Chapter 44: A Question

252 3 0
                                    

 Dedicated to my lovely long-time elementary bff Hazel Noveno! My update for tonight was long. Sinusulit ko habang wala akong ginagawa. Hehehe ^___________^

Chapter 44: A Question

 

Rian's POV

 

Sinundo namin sina Angie at Drei sa D.U. May Saturday classes kasi sila para makabawi sa na-missed na klase para macomplete yung school days.

Ngingiti-ngiti si Kuya Rain sa likod ng sasakyan katabi si Angie at Drei. Katabi ko yung driver namin na si Mang Lance. Hehehe.

Nakadisguise si Kuya Rain. Kahit mainit, balot na balot sa coat niya eh. Si Lance naman, nakamask, cap at shades lang. Sanay na siguro siya. Si Kuya lang yung O.A.

"Kuya, saan ba tayo?" Angie.

"Sa restaurant tayo. Let's eat first." Kuya Rain.

"Good Afternoon! Welcome to the Steak House! Do you have any reservation?" Waiter.

Gwapo yung waiter ha. Ang shiny ng teeth niya. Palangiti siya. Hindi kaya 'to nangangawit sa kakangiti? O palaging masayahin 'to? Parang nakatutok sa akin yung spotlight kapag nakaharap ako sa kanya, grabe. Pwede na sa Close-Up commercial.

“Yes. LC Collins.” Lance.

"On the VIP, please." Waiter with shiny teeth.

Nandito kami sa Steak House. Bungalow Style yung restaurant na parang hindi mo mafifeel na nasa siyudad ka. Nakakarefresh at relaxing.

Tumungo kami sa VIP section na nasa second floor para walang makakita sa amin. Good thing, tanghali pa lang. Kakaunti pa lang yung kumakain unlike kapag sa dinner time.

Umupo kami sa round table. Napapagitnaan ako ni Drei at Lance. Nagbigay yung waiter sa amin ng tig-iisang menu. Tinanggal nila yung disguise nila. Safe na sila dito sa VIP. Pero hindi safe sa baba.

Wow. Nakakagutom!

Puro pork yung nakikita ko! May local food, italian, french, korean at american cuisine. Tiningnan ko kaagad yung desserts. Sakto, may ice cream!

"Guys, I'll choose a big portion for us. Just pick on desserts and drinks that you like." Kuya Rain.

"Kuya, why are you treating us in a restaurant?" Tanong ni Drei.

"Not me, bro. Kuya Lance will treat us." Kuya smiled evilly at Lance.

Lance was just looking at the menu. Ano'ng meron ngayon? Bakit ililibre kami ni Lance? Pero si Kuya Rain naman ang nagyayaya. Hindi naman kuripot si Kuya Rain. Hahaha.

Two Different Worlds (2DW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon