Chapter 46: Best advisers

119 3 1
                                    

 I'd like to say THANK YOU for reading this "mtagal-na-matapos" 2DW!!! Looking forward in the future! I hope more readers will read my work. Hihihi. God bless you :* HAPPY NEW YEAR!

Chapter 46: Best Advisers

 

Rian's POV

 

Lunch break. Lahat nagpeprepare na ng lulutuin nila para mamaya. Kaming tatlo? Heto, kumakain ng lunch.

Hindi ako makakain ng maayos. Iniisip ko si Raf. May nararamdaman pala siya sa akin. Pero nalulungkot ako kasi hindi ko naman masusuklian 'yun.

"Alam mo jums, talagang nakakatanga yung love." Ivy.

Napatingin kami ni Fen sa kanya.

"Paano mo nasabi 'yan?" Fen.

"Ang mga hindi masyadong nabiyayaan ng talino, marunong magpatakbo ng relasyon. Pero yung mga matatalino, bobo naman sa relasyon. Nakakatanga lang." Ivy.

"You mean, tanga si Rian?" Fen. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hey, don't give me that look!"

"A big check!" Nag-high five sila. Oh crap. "As you can see, dalawa yung nagkakagusto sa kanya. Si Lance, artista 'yan sa Korea. Kilala siya sa buong mundo. Lahat ng mga mata nasa kanya. Hindi rin niya alam yung trabaho ni Rian."

"Oh yung isa?" Fen.

"Si Raf. Tagapagmana ng company nila. May stepfather na baliw pero pinrotektahan niya si Rian. Alam niya yung trabaho niya at okay lang sa kanya."

"So, what's the difference?" Fen.

"Si Lance, hindi alam yung sikreto ni Rian, Si Raf, alam na alam. Tanga si Rian kasi mas pinili niya kung saan hindi nakakaalam yung sikreto niya. Isa pa, sa ayaw niyang tao. Ang Artista. Ang tanga talaga, diba?" Ivy.

"Ang mga tunay na nagmamahal, tanga sa pag-ibig. Wala lang talaga sa timing kaya kumplikado." May point si Ivy dun. Bakit nga ba hindi ako na-inlove kay Raf? Bakit kay Lance pa na isang Artista?

Kasalanan 'to ng puso ko. Ng dahil sa puso ko, nagkakandaleche yung utak ko.

"Baka naman may nagustuhan siya kay Lance na wala kay Raf." Ivy.

"Siguro nga." Fen.

"Si Raf, mahal ko naman siya bilang kapatid. Hindi naman 'yun magbabago. Pero kay Lance, iba eh." Rian.

"Ano'ng iba?" Fen.

"Kapag nakikita ko siya, bumibilis yung tibok ng puso ko. Yung mga muscles ko, parang nagiging jelly. Yung mga mata ko, sa kanya lang nakatingin. Hindi ko alam pero kakaiba siya."

"Wow. Alam mo ba, ganyan 'yung nafeel ko kay Chris?" Ivy.

"Talaga?" Ako. I smiled. Akala ko ako lang 'yung mqy ganung feeling. Sasabihin ko na sanang baliw ako kung ako lang 'yung ganun.

"Yep. Siya ang dahilan kung bakit ako masaya. Siya din ang dahilan kung bakit ako malungkot. Pero at the end of the day, masaya kaming dalawa." Ivy.

 "Yun naman pala eh. Basta Jums Rian. Whatever happens, nandito lang kami para sa'yo." Fen.

"That's right! We are RJT, right?" Ngumiti sila ng matamis.

Two Different Worlds (2DW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon