Chapter 41: Unexpected Someone

361 4 0
                                    

Chapter 41: Unexpected Someone

 

Rian's POV

 

Nakapagpalit na ako pero hindi pa ako kumakain. Hindi ako makakain sa sobrang pag-iisip. Hindi ko alam kung ano na'ng gagawin ko.

Una, paano ako makakatakas dito?

Hindi pwedeng malaman ng publiko kung sino ako. Matutukoy ang identity ko nito pagnagkataon.

Mga sakim ang mga kalaban ko. Lahat ng mga mahal ko sa buhay, idadamay nila. Ayokong mangyari 'yun. One nemesis is enough.

Pangalawa, yung taong tumalon sa building na sobrang nakakakilabot. Tao pa ba 'yun? Malamang, pinapanood ako nung taong 'yun. Nasa malapit lang siya. I can sense that.

May nakita akong tatlong photo frame sa di-kalayuang shelf. Lalapitan ko na sana 'yun kaso may biglang kumatok.

"Rian.." Nandito na pala si Lance. Nagpalit na siya ng damit. But this time, naka business attire siya.

Hindi ko na tiningnan yung mga frames. Sa halip, lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa side ng table niya. Ipinatong ko yung dalawang kamay ko sa table para ipahinga.

Naupo siya sa kanyang swivel chair at nag-isip nang malalim. OMG, bakit... sobrang manly niya sa attire niya? Ang gwapo niya nga!

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong niya sakin. Nakatingin siya sa pagkaing nasa tray na hindi ko pa ginagalaw.

 "H-ha?" OMG! Get a grip, Rian!

"Hindi ako makakain. Ikaw, kumain ka na?"

"Well, yeah. But you need to eat. The Presscon will start this evening. You still have time to rest." Hinawakan niya yung kamay ko at pinisil ang mga ito. Parang nakaback hug tuloy ako sa kanya. "I'll do everything to protect you."

Protect me. Yeah. But I want to protect you too from my enemies. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa mga malalapit sa akin ng dahil sa pagkilala sa akin.

Hindi rin maaaring sabihin ko sa kanya yung trabaho ko as Agent. Baka, matakot siya sa akin at isiping mamamatay-tao ako. Ayokong may matakot sa akin pwera na lang sa mga kalaban ko.

Kailangan ko nang umalis. Gusto kong hanapin yung lalaking 'yun.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan kung ilang minuto niyang hawak yung kamay ko. Binawi ko sa kanya yung kamay ko kinuha ang kubyertos para kumain. Kailangan kong makaalis dito.

Sa loob-loob ko, humihingi na ako ng patawad sa gagawin kong pag-iwan sa kanya. Bahala na.

Two Different Worlds (2DW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon