THE BILLIONARE SON ( COMPLET...

By munchyxxxmunch

3.1K 131 11

"Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory" More

PANIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
Chapter 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
FINAL CHAPTER

CHAPTER 35

27 2 0
By munchyxxxmunch

ERICKSON'S POV

Iniwan ako ni Mica at naglakad paalis at wala naman ako nagawa kundi sundan sya ng tingin.

Galit kaya sya? Pakiramdam ko kasi galit sya. Pero wala naman ako'ng ginagawang masama.

"Tara kumain tayo." Biglang sabat ni Ivon na ngayon nakakapit pa rin sa braso ko.

"Ah--Ano! Kasi hindi ako pwedi eh. May pasok pa ako sa Canteen. Baka hinahanap na ako." - Pagsisinungaling ko sakanya. Sabay tanggal ko ng kamay nya sa braso ko.

Si Ivon ay anak ng mayor, nakilala ko sya dahil madalas mag order ang Mama nya sa canteen at pinapadeliver sa bahay nila. Dahil nga sa dalas na pagpunta punta ko doon naging close kami. Minsan rumaraket din ako kapag kailangan nya ng body guard. Nirerequest nya ako kay Mayor kapag gusto nya maglibot dito sa San Nicolas at sinasamahan ko naman sya. Parang tourist guide ba.

Mabait naman sya yun nga lang spoiled brat. Sympre mayaman eh lalo na spoiled kay Mayor sa tatay nya. Lahat ng gustuhin nasusunod, Solong anak kasi.

Magkasing tanda kami at Sa maynila ito nag aaral at tuwing sembreak lang sya nauwi dito. Hindi ko alam kung bakit sya umuwi ngayon eh hindi pa sem break.

"Babayaran ko nalang ang oras mo. Samahan mo na ako kasi kailangan ko ng body guard ngayon. Dodoblehin ko pa ang bayad sayo." -Ivon.

"Ah kasi----"Napakamot ako sa ulo ko. Paano ko ba sya matatanggihan. ? Naman eh! Hindi ko na tuloy nahatid si Mica nakakahiya sakanya.

"Sige pero saglit lang. Saan ka ba pupunta?" -Tanong ko sakanya na ikinaliwanag ng mukha nya.

"Sa mall.! Tara magshopping tayo!" -Sabay hila nya sa kamay ko ni hindi manlang inantay ang isasagot ko. Wala na nga ako nagawa kundi ang sumunod sakanya.

Sumakay kami sa Van nila at tumungo nga ng mall.

"Bagay ba saakin ito?" Tanong nya saakin habang pinapakita ang mga damit na hawak nya.

"Oo bagay naman sayo kahit ano." Sagot ko nalang.

Kanina pa kami paikot ikot sa mall at ang dami nya ng pinamili. Nahirapan na nga yung body guard nyang isa magbitbit. Ganito siguro ang mga babaeng mayayaman nagtatapon ng pera. Si Mica kaya ganito din mamili? Siguro ganito din kasi pansin ko hindi sya nag uulit ng damit. Fashionista yung dating nya. Napangiti tuloy ako ng maalala ko sya.

"Uy!!" Untag saakin ni Ivon kaya nagising ako sa pagdiday dream.

"Ha?! Bakit??" -Erickson.

"Hindi mo naman ako pinapakinggan eh. Tignan mo yung suot ko? Maganda ba?" -Sabay ikot nya sa harapan ko suot nya yung isang pink dress na hanggang tuhod. Siguro ang cute non kapag si Mica ang nagsuot. Para siguro sya'ng prinsesa.

"Oo. Maganda." -Erickson.

"Talaga?!"-Ivon.

Tumango ako sakanya bilang sagot saka ngumiti.

"Sige bibilhin ko na rin to."- Ivon.

Bumalik na sya sa CR para makapagbihis ulit. Napabuga ako ng hangin, kelan kaya sya matatapos? Gusto ko na kasing umuwi.

Pagkatapos nya bayaran ang mga damit ay lumabas na kami ng botique. Akala ko uuwi na kami pero pumasok pa kami sa isang resto. Tumayo lang ako sa may gilid at napatingin naman sya saakin.

"Anong ginagawa mo?"-Ivon.

"Edi binabantayan ka. Body guard mo ako diba? " -Erickson.

"Aist! Maupo ka nga dito. Hindi ako sanay kumain mag isa kaya sabayan mo ako." -Ivon.

Wala nga ako nagawa kundi sundin ang utos nya at Naupo nga ako sa may katapat nya'ng upuan.

"Bakit ka nga pala umuwi?" -Erickson.

"Bakit masama na ba'ng umuwi sa sarili kong bayan?" -Ivon.

"Hindi naman. Kasi diba pag semestral break ka lang umuuwi eh hindi pa naman sembreak."- Erickson.

"May event sa school at one week yun. Wala naman ako gagawin doon kaya umuwi nalang ako." -Ivon.

"Ah ganon ba." -Ayon nalang ang sinagot ko sakanya.

Habang kumakain kami ay kwento lang sya ng kwento. Um'agree nalang ako sakanya.

"Ito na yung bayad mo." Sabay abot nya saakin ng pera ng maihatid ko sya sa may sasakyan nya

"Hindi na. Pinakain mo na rin naman ako. Okay na yun." -Erickson.

Kinuha nya ang palad ko at nilagay doon ang pera.

"Sabi ko babayaran kita bilang body guard ko. Kunin mo na yan alam kong kailangan mo yan." -Ivon.

Alam nya kasing working student ako.

"Manong akin na yung dalawang puting paper bag." - Utos nya sa driver nya.

"Ito po ma'm" sabay abot ng dalawang paper bag ng driver nya.

"Ito bonus mo."sabay abot nya saakin ng paper bag.

"Para saan naman yan?" -Erickson.

"Wag ka ng maraming tanong kunin mo nalang." -Ivon.

Inabot ko nalang ang paper bag sakanya.

"Salamat. Dapat hindi ka na nag abala." -Erickson.

"Wala yun. Sige mauna na ako." Papasok na sana sya ng sasakyan ngunit nilingon nya ako ulit.

"Nga pala May gagawin ka ba sa sabado? Magpapasama kasi sana ako." -Ivon.

"Ganon ba? Sige walang problema. Saan ba?" -Erickson.

"Sa resort namin." -Ivon.

"Sige. Pupunta nalang ako sa bahay nyo sa sabado." -Erickson.

"Sige. See you." Nakangiti nya'ng sagot.

Nginitian ko nalang sya at tuluyan na syang nagpaalam. Pumara na din ako ng trisicle para makauwi na rin ng bahay.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Llander sa sala nakahiga sa sofa at may kinakain nanaman na chocolate at naglalaro sa fon nya. Biglang napadako ang tingin nya saakin.

"Hey! Bakit ngayon ka lang? Saka bat andami mong dala? Nagshopping ka?" Sunod sunod na tanong nya saakin.

"May raket kasi ako at yung boss ko yung nagbigay saakin nito." Sagot ko naman sakanya at tinaas ko yung paper bag.

"Ano yan? Baka illegal na yan ginagawa mo ha. Isusumbong kita kay nanay." -Llander.

"Anong illegal?! Hindi ah! Sinamahan ko lang ang anak ni mayor. Body guard nya ako!" -Erickson.

"Body guard! Eh Bakit ka nagagalit?! Guilty ka no?! Saka baka hindi ka nagsasabi ng totoo." -Llander.

"Hindi nga sabi eh! Aist!"- Erickson.

Tumayo sya at lumapit saakin.

"Patingin nga ako nito!" Sabay hablot nya sa mga paper bag.

"Aist! Napaka--"  Wala na nga ako nagawa at hinayaan sya tignan ang laman ng paper bag para matigil sya sa pagdududa. Nauna pa sya saakin magbukas ni hindi ko pa nga nakikita ang laman non.

"Ang bait naman ng amo mo at pinamili ka ng damit. Saka-- teka ano to?" -Llander.

Napatingin ako sakanya at nabitawan nya ang paper bag at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang hawak nya.

"Akin na nga yan!" Sabay hablot ko ng swimming trunk sakanya. Naku naman! Bakit naman binilhan ako ni Ivon ng ganito. Yung babaeng yun talaga! Aist!.

"Bakit ka may ganyan? Magbibeach ka? At bakit binigyan ka nya ng ganyan? Siguro macho dancer ka no ? At bigay sayo yan ng customer mo. Isusumbong talaga kita kay nanay. NANAY!!" Sigaw nya na ikinalaki ng mata ko.

"NAN---" Mabilis kong tinakpan ang bibig nya at hinawakan ang dalawa nya kamay at nilagay sa likod para di sya makapalag.

"Asdfghjkl!!" Pilit syang nag iingay at pumapalag.

"Wag ka ngang maingay! Hindi ako macho dancer at mali yan iniisip mo!"- Erickson.

"Bitawan mo a-- asdfghkk!" -Llander.

"Mga anak anong nangyayari sainyo.?" Biglang dating naman ni Nanay.

"Ah haha. Wala nay! Pinapraktis namin ang sa judo."-Erickson.

Bigla nya akong siniko sa tagiliran kaya napangiwi ako pero hindi ko pa rin binibitawan ang bibig nya at kamay nya.

"Akala ko kung ano. Sumisigaw kasi itong si Llander. Teka! Baka hindi na yan makahinga si Llander. Bitawan mo na emboy." -Nanay.

"Ah haha. Hindi okay lang po sya. Sige nay pasok ka na sa kwarto. Susunod na ako"-Erickson.

"Oh sya sige." Naweweirduhan na tugon ni nanay.

Ng makita kong nakapasok na si nanay ay binitiwan ko na sya.

"Hey!!" Galit na singhal nya saakin at pinulot ko na ang paper bag.

"Siraulo ka! Why did you do that ha?! Paano kung namatay ako at hindi ako nakahinga!?"- Llander.

"Ang laswa kasi ng isip mo. Sa tingin mo magagawa kong maging macho dancer.?! " -Erickson.

"Hey! Asan na ang master?!" -Llander

"Pasensya na po Master." Sarcastic kong sagot.

"Aist! Lumayas ka nga sa harapan ko!" -Llander.

"Okay po Master!" Sabay ngiti ko sakanya ng matamis at sinamaan nya naman ako ng tingin.

Nilagpasan ko na sya at tumuloy na ako sa kwarto namin ni Nanay. Pagkapasok ko nakahiga na sya. Nilapitan ko sya at nagmano pagkatapos naupo ako sa tabi nya.

"Ginabi ka yata ngayon anak." -Nanay.

"Ah kasi Nay dumating yung anak ni mayor nagpasama sya saakin sa mall at kinuha nya ulit ako na body guard. " -Erickson.

"Magtatrabaho ka sakanya?" -Nanay.

"Isang linggo lang naman po sya dito kasi bakasyon nya. Habang nandito sya sasamahan ko sya kapag kailangan nya ako. Sayang din naman po yung raket at saka ito nga pala." Sabay dukot ko sa bulsa ko ng perang bigay ni Ivon.

"Idagdag nyo nalang po to dito sa gastusin sa bahay. Nakakahiya naman kay Llander kung hindi tayo magsishare sa gastusin." -Erickson.

Tumango naman sya at napabuntong hininga.

"Sige anak. Basta wag mo naman pagurin ang sarili mo at mag iingat ka lagi. Yaan mo babalik na rin ako sa canteen kasi dapat ako ang naghahanap buhay saatin dalawa. Dapat pag aaral lang ang iniisip mo at hindi ang pagtatrabaho. Paano ka makakapagfocus sa pag aaral nyan?." -Nanay.

Lumapit ako sakanya at inakbayan ko sya.

"Nay, wag nyo ako alalahanin kaya ko naman pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho. Ilang taon ko na yun ginagawa." Saka ako ngumiti sakanya.

"Magpagaling ka nalang muna dito baka bumuka pa yang sugat nyo. Kapag magaling na magaling na kayo saka na kayo bumalik ng canteen."-Erickson.

"Pero anak--"

"Nay, wag na pong makulit. Makinig nalang po kayo saakin. Diba sabi ng doctor bawal pa kayong naggagalaw baka bumuka yung sugat nyo." -Erickson.

"Hay! Sige na nga." -Pagsuko nya.

Napangiti nalang ako at niyakap ko sya at hinalikan sa buhok. Hay! Ang sarap talaga pag kayakap ang nanay.

《 KINABUKASAN 》

"Ano ba ang gusto mo ito o ito? Dali tig isa tayo." Pakita ni Zandy sa cloud 9 at sneaker.

"Hmmm. Bakit kasi magkaiba dapat pareho tayo." - Nakangusong tugon ni Llander.

"Eh wala na kasi. Ito nalang ang natirang chocolate. Edi kung ayaw mo bahala ka ako nalang ang kakain." -Zandy.

"Hindi ito na!" Sabay turo nya sa cloud 9.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naglalandian sa harap namin.

"Hays !"- Erickson.

Adik talaga sa chocolate si Llander. Alam nyo ba na sa bahay andami nya'ng stock na matamis sa ref. May chocolate bar, chucky, Moo, lollipop na chocolate at kung ano pang chocolate. Baka pinaglihi sya sa chocolate ng nanay nya. Buti nga hindi sya kulay brown. Siguro no'ng naglihi ang nanay nya white chocolate ang kinain kaya sya maputi 😂.

Sa totoo lang silang dalawa lang ang nag uusap dahil si Enzo krystal at Yohan ang tahimik. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa mga yan. Panay lang ang sulyapan.

Samantala si Mica naman ayon katabi si Carlo. Nag uusap din sila tungkol sa nabili daw nilang book. Pansin ko din na kanina nya pa ako hindi pinapansin. Hindi ko alam kung galit sya saakin.

Nagkatawanan silang dalawa ni Carlo at pansin ko nga masaya sya dito. Kung sabagay bagay nga silang dalawa. Yung mga kagaya nyang babae ay isang pangarap lang sa isang kagaya ko. Nakaramdam ako ng lungkot hindi ko mawari kung bakit.

"Erickson!"

Natigilan ako dahil sa sumigaw. Kilalang kilala ko ang boses na yun. Anong ginagawa nya dito? Napatingin ako sa mga kasama ko at nakatingin na silang lahat saakin lalo na si Mica.

"Erickson!" Masayang sigaw ulit ni Ivon na nakalapit na sa table namin.

Agad akong tumayo at nilapitan sya saka ko hinawakan ang braso nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Pabulong kong tanong sakanya.

Nagkibit balikat naman sya at pagkatapos ngumiti.

"Nabored ako sa bahay eh saka Gusto ko makita ang school mo." -Ivon.

"Paano ka nakapasok dito?"- Erickson.

"Ano ka ba. Anak ako ng mayor kilala nila ako at bakit hindi nila ako papasukin?" -Ivon.

Oo nga pala nakalimutan ko na anak nga sya ni mayor.

"Wow naman Nerd! Babae na ang naghahanap sayo ngayon. Iba ka rin ah. May palihim ka palang girlfriend."
Kantyaw saakin ni Carlo.

"Hoy! Watch your mouth! Wag mo nga sya tawaging nerd!" -Ivon.

"Oww! Sorry."- Carlo.

"Ah hindi! Hindi ko naman sya girlfriend. Ah-- magkakilala lang kami." - paliwanag ko sa kanila habang nakatingin lang saamin si Mica.

Tumayo si Llander at inakbayan ako saka bumulong.

"Sya ba yung nagbigay sayo ng swimming trunk. ?" -Llander.

"Hindi nga kasi!--" napalakas ang pagkakasabi ko non kaya napatigil ako at ganoon din sila.

"Aist!" Sabay tulak ko sakanya kaya napalayo sya saakin pero nginisian nya ako at bumalik na sa kinauupuan nya at umakbay kay Zandy.

"Mga kaibigan mo sila?" -Ivon.

"Oo kaibigan nya kami." Si zandy na ang sumagot.

"Diba ikaw ang anak ni Mayor?" -krystal.

"Ako nga yun."-Ivon.

"Ah kaya pala pamilyar ka." -Krystal.

"Erickson paupuin mo naman sya." -Zandy.

Napakamot nalang ako sa ulo at pinaghila nga sya ng upuan at pinaupo.

"Anong ginagawa mo dito? Dito ka ba nag aaral?"- Zandy.

"Hindi. Dinalaw ko lang si Erickson. " -Ivon.

"Ah i see. Mukhang close kayo no? Ah oo nga pala ako si Zandy at ito si Llander, Enzo, krystal, Yohan, Carlo at Mica." - Pagpapakilala ni Zandy sa lahat.

"Ah yeah! Nameet ko na si Mica kagabi. Pinakilala sya saakin ni Erickson kagabi. By the way I'm Ivon. Nice to meet you all." -Ivon.

Ngumiti naman sila sakanya pwera kay Mica.

"Nagkasama pala kayo ni Erickson kahapon.?" Tanong ni Carlo kay Mica.

"Ah oo. Nadaanan ko lang sya kahapon accidentally sa may plaza tapos nag usap kami saglit and suddenly she came."- Mica.

"I see. "- Carlo.

"Ah nga pala yung lakad natin sa sabado gusto ko lang iremind ulit baka makalimutan mo." -Ivon.

"Hindi ko makakalimutan yun." -Erickson.

"Saan ba kayo pupunta?" -Enzo.

"Sa beach namin." -Ivon.

"May beach kayo!?"- Enzo.

"Oo! Doon sa may San Simon sa kabilang bayan."- Ivon.

"Wow! Pwedi ba kaming sumama nitong babe ko?" -Sabay akbay nya kay Krystal at napatingin naman dito si Yohan.

"Bakit kayo lang? Sama din kami."- Carlo.

"Wala naman problema. Masaya nga yun kasi madami. Ano sa tingin mo Erickson? Sasama daw mga kaibigan mo." -Ivon.

"Ha? Ah--- Hindi naman ako makakapagdecide non kundi ikaw. Body  gu--"

Nilagay nya ang hintuturo nya sa labi ko.

"Scratch that crap!" -Ivon.

Tinanggal nya na ang daliri nya sa labi ko saka nakangiting humarap sa kanila.

"Sige. Sumama na kayo sa sabado." -Ivon.

"Ayos!" -Carlo.

Excited ang lahat na pinag usapan ang pagpunta sa beach sa darating na sabado pwera kay Mica na tahimik lang kanina pa.

"Mica ayos ka lang ba?" -Zandy.

"Oo naman." Sabay ngiti nya ng pilit.

"Kanina ka pa kasi tahimik."- Zandy.

"Sumama kasi ang pakiramdam ko. Mauna na muna ako sainyo." -Mica.

"Samahan na kita."- Carlo.

Sabay na nga silang tumayo at nagpaalam na aalis na habang Nakatingin lang ako sa upuan na inalisan nya.

Hindi ko mawari kung galit nga sya saakin. Kanina nya pa kasi ako dinideadma.

"Una na din ako. See you on saturday guys." -Ivon.

"Sige. Ingat." -Zandy.

Napabuntong hininga ako ng malalim saka tumayo.

"Ihahatid na kita sa may gate." -Erickson.

"Hmm. Okay."- Ivon.

Nagpaalam na din kami sa kanila at hinatid ko na sya hanggang sa may gate.

YOHAN'S POV

Pauwi na ako ng mapansin ko si krystal na naglalakad mag isa galing school. Himala hindi nya yata kasama ngayon si Enzo. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng motor at nagdahan dahan ng mapalapit sakanya.

Napatingin naman sya saakin pero saglit lang at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uwi ka na?" Tanong ko sakanya habang dahan dahan na pinapatakbo ang motor ko at sinasabayan sya sa paglalakad nya.

"Nakita mo ng naglalakad ako pauwi diba?" -Sarcastic nyang sagot habang hindi pa rin tumitingin saakin.

"Halika ka sumakay ka na." Pag aya ko sakanya.

Tinignan naman nya ako.

"So ngayon nag aaya ka na pasakayin ako sa motor mo. Samantalang dati hindi mo nga ako maalok dahil si Zandy lang ang pweding sumakay jan. AYOKO!"-Krystal.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nya. Tatawid sana sya sa kabilang kalsada ngunit hinarang ko ang motor ko.

"Ay butiki!"-Tili nya dahil sa gulat na baka masagasaan ko sya.

"Ano ba! Sasagasaan mo ba ako?!" -Singhal nya saakin.

Hinubad ko ang helmet ko at hinablot ko ang bag nya.

"Ano bang ginagawa mo!? Akin na nga yan!"sabay agaw nya sa bag nya ngunit tinaas ko ito.

"Sumakay ka na andami mo pang arte eh." -Yohan.

"Hindi ka ba makaintindi sa AYOKO!" -Krystal.

"Eh di hindi mo to makukuha." Sabay suot ko ng helmet at pinaandar ang motor.

"YOHAN!!" Dinig kong sigaw nya.

Huminto ako pagkatapos ni U-Turn ko ulit ang motor ko at binalikan sya na masama na ang tingin saakin.

"Sumakay ka na. Ihahatid lang naman kita eh." -Yohan.

"Fine! Pero pagkahatid mo saakin umalis ka na kaagad!"- Krystal.

"Sige."- Yohan.

Binigay ko sakanya ang extrang helmet at sinuot sakanya.

"Okay ka na ba?"-Yohan.

"Mukha ba akong okay?" Pagtataray nya saakin.

Napabuntong hininga nalang ako at pinasakay na sya saka kami lumarga. Nakahawak sya sa may balikat ko at dahan dahan lang naman ang patakbo ko.

"Ayos ka lang ba jan?" -Sigaw ko sakanya.

"Wag mo na ako tanungin magdrive ka nalang! Mamaya mabangga pa tayo. Ayokong sumama sayo mamatay." -Krystal.

Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Kahit kelan talaga napakabungangera nito.

Itinigil ko ang motor ko sa tapat ng bahay nila at agad syang bumaba at tinanggal ang helmet nya saka binigay saakin at tinalikuran ako.

"Krystal saglit!" Pigil ko sakanya na ikinaharap nya.

"Ano?! Diba sabi ko sayo pagkahatid mo saakin umalis ka na. "-Krystal.

"Ganyan ba talaga katindi ang galit mo saakin dahil lang sa hindi kita gi---"

"Shut up!" Pigil nya sa sasabihin ko.

"Yohan pwedi ba! Wag mo na ulit ulitin. Oo na kasalanan ko na dahil nagkagusto ako sa BESTFRIEND KO! Okay na?! At saka Gusto kong linawin sayo na hindi ako galit sayo. Ayoko lang na nag uusap tayo dahil hindi ako komportable." -Krystal.

"So anong gusto mong gawin ko? Itapon lahat ang pinagsamahan natin? At magkunyaring hindi tayo magkakilala. Krystal naman! Mula bata magkakasama na tayo tapos itatapon mo yun ng ganon ganon lang?! "-Yohan.

"So anong gusto mong gawin ko?! Magpanggap na okay ako kapag magkasama tayo. Tumalon sa tuwa dahil yung lalaking matagal ko ng gusto dinumped ako! Yun ba ang gusto mo?!"-Krystal.

" Mahalaga ka saakin krystal." - Yohan.

"Alam ko yun! Mahalaga ako sayo bilang bestfriend mo! Pero ako! Hindi ganon ang tingin ko sayo kaya mahirap para saakin yun sana naman naiintindihan mo yun!" -Krystal.

Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Ayokong mawala sya saakin. Malalim ang pinagsamahan namin, kaming tatlo. Bakit kasi ako pa ang minahal nya.

"Itatapon mo talaga ang pinagsamahan natin?" -Yohan.

"OO! Kung kinakailangan kalimutan ko ang lahat ng pinagsamahan natin gagawin ko. Makalimutan lang kita!"-Krystal.

Natahimik kaming dalawa at napatingin sya sa ibang direksyon. Hindi ko alam kung umiiyak sya.

"Krystal?"

Napatingin kami sa mama nya na papalapit na saamin galing sa loob ng bahay.

"Ma!" Sabay mano nya kay tita.

"Magandang hapon po Tita Pinky."-Yohan.

"Magandang hapon naman. Nandito ka pala bakit hindi kayo pumasok sa loob?" -Tita Pinky.

"Hindi na Ma! Aalis na si Yohan. Sige na umalis ka na." -Krystal.

"Anak bakit mo naman pinapaalis si Yohan.?" -Tita Pinky.

"Okay lang po. Hinatid ko lang naman po si krystal. Sige ho mauna na ako." - Paalam ko sa mama nya at ngumiti ako ng bahagya.

Sumakay na ako sa motor ko at sinuot ang helmet ko at pinaandar yun. Tinignan ko syang muli ngunit umiwas sya ng tingin. Tuluyan na nga akong lumarga at nilisan ang bahay nila.

SOMEONE'S POV

《 SATURDAY BEACH DAY 》

"Erickson ikaw na ang bahala sa anak ko ha. Kapag may nangyaring masama jan ikaw ang mananagot saakin. " bilin ng mayor.

Nasa bahay sila ng mayor dahil sinundo ni Erickson si Ivon. Sama sama na rin kasi silang pupunta sa beach na pagmamay ari ng mga Montes.

"Babantayan ko po sya ng mabuti wag po kayo mag alala." -Erickson.

"Oo nga naman Dad. Sigurado naman ako na hindi papayagan ni Erickson na may mangyaring masama saakin." Sabay tingin ni Ivon kay Erickson saka ngumiti na ikinainis naman ni Mica.

"Oh sya sige. Alis na kayo." -Mayor.

"Sige po." Paalam ni Erickson.

Sumakay na nga sa iisang Van ang magkakaibigan at hinatid na sila sa beach nina Ivon.

"Wow! Ang ganda naman dito parang Bora lang!" Puri ni Carlo sa lugar.

Inakbayan naman ni Llander si Zandy at napatingin naman sakanya ang dalaga at napangiti.

"Tara na pumunta na muna tayo sa rooms natin. " -Ivon.

Naglakad na nga sila sa hotel na tutuluyan nila at nilagay na muna ang gamit nila sa kani kanilang kwarto pagkatapos lumabas na at tumungo sa may baybayin para maglaro ng Volleyball.

Sa laro hindi sumali si Zandy at taga cheer lamang sya at taga bigay ng puntos dahil nga bawal syang mapagod.

Magkakampi sina Mica, Carlo, Enzo  krystal, at si Erickson, Llander, Ivon at Yohan naman ang magkakampi.  Magaling na manlalaro si Ivon dahil Varsity player ito ng school nila.

Si Enzo ang nagserve at nakuha naman ito ni Llander pagkatapos pinasa nya kay Erickson at tinoss naman ito ni Erickson kay Ivon at si Ivon naman ang nagsmash papunta sa kabila. Umusok yung bola sa may area ni Carlo at dinive nya yun ngunit hindi nya nakuha.

"Yehey!!" Masayang sigaw ni Ivon at tumalon talon silang dalawa ni Erickson na ikinasama ng tingin ni Mica sa dalawa.

"Okay 10-8." Sigaw naman ni Zandy.

"Mahal ang galing ko no?!" Sigaw ni Llander kay Zandy at nagthumbs up naman si zandy sakanya at ngumiti.

"Oy! Taympers muna!" Sigaw ni Llander sa mga kasama nya pagkatapos Tumakbo palapit  sa kinaroroonan ni Zandy saka ngumuso.

"Pakiss naman ako pampagoodluck lang." -Llander.

"Ano ka ba ! Nakakahiya sa kanila. Bumalik ka na nga dun.!"- Zandy.

"Ayoko!" Sabay nagpadyak padyak ng paa si Llander na parang bata.

"Kiss muna." Sabay nguso nya.

Napabuntong hininga naman si Zandy sa kakulitan ng boyfriend nya.

"Kiss mo na si Baby zandy." Kantyaw nina carlo at enzo rito at tumawa sila.

Tinignan naman muna ito ni Zandy pagkatapos mabilis na binigyan nya ng halik si Llander sa labi na ikinangiti nito ng malapad.

"Yieee!! " kantyaw sa kanila ng mga kaibigan nila.

"Sige na bumalik ka na doon!" Pantataboy dito ni Zandy.

"sige. Mamaya ulit." Nakangiting tugon naman ni Llander.

"Wala ng mamaya! Sira ka talaga.!"-Zandy.

Tinawanan lang sya ni Llander at bumalik na ulit sa game.

"Sige game na ako!"-Llander.

"Ayon! Ginanahan na si Master!" -Erickson.

"Ikaw gusto mo rin ba ng pampagana?" -Ivon.

"Ha?" -Erickson.

Hindi sya sinagot  ni Ivon at mabilis na hinalikan sya nito sa lips na ikinabigla ni Erickson.

Napako naman ang tingin sa kanila ni Mica at natigilan naman ang lahat na napatingin nalang sa dalawa na nagkiss.

Nabitawan ni Mica ang bolang hawak nya habang nakatingin sa dalawa na magkalapat ang mga labi.

"Yieeee!!! Binata na si Erickson." Tukso dito ni Llander at humiwalay na si Ivon sa pagkakahalik nya kay Erickson at nginitian nya ito samantala si Erickson shock pa rin.

"Hoy! Gumalaw ka naman!" Panunukso ulit dito ni Llander sabay tulak dito dahilan para mabuhayan ulit ito ng dugo.

"Hahaha. First time yan makahalik ng babae." Tawang tawa sabi ni Enzo.

"Partida babae pa yung nanghalik sakanya. Hahaha." -Carlo.

Nagtawanan ang tatlong lalaki habang kinakantyawan si Erickson na ngayon pulang pula ang mukha. Naiiling naman si Yohan dahil sa pangangantyaw ng tatlo.

Natigil ang pagtawa ng tatlo ng biglang umalis si Mica.

"Mica! Saan ka pupunta?"-tawag dito ni zandy.

Tumigil lang ito sa paglalakad ngunit hindi lumingon.

"Napagod ako sa paglalaro. Ayoko na maglaro. Magpapahinga lang muna ako sa kwarto." At naglakad na nga ito paalis ng hindi manlang lumilingon.

Lumapit naman si Krystal kay Zandy.

"Anong nangyari dun?" -Krystal.

Napakibit balikat naman si Zandy.

"Ewan ko. Baka nga napagod lang sya kasi sobrang init na."-Zandy.

Napakibit balikat nalang din si Krystal at hindi na nila tinuloy ang game dahil kulang na ang miyembro at nawalan na din ng gana ang lahat na maglaro dahil sa pag alis ni Mica.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 1.1K 5
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
6.3M 170K 65
Inspired by Mom at 16 MOVIE ..
80.9K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.