Chapter 40: Diamond's Inc.

390 4 0
                                    

WAHAHAHAHA!!! Nag-update nanaman ako!!! Kailan kaya ulit ako mag-uupdate? *Le thinks*  *Flips hair on the side* *le thinks*

Chapter 40

 

Jayvee's POV

 

Haay. Nakakapagod talaga ang ginawa namin kanina.

Actually, si Lola Esmy ang kumuha sa cellphone ni Rian. May kutob daw siya na may masamang mangyayari dahil sa cellphone niya. Kaya pinatay niya ito at itinago.

Buti na lang hindi nagkatotoo ang hinala ni Lola. Hayy. Mga matatanda nga naman oh. Minsan inaakala kong parang ninja si Lola eh. Andaming alam sa mga laws. Kapag nanonood ng balita, daig niya si Sen. Miriam kung magalit sa mga corrupt na senador. Tinatawanan lang naming tatlo si Lola. Sobrang seryoso niya kasi.

Sinamahan namin kanina si Lola Esmy. Sinundan namin sina Lance at Rian. Grabe nga eh, halos siksikan nung nahulog si Rian kay Lance kasi may nakita silang artista. Sikat na sikat talaga siya.

 

Para nga silang magjowa eh. Okay naman siya eh. Nakita ko kasi na maaalagaan niya si Rian kahit anong mangyari.

Para sa akin, magkakatuluyan yang dalawa. Matiis sana niya yung mood swings ni Rian. Napakaseryoso tapos tatawa ng mag-isa. Kung minsan kapag may makitang langgam, kakausapin niya.

Nung pangalawang araw nga niya dito, nakita naming triplet si Rian na tinutusok-tusok yung mga langgam na nasa pader sa terrace.

"Bwisit, bwisit! Malandi ka, ikaw naman haliparot! Lalo ka na, isa kang malaking tanga!"

Akala nga namin kung sino yung sinasabihan niya. Wala naman siyang kausap sa phone. Lalo namang walang tao sa labas kahit tanghali. Hindi namin alam kung may pinsan kaming psycho. But we love her.

Lola Esmy's POV

 

Malapit na ang oras ko.

Buti na lang, malapit lang sila sa akin. Walang kawala ang hustisya sa totoong nangyari noon.

Magkakaroon din ng katarungan ang asawa mo, Ely, sa tamang panahon.

Rian's POV

Babalik na kami ni Lance sa Maynila. 1 week na akong absent at kailangan kong makabawi sa bawat subject.

Mamimiss ko si Lola Esmy..... pati na din yung tatlo, kahit pilit. Hahaha. Natuwa si Lola nung ibinigay namin yung premyo sa kanya. Yung biik papalakihin daw niya para i-lechon.

Buti na lang nakita ko yung phone ko. Nasa taas pala ng ref. Paano kaya napunta 'yun dun? Ayokong isipin. Mahalaga, nahanap ko na.

Nagmamaneho si Lance ng kanyang kotse habang ako naman ay kain ng kain ng ice cream. May nadaanan kasi kaming store eh.

 

"Rian, madami ka nang nakain oh! 3L yang ice cream tapos 1/4 na lang yung akin?!" Lance.

Two Different Worlds (2DW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon