Chapter 15: Mission with Agent X44

1.6K 9 1
                                    

Thank you @Skydancer22 for the book cover! Oh my.. haha I love it! ♥

Sana nagandahan din kayo sa book cover ^___^

Chapter 15: Mission with Agent X44

Rian's POV

Nandito kami ngayon sa Quiapo. Nagpaalam ako kay mama na stay muna kami ni Ivy kina Fen para magawa kaagad yung project at report. Bale next week ako uuwi niyan. Medyo mahaba-haba itong mission na ito. Pinagpaalam kami ni Chief sa school na nasa bakasyon muna kami. I hate lying. Ugh.

As I've said, nasa Quiapo kami.Kung saan maraming batang namamalimos. According to my research, yung mga batang hinuhuli ng mga sindikato ay ipinalilimos dito halos sa Quiapo. Crowded kasi ang lugar na ito. Tapos binabantayan ng mga sindikato ang mga bata para hindi sila makatakas. Nakakita na kami ng mga tagabantay. Bibigyan namin ng limos yung batang makikita namin then kunwari ita-tap namin yung bata sa likod para lagyan ng tracking device.

Pinag-usapan din naming ibahin ang mga pangalan namin since may disguise kami.

Ako si Kim, wearing a brown bob cut wig, has a mole on my cheeks and I used tan lotion para medyo umitim yung skin ko.. I'm wearing a t-shirt and jeans.

Si Ivy ay si Dina, wearing a braid wig, color gray, may ba-lat(birthmark) sa noo, and same clothes as mine.

Si Fen ay si Pat, wearing a wig w/ bangs, may braces siya at nerd style.

Ito muna ang name namin for this mission: Kim, Dina, Pat.

Now, we're heading to the kid that we've spotted.

"Ate, palimos po..parang awa niyo na.." Sabi ng bata na itinatapat yung lata niya sa amin..I see in his eyes na may luhang tutulo na..

"Heto oh.." Binigyan ko siya ng 20pesos na barya..sabay tap sa kanyang likod para sa tracking device.

"Salamat po.. ate.. tulungan niyo ako..hinuli ako ng---" Natulala siya ng makita niyang may nandidilat ng mata sa kanya..

Tumakbo kaagad yung bata sa amin.

Tiningan namin yung nandilat sa kanya.. lalaki siya, Nagmamaang-maangan pang hindi siya eh.. Tss.

Pumunta kami sa restaurant malapit sa Quiapo.

Nung una ayaw kaming papasukin kasi mga mukhang kaming walang pera. Tss. Aawayin ko itong guard na ito kung di lang kami naka disguise eh..Pinakita ko na lang yung wallet ko...Pinapasok na kami nung guard. Akala ko paghihinalaan kaming magnanakaw eh.. masasapak talaga yun sa akin.

Pumwesto kami sa pinakagilid.Nag-order lang kami ng drinks since hindi pa kami gutom.Nilabas ko na yung tablet ko para ma-ON yung tracking device.

Two Different Worlds (2DW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon