The Bad Boy's Queen (R-18 Vik...

By twightzielike

10.6M 229K 28.3K

R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story co... More

Prologue
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Read me
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
EPILOGUE
Special Chapter
Thank you, next
His Broken Possession
Happy Two
Information

Chapter 48

122K 2.9K 306
By twightzielike



salamat sa lahat ng mga nag-comment. Lalo na yung mga mahahaba. Natutuwa akong basahin ang mga comments niyo. Sa susunod, I'll do a shout out for you guys.

this chapter is dedicated to these people. salamat rin sa maraming comments niyo
@user05372579
@PrettyLittleEmpress
@magnetabrooke
@EmpressTwinkle

maligayang pagbabasa, mga mahal ko

💜

🥀

Zarena

Bumagsak ang tingin ko sa sahig dahil hindi ko makayanan ang paraan ng pagtingin niya.

I didn't know he would come!

Tinablan ng kaba ang puso ko. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kahit anong tago ko dito sa hawak ko, alam kong nakita na niya. He recognized what it is already.

Tumingin ako kila Pat nang maramdaman ang paggalaw nila. I gave them a nod. Sagot iyon sa tingin sa mga mata nila na pilit ipinaparating ang mensahe na iiwan nila kami para makapag-usap kami ni Luke. Di rin nila naitago ang pagso-sorry sa mga mata nila dahil nakita ni Luke.

Binalot ng katahimikan ang kuwarto matapos umalis sina Pat.

Daig pa ng mabilis na tibok ng puso ko ang hagupit ng bagyo. Lalo na nang simulan niya ang paghakbang palapit saakin. His dangerous strides are as dangerous as the way he's looking at me right now.

Wala pa ring nagsasalita sa amin hanggang sa tumigil siya sa harapan ko. Despite of the turnings on my insides, I tried to break the deafening silence. "Ilang araw ka ng hindi pumapasok" Bravo Za! Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi nabasag ang boses ko. It came out normal.

Sa halip na sumagot, napaawang ang labi ko nang bumaba ang kamay niya sa kamay ko bago ko naramdaman ang pagkuha niya sa tatlong pt na hawak ko. Yung dalawang una ay na kay Patricia.

Buong tingin ko ay nasa kanya habang tinitignan niya isa-isa ang resulta ng bawat PT. Each device he's checking, he ends up clenching his jaw after looking at the result.

Pagkatapos niyang tignan, hinintay kong magsalita siya pero ni isang kataga, walang lumabas sa bibig niya. Tinapon niya lang ang mga aparato sa kama tsaka ako tinalikuran.

Pinanood ko kung papaano siya lumapit sa closet ko. Titig na titig ako sa kanya habang kinakalkal niya ang laman ng closet ko. At nang mukhang hindi niya nahanap ang ano mang hinahanap niya, tumungo siya sa kusina. Every drawer, he opened and cheked it. Minsan napapakalas pa ang pagsasara niya. He let out a curse when he found nothing. Sumusunod lang ako sa kanya. Tahimik na pinapanood siya hanggang sa pumasok siya sa banyo. I stayed standing near the bed.

Hindi ko mawari kung bakit ganon ang reaksyon niya. At kung ano ang hinahanap niya.

Nakaranig ako ng parang may kung anong nabasag. Kaya natataranta akong nag-angat ng tingin at akmang pupuntahan siya sa banyo pero natigilan ako nang makitang lumabas siya. Duguan ang isang kamay niya na may hawak na maliit na bottle.

Napaawang ang labi ko sa nakitang hawak niya. "Luke..." hirap kong sabi.

He laughed humorlessly. "Birth pills huh?" Aniya sa mababa pero puno ng bagsik na tono. Sunod akong napaigtad nang itapon niya iyon sa pader. "Birth fucking pills!" Galit na sigaw niya.

His blood shot eyes met mine.

"You know so damn well that I don't want to get pregnant. Gusto kong makatapos nang hindi nabubuntis. Alam na alam mo iyan" kalmadong sabi ko sa kanya. Ngunit sa loob loob ko ay tinig ng kaba ang meron sa akin.

Umigting ang panga niya. Unti-unti ay para akong nawawalan ng hininga dahil sa nakakatakot na tingin niya.

My heart pounded faster when he cursed. Pero pilit kong hindi inalintana ang galit sa mga mata niya nang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang puno ng dugo. Pumatak sa sahig ang ilang butil ng dugo mula roon. I made my way towards him.

Sinubukan kong kunin ang kamay niya pero iniwas niya iyon. Mapakla siyang ngumisi. "Umasa ako, tangina. I took you a couple of times, trying to get you pregnant. But you..." he looked at me painfully. Walang buhay siyang natawa. Ang mga mata niya ay malungkot na nakatingin sa akin.

"Fuck" pagak niyang bulong at puno ng hinanakit na natawa ng mahina.

"May mga pangarap pa akong gutso kong maabot. Ayokong mabuntis nang hindi natutupad ang mga pangarap ko. Gusto kong matamo ang mga gusto ko sa buhay. Gusto kong tulungan ang mga magulang ko dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag-aaral ng mabuti. And I don't want to get pregnant without giving them the life that they deserve. A better life. Yung hindi na sila nahihirapan. Yung hindi na nila kailangang magtrabaho pa para may pantustos lang sa mga kailangan namin. I want to be the one doing that. And me being pregnant so soon won't help me do that" matapat na sabi ko sa kanya. Tinangka kong kunin muli ang dumudugong kamay niya pero hindi niya ako hinayaan. I felt pain in my gut when he looked away from me.

Tumango-tango siya. "Naiintindihan ko" malamig na sabi niya. Napapikit ako.

Alam kong gusto niya akong buntisin base pa lang sa reaksyon niya. So when we started doing it, I kept taking in birth pills. Kasi minsan lang gumagamit ng condom si Luke kapag nagtatalik kami. He sometimes does withrawal method as well. But most of time, he spills his semen inside of me. Napansin ko iyon kaya ko minabuting gumamit ng birth pills.

"Luke let me clean your wound" Mahinang sabi ko at sinubukan muling abutin ang kamay niya pero umiling siya. "You can't clean it. Kasi sobrang sakit, Za. It's bruised and beaten up. Cleaning it won't make the pain stop" pabulong niyang sabi na ikinatigil ko. His words meant another meaning. Ibang-iba ang tinutukoy niya at nakuha ko iyon.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Wala akong maisip na sagot kaya nanatili na lamang akong tahimik. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kahit pa sa loob ko ay nasasaktan ako. Walang pagdadalawang isip na inabot ko ang kamay niya. He didn't say anything. He also didn't avoid my hold. So I continued. Hinila ko siya paupo sa gilid ng kama.

Muling napuno ng katahimikan ang kuwarto. Walang nagsasalita sa amin. But I can feel his intensely deep stares on me while I'm taking the first aid box. Hanggang sa makabalik ako, nanatili ang maririing titig niya sa akin.

Nagpasya akong huwag indain iyon at itinuloy ang paggamot sa kamay niya. I cleaned his wound. It was a deep cut. Kaya madami ang dugong lumabas. Pumasok sa isip ko na baka sinuntok niya ang salamin sa banyo kaya siya nasugatan. Iyon siguro ang narinig kong nabasag kanina.

I know Luke and his temper issues. Masama siyang magalit at alam ko iyon. Alam na alam ko.

"You are missing your classes" basag ko sa katahimikang namamagitan sa amin. Ramdam ko rin ang tensyon sa pagitan namin na hindi ko maikakaila.

Binendahan ko ang sugat niya matapos kong linisin iyon. Right after that, niligpit ko ang kalat na nagamit ko sa paglilinis ng sugat niya.

He was giving that silent treatment. I can't blame him for that. May karapatan siyang magalit sa akin.

Ilang sandali pa ay tumayo na ako. My eyes drifted down to him. Naka-upo pa rin siya at diretso ang tingin niya. At sa akala ko ay mananatili na siyang tahimik, nagulat ako nang magsalita siya.

"Why did you take the test?"

I don't know how many times did I gulp just to keep myself in tact. "Ilang araw na kasing bumabaliktad ang sikmura ko. Minsan nahihilo ako" muli akong napalunok dahil 'di ako sigurado kung sasabihin ko pa ba sa kanya. Mas lalong dumilim kasi ang mga mata niya. Nakakatakot na nga, mas bumagsik pa.

Kinuyom ko ang kamao ko.

"Ilang beses na akong naduwal. At kanina lang, nakita nila Pat. Nag-alala sila at nagtaka. Kaya naman si Cat, bumili ng pregnancy test para kumpirmain ang ano mang inaakala nila. And it came out negative" kita ko ang paggalaw ng panga niya. "It must be because I ate a lot. Napapadalas na rin kasi ang pagkain ko ng marami" pagpapaliwanag ko sa ninenerbyos na boses.

I don't even understand why I am explaining things to him.

Pagkatapos at pagkatapos kong sabihin sa kanya ang sagot na gusto niyang marinig, napaawang ang labi ko nang tumayo siya at hinawakan ako sa kamay. He held it tightly.

Nataranta naman ako nang simulan niya ang paglalakad habang higit ako. "Luke a-anong ginagawa mo?" Panick started rising from my gut. Hindi niya ako sinagot. Hanggang sa manlumo ako nang makalabas na kami ng tuluyan. "Where are we going?" Still, he didn't answer.

Kaya sinubukan kong kalasin ang kamay niya. But to no avail, he's stronger than me. And his grip on me is secured.

Pagod ko siyang tinignan dahil wala pa rin siyang sagot sa akin hanggang sa makababa na kami sa lobby ng dorm. Pinagtitinginan pa kami ng mga ibang estudyante gaya ng lagi. Of course it's because of Luke.

Tumigil lang siya nang nasa mismong harap na kami sa kung saan niya iniwan ang kotse niya.

Gusto kong matawa sa nangyayari dahil sa sakit netong situwasyon namin. Bumitaw na ako. Pinakawalan ko na siya. I told him to leave me. I told him to let go of me. But here we are, still together. His hand still holding me tightly.

I looked at his cold eyes when he pulled himself back. Pinakawalan na niya ng tuluyan ang kamay ko. "Get in" walang ganang saad niya matapos buksan ang pintuan ng kotse niya para sa akin.

Umiling ako. "Hindi ako sasakay hangga't sa hindi mo sinasabi sa akin kung saan mo ko dadalhin" matigas na sabi ko.

Tumiim bagang siya. "Sakay" ma-awtoridad niyang asik. Seryosong seryoso ang mukha niya.

"I told you to leave me. I asked you to let go. For your good and for my family, I need to stay away from you. Why are you making this hard? You are suffering because of me" sabi ko bigla, dahilan ng pagtigil niya. Hindi niya maikakaila na pagod siya. Dahil pagpasok niya pa lang kanina sa kuwarto ko, pansin ko na agad ang malalaking eye bags sa ilalim ng mga mata niya. Halatang kulang na kulang siya ng tulog. His eyes looks so tired too. Tinatapalan niya lang sa galit na mga tingin niya.

"You pushing me away is the reason why I am suffering, Za" bulong niya. Pain was evident in his voice. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko nakayanan ang malalalim na tingin niya sa akin. Sumakit lalo ang puso ko sa narinig na sinabi niya.

I heard him sigh. "Get in. I'm taking you to the hospital"

"Hindi naman ganun kaseryoso ang nararamdaman ko. We don't need to go to the-"

"Get the fuck in, Za. Don't insist on your terms because I'm fucking worried sick. Kung ikaw, hindi nag-aalala diyan sa kalagayan mo, ako hinde. Ibahin mo ako dahil alalang-alala na ako. Fuck! Hindi lang kita na-contact ng ilang araw, ito ang madadatnan ko. And no one fucking informed me that you weren't feeling well this past days. Tangina, kung hindi pa ako umuwi, hindi ko pa pala malalaman" matabang na giit niya.

Huminga ako ng malalim para itago nararamdaman ko. Nag-aalab ang mga mata niya sa galit. Pero mas nangingibabaw ang tagong saya sa kalamnan ko dahil kahit papaano ay nag-aalala pa rin siya sa akin.

"B-bakit ka umuwi?" Alam kong parang tanga yung tanong ko sa kanya pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

He looked away.

Tinapangan ko ang sarili ko. "Luke.." paos kong tawag sa pangalan niya dahil hindi ko masikmura ang ideya na naglalaro sa isip ko.

Umuwi ba siya para kunin ang lahat ng gamit niya sa kuwarto ko sa dorm? Is that it? Iiwan na nga niya ako ng tuluyan.

I swallowed hard. Diba dapat nga masaya ako? Na natutupad na ang desisyong pinapanindigan ko. I should be happy.

"I badly want to sleep peacefully. And I can't do that without you"

I stiffened when I heard his answer.

I thought wrong. Mali ako ng naisip na dahilan niya.

Napatitig ako sa mukha niyang halatang pagod. His drowsy eyes are staring straight at me. He's been depriving himself from sleep. Napapikit ako saglit. He hasn't been sleeping well since that night he left me. I know that.

"Ilang gabi kang hindi nakatulog?" Seryosong tanong ko.

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"three" saad niya.

Mahina akong napasinghap. So what does that mean, magmula nung gabing hindi siya nakabalik, hindi na siya nakatulog ng maayos? Mas lalong sumakit ang ulo ko sa narinig.

"Bakit anong pinaggagagawa mo at hindi mo manlang inaalagaan ang sarili mo?! Gusto mo bang magkasakit, ha?" Hindi ko napigilang singhalan siya.

But he remained calm. "Don't get mad at me, please. Just get inside the damn car and let me take you to the hospital. I'm more worried of you than to myself. I'll sleep when we get back" Malamig na sabi niya. His eyes went back to being darker. Mas lalong dumidistansya ang mga mata niya.

I stared at him. This man looks so worried of me. Even when it's obvious that he's so tired, he couldn't care less of himself and rather prioritize me over everything. At nagawa ko siyang bitawan. Nagawa ko siyang saktan.

But reality is far from fairytales. That's the painful truth. Luke and I are a different story. Because if fairytales end up with a happy ending... mine isn't. Sinasaktan ko ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng sobra at buo. Nasasaktan kami pareho. At minsan, naisip ko na baka nga hindi pala kami para sa isa't isa. Maybe there's no happy ending for the both of us. Just maybe... there's no Luke and Zarena after all.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
40.1K 1.2K 21
Who says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.