SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (C...

By khelielove

778K 20.7K 4.5K

LISTEN... Do you wanna know a big secret? Do you promise not to tell? Let's see... Discover the secr... More

T E A S E R
P R O L O G U E
S.U. 1 Getting Ready
S.U. 2 Finalizing Everything
S.U. 3 The Decision
S.U. 4 Knowing Everyone
S.U. 5 The Top 2
S.U. 6 Marketing Project
S.U. 8 Family Picture
S.U. 9 Kilig for the First Time
S.U.10 The Prince Move
S.U. 11 Jealous Mode
S.U. 12 Rule #1
S.U. 13 Guidance & Dean's Office
S.U. 14 Changes
S.U. 15 Worrying Part
S.U. 16 Marketing Event
S.U. 17 The Winner
S.U. 18 Houston Corporation
S.U. 19 The Truth
S.U. 20 Musical box
S.U. 21 Friends
S.U. 22 Like a candle
S.U. 23 Missing Hailey
S.U. 24 Motor Accident
S.U. 25 The Two Leaders
S.U. 26 John Tino
S.U. 27 First Adventure
S.U. 28 Aphotic Dread, a secret friend
S.U. 29 The Gertler
S.U. 30 Finding the Felon
S.U. 31 Saving the child
S.U. 32 The Boss
S.U. 33 A normal feeling of being a HUMAN
S.U. 34 Back to School
S.U. 35 Christmas for a Cause
S.U. 36 Battle of the Bands
SECRETS
You are INVITED!!!
S.U. 37 Campus Masquerade Ball Party
S.U. 38 Masquerade Dance Party
S.U. 39 Dark Night
S.U. 40 The Life of the Two Leader
S.U. 41 The Unexpected Visitor
S.U. 42 Another Secret
S.U. 43 Unbelievable
S.U. 43 A Traitor or Not?
S.U. 44 The other side
S.U. 45 Who are you?
S.U. 46 Her Heart
Make your VOICE count!
S.U. 47 His Heart
S.U. 48 The Final Plan
S.U. 49 Chen's Family
S.U. 50 Chen's Thanksgiving Party
S.U. 51 A best friends Attack
S.U. 52 The Final Battle
EPILOGUE
Thank YOU!
LIST OF CHARACTERS
Update

S.U. 7 New Faces

14.2K 467 148
By khelielove

CHAPTER 7

THIRD PERSON'S POV

"How's everything?"

"Mrs. Sandberg, may mga impormasyon pa rin po akong hindi makuha," malumanay na sagot ni Mr. Ocampo.

Napailing si Mrs. Heidy. Nahihirapan silang makakuha ng impormasyon sa pagkamatay ni Mr. Westly noon pa man. Pero naniniwala sila na kahit ano pang tago ng kalaban, makikita at malalaman nila kung sino ang mga ito.

"Even the ownership of Skrivena University, the details are very private. No one's cooperating with me," dagdag ni Mr. Ocampo.

Sa ngayon ay wala pang nababalitaan si Mrs. Heidy na may nangyaring hindi maganda sa loob ng Skrivena University subalit hindi pa rin siya mapanatag dahil baka tinatago lamang ng paaralan ang mga gano'ng pangyayari.

"How about the Gertler's?"

"May impormasyon na ako ng mga investments nila, pati ang lokasyon nila at madalas nilang puntahan. Kung may bagong detalye ulit akong makuha, babalitaan kita agad Ma'am."

Pakiramdam ni Mrs. Heidy ay naging mabagal ngayon si Mr. Ocampo. Dati ay mabilis nitong nagagawa ang mga pinag-uutos niya. Pero ngayon... inaabot ng ilang buwan ang pagkuha ng ibang impormasyon.

"Okay, you may go. Please update me asap. Thanks!"

Lumabas na ng silid si Mr. Ocampo at nasalubong nito si Hailey.

"Good afternoon Mr. Ocampo!"

"Good afternoon Ma'am Hailey."

Mabilis na lumapit sa upuan ni Mrs. Heidy ang kanyang anak.

"Goede Middag sweety!" (Good afternoon)

"Ik mis je mommy," (I miss you) wika ni Hailey. Umupo siya sa tapat ng kanyang ina. "Mommy, may project kami sa school. It's marketing thingy. Het is makkelijk (it's easy), but I'm havi—"

Naputol ang sasabihin ng dalaga. Napaisip siya kung itutuloy niya pang sabihin ang bagay na bumabagabag sa kanyang kalooban. Nahihiya siya dahil tungkol iyon sa isang lalaki.

"Look sweety, I will help you. What exactly do you need?"

Napabuga ng hangin ang dalaga. Hindi agad siya nakapagsalita dahil nagdadalawang isip siya.

"Ugh! No mom, I mean... I'm having a tough time with my partner in that project. He is so arrogant, irritating and super haughty!"

Umikot ang mga mata ni Hailey habang nagsasalita.

"So your partner is a guy. Sweety, ganyan talaga ang ibang mga lalaki. Ganyan din ang daddy mo no'ng nakilala ko siya, masungit at maangas. Pero malalambing ang mga lalaking ganyan base sa naranasan ko. Your dad is one of a kind. He's so sweet and handsome."

Lumawak ang ngiti sa mukha ng dalaga. Nagningning din ang kanyang mga mata dahil nakita niyang umaliwalas ang mukha ng ina. Masaya talagang balikan ang magagandang alaala.

"Grabe mommy kinikilig-kilig ka pa!"

"All I want to say... just cooperate with him and somehow you'll find a good part wherein both of you will complement. And everything will flow into place."

Natawa si Hailey sa kanyang narinig. Hindi pumasok sa kanyang isipan na magiging okay sila parehas ni Caiden. Sa pagkakakilala niya sa lalaking iyon, hindi talaga sila magkakasundo.

"Huwag mo po kami ikumpara sa inyo ni daddy. We will never be okay. He is different, undeniably dissimilar among the others because of his rude arrogance!"

"Je ziet er defensief," (You look defensive) biglang sambit ni Mrs. Heidy habang pangiti-ngiti.

Alam nitong hindi pa nagkakaroon ng kasintahan ang kanyang anak. At ang problema ngayon ni Hailey sa isang lalaki ay mukhang malayo pa ang mararating.

"Mom! I'm not, duh!"

Umismid si Mrs. Heidy at palihim na napapangiti. "Okay, ano bang maitutulong ko sa problema mo? Gusto mo bang palitan ang partner mo, gusto mo bang kausapin ko?"

Ilang beses na umiling ang dalaga. "No, no, no huwag mo 'yun gagawin mommy. Baka kung ano ang sabihin niya sa akin. Wala ka pong dapat gawin, nakakainis lang talaga siya at nakakapikon."

"Be brave sweety, you can handle him. Makukuha rin ninyo ang ugali ng isa't isa. Sige ikwento mo sa akin 'yang project ninyo. Bibigyan kita ng mga payo. Is it prima met je?" (Is it fine with you?)

"Ja mama, ik hou van jou!" (Yes mommy, I love you!)

Naalala ni Hailey ang mga nangyari no'ng isang araw. Nang matapos ang huling klase nila ay nagpunta muna siya sa cafeteria para bumili ng mirienda. Naunang umuwi ang kanyang mga kaibigan na sina Aviana at Aubrille. Hindi niya naman makita si Knox kaya mag-isa lang siya sa mga oras na iyon.

Balak niyang dumaan sa man-made lake sa likod ng Octagon plaza ng Unibersidad para magpahinga sandali. Ilang beses na siyang pumupunta roon bago umuwi dahil maganda ang lugar at kahit papaano ay naiibsan ang bigat sa kanyang dibdib.

Lagi siyang natutulala sa klase kapag umaagaw sa kanyang atensyon ang natanggap na larawan ng ina mula sa hindi kilalang tao. Wala pa siyang sinasabihang iba tungkol doon at hindi niya rin alam kung papaano sasabihin. Simula no'n ay hindi na siya napapanatag, mas madalas na siyang nag-aalala sa sitwasyon ng kanyang ina.

Nawala sa isip ni Hailey ang natanggap niyang mensahe sa hindi kilalang tao na pinapupunta siya sa likuran ng Octagon plaza dahil ayaw niya naman iyon puntahan, hindi siya interesado. Gusto niyang umiwas sa mga taong hindi niya kilala subalit may misyon siya. Kailangan niyang kilalanin ang lahat na pilit pumapasok sa buhay nila.

Maayos siyang nakarating sa man-made lake. Dumaan siya sa likuran ng Octagon plaza dahil iyon ang pinaka-shot-cut na daan. Umupo siya sa isang bench doon katapat ng malawak na lawa na may mga puting bibe sa paligid. Napalilibutan ang lugar ng naglalakihang mga puno at halaman na alagang-alaga ng paaralan. Tahimik ang paligid dahil malayo ito sa mga gusali ng paaralan.

Kumurba ang kanyang labi at sumilay ang maganda niyang ngiti. Hawak ang kanyang telepono ay sinimulan niyang kuhanan ng larawan ang mga bibe. Nakisabay sa kanyang masayang pakiramdam ang pag-ihip ng sariwang hangin na nanuot sa kanyang mga balat.

Ilang sandali pa ang nilagi niya roon bago tuluyang naisipang umuwi. Habang siya'y naglalakad pabalik sa may Octagon plaza ay narinig niya ang ilang boses na mula sa kalalakihan.

"Where the hell is she?"

"Kalma ka lang Lourd, babae 'yun... matagal talaga sila."

"Fvck! She's wasting my expensive time!"

"Kami na lang ang maghihintay sa kanya, kami na ang bahala."

"Umuwi ka na Lourd Cai Cai, alam naming hindi ka sanay sa hintayan."

Hindi na tumigil katatawa ang mga kalalakihan. Habang papalapit si Hailey sa may Octagon plaza ay mas nagiging klaro ang naririnig niya.

"Mga tol, huwag ninyo asarin. Lourd sexy ba? Maganda ba?"

"Fvck! I'll kill you!"

"Yown you'll be dead! Hindi na namin makikita ang baduy mong mukha Zaid Kiah!"

"Mga tol tama na, baka seryosohin ni Lourd kawawa naman ang mga girls ko."

"Shut up!"

Kasalukuyan nang naglalakad si Hailey sa likuran ng Octagon plaza nang may narinig siyang pamilyar na boses.

"Shit, that's her!"

"Cool lang boss! Tawagin namin."

"Miss, miss excuse us!"

Narinig agad ng dalaga ang pagtawag ng mga kalalakihan pero ayaw niyang lumingon kahit pa may hinala siyang siya ang tinatawag ng mga iyon. Ayaw niyang tumingin, sa halip ay mas binilisan niyang maglakad.

"Shit! Bakit hindi siya lumingon?"

"Teka Lourd, ano nga ulit ang pangalan niya? Ay, tanda ko na... Hailey!"

"Hailey, Hailey, saglit lang..."

Huminto ang dalaga. Dahan-dahan niyang kinapa sa gilid ng suot niyang pantalon ang safety knife. Hindi siya sigurado kung kilala niya ang mga kalalakihang iyon. Hindi pa rin siya gumagalaw, nakiramdam muna siya habang naglalakad palapit sa kanya ang mga ito.

Nagbilang siya ng tatlo bago niya naisipang tumakbo.

"Miss teka lang! Huwag kang tumakbo, Miss Hailey wait!"

Tumakbo na rin ang mga kalalakihan para sundan siya. Lalong kumalabog ang puso ng dalaga. Hindi niya inaasahang may mangyayaring ganito... hindi pa siya handa.

"Fvck, she's very annoying!"

Tumigil sa pagtakbo si Hailey habang naghahabol ng hininga. Ang malakas na sigaw, ang boses na 'yun... kilala niya kung kanino galing iyon. Hindi siya puwedeng magkamali, sigurado siya.

Lumunok siya at huminga nang malalim. Dahan-dahan niyang pinihit ang katawan patalikod, para makita ang mukha ng mga lalaking sumusunod sa kanya.

"Miss pinapatawag ka ni Lourd Caiden," sigaw nila.

Bumungad kay Hailey ang tatlong lalaki. Pareparehas silang naghahabol ng hininga. Nang tumingin siya sa likuran ng mga iyon ay natanaw niya sa hindi kalayuan si Caiden. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya at nakapamewang pa katabi ng isang lalaking nakasandal sa puno habang nagbabasa ng libro.

Mabilis na naglakad si Caiden habang ang mga kamay nito ay ipinasok sa magkabilang bulsa ng pantalon.

"Hey you! Where the hell have you been? I've been waiting for you for an hour or two!" malakas na sigaw ni Caiden nang makalapit sa kanila.

Sandaling napaisip ang dalaga. Sa pagkakaalam niya ay wala silang usapan ng binata na magkikita sila. Isa pa ay buong araw silang hindi nag-iimikan tapos iyon ang bubungad sa kanya? Nagbibiro ba ito?

"I went to the deepest part of hell where you are residing! And excuse me Mr. Smug, did I instruct you to wait for me here? You did not even inform me about this. Most of all, you're not even my friend for Pete's sake! So what is this?" sigaw din ni Hailey. Lalong namula ang mukha niya dahil nagsimula na namang kumulo ang kanyang dugo.

Laging naiiba ang kanyang aura sa tuwing makikita si Caiden. Para sa kanya, ang lalaking ito ay walang modo kaya ayaw din niyang pakitaan ng respeto.

"Wooh! Barado si Lourd for the first time!"

"Panis!"

"The smuggish guy! Yown!"

"May nakasigaw ng babae sa kanya!"

"Celebrate! Celebrate! Celebrate!"

Nagsigawan ang mga kalalakihan. Natulala sila kanina pero ngayon ay nakabawi na sa nasaksihan. Napahanga agad sila sa tapang ni Hailey. Makikitaan na wala siyang takot lalo na kay Caiden na bihira nilang masaksihan sa ibang babae.

Kadalasan kasi sa mga kababaihan, kapag nakita na sila ay kikiligin na agad at parang mga lintang palilibutan sila. Pero iba ang sitwasyon ngayon, isang babae ang may lakas ng loob na kausapin ng tahasan ang kanilang pinuno.

"Shut up! Do you hear me? Zip your fvcking mouth!" sigaw ni Caiden sa mga kaibigan.

Mabilis na tumahimik ang mga ito pero palihim pa rin silang napapangiti. Lumingon si Caiden sa dalaga at tinitigan ito sa mga mata.

"I texted you earlier and fvck it's all about our project!"

Agad na natawa si Hailey. Samantalang ang iba ay kumunot ang noo at nagtinginan pa. Paano nga naman niya malalaman kung wala namang sinabi sa text. Hindi naman siya manghuhula para hulaan ang plano ng binata.

"You sent a message to me? Ikaw pala 'yun! Wala ka man lang nilagay na pangalan sa text mo. Besides you did not mentioned that it is all about the project. How would I know that? Sige nga?"

Ilang segundo ang lumipas nang kainin ng katahimikan ang paligid. Hindi na umimik si Caiden dahil napagtanto nitong may mali ito roon. Tumalikod na lang ito at mabilis na naglakad palayo.

"Bastos! Walang good moral at right conduct!" sigaw ng dalaga subalit dirediretso pa rin sa paglalakad ang binata. "Hoy bakit bigla-bigla ka na lang aalis? Sagutin mo ako! Kakasabi mo pa lang kanina na hinintay mo ako tapos ngayon iiwanan mo ko?" dagdag niya.

"Fvck! Idiot!" tanging narinig ni Hailey bago tuluyang nakalayo si Caiden sa kanila.

Napasabunot sa buhok ang dalaga at ilang beses pa siyang sumigaw sa sobrang inis. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa papaliit na imahe ng binata.

"Miss Hailey you're the best, nagawa mo 'yun kay Lourd! Alam mo bang wala pang sumigaw sa kanyang babae?" wika ng isang lalaki.

Lumingon sa kanya si Hailey. "Really? He deserved it anyway!"

Bumalik ang tingin niya sa dinaanan ni Caiden. Hindi pa rin siya mapanatag, lalong bumigat ang kanyang dibdib. Uminit din ang pakiramdam niya na para bang gusto niya ulit sigawan ang binata at ibuhos doon ang lahat ng inis.

"Gang mate pala kami ni Caiden, kami ang Aphotic Dread ang kilalang hearthrob at sikat na banda rito," sabi ng isang lalaking nakasumbrero.

Lumapit ang isa kay Hailey at nilahad ang kanyang kamay. "Hi dear, I'm Zaid Kiah Nisanov I'm nice and cool. Ako lang ang lagi mong kakausapin ha. Hindi kasi matitino ang mga ito." Tinuro nito ang kanyang mga kasama sabay tumawa nang nakaloloko.

Nakipagkamay si Hailey pero hindi siya ngumiti.

"King Sean Ziff, the protector of the gang," wika ng isa.

"I'm Jia Wang Wei, the only handsome and gentleman here," sambit ng isa sabay kindat sa kanya. Hinalikan nito ang kanyang kamay.

Tulad kanina, hindi pa rin siya ngumiti. Hindi dahil sa ayaw niya makipagkilala, kundi dahil masyadong nasapawan ng inis ang kanyang emosyon.

Napasulyap si Hailey sa isang lalaki na hanggang ngayon ay nandoon pa rin nakasandal sa puno at nagbabasa ng libro.

"Siya ba? He is Braxly Yueting the nerd one!" sambit ni Zaid.

Sabay-sabay silang nagtawanan habang pinagmamasdan si Braxly. Pero tila wala itong naririnig dahil abala pa rin sa pagbabasa.

"Miss Hailey, hinabilin ka sa amin ni Lourd. Tungkol ito sa project ninyo, pwede ka bang sumama sa amin?" sabi ni King Sean.

Napataas ang kilay ng dalaga. Kakakilala niya pa lang sa mga ito kaya sa ngayon ay wala pa siyang tiwala.

"Don't worry my loves, safe ka sa amin. Wala kaming gagawing masama sa 'yo, kaya 'wag kang matakot... pangako," pangangatwiran ni Jia Wang.

Napansin nila na bahagyang nag-alangan ang dalaga. Hindi nila masisisi si Hailey, ngayon lang sila nagkakilala.

"Guys sorry, hindi puwede. Bukod sa biglaan ay may importante akong gagawin. Is it okay if this coming weekend? Ano bang gagawin natin?"

Naisip ng dalaga na puwede niya isama ang kanyang mga bodyguards kung sakali man at magsasaliksik pa siya tungkol sa pamilya ng mga ito. Ayaw niya muna ngayon dahil naiba na ang kanyang mood.

"Okay. Sa Saturday na lang, ituro raw namin sa 'yo ang mga musical instrument at pipili kayo ng ibebenta," pagsang-ayon ni Zaid Kiah.

"Nice to meet you guys, I'll go ahead. Thank you! It's nice to know that you're different to Mr. Smug," sabi ng dalaga.

Napatawa na naman ang lahat. Natutuwa sila tuwing may nang-aasar kay Caiden. Minsan ay pinagti-trip-an kasi nila iyon sa pagiging seryoso masyado sa buhay.

"Ang cute mo! Sana'y maging kaibigan ka namin. Ano nga pa lang number mo?" singit ni Jia Wang.

"Hala pumoporma na agad, lagot ka kay Lourd Cai Cai!" biro ni Zaid.

Sa pagkakataong ito ay napangiti na ang dalaga. Lalo niyang nakita ang pagiging makulit ng grupo nila at hindi maitatangging magaan kasama.

"This is my number. Please contact me okay. I want to know the location and time on Saturday meet-up. Thank you so much." Inabot ni Hailey ang kanyang calling card kay Jia.

"Okay salamat din! Ingat ka," paalam nila Jia.

Naglakad na si Hailey at sinundan ang daan pabalik. Bago pa man siya makalayo ay ibinalik niya ang kanyang tingin sa Aphotic dread. Nang makita niyang nakatingin din sa kanya ang mga ito ay agad siyang kumaway. "By the way, yes we can be friends."

Ngumiti ang dalaga at muling naglakad sa tinatahak niyang daan.

Samantala... hindi napansin ni Hailey na si Knox ay nasa Octagon plaza rin. Tuwing naririnig ng dalaga ang tilian ng maraming babae ay hindi na siya nag-aabalang lumingon pa dahil alam niyang isa lang 'yun sa Orphic Braw o Aphotic dread.

Kasalukuyang nagtitipon-tipon sa Octagon ang grupo ng kababaihan. Sinadya iyong puntahan ni Knox para kausapin sila. Habang papalapit ang binata ay puro sigawan na naman ang maririnig sa paligid.

"Nandito si Prince girls waaah!"

"Oh my gosh!"

"He's so handsome!"

"Why so cute, Prince?"

Huminto si Knox sa gitna nilang lahat. Hindi niya binigyan ng kahit kaunting ngiti ang mga babaeng halos mahimatay na sa pagwawala. Madami siyang fans dahil sa pagiging malambing niya. Pero minsan ay naririndi na rin sa mga ito si Knox. Makukulit kasi ang karamihan sa kanila na halos naaabala na ang kanyang araw-araw na ginagawa.

"Quite!" sigaw niya.

Namumula si Knox. Kitang-kita rin ang pagngitngit ng kanyang mga ngipin at matatalim na tingin. Natigilan ang karamihan at kumunot ang noo ng ilan. Ngayon lang nila nakita ang kanilang Prinsipeng ganito. Galit, inis... wala sa mood.

"Listen to me carefully. I just want to warn all of you, don't you ever try to make unnecessary actions towards Hailey Zoe Sandberg or else you will be expelled in this University! I will make your life a wretched one and you will never experience happiness anymore!" sigaw niya na lalong nagpatulala sa mga babae.

Isang pagbabanta ang narinig nilang lahat na nagpanginig sa kanilang mga tuhod. Karamihan kasi sa mga babaeng ito ay si Hailey ang ginagawang topic sa tsismisan. Ang iba ay sinisiraan ang dalaga at ikinakalat ang hindi magagandang balita tungkol dito.

"Do you understand?"

Halos lahat ay tumango. Kahit labag sa loob nila, kailangan nilang sumunod kay Knox. Isa ang binata sa sinusunod ng mga estudyante sa paaralan dahil halos lahat ng sinasabi nito ay tinototoo.

Napuno na rin kasi siya sa maya't mayang tsismisan laban kay Hailey. Ayaw niyang mapapahamak ang dalaga, ayaw niyang maging laman ito ng balita sa buong paaralan dahil wala namang ginagawang masama ang dalaga sa kanila.

Walang pakialam si Knox kung mag-iba ang tingin ng lahat sa ginawa niya ngayon. Kung mawalan man siya ng taga hanga ay wala lang 'yun sa kanya. Hindi kawalan ang mga babaeng nababaliw sa kanya.

Nangako si Knox sa ina ni Hailey na poprotektahan niya ang dalaga. Tutulong siya sa kahit na anong kailangan ng mga Sandberg. Nasaksihan niya kasi kung paano madurog ang puso ni Mrs. Heidy nang mamatay si Mr. Westly dahil madalas itong pumupunta sa kanila noon.

Ayaw din niyang madagdagan ang problema si Hailey lalo na ngayon na naghahanap pa rin ito ng kalinga mula isang ama.

"I'm willing to protect her! So watch your actions starting today!" huling sabi ng binata bago niya iniwan ang mga kababaihan.

Miss na niya si Hailey. Buong araw niya itong hindi nakita dahil naging abala siya kanina. Hindi umaalis sa kanyang isipan ang dalaga anumang araw at oras. Masayang-masaya siya sa tuwing kasama ito. Hindi nga nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi kapag nakikita niya ang dalaga. Unti-unti na siyang nahuhulog dito nang hindi niya sinasadya.

Pero tulad ng nararamdaman niyang inis sa mga kababaihan. Mas inis siya... mas galit siya sa pagkakataon dahil sa dinami-dami ng puwedeng maging kaklase ni Hailey ay si Caiden pa ang ka-section nito. Ang lalaking sagad hanggang buto ang galit niya. Ang lalaking kailanman ay hindi niya makakasundo.

Para sa kanya, hindi puwedeng maging magkaibigan sina Hailey at Caiden dahil aalma siya. Hinding-hindi niya hahayaang mangyari 'yun dahil kapag nagkataon ay baka bumalik ang madilim na nakaraan. Ang kadilimang gumulo sa paaralan noon!

E N D  O F C H A P T E R  7

Edited April 15, 2017

HAPPY READING!!!

Please drop down your comments, hit like and share this story.

Maraming salamat po sa pagsuporta. luv yah!

-Ms. K

Let's have a chitchat... follow me here:

Makipagkulitan at mag-share ng mga opinyon at kung ano-ano pa! Join us!
✍FB Group:
Skrivena University Group
✍FB Page:
Khelielove's Stories
✍FB Accnt:
Khelielove WP
✍Twitter:
Khelielove
✍Instagram:
mjkhelie

Continue Reading

You'll Also Like

39.6K 1.2K 11
May isang babaeng ubod ng tapang at lakas. Hindi siya normal na babae dahil kung kumilos ay parang lalaki. Siya ang kumupkop sa akin at ang aking tag...
7.5M 381K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
35.7K 1.1K 23
Welcome to the new world.