabi nya at naupo sa tabi ni Alex.

"Si Kuya talaga, nakalimutan atang nandito ka ngayon." Sabi ko. Natawa na lang si Zap sakin.

"Tita Alicia, ano balak ninyo sa bakasyon ninyo dito?" Tanong ni Zap kay Alicia. Ngumiti si Alicia bago sumagot.

"Pupuntahan ko ang puntod ng parents ko tapos maglilibot." Sagot ni Alicia.

"Hindi ka kaya maliligaw nyan kung ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Alexa. "Gusto mo ba samahan na kita? Wala akong practice ngayon."

"Talaga?" Masayang sabi ni Alicia. Mukhang magda-date pa ang dalawang ito.

"Good for you, Tita Alicia." Pang-aasar ni Zap. Namula ang mukha ni Alicia sa sinabi ni Zap.

Tinignan ko si Alexa kung alam nya bang may gusto sa kanya si Alicia. Hindi ko pinangunahan si Alicia na magsabing gusto nya si Alexa pero sa kinikilos naman ni Alicia ay mahahalatang may gusto sya kay Alexa. Bakit kasi ang ganda ng asawa ko.

"Ikaw, Ate? Ano balak mo ngayong araw?" Tanong ni Zap na nagsisimula ng kumain.

"May date kami ni Steph." Sabi ko. Nabulunan si Zap sa sinabi ko. Ang OA naman nito.

"Mag-ingat ka sa pagkain mo." Nag-aalalang sabi ni Alicia nang bigyan nya ito ng tubig.

"So-sorry. Naalala ko lang na dating may gusto si Tita Steph kay Ate." Sabi ni Zap.

"Dati lang 'yon. Ganda ko kasi." Mayabang na sabi ko.

"Yeah, habulin ng babae." Sabi ni Alexa. Natawa ako dahil nahimigan ko sya ng selos.

"Mas habulin pa sya kaysa sayo, Alexa?" Tanong ni Alicia.

Naupo sa tabi ni Alicia si Alexa. "Oo, apat ang naging ex nyan at madaming nagkakagusto sa kanya."

"Anong apat? Tatlo lang." Sabi ko.

"Kitty, Barbara, Japan at Astra." Natawa ako nung dinagdag nya si Astra.

"Hindi naging kami ni Astra." Friends with benefits lang.

"Tapos Tita, kahit na mag-asawa na sila ni Ate Alexa, may naghahabol pa rin sa kanya." Sabi ni Zap. Natatawa na lang ako sa kanila. Bandang huli ako ang pinag-usapan nila.

"Chick magnet." Sabi ni Aero. Napailing na lang ako sa kanila.

"Himalang nahulog ka sa Ice Queen?" Interesadong tanong ni Alicia.

"Sya nga itong nahulog sakin eh." Nakangiting sabi ko. Gusto ko lang asarin si Alexa.

"Kapal." Natawa ako.

"Tita, si Ate talaga ang naunang nagkagusto kay Ate Alexa. Nung araw pa lang ng training nila na-love at first sight na si Ate." Pagbubuking ni Zap.

"Tama, tama!" Sang-ayon ng dalawang anak ko.

"Talaga? Magkwento kayo tungkol sa love story ng dalawang ito." Nakangiting sabi ni Alicia. Ito na naman kami, balik tanaw sa nakaraan.

"Nagsimula sila sa aso't pusa!" Sabi ni Aero. Natawa ako nang maalala ang inis sakin ni Alexa nung unang laro namin sa unang araw namin sa camp.

Tinignan ko si Alexa na kumakain pero nakikinig sa kwento ng tatlong bata. Hinding hindi ko talaga makakalimutan kung saan kami nagsimula ni Alexa. Laging inuulit ng mga anak namin kung paano kami nahulog sa isa't isa ni Alexa kaya hindi talaga namin makakalimutan ang nakaraan namin ni Alexa. Makalimutan man, nandyan ang mga anak namin para ipaalala ang nangyari sa amin noon.

"Kamusta bahay?" May himig na panunukso ni Steph. Nasa isang coffee shop kami ngayon.

"Magkasundo agad yung dalawa." Sabi ko. "Minsan nagseselos na nga ako eh." Natawa sya sa sinabi ko.

"Buti nga." Sinamaan ko sya ng tingin. Plinano nya talaga 'yon.

"Gusto mo lang masolo si Linnett kaya hindi mo sya pinatuloy sa inyo." Sabi ko at humigop ng kape.

"Zoe, one year." Madiin na sabi nya. Natawa ako sa kanya. "One year akong hindi nakatikim ng masarap."

"Siraulo." Natatawang sabi ko. Natawa din sya kinalaunan.

"Anyway, nasaan na ba yung babaitang 'yon? Kanina pa tayo dito." Sabi nya at tinignan ang relo nya.

"Baka natraffic lang." Sabi ko at humigop ulit.

"Hindi na nagbago." Sabi nya at sosyal na kumain ng cake. Hindi mo aakalain na isa syang beast sa court. "Nga pala, si Zap at Alicia."

"Hmm? Nasabi na sakin ni Alicia na anak nya si Zap." Sabi ko. Nakidukot ako sa cake nya.

"Naniwala ka agad?" Tanong nya.

"Hindi pa ba halata sa kanila na mag-ina sila? Mata lang naman ni Alicia ang hindi namana ni Zap. Tila sila pinagbiyak na buko. Ang akala ko nga kapatid nya lang si Zap." Sabi ko.

"Binase mo lang sa itsura na magkadugo sila." Nailing na sabi nya. "So ano ang balak nyo? Sabi ni Alicia wala syang balak magpakilalang ina kay Zap."

"Kakausapin ko pa din sila Papa mamaya. Sinasabi lang ni Alicia na ayaw nya pero alam nating gusto nya." Sabi ko.

"Hmm.." sabi nya lang habang pinagmamasdan ang cake nya.

"Sorry guys." Tumingin ako sa taong kanina pa namin hinihintay. "Ayaw kasing magpaiwan ni Ponjap kay Japan eh." Rason nya at naupo sa tabi ko.

"Sana dinala mo na lang." Sabi ko.

"Ih." Napairap ako. "Minsan na nga lang ako gagala na walang dalang anak eh." Sabi nya.

"Sinundan ninyo pa kasi si Jerwin." Sabi ni Steph.

"Nainggit ako sa kacute-an ni Alex eh." Sabi ni Louise.

"Inggitera." Sabi ko. Sinamaan naman nya ako ng tingin na tinawanan ko lang.

"So tara na? Sayang oras." Sabi ni Louise at tumayo.

"Sino ba late dumating?" Nakataas na kilay na sabi ni Steph at tumayo. Tumayo na rin ako at humigop pa ng kape. Hindi inubos ni Steph ang inorder nya.

"Ikaw na nga tutulungan dyan eh." Sabi ni Louise. Napailing ako sa dalawa.

Lumabas kami ng coffee shop. Nag-uusap yung dalawa kung saan sila unang pupunta. Balak ni Steph na isurpresa si Linnett para sa pangbawi nya sa isang taon na hindi nya nakasama si Linnett. Sweet din nitong Steph na 'to eh.

Napagdesisyunan nila na bumili muna ng dress ni Linnett. Ida-date ni Steph si Linnett sa restaurant ni Gen bukas ng gabi.

"Ito?" Iniharap ni Louise ang napili nyang dress.

"Nah. Gusto ko yung sexy tignan si Linnett." Sabi ni Steph. "Above the knee and backless dress."

"Tigang na tigang ka ah." Sabi ni Louise. Nagulat ako nung sinabi nya 'yon. Bunganga naman nito.

"Super. Hindi na nga nakalakad si Linnett kanina eh." Napaface-palm ako sa pinag-uusapan nila. Dito pa talaga pinag-usapan.

"Ito! Siguradong hindi na kayo lalabas ng bahay!" Sabi ni Louise nang makita ang gusto ni Steph. Hindi lang above the knee yung dress, medyo maikli pa.

"Let's buy it." Walang pakungdangan na binili ni Steph ang damit. Hayp.

Pagkatapos nilang ibili ang dress ay pumunta naman kami sa jewelry shop. Nag-umpisa ulit sila mamili. Iniisip ko nga kung bakit kasama pa ako kung sila lang yung nag-uusap.

Napatingin ako sa isang kwintas na nakadisplay. Hugis snow flakes 'yon at may diamond sa gitna. Napangiti ako dahil naalala ko ang binigay ko noon kay Alexa.

"Miss." Tawag ko sa isang salelady. "Bibilhin ko 'to." Tinuro ko ang kwintas.

"Yayamanin, hindi na tinatanong ang preso." Sabi ni Louise nung lumapit sakin.

"Hindi na." Nakangiting sabi ko. "May napili ba kayo?"

"Meron na." Sabi nya at tumingin tingin ng mga nakadisplay sa side ko. "Swerte naman ng mga asawa nyo binibilhan ng mga ganito." Natawa ako.

"Hayaan mo sasabihan ko si Japan." Sabi ni Steph na lumapit na din samin.

"Wag. Gusto ko sya mismo magkukusang bumili para sakin." Sabi nya.

"Ikaw bahala." Sabi ko.

Pagkatapos namin sa jewelry shop, pumunta kami sa stuff toys shop. Nakakatuwang isipin na sa edad ngayon ni Linnett ay mahilig pa din sya sa stuff toys. Mas gusto nga daw yakapin ni Linnett ang stuff toys nya kaysa kay Steph.

"Human size." Sagot ni Steph sa tanong ni Louise kung gaano kalaki ang gusto nyang bilhin. "Tsaka limang mga huggable stuff toys." Bumabawi talaga ang isang ito.

Madami pa kaming pinuntahan na store at bawat store ay may binibili si Steph. Minsan ay napapabili din ako para kay Alexa at sa mga anak ko. Pagsapit ng hapon ay pumunta kami sa restaurant ni Gen para pagplanuhan ang date nila bukas at para kumain na din.

Habang kumakain ay nagpla-plano na kami. Mula sa design ng paligid dahil nirentahan ni Steph ang buong restaurant hanggang sa mga pagkain na ihahanda bukas.

"Aba, aba, aba." Lahat kami ay napaangat ang ulo sa lumapit samin.

"Japan? Nasaan si Ponjap?" Tanong ni Louise. Ang tatlong magbestfriend ang nandito.

"Kinuha ng Mama mo." Sagot ni Japan.

"Hello." Nakangiting bati ni Jayden.

"Weird talaga. Hindi ako sanay sayo, Jayden." Sabi ni Steph. Natawa na lang kami.

Sumabay sa pagkain namin ang tatlo.

"Ano meron?" Tanong ni Torey. "Ang seryoso nyo kanina eh."

"May surprise si Steph kay Linnett bukas." Sagot ni Gen.

"Sweet naman." Sabi ni Jayden at mahinhin na uminom ng wine. "Sana all."

"Sus, Jayden, lagi ka ngang dini-date ng asawa mo eh." Sabi ni Torey.

"Kaya nga sobrang ganda ni Jayden." Sabi ni Louise. "Dapat ako nagsasabi ng sana all."

"Japan, ano na?" Panunukso ni Torey.

"Shut up." Natawa na lang kami kay Japan. Mukhang na-pressure eh.

Namiss ko ang ganito. Madalang ko na lang sila makasama dahil sa busy schedule namin. Tuwing reunion lang kami nagkikitang lahat.

"Zoe!" Nagulat ako sa sigaw ni Louise at paghampas nya sa balikat ko. "Yung asawa mo may kabit." Sabi nya sabay turo sa labas ng bintana.

Lahat kami ay tumingin sa labas ng bintana. Nakita namin si Alexa na may kayakap sa gilid ng kalsada. Sa hugis ng pangangatawan ng kayakap nya ay paniguradong si Alicia ang kayakap nya lalo na may lakad ang dalawa ngayon.

"Sira, si Alicia 'yon." Sabi ni Steph.

"Alicia? Nandito sya?" Tanong ni Louise.

"Bakasyon." Sagot ni Steph.

"Wait, puntahan ko sila." Nagmamadaling umalis si Louise.

"Sinong Alicia?" Tanong ni Jayden.

"Manager ng Queer." Sagot naman ni Japan. "Mabuti nagbakasyon sya dito."

"Nagkita kasi sila ni Zap nung magbakasyon ang Dragon Empire sa America." Sabi ni Steph.

"Wait. Matagal na ninyong alam na may connection si Alicia kay Zap? Tapos hindi man lang ninyo sinabi sakin?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi naman kami sigurado noon. Walang sinasabi si Alicia tungkol sa pamilya niya. Ang alam lang namin ay mag-isa na lang sya." Sabi ni Japan.

"Nung una din akala namin magkamukha lang yung dalawa pero nung lumalaki si Zap, doon lang namin napansin na may malaking pagkahawig ang dalawa. Hindi na kami nagtanong pa kay Alicia dahil nakalimutan ko na." Biglang natawa si Steph sa huli. "Naalala ko lang nung dumating sila sa Queer. Doon na ako kinausap ni Alicia tungkol kay Zap at doon nya sinabi na nagkaanak sya dati."

"May posibilidad na anak nya si Zap?" Tanong ni Japan at tumingin sakin.

"Anak nya si Zap." Siguradong sabi ko. "At alam ko na may clue na si Zap kung ano si Alicia sa kanya pero nanahimik lang sya."

"Nagpa-DNA ba kayo? Baka naman kamukha lang ni Zap si Alicia." Sabi ni Jayden.

"Kung gusto ni Zap na makasigurado kay Alicia, magpapa-DNA kami." Sagot ko. Tumingin ako sa entrance ng restaurant. Pumasok yung tatlo at lumapit samin.

"Bakit ka umiiyak, Alicia?" Tanong ko at tumayo para lapitan sila. Binigay ko ang panyo ko sa kanya.

"Napag-usapan namin ang nangyari sa kanila ng ex nya." Sagot ni Alexa. "Nagkita kasi sila kanina." Nag-aalalang tinignan si Alicia.

Pinaupo namin ang dalawa at walang nagsalita isa sa amin. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pag-iyak si Alicia.

"Zoe." Tumingin ako kay Louise. Lumapit sya sakin para bumulong. "May gusto si Alicia kay Alexa." Halatang nang-aasar na sabi nya.

"Alam ko at alam mo bang nasa bahay namin sya?" Bulong ko din sa kanya.

"What?!" Napalayo ako sa kanya dahil sa sigaw nya. Napatingin tuloy samin ang lahat. "Seryoso?" Tanong nya na hindi pinapansin ang mga nakatingin sa kanya.

"Oo, itanong mo pa sa kanya." Sabi ko. "OA mo talaga 'no?"

"Ohmygosh, tapos?" Interesadong tanong nya. "Anong nangyari?" Nakangiti sya at alam nyang maiinis ako.

"Tapos, tapos na." Sabi ko. Mabilis na iniwas ko ang balikat ko nung hahampasin nya ako. Putek, yun ang hindi nawala sa kanya, ang manghampas.

"Magkwento ka!" Sabi nya at hinabol talaga ang balikat ko para mahampas nya.

"Masakit, Louise!" Sabi ko.

"Kayong dalawa. Ang haharot talaga ninyo." Sabi ni Steph.

"Sya." Sabay turo kay Louise. "Pikunin kasi."

"Bwisit ka kasi." Inirapan ako ni Louise. Natawa ako sa kanya.

"Alam mo? Kung hindi mo talaga gusto si Japan at Torey noon, iisipin ko na gusto mo din ako eh." Sabi ko.

"Wow! Kapal mo!" Sabi ni Louise na ikatawa nila Torey. Napangiti naman si Alicia samin. Mukhang okay na sya.

"Ano palang ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Alexa.

"May surprise si Steph kay Linnett. Sweet nya 'no? Sana ganyan din mga asawa natin." Natawa kami sa pagpaparinig ni Louise. Hindi naman umimik si Japan na mukhang napressure.

"Namimiss ko 'to. Mabuti na lang pala talaga nag-retire na ako." Sabi ni Steph.

"Buti ka nga nag-retire na, eh yung isa dyan." Pagpaparinig na naman ni Louise. Si Alexa naman ang tinutukoy nito.

"At least dito ako naglalaro." Sabi naman ni Alexa. "Wala naman kaso kay Zoe kung naglalaro pa rin ako. Mga asawa nyo lang ang reklamador."

"Paano wala na syang time samin. Sigurado din ako kay Linnett na ganyan din ang reklamo nya." Sabi ni Louise. Ayaw talaga magpatalo.

"Kayo naman pala may kasalanan eh." Sabat ni Gen. Walang umimik sa dalawa na ikinatawa namin.

"Since nandito na ako, maglaro tayo." Pag-aaya ni Steph. "Pero konti na lang pala ang mga naglalaro ng basketball satin."

"I'm in. Hindi pa ako nabubulok sa basketball." Gulat na tumingin ako kay Louise.

"Seryoso?" Tanong ko.

"Ikaw ba naman laging inaaya ng asawa mo magpractice pati yung panganay?" Sabi nya. Natawa na lang ako. Walangyang Japan 'to imbis na date iaya, laro ang inaaya nya kay Louise.

"Ikaw Gen? Kalawang ka na ba?" Nakangising tanong ni Steph.

"Na-ah. Hindi pa kumukupas ang galing ko." Mayabang na sabi ni Gen.

"Yan ang gusto ko sayo, Gen." Sabi ni Steph. "Torey?" Baling na tanong nya kay Torey.

"Sure. Coach lang ako pero kaya kong makipagsabayan sa inyo." Sabi ni Torey.

"Jayden?"

"Sira ka naman Steph, matagal ng tumigil si Jayden sa basketball." Sabi ni Louise.

"Yeah, so I'm out." Sabi ni Jayden.

"Corny. Hindi ko tatanungin yung dalawa dahil kasali talaga sila. Zoe! Sure akong sasali ka din, alam kong gusto mo pa rin ako matalo." Sabi ni Steph. Napailing na lang ako.

"Three vs three lang ba? Si Aj malakas pa din maglaro 'yon pati si Xenon at Nikki." Sabi ni Gen.

"Why not? Ayain mo sila." Sabi ni Steph. Tumingin sya sakin. "Si Ivy at Russel?"

"Si Russel, pwede pero si Ivy hindi, buntis eh." Sagot ko. "Si Kiara na lang, kakauwi lang din non galing sa Korea."

"Good! Kayo na bahala mag-imbita sa kanila at yung laro ay sa susunod na araw na lang para naman makapag-practice kayo.." mayabang na sabi ni Steph.

"No, thanks." sabay na sabi ni Japan at Alexa.

"Mayabang." sabi ko naman. Tinawanan ako ni Steph.

"Imbitahin ninyo din ang iba para after game, kumain tayo sa labas." sabi ni Steph.

"Ako na bahala mag-imbita sa kanila." Nakangiting sabi ni Louise. "Pero saan pala?"

"Sa Cup Stadium." Sabi ni Steph. "Rerentahin ko 'yon para lang sa laro natin."

"Iba talaga ang mayaman." Sabi ni Torey.

"Parang hindi kayo mayaman ah." Sabi ni Steph.

"Mas mayaman ka naman samin." Segunda din ni Jayden.

"Mas mayaman si Alexa." Napailing ako dahil hindi na sila natapos.

Ilang oras pa ang tinagal namin sa restaurant ni Gen bago namin maisipan na umalis na. Si Alexa at Alicia ay tinuloy ang gala nila kasama si Gen at Louise habang si Steph ay sumama sa tatlong magbestfriend at ako naman ay umuwi na dahil kakausapin ko pa sila Mama tungkol kay Zap. Saktong nasa galaan din si Zap kaya wala sya sa bahay.

Pagdating ko sa bahay, nasa sala ang mga magulang ko. Hinanap ko sa kanila si Kuya dahil kailangan nya din malaman ang tungkol kay Zap at Alicia.

"Ano meron?" tanong ni Kuya nang umupo sya sa harapan nila Papa. Nasa gilid naman nila ako.

"Ma, Pa, Kuya, nakita naman ninyo si Alicia hindi ba?" panimulang tanong ko.

"Anak, nakausap mo na ba si Alicia?" tanong ni Papa.

"Yes Pa, sinabi nya na posibilidad na anak nya si Zap." sabi ko.

"Anak? akala ko isa sa pamilya nya lang si Alicia." sabi ni Kuya. "Kaya pala malaki ang pagkahawig nilang dalawa."

"Pero nasisigurado ba tayong anak nya talaga si Zap? baka naman kamukha nya lang si Zap." sabi ni Papa.

"Pa, wag mo naman ipagkait sa tao ang anak nya." sabi ni Mama.

"Madaming magkakamukha ngayon pero hindi sila magkadugo, hindi ninyo ba naisip 'yon?" sabi ni Papa.

"Pwede naman tayo magpa-DNA para makasigurado tayo." sabi ni Kuya. "Kahit na naiinis ako sa taong nang-iwan kay Zap noon, may rason naman siguro si Alicia kung bakit nya ginawa 'yon."

"Actually, mag-isa na lang si Alicia bago pa sya nabuntis noon." sabi ko at nagulat silang tatlo. "Iniwanan pa sya nung nakabuntis sa kanya kaya siguro nagawa ni Alicia na iwan si Zap. Naiintindihan ko kung bakit nagawa 'yon ni Alicia pero syempre, naiinis din ako sa ginawa nya. Kahit na nagawa nya 'yon, may karapatan pa din syang makilala ni Zap bilang ina nya."

"Naiintindihan ko. Pagkatapos ng nagawa ko sa inyo noon ay nagawa ninyo pa din akong patawarin kaya wala akong karapatan para itanggi si Zap kay Alicia." sabi ni Papa.

"Pa, hindi naman sa ganon." sabi ni Kuya.

"Naiintindihan namin ang pagiging strict mo kay Zap dahil ikaw ang nakakuha sa kanya kaya naiintindihan din namin kung bakit ka ganyan." sabi ko. "Tsaka kahit naman na mag-ina ang dalawa, hindi pa din makakalimutan ni Zap na pamilya nya tayo at sa tingin ko naman ay hindi kukunin ni Alicia satin si Zap. Sya ang kukunin natin dahil tutal mag-isa na lang sya, bakit hindi na lang natin isama sa pamilya natin?" suggest ko sa dulo. Sa tingin ko naman papayag si Alicia dahil ramdam ko din ang lungkot nya na mag-isa lang sya.

"Pero gusto ko pa din magpa-DNA silang dalawa para makasigurado talaga tayo." sabi ni Papa. Napailing na napangiti na lang ako.

"Walang problema, Pa." sabi ni Kuya. "Pero ang problema ay paano natin sasabihin kay Zap?" kahit na alam kong may alam na kahit papaano si Zap kay Alicia, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Zap.

"Hindi na kailangan sabihin." napatingin kami sa pintuan. Nagulat kami nang makita si Zap at Kriza? okay na ba ang dalawang ito at magkasama sila ngayon?

"Zap, anak." sabi ni Papa at tumayo.

"Parehas tayo ng hinala, Kuya, akala ko isa sa pamilya ko lang si Tita Alicia pero nakakagulat na sya pala ang totoong ina ko." sabi ni Zap. Nag-aalala naman kami sa magiging reaction nya. Mukhang narinig nya kami.

"Anak, kung totoo man na sya talaga ang ina mo at alam kong mali ang ginawa nya sa pag-iwan sayo, hayaan mo sanang maging ina sya sayo." malungkot na sabi ni Mama. "Patawarin mo sana sya sa nagawa nya sayo." lumapit si Mama at hinawakan ang mukha ni Zap.

Ngumiti si Zap. "Don't worry, Ma, pinalaki ninyo ako na kayang magpatawad kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng isang tao. Mapapatawad ko po si Tita─" tumigil sya  at tuminign sa itaas kaya napatingin din kami sa itaas. "Hindi ko alam kung ano ang dapat itawag sa kanya." sabi nya at napakamot ng ulo. Napangiti ako.

"Magpapa-DNA tayo para makasigurado kahit na..." tumingin sila sakin na nagtataka sa pagbitin ko sa sasabihin ko. "Kahit na ayaw ni Alicia na makilala mo sya bilang ina mo." hindi nawala ang pagtataka nila sakin. "Sa kabila ng nagawa ni Alicia kay Zap, iniisip nya na wala syang karapatan maging ina kay Zap kaya ayaw nyang ipaalam kay Zap na sya ang ina nito. Okay na sya na makasama si Zap kahit sa konting panahon." malungkot na sabi ko.

"Pero alam kong gustong gusto pa din ni Alicia makasama si Zap. Isa din akong magulang kaya alam ko ang pakiramdam na gustong makasama ang anak." sabi ni Kuya.

"Tama ka dyan, Kuya, nasabi nya lang 'yon dahil alam nyang mali ang ginawa nya kay Zap." sabi ko.

Tumingin kami kay Zap. Nakakagulat na masaya ang mukha ni Zap.

"Kahit na hindi ko hinihiling na makita ang totoo kong mga magulang, masaya ako na nakilala ko ang Mama ko." sabi ni Zap. Napangiti kaming lahat. "Pero syempre, magulang ko pa din kayo." sabi nya kanila Mama at tumingin samin. "At mga kapatid ko pa din kayo, kahit na kaedad lang ni Ate si..." natawa kami dahil hindi nya pa din alam ang itatawag kay Alicia.

"Syempre, anak ka pa din namin." niyakap ni Mama si Zap. Sumama na din si Papa sa kanila.

"Sama naman kami dyan!" sabi ni Kuya at hinila pa ako papunta sa tatlo. Napangiti na lang na yumakap ako sa kanila.

"Teka, si Kriza, magiging manugang ko na din yan." pagbibiro ni Mama. Namula ang mukha ng dalawa kaya natawa kami. Mukhang alam ko na kung bakit magkasama ang dalawa. Ang talas naman ng pakiramdam ni Mama.

"Hindi pa nga kami eh." sabi ni Zap na namumula pa din ang mukha.

"Sus, doon din ang punta non." sabi ni Papa. Natawa na lang kaming apat sa dalawa.

"Sabi na nga ba, magiging lesbian din itong si Zap kapag nasa camp eh." sabi ni Kuya.

"Ano ka ba, Kuya? kahit wala sa camp ang dalawa, may something na sa kanila simula pa lang nung baby sila." sabi ko.

"Baby ka dyan, Ate." sabi ni Zap na namumula pa din ang mukha.

"Totoo naman eh." sabi ko.

"Ewan ko sa inyo. Sa taas lang kami." sabi ni Zap at hinila si Kriza.

"Bawal muna ah!" pabirong sabi ni Kuya.

"Ewan ko sa inyo!" sigaw ni Zap na ikatawa namin. Ang cute talagang asarin si Zap.

Pagdating ng hapunan, sama-sama kaming kumain lahat sa bahay nila Mama. Naghanda ng madami si Mama na akala mo fiesta. Tumulong si Kriza at Alexa sa pagluto ng hapunan habang nag-usap si Alicia at Zap. Nag-iyakan pa ang dalawa habang nag-uusap sila at naging masaya si Alicia na tanggap sya ni Zap. Pumayag silang dalawa na magpa-DNA kaya bukas ay pupunta kami sa hospital. Kahit na hindi magpa-DNA ang dalawa ay ramdam nilang mag-ina sila. Lukso ng dugo kumbaga.

Kaya naman naging masaya ang hapunan namin kahit na kulang kami ng isa. Nakakalungkot lang dahil kung kailan kami kompleto ulit at nadagdagan ng dalawa ay doon naman wala ang panganay ko. Nakausap lang namin sya saglit sa phone bago kami kumain. May evening training pa kasi sya kaya naman minsanan lang namin makausap ang anak kong 'yon. Nakakalungkot man na tumigil sya sa basketball ay magiging masaya na lang ako sa desisyon nyang 'yon.

"Hon?" tawag ni Alexa paglabas nya ng banyo pagkatapos nyang maligo.

"Po?" tanong ko na hindi sya nililingon. Busy ako sa pagbasa ng mga stats na binigay sakin ni Rigel.

"Hindi ba si Louise ang mag-iimbita sa mga iba nating kaibigan?" tanong nya.

"Oo, sabi nya. Bakit?" tanong ko at nilingon nya. Napasipol ako nung makita syang naka-nighties dress na black. Sinamaan nya muna ako ng tingin na ikatawa ko.

"Inimbitahan nya nga pati ang buong mundo." sabi nya.

"Huh?" takang tanong ko at tumayo para lapitan sya. Iniharap nya sakin ang cellphone nya.

May pinost si Louise na picture na ang background ay yung Cup Stadium tapos nakalista ang mga pangalan namin. Hindi lang kami ang maglalaro, pati sila Ate Kill at ibang mga kasamahan nya. Nakaligay din kung sino ang commentator, si Ate Kiwi at Ate Anya. Meron din pa-raffle na pinagtaka ko kung sino naman ang sponsor non. Sa pinakadulo may mga nakaligay kung sino ang mga magtatayo ng stall, isa na don ang shop nila Japan. Ang tibay nga naman. Yung simpleng laro lang namin, naging event pa.

"Ang dami talagang alam ng taong 'yon." sabi ko at niyakap si Alexa patalikod. Inamoy ko ang balikat nya. Bango.

"Parehas lang kayo." sabi nya. Dinampian ko ng halik ang balikat nya patungo sa leeg nya. "Zoe.." mahinang sabi nya.

"Hmm? walang tao ngayon sa bahay kundi tayo lang." sabi ko. Nag-overnight ulit ang dalawa kong anak sa kwarto ni Zap kasama si Alicia kaya naman kaming dalawa lang ngayon sa bahay.

"Pagod ako, Zoe.." mabigat na paghinga nyang sabi. Napangiti ako at ipinasok ang kamay ko sa loob ng nighties nya. "Zoe, ano ba?" mahinang saway nya pero hindi nya naman inaalis ang kamay ko. Ang misis ko nga naman. Nagitlang sya nung ipasok ko ang kamay ko sa underwear nya. "Damn it, Zoe." mahinang sabi nya at humarap sakin. Nakangiti lang ako sa kanya. "It's not your day, hon." pagkasabi nyang yon ay itinulak nya ako sa higaan.

"Wait!" nataranta ako nung marealize ko ang sinabi nya. Bago pa ako makabangon ay dumagan sya sakin. "Hon naman eh, sayo ang gusto kong marinig."

"Nope, pagod ako." sabi nya at tinanggal ang butones ng long sleeve pajama ko. Napangiwi ako. Wala akong laban sa lagay kong ito.

"Be gentle please?" pagmamakaawa ko. Kapag kasi si Alexa ang gumalaw, nababaliw ako eh.

"Feeling virgin." sabi nya. Natawa naman ako pero napahiyaw din nung sakupin ng bibig nya ang kaliwang dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

Lesson learn, wag mag-aya ng make love kapag pagod si Alexa.

"Ohmygod, Alexa!"



------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

175K 4.9K 18
I suppose I am simply fated to fall in love with the unreachable. HARRY POTTER Β© ruinology-
218K 6.1K 10
When Midoryia comes home one day from being out in the rain during patrol, he falls sick over night. His roommate Bakugo has no other choice than to...
619K 31.2K 32
1ST BOOK OF BRIDE SERIES✨✨ Don't do this, leave my parents, don't ruin my life, I will die. She was begging infront of him joining her both hands. Th...