Two Different Worlds (2DW)

By mercedarianne

62.2K 338 157

Akala ko sa pelikula lang may ganito. Hindi lang langit at lupa ang magkaibang mundo. Kundi ang trabaho o pro... More

Two Different Worlds --- PROLOGUE
Chapter 1: Welcome Home To Myself
Chapter 2: Who cares?
Chapter 3: Ruined Monday Morning!
Chapter 4: Oh My..
Chapter 5: Seatmate
Chapter 6: Lance Clyde Collins
Chapter 7: Ice Cream Planet
Chapter 8: Crush?
Chapter 9: Best GirlFriend?!
Chapter 10: BFF
Chapter 11: Estofado
Chapter 12: Being a Secret Agent
Chapter 13: Cousin JJ
Chapter 14: Salu-salo
Chapter 15: Mission with Agent X44
Chapter 16: Alilang Kim/Rian
Chapter 17: Childhood Bestfriend
Chapter 18: Old School
Chapter 19: Mission Accomplished
Chapter 20: PGC
Chapter 21: Food Trip
Chapter 22: Habulan sa Star City
Chapter 23: Confession (ChrIvy)
Chapter 24: The Consequence
Chapter 25: Corniest Group Ever
Chapter 26: New Mission
Chapter 27: Rule #1!
Chapter 28: Drugs
Chapter 29: His Sadness
Chapter 30: Baby sitter
Chapter 31: Trespasser
Chapter 32: The Payment
Chapter 33: Being Bad Is Good
Chapter 34: Inside the Envelope
Chapter 35: Clarifying
Chapter 36: The Search
Chapter 37: He Cares
Chapter 38: Her First
Chapter 39: Not Jealous
Chapter 40: Diamond's Inc.
Chapter 42: Rain Zander
Chapter 43: WATCH
Chapter 44: A Question
Chapter 45: Broken
Chapter 46: Best advisers
Chapter 47: He's Back
Chapter 48: The Breaker
Chapter 49: The Top One Agent: Agent Crown
Chapter 50: Meeting His Grandmother

Chapter 41: Unexpected Someone

361 4 0
By mercedarianne

Chapter 41: Unexpected Someone

 

Rian's POV

 

Nakapagpalit na ako pero hindi pa ako kumakain. Hindi ako makakain sa sobrang pag-iisip. Hindi ko alam kung ano na'ng gagawin ko.

Una, paano ako makakatakas dito?

Hindi pwedeng malaman ng publiko kung sino ako. Matutukoy ang identity ko nito pagnagkataon.

Mga sakim ang mga kalaban ko. Lahat ng mga mahal ko sa buhay, idadamay nila. Ayokong mangyari 'yun. One nemesis is enough.

Pangalawa, yung taong tumalon sa building na sobrang nakakakilabot. Tao pa ba 'yun? Malamang, pinapanood ako nung taong 'yun. Nasa malapit lang siya. I can sense that.

May nakita akong tatlong photo frame sa di-kalayuang shelf. Lalapitan ko na sana 'yun kaso may biglang kumatok.

"Rian.." Nandito na pala si Lance. Nagpalit na siya ng damit. But this time, naka business attire siya.

Hindi ko na tiningnan yung mga frames. Sa halip, lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa side ng table niya. Ipinatong ko yung dalawang kamay ko sa table para ipahinga.

Naupo siya sa kanyang swivel chair at nag-isip nang malalim. OMG, bakit... sobrang manly niya sa attire niya? Ang gwapo niya nga!

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong niya sakin. Nakatingin siya sa pagkaing nasa tray na hindi ko pa ginagalaw.

 "H-ha?" OMG! Get a grip, Rian!

"Hindi ako makakain. Ikaw, kumain ka na?"

"Well, yeah. But you need to eat. The Presscon will start this evening. You still have time to rest." Hinawakan niya yung kamay ko at pinisil ang mga ito. Parang nakaback hug tuloy ako sa kanya. "I'll do everything to protect you."

Protect me. Yeah. But I want to protect you too from my enemies. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa mga malalapit sa akin ng dahil sa pagkilala sa akin.

Hindi rin maaaring sabihin ko sa kanya yung trabaho ko as Agent. Baka, matakot siya sa akin at isiping mamamatay-tao ako. Ayokong may matakot sa akin pwera na lang sa mga kalaban ko.

Kailangan ko nang umalis. Gusto kong hanapin yung lalaking 'yun.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan kung ilang minuto niyang hawak yung kamay ko. Binawi ko sa kanya yung kamay ko kinuha ang kubyertos para kumain. Kailangan kong makaalis dito.

Sa loob-loob ko, humihingi na ako ng patawad sa gagawin kong pag-iwan sa kanya. Bahala na.

Kahit na ilang akong kumain dahil nanonood siya, binilisan ko na lang ang paglamon. Pupunta pa ako sa bahay para ihanda yung mga baril ko. Isa lang yung dala ko. Kulang din yung mga bala. Hindi pa kasi ako nabibigyan ng panibagong tranquilizers kaya hihingi ako sa HQ.

"About sa sasabihin ko mamaya, I'll tell them that you are my girlfriend." Seryosong sabi niya.

I choked so he gave me the water.

"Ano?! Gusto mo bang masiraan ako ng bait kapag nagdagdag yung mga nega na 'yan?!"

"Rian, kung hindi ko sasabihin, they'll seek for that person's face. Mas mabuti na'ng ipakilala ko sa kanila yung babaeng nasa picture kaysa manghula sila kung ano'ng hitsura nito. Ayoko na matulad sila sa aking nagkamali ng hinala katulad ng nangyari sa condo ko."

Naalala ko tuloy si Yumi Malandi. Ano na kayang nangyari 'dun? Napahiya? Umiyak? Binully? Nakick-out? Hahaha. Bakit masama yung pumapasok sa isip ko?

"Well, yeah. You have a point there. Pero, bakit girlfriend? Bakit hindi pwedeng friends lang, o kaya staff mo ako. Bakit girlfriend?"

Hindi sa ayokong malagyan ng label pero, ayoko talaga. Hindi ko nga matukoy kung friends or enemies kami eh. Maybe we're frenemies.

"Why, don't you want it? The title of 'Lance Clyde Collin's girlfriend'?" His one brow raised up.

"Sinong maysabing gusto ko 'yun? As if patay na patay ako sa'yo. Duh."

I took a bite at the fried chicken. Feeling naman nito. Psh.

"Why are you different from the other girls? They want that title. I'm giving you that, but you rejected it?" Lumapit yung mukha niya sa akin at tinitigan akong may chicken pa na nakakagat sa bibig ko.

Ibinaba ko yung fried chicken at nagpoker face.

" As you've said, I'm different. I'm no 'other'. At bakit tayo magsisinungaling? Dahil ba 'showbiz' ang mundo mo kaya dapat magaling ka'ng magsinungaling?"

Malabo ba 'tong kausap? Hindi niya ako fan para magustuhan yung title na 'yun. Para saan? Popularity? I have that popularity in my world. Every criminals-- even the high-profiled criminals know my ability. No need for that popularity thing in this world.

Inilayo na niya yung mukha niya sakin at itinalikod yung kanyang sarili. I heard him sighed.

"It's not like that. Hindi ko inaalala ang image ko as a 'star'. I want to protect you from them. Gusto ko na ipakilala kita sa kanila para hindi ka nila magalaw. Naisip ko na itago kita pero, hindi ko kayang mapahamak ka sa akin dahil sa mga sasaeng fans. Magaling silang magresearch about their idols. Kahit na mabroken hearted sila at mawalan ng pagmamahal sa akin, okay lang. I'll be here to protect you, no matter what."

I was speechless at that sentences. Wala siyang pakielam sa mga taong nagmamahal sa kanya kundi sa taong pinoprotektahan niya. Why is he like this? Maraming nagmamahal sa kanya. Dapat pahalagahan niya 'yun. Bakit ba ganito kakomplikado kapag showbiz?

Sabagay, kapag naging Agent ka, kailangan mo'ng isuko ang pag-ibig mo, maprotektahan lang ang minamahal mo. Mabuti nga si Kuya King or the so-called Agent X44, Agent din yung kanyang girlfriend. Swerte niya't mabait at maganda yung girlfriend niya.

Sa sobrang kakaisip ko, napahinto na ako sa ginagalawan ko. Nang pumutok na yung utak ko, binilisan ko yung pagsubo sa natitirang pagkain sa plato.

Yung kalansing ng kutsara't tinidor ang naririnig dito sa loob ng tahimik na opisina niya. Halatang nagmamadali ako dahil sa ingay nito.

"Why are you rushing?" Humarap na siya sa akin.

Nahinto ako at ibinaba ang kubyertos. Nginuya ko itong maigi at saka nilunok. Uminom na din ako ng tubig, tutal tapos na ako.

"Gusto kong mag-CR." Ano ba 'tong naiisip ko! Wala na ba'ng ibang alibi?

"Sure. May CR sa--" Itinuro niya yung banyo sa kanan pero gusto ko sa labas para makatakas ako.

"G-gusto ko sa labas. Teka lang ha..."

"Are you hiding something?" Tanong niya.

"W-wala ha! Ano, nagmamadali tala-"

"Tatakas ka?" Oh no. Not that pleading look!

"Hindi nga! Sa CR lang-"

"Oh! You have.. uhh."

"Ano?" Anong meron ako? Pinunasan ko yung bibig ko. Wala naman akong dumi.

"You know. Monthly pe--.Argh!" Ginulo niya yung buhok niya pero maayos pa ring tingnan. Bakit ganon? Pinagsisigawan ng buhok niya na 'I'm Handsome and you should know it?' Argh I'm insane -___-

"Anong monthly pe-- Oh." Binatukan ko siya.

"What the-- Bakit mo binatukan yung COO ng Diamond's Inc.?" Pagmamalaki niya.

"Well, I'm not your employee and I'm not on my monthly period! Got that, mister?"

Tumakbo ako bago niya ako pigilan ulit at binuksan yung pinto nang mabunggo ako sa matangkad na lalaki.

Medyo sumakit yung ulo ko pero nawala din kaagad.Buti na lang, hindi ako natumba.

Hawak-hawak ko yung noo ko at tiningnan kung sino'ng nakabunggo sa akin.

"Sorry, miss. I--" Lumaki yung dalawa kong mata nang makita ko yung mukha niya. Totoo ba 'to? Nasa harap ko ba siya? Kinurot ko yung kamay ko. 

Oo nga. Totoo 'to.

Gosh, for all these years, nandito na nga siya. Maraming pagbabago sa kanya. Lalo siyang gumwapo at flawless. Nahiya naman yung tigyawat ko sa mukha niya.

Nakatitig lang siya sa akin na parang sinusuri yung mukha ko. Na-miss ko siya. Sobra ko siyang namiss na kung dati Skype at Facebook lang kami. Ngayon, parang nananaginip lang ako o kaya'y hologram sa harap ko.

Ilan na kaya yung napaiyak niya sa Korea? Sampu? Dalawampu? Isang daan?

Nagulantang ako dahil sa boses ni Lance na nasa likod ko.

"Rian, Okay ka lang?" Hinawakan niya ako sa balikat. Tumango lang ako pero mabagal ang galaw ng aking ulo.

"Hyung. Bakit ka nandito? Hindi ba, busy ka?" Sabi ni Lance sa lalaking nasa harap ko. Teka, magkakilala sila? Hindi naman niya larangan ang showbiz sa Korea para magkakilala sila ni Lance. Nandoon siya sa Korea dahil may food and beverages company siya doon. O baka naman magpartners sila. Tama. Baka ganun nga.

"I went here to see this lovely lady. My baby." He hugged me like a teddy bear. His hugs were so tight, yet it's warm like it's giving me many love.

Nawala yung kamay ni Lance sa kamay ko at napalitan 'yon ng ulo niya na nakapatong sa balikat ko. Kahit na sobrang tangkad niya, naabot pa rin niya ito.

Hindi ko namalayan, naiiyak na pala ako. Humahagulgol na ako na parang bata. Hindi ito panaginip. Totoo nga ito!

"What the... Hyung, I thought you have no girlfriend! Why are you-- urgh. Get off her!" Pinilit niya kaming paglayuin kaya na-meet niya yung kamao ko. Hindi naman malakas yung pagkakasuntok ko sa kanya pero napahawak siya sa kaliwang pisngi niya. Napalakas ata. Pero hindi ko na lang yun napansin.

"Tse! Nagmomoment kami dito tapos humaharang ka?" Ako.

"Kayo ba?" Sabi niya nang may galit na tono.

Nagkatinginan kami ng lalaking nasa harap ko. Tumigil na siya sa pagyakap.  He smirked. Oh no.

"Yes." Siya.

Lance frowned. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Nagulat ba siya dahil sa pag-yes nito?

 Kinurot ko siya sa tagiliran, making him uneasy. 

"Kaya ba, you refused that title to be my girlfriend? Dahil... kayo?" Tumingin siya sa akin ng hindi makapaniwala.

"No. I'm just different from your girls." Ako.

"Pero kami." Siya.

"I..I.. when.. how.." Lance. He's dumbfounded. And this man beside me loves this scenario.

"Since I was born." Ako. Grabe naman 'to kung makareact. Parang siya yung niloko ng babaeng two-timer, ha.

"A-arrange marriage?" Lance.

"No. But we're in a lifetime relationship." Siya. Oh. Alam ko na kung ano'ng gusto niyang gawin. He surely is evil to make someone confuse.

Nagpipigil kaming dalawa ng tawa sa hinala niya. Hahaha. I really miss this guy. He's the most evil-slash-angelic face. Sa kanya ako nagmana ng kademonyohan minsan. Si Mama ay may pagka-anghel while Papa is serious-slash-over protective. Lumalabas ang sungay ko kapag may topak ako.

"Ayoko nga! He's evil as hell. Bakit kayo magkakilala?" Tanong ko kay Lance.

"H-he's my... co-member. He's the leader of 4EVER."

 

W-what? Co-member? Leader ng boy group nila? Ng 4EVER?!

For all these years, nilihim niya sa amin 'to?! Bakit hindi ko 'to alam? Si IVY! Fan siya ng 4EVER! Bakit hindi niya nabanggit-- oh. Hindi pala niya alam kung ano'ng connection namin nito. Psh. Why do I feel like I've been betrayed?

Tumingin ako sa taong may dahilan kung bakit may nararamdaman akong betrayal. He's really evil as hell.

"Eh kayo.." Sabi ni Lance. "Magkaano-ano kayo?"

 Ngumiti lang siya ng mala demonyo. Hindi ako makasagot sa tanong ni Lance. Hindi malabas-labas sa bibig ko yung kasagutang hinihingi niya.

"I'm her brother. My real name is Rain Zander Gonzales." Sabi ni Kuya. "And I'd like to kidnap my baby." Hinigit niya ako at isang sentence lang ang masasabi ko. I was saved by the bell.

Continue Reading

You'll Also Like

246K 4.4K 23
Dice and Madisson
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.7M 68K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...