Chapter 27: Rule #1!

816 3 3
                                    

Chapter 27: Rule #1!

 

Rian's POV

Nandito na ako sa HQ. Medyo kinakabahan ako eh. Ano kaya ang magiging mission ko? 

Pagkatapos kong itanong sa secretary ni Chief kung nandyan siya, pinatuloy lang niya ako. May babae daw siyang kameeting eh.  Minsan lang magkaroon ng babaeng kameeting si Chief. Who could that be?

Kumatok muna ako. Syempre, kailangan hindi biglaan. I give him a lot of respect and prvacy.

"Come in.." Chief.

Pagkabukas ko ng pinto,  nakita kong nakaupo siya sa kanyang swivel chair at may kausap na babae. Parang ka-age ko siya.

"Hi Rian!" Chief.

"Hello Tito.." Nagbeso ako sa kanya.

Kapag tinatawag niya akong Rian, Tito ang itatawag ko sa kanya. Pero pag Bloody Bullet, Chief ang itatawag ko sa kanya.

"So, Chelsca or should I say, Agent 102, this is Agent Bloody Bullet. Rian, meet Chelsca.." Chief.

 [Chelsca on the side.]

Nagshake hands lang kami nung Chelsca. Maganda naman siya. She's like a modern dancer.  She's not fat and definitely not skinny. She's just a sexy chick. She has a very beautiful brown eyes-- wait. I better stop describing her.

"Siya ang magiging partner mo for this mission. Your mission is all about... drugs again."

Drugs? Ayokong humawak ng mission about drugs. Nahihilo ako eh.

Last time na mission ko about drugs, nag faint ako pagkahuli nung mga drug pusher eh. Bakit ganun.. palagi akong minamalas kapag papatapos na? Mahna ako pagdating sa drugs. Maybe from just smelling it, I can die from that. But I don't think so.

"May nagreport sa amin na may nagbebenta daw ng drugs malapit sa school niyo at ibinebenta sa mga estudyante.." Common case na yan ah..

"Chief, di naman sa ayaw ko siyang makasama,pero.. bakit kailangaay partner pa ako? Kaya ko magsolo. Katulad nung last time, nagsolo ako..'’

"Yun na nga eh. Nagsolo ka, kaya ka biglang hinimatay?" Chief.

"May naamoy lang ako na di kanais-nais.."

"Kaya ayokong ibigay sa'yo 'tong mission na 'to eh. Bakit kasi lahat sila busy?!" Chief..

"Eh Chief.. si Fen at Ivy, may mission din ba sila?"

"Meron. Pero madali lang yun. Osya, Agent 102, ikaw na bahala kay Agent Bloody ha.. You may now dismissed."

Two Different Worlds (2DW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon