The Heiress and the Manwhore

By frozen_delights

1.5M 54.1K 5.9K

He had nothing to offer her, not even his name. He's a manwhore, a male prostitute who caters his clienteles... More

Dancing in the Dark
The Nearness Of You
Bad Dream
Beautiful
Tell Me What Is Love
Fall
(I Think About You) 24/7
Ooh, la, la, la
Growl
Hurt
Electric Kiss
Sign
Baby
Tender Love
Love, love, love
My Lady
Xoxo
Deep Breath
Tempo
Lucky One
Monster
They Never Know
Lotto
'Can't Bring Me Down
Stronger
Coming Over
With You
Let Out The Beast
Boomerang I
Boomerang II
In this World
Damage
Unfair
Run
Promise
Cry
History
Saschia
Sachi is gone
Portrait of You
Chill
Going Crazy
Gravity
Sweet Lies
Overdose
Love Shot
Walk On Memories
I'll Be There
My Turn To Cry
Angel
Cloud 9
Love Words
One and Only
Heaven
Cherish
Smile On My Face
Flower
Moonlight
Forever
Let bygones, be bygones

Nightmare

17.8K 690 89
By frozen_delights

Chapter Thirty-Seven

NANG muling magkamalay si Julianna ay nasa loob na siya ng isang puting silid at may nakakabit ng IV tube sa kanyang braso. Nang maisip niya kung bakit siya naroroon ay napabangon siya kahit nanghihina. Kailangan niyang makita si Sachi. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng doktor. Gagaling ito, makakasama pa niya ito nang matagal. Makakasama pa nila ito ni Baby Saschia. 

He promised me, he promised me that we will stay together.

Bumukas ang pinto bago pa ito narating ni Julianna.

"Jules."

"Baks."

Magkasunod na pumasok sina Rupert at Max. Kaagad siyang inalalayan ng mga ito pabalik sa kama.

"You have to stay in bed," istriktong wika ni Rupert.

"Si Sachi. I need to see him, I need to be with him," she said brokenly. Ang mga luha niya ay nag-uunahan sa paggulong. "Please, let me see him."

"Baks, you almost lost your baby," ani Max.

Nag-aalalang nasapo niya ang sinapupunan.

"Mabuti na lamang at naagapan ng doktor," dagdag na wika ni Rupert. "Bawal sa'yo ang matagtag at ma-stress. Sa susunod na duguin ka ulit, the doctor cannot guarantee your baby's safety."

Napatulala siya sa kanyang narinig. She cupped her middle as if to shield her unborn child. She can't lose her baby. Napaka-importante ng batang ito sa kanila ni Sachi. 

Napailing siya, hindi siya makapapayag na may mangyari sa anak niya. She will do anything to protect her child, their Baby Saschia.

"H-how is he?"

Matiim siyang tiningnan ni Rupert na parang tinitimbang kung paano niya tatanggapin ang sasabihin nito.

"It's touch-and-go, the doctor's prognosis is not... promising."

Nahigit niya ang paghinga kasabay ang muling pagpatak ng masaganang luha. It all seemed like a nightmare over and over again. Nadakot niya ang dibdib nang bigla siyang mahirapang huminga.

"Jules, Jules! Call the doctor, Max!"

Natatarantang lumabas ng silid si Maxine at tumawag ng doctor.

Nang muling gumising si Julianna ay may ilang araw na ang nakalipas. Iba na rin ang silid na kinaroroonan niya. Bagaman sa tingin niya ay nasa ospital pa rin siya.

"Anak."

"Mom...?" she panicked. Natagpuan na siya ng parents niya, ilalayo na naman siya ng mga ito kay Sachi! "I-I can't stay here. Kailangan kong puntahan si Sachi. He needs me."

"Anak, please. Kumalma ka lang. Makakasama sa iyo ang masyadong maging emotional."

"Where am I? Ibalik niyo ako kay Sachi. Kailangan niya ako, ayoko rito!"

"Julianna, please," mabilis siyang niyakap ng Mommy niya. "Kalma lang, anak. Hindi kami ang nagdala sa'yo rito. Rupert had you transferred here from Gumaca because of your condition. You had a panic attack. Tinawagan niya kami para ipaalam ang nangyari sa'yo."

"How about Sachi? How is he, Mom? Naririto rin ba siya?" mukhang de-klaseng ospital ang kinaroroonan niya base sa magarang silid.

"No. I heard they flew him to the US the day they transferred you here in Manila."

"W-what?" anong kalokohan ang sinasabi ng kanyang ina. Bakit naman ililipad pa ng Amerika si Sachi? At sino ang may financial capability na gawin ang ganoong kaabalahan para sa kanyang nobyo?

"Apparently, Rupert and Sachi are siblings. Half-siblings, to be exact."

Napaawang ang bibig niya sa narinig na revelation ng kanyang ina.

"Trust him, okay? Sachi is in good hands. Natitiyak kong gagawin ni Rupert ang lahat para maging maayos ang lagay ng kapatid niya. Sa sandaling gumaling si Sachi, I'm sure siya mismo ang gagawa ng paraan para muli kayong magkita."

"Will you let him?"

"O-of course."

"You're just indulging me," mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"Anak..."

Napailing siya. Parang hindi kapani-paniwala ang sinabi ng Mommy niya. Rupert and Sachi? Napatingin siya sa kanyang kamay.

"My ring. Where is my ring?" natatarantang hanap niya.

"It's in my bag. Sandali at kukunin ko."

Nang iabot sa kanya ng ina ang singsing ay kaagad niya iyong isinuot at kinipit sa dibdib.

"Did he give it to you?" tanong ni Evita.

"Yes. This means I'm engaged to him, Mommy."

Tumango lang ang kanyang ina at binigyan siya ng nakakaunawang ngiti.

"Where is my phone?"

"Nasa bahay. Pero ibabalik ko rin sa'yo kapag nakauwi ka na."

"Not my own phone, Mom. Sachi's phone," she started panicking again dahil baka naiwan sa ospital na pinanggalingan niya bago siya nai-transfer.

"Oh, you mean this?" hinila ni Evita ang drawer ng bedside table sa kaliwa niya. Naroroon ang cellphone at jacket ng kanyang nobyo.

"Thank God, it's here," kaagad niyang kinuha ang jacket at niyakap.

"Ipapadala ko sana sa nurse's station ang mga 'yan dahil akala ko may nakaiwang ibang pasyente," paliwanag ng kanyang ina.

Nang i-power on niya ang cellphone ay hindi iyon nabuhay. Mukhang na-drain na ang baterya sa ilang araw na hindi pagkagamit.

"How long have I been unconscious?"

"Almost one week. Pero sa loob ng mga araw na iyon ay ilang beses ka ring nagkamalay. Kaya lang sa tuwing hahanapin mo si Sachi ay nagwawala ka at hindi mapakalma."

Nangilid na naman ang mga luha niya. Ngunit hindi niya hinayaang bumagsak ang mga iyon. Hindi siya magpapatalo sa kahinaan ng loob niya. Hindi puwedeng iyak na lang siya nang iyak sa tuwing maiisip ang kalagayan ng nobyo. Kailangan niyang lakasan ang loob para sa kanyang mag-ama. Kung dinala ni Rupert si Sachi sa ibang bansa, isa lang ang ibig sabihin niyon. May tsansa pang maka-recover ang kanyang nobyo.

"Mom, do you have your power bank with you?" Hihintayin niya ang tawag ni Rupert. Sigurado siyang tatawag ito para bigyan siya ng update sa lagay ni Sachi.

"You know I am not a tech person. Hindi ako nagdadala ng mga ganoong gamit. But I have my phone here. May tatawagan ka ba?" 

Umiling siya, pilit na itinago ang nadaramang panlulumo. Nang bumukas ang pinto ng private suite niya ay pumasok doon si Yaya Magenta. Mabilis na gumuhit ang tuwa sa mukha nito nang makitang gising siya. Maluha-luha pa ito nang lumapit sa kanya.

"Mabuti at kalmado ka na."

"Na-missed kita, Yaya," iniyakap niya ang dalawang braso sa bilugang katawan ng tagapag-alaga.

"Ako rin, hija. Huwag ka ng aalis ng bahay, ha? Aalagaan kita, aalagaan ko kayo ng baby mo."

"Yes, Yaya."

Nakita ni Julianna ang palihim na pagpupunas ng luha ng kanyang ina.

"Mom?"

"B-bakit?"

She opened her arms for a hug. Nakangiti itong lumapit sa kanya.

"I apologize for all the head ache I've caused you and Dad."

"Soon, you are going to be a parent, too. At isa ito sa mga sandaling katatakutan mo kapag ang iyong anak ay natuto ng tumibok ang puso sa isang lalaki. At walang tama o mali kapag puso ang nagpasya. But as a parent, sana maunawaan mo na ginawa lang namin ang sa akala namin ay makabubuti para sa'yo."

"I know, Mom. And I understand, really."

Masuyong  hinagod ng ina ang kanyang buhok.

"Kumusta na si Daddy?" Hindi niya direktang matanong ang ina kung sumilip man lang ba sa kanya ang ama. "Galit pa rin ba siya sa akin?"

"He was in the middle of a very important meeting when Rupert told us about your condition. Hindi siya nagdalawang-isip na iwanan ang meeting na iyon para lang makita ka. Sa tanong mo kung galit pa rin siya, ikaw na ang bahalang magpasya."

"Walang magulang na nakakatiis sa kanyang anak," wika ni Yaya Magenta habang inaayos ang mga pagkaing dala nito.

"Yes," sang-ayon ni Evita. "That's true."

~0~

ROCHESTER, Minnesota.

Matamang pinakikinggan ni Rupert ang paliwanag ng mga espesyalistang tumitingin sa kundisyon ni Sachi. Kung pagsasama-samahin ang diagnosis ng mga ito ay isa lang ang resulta. Sachi will end up in a vegetative state because of the severity of his injuries. Pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang kaawa-awang lagay ng kapatid. Kung anu-anong aparato ang nakakabit dito para mapanatili itong buhay at humihinga.

Nahagod niya ang buhok sa kawalang-magawa. He feels so fucking useless. And it's so damn frustrating. Karamihan ng mga tao, ang akala ay pera ang solusyon sa lahat. Ngunit hindi. Dahil kapag buhay na ang pag-uusapan, kahit gaano ka pa kayaman kung wala ng lunas sa sakit mo, wala ring silbi kahit gaano pa karami ang iyong salapi.

Isang impit na hagulhol ang narinig niya. Nakita niya ang Mama ni Sachi na umiiyak habang tila kinokonsola ito ng lalaking kausap nito--si Ken Sanada, a Filipino-Japanese self-made billionaire. His biological father. Ang amang nag-uugnay sa kanila ni Sachi. Mukhang naipaliwanag na rito ng kanyang ama ang sitwasyon. And Nathalia looks inconsolable. 

Nagpaalam na ang mga doktor. Inihatid ito ni Secretary Hiroyushi sa pinto. Binawi niya ang tingin mula sa pareha at humugot ng malalim na paghinga. Muli niyang pinagmasdan ang kapatid. Nagtiim ang kanyang mga labi nang maisip na malaya pa rin ang taong may kagagawan sa nangyari rito. Magbabayad ito sa kanya.

Lumabas siya sa terrace ng suite at tinawagan ang ama-amahang si Jack Perez.  

"How is the investigation coming along, Dad?" Bungad niya sa tila naalimpungatang tinig sa dulong linya.

Kung hindi siya nagkakamali ay late na ang tawag niya sa mga oras na iyon sa Pilipinas.

"We found him."

"Him?"

"Yes. Rodrigo de Guia."

Hindi niya inaasahan iyon. Ang buong akala niya ay babae ang may kagagawan sa nangyari kay Sachi. Sa katunayan ay may isa siyang prime suspect. Si Cristina. Pero mukhang nagkamali siya.

"He's not yet in custody pero nakalabas na ang order para damputin siya. Matibay ang ebidensya. Akala niya yata ay malinis niyang naisagawa ang krimen. Ang hindi niya alam ay nakunan ng CCTV ang lahat."

"Gawin niyo ang lahat ng magagawa niyo para mabulok sa bilangguan ang lalaking 'yan."

"This will be as easy as pie lalo pa at involve rin siya sa ilang kaso ng paglabag sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot."

"Kung kinakailangang idagdag niyo sa kaso niya ang pinakasimpleng traffic violation para lang tuluyan na siyang mabulok sa kulungan, gawin niyo." 

"Leave everything to me, son. I'll take good care of it. How is he?"

"The prognosis is dismal." 

"Nasabi mo na ba sa kanyang nobya?"

"I don't have the heart to tell her. Muntik na siyang makunan nang marinig niya ang prognosis ng doktor sa Gumaca."

"Well, you have to tell her."

"I will. Soon."

"Rupert?"

"Yes, Dad."

"When the going gets tough, only the powerful Guy up there can make everything get going. I hope you get my drift."

"Prayers."

"Yes. His power is beyond human's imagination. He can make anything happen if He wills it." 

It's been a while since he last prayed. His mother was a fanatic Christian despite being born in a Shinto religion. Isa sa mga paborito nitong parusa sa kanya noon kapag may nagagawa siyang pagkakamali ay ang paluhurin siya sa asin habang nagre-recite ng mga Bible verse.

Napapikit siya nang mariin sa pagguhit ng mga pangit na alaala.

"I have to go. Mukhang nagising na ang Mommy mo at hinahanap ako."

"Tell her I say hi."

"Call her in the morning. She missed you."

"Okay, I will. I love you both."

"Same here, buddy. Bye."

"Bye."

-

kung medyo nalito kayo sa mga pinagsasabi rito ni Rupert basahin niyo na lang ang paliwanag niya sa susunod na chapter :)

frozen_delights

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 90K 45
A Montero falls inlove just once. And He falls madly in love with the woman he will forever cherish and love. He fell inlove with the woman who doesn...
11.1M 361K 62
Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even salt looks like sugar." Tyler Craig Smit...
154K 4.3K 79
The youngest CEO na Queen of pagsusungit na araw-araw papalit-palit ng secretary ngunit takot sa kanyang lola meets the Queen of puno ng confidence n...
31.2K 1.9K 54
Dominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daug...