Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.3K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 26

16.1K 733 361
By jaysanj


Kriza's POV

"Ang bandot mong sumayaw Sakura!" Sigaw ni Stace. Marami pa akong naririnig na kung ano anong tukso kay Sakura pero feel na feel ni Sakura na sumayaw at hindi pinapansin ang mga sinasabi sa kanya.

Tumingin ako sa gawi ni Zaparta. Kanina wala itong kasama pero ngayon ay kasama nya na si Tita Alicia. Lahat kami ay napansin na magkahawig silang dalawa. Tila sila pinagbiyak na buko. Tinanong ko si Mama kung kilala nya si Tita Alicia at sinabi nya na ngayon lang sila nagkakilala. Parehas lang kami ng iniisip ni Mama pero ayaw namin pangunahan ang lahat, hindi rin naman kami sure sa iniisip namin pero may malaking posibilidad na tama kami.

"Gusto ko 'to!" Sigaw ni Sakura na ikatingin ko sa kanya. "Bibinyagan agad natin 'to. Lesley!" Sumandal ako sa upuan ko pagkarinig ko sa pangalan nya. Nasa tabi ko sya sa kanan kaya napatingin sya sakin nung sumandal ako pero hindi ko sya tinignan.

Hindi ko gusto ang mangyayari.

"Gusto ko din yan!" Sigaw naman ng iba.

"So truth or dare?" Tanong ni Sakura.

"Dare." Huminga ako ng malalim. Alam ko na tinatakbo ng utak nito at alam na alam ng lahat kung ano ang ipapagawa nila na konekta sakin.

"Ano bang pwede?" Tila nag-iisip na sabi ni Sakura. Lumapit sa kanya si Sakuno at bumulong. Napatingin sa gawi ko si Sakura at ngumisi.

Hindi ko talaga gusto.

"Lesley! I dare you..." Pabitin na sabi ni Sakura. "To kiss..." Masamang tinignan ko si Sakura. "Faith!" Napabuga ako ng hangin sa sinabi nya.

"No way!" Agad na sagot ni Faith na katabi ko din.

"Yeah, no way." Dismayang sabi ni Lesley at kinuha ang shot glass na may lamang vodka. Diretsong ininom nya 'yon. Sumama ang maganda nyang mukha pagkatapos nyang inumin 'yon. Napangiti ako ng palihim. Parusa 'yon sa mga taong hindi sasagot at gagawin ang dare.

"KJ!" Sigaw ng lahat at nagtawanan sila.

Bumunot sa fish bowl si Lesley at nabunot nya si Mama. Truth ang pinili ni Mama. Nag-iisip si Lesley ng itatanong kay Mama pero mukhang wala syang maisip.

"Ako na lang magtatanong." Sabi ni Tita Ella. "Bakit si Kill?"

"Seriously Ella? All these years ngayon mo lang itatanong yan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mama.

"Oh bakit hindi?" Nakangiting sabi ni Tita Ella. "Wala akong maisip eh."

"Ano ba yan Ate Ella, kung makasabi ka na ikaw magtatanong, akala ko naman sobrang nakakaintriga." Sabi ni Tita Steph. Tumawa lang si Tita Ella.

"Ito na lang ang sasabihin ko. Si Kill lang ang nagpatibok ng puso ko sa isang tingin ko lang. Hindi ko pa sya kilala pero parang kilalang kilala na sya ng puso ko." Nakangiting sabi ni Mama. Napangiti ako. Ang sweet ni Mama. Sa tagal nilang pagsasama ni Mommy ay hanggang ngayon ay mahal na mahal pa din nila ang isa't isa. Nararamdaman kong hanggang sa pagtanda nila ay hindi mawawala ang pagmamahalan nila.

"Okay! Corny mo. Bunot ka na nga." Sabi ni Tita Ella na ikatawa ni Mama. Ayaw na ayaw ni Tita Ella na maging sweet si Mama dahil kinikilabutan daw sya.

"Oh...Kriza." banggit ni Mama sa pangalan ko. Tumingin sya sakin. "Truth or dare?"

"Dare." Sagot ko. May tiwala ako kay Mama na hindi nya ako ipapagawa ng kalokohan.

"Kiss..."

"Ma!" Agad na segunda ko. Ayoko na ayoko ang ganyan klase dare, nakakasira ng relasyon, though wala naman dito ang karelasyon ko pero nandito ang taong gusto ko.

"What? Kahit sino naman hahalikan mo eh. Nasa sayo kung sino pero sa lips, okay?" Sabi ni Mama. Tinignan ko ng maigi si Mama pero nakangiti lang ito sakin. "Go at hindi kita papayagan uminom." Dagdag nya.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasamahan kong nag-aabang sa gagawin ko. Napansin ko naman si Marceline na hindi interesado sa gagawin ko dahil nakatingin ito sa hawak nyang baso. Kanina kinausap nya ako tungkol kay Zaparta, gusto nyang magkaayos kami dahil hindi nya makausap ng matino si Zaparta.

Bumuntong hininga ako at naglakad. Napansin ko na nawala si Zaparta sa pwesto nya kanina kaya tumungo ako sa kusina pero bumalik si Zaparta. Hinarangan ko sya. Napansin ko na nagulat sya sakin. Napangiti ako ng palihim. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Hinawakan ko ang mukha nya at hinalikan sya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan nya sa gulat ng ginawa ko. Bago ko sya binitawan ay ninamnam ko muna ang mga labi nya. 

Napaupo sya sa sahig pagkabitaw ko sa kanya. Sobrang pula ng mukha nya habang nakatakip sa bibig ang kamay nya. Tumingin sya sakin. Binasa ko ng dila ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya kaya mas lalo namula ang mukha nya.

"Kyaah!!" Napatingin ako sa mga kasamahan ko na biglang tumili. Naghahampasan pa sila ng unan.

Napailing ako at ibinalik ang tingin kay Zaparta. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan syang tumayo. Inabot nya ang kamay nya sakin. Hinila ko sya patayo. Nasobrahan ata ang hila ko para mapasubsob pa sya sakin. Naamoy ko ang pabango nya na simula bata 'yon na ang gamit nya. Hindi na nya pinalitan 'yon kahit amoy baby sya.

"So-sorry." Sabi nya at lumayo. Namumula pa din ang mukha nya.

"Oh tama na yan. Bumalik ka na dito, Kriza." Sabi ni Marceline. Nakangiti na sya ngayon. Gusto ko syang irapan kaso wag na.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Hindi ko inimik ang dalawang katabi ko na nakatingin sakin. Sinilip ko si Zaparta na bumalik sa tabi ni Tita Alicia. Mukhang tinutukso ni Tita Alicia si Zaparta dahil hindi mawala wala ang pamumula ng mukha ni Zaparta.

Alas dose na ng madaling araw nang matapos ang party. May mga bagsak na sa sahig at tulog sa tabi-tabi dahil sa kalasingan nila. May ilan-ilan pa saming matibay na nag-iinuman kasama si Mama. Si Faith ay nakatulog na sa balikat ko habang si Lesley ay gising pa na nakikinig sa mga nag-iinuman. Katulad ko ay hindi sya masyadong uminom.

Inaantok na ako kaya nag-paalam ako sa kanila na matutulog na. Binuhat ko si Faith para ihatid sya sa kwarto nya. Sumama naman sakin si Lesley na ihatid si Faith. Hinayaan ko lang sya sa gusto nya. Pagkarating namin sa tapat ng magiging kwarto ni Faith, si Lesley ang kumatok at pinihit ang doorknob nung walang sumagot tsaka nya ito binuksan. Napataas ang kilay ko nang makita si Marceline sa tabi ni Blythe. Mahimbing na natutulog ang dalawa at nayakap pa si Marceline kay Blythe.

Ibinaba ko si Faith sa higaan nya at kinumutan sya. Pinagmasdan ko muna ito bago naglakad palabas ng kwarto. Hinintay kong isara ni Lesley ang pinto bago ako naglakad patungo sa kwarto namin ni Mama pero pinigilan ako ni Lesley. Pumikit ako saglit bago sya lingunin.

"You like her." Walang pangalan na binanggit kaya hindi ako sure.

"Who?"

"Faith." Tinignan ko sya ng maigi.

"So?" Sagot ko.

"Really?" Napairap sya. "May gusto ka kay Zap, may boyfriend ka tapos si Faith?" Iritang sabi nya. Kahit ganon ay maganda pa din sya.

"It's none of your business." Sabi ko at inalis ang pagkahawak nya sa braso ko. "Goodnight." Naglakad muli ako at hindi na ako pinigilan ni Lesley.

I don't like her. Nang dahil sa kanya ay naging mailap sakin si Zaparta. These past few days, sa tuwing nasa paligid si Zaparta ay gumagawa sya ng ikinaseselos ni Zaparta. Naiirita ako sa ginagawa nyang 'yon dahil nasasaktan si Zaparta pero hindi ko magawang magalit dahil madaming nakakakita samin. Pasalamat pa sya at hindi ko sya pinapahiya sa mga kasamahan namin. Pinagsasabihan ko sya kapag kaming dalawa lang pero tila hindi sya nakikinig sakin. Inaakit nya ako na hindi ko naman magawang maakit dahil hindi ko naman sya gusto.

At yung kay Faith, hindi ko kailangan mag-explain kay Lesley. Mag-isip sya ng kung ano para mas lalo syang mainis. Kapatid lang ang turing ko kay Faith dahil naaawa ako sa kanya. Ulila na sya at tanging pamilya lang ni Summer ang nag-aalaga sa kanya. Sinabihan ko na si Faith na itigil nya ang nararamdaman nya sakin dahil hindi ko iyon maibabalik. Sinabi ko din na si Zaparta ang gusto ko at kapatid lang ang turing ko sa kanya pero ayaw nyang magpapigil kahit ilang beses ko na sya pinagsabihan kaya hinahayaan ko na lang sya. Ayokong umasa sya sakin pero ayoko din syang pabayaan.

Nakita ko si Zaparta na papunta din sa direction ng pupuntahan ko. Nasa likuran nya lang ako kaya hindi nya ako makikita unless lumingon sya. Same floor lang ng kwarto namin ni Mama at ang kwarto nila ni Tita Steph kaya parehas kami ng tatahakin. Tumigil sya sa isang kwarto na sa tingin ko ay ang kwarto nila. Napatingin sya sa gawi ko nang mapansin nya ako. Nanlaki ang mga mata nya pagkakita sakin at namula agad ang mukha nya. Dali-dali syang pumasok ng kwarto nila.

Napailing at napangiti ako sa inasta ni Zaparta. Okay lang na iwasan nya ako ng ganon dahil alam kong yung halik ang iniisip nya.

Pumasok na ako sa kwarto namin ni Mama. Nagbihis ako ng pantulog at nahiga sa higaan. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang pumasok si Mama. Medyo namumula na ang mukha nya sa pag-inom.

"Buti naabutan pa kitang gising. Bukas, pupunta tayo sa grandma mo. Nandon na din ang Mommy mo at kapatid mo." Sabi nya.

Napataas ang kilay ko. "Talagang sinundan ka ni Mommy dito?" Sabi ko.

"Hmm? Hindi naman. Gustong magbakasyon ng mga kapatid mo dito at namimiss na din naman kayo ng mga lolo nyo." Sabi nya.

"Kahit na coach ka na sa Dragon Empire, hindi pa rin kayo nawawalan ng oras ni Mommy." Sabi ko at umupo.

"Mahal ako ng Mommy mo eh." Napairap ako. Sya ang pinakaclingy sa kanilang dalawa. "So how's the kiss?" Usisa nya. Naupo pa sya sa tabi ko. Hindi man lang muna nagligo at nagbihis.

"Ewan ko sa inyo, Ma." Sabi ko.

"Sus! If I know tuwang tuwa ka dahil nahalikan mo ulit si Zap." Namula ang mukha ko.

"Stop it, Ma. Kung umasta kayo dyan parang mas boto pa kayo kay Zaparta kaysa kay Charles." Sabi ko.

"Bakit? Mas gusto mo din naman si Zap." Rebat nya.

"Hindi ninyo man lang ba ako sesermunan na ayusin muna ang kay Charles bago kay Zaparta?" Masyado silang supportive kay Zaparta na nakalimutan nilang may boyfriend ako.

"Hindi. Ikaw na bahala lumusot nyan. Nag-boyfriend ka pa kasi." Sabi nya at tumayo. "Well, nagmana ka lang naman sakin." Tinignan ko sya ng makahulugan. "Hindi ko sinabi sa inyo ito at tanging si Aiden lang nakakaalam sa inyong magkakapatid. May boyfriend ako nung nilalandi ko ang Mommy mo."

"What the hell, Ma?"

"Kaya nagmana ka sakin." Tila proud pa sya non. Napansin ko na nalungkot si Mama kinalaunan. "Pero ayokong mangyari din sayo 'yon kaya mas mabuting ayusin mo na nga ang tungkol kay Charles." Ngumiti sya ng pilit sakin. Gusto ko syang tanungin kung anong nangyari pero naglakad na ito patungo sa banyo.

Iniisip ko tuloy kung ano ang nangyari sa kanila ng dati nyang boyfriend.



Zaparta's POV

Nandito kami nila Tita Steph at Tita Alicia sa isang gym ng Queer. Wala kaming planong umalis ngayon kaya mag-tra-training kami ngayon.

"Okay, ang gagawin mo lang ay kunin sakin ang bola." Weird na tinignan ko si Tita Steph. "Wag mo akong tignan ng ganyan."

"Yun lang po talaga?" Takang tanong ko sa kanya.

"Oo." Nakangiting sabi ni Tita Steph. Kumunot ang noo ko dahil bakit yun lang. "Kaysa tumingin ka sakin ng ganyan, simulan mo ng kunin ang bola sakin." Sabi nya at nag-dribble sya.

Ang dali lang ng pinapagawa nya. Seryoso ba sya?

Napailing na mabilis kong kinuha ang bola pero nagulat ako nang ipasa nya 'yon sa kaliwang kamay nya mula sa likuran. Tinignan ko si Tita Steph na nakangiti pa rin sakin. Sinubukan kong kunin ulit ang bola pero ibinato nya sa itaas ang bola patungo sa kanang kamay nya.

"What?" Nakangising sabi nya nang makitang naiinis ako sa kanya.

Huminga ako na maayos tsaka umayos ng tayo.

"Seryoso ka na nyan?" Hindi ko pinansin ang panunukso nya.

Sinubukan kong kunin ang bola pero mabilis nyang iniwas ang bola. Humakbang ako para abutin ang bola pero ipinasa nya sa kaliwa ang bola. Agad ko naman sinubukan kunin pero  pinadaloy nya naman sa pagitan ng dalawang hita nya ang bola para ipasa sa kanan. Sinubukan ko ulit sya kunin pero palaging iniiwas ni Tita Steph. May pagkakataon na pinaglalaruan nya na ako. Iniipit nya sa dalawang hita nya ang bola o kaya ililigay sa likod ng tshirt nya ang bola. Nagsisimula na akong mainis.

"Tita Steph!" Sabi ko.

"Ano?" Natatawang sabi nya. "Hangga't hindi mo nakukuha ang bola sakin hindi tayo magpro-proceed sa next step."

"Eh pinaglalaruan lang ninyo ako eh." Sabi ko.

"Hindi kaya." Maang nya. "Hayaan mong sabihin ko sayo ito habang sinusubukan mong kunin sakin ang bola." Sabi nya. Kinunutan ko sya ng noo.

Sa sinasabi nya parang kaya nyang dumaldal na hindi makukuha ang bola.

"Hindi man kayo magkadugo ni Zoe pero parehas kayong mainitin. Parehas kayong naiinis sa bagay na hindi ninyo magawa." Napatigil ako sa pagsubok na kunin ang bola. "Ganyan na ganyan sya nung hinahamon nya ako. Nakakatawa lang ang mukhang pinapakita nya." Nakangiting sabi nya.

"Come to think of it, hindi kayo masyadong kinukwento ni Ate Zoe." Sabi ko. "I mean, kung paano kayo maglaro. Ang alam lang namin ay kung paano kayo naging close."

"Wag kang tumigil sa i-try kunin ang bola." Napasimangot ako. Biglaan kong kinuha ang bola pero mabilis din nyang iniwas. "Sa batch namin, ako ang pinakamagaling." Tinaasan ko sya ng kilay. Napa-aray nang iuntog nya sakin ang bola. Sinubukan ko naman kunin ang bola pero masyado syang mabilis para ilayo sakin ang bola.

"Sa pagkakaalam ko tatlo kayong magagaling sa batch ninyo." Sabi ko.

"Oo nga, ako, si Japan at Alexa pero ako ang pinakamagaling sa kanilang dalawa." Hindi na lang ako nagkomento. Dito sa Queer ay mas magaling sya kay Mama Japan. "At kaming tatlo ay sinusubukan na talunin ni Zoe pero hindi nya magawa." Nakangising sabi nya. "At ganyan na ganyan ang mukha na pinapakita nya sa tuwing magkaharap kami."

"Siguro kasi alam nyang pinaglalaruan mo sya." Sabi ko pero umiling sya.

"Na-ah. Naiinis sya dahil alam nyang hindi nya ako kaya o yung dalawa." Nakangising sabi nya. "Never nya kaming natalong tatlo nung nasa camp kami pero huli na din nung bumalik sya." Medyo nalungkot sya. "Oh well, kahit na hindi kami magkapaglaro ng maayos, masasabi kong kaya nya akong talunin." Nakangiting sabi nya.

"Sinabi ni Tita Linnett na nagkagusto ka dati kay Ate?" Sabi ko. Natigilan si Tita Steph tapos inuntog na naman sakin ang bola.

"Dati 'yon. Iniisip ko nga kung bakit ako nagkagusto sa taong 'yon." Sabi nya. "Si Alexa kaya gusto ko non."

"Paanong nangyaring si Linnett ang pinakasalan mo?" Napatingin kami kay Tita Alicia.

"Hmm...hindi ko alam." Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Tita Steph pero nginitian nya lang ako. "Tama na ang dada, hindi mo na kinuha ang bola sakin." Sabi nya pa. Sumimangot lang ako sa kanya.



Kriza's POV

"Oras na para ikaw naman ang magselos." Hindi ko nilingon si Marceline na tumabi sakin ng tayo.

"Bakit ko pagseselosan ang taong may gusto sakin?" Tanong ko.

"Aba! Lakas ng hangin ah?" Natatawang sabi nya. "Pero nakakapagtataka na nakipag-close si Lesley kay Zap." Kinakausap ngayon ni Lesley si Zaparta at halata sa kilos ni Zaparta na hindi sya komportable kay Lesley.

"Siguro paraan nya 'yon para ilayo ako kay Zaparta." Sa tingin kong sabi.

"Hmm..may kakaiba talaga dyan kay Lesley 'no?" Sabi nya.

"That's why I don't like her." Sabi ko. "At ayoko din na lahat ng nagkakagusto sakin ay sinusuportahan ni Mama. Hindi ko sya maintindihan, minsan gusto nya si Zaparta pero kapag wala si Zaparta, pinagtutulakan ako sa mga nagkakagusto sakin na kasama namin." natawa si Marceline sa sinabi ko.

"Very supportive mother." nakangising sabi nya. Inirapan ko sya.

"Nung nalaman ni Mama na may gusto sakin si Lesley, sinabi nya na baka si Lesley ang makatuluyan ko dahil ganon din sila nag-umpisa. Si Mama na inaakit si Mommy na katulad kong cold." nailing na sabi ko.

"Sana naman hindi." tumingin sakin si Marceline kaya tinignan ko din sya. "Sa tingin ko ay mahal ka na ni Zap, hindi pa man nya inaamin sa sarili nya pero sa tingin ko ay mahal ka na nya." tumingin ako sa gawi ni Zaparta. "Kumabog ba puso mo?" yung nag-aalala nyang boses kanina ay napalitan ng panuksong boses. "Ayiieeut, mahal sya ng mahal nya." na-out of balance ako nang sikuhin nya ako.

Sinamaan ko sya ng tignin at tinulak sya kaya napalayo sya sakin ng konti.

"Kinikilig sya." tuloy na panukso nya.

"Manahimik ka at baka may makarinig sayo." banta ko sa kanya. Inirapan ko ulit sya nang hindi maalis alis sa ngiti nya ang nanunukso.

"Sus. Kailan mo kaya ipagsisigawan na mahal mo si Zap?" patanong na sabi nya.

Hindi ako nagsalita dahil alam nya naman kung kailan. Yun ang araw na matatalo ko si Zaparta. Hindi ako magiging anak ng isang Avey Walker at Kill Lou kung hindi ko matatalo si Zaparta. Alam kong napaka-unfair para kay Zaparta ang ganito pero hindi ko naman ginusto malaman nyang gusto ko sya hangga't maari nga ayokong malaman nya 'yon hanggang sa matalo ko sya pero masyadong madaldal si Marceline para ibuking nya kami.

Nakakagulat malaman na gusto din ako ni Zaparta. Si Zaparta ang tipong walang interest sa lovelife dahil naka-focus sya sa basketball. Kahit na tuksuhin sya sa ibang tao ay hindi nya 'yon pagbibigyan ng pansin pero kapag sa akin sya tinutukso ay masyado syang apektado. Nung una iniisip namin ni Marceline nang dahil mag-bestfriend kami at hindi pa kami okay kaya apektado sya. Umaasa din naman ako nung mga panahon na 'yon na kaya sya ganon ay gusto nya din ako pero sabi ko nga, walang interest si Zaparta sa lovelife kaya kapag iniisip kong ganon si Zaparta ay inaalis ko ang pag-asa ko dahil ako lang yung masasaktan.

Masaya ako nung nalaman kong gusto din ako ni Zaparta. Simula pagkabata ay gusto ko na si Zaparta at ngayon ay mahal ko na sya. Pinipilit kong pakitunguan si Zaparta kung paano ko sya pakitunguan nung hindi pa namin alam na gusto namin ang isa't isa. Ayokong mas isipin nya ako kaysa sa pagbutihan ang pagba-basketball pero hindi ko din maiwasan na hindi malapit sa kanya. Bumabalik ang pagiging selfish ko pagdating sa kanya na hindi naman dapat dahil wala akong karapatan sa kanya. Kung hindi namin alam na gusto namin ang isa't isa maari ko pang pigilan ang sarili ko dahil iisipin ko lang naman na hindi ako gusto ni Zaparta.

Kung iniisip nila na wala akong pakialam sa nararamdaman ni Zaparta ay nagkakamali sila. Sobra-sobra ang pagpipigil ko sa nararamdaman kong wag syang yakapin, halikan at kausapin dahil sa oras na gawin ko 'yon ay magkakaayos na kami ni Zaparta at ayokong mangyari 'yon hangga't hindi ko pa sya natatalo. Kahit na gustong gusto ko ng bumalik kami sa dati, may parte pa rin sa pagkatao ko na naiinis kay Zaparta dahil hindi ko sya kayang talunin. Hindi ko 'yon matanggap.

"Marceline." tumingin ako kay Zaparta na lumapit samin. Hindi gumawi ang tingin nya sakin. Hanggang ngayon ay iniiwasan nya pa din ako.

Nasabi sakin ni Mama na hindi matanggap ni Zaparta na wala akong ginagawa para magkaayos kami. Gusto kong kumilos pero mas makakabuti na ang ganito na sya na ang umiiwas dahil hindi ko na sya kayang iwasan pa. Kailangan naming bumalik sa hindi kami okay para makapag-focus sya sa basketball. Masakit para samin at nakapa-selfish ko para hayaan ang ganito. Mas okay na muna ang ganito dahil nasa Dragon Empire na rin si Charles. Kung samin ay si Lesley ang bagong pasok, sa boys ay si Charles. Hindi ko sinasabi na mabuti na lang nangyari ang ginawa sakin ni Lesley noon pero mas okay na 'yon para walang mapansin samin si Charles. Unless, sabihin ni Lesley ang tungkol kay Zaparta. Naniniwala ako kay Faith na hindi nya sasabihin kay Charles ang tungkol kay Zaparta kaya panatag ang loob ko sa kanya.

"Bakit kasama ako?" patanong na sabi ni Marceline. Gustong makipagpalit ni Zaparta ng partner dahil si Lesley ang kapartner nya. Nasa isang amusement park kami at itr-try namin ang napakalaking maze. By pairs kaming lahat at kami din mamimili kung sino ang kapartner namin.

"Ayokong makapartner si Lesley eh." sabi ni Zaparta. "Kahit na napakabait nya ngayon sakin. Hindi natin alam kung ano gagawin nya sakin kapag nasa maze na kami." masyadong madami ang iniisip ang isang ito.

"So gusto mong makapartner si Kriza?" napairap ako nang mahimigan ko ang panukso sa boses nya.

"Huh? si-si Kriza ba kapartner mo? hindi si Blythe?" kahit na sinabi nya ang pangalan ko, hindi pa din sya tumitingin sakin.

"Hindi eh. Alam nyang ra-rape-in ko lang sya sa loob." sabi ni Marceline. Hindi ko alam na napakamanyak ng isang ito. Hindi naman sya ganito nung umalis ako.

"Si-sige sa iba na lang ako makikipagpalit." sabi nya at umalis. May parte sakin na nasaktan pero agad ko naman iwinasik dahil gusto ko naman ito.

"Pustahan tayo, babalik yan dito." sabi ni Marceline. Tinignan ko sya at tumingin sa gawi ni Zaparta na kinakausap si Cleo.

"Hindi babalik yan." sabi ko at tumingin sa harapan.

Tahimik na pumasok kami makalipas ng twenty seconds nung unang pumasok. Nasa likuran ko ang kasama ko at tila susunod na lang sakin kung saan man ako lumiko. Hinayaan ko na lang ang ganito at nag-isip na lang kung paano makakaalis. May premyo ang first ten na makakalabas dito na sponsor ng mga nakakatanda. Sabi ng mga Queer members, maganda ang mga papremyo ni Tita Lily kaya gusto nilang manalo dito.

Hindi ako sure kung gustong manalo ng kasama ko pero ako ay gusto ko lang umalis sa awkward moment namin. Hindi ko inaasahan na babalik sya para makipagpalit ng partner. Walang pumayag na makipagpalit sa kanya dahil maraming gustong malaman kung ano mangyayari sa dalawang nagkakagusto sakin kapag nagsama. Nung una pa nga, pinipilit nilang wag din pumayag si Marceline na makipagpalit pero mas boto ata si Marceline na kami ang magkasama ni Zaparta.

Ilang minuto na kaming naglalakad nang makita ko ang isang signboard na may arrow papunta sa kaliwang direction. Meron ding daan papunta sa kanan. Sa kanan ako pumunta.

"Te-teka." tumigil ako sa paglalakad at nilingon sya. "May signboard na doon nakaturo. Dito na siguro ang daan palabas."

"Naniniwala ka naman?" tanong ko sa kanya. Hindi naman sya nagsalita. "Niligyan nila ng ganyan para mas lalo tayong maligaw." 

"Ganon ba?" napakamot sya ng ulo at lumapit sakin. Nagsimula na din ako maglakad.

Huminga ako ng malalim. Ang boring ng ganito. Wala man lang nakaka-thrill dito. Kung kasama lang kanina si Mama nung plinaplanong nilang mag-maze, paniguradong may thrill 'yon. Gusto ko ang mga thrill ni Mama dahil nakaka-improve 'yon samin kahit na napakahirap.

"Kriza, takbo!" nagulat ako nang hilahin nya ako. Napatakbo ako bigla. "May humahabol sating mascot!" sa sinabi nyang 'yon ay tumingin ako sa likuran namin, nung una wala akong nakita pero nung lumiko sya ay nakita ko nga ang mascot na may bat na dala. Naiintindihan ko ang takot ni Zaparta dahil takot talaga sya sa mascot.

"Mama!" sunod-sunod na ang naririnig kong sigaw sa paligid na kanina ay tahimik. Nabobosesan ko ang mga sumisigaw, mga kasamahan namin 'yon. Mukhang hindi lang kami ang hinahabol.

Nakasalubong namin si Faith at Summer, pati sila ay hinahabol kaya kaming apat ay tumatakbo sa kabilang direction.

"Bakit may ganito?!" sigaw ni Summer.

Napatigil kami sa pagtakbo nang may lumitaw sa harapan namin. Bumalik kami ng konti at lumiko sa isang daan. Panay kami takbo at ang iba ay nakakasalubong namin pero hindi kami sumasama sa kanila dahil may humahabol din sa kanila. Napunta kami sa dead end.

"Patay." lumingon ako sa likuran ko at doon ko napansin na hindi na namin kasama si Faith at Summer. "Paano na?" tanong ni Zaparta.

Tumingin ako sa daan ng pader. Mukhang kaya naman namin abutin. Bago ko pa sabihin ang balak ko ay may lumitaw na mascot.

"Wag kang lalapit!" sigaw ni Zaparta at nagtago sa likuran ko. Gusto kong matawa sa kanya pero nakakaawa din sya. Wala naman dala ng kahit ano ang mascot.

"Nasa America tayo, hindi ka nya maiintindihan." sabi ko.

"Go away! shoo! away!" napailing ako kay Zaparta. "Kriza!" sigaw nya nang lumapit ang mascot.

Dahan-dahan na lumapit samin ang mascot kaya naman nasasaktan ako sa ginagawa ni Zaparta sakin na ginagawa akong harang. Wala din naman ako magawa dahil corner kaming dalawa. Napansin kong hindi na humigpit ang pagkahawak sakin ni Zaparta kaya agad ko syang nilingon na saktong natumba. Nanlaki ang mga mata ko na nawalan sya ng malay. Agad ko syang binuhat para hindi sya mahiga sa semento.

Tumingin ako sa kinatatayuan ng mascot kanina pero wala na sya don. Pagkatapos nyang pahimatayin si Zaparta tsaka sya aalis. Binuhat ko ng maayos si Zaparta. Kailangan na talaga naming makaalis dito. Ang bigat pa naman nito.



------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

59.8K 2.7K 18
TRIGGER WARNING. Complete. I don't own these poems. I might occasionally write my own idk. Pm me if ya need.
57.5K 4.3K 43
Heyy Guys I'm new here.. I love the whole Naamkaran show but I didn't like the ending.. So I am writing what I imagine.. I am not a writer so ignore...
2.6M 94.8K 200
All the facts that you don't even know.All the facts are not mines.
13.3K 269 17
Title says it all really :)