THE BILLIONARE SON ( COMPLET...

By munchyxxxmunch

3.1K 131 11

"Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory" More

PANIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
Chapter 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
FINAL CHAPTER

CHAPTER 40

24 2 0
By munchyxxxmunch

ERICKSON'S POV

"Kunan mo ako dito. "Sabay pose ni Ivon sa may malaking bato.

Sinunod ko naman ang utos nya at kinunan sya ng litrato gamit ang fon nya. Medyo naiilang ako kasi nakalantad pa din ang katawan nya.

"Okay na ba?"- Ivon.

"Ah-- Oo. Okay na." Saad ko at lumapit naman sya saakin at tinignan nya ang litrato.

"Maganda talaga ang view dito perfect for picture taking." Nakangiti nya saad pagkatapos tumingin sya saakin.

"Halika magpicture din tayo." Nagulat ako ng hinila nya ang braso ko kaya napabend ako ng konti para magkapantay kami. Pinulupot nya ang kamay nya sa braso ko at dinikit nya ang mukha nya sa mukha ko. Nakakailang tuloy.

"Smile." Nakangiti nya pang sabi habang nakatingin sa camera. Wala naman ako nagawa kundi ang ngumiti nalang.

"Ayan! May picture na tayong dalawa." - Saad niya saka tinignan ang litrato.

"Hmm. Tapos ka na ba magkuha ng litrato? Balik na tayo. "- Saad ko kasi kanina pa kami naglilibot. Sympre as a body guard trabaho ko na samahan sya kung saan man sya magpunta.

"Teka lang, mamaya na."- Nakanguso nya saad.

"Bakit may pupuntahan ka pa ba?"- Tanong ko naman sakanya.

Umiling naman ito. "Minsan na nga lang tayo makapagsolo ayaw mo pa ako makasama. Ba't ba atat na atat ka bumalik ? Dahil ba kay Mica?"

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Ah- hindi." Napakamot ako sa ulo ko.

"Akala mo ba hindi ko nahahalata ang tingin mo sakanya. Kaya ba ayaw mo saakin dahil sakanya.?!"- Ivon.

Napatingin ako sakanya at halata sa mukha nya na nasasaktan sya.

"Hindi! Hindi sa ganon. Baka kasi pagod ka na kaya tinatanong ko kung babalik na tayo."-Erickson.

"Hindi yun tanong kanina. Statement yun.!"- Sabay irap nya saakin at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit ba ganito ang babaeng 'to. ? Sino ba kasi ang nagsabing gustuhin nya ako at bakit ako? Andami naman lalaki jan na mas bagay sakanya. Hay naku! Ang pogi ko na yata ngayon.

Lumapit ako sakanya at dahan dahan na hinawakan ang balikat nya. Nag aalangan pa akong hawakan iyon. Hindi ko alam, parang hindi ako komportable simula ng sabihin nya ang nararamdaman nya saakin.

"Pasensya ka na. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Hmm. Wag ka ng magalit."- Erickson.

Hindi ko alam kung ganito ba ang pag amo ng babaeng nagtatampo. Hindi pa kasi ako nakakaranas magkaroon ng girlfriend kaya hindi ko alam.

Humarap naman sya saakin ng nakasimangot.

"Kasi gusto lang naman kita makasama eh."- Ivon.

"Hmm. Hindi ba napag usapan na natin iyan? Sabi ko maging magkaibigan nalang tayo."- Erickson.

"Bakit ba kailangan mo pang ulit ulitin yun.?"- Naiinis nya sabi. "Talaga bang wala ako pag asa jan sa puso mo?!"

"Hindi lang talaga yun ang priority ko ngayon."- Erickson.

"Madami ka pang palusot. Sabihin mo na saakin na si Mica ang dahilan kung bakit ayaw mo saakin.!"- Ivon.

Muli ako napabuntong hininga at tinignan ko sya.

"Oo sya nga yung babaeng nagugustuhan ko."-  diretsahan kong sagot.

Hindi ito nakasagot at maya maya umiyak na ito at hindi lang yun ngumawa sya.

"Oy! Oy! Wag kang umiyak." Natataranta kong sabi Sabay yakap ko sakanya para patahanin sya.

"Naku naman! Bat ka ba umiiyak. "-Erickson.

"Bakit kasi sya pa?! Bakit hindi nalang ako!?"- Sabay tulak nya saakin palayo at umiiyak pa rin sya. Naman! Aist.!

"Dahil ba mas maganda sya saakin at mas sexy?!"- Ivon.

Napailing iling nalang ako dahil sa pagiging brat nya. Hindi talaga sya marunong makinig. Natahimik kami ng ilang segundo.

"Tatanggihan mo pa rin ba ako kung ibibigay ko sayo to.?" Sabay hubad nya ng robe nya at napahawak sya sa likod ng suot nya swim suit.

Dali dali ko naman pinulot ang robe at binalot sakanya.

"Tigilan mo na yan Ivon. Kahit maghubad ka pa sa harapan ko hindi ako maapektuhan--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil Hinila nya ang batok ko at hinalikan nya ako. Hindi ako nakapalag sa ginawa nya. Napahawak ako sa magkabilang braso nya at tinulak ko sya.

"Ano ba Ivon! Wala ka na bang natitirang delikadesa sa katawan mo?! Ikaw pa itong nanghahalik ng lalaki! Kung ganyan ka lang naman ayoko ng magtrabaho bilang personal body guard mo!. Ayoko na!" Galit na saad ko sakanya saka ko sya tinalikuran at naglakad palayo. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ng narinig ko ang munting hikbi nya.

Para naman kinonsensya ako kaya napatigil ako sa paglalakad at unti unti ko sya'ng nilingon. Nakita ko syang nakayuko habang umiiyak. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ayoko sa nakikita ko, na nakakasakit ako ng tao. Hindi naman nya siguro kasalanan na nagkagusto sya saakin. Kung tutuusin swerte ko na dahil may nagkagusto saakin na magandang babae na kagaya nya. Ngunit hindi ko sya pweding lokohin at magpanggap na gusto ko rin sya para lang wag sya masaktan dahil mas masasaktan sya pag nagsinungaling ako sakanya.

Napaupo na sya at napatakip ng mukha habang umiiyak. Naglakad ako palapit sakanya at lumuhod sa harapan nya. Unti unti kong inangat ang mukha nya at kita ko ang namamasa nyang mukha dahil sa luha.

"Pasensya ka na kung nasigawan kita. Hindi lang kasi tama ang ginagawa mo. Hindi mo kailangan maghubad sa harapan ko para magustuhan kita. Ang isang tunay na lalaki hindi sa ganda ng katawan tumitingin kundi sa kung gaano kabuti ang puso ng isang babae mamahalin nila." - Erickson.

"Ngayon lang ako nagmahal at hindi ko inaakalang na ganito kasakit ang hindi mahalin ng taong gusto mo." Umiiyak nya pa ring saad.

"Alam mo ba, una palang kita nakita noong nagdeliver ka ng pagkain sa bahay naattract na ako sayo kaagad kahit alam ko ang estado ng buhay mo. Ayos lang saakin yun dahil hindi naman ako tumitingin sa estado ng buhay. Sa paglipas pa ng mga araw sa pagiging malapit natin sa isa't isa mas lalo akong nahulog sayo. Sana pala hindi mo nalang ako pinakitaan ng maganda para hindi ako nahulog sa'yo. Pafall ka din."- Ivon.

Napayuko naman ako sa sinabi nya.

"Hindi ko intensyon na magpafall, sadyang ganito lang ako. Hindi ko alam na bibigyan mo ng meaning ang pagiging malapit ko sa'yo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang body guard mo. Pasensya ka na kung namis interpret mo yun." -Erickson.

Hindi naman ito nagsalita at um'ob lang  gamit ang mga braso nya.

"Hmm. Pasensya ka na talaga Ivon. Mabuti kang tao kaya hindi mo deserve ang kagaYa ko. Naniniwala ako na Makakahanap ka rin ng lalaki na kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo." Erickson.

Humikbi nanaman sya kaya lumapit ako sakanya at niyakap sya. Ayon lang ang kaya ko ibigay sakanya ang icomfort sya. Umiyak lang sya ng umiyak hanggang sa mapagod sya at nagdesisyon kami na bumalik na ng hotel.

"Sige dito na ako. Ito na rin siguro ang huling beses na kakailanganin kita." Saad nya ng mapatapat kami sa pinto ng kwarto nya.

Tumango na lamang ako sakanya. Siguro nga mas makakabuti iyon na hindi na kami magkita para tuluyan nya ako makalimutan.

"Sige. Kung yun ang gusto mo. Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo saakin. Nag enjoy ako sa pagtatrabaho sayo at naging malaking tulong iyon saakin. Kung sakali man na magkita tayo muli hangad ko na may nahanap ka ng lalaking magmamahal sayo ng buo."- Erickson.

Hindi ito sumagot at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Hindi ko na rin naman sya inantay pa sumagot at umalis na ako. Naging mabuti saakin si Ivon hindi lang bilang isang boss kundi bilang isang kaibigan na din.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at sinuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng short ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Nasa may lounge ako ng hotel ng makasalubong ko ang isang body guard ni Mayor.

"Nasaan si M'am Ivon?" Tanong saakin ng guard.

"Nasa kwarto. Kayo na po ang bahala sakanya. Ihatid nyo nalang po sya pauwi."- Tinapik ko ang balikat nya at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

《 BACK TO SCHOOL 》

ISANG LINGO na mula ng mangyari ang pagpunta namin ng beach. Simula din non hindi na kami ulit nagkita pa ni Ivon. Siguro nakabalik na yun ng maynila.

Ngayon naman busy na ang lahat dahil sa dami ng projects at puspusan na din ang review dahil malapit na ang exams.

Lumingon ako sa may likuran ko dahil naririnig ko naglelecture si Zandy. Paglingon ko tinuturuan nya si Llander at ito naman si Master hindi ko alam kung nakikinig  dahil nakangiti lang naman sya habang tinitignan si Zandy na nagdidiscuss.

"Oy! Master!" Untag ko sakanya.

Napatingin naman sya saakin at umasim yung itsura nya at napatigil naman si zandy sa pagsasalita.

"Makinig ka naman kay Zandy. Tinititigan mo lang eh."- Erickson.

"Nakikinig ako! Mind your own business nga."- Llander.

"Nakikinig?. Nakikinig ba yung nakatitig ka lang kay Zandy. Ganito oh!" Ginaya ko yung ginawa nya kanina at bigla naman nya ako binatukan ng libro.

Natatawa naman ako na napapakamot sa ulo halatang asar eh. Sanay naman ako sakanya kapag binabatukan nya ako.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Erickson magreview ka na din." Saway saamin ni Zandy saka nya hinarap si Llander.

"Ikaw naman! Makinig ka! Hindi ko na uulitin yun."- Zandy.

"Nakikinig ako. Wag ka nga magpapaniwala sa kupal na yan. " sabay tingin nya saakin ng masama. Pagkatapos ngumiti sya kay zandy.

"Sige na turuan mo na ako ulit."-Nakangiti nyang saad na nagpapacute.

Napailing na lamang ako. Ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa problem na sinosolve ko ng makita ko si Mica na parang frustrated. Tinignan ko yung ginagawa nya at nag aaccounting sya. Mukhang gumagawa sya ng sa trial balance at hindi nya iyon mabalance.

Tumayo ako at nilapitan ko sya at napaangat naman ang tingin nya.

"Ano bang ginagawa mo?"- Erickson.

"Ah ito kasing problem 2 hindi ko makuha yung tamang balance. Hindi ko alam kung anong mali sa solusyon ko. Magleledger pa ako nuh bayan!"- Mica.

Frustrated syang binalikan ang sinolve nya kanina.

"Patingin nga ako."- sabay kuha ko ng papel nya at tinignan ang sagot nya at may mali nga sa sagot nya.

"Ganito kasi yun." Kinuha ko ang ballpen sakanya at tinuran sya. Panay naman ang tango nya habang tinuturo ko yun sakanya ang tamang process.

"Ayan balance na."- Nakangiti kong saad.

"Oo nga. Bat nga ba hindi ko napansin yun kanina na may mali sa process ko. Grabi ang galing mo sa math."Tuwang tuwa nyang sabi.

Nginitian ko naman sya. "Kung gusto mo sabay nalang tayo magreview. Tuturuan kita sa accounting kung may hindi ka alam at turuan mo din ako sa English. Mahina ako doon eh."

"Sige walang problema. Magandang idea nga yun."- Nakangiti nyang sagot kaya napangiti na din ako. Ayos! May tutor na ako sa English. Hindi kasi talaga ako magaling sa English.

"Sige sa weekend kung hindi ka bz magreview tayo ng sabay." -Suhestyon nya.

"Ah sige. Wala naman ako pasok sa canteen."- Erickson.

Napakunot naman ang noo nya sa sinabi ko.

"Nagtatrabaho ka pa sa canteen. ?"- Mica.

"Ah oo! Doon talaga ang permanent part time job ko. Taga deliver ako ng order na pagkain." - Erickson.

"Andami mo naman trabaho. Hindi ka ba napapagod?"- Mica.

"Hmmm. Kapag napapagod ako tumitigil ako saglit para magpahinga tapos pagkatapos tuloy ulit ang laban." - Nakangiti kong sagot.

"Bakit ba kailangan mong magtrabaho? Diba scholar ka na? Hindi mo na kailangan mamroblema sa tuition."- Mica.

"Sa tuition fee oo. Pero sa pang araw araw namin ni nanay hindi. Kaya kailangan ko pa rin magtrabaho kasi hindi pa nakakagalaw si nanay ngayon. Hindi pa sya pweding magtrabaho. "-Erickson.

Tumango tango naman sya.

"Ako hindi ko kaya ang ginagawa mo. Pagod na sa school tapos magtatrabaho pa sa gabi. Diba ang hirap non?"- Mica.

"Hmm. Nasanay na rin naman ako. Sanayan lang yun."- Erickson.

Ngumiti naman sya saakin. Diyos ko naman! Wag kang ngumiti ng ganyan Mica kasi Naiinlove ako lalo.

"Hmm. So pano sa bahay na tayo sa sabado."- Mica.

"Ha?! Sa bahay nyo?"-Erickson.

"Hmm. Oo. Bakit ayaw mo ba?"- Napapakamot sa ulo nya tanong, ang cute nya tuloy tignan.

"Ah hindi naman. Kasi baka nakakahiya sa mama at papa mo."- Erickson.

Ngumiti naman sya saakin at natigilan ako ng hawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa arm chair ng upuan nya. Nakaupo kasi ako sa may gilid nya at nakahawak ako sa arm chair ng upuan nya.

"Hindi yun. Si mama lang naman ang nandyan kasi si papa laging nasa duty." - Mica.

"Ganon ba. Sige pupunta nalang ako sa bahay nyo sa sabado. Ibigay mo nalang saakin yung address nyo." -Erickson.

"Sige." Nakangiti nyang sagot kaya napangiti na din ako.

"Hoy Erickson!" - Tawag saakin ni Paula.

Nawala yung ngiti ko at napatingin kay Paula. Inalis nya na rin naman nya ang kamay nya sa kamay ko.

"Bumalik ka na nga dito! Tinuturuan ka kung saan saan ka napupunta."- Paula.

Napakamot naman ako sa ulo. Si Paula kasi ang study buddy ko. May pinapasagutan kasi sya saakin yung sinosolve ko kanina.

"Ah sige Mica balik na muna ako sa upuan ko ha."- Erickson.

"Sige." Nakangiti nyang sagot.

Ngumiti nalang ako sakanya at bumalik na ako sa upuan ko.

《 KINAGABIHAN 》

"Anak hindi ka pa kakain?"- Tanong saakin ni Nanay.

Nandito ako sa may sala at gumagawa ng assignments at the same time nagrereview na din.

"Mamaya na lang po nay. Magrereview lang po muna ako."- Erickson.

"Oh sya sige. Mauna na ako pumasok ng kwarto. Kumain ka nalang doon pag natapos ka na jan. "- Nanay.

"Sige po."- Erickson.

Umalis na nga si nanay at tumungo ng kwarto. Hindi ako sa kanila sumabay sa pagkain dahil marami akong aaralin at sasagutan din.

Napabuntong hininga muna ako at inayos ang mga papel na nasa harapan ko. Desido ako na pataasin ang grado ko para wag mawala saakin ang scholarship ko.

Napaangat naman ang tingin ko ng may lumapit saakin at si Llander iyon na may dalang libro at notebook.

"Mag aaral ka?" Pang aasar ko sakanya. Hindi kasi yan nag aaral eh.

"Wag mo nga ako asarin." Sinamaan nya ako ng tingin saka naupo na din sa lapag at ipinatong sa lamesita ang mga gamit nya.

"Turuan mo ako doon sa accounting."-Llander.

"Ah yun lang ba. Sige. Anong problem ba?"- Tanong ko naman sakanya.

Binuklat nya naman ang libro nya sa accounting at tinuro saakin ang sasagutan nya pa. Tinuruan ko sya ng kung paano gawin pagkatapos sya na ang pinagawa ko. Halatang bagot na bagot sya sa ginagawa nya dahil panay buntong hininga tapos maya't maya lang din ang tanong.

"Bakit kasi kailangan pa magsolve solve ng mga ganito. Tsk." Dinig kong bulong nya.

Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Maya maya pa ay nag inat inat sya saka naupo sa sofa na tila pagod na pagod. 

"Oy! Tapos ka na ba?"- Tanong ko sakanya.

"Hindi pa. Bakit bawal ba magpahinga? Nakakapagod kaya mag isip." Sabay irap nya saakin at sumandal sa sofa habang nakataas ang mga paa.

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan na nga lang sya. Tinuloy ko nalang din ang pagrereview ko. Makalipas pa ang ilang saglit pansin kong hindi na sya kumikibo. Tinignan ko sya at nakita ko nakatakip na sa mukha nya ang libro.

Tumayo ako at dahan dahan na tinanggal ang libro sa mukha nya at ayon tulog na.

"Hay naku master wala ka talaga hilig mag aral. " Naiiling na sabi ko saka ko binaba ang libro nya sa lamesita pagkatapos inihiga ko na nga lang sya sa sofa baka mangalay sya.

Tinignan ko naman ang orasan at alas 10 na pala ng gabi. Kaya pala inaantok na din ako. Tinignan ko sya muli na mahimbing na natutulog. Tumungo ako ng kwarto at kumuha ng kumot at kinumutan ko sya. Siguradong hindi na ito magigising at dito na matutulog.

Pinagmasdan ko sya ng ilang saglit at napangiti nalang ako ng bahagya. Niligpit ko na din ang mga gamit ko at pumasok na ng kwarto. Hindi na rin ako makakain kasi inaantok na ako.

FAST FORWARD

SABADO ngayon at dahil sabado, Ngayon na ang usapan namin ni Mica na magrereview sa bahay nila. Pagkababa ko ng trisicle ay agad ko na ginala ang paningin ko sa malaking bahay. Ang yaman pala talaga nila kasi ang laki ng bahay nila Mas malaki pa kina master. Sorry Master pero mas malaki talaga ang bahay nila.

Inayos ko muna ang polong suot ko bago Lumapit sa guard para magtanong. Sympre naghanda ako, nakakahiya naman kay Mica kung pupunta ako dito ng dugyot.

"Boss dito po ba nakatira si Mica Santos?."- Erickson.

"Oo dito nga. Bakit anong kailangan mo sakanya?"-Guard.

"Ah kasi kaklase nya ako at dito kami magrereview."- Erickson.

Tinignan nya naman ako na parang nagdududa pagkatapos tumawag sya sa telepono. Ako naman pagala gala lang ang tingin sa loob ng bahay nila. Sinisilip silip ko lang naman.

"Oy! Boy ano daw ang pangalan mo?." Sigaw saakin ng gwardiya kaya napatingin ako sakanya.

"Erickson po."- Sagot ko naman.

Sinabi nya sa kabilang linya na kausap nya ang pangalan ko pagkatapos nag okay sya.

"Sandali lang daw at lalabas si Ma'm Mica."- Guard.

"Sige po salamat." Nakangiti kong sagot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na nga si Mica. Agad akong ngumiti sakanya at ganon din sya saakin.

"Halika na pasok ka na."- Mica.

"Ah-- Sige."- Erickson.

Nagpaalam na ako sa guard at pagkatapos hinila nya na ako papasok ng bahay nila kaya sumunod na ako sakanya.

"Ang yaman mo pala. Ang laki ng bahay mo eh."- Saad ko ng makapasok na kami sa bahay nila

Hinarap nya ako saka ngumiti.

"Hindi ako ang mayaman, yung mga magulang ko."- Mica.

"Pareho na din yun." - Erickson.

Nginitian nya nalang ako at pansin ko magkahawak pa din ang kamay namin kaya napatingin ako doon.

"Ay! Sorry." Sabay bitaw nya sa kamay ko at napaiwas ng tingin. Para tuloy naging awkward. Bakit kasi tumingin pa ako sa mga kamay namin. Aist!.

"Ah oo nga pala. Nasaan ang mga magulang mo?"-Pag iiba ko nalang ng topic.

"Wala sila dito, sabi ko naman sayo si Daddy nasa duty yun at si Mommy naman may inaasikaso kaya wala din sya."- Mica.

"Mag isa ka lang dito?!"- Erickson.

"Hindi. yung mga maid nandito naman sila."- Mica.

"Ah." Saka ako tumango tango.

"Oh tara na sa study room ng makapagsimula na tayo."- Mica.

Tumango nalang ako sakanya at sumunod papunta sa study room na sinasabi nya. Pagkapasok namin sa room pinaupo nya ako sa sofa. Andami nya din books dito. Parang library na to.

"Nabasa mo na yan lahat.?"-Erickson.

Ngumiti naman sya saakin. "Hmm. Yung iba lang. Si Daddy kasi ang mahilig magbasa ng mga yan pag nandito sya. "

Tumango tango naman ako sakanya habang nililibot ko yung paningin ko sa kabuuan ng room.

"Dito ka muna kukunin ko lang ang mga gamit ko."- Mica.

"Oh sige."- Erickson.

Lumabas na nga sya ng room at naiwan naman ako. Nilabas ko na din ang reviewer ko para pagdating nya ready na. Pagkalipas nga ng ilang saglit ay bumalik na din kaagad sya at nagsimula na nga kami sa pagrereview. Sya muna ang unang tinuruan ko.

"Grabi magaling ka talaga sa math. Pero bakit dati lagi kang bokya.?"- Mica.

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Kasi dati hindi ako nakakapag aral ng maayos kasi nga sa trabaho ko. Konti nalang ang time ko sa pag aaral. Pero ngayon 2 oras nalang ang shift ko kaya nakakapag aral na ako."- Erickson.

"Ah! I see." Saka sya tumango tango.

Pagkatapos ko naman sya turuan ako naman ang tinuruan nya sa literature. Habang nag aaral kami nagkukulitan din kami at ang saya ko ngayon. Madaldal nga din sya at hindi sya nakakaboring kasama.

"Oo nga pala kamusta na kayo ni Ivon.?" Biglang tanong nya.

"Ah bumalik na sya sa maynila."- Erickson.

"Ah ganon ba. Gusto mo ba sya?" Diretsahan nyang tanong.

"Hindi." Diretso ko din sagot.

"Bakit?maganda naman sya ah. Saka siguro mabait din at nagtapat pa sya ng pag ibig nya sayo."- Mica.

"Ah- Ahm. Tama ka doon mabait nga sya at maganda Kaso hindi ko sya gusto eh."- Erickson.

"Hmm. Bakit may nagugustuhan ka na bang iba?"- Mica.

Hindi naman ako nakapagsalita kaagad at napangiti nalang ako.

"Wag mo nga ako ngitian. Sagutin mo nalang ang tanong ko."nakanguso nyang sabi.

"Secret na muna."- Erickson.

"Bakit kailangan pang isecret eh magkaibigan naman tayo."- Mica.

"Hmmm. Basta. Saka nalang"- Erickson.

"So meron nga?"- Mica.

Napakabikit balikat ako saka ngumiti. Paano ko naman sasabihin sayo na ikaw yun baka mabigla ka pa at maputol tong maganda natin pagsasama kaya wag na muna.

"Sige na nga hindi na kita pipilitin kung ayaw mong sabihin."- Mica.

"Wag mo na muna isipin yun. Magreview nalang tayo." Pag iiba ko ng usapan.

Tumango tango sya at nagpatuloy na nga kami sa pagrereview. Inabot kami ng hapon sa pagrereview at madami naman pumasok sa utak ko na lesson. Sympre inspired ako eh.

"Salamat pala ha sa pagtulong mo saakin magreview sa accounting. Ngayon handa na ako mag exam."- Saad nya habang papalabas kami ng bahay nila. Uuwi na din kasi ako.

"Wala yun. Salamat din sayo at naiintindihan ko na ang lesson sa literature. Wala kasi ako natutunan kay Ms. Quizon kasi nakakaantok sya magturo."- Natatawa kong saad.

"Grabi ka! Kung sabagay nakakaantok nga sya magturo. Parati pa nanlalaki ang mata" Tumawa din sya kaya natawa na din ako. Nakakahawa ang tawa nya eh.

Nasa may pintuan na kami ng may biglang may pumasok na may katandaan ng babae. Siguro nasa late 40's na sya. kamukha sya ni Mica at mukha sya frustrated.

"Oh mommy bat mukha kayong problemado?"- saad ni mica at humalik sa pisngi ng ginang.

Mama nya pala yun kaya pala kamukha nya. Ang ganda din kahit may edad na. Siguro sakanya nagmana si Mica.

"Hay naku! Nakakafrustrate yan si jayson. Kung kelan ba naman malapit na ang fashion week doon pa nagback out. ! Saan ako ngayon maghahagilap ng ipapalit ko sakanyang model." Naiiling iling nyang sabi at mukha nga syang problemado.

"Mie relax lang. Sigurado naman ako makakahanap ang staff nyo ng ipapalit sakanya."- Mica.

"How? Wala ng oras. Sa susunod na sabado na ang fashion week. Ano magpapaaudition ako ulit? Kung alam ko lang na magbaback out yan si Jayson yung isa nalang sana ang kinuha ko. Binigyan nya lang ako ng problema."- Saad muli ng mama nya. Tahimik lang din ako na nakikinig sa kanila dahil hindi ko naman alam ang pinag uusapan nila.

Napadako ang tingin ng mama nya saakin kaya nahiya ako bigla.

"Sino ka?!"- Tanong nya saakin.

"Ah mie sya pala ang kaibigan at kaklase ko, si Erickson. Nagreview kami kaya sya nandito."- Mica.

"Magandang araw po." Nahihiya kong bati sakanya.

Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa kaya nacoconcious ako.

"Ikaw! Ikaw nalang ang ipapalit ko sakanya." Biglang sabi ng nanay nya.

"Ho?!"- naguguluhan kong saad.

"Kukunin kita bilang model at rarampa ka sa fashion week. Okay ba yun sayo?" Nakangiti nya sabi.

"Perfect yung awra mo at ang tangkad mo pa. Pang modelo nga yung dating. Konting ayos lang sayo okay na."- Yung mama nya.

"Ah -- Hindi ho! Hindi ko po linya ang mga ganon. Iba nalang po ang kunin nyo." - Erickson.

"Oo nga Mie. Hindi naman nagmomodel si Erickson."- Mica.

"Ano ka ba naman anak! Kaya nga magtitrain sya ng ilang araw. Iho makinig ka saakin. Bihira lang dumating ang oportunidad kaya kung ako sayo kukunin ko na. Babayaran kita ng 10k sa isang gabing yun."- Tita.

"10k po?!" - Gulat na tanong ko sakanya kasi ang laking halaga non sa isang araw lang na labas. Siguro dalawang buwan ko ng sahod yun sa canteen.

"Oo. Gagawin mo lang naman Lalakad ka lang sa stage at imomodel mo ang mga designs kong damit. Hindi ka magbibrief dito iho. Malay mo din madiscover ka kasi may mga pupuntang mga sikat din na designer na galing maynila. Ano Go ka ba?"- Tita.

"Ah ano--" Napakamot ako sa ulo. Hindi kasi ako sanay sa mga tao. Lalo na magmomodel sa harap ng madaming tao.

"Mahiyain po ako eh saka baka mapahiya ko lang kayo. Hindi talaga--" biglang hinawakan ni Mica ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Kaya mo. Naniniwala ako sayo at diba nga nagraraket ka lang din naman. Bakit hindi mo to patusin? Sayang naman ang oportunity. Tama din si Mommy baka nga may makadiscover sayo at kunin ka nilang model. Ayaw mo ba non?"- Mica.

Naku naman! Paano ako makakatanggi sa magandang babaeng to.

"Wag kang mag alala iho. Kapag nagustuhan ko ang performance mo. Gagawin kitang permanent model ko."- Tita.

Napalunok naman ako at hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Bago nanaman to saakin. Pero sayang din ng 10k malaking tulong yun saamin ni nanay. Aist! Naguguluhan na ako, Bahala na nga.









Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
323K 25.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
81.6K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.