The Heiress and the Manwhore

Par frozen_delights

1.5M 54.1K 5.9K

He had nothing to offer her, not even his name. He's a manwhore, a male prostitute who caters his clienteles... Plus

Dancing in the Dark
The Nearness Of You
Bad Dream
Beautiful
Tell Me What Is Love
Fall
(I Think About You) 24/7
Ooh, la, la, la
Growl
Hurt
Electric Kiss
Sign
Baby
Tender Love
Love, love, love
My Lady
Xoxo
Deep Breath
Tempo
Lucky One
Monster
They Never Know
Lotto
'Can't Bring Me Down
Stronger
Coming Over
With You
Let Out The Beast
Boomerang I
Boomerang II
In this World
Damage
Unfair
Run
Promise
Cry
Nightmare
History
Saschia
Sachi is gone
Portrait of You
Chill
Going Crazy
Gravity
Sweet Lies
Overdose
Love Shot
Walk On Memories
I'll Be There
My Turn To Cry
Angel
Cloud 9
Love Words
One and Only
Heaven
Cherish
Smile On My Face
Flower
Moonlight
Let bygones, be bygones

Forever

32.7K 1K 245
Par frozen_delights

Chapter Sixty

JULIANNA is already four months pregnant when she marched down the aisle for her church wedding with Sachi. Her Mom and her mother in-law both wanted Chantal Karan to design her wedding gown. Unfortunately, pansamantala raw na nagbabakasyon ang mahusay na designer kaya naman sa ibang mahusay na couturier na lamang sila nagpagawa ng isinuot niyang wedding gown. And she opted for a beautiful Indian saree that fits her rustic themed wedding.

Tila permanente ng nakapaskil ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad patungo sa naghihintay niyang groom. And her groom looks gorgeous wearing a three-piece wedding suit. Tulad niya ay may pirming ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa marahan niyang pagmartsa patungo rito. Both of her parents are with her, kasabay niya sa paglalakad sa naghihintay niyang groom. 

She's holding a baby's breath bouquet. Ang magkabilang side ng aisle ay naa-adornohan din ng kaparehong bulaklak. Habang ang gitna ng aisle na nilalakaran niya ay may nakasabog na talulot ng mga puting rosas. Napakaganda ng pagkakaayos ng lumang chapel na iyon kung saan ang ilan sa mga kuha nila sa kanilang prenup photos ay sa lugar na iyon din kinunan. It added a dramatic feel and warmth to their theme.

At dahil nagustuhan nila ang duo na kumanta sa reception nila noong kanilang civil wedding, ang mga ito na rin ang kinuha nila para kumanta sa simbahan ng napili nilang wedding song.

This very moment, right here and now
Begins the journey of my dreams
On to forever, hand and hand
With the one who matters most to me
I have tomorrow to look forward to
For God has given me you

Nag-init ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Sa nakalipas na anim na taon ay hindi niya naisip na magiging posible pa ang lahat ng iyon. And yet, here they are. Sealing their love for the second time.

To have and to hold
To cherish and honor
To love and call my very own
To share all I am with
Body, heart, and soul
You are mine as I am yours
To have and to hold

Nang lingunin niya ang kanyang ama ay nakita niya ang palihim nitong pagpupunas ng mga mata.

"It's okay, Daddy. You only did what a loving parent would do to protect his child."

He smiled between tears. Marahan nitong tinapik ang kamay niyang nakakapit sa bisig nito.

Partner, companion, lover, and friend
Keeper of all things I hold dear
I see you before me and my heart is filled with joy
For everything that has brought me here
And I have tomorrow to look forward to
For God has given me you

To have and to hold
To cherish and honor
To love and call my very own
To share all I am with
Body, heart, and, soul
You are mine as I am yours
To have and to hold

Narating nila ang harapan ng altar. Mahigpit na nagkamay ang Daddy niya at ang kanyang father in-law. Ganoon din si Sachi at ang Daddy niya.

"I guess no words are needed to be said," wika ng kanyang ama sa lalaking pakakasalan niya sa ikalawang pagkakataon.

"Hindi niyo na ho kailangang ipaalala, Daddy. It's already understood."

Sa itinugon ni Sachi ay malakas itong tinapik ng kanyang ama sa likuran. Nagtungo na ang kani-kanilang magulang sa lugar ng mga ito. Iginiya siya ni Sachi sa harapan ng altar. Si Rupert ang best man nito at isa rin sa mga abay na lalaki siyempre ang kanyang bff na si Max. Her maid of honor is Elizabeth. Naroroon din si Rialyn at isa sa kanilang abay. At siyempre pa, ang cute nilang panganay ang kanilang flower girl. Si Saschia.

For God has given me you, has given me you...

To have and to hold
To cherish and honor
To love and call my very own
To share all I am with
Body, heart, and soul
You are mine as I am yours
All my days and all my life
To have and to hold
To have and to hold
To have and to hold

Hindi naging kainip-inip ang bawat sandali. Mataman nilang pinakinggan ang lahat ng paalala at gabay na ibinigay ng pari para mas maging harmonious ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. At nang sumapit ang sandali ng pagpapalitan nila ng vows, kapwa may ngiti at puno ng pagmamahal na hinarap nila ang isa't isa.

"Mahal, pangarap lang kita dati. Nasabi ko naman sa'yo, di ba? Unang kita pa lang natin, na-bull's eye mo na ang puso ko.  Napakalayo ng agwat natin. Kaya kahit gustong-gusto kita noon, naisip kong sa pangarap na lang kita mamahalin. Wala, eh. Ang taas ng kinalalagyan mo. Kaso masyado kang persistent, ang galing mong manligaw kaya napa-oo mo kaagad ako, aray," napaigtad ito nang kurutin niya.

Nagtawanan ang mga guests sa biro ng kanyang asawa.

"Joke lang, ito naman. Pinaghirapan ko po talaga ang pagmamahal ng babaing ito. Ang nag-iisang babae na kulang na lang ay iyakan ko ng graba at semento dahil akala ko imposible para sa amin ang isang mala-fairytale na happy-ever-after. Mahal, pangalawang buhol na 'to," ani Sachi nang isuot ang kanyang singsing. "Pinaglayo man tayo ng mga pagsubok, alam kong walang puwedeng maghiwalay sa atin. Not even death. Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa kong tawirin ang kamatayan para makabalik sa'yo, sa inyo ng ating anak. And even without my memories, my heart will always remember you. Only you."

Tumulo ang luha ni Julianna sa katapatang nabakas sa mga mata ng asawa.

"Mahal, from the very beginning you know that I am not perfect. I have so many flaws. And yet you loved me and accepted me despite all my imperfections. Truth be told, you are not exactly my ideal man. But who can argue with love, right? Once it hits you, it will consume you whole like a virus. We've been through so much. But instead of breaking us apart, those trials made our love stronger. So, take this ring as a symbol of promise that no matter what happens, our love for each other will stand the test of time. Forever."

Nagpalakpakan ang mga guests. Ang ilan sa mga ito na nakakaalam ng totoong kuwento sa pinagdaanan ng pareha ay naantig ang mga damdamin at napaiyak sa pagpapalitan ng vow ng dalawa.

"The Bible states that: two are better than one, they receive a good reward for their toil, because if one fails, the other can help the companion up again. Therefore, with the blessing of God and in the presence of your family and friends, it is my pleasure to pronounce you husband and wife. Groom, you may now kiss your br--"

Hindi pa halos natatapos ng pari ang pronouncement nito ay ikinulong na ni Sachi sa dalawang palad ang mukha ni Julianna at buong pagmamahal na sinakop ang mga labi ng asawa.

Muling nagpalakpakan ang mga guests at napuno ng pagbati para sa mga bagong kasal. Sa ilang saglit ay tila nakalimot si Sachi habang angkin ang mga labi ng asawa. Si Julianna na lang ang umawat dito dahil baka humiyaw na naman ang kanilang anak at sabihin nitong kinakain ni Sachi ang kanyang mga labi.

Tinanggap nila ang hindi magkamayaw na pagbati ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Matapos ang batian, yakap at pakikipagkamay ng mga ito ay nagkanya-kanya ng sasakyan at service ang mga guests para magtungo sa reception.

"Talk to our lawyer. I don't give a fucking fuck whether he's sick or dying. He will rot in jail because he deserves it after what he did to my brother," galit na tinig ni Aki.

Naudlot ang pagpasok ng mag-asawang Sachi at Julianna sa naghihintay sa kanilang sasakyan. May kausap sa cellphone si Aki at base sa mataas na timbre ng boses nito ay galit ito sa kung sinumang nasa dulong linya.

"Hindi na magbabago ang isip ko o ang desisyon ng sinuman sa aming pamilya para mapababa ang sentensya ng inyong anak. Anim na taon ang nawala sa kapatid ko dahil sa kagagawan ng anak ninyo. Gasino lamang iyon sa maikling panahong inilagi ng anak ninyo sa loob ng kulungan. Good riddance, Mr. de Guia."

"Kuya Aki."   

"Bakit narito pa kayo?" nagtatakang lingon nito pagkakita sa kanila.

"Paalis na nga sana kami, kaya lang..." kusang ibinitin ni Sachi ang sinasabi. "May problema ba?"

"That was Benedict de Guia, balak nilang i-apela ang kaso ni Rodrigo de Guia."

Nagtiim ang mga labi ni Sachi.

Tinapik ni Aki ang balikat ng kapatid. "Don't worry, brother. Kahit ilang apela pa ang gawin nila, sa kulungan pa rin ang bagsak ni Rodrigo. Bukod sa attempted murder ang ginawa niya sa'yo ay patung-patong na rin ang kaso niya na may kinalaman sa drugs. Daddy will take good care of everything," tukoy nito sa adopted father na si Jack Perez. 

"Good."

"Cheer up. Wala ng pag-asang makalaya ang lalaking 'yon kahit maubos pa ang mga ari-arian nila."

Sa narinig, munti mang awa ay hindi nagkapuwang sa dibdib ni Julianna. Tama lamang na pagbayaran ni Rodrigo ang lahat ng kasalanan nito sa batas. Naisip siguro ng pamilya nito na komo buhay naman si Sachi ay mapapababa na ang sentensya ng lalaki sa ginawa nito sa kanyang asawa. Hindi rin siya makapapayag na ganoon na lamang kadaling matakasan ni Drigs ang ginawa nito. Ngunit sa himig ng pananalita ni Aki ay wala na silang dapat pang ipag-alala sa bagay na iyon. 

Sabay-sabay na silang dumeretso sa reception. Their friends and families were already there. 

The whole occasion was very festive. Masaya silang nakisalamuha sa mga dating kapitbahay at kaibigan nina Sachi sa squatter. Nakakatuwang makita na maski si Ken Sanada ay komportableng makihalubilo sa mga ito. Ang mga magulang niya ay halatang asiwa noong una, lalo na ang kanyang ama. Ngunit hindi nagtagal at nakita niya itong masaya ng nakikipagtawanan sa ninong nilang si Mang Kanor.

Habang pinagmamasdan ni Julianna ang asawa na nakikipag-usap sa kanilang mga guests ay hindi niya mapigilang makaramdam ng pagmamalaki. Ibang-iba na talaga ito sa dating Sachi. Mukha na itong kagalang-galang kumpara sa brusko at maangas na Sachi na nakilala niya noon. Hindi na rin niya ito kakitaan ng pagka-asiwa o panliliit kahit kaninong mataas na tao pa ito humarap.

Nabanggit din nito minsan sa pag-uusap nilang mag-asawa na gusto nitong mag-aral ulit. Pagsasabayin nito ang pagbabalik-eskuwela at pagtulong sa panganay na kapatid na pangasiwaan ang mga negosyong ipinundar ng kanilang ama. Mabilis naman niyang sinang-ayunan ang desisyon ng kanyang asawa.

Nang lumingon ito sa direksyon niya ay kaagad na naguhitan ng matamis na ngiti ang kanyang mga labi. He smiled back at magalang na nagpaalam sa mga kausap. Nakita niya itong papalapit sa kanya. Bumilis ang pintig ng puso niya. Dalawang beses na siyang ikinasal sa lalaking ito ngunit ang pintig ng puso niya ay parang noong magkasintahan pa lamang sila. Kaybilis maging eratiko. Tinudyo siya ng kanyang mga kausap nang makita ng mga ito ang malagkit nilang pagkakatingin na mag-asawa sa isa't isa. 

"Sa mga tingin pa lang ng asawa mo, mukhang hahabol pa ng kakambal 'yan d'yan sa ipinagbubuntis mo," tudyo ni Max.

"Sira ka talaga."

Natawa ang mga kaumpok nilang abay. Nang makalapit sa tabi niya ang asawa ay kaagad siya nitong hinagkan sa sentido. Pagkuwa'y pasimpleng hinagod ang bahagyang umbok ng kanyang tiyan. Compare sa pagbubuntis niya noon kay Saschia, mukhang maliit lamang ang pagbubuntis niya rito sa pangalawa. Nagpaalam na ang mga kasama nila sa mesa at humalo sa pareha ng mga nagsasayaw. Si Max ay niyaya ni Elizabeth at ang mga ito ang magkapareha.

"Ayos ka lang?" masuyong tanong ng kanyang asawa.

"Oo naman, ayos lang."

Umayos ito ng upo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Saka pinagsalikop ang kanilang mga kamay.

Medyo papagabi na. Tapos na rin ang program na inihanda ng kinuha nilang wedding organizer. Isa sa mga abay ang nakasalo ng kanyang bouquet. At kung hindi ba naman parang nananadya ang pagkakataon, si Max ang nakakuha ng garter. Lihim siyang natawa dahil parang rimarim na rimarim ang bff niya. Ang gusto raw nitong makuha ay ang bouquet niya. Pero siyempre, good sport naman ito kaya pinaunlakan nito ang bawat sabihin ng host. Isinuot nito sa hita ng nakasalo sa bouquet ang garter. Nagkatudyuhan pa na baka ang pareha raw ang magkatuluyan. Na palihim na ikinatirik ng mga mata ni Maxine. Natawa na lang siya.

Ang ilan kasi sa mga bisita ay hindi alam na bakla ang kaibigan niya kaya ganoon na lamang ang panunukso ng mga ito. Lalo pa nga at ang pogi-pogi sa suot na suit.

Maligayang inihilig ni Julianna ang ulo sa balikat ng asawa at iniyapos ang isang braso sa bisig nito. Minsan ay kinukurot niya ang sarili para tiyaking hindi isang magandang panaginip lamang ang lahat. Na-o-overwhelm kasi siya madalas sa sobra-sobrang kaligayahan na kung minsan ay parang hindi na totoo. Halos araw-gabi niyang iniiyakan ang lungkot at pangungulila noon kay Sachi. Pero heto at buhay naman pala, muli na niyang kapiling at ngayo'y asawa na. Dalawang buhol pa nga.

Love conquers all. At sa buhay nilang mag-asawa ay napatunayan nilang totoo iyon. Sa kabila ng malayo nilang agwat sa buhay noon, hindi iyon naging hadlang para mahalin at ipaglaban niya si Sachi. Ang tanggapin ang buo nitong pagkatao kagaya ng pagtanggap nito sa lahat ng kapintasan niya. At nang magkahiwalay sila, ang pag-ibig pa rin ang naging susi upang muli itong bumalik nang buhay sa kanya. Tunay ngang napakahiwaga ng pag-ibig. It can move mountains and defy death.

"Bro, alam mo ba kung ano 'yong pitchi-pitchi?" biglang sulpot ni Akira sa tabi nilang mag-asawa.

"Pichi-pichi? Kakanin."

"May alam ka bang bilihan no'n?"

"No idea. Pero 'yong kapitbahay namin dati nagluluto no'n. Bakit ka naghahanap? Naglilihi ka ba?" pabirong tanong ni Sachi.

"Hindi ako. Si..." napakamot ito sa batok.

Napahalakhak si Sachi. "Tsk, tsk, tsk. Good luck, brother."

"Nagluluto pa kaya 'yong kapitbahay niyo ng gano'n?" mukhang desperadong tanong ni Akira.

"Tanungin mo si Ninong Kanor, pinsan niya 'yon. Si Aling Lagring."

"Thanks, bro." Dali-dali ng tumalikod si Aki para puntahan si Mang Kanor.

"Mahal, kawawa naman si Kuya Aki. Mukhang lasing na si Ninong, o. Baka hindi niya na makausap nang matino 'yon."

"Hayaan mo siyang maghirap nang kaunti," matawa-tawang sagot ng kanyang asawa.

"Grabe ka. Hirap na nga siyang kumbinsihing magpakasal sa kanya, pahihirapan mo pang maghanap ng napaglilihihan ng girlfriend niya."

"Loko-loko kasi siya. Kung hindi siya namangka sa dalawang ilog, hindi siya malulunod."

"Ang bad mo. Mukha namang nagsisisi na siya, eh."

"Hayaan mo siya. Ang bunga raw na pinaghirapan ay mas pinapahalagahan. Tingnan mo tayo?"

"Hmp, ikaw talaga. Naaawa lang naman kasi ako lalo pa nga at napakarami niya ring tulong na ginawa para sa ating dalawa."

"Don't worry, mahal. Ang mga lalaking Sanada ay nagpupursige talaga pagdating sa mga babaing mahal nila."

"Okay, sinabi mo, eh."

Yumuko ito at inabot ang kanyang mga labi sa banayad na halik.

"Daddy!"

Sabay silang napapitlag palayo sa tinis ng boses ng kanilang anak.

"I'm not eating Mommy's lips. Kita mo nga, o. Buo pa, walang bawas," parang kriminal na nasukol ng pulis si Sachi. Agad-agad na nagpaliwanag.

"It's okay, Daddy," ani Saschia na kaylapad ng ngiti, kaagad itong kumalong sa ama. "It's called kissing, right?"

"Who told you that?" salubong ang kilay na tanong ni Sachi.

"Si Father," tukoy nito sa paring nagkasal sa kanila.

"Tsk. Marami ka talagang alam."

"Because I'm bright."

"Sabi ko nga, anak. You are very bright. Buti na lang nagmana ka kay Mommy."

"You are bright, too, Daddy."

"Talaga?"

"Yes. You found your way home, Daddy. Back to me and Mommy."

Parehong namasa ang mga mata ng mag-asawa sa sinabi ng anak. 

"I love you, anak. Kayo ni Mommy ang naging gabay ko para makabalik."

"I love you, too, Daddy." Mahigpit na yumakap si Saschia sa ama. "And I love you, too, Mommy."

"I love you, too, sweetheart."

Mahigpit na nagyakap ang mag-anak.

"I love you, mahal na kondesa." 

Julianna smiled. Her eyes were brimming with tears and so much love. 

"I love you, too, mahal na konde."

And they lived happily ever after... forever.


The End

-

may special chapter ba? 

meron po, pero sa group ko na po ipo-post. but this is as good as finish :)

frozen_delights

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

233K 6.6K 36
Samantha's marriage with the love of her life is shaken when an uninvited guest returns to their lives. But as dirty secrets arise, can they still re...
154K 4.3K 79
The youngest CEO na Queen of pagsusungit na araw-araw papalit-palit ng secretary ngunit takot sa kanyang lola meets the Queen of puno ng confidence n...
447K 22K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022
5.9M 183K 46
This is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung...