Chapter 20: PGC

1.1K 6 1
                                    

Chapter 20: PGC

Rian's POV

Nandito kami sa school. Magaling na yung sugat ko kahit papaano. Nilalagyan ko na lang ng gel para hindi mahalata yung scar.

Nagstay kami sa HQ hanggang Sabado ng gabi. Umuwi na ako sa amin kasi miss ko na silang lahat.

Sina Ivy at Fen ang naghatid sa akin papauwi.

Hintay ko lang talaga na maghilom yung kirot ng braso ko para hindi nila mama mahalata na may kumikirot sa akin.

Binigyan din ako ni Chief na pampasalubong sa kanila. Galing kasi si Chief sa Davao. Pinapabigay lang daw niya sa kanila.

Sinabi ko din kay mama na successful yung report at project namin kahit papaano.

Karamihan sa mga bata ay nakauwi na sa kanilang mga magulang. Yung natirang mga bata naman ay ipinadala sa isang bahay ampunan. Pansamantala lang yun habang hinahanap pa ang kanilang mga magulang.

 Sina A. X44 at ang kapatid niya na si Lea ay nakauwi na sa kanila. Dadagdagan daw niya  ang pagbabantay kay Lea kasi laging tumatakas. Ang tapang nga ni Lea eh! Hindi siya umiiyak o na-trauma nang dahil sa mga sakuna. I'm just wondering, nakita kaya niya yung mga barilan?

Pero nung nakita niya ako sa HQ na may benda sa braso, imbis na kaawaan ako, pinapalakas pa niya ang loob ko. Muntik na nga siyang umiyak nun eh. Pero sabi ko, mga pangit lang ang umiiyak. Kaya hindi na siya umiyak.

Hindi naman siya nagtanong sa trabaho namin ng Kuya King niya. Ang alam lang niya, Ako si Ate Rian niya. 

Sinabi ko sa kanya yung totoong name ko. Sinabi ko lang sa kanya ang pangit ng 'Ate Kim' kaya 'Ate Rian' na lang tawag niya sa akin.

Kilala na din niya sina Ivy at Fen.

Sabi ko dadalawin namin siya paminsan-minsan sa kanila para hindi siya mabored.

Si Raf biglang umalis nung Sabado. Hindi niya sinabi yung dahilan pero nag exchange kami ng numbers. Tutulungan daw niya kaming mahuli yung Stepfather niya. Malaki ang tiwala ni Chief kay Raf dahil kaibigan namin siya.

Yung mga goons naman ay nakakulong na sa public jail. Korte na lang ang bahalang humatol sa kanila. Pero sana hindi sila magtagal. Kasi may sarili silang pamilya at siguro karamihan sa mga goons ay binlack mail o pinasilaw sa pera para gawin ang krimeng ganun. Almost 90 yung nahuli naming goons all in all sa 3 locations.

Kahapon nagsimba kaming buong pamilya at nagpasalamat sa Diyos na natapos na ang aming misyon at walang napahamak sa mga bata.

 At inuulit ko, nandito nanaman kami sa room namin at nanghihingi ng pasalubong sa amin. Sabi ko inubos ko na. Haha. Syempre joke lang. Recess pa naman eh.

Nagdala kami ng tatlong bilao ng kakanin kasi napadaan kami sa Susie's. Masasarap mga kakanin doon kaya doon kami bumili.

Kunwari dala namin yun galing Bisaya. 

"Wow Rian! Ang sarap naman nito! Makapunta nga sa pinuntahan niyo at bibili kami ng ganito. Ang sarap eh!" Sabi ni Hazel na ngumunguya pa.

Two Different Worlds (2DW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon