How to live with Mr. Arrogant...

By NostalgiCoffeeBean

285K 6.6K 170

Gugustuhin mo bang tumira sa iisang bahay kasama ang isang gwapong arogante? A story that will teach you on H... More

Prologue
LESSON 1
LESSON 2
LESSON 3
LESSON 4
LESSON 5
LESSON 6
LESSON 7
LESSON 8
LESSON 9
LESSON 10
LESSON 11
LESSON 12
LESSON 13
LESSON 14
LESSON 15
LESSON 16
LESSON 17
Lesson 18
LESSON 19
LESSON 20
LESSON 22
LESSON 23
LESSON 24
Lesson 25
LESSON 26
LESSON 27
LESSON 28
LESSON 29
LESSON 30
LESSON 31
LESSON 32
LESSON 33
LESSON 34
Lesson 35
Chapter 36
Chapter 37
Lesson 38
LESSON 39
Lesson 40
Lesson 41 Epilogue

LESSON 21

5.1K 132 0
By NostalgiCoffeeBean

Chapter 21

 

“Who’s Andrew?” iritable niyang sabi.

Mukhang nalunok ko ata ang dila ko at na pipe na din. Ano bang ginagawa ng taong to dito at bigla bilang sumusulpot? Hindi ba parang nagaway lang kami kagabe. Sinabi pa niyang hindi na niya ako hahawakan.

“Ano? Ibinigay mo yung number mo sa lalaking nakilala mo lang sa vegetable area ng isang supermarket? Geez, Charm, wala ka bang concern sa safety mo?” patuloy pa din sa pag scroll si Alexis sa cellphone.

So he thinks na easy to get ako dahil nagawa niya yun sakin. Well hindi. Dahil nagkataon lang na gusto ko ung pakiramdam ng ginagawa niya sakin. Nagkataon lang na gusto ko siya.

So that’s it Charmaine. Umamin ka na na gusto mo si Alexis. May magandang kinalabasan din pala tong sitwasyon na to.

“Hoy! Magsalita ka.” Sigaw ni Alexis na inalis na sa mukha ang cellphone.

Para namang bumalik sa pinagkakabitan ang dila ko. Naniningkit ang mga mata kong kinuha ang cellphone ko sa kamay niya na kinagulat niya.

“None of your business. Wag ka ngang makekealam sa buhay ko. Ikaw nga di kita pinakekealaman.” Histerya ko ding sabi. Bahala na kung pagtinginan kami ng ilang estudyante na nasa paligid.

“Hindi kita pinakekealaman. Nagtatanong lang ako.”

“Ganun na din yun.” Masungit kong sabi.

Saglit na hindi nagsalita si Alexis at bumuntong hininga muna bago muling nagpatuloy. “Hindi mo kilala yang taong yan para ipagkatiwala mo yung cellphone number mo.”

“Ikaw nga hindi kita kilala pero pinatuloy pa kita sa bahay ko diba? So dapat mag ingat ako sayo since hindi naman tayo magkakilala.”

“Alright. Do what you want. Actually dun ka naman talaga magaling. Kahit nga sa kuya ko na hindi mo kilala mo, nakipagkaibigan ka.”

Napasinghap ako ng hangin at namewang. That’s it. PArang nababastos na ako sa mga pinagsasabi ng lalaking to. Oh my god Alexis. Parang gusto kong bawiin ung narealize ko kani-kanina lang.

“So anong tingin mo sakin ha? Pok pok? Easy to get? Man-hooker? Hoy! Wag mo akong binabastos ng ganyan Alexis ha?” I paused. Tama ba tong sinasabi ko? Eh baka concern lang siya sakin kaya pinagbabawalan niya akong ibigay ung cellphone number ko.

Pero pwede namang sabihin ng maayos diba? Hindi yung binababa pa yung puri ko. Alam naman niyang hindi ako ganun. “Alam mo? Mas maganda pang wag mo na akong kausapin. Umalis ka na! Ayaw na kitang Makita.” Singhal ko bago ko kinuha ang bagpack ko at mabilis na naglakad palayo dun.

Pinapaalis ko siya pero ako ang umalis. Mas maganda na din yun. Ayoko ng humaba ang usapan. Ganun pala ang tingin niya sakin. Cellphone number lang yun pero sa kanya, ibinigay ko lahat pati puso ko. Kahit pa hindi ko talaga siya kilala.

“Ang hard mo naman dun sa tao.” Si Lea na nasa tabi ko at inabutan ako ng isang bote ng tubig.

Nakaupo kami sa bleachers sa may covered court. This is a wrong choice since basketball player din si Alexis pero may nagpapractice ng volleyball kaya siguro wala silang practice ngayon.

“Hindi tama yung pinagsasabi niya sakin, Lea. Biro mo, ganun ang tingin niya sakin. Hindi ako ganun dapat ikaw mismo ang nakakaalam nun.” Sabi ko matapos kong tunggain ang isang bote ng tubig.

“Hindi naman ganun ang ibig sabihin niya, Charm.”

“Hindi? Ha? Narinig mo naman yung sinabi niya diba? Naku, nanggigil ako sa sama ng loob.”

“Maybe he’s just concern. You know, baka nga naiinlove na siya sayo.”

Lesson 38: Don’t give your cellphone number to strangers. Kahit hindi ka pa nakikitira kasama ng isang arogante. Never do that. Marami ng rapist ngayon.

“Concern? O gusto lang niya akong asarin. Badtrip na Alexis to, ang sarap sabunutan.”

“No. Not his gorgeous hair. I’ll tell you, makakalaban mo ang kalahati ng populasyon ng mga babae sa eskwelahang ito.”

Automatikong napahilamos ako ng mukha gamit ang mga kamay ko. Pag pinatay ko siya, hindi lang kalahati ng populasyon sa school ang magagalit sakin. Baka buong mundo magalit sakin. Si Alexis yun eh. Hays.

“Friend, relax. Wag ka ng magpakapagod kakaisip sa mga bagay na hindi naman dapat iniisip.” Inakbayan ako ni Lea. Napaangat ako ng tingin and I can see her smile.

“You better treat me to ice cream dear. Kasalanan mo to.”

“Ha? Bakit ko kasalanan?”

“Kasi inagaw agaw mo pa ung cellphone ko.”

Napailing iling na lang si Lea. “Come on. Matatapos na ang break ko.” Natatawang tumayo siya at nagpatiuna ng lumabas ng court. Napangiti na din akong sumunod sa kanya.

“Where’s Alexis?”

“Pwede ba hindi ako hanapan ng nawawalang tao.”

See? Dahil jan sa Alexis na yan, kelangan kong tiisin ang babaeng to iniwan niya sa bahay.

“bakit hindi mo siya kasama ha? Sabi niya sa iisang school kayo pumapasok.” Pag hihisterya niya. Sinundan niya ako sa kusina. Nauuhaw na ako eh. Nakakapagod kayang pumasok sa school, makipagaway sa arogante at magtrabaho after nun.

“Hindi kami sabay umuuwi. Kontakin mo.” Sabi ko na lang para matapos na.

“Wala namang magawa dito sa bahay niyo. Mabuti na lang may mabait na lalaki sa kabilang unit na sinamahan akong manuod ng movie. Ni wala kang DVD player kaya dala niya DVD player niya.”

Joey.. Napakabait talaga niya. Thanks Joey. I’ll treat you for dinner tomorrow.

“Oy! Ano na?” Napapitlag ako sa pagsigaw na iyon ni Angeline. “Nasan na si Alexis ko.”

“Sabi ko sayo, hindi ko alam. Yun pala eh, sayo siya. So bakit di mo alam?”

“Magkasama kayo sa iisang bahay, hindi mo alam kung san siya pumupunta?”

“Hindi kami close.”

Natahimik si Angeline. Napatingin ako sa kanya. Nakatayo lang siya sa hamba ng pinto ng kusina hawak ang tyan.

“Gutom ka na?” binuksan ko ulit ang ref para ilabas ang mga ingredients ng pang sigang ng baboy.

“No. I ate.” Pagkasabi niyon at nakarinig ako ng ingay. Ingay mula sa tyan ni Angeline.

Natawa ako. “You ate ha?” pang aasar ko sa kanya.

Umismid siya at inirapan ako. “Ni wala kang madaling lutuin jan sa ref mo. So panu ako kakain? Ayokong lumabas kasi baka mawala ako. Ang ganda ganda pa naman ng skin ko.”

Nagbuhat pa ng sariling bangko. Natawa ulit ako. Sa itsura niya parang pakikay kikay at mayaman siya. Siguro’y hindi niya alam kung panu magluto.

“I have eggs here. Hindi ka ba marunong magprito?” nilingon ko si Angeline. Nakayuko siya. So hindi nga talaga siya marunong magluto.

“Alam mo, wag kang maglalayas sa bahay niyo kung hindi ka marunong magluto.” Dinala ko lahat sa lamesa ang ingredients saka nagsaing na sa rice cooker.

“Nung malaman ko kung nasan si Alexis at kung bakit ayaw niyang umuwi ay pinuntahan ko siya kaagad. Hindi ko siya hahayaang tumira kasama ng isang gold digger na katulad mo.”

Natigil ako sa pagsaksak ng rice cooker at tinitigan siya ng masama. “Sinong nagsabi sayong gold digger ako ha?”

Hindi siya nakapagsalita. Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi at lalong yumuko.

“sinong nagsabi sayo kung nasan si Alexis at kung bakit ayaw niyang umuwi? Anong sinabi niyang dahilan sayo?” dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

Hindi sumagot si Angeline.

“Ah? Hindi mo sasabihin ha? Fine! Walang kakain!” galit kong sabi saka nagmamadaling naglakad papunta sa kwarto ko.

“It’s kuya Matt! Sabi niya gold digger ka daw at pineperahan mo si Alexis. At hinuhuthutan mong wag ng umalis dahil mawawalan ka ng susuporta sa mga luho mo.”

Natigil ako sa paglalakad dahil sa sinabing iyon ni Angeline. Dahan dahan ko siyang hinarap.

“Ganun ba ang tingin mo kay Alexis? Na magpapaloko siya sa isang gold digger? Tinanong mo ba si Matthew kung anong klaseng babae ung hampaslupa niyang girlfriend?”

Naguguluhang tinignan ako ni Angeline. Wala siyang alam sa mga nangyare. Napabuntong hininga na lang ako.

“Alright. I’ll cook for you. Maligo ka. Suotin mo na lang kung anong available na damit ni Alexis jan. After mo tapos na ung niluluto ko.”

Hindi na umimik si Angeline. Pasimple na lang siyang sumunod sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

99 9 1
isang masayang masaya na pamilya. mapag mahal at maalagang mga magulang at mga kapatid. halos lahat ng problemang dumaan sa pamilya namin ay kayang...
36.8K 637 67
May isang tao na kahit saktan ka hindi mo kayang kalimutan. Hindi dahil sobrang tanga mo na, kung hindi dahil sadyang mahal mo lang siya. At kapag du...
266 15 11
Paano kung ipakasal ka sa lalaking mas malamig pa sa yelo? papayag kaba?
36K 595 17
Kung ipag pipilitan natin ang mga bagay bagay na hindi tayo magkakasundo Baka.. pero tandaan mo Mr.perez gugulo lang ang buhay ng anak ko sa gagawin...
Wattpad App - Unlock exclusive features