Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.3K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 28

15.1K 630 248
By jaysanj


Kennie's POV

Pinagmamasdan ko si Rigel na seryosong binabantayan si Zandy na mag-dribble ng tatlong bola. Humikab ako. Ang boring tignan ng dalawang ito. Dalawang oras na pinagdri-dribble ni Rigel si Zandy. Focus ngayon si Rigel pagalingin si Zandy pagkatapos nyang makita ang galing ni Eloi. 

May isa pang Cup bago pa ako makasali at ang gusto ni Rigel na sa Cup na 'yon, makuha na nila ang matagal na hinahangad ng Miracle. Kaya naman kahit kakatapos lang ng Cup nakaraang buwan, balik practice na ulit ang Miracle. Lamang ang ibang team ay pinaghahanda ang World Cup. Isa lang nakuha sa Miracle na isasali sa team ng Pilipinas, si Joella lang kaya wala ang taong 'yon dito. Isinali sya don kahit na magiging bangko lang naman sya. Paniguradong si Eloi ang isasali ng Pilipinas sa first five kasama sila Stace.

"Chill lang talaga ang isang ito." nilingon ko ang lumapit sakin. "Habang kami practice ng practice."

"Julia." banggit ko sa pangalan nya. "Kung ako sayo, mag-practice ka na lang." sabi ko at ibinalik ang tingin sa dalawa.

"Grabe, bawal ba magpahinga?" sabi nya at naupo sa tabi ko. "Daya, dapat nagpra-practice ka din eh. Bakit kasi may pa-special treatment pa sayo eh kaya nga kitang sabayan." tumingin ako sa kanya at tumawa.

"Julia, Julia. Malayo ang agwat nating dalawa. Malayo ang agwat ko sa inyong lahat." sabi ko kanya. Mukhang hindi naman sya nainsulto sa sinabi ko. Typical Julia. Kahit na pagsabihan na sya ng masasama ay hindi sya nao-offend at chill lang sya. Happy go lucky nga naman.

"Utot mo." napailing na natawa ako sa kanya.

"Yung nakikita nyo ay wala pa sa mismong galing ko 'yon." sabi ko. Parehas kaming nakatingin sa dalawa na ngayon ay nag-uusap na lang.

"Ibigsabihin ba nyan may chance na manalo ka kay Eloi?" tanong nya.

"Hindi lang chance, kayang kaya ko syang talunin." napailing ako dahil iniisip nila na kailangan ko pa ng tulong ni Zandy para mapatumba si Eloi kung kaya ko naman mag-isa. Hindi nila alam, gabi-gabi ay nagpra-practice ako kasama si Mama Kiwi.

"Edi ikaw na magaling." napailing na lang ako kay Julia. "Oy tignan mo." siniko nya ako tapos ngumuso sa direction nila Rigel. Mabilis na nilingon ko ang dalawa. Tumaas ang isa kong kilay nang makitang pinupunasan ni Rigel ang mukha ni Zandy.

Hinayaan ko lang silang dalawa. Parehas kaming nanliligaw ni Zandy kay Rigel kaya magiging patas ako sa kanya kahit na gustong gusto kong bakuran si Rigel.

"Aba, hindi selosa." komento ni Julia. Kung alam nya lang kanina ko pa gustong puntahan ang dalawa.

Lumapit samin ang dalawa. Nagawi ang tingin sakin ni Rigel.

"Ginawa mo ba ang pinapagawa ko sayo?" tanong nya.

"Don't worry, kahit hindi mo sabihin 'yon, ginagawa ko 'yon every day." sabi ko. Pinapatakbo nya ako ng five km per day. "Masyado kang focus sa basketball, bakit hindi ka muna mag-aliw aliw? matagal pa naman ang Winter Cup." sabi ko.

"Wala rin naman akong ibang gagawin." sagot nya.

"Meron, mag-date tayo." sabi ko.

"Hayop, masyadong dominant." sabi ni Julia. "Hindi ganyan ang tamang pag-aaya makipag-date."

"Alam ko." sagot ko.

"Alam mo naman pala bakit hindi mo ayusin ang pag-aaya mo?" nakitbitbalikat ako.

"Ayoko." sagot ni Rigel.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Tinignan nya ako ng matagal. "C'mon, hindi kita dadalhin sa hotel."

"Siraulo talaga ito." rinig kong sabi ni Julia.

"Wag mong sabihin kapag si Zandy ang nag-aya sayo ay papayag ka?" nakataas ang isang kilay kong tanong ko. Napatinign naman si Zandy kay Rigel.

"Ayoko rin. Wala akong balak makipag-date sa inyong dalawa." sabi ni Rigel at naglakad paalis.

"Mas cold sayo 'yon." bulong ni Julia na kami lang nakakarinig.

"Masyado lang tutok si Rigel sa Miracle." sabi ni Zandy habang nakalingon kay Rigel. "Hindi ko alam pero parang nabahala si Rigel kay Eloi. Palagi nyang pinapanood ang mga laban ni Eloi."

"Hala baka may gusto na si Rigel kay Eloi." sabay kami napatingin ni Zandy kay Julia.

"Pwede ba? minsan tumahimik ka naman." sabi ko sa kanya. "Pinapanood nya si Eloi dahil isang banta sya ng Miracle."

"Ah bahala kayo dyan. Kung ako sa inyo, galingan ninyong manligaw kay Rigel baka maagawan pa kayo ng iba." sabi ni Julia.

"Impossible yan. Wala ngang balak makipagrelasyon si Rigel eh." sabi naman ni Zandy.

"Alam naman pala ninyo 'yon bakit pa nililigawan ninyo si Rigel?" tanong ni Julia.

"Kapag handa na sya, nandito lang ako." sagot ko.

"Hayop." ang dami talagang komento ng isang ito.

"Uhm.." napatingin kami sa gilid namin. "Nakita ninyo ba si Lee? hinahanap kasi sya ni Rigel." nahihiyang sabi ni Titania. Tumingin naman kami sa paligid.

"Oo nga pala, nasaan ang isang 'yon?" tanong ni Julia.

"Guys! si Lee nakita ninyo?!" sigaw ni Zandy sa iba pa naming miyembro. Umiling naman ang pito. "Nasaan 'yon?"

Nakita ko si Rigel na lumabas ng gym. Tumayo ako at sumunod sa kanya sa labas. Naramdaman ko naman na sumunod din sakin ang tatlo. Napairap na lang ako. Pumunta kami sa gilid ng gym at doon namin nakita si Lee at Rigel. Lumapit kami sa kanila at doon namin napansin na may pinapakain na pusa si Lee.

"Magpaalam ka naman kung saan ka pupunta, Lee." sabi ni Julia. "Saan mo na pulot yan?"

"Dito." sagot naman ni Lee. Naguguluhan naman kami.

"Baka pusang gala yan tapos napadpad dito sa camp." sabi ni Zandy.

"Hayaan mo na yan, Lee. Kailangan natin sundin ang Mommy mo." sabi ni Rigel.

"Si Tita Steph?" tanong ni Julia. Tumango si Rigel. "Bakit kasama ka?"

"Hindi lang ako, kasama din si coach Zoe. Hindi ko din alam kung bakit kasama ako." sagot ni Rigel.

"Pwede din kaya kami sumama?" tanong ni Julia.

"Nope. Masyadong madami." napatingin kami sa likuran namin. Si coach Zoe. "Let's go? baka matraffic tayo."

Tumayo si Lee sa pagkaupo nya at tumingin kay coach Zoe.

"Pwedeng dumito ang pusa?" tanong ni Lee. Mukhang mahilig sa pusa ang isang 'to.

"Kung hindi sya aalis, ayos lang." sabi ni coach Zoe at tumingin sa pusa.

Tumingin si Lee sa pusa. "Stay." napa-face palm ako sa sinabi ni Lee sa pusa. As if naman na susundin sya ng pusa.

Maya-maya ay umalis na ang tatlo papunta sa airport. Naiwan na lang kaming tatlo sa gym. Pinauwi na din nila coach Zoe ang iba kaya kami na lang naiwan sa gym. Nakaupo lang kami sa bench. Himalang tahimik si Julia ngayon.

"Namimiss ko na si Joella. Wala akong kakulitan." sabi ni Julia. Akala ko tatahimik na lang sya.

"Sad, dalawang buwan mo pa sya bago makita." sabi ni Zandy. 

"Kaya nga eh. Yung ibang mga kaibigan namin, mga busy din sa mga buhay-buhay nila." sabi ni Julia.

"Madami kayo 'di ba?" tanong ni Zandy. Nakikinig lang ako sa dalawa tutal wala din naman ako masabi.

"Oo. Ang dami ba naman kaibigan nila Mama." sabi ni Julia. "Yung iba sa kanila panay ang travel sa ibang bansa ngayong summer."

"Hindi ba sila mahilig sa basketball?" tanong ko.

"May ilan na sa school lang sumasali ng team dahil iba ang gusto nila sa future nila. Yung iba hindi ko na alam kung ano trip nila sa buhay." sagot nya. "Ikaw? yung mga anak ng kabatchmate ng parents mo?"

"Ang iba sa kanila nasa ibang bansa nakatira at hindi masyadong adik sa basketball. Mas gusto nilang mag-manage ng kompanya ng pamilya nila." sagot ko.

"Konti na lang talaga ang sumunod sa yapak ng mga parents nila." sabi ni Julia. "Si Julio nga, mas gustong mag-police pero bata pa lang 'yon kaya mababago pa ang isip ng batang 'yon pero hindi na tungkol sa basketball."

"Same with my older brothers and sisters." sagot ko. Sa amin magkakapatid ako lang yung tumuloy sa paglalaro ng basketball. Lahat sila ay may kanya kanyang pangarap.

"Mabuti pa nga pamilya si Zandy sumunod talaga sa yapak ng parents nila." sabi ni Julia. Tumingin ako kay Zandy.

"Well, si Alex at Dite lang naiba." sabi ni Zandy. Napansin ko na nalungkot sya nung banggitin nya ang pangalan ni Dite. Napailing ako. Kahit na apat buwan na nakakalipas nung umalis ng Miracle si Dite hindi pa din nya matanggap na hindi na maglalaro pa ng basketball si Dite.

Natahimik kami kinalaunan. Tila napansin din ni Julia ang lungkot ni Zandy.

"Tara, mall!" pag-aaya ni Julia. Iniisip ko kung kaya ba nitong tumahimik kahit limang minuto lang?

Dahil wala kaming magawa na tatlo ay pumunta kami ng mall. Inaasahan ko na pupunta kami sa mga shoes store o kaya sa mga arcade pero nakakagulat na hinila kami ni Julia sa isang girly store. Nagkatinginan kami ni Zandy nung nag-umpisang mamili ng dress si Julia. Hindi namin inaasahan na mahilig sa ganon si Julia. May pagkaboyish kasi ang taong ito.

"Bagay kaya ito sakin?" tanong nya at iniharap samin ang dress na napili nya. Isang black deep V slit backless dress 'yon.

"Sana hindi ka na nagdress kung yan ang susuotin mo." sabi ko. Masyadong showing ang dress at paniguradong makaka-attract agad sya ng mga lalaki. Above the knee ang dress na 'yon tapos may hiwa pa sa gilid. Kita din ang cleavage nya.

"May mas malala pa nga akong dress na ganito eh." sabi nya at ibinalik ang dress. Napataas ang kilay ko.

"Really huh? akala ko boyish ka." sabi ko.

"I can do both." sabi nya at kumindat pa sakin.

Gabi na kami natapos maggala sa mall. Wala kaming binili kahit isa sa mall. Ang ginastos lang namin ay ang pagkain at pamasahe. Akala nga namin ni Zandy, bibili ng dress si Julia pero bigla na lang ito nag-aya na umalis ng store. Tila ewan lang na naghanap ng mga dress sa store na 'yon. Umasa siguro ang mga salelady na bibili si Julia ng dress dahil sa tagal nitong mamili.

Naglalakad ako pauwi sa bahay namin nang mapansin ko si Rigel na mag-isang naglalakad. Same way lang ang bahay namin pero medyo malayo pa sa kanya. Napansin ko na may lumapit sa kanyang lalaki. Tila naman sila magkakilala dahil nag-uusap sila tapos naglakad na ulit sila ng sabay. Balak ko pa sanang ihatid si Rigel sa kanila pero dumating yung lalaki. Ayoko naman na basta na lang lumapit dahil baka kamag-anak nya 'yon.

Tumigil ako sa tapat ng bahay namin. Nilingon ko ulit si Rigel. Napataas ang kilay dahil inakbayan ng lalaki si Rigel. Hindi naman inalis ni Rigel yung braso ng lalaki kaya paniguradong kamag-anak nya 'yon. Pero maya-maya ay hinihimas na ng lalaki ang balikat ni Rigel. May kamag-anak ba na ginagawa 'yon?

Naglakad patakbong lumapit ako sa kanila at doon ay naririnig ko na ang pinag-uusapan nila.

"Grabe ka naman, Rigel tila ka naman hindi kaibigan nya. Tayo tayo lang nandon eh." sabi ng lalaki. Hindi nya pala kamag-anak ito pero bakit hinahayaan lang ni Rigel na akbayan sya nitong lalaking 'to?

"I can't, okay?" iritang sabi ni Rigel. Bumagal ako saglit sa paglalakad para pakinggan pa sila.

"Nandon naman ang boys eh. Hindi ka mapapahamak. Kami ang bahala sa inyo." pagpupumilit ng lalaki. Tumaas ang kilay ko dahil tila iba ang dating sakin ng sinabi nya.

"Next time na lang okay? may practice kami non." sagot ni Rigel. Kahit sa mga kaibigan nya tumatanggi sya. Mas adik pa sya sa basketball kaysa samin.

"Okay, okay hindi na." sabi ng lalaki at minasahe ang balikat ni Rigel. "Masyado ka talagang hot. Init agad ng ulo mo eh." iba talaga ang dating ng mga sinasabi ng lalaking ito sakin.

"Ang kulit mo kasi." sabi ni Rigel. Hindi nya talaga tinatanggal ang kamay ng lalaki sa balikat nya. Mukhang close sila nito pero ewan ko lang sa lalaking ito.

"Parang hindi ka naman sanay sakin." muling inakbayan ng lalaki si Rigel pero mas malapit pa kay Rigel.

"Mas malala ang mga tao sa Miracle kaysa sayo." sabi ni Rigel. Napangisi ako.

"Kaya pala stress ang mukha mo." sabi ng lalaki. Hindi ko na pansin ang ginawa nya dahil hinarangan nya at mas lalong dumikit kay Rigel. Hindi ko na nagustuhan ang nakikita ko kaya lumapit na ako sa kanila at itinulak palayo ang lalaki kay Rigel. Parehas silang tumingin sakin. Inilayo ko ng konti si Rigel.

"Kennie? What the..." tumigil sya nung tignan ko sya. Muli ako tumingin sa lalaki.

"What?" may inis na sabi ng lalaki. Hindi ko sya sinagot. Tinignan ko sya ulo hanggang paa. May itsura sya pero mukhang manyak base sa pagdikit nya kay Rigel.

"Kennie, ano bang problema mo?" tumingin ako kay Rigel tapos tinuro ko ang lalaki na hindi nililingon.

"Hindi mo ba alam na sinasamantalahan ka na nya sa pagdikit nya sayo?" sabi ko.

"Huh? ganon naman talaga si Carlo eh." tinignan ko sya sa mga mata nya. So matagal na nyang hinahayaan dumikit ang lalaki sa kanya. "Wha-what?" natutuwa ako na nautal sya sakin sa unang pagkakataon.

"Dahil hinahayaan mo syang mapalapit sayo ng ganon, hindi mo alam, chinachansing ka na nya." seryosong sabi ko at tumingin sa lalaki.

"Ano? bakit ko naman gagawin 'yon kay Rigel? eh kapatid ang turing ko sa kanya." sabi ng lalaki. Tumaas ang kilay ko.

"Lalaki ka pa rin. Ang mga lalaki ay may mga pagnanasa. Kahit na kaibigan o kapamilya, pinapatos nila. Sa pagdikit mo pa lang kay Rigel halatang pinagnanasaan mo sya." sabi ko. "Walang matinong lalaking na gagawin ang ganon sa taong tinuturing nilang kapatid." napaatras sya sa sinabi ko. Mukhang tinamaan ang loko.

"Tama ka dyan, Kennie." tumingin kami sa likuran namin. Napakunot ang noo ko nang makita si Joella. "Alam mo, Rigel. Hindi tamang makipagkaibigan ka sa taong yan at sa mga kaibigan nya."

"Bakit naman? mababait sila." nakakunot na noong sabi ni Rigel.

"Makapaghusga kayo." sabi ng lalaki. Niligon ko sya. Napaatras na naman sya. Weak.

"Hindi kami mapanghusga. Prinoprotektahan lang namin si Rigel tsaka, hindi ba kasama ka sa scandal na gang-rape?"

"What?!" sigaw ni Rigel at tumingin sa lalaki.

"A-anong pinagsasabi mo? hindi ko magagawa 'yon 'no!" sigaw ng lalaki. Sa tono ng boses nya ay mukhang defensive sya.

"Ah baka kamukha mo lang, medyo malabo kasi yung video eh tapos madilim pa." tinignan ko si Joella kung totoo ba ang sinasabi nya. Hindi ko kasi nababalitaan na ganong scandal.

"Sobra-sobra na yang panghuhusga nyo ah!" naiinis na sabi ng lalaki.

"Guys, tama na yan. Carlo, mauna ka na." sabi ni Rigel.

"Wag mong sabihin na naniniwala ka sa kanila, Rigel?" sabi ng lalaki. "Alam mong hindi ko magagawa 'yon."

"Alam ko kaya mauna ka na." sabi ni Rigel. I don't think na naniniwala si Rigel sa lalaking ito dahil pinapaalis na nya ito.

Inis na tinignan muna kami ng lalaki at naunang umalis. Hinintay muna namin sya makalayo-layo bago humarap samin si Rigel.

"Totoo ba ang sinasabi mo, Joella?" tanong ni Rigel.

"Huh? biro lang 'yon. Hinuhuli ko lang sya pero malay mo totoo pala lalo na yung nag-viral na scandal ay malapit lang sa lugar natin." sabi ni Joella. "Napansin ko din kasi na masyado syang madikit sayo. Inaalala lang kita dahil nga sa scandal na lumabas. Hindi kasi tama yung pagdikit nya sayo."

"Ganon talaga 'yon." huminga ng malalim si Rigel.

"Hindi tama 'yon." sabi ko. Tumingin sakin si Rigel. "Babae ka at lalaki sya. Kung may respeto sya sayo, hindi sya ganon kalapit sayo kaya lumayo layo ka sa taong 'yon."

"Possessive." rinig kong sabi ni Joella. "Mauuna na ako. Maaga pa ako bukas." paalam ni Joella at naglakad sa ibang direction.

"Hatid na kita." sabi ko kay Rigel.

"Hindi na, kaya kong mag-isa." sabi nya at naunang naglakad. Hindi ko sya sinunod at sumunod na lang sa kanya sa paglalakad. Tinignan nya ako ng masama. "Tigas talaga ng ulo."

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hindi sya umatras man lang. Huh...napaka-strong talaga ng personality nito kaya gusto ko sya eh. Hindi sya yung katulad ng ibang babae na puro paganda lang ang alam. Sya puro basketball ang alam. Gusto ko matawa pero baka isipin pa nyang baliw ako.

"Lumayo layo ka." matigas na sabi nya. Napangisi ako at lumayo.

"Kamusta naman ang lakad mo?" tanong ko nung magpatuloy kami sa paglalakad.

"Ayos lang." tumaas ang kilay ko. Yun lang ang sasabihin nya? "Nakakuha ako ng autograph kay Tita Steph." nahimigan ko sya ng saya sa boses nya.

"Siguro kaya ka kasama para makakuha ng autograph 'no?" pang-aasar ko.

"Hindi 'no." inis na sabi nya. Nginisian ko sya. "Ang panget mo." natawa ako sa kanya.

"Kumpara sayo, Rigel. Mas maganda ako sayo." sabi ko sa kanya. "Though I still like you." kinindatan ko sya pagkatapos. At dahil natapat kami sa poste ng ilaw, napansin ko ang pamumula ng mukha nya.

"May isa ka pa palang dapat paghandaan." biglang seryosong sabi nya.

"Basketball na naman? pwede, kahit minsan iwaglit mo naman ang basketball." sabi ko.

"Well, kung ayaw mong bukang bibig ko ang basketball, maari kang umalis." paghihimutok nya.

Huminga ako ng malalim. "Fine. Sino naman yang sinasabi mo?" bakit ba hindi ito matakot sakin? ako pa ang natatakot sa kanya.

"Si Ate Zap at Ate Kriza." sabi nya. Tumaas ang kilay ko. Anong akala nya, hindi ko kayang talunin ang dalawang 'yon?

"So anong balak mo?" fine, I will just go with the flow.

"Galingan mo." napatigil ako sa paglalakad sa sinabi nya. Hindi naman sya tumigil sa paglalakad kaya lumakad ulit ako.

"Gawin mo naman sweet ang pagkasabi mo." pang-aasar ko. Kahit na okay na ako sa sinabi nyang 'yon.

"Manigas ka." napangiti ako at napailing.

Nakarating kami sa tapat ng bahay nila. Humarap sakin si Rigel.

"Ingat sa pag-uwi." sabi nya at tumalikod para pumasok sa loob ng gate nila.

"Goodnight." sabi ko. Itinaas nya lang ang kamay nya at dumiretsong pumasok sa bahay nila. Napailing ako. What a cold woman.



Zoe's POV

Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan nang makita ko si Alicia na nasa labas ng garden. Lumapit ako sa kanya at mukhang hindi nya ako napapansin dahil nakatingala sya sa kalangitan. Dito sya sa bahay namin tumira habang nandito sya sa pilipinas. Hindi kasi sya hinayaan ni Steph na tumuloy sa kanila since gusto nyang solohin ang pamilya nya. Anong klaseng kaibigan 'yon at iwan na lang basta si Alicia? Masyado syang atat masolo si Linnett.

Though, alam ko kung bakit sa amin nya talaga pinatuloy si Alicia, hindi naman ako magseselos o ano nung alam kong may gusto si Alicia kay Alexa. Asawa ko na si Alexa at mahal na mahal kaya ako non kaya hindi nya ako ipagpapalit kay Alicia na alam kong mas maganda pa sakin.

Pumayag din ako na dito sya tumira pansamantala dahil magkamukha sila ni Zap. Nasabi na sakin ito ni Ate Avey pero kailangan ko munang kausapin sila Papa. Pamilya na namin si Zap at ayaw namin syang umalis sa pamilya namin pero kung si Alicia talaga ang totoong pamilya nito, si Zap na magdedesisyon non.

"Malamig dito ah?" sabi ko pagkalapit sa kanya. Tumingin sya sakin at ngumiti ng pilit.

"Ayos lang." sabi nya at tumingin ulit sa kalangitan. "Halos twenty years din ako bago nakauwi ng pilipinas."

"Ganon katagal?" gulat na sabi ko.

"Wala na kasi akong pamilyang babalikan dito kaya hindi na ako nagbalak pang umuwi." sabi nya.

"Kasama mo ba sa America ang pamilya mo?" safe na tanong ko. Ayokong itanong agad na wala na syang pamilya.

Umiling sya. "Mag-isa na lang ako sa buhay." so, tama talaga ang pagkakaintindi ko. "Bata pa lang ako wala na akong nanay habang ang tatay ko naman ay namatay nung fifteen years old ako. Mabuti na lang may sariling bahay kami at may naiwang pera si tatay kaya medyo nakayanan kong mabuhay mag-isa." sabi nya.

"Paniguradong mahirap ang pinagdaanan mo." sabi ko. Ayokong magmukhang naaawa sa kanya pero hindi ko maiwasan malungkot sa nangyari sa kanya.

"Kinayanan naman kaya ayos lang." ngumiti sya ng malungkot. Tumingin sya sa kaharap ng bahay namin. Ang bahay nila Papa. "Siguro may alam ka na kung anong connection na meron kami ni Zap." ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero itinukom ko din. "Nagkaroon ako ng boyfriend. May nangyari samin at nabuntis ako." huminga ako ng malalim dahil napigilan ko ang paghinga ko.

Tinignan ko sya. Napansin ko na pinipigilan nya ang luha nya. Hinawakan ko ang balikat nya at hinila palapit sakin. Hinayaan ko syang yakapin nya ako.

"Ang sama kong ina..." naramdaman kong nabasa na ang balikat ko. "Hi-hindi ko alam ku...kung kakayanin kong buhayin si Zap.. Ang bata bata ko pa nung nabuntis ako...iniwan ako ng boyfriend ko at...at wala na akong pamilya para tulungan akong mag-alaga kay Zap. A-ayoko iwan si Za-Zap pero...."

"Shhh..." hinaplos ko ang buhok nya. Kahit na naiinis ako nung nalaman kong may nag-iwan kay Zap noon, kung si Alicia pala ang totoong ina nito at ganito pala ang buhay nya noon, maaari ko pang maintindihan pero mali pa rin na iwan nya ang anak nya sa isang lugar. Sana iniwan nya na lang sa bahay ampunan si Zap. Mabuti na lang nakuha ni Papa si Zap.

Umiyak lang sa balikat ko si Alicia at sinasabi kung gaano sya nagsisisi sa pag-iwan nya kay Zap. Sinabi nya din na balak nyang hanapin noon si Zap nung medyo makaluwag luwag na sya pero mahihirapan syang hanapin si Zap dahil may iba ng kumuha nito at si Papa 'yon. At hindi nya din alam kung ano na ang magiging itsura ni Zap sa paglaki at ni-isang litrato ni Zap ay wala sya kaya hindi na nya tinuloy pa ang paghahanap kay Zap hanggang sa makita nya ito nung pumunta ang Dragon Empire sa Queer.

Nung una daw ay may kutob na syang anak nya si Zap pero hindi nya ito pinangunahan lalo na wala daw syang karapatan sabihin kay Zap na sya ang ina nito kung iniwanan nya nga ito. Gustong gusto nyang yakapin si Zap pero naging casual lang sya dito. Alam kong mahirap para sa kanya 'yon na hindi nya mayakap ang anak nya.

"Hindi ko kukunin si Zap sa inyo." sabi nya pagkatapos nyang umiyak. "Wala akong balak ipaalam pa kay Zap na ako ang ina nya. Mas maganda na hindi nya alam tutal masaya na sya sa inyo."

"Ina ka pa rin nya at panigurado naman akong matatanggap ka nya bilang ina nya. Napalaki namin ng maayos si Zap kaya wag mong intindihin 'yon." sabi ko pero umiling lang sya. Nalulungkot na tinignan ko sya.

"Hindi ako dapat ituring na ina ni Zap pagkatapos ko syang iwan. Wala akong karapatan." sabi nya. Huminga ako ng malalim. Kahit sabihin nya yan, alam kong gustong gusto nya pa rin na ituring syang ina ni Zap. Sa ngayon, hindi ko muna sya pipilitin sa ganong bagay.

"Ngayon, alam ko na kung saan talaga nagmana ang galing ni Zap." pag-iiba ko ng usapan.

"Sa inyo pa rin. Kayo ang nagturo sa kanya maglaro." sabi nya. Ayaw nya bang tanggapin na sa kanya nagmana si Zap? ang hirap naman nito.

"Hon?" napatingin kami ni Alicia sa likuran namin. Tumingin sya kay Alicia na nagtatanong tapos ito naman si Alicia ay mukhang natuklaw sa kagandahan ni Alexa. Napailing ako. Kanina lang ang lungkot nya pero nung nakita nya si Alexa. Mukhang hindi lang gusto ang nararamdaman nito kay Alexa.

"Alexa, si Alicia." pagpapakilala ko. Paniguradong kilala nya si Alicia bilang manager ng Queer.

Lumapit samin si Alexa na hindi inaalis ang tingin kay Alicia at ganon din si Alicia. Dapat na ba akong magselos?

"Hindi ko alam na mas maganda ka pa pala sa personal." sabi ni Alexa. Dapat na talaga ako magselos.

Ngumiti ng matamis si Alicia kay Alexa. "Thank you. Ikaw din, mas maganda ka pa talaga sa malapitan." okay, magseselos na talaga ako.

Tinignan ko si Alexa na ngumiti kay Alicia. I'm doomed.

"Ehem!" pekeng ubo ko at doon lang naputol ang titigan nila. "Tara sa loob? Dinner na tayo?" sabi ko.

"Okay, let's go?" pag-aaya ni Alexa kay Alicia. Tumango si Alicia at sabay silang pumasok sa loob.

What the hell? Binabawian na ba ako ni Alexa sa ginawa ko noon? Noooo!



------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 269 17
Title says it all really :)
697K 11.5K 34
Aurora Evans took a year off to just think, leaving her home and everyone behind. But now that some time has passed, she realized it's time to come h...
791 62 76
This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names characters, business, places, events and incidents in this book are either...
219K 6.1K 10
When Midoryia comes home one day from being out in the rain during patrol, he falls sick over night. His roommate Bakugo has no other choice than to...