Just a simple recap of the previous chapter: Dominique kissed Eumi for her to know that a kiss won't make her pregnant.
12. The Third
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi lang s'ya bumilis kung hindi bumilis ng bumilis ng bumilis. Hindi ko nga alam kung paano nakakaya ng puso ko ang ganitong kabilis na pagtibok. Naiwanan akong nakatayo ni pogi sa kinatatayuan ko, ni hindi ko nga maigalaw ang mga paa ko. Nawala ata lahat ng senses ko ng dahil sa halik na iyon.
Paano na 'yan, Eumi? Dalawa ng nakahalik sa'yo, ibig sabihin ba nito ay magiging kambal na ang anak mo? Hindeee! Hindi pwede mangyari 'yun, masakit yun. Masakit yun no!
Bigla akong napahawak sa labi ko, bakit kaya ang lakas ng epekto ng halik na 'yun? Ano bang meron kay Dominique at napabilis n'ya ang tibok ng puso ko?
"Ahh..." daing ko ng bigla na namang sumakit ang ulo ko. Sa sobrang sakit ay napahawak ako sa hagdanan. Bigla akong napaupo habang sapo ng isang kamay ko ang ulo ko. Para itong binibiyak at tumatagos ang sakit hanggang sa loob ng bungo ko.
Ano bang nangyayari? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko maexplain pero sunod sunod na imahe ang lumabas sa isip ko: dugo, dugo at napakaraming dugo.
Bigla akong natakot sa mga nakikita ko. Tungkol ba saan 'yon? Kasabay ng mga imahe ang pag-iyak ng isang babae. Tanging ang mga sigaw at pagmamakaawa nya lang ang naririnig ko. Mas tumindi ang sakit ng ulo ko, kung kanina ay parang binibiyak, ngayon naman ay parang binubuksan.
"Maawa kayo please..." tinig iyon ng isang babae, halos mabasag na ang boses n'ya ng dahil sa pag-iyak. Maraming dugo sa paligid at tanging pag-iyak n'ya lang ang naririnig ko. May isang lalaking papalapit hanggang sa unti-unting nanglabo ang paningin ko at nilamon na ng tulutan ang paningin ko ng kadiliman.
Pagkagising ko kinabukasan ay parang may kumakatikot ng mukha ko, tinabig ko pa ang kamay n'ya dahil nakikiliti ako. Para n'ya kasing hinahawi ang mga buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
"Ano ba.." sita ko at tumagilid ako ng higa. Niyakap ko yung nasa tabi ko, biglang nayupi ang side ng kama ko dahil sa malaking unan na 'to.
Kontento lang ako sa pagkayakap ko sa kanya, bakit ba kasi ang bango bango ng unan ni Dominique? Amoy pogi rin kasi.
"Eumi, wait. Malelate tayo.." bigla akong napabangon sa kama ko.
"Ano?!" gulat na tanong ko at tinapunan ko kaagad ng tingin yung maganda kong orasan sa dingding ng kwarto ko.
"That's your fault. You hugged me, I was about to wake you up pero anong ginawa mo? You wrestled me." wow hah, ako pa pala ang may kasalanan.
"Pwede mag-sorry? Baka pwede?" tumayo s'ya sa pagkakahiga n'ya at inayos ang gusot ng uniform.
"Sure. Apology accepted. By the way, Eumi 'yung tungkol sa nangyari kagabi.." kinamot n'ya yung batok n'ya, at hindi ko na naman mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip n'ya, "I'm sorry." sabi n'ya at naglakad s'ya papalabas ng kwarto.
"Teka!" habol ko sa kanya, "Paano ako napunta sa kwarto ko?" tumingin s'ya sa akin ng saglit at lumabas na ng pinto.
"You slept in the staircase and I brought you on your room." napa-ahh na lang ako sa sinabi n'ya.
Teka, parang wala naman akong natatandaan na natulog ako sa hagdan ah? Natulog nga ba ako doon? Mag-isip ka nga Eumi, ikaw kaya pinakamatalino sa villa—barrangay na 'to.
Magkasabay kaming pumasok na tatlo nila George dahil bigla s'yang lumitaw na parang kabute sa living room ni Dominique. Ewan ko ba sa kanya, patay gutom sa gas. Wala daw s'yang pang-gasolina at nakisabay sa amin. Bibili-bili ng kotse, wala naman palang pera.
"Seatbelt, Eumi." napatingin ako sa uniform ko, especially sa checkequered palda ko. Wala naman akong belt, para na naman tuloy nagulantang ang mundo ko dahil sa sinabi ni pogi.
"Wala akong belt pogi. Di kaya terno sa palda 'yun. Sa inyong mga lalaki, bagay sa inyo, pants 'yung sa inyo e. Tsk!" kumagat ako sa hawak kong tinapay na clubhouse daw ang tawag.
Binigyan ako ng masamang tingin ni pogi at bumuntong hininga, "Eumi, pinapakain naman kita ng tatlong beses pero bakit walang laman 'yan?" turo n'ya ulo ko.
"Aray hah! Bakit di mo ba lang sinabi na wala akong utak! Kumain ka na nga lang!" sinalpak ko sa bibig n'ya yung clubhouse na pinapakain n'ya sa akin kanina, "Galing pa ata sa club 'yang tinapay na 'yan. Baka malasing ako pogi, bawal pumasok ng lasing." paalaala ko.
As usual, hindi na ako magtataka kung tawa ng tawa 'yung isa sa likod, "Ang saya mo naman Georgy, anong meron?" tanong ko. Nginitian n'ya naman ako bago sumagot, "Cute mo kasi.." parang naubo ata si pogi. Inabot ko sa kanya ang kapeng nasa lata na binigay na rin.
"Oh pogi.." kinuha n'ya 'yung kapeng nasa lata, creamy latté pa ang flavor e, bakit kaya? Dapat creamy latta na lang, tutal nasa lata naman. Mas angkop pang gamitin diba?
"Sabi ni pogi huwag daw ako magtiwala sa mga sinasabi mo." depensa ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni George.
"Sinisiraan mo ba ko bro?" hala, sinamaan n'ya ng tingin si Domeng. Tama Domeng na lang ang itatawag ko sa kan'ya. Kyot kyot! Domeng is hart hart!
"Nope. Why would I do that?" pagkatapos ng pag-uusap na 'yun ay nanahimik sila ng buong byahe at tanging bibig ko lang ang umaalingawngaw sa buong biyahe.
"Ang daldal mo, Eumi. That's why I like you." hindi ko alam pero sobrang vocal si George sa nararamdaman n'ya para sa akin. Inalis n'ya ang pagkakakabit ng seatbelt n'ya at unang lumabas ng pinto.
Inalis ni Domeng ang pagkakaseatbelt ko at binulungan ako, "Mas malaki hotdog ko, Eumi." hala! Anong sinasabi ni Domeng?
Pinagbuksan ako ng pinto ni George at lumabas naman ako, napakaraming tao sa labas at pinagkakaguluhan ang mga lalaking kasama ko. Bakit ba kasi maraming naghahabol sa kanila? Mayaman naman sila pero ang pinagtataka ko ay bakit marami silang utang? Hmp, makapasok na nga lang.
Medicine ang course ni George kaya for sure ay sa kanya na ako magpapagamot kapag nagkasakit ako. Habang si Dominique naman ay Engineering. Ako lang ata ang nahilig sa Arts? Fine Arts ang kurso ko dahil gusto kong gumuhit.
Matapos ang nakakalokang scene ay naihatid na ako ni George sa room ko, halos lahat ng babae ay nakatingin sa kan'ya, "Ingat ka, Nica." sabi n'ya sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. Binalewala ko na lang ang ginawa n'ya dahil nasanay na siguro ako. Masyado s'yang touchy at vocak na tao. Hindi kagaya ni Domeng na suplado at tahimik.
"May sasabihin ako, Georgy.." pinalapit ko s'ya dahil may ibubulong ako, "Magbabayad ka kasi ng utang. Hehehe!" at tumakbo ako papasok ng room ko.
Para namang natulala pa si George sa sinabi ko. Duh, subukan n'ya kayang magbayad para hindi naman s'ya pinagkakaguluhan. Pati tuloy sila ay nagagalit sa akin.
"Bakit n'yo po ako iniirapan?" tanong ko sa mga sosyal kong kaklase. Inirapan lang nila ulit ako at nag-umpisa na namang magbulungan.
Naupo ako sa tabi ulit ng babaeng matalino, ang kapal naman ng eyeglasses n'ya, "Ilan grado n'yan?" tanong ko. Tiningnan n'ya ako saglit pero yumuko ulit.
"Bakit mo naitanong? Basta mataas." nahihiya n'yang tanong.
"Ako si Eumice." inilahad ko ang kamay ko sa kan'ya at tiningnan n'ya lang ito. Mukhang nag-isip pa s'ya pero iniabot n'ya rin ang kamay n'ya, "I'm Gabby Real." sabi n'ya. Wow, ang ganda ng name n'ya.
"Hi Gabby, may tanong ako." tiningnan n'ya naman ako, "Bakit nila ako iniirapan?" inosente kong tanong.
Medyo ngumiti naman s'ya sa sinabi ko, "Kasi hinatid ka ng mga gwapong lalaking 'yun kaya huwag ka ng magtaka." mas kumunot ang noo ko.
"Reason na ba 'yun?" ngumiti naman s'ya at itinuon ang sarili sa pagbabasa ng librong hawak n'ya.
"Oo, they been dreaming to be their princess. Pero ikaw effortless lang kasi ang simple mo at saka ang bait mo pa. Naiinggit lang sila sa'yo.."
"Oh-kay. Mmm, sikat ba sila Domeng dito?" tanong ko. Medyo tumaas ang kilay n'ya sa tanong ko.
"Saan ka ba talaga galing na planeta Niks? Sikat is understatement. Super mega ultra sikat ang term. Lalo na si Bryce Dominique.." woah, ngayon ko lang nalaman.
"Hindi naman sa nanghihimasok, pero bakit ka sa kanila sumasabay?" tanong n'ya.
Ngumiti naman ako at taas noong ipinagmalaki na, "Kasi maganda ako. Chos lang!" tumawa ako pero parang naweirduhan sa akin 'yung nerd na 'to, "Ang ibig kong sabihin, sa kanila ako tumitira. Mahabang kwento Gabby e. Baka maumay ka pa.." tumango naman s'ya sa akin at tumahimik.
Nagsimula na ang klase kay Mr. Del Valle pero talagang nalulunod ako sa pag-iisip, Mas malaki hotdog ko, Eumi. Hmmm, anong hotdog kaya 'yun? Uhhh, natatakam tuloy ako sa hotdog ni Domeng. Kakainis naman!
Pero bakit n'ya sinabi 'yun? So maliit hotdog ni George? Ay bitin 'yun!
"Ms. Sevilla, are you listening?" tumango naman ako. "Good, because we will be having a short quiz tomorrow. Pero for now ay ipapartner partner ko kayo, kung ano ang grade ng isa ay magiging grade rin ng kapartner n'ya." sinimulan n'yang idiscuss ang mga gagawin namin.
Bali may partner kami for the whole sem at kung ano ang grade ng isa ay magiging grade mo. Sana naman matalino partner ko. .
Please lang Lord. .
"Sana ikaw na lang partner ko prend!" medyo ilang pa rin si Gabby sa akin. Siguro first time na may kumausap sa kan'ya. "Huwag ka na mahiya sa akin, pero prends na tayo ah?" tumango naman s'ya at ngumiti.
"Okay, salamat at may naging kaibigan na ko. Salamat Niks.." sabi n'ya, "Niks na lang tawag ko sa'yo ah? Pwede ba 'yun Nica?" tingan mo rin 'tong nerd na 'to ang lakas makadrama. Hindi naman bagay, lalo s'yang pumapangit. Joke!
"Welcome, Gabby! Oo ang cute nga e. Pero sana ikaw talaga kapartner ko, ikaw lang naglakas ng loob para makipag-usap sa akin."
"Sana nga pero mukhang imposible dahil tinawag ka na at 'yung kapartner mo." napa-huh naman ako.
"Di nga?" nagtataka kong tanong. Tinuro n'ya naman 'yung lalaking masungit, si suplado guy na ayaw akong makatabi.
"Si Dwight Miguel Mendoza." bigla s'yang tumingin sa akin at nakakunot ang noo n'ya. Ano bang problema n'ya sa akin at galit na galit s'ya?
"Ako dapat ang partner ni Dwight, Sir!" sabi ng babaeng maganda pero mukhang masama ang ugali.
"That's Fatima Diaz. Laging kapartner ni Dwight 'yan." singit ni Gabby.
Nagulat ako nung biglang umupo si Dwight sa tabi ko. Nakastraight face lang s'ya at hindi ako nilingon. Kinilabutan ako ng bigla s'yang nagsalita.
"It's great to see you Eumi. I'll make you fall in love with me. . . again."
.
.
.
.
.
*******
For those who were asking for updates. Mas madali akong mag-update kapag maraming comments. Hindi 'yung comments na 'UD na po.' I am writing for free here in Wattpad. So 'yun, vote this chapter if you want to read the next one.
Dwight on the side ;)
Team Domeng, Team Georgy or Team Miggy?