Soulmates 2: The Legend Unfol...

By atserkeiram

15.3K 640 330

"True love is endless. True love can wait. A legend about an everlasting and undying love of a samurai and an... More

Teaser
Disclaimer
Legend 101: "Ancient Lovers Reunited"
Legend 102: "The Portrait"
Legend 103: "How The Legend Started"
Legend 104: "Yesterday's Dream"
Legend 105: "Kenji's Past"
Legend 106: "Moving On"
Legend 107: "Motivated Crown Prince"
Legend 108: "Sharing Secrets"
Legend 109: "Fujiko's Doubts"
Legend 110: "Kenji's Jealousy"
Legend 111: "Sleeping Beauty"
Legend 112: "Journey To The Past"
Legend 113: "Blessed Rain"
Legend 115: "Birth Of The Royal Twins"
Legend 116: "The Heir"
Legend 117: "Tricked"
Legend 118: "Ayu Is Missing"
Legend 119: "Special Priestess"
Legend 120: "Surprise!"
Legend 121: "The New Professor"
Legend 122: "Swear!"
Legend 123: "Hiroshi's Birthday"
Legend 124: "Valentine's Day"
Legend 125: "Nurse Yashiri"
Legend 126: "Sunset"
Legend 127: "Best friend's Duty"
Legend 128: "Lover's Quarrel"
Legend 129: "Stormy Night"
Legend 130: "V.I.P."
Legend 131: "A Dance With A Prince"
Legend 132: "Let's Keep It Hidden"
Legend 133: "Love Triangle"
Legend 134: "Insecurities"
Legend 135: "A New Life"
Legend 136: "True Motives"
Legend 137: "Prime Minister's Daughter"
Legend 138: "Scandal"
Legend 139: Treason
Legend 140: Encounter
Legend 141: Interrogation

Legend 114: "Ayu's Special Gift"

283 12 0
By atserkeiram

A/N: Sorry sa mga typos hahaha tamad ko talagang mag-edit. Basta type lang ako ng type. Sorry din sa slow update. :) May picture pala si Ayu sa multimedia section. :)

***


[Continuation of hypnosis nina Hiro at Ishi.]

~Shouko's POV~

Dahil sa aking pagdadalang tao ay pinapunta ni Satoshi ang aking ina dito sa palasyo upang ako ay maalagaan. Mahigpit niyang bilin na huwag akong pababayaan lalo na ang aming magiging anak. Sa mga panahon na lumalaki ang aking sinapupunan ay hindi man lang ako naaalagaan ni Satoshi kahit minsan.

Naiisip ko tuloy na kung si Ojiro lang ang aking napangasawa, araw-araw ay aalagaan niya ako. Hindi niya ako pababayaan na mag-isang natutulog sa aming silid. Palagi niya siguro akong niyayakap.

Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan habang naiisip ang mga bagay na iyon. Bigla akong napaluha. Sobra akong nangungulila kay Ojiro.

Mula sa bintana ay natatanaw ko si Ojiro na nagsasanay kasama ang kanyang mga kasamahan. Sa malayo ko nalang siya nakikita. Hindi ko siya maaaring lapitan. Hindi ko siya maaaring kausapin. Nasa iisang lugar nga kami ngunit tila napakalayo niya sa akin. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakakausap—at ang huli naming pag-uusap ay nung hapon na malakas ang ulan.

"Ojiro..." bulong ko.

"Masama sa kalusugan mo ang pag-iyak, anak." Sabi ng aking ina.

Napalingon ako sa kinaroroonan ng aking ina. Nilapitan naman niya ako at hinagod ang aking likuran.

"Malaki na ang tiyan mo at nalalapit na ang panganganak mo kaya't kinakailangan mong pakaingatan ang sarili mo, anak. Tuwing nakikita mo si Ojiro ay umiiyak ka ng ganyan."

Isinara naman ng aking ina ang bintana at inakay ako palayo. Ang ina ko na mismo ang nag-iiwas sa akin kay Ojiro sapagkat alam niyang malulungkot lamang ako kapag nakikita siya.

"Inihanda ko na ang pagkain mo. Isusunod ni Saori ang halamang gamot na kailangan mo para sa panganganak mo." Sabi pa niya sa akin.

"Salamat, ina." Sabi ko habang dahan dahan akong umupo. Hindi mawala sa isip ko si Ojiro noon pa man.

"Iwasan mo na si Ojiro, anak. Hindi makakabuti sa imahe mo bilang reyna ang palaging pagbanggit sa kanyang pangalan. Lalo na ngayon na dinadala mo ang tagapagmana sa trono. Mag-iingat ka sa mga ikinikilos mo, Shouko."

"O-Opo."

Hindi alam ng aking ina ang nangyari sa amin ni Ojiro noon kaya't buo sa kanyang palagay na si Satoshi ang ama ng aking magiging anak.

Maging ako ay hindi na rin sigurado kung sino nga sa kanilang dalawa. Minsan ay ayoko ng isipin pa ang bagay na ito. Pero dahil sa walang pakialam sa akin ang Kamahalan, madalas akong makaramdam ng kalungkutan. Kapag pala nagdadalang tao ka ay nagiging emosyonal ka. Mabuti na lamang at kasama ko dito sa palasyo ang aking ina at si Saori.

"Ina, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa akin." Sabi ko. "Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kung wala ka sa aking tabi."

Napatigil naman sa pag-aasikaso sa akin ang aking ina at hinawakan ang aking kamay.

"Shouko, anak. Alam kong hindi ka masaya dito sa loob ng palasyo. Nararamdaman ko rin ang mga paghihirap mo dito. Nakikita ko minsan ang pambabaliwala ng Kamahalan sa'yo. Gusto ko mang bawiin ka na, pero wala akong magagawa. Ikaw na ang ina ng bansang ito. Ikaw na ang reyna. Pag-aari ka na ng pamilyang ito."

Sa pagkakataong yun ay niyakap ko ang aking ina.

"Ina. Ibalik mo na ako sa bahay natin..." Naghihinagpis ang aking kalooban.

"Alam mong hindi maaari yun, anak. Gustuhin ko man ngunit magiging kompliakdo ang lahat."

Sana noong una palang ay hindi na nila ako ibinigay kay Satoshi. Dahil kung hindi nangyari yun, masaya kong kapiling si Ojiro ngayon at tahimik kaming nabubuhay sa Chiba.

***

~Ojiro's POV~

Alam kong nakadungaw sa kanyang bintana si Shouko at pinagmamasdan ako mula sa malayo ngunit mas pinili kong iwasan ang kanyang tingin. Bagkus ay pinagbuti ko nalang ang pagsasanay kasama ang mga kasamahan ko. Dahil kapag nagtagpo ang aming mga mata, paniguradong pupuntahan ko siya at yayakapin. Naririnig ko kasi mula sa mga taga silbi ng reyna na minsan daw ay napapabayaan siya ng Emperador at mas palagi raw nakakasama nito priestess na si Yuki. Bali-balitang may relasyon daw ang dalawa.

Nagtangis ang mga bagang ko sa mga naririnig kong balita. Talagang ginagalit ako ng Emperador na iyon.

"Pinuno..." tawag sa akin ng isa sa mga kasamahan ko.

"Ano iyon?" sabi ko. Napatigil ako sa aking ginagawa.

"Pinapatawag daw po kayo ng Shogun. Magpunta raw po kayo sa kanyang himpilan."

"Tungkol saan ang kanyang pakay?"

"Sa paghahanda raw po sa nalalapit na sagupaan laban sa mga tulisan."

"Maraming salamat. Pupuntahan ko na siya ngayon. Maaari bang pakihanda ang aking kabayo?"

"Masusunod, pinuno."

Umalis na ang aking kasamahan at muli akong napalingon sa bintana ng silid ni Shouko. Nakasarado na ito. Bumuntong hininga ako at pumunta na sa aking silid upang maghanda. Pinaglilingkuran ko ang pamilya ng maharlika ngunit pagdating sa sagupaan, isa ako sa maaasahan ng Shogun na siyang pinuno namin kapag sa ganitong mga bagay. Siya ang nagsisilbing pinuno ng Japan sa aspeto ng militar.

Kailangan naming paghandaang mabuti ang nalalapit na sagupaan.

Matapos ang ilang sandali ay muli akong lumabas upang puntahan ang aking kabayo. Maglalakbay ako papuntang Edo upang makausap ang Shogun.

***

"Mabuti at nakarating ka, Fujisaki. Malayo rin ang iyong nilakbay upang makarating dito." Sabi ng Shogun sa akin matapos kong magbigay galang.

Umupo ako sa kanyang harapan at may ipinakita siya sa akin na mapa. Isang matandang babae ang nag-alok sa akin ng tsaa na siya namang ininom ko kaagad.

"Nasagap ko na magmumula sila sa kanlurang bahagi dito sa Edo. Doon natin sila aabangan." Sabi ng Shogun habang tinuturo sa akin ang lugar kung saan manggagaling ang mga tulisan.

"Sa tingin ninyo, gaano karami ang mga tulisang ito?"

"Napakarami nila, Fujisaki. Nais nilang lusubin ang Edo at ang susunod naman ay ang mga kalapit nitong bayan. Marahil ay isusunod nila ang Kyoto upang pabagsakin ang emperador."

[Note: Edo—ang lumang pangalan ng Tokyo. Ang Kyoto naman ang dating capital ng Japan kung saan nakatira ang Royal Family.]

"Hindi ako makakapayag na mangyari yun." Sabi ko.

Pinag-usapan namin ng Shogun ang mga plano para sa sagupaan. Matapos ang ilang minuto ay nagkasundo na kami sa plano.

"Kumusta ang paghahanda niyo? Natipon mo na ba ang magagaling na samurai na lalaban para sa kaligtasan ng lahat?"

"Natipon ko silang lahat at sinasanay ko sila sa loob ng palasyo."

"Sa susunod buwan ang nabalitaan kong paglusob nila. Kaya't maghanda tayo."

"Makakaasa ho kayo."

Napangiti ang Shogun. "Sigurado na ang ating tagumpay dahil ikaw ang kanilang pinuno. Ikaw ang pinakamagaling na samurai na nakilala ko. Maaari ko bang malaman kung sino ang nagturo sa'yo ng mga kaalaman mo sa pakikipaglaban?"

"Ang aking ama na si Rei Fujisaki, at ang kanyang matalik na kaibigan na si Yuuta Oshima."

"Rei Fujisaki at Yuuta Oshima? Kilala ko ang mga yun. Batikang mga mandirigma na nakipaglaban noon. Napakahusay rin nilang samurai. Nabalitaan ko rin noon ang pananakop sa inyong bayan na siyang ikinasawi ng iyong ama at ng iyong buong angkan. Ikaw na lamang ang natitira sa mga Fujisaki."

Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan dahil naalala ko na naman ang sigaw ng aking mga kapatid at aking ina habang sila ay pinapatay ng mga tulisan. Maging ang aking ama ay hindi na naipagtanggol ang aming pamilya. Mas inuna niya ang aking kapakanan at isinama ako ng aking pangalawang ama na si Yuuta sa malayo. Bakit ganoon na lamang ang pagmamalasakit sa akin ni Ama? Takot siyang mapahamak ako, samantalang marami akong kapatid na babae na mas nangangailangan ng tulong?

Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit ang sinabi sa akin ni Tatay Yuuta na ako lamang ang makakapagtuloy ng aming lahi at makakapagtayo sa aming angkan kaya't iniligtas ako ni ama. Bakit kailangan niyang magsakripisyo para sa akin?

"Dahil sa aking malungkot na nakalipas ay ipinangako ko sa aking sarili na ipagtatanggol ko ang mga naaapi nang dahil sa mga tulisan at mananakop. Hindi ako makakapayag na may mamatay muli dahil sa mga taong halang ang kaluluwa." Sabi ko.

"Tama yan, Fujisaki. Isa kang tunay na mandirigma na ang nais ay ang kaligtasan ng lahat. Maiba tayo. Nakarating din sa akin na ikaw pala ay may master noon bago ka nagsilbi sa palasyo. Ang Daimyo ng Chiba na si Makoto Tsuchida ang dati mong pinaglilingkuran hindi ba?"

"Tama ho kayo."

"Ikaw rin ang nagligtas sa buhay ng Emperador noong prinsipe pa lamang siya hindi ba?"

"Tama ho."

"Ikaw pala ang samurai noon ni Empress Shouko. Magkakilala na pala kayo noon pa man. Alam mo marahil ang motibo ng emperador kung bakit anak ng isang Daimyo ang kanyang pinakasalan at hindi ang anak ko na si Masako?"

Biglang kumunot ang aking noo dahil sa katanungan ng Shogun.

"Ano ang ibig niyong iparating sa akin?" tanong ko.

"Matagal ng nakatakda ang pagpapakasal nina Masako at ng mahal ng prinsipe. Galing sa angkan ng Fujiwara ang aking anak mula sa lahi ng kanyang ina kaya't siya ang nababagay na maging reyna. Ngunit laking gulat namin na ipinagpalit agad siya ng prinsipe."

·      Fujiwara Clan  (Ang pinakamakapangyarihang angkan noon. Mayaman at aristokrata ang angkan na ito. Sa kanilang pamilya kinukuha ang mga posibleng Crown Princess na mapapangasawa ng susunod na Emperor. )

"Nagulat nga rin ako nang mapili si Lady Shouko bilang Empress."

"Hindi ba't nakakapagtaka iyon?"

"Hindi iyon nakakapagtaka." Sabi ko. Dahil alam ko ang katotohanan. Alam ko kung bakit siya ang pinili ng Emperador. Kaya hindi ko iiwanan si Shouko kahit kailan. Hindi ko siya pababayaan.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi mahal ng Emperador ang inyong anak na si Lady Masako. Sinusunod lamang niya ang nais niya. Wala ng nakapigil sa kanya dahil ng mga panahon iyon ay yumao na ang kanyang ama na si Emperador Saito."

Biglang hinampas ng Shogun ang ibabaw ng lamesa kung saan naroon ang mapa. "Hindi pa rin sapat iyon upang pahiyain ang aking anak at ang aking buong pamilya!"

Nararamdaman ko ang galit ng Shogun sa ginawa noon ng Kamahalan. Ngunit hindi na maibabalik pa ang panahon. Kung nakarating lang sana ako noon sa tagpuan namin ni Shouko upang magtanan, sana'y si Lady Masako na ang nakatuluyan ng Emperador.

Masaya sana kami ni Shouko ngayon. Hindi sana siya naghihirap ngayon. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

"Kahit na siya ang Emperador, mas malawak ang kapangyarihan ko sa kanya, Fujisaki. Isa lamang siyang palamuti ng bansang ito. Ako pa rin ang masusunod sa usapang pulitikal. Binigyan ko siya ng pagkakataon upang makisali sa pamamalakad ng isang bansa kung magiging asawa niya si Masako, ngunit mas pinili niya ang anak ng Daimyo na siyang ako ang namumuno."

"Bakit wala kayong nagawa para pigilan ang pagpili ng Emperador kay Lady Shouko kung kayo ang nakakataas sa Daimyo?" tanong ko. Tama nga naman siya. Nasasakupan ng Shogun ang mga Daimyo. Siya ang nagluklok kay Lord Makoto bilang isang Daimyo.

"Kahit saan natin tignan, mas mataas pa rin ang Emperador. Siya ang nagluklok sa akin bilang Shogun. Kumbaga ako ang gumagawa ng mga bagay para sa ating bansa samantalang siya sa isang simbolo ng ating bansa. Hindi siya maaaring makialam sa aspeto ng pulitak at militar. Hindi niya rin maaaring pakialam ang mga Daimyo. Ngunit siya pa rin naman ang pinakamataas sa lahat sa atin. Itinuturing siyang Diyos ng bansang ito. Kaya't hindi ako pwedeng kumontra sa nais niya. Kahit mga magulang niya ay sinuway niya. Ganoon ba niya kamahal ang Empress kaya niya sinuway ang lahat?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kaya't minabuti kong uminom na lamang ng tsaa. Hanggang sa makaisip ako ng ibang usapan.

"Ano ang nangyari sa inyong anak matapos ang kasal ng Emperador at ni Lady Shouko?"

"Balak siyang kuhain bilang concubine ng Emperador. Ang Reyna Sunako na mismo ang nagsabi nito. Ngunit ayaw daw siyang tanggapin ng Emperador. Tinatanong ko nga si Masako kung may nagawa ba siyang hindi nagustuhan ng Kamahalan ngunit wala namang sinasabi ang anak ko. Naging malaking usapan sa palasyo ang pagkuha ng Emperador kay Lady Shouko. Marami ang hindi sang-ayon dahil hindi mula sa angkan ng Fujiwara ang babaeng iyon."

"Sana ay ang anak niyo nalang ang napangasawa ng Emperador."

"Bakit? Lihim mo bang iniibig si Empress Shouko?"

Bigla akong natigilan. Mas mabuting walang alam ang Shogun dahil ayokong mapahamak si Shouko.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Mas mabuting sila ang nagpakasal ng inyong anak para magkaroon nan g kapangyarihan ang Emperador sa pagpapatakbo ng ating bansa."

Bigla nalang akong tumayo at nagbigay galang sa Shogun. "Mabuti pa'y aalis na ako kung tapos na ang ating pag-uusapan."

Tumayo na rin ang Shogun. "Maraming salamat sa oras mo, Fujisaki. Ipapahatid na kita sa magiging silid mo. Dito ka na magpalipas ng gabi at bukas ka na bumalik sa Kyoto."

"Maraming salamat..."

Mahaba ang magiging paglalakbay ko upang makabalik sa Kyoto. Mabuti na lamang at inanyayahan ako ng Shogun na dito na sa palasyo ng Edo magpapalipas ng gabi.

Lumabas na kami sa tanggapan ng Shogun. Sinalubong naman kami ni Lady Masako. Napakaganda niyang dalaga. Maganda ang kanyang kimono at napaka pino niya kung kumilos.

"Tapos na kayong mag-usap, Ama?" tanong ni Lady Masako.

"Oo, Masako. Ipapahatid ko na siya sa kanyang silid para makapagpahinga na siya."

"Hindi, Ama. Ako na ang maghahatid sa kanya."

"Sigurado ka?"

"Opo, Ama. Nais ko ring makilala ang natatanging samurai na ito." Sabi ni Lady Masako habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Kung gayon ikaw ang bahala, anak. Maiwan ko na kayo at may aasikasuhin pa ako."

Iniwanan na kami ng Shogun.

"Nagmamadali ka ba, Ginoong Fujisaki?"

"Hindi naman, Lady Masako."

"Kung gayon ay maaari ba kitang maimbitahan para mamasyal sa hardin?"

"Maraming salamat sa inyong paanyaya."

Pumunta kami ni Lady Masako sa hardin.

Nagsimula akong magmasid sa paligid. "Napakaganda ng hardin ng inyong palasyo. Napaka payapa." Sabi ko. Napatingin naman ako kay Lady Masako. "Bakit nga pala nais mo akong makausap?"

"Nais ko lang sana kumustahin si Emperador Satoshi."

Bigla akong nakaramdam ng galit nang marinig ko ang pangalan ng Emperador. Minabuti ko nalang na tumahimik.

"May problema ba, Ginoong Fujisaki? Tila bigla kang nainis? Pasensya ka na."

"Hindi. Wala naman ito. Siguro'y pagod lamang talaga ako. Matagal din akong naglakbay."

Biglang lumungkot ang mukha ni Lady Masako. "Hindi ko sinasadya ngunit narinig ko ang usapan niyo kanina ng aking ama."

"Ganoon ba?"

Tumango si Lady Masako. "Kapag naaalala ko ang kahihiyan na dinulot sa akin ng Emperador, naluluha ako. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin at sa aking pamilya."

"Naintindihan ko. Mahal mo ba ang Emperador kaya ka nalulungkot?"

"Noong una ay hindi. Kaya lang naman kami ipapakasal ay upang mapalakas pa lalo ang kapangyarihan ng aming mga pamilya. Ngunit habang nakikilala ko siya'y nabihag niya ang aking puso. Bata pa lamang kami ay kilala ko na siya. Alam ko ang kanyang pagkatao. Ang kanyang tunay at nakakatakot na pagkatao. Kaya't sinabihan ko agad si Empress Shouko noon na mag-ingat sa kanya. Ngunit kahit na ganoon si Satoshi ay iniibig ko pa rin siya."

"Ikinalulungkot ko ang nangyari. Ngunit maipapayo kong kalimutan mo na iyon. Lalo na ngayon na nalalapit na ang panganganak ng Empress. Magkakaroon na ng sariling pamilya ang Emperador."

"Gusto ko mang tanggapin ngunit hindi ko ito magawa."

"Ako man ay pilit kong tinatanggap ang lahat." Bulong ko sa aking sarili. Ngunit tila narinig ni Lady Masako ang aking sinabi.

"A-Ano ang ibig mong sabihin sa binulong mo? Nasasaktan ka rin sa mga pangyayari, ginoo?"

Hindi ako umimik at tinitigan ang puno ng cherry blossom. Naalala ko ang puno sa Chiba kung saan kami madalas magtungo ni Shouko.

"Iniibig mo si Empress Shouko. Tiyak ko yan dahil noon pa man ay magkasama na kayo sa Chiba."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Ginoong Fujisaki, hindi pa huli ang lahat. Maaari mo pa siyang bawiin." Sabi ni Lady Masako. Agad naman akong napalingon sa kanya.

"Itakas mo siya sa palasyo at ilayo sa Emperador. Magtulungan tayo upang mabawi ang nararapat na sa atin."

"Ipagpaumanhin mo ngunit mali ang iniisip mo. Wala akong panahon para sa pag-ibig."

Kailangan kong magsinungaling upang maprotektahan ka, Shouko.

***

~Fujiko's POV~

"Hindi ako makapaniwalang dito ako nagpunta." Sabi ko habang nasa harap ng Inubosaki Lighthouse.  Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil sa kakaibang disguise ko.

"May event ba ngayon dito? Bakit may naka cosplay?" narinig kong sabi ng isang babae sa kasama niya.

"Oo nga eh. Ang wirdo." Sagot naman ng kasama niya.

"Hindi niyo ba alam na uso 'to ngayon ha?" sagot ko naman sa kanila.

"Baliw ata to eh. Halika na nga sa loob ng lighthouse." Sabi nung babae. Mabuti naman at umalis na sila. Panira lang sila ng momentum ko dito.

Balak ko lang naman mag muni muni matapos ang pagtataksil sa akin ni Kenji pero ang unang destinasyon ko ay ang lighthouse dito sa Choshi, Chiba.

Siguro gaya ng iba ay naniniwala ako sa alamat na dito ko matatagpuan ang soulmate ko—na dito gagaan ang kalooban ko.

Sobrang sakit ng ginawa ni Kenji at gusto ko na siyang makalimutan ng tuluyan! Mas mabuting maging single nalang ako forever! Naiiyak na naman ako grabe huhu!

Magpipinta nalang ako ng maraming marami!

At magpofocus nalang ako sa misyon ko. Hay.

At dahil nasa Chiba na rin lang ako ay dadaanan ko ang ancestral house nina Ishi. Kukumustahin ko lang sina Lola Yumi at Ayu. Agad akong umalis ng Inubosaki Lighthouse matapos ang thirty minutes.

***

"Fujiko-san!" salubong sa akin ni Lola Yumi. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Kumusta na po kayo?"

"Mabuti naman kami. Ikaw? Bakit ka napadalaw, hija?"

"Dumaan lang po ako sa lighthouse kaya naisipan ko na kayong dalawin. Si Ayu po?"

"Saglit at tatawagin ko. Maupo ka muna. Anong gusto mong kainin?"

"Hmmm. May cake ba kayo diyan, Lola?" Umandar na naman yung katakawan ko! Kapag ganitong inaatake ako ng pagkaglutton ko, si Yashiri yung katandem ko eh. Nakakamiss tuloy yung bagets na yun.

"Oo meron. Sige ikukuha kita. Sandali lang ha."

"Okay po."

Maya maya ay dumating na si Ayu.

"Miss Fujiko...napadalaw ka." tawag ni Ayu sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Ano ka ba? Ate Fujiko nalang! Hahhaa masyado ka namang pormal eh."

Ngumiti lang si Ayu.

"O? Kumusta ka dito?" Tanong ko.

"Ayos naman po, Ate."

"Uhm. Ikaw kumusta?"

"Heto po, unti-unti ko ng natatanggap na wala na talaga sina Ate Ayame at Lola Yura sa buhay ko." Bigla namang lumugkot yung mukha ni Ayu. Nakaramdam rin ako ng kakaibang lungkot.

"Hayaan mo, hindi ka namin papabayaan, Ayu. Para ka ng pamilya namin eh. Marami kami na magmamahal sa'yo." Bigla ko siyang hinawakan sa kamay. Ngunit bigla rin niyang hinila palayo yung kamay niya at bigla siyang tumayo palayo sa akin.

"Ayu? M-May problema ba?"

"A-Anong...ano yung nakita ko habang hawak mo yung kamay ko?"

Tumayo na rin ako at nilapitan si Ayu.

"Anong ibig mong sabihin, Ayu?"

"May nakita ako. May naramdaman akong kakaiba."

"Ano ba yung nakita mo?"

"Isang batang babae. Sumisigaw siya ng 'Ama', habang hinahabol niya si Ojiro Fujisaki. Nakaramdam ako ng kakaibang init habang hinawakan mo yung kamay ko."

Nakita niya si Ojiro at may isang batang babae na humahabol sa kanya? Malamang si Princess Tomoyo yun! Nakita niya si Princess Tomoyo!

"Si Princess Tomoyo yun. Nakita mo siya habang hinahawakan kita." Sabi ko.

"Pero bakit? Bakit ko nakita yun?"

"Hindi ko rin maipaliwanag, Ayu. Pero sa tingin ko may kakaiba kang kapangyarihan. Kagaya ng mga ninuno mo at ng ate at lola mo. Espesyal ka dahil isa kang priestess."

Biglang umiling si Ayu at umiyak. "Ayoko! Ayokong maging katulad nila! Ayokong mamatay nang dahil sa kapangyarihan na 'to!"

"Ayu! Kumalma ka!" muli kong hinawakan si Ayu.

Ama! Huwag mo akong iwan!

"Bitawan mo ako!" sabi ni Ayu habang itinulak niya ako palayo. Tumakbo naman siya palabas ng bahay.

Habang ako naman ay naiwang tulala. Nakita niya ang alaala ni Princess Tomoyo. Pero bakit ganun? Hinawakan ko lang naman siya eh. Pero hindi kaya dahil descendant ako ni Princess Tomoyo kaya nakita niya ang memories nito? Kapag nahawakan ni Ayu ang mga descendants ng mga yumao na, nakikita niya ang nakaraan nito? Ganun yung kapangyarihan niya?

Kapag kaya hinawakan niya sina Hiro at Ishi, makikita rin niya ang memories nila sa past?

Kung ganun na nga, malaki ang matutulong ni Ayu para malaman ang lahat tungkol sa nakaraan.

***

~atserkeiram

102714

 

Continue Reading

You'll Also Like

471K 24.5K 55
A sweet light hearted story. ROMANCE/FANTASY This is a taglish story. JULY 2023
280K 4.8K 24
Dice and Madisson
177K 9.6K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
31.1K 2.7K 41
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...