Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
:)

44

8.2K 370 163
By Slylxymndr

Habang naghahanda si Kid ng kanyang mga gamit na dadalhin sa kanyang pagbalik sa kanilang mundo, Mayroon ulit na bisitang pumunta sa kwarto ni Kid.

"Sino iyon Master?" tanong ni Kid kay Master Val.

"Kamusta ka na Kid?" rinig na boses ni Kid. agad namang napalingon si Kid sa pinaggalingan ng boses at nakita niya sila Shin Feng at kanyang anak na si Kesha.

"Mabuti naman ako. Nakapagpahinga na ng maayos." sabi ni Kid kay Shin Feng.

"Mabuti naman kung ganon. Bale pumuntaa kami dito ni Kesha para magpasalamat sa iyo at magpaalam narin. Nabalitaan namin na malapit na kayong bumalik sa mundo ninyo kung kaya't hindi na namin aantayin ang araw na iyon para magpaalam sayo." mahabang sabi ni Shin Feng.

"Ganon ba? Naku salamat ah. Haha! " sabi ni Kid.

Nag usap pa ang dalawa tungkol sa mga bagay bagay at nang matapos ay napagseisyunan na ni Shin Feng na umalis.

"Mauna ka na Ama. May sasabihin lang ako kay Kid." mahinhin na sabi ni Kesha sa kanyang ama.

"Sige. Antayin nalang kita sa Manor ah! Mag ingat ka!" sabi ni Shin Feng sabay bukas ng pinto ng kwarto ni Kid.

"Saglit lang ito Ama. Hintayin nyo nalang ako sa labas." dagdag ni Kesha sa Ama.

"Ganoon ba, sige." sabi ni Shin Feng at sabay labas ng Kwarto. Naiwan sa loob sila Kid ar Kesha. Tahimik ang kanilang paligid at walang nagsasalita sa kanila. Hindi naman napigilan ni Kid ang basagin ang katahimikan dahin hindi siya sanay sa matinging katahimikan.

"HHrrm! K- kamusta ka naman?" tanong ni Kid.

"Mabuti." mahinang sabi ni Kesha pero sapat na para marinig ni Kid. "Uhm. Pumunta ako sito para pasalamatan ka. Hindi lang ang sakit ko ang pinagaling mo, pati narin ang problema ng Central City ay pinagaling mo rin. Dahil doon, salamat." Sabi ni Kesha kay Kid. Medyo namumula ang mga pisngi ni Kesha nang sabihin ang mga salitang iyon.

Napangiti naman si Kid sa mga sinabi ni Kesha at hindi napigilang tumawa.

"Haha! Walang problema. Sa maikling panahon, tumira ako dito sa Central City. Kung ito ang paraan para magpasalamat sa Central City sa pagkupkop sa akin at pati na sa mga kasamahan ko, ayos lang sa akin. Atsaka, ang pagtulong ko sayo ay isang trabaho na ibinigay sa akin ng aking naging guro. Kung kaya't kailangan ko talagang gawin iyon." mahabang paliwanag niya.

"Ah, ganon ba. Pero salamat parin sa lahat." sabi ni Kesha sabay tayo at aakmang papunta sa Pinto para lumabas nang bigla siyang huminto. Mabilis siyang humarap kay Kid at nagbigay ng isang matamis na halik sa binata.

Nagulat si KId sa ginawa ni Kesha pero hindi siya mapagsalita sa ginawa ng dalaga. Lalo namang namula ang mga pisngi ni Kesha na unti unting kumakalat sa buong mukha niya. Nang maghiwalay ang kanilang mgalabi ay mabilis na umalis si Kesha at isinarado ang pinto ng kwarto.

"Ama, halikana!" rinig ni Kid na sabi ni Kesha.

"Oh! Anong nangyari sayo?-- Teka! Huwag kang magmadali!" sabi ni Shin Feng sa anak sabay habol dito.

Mabilis na lumipas ang mga araw at nalaman na nila Kid ang pwesto kung saan nabubuo ang portal pabalik sa kanilang mundo. Sa halos ilan libong mga kasabay ni Kid sa unang beses niyang pumasok sa loob ng portal,Ngayon ay medyo madami ang na bawas sa kanilang bilang. Ang ilan sa kanila ay nasawi dahil sa nangyaring digmaan at ang iba naman hindi pinalad sa kanilang pamumuhay sa Gaia.

Unti-unti nang nabubuo ang portal ng kanilang dadaanan para makabalik ulit sa kanilang mundo.

"Unti unti nang bumubukas ang Eye of Hamlet! Mga kasama, Makakabalik na tayo!" sigaw ng isang lalaki na may malaking pangangatawan.

"Sa wakas! Gusto ko nang makita ang mga magulang ko!"

"Kamusta na kaya ang mga anak ko?"

Usapan ng mga kasama ni Kid na muling babalik sa kanilang mundo.

"Sigurado ka na bang hindi ka magpapaalam kila Diana?" tanong ni Zed kay Fred.

"Hindi na. Puro sakit lang sa ulo ang idinulot ko sa kanya eh! Haha! Baka ipukpok pa niya sa akin ang kanyang malaking martilyo baka mapipi ako haha!" malakas na tawa ni Fred.

Biglang umalog ang lupa at bumungad sa lahat ang higanteng si Diana."Nasaan ang Fred na iyon!" malakas na sigaw niya sa mga tao. " HIndi siya nagpaalam sa akin! Sabihin nyo sa kanya, huwag na siyang magpapakita sa akin dahil kapag nakita ko kahit buhok ng taong iyon, pipipiin ko siya gamit ang mga braso ko!" sigaw ni Diana sa lahat ng nandodoon sa lugar. Nanlaki naman ang mga mata ni Fred at nagtago sa likod ni Kid. "Mamamatay na ako dito." aniya. Sabay nagtawanan ang lahat. Hindi naman alam ni Diana kung bakit pero nakisabay narin siya sa pagtawa ng lahat.

"Kid! KId!" nang marinig ni Kid na mayroong tumatawag sa kanya ay agad niyang hinanap kung saan nanggagaling ang boses. Nagulat siya at nasa harapan niya ang dalawang dwende na sila Gondolf at Ava.

"Kaibigan, bago ka tuluyang umalis sa mundong iyo, nais naming ibigay ang isang regalong ito. Sana ay magustuhan mo ang isang iyan!" sabi ng dalawa at sabay abot ng isang kahon. Nang makuha ni Kid ang kahon ay agad na umalis ang dalawa.

Dahan dahang binuksan ni Kid ang Kahon at bumungad sa kanya ang isang mapakagandang uri ng Gauntlet. Naalala tuloy ni Kid ang kanyang unang gauntlet na ginawa ni Ava. ngunit dahil sa lakas ng Goblin King ay nasira iyon. Pero ngayon ay mayroon na siyang bagong Gauntlet na pedeng gamitin sa pakikipaglaban.

Maganda ang disenyo nito. Kulay itim ang gamit na tela sa mismong Gauntlet at may mga kulay puting Bakal para protektahan ang kamay ng magsusuot. Ang ganda nito tignan kumpara sa kanyang unang Gauntlet.

Ilang sandali pa at unit unting bumalot sa buong lugar ang kulay ng Eye of Hamlet. Ilang sandali pa at nabuo na portal hudyat para pwede nang pumasok sa loob.

"Mga kasama! Simulan na natin ang pagbalik sa ating mundo!" sigaw ng isang kasamahan ni Kid hudyat para magsigawan ang lahat dahil sabik na kanialng nadarama.

Magpaalam ulit si Kid at kanyang mga kasama sa kanilang naging mga kaibigan sa Gaia. isa isa nang pumasok sila Kid para makatawid na sa kabila.

"Hawak hawak na tayo ng kamay para hindi na tayo magkahiwa hiwalay." Sabi ni Kid sa kanyan mga kaibigan at agad naman nilang sinunod.

Sabay silang apat na tumawid sa kabilang parte ng protal. Habang nasaloob ng Portal, makikita ang maputing paligid na parang may mga ulap sa paligid.

"Nakikita ko na nag dulo!" Sikaw ni Zed sabay takbo. Nahila naman sila Kid, Fred at Scarlet pero dahil sa pagkasabik ay napatakbo narin sila.

Tuwang tuwa ang apat sa pagtawid nila sa portal. Nang makalabas ng portal ay napasogaw si Zed sa tuwa.

"Yeaah! Nakalabas narin tayo! Madami akong ik- kwento sa aking ama at sa aking kapatid!" Aniya.

"Oonga! Haha bibisitahin ko pala muna si Aling Matilda." Sabi ni Kid.

"Pero, teka..." Napatigil ang dalawa sa galak nila nang marinig ang boses ni Fred. "Nasaan tayo?"

Tumingin ang dalawa sa paligid at napansin nila na iba ang kanilang napuntahan.

"Hindi ba dapat nasa WoodWeep tayo mapupunta pag nakapasok na tayo sa portal? Bakit nasa kawalan tayo?" Sabi ni Scarlet.

"Oonga! Diba sa WoodWeep tayo pumasok noon? Bakit nandito tayo sa kawalan? Nakikita ko lang ay puro sirang mga bahay at mga sunog na puno." Sabi ni Zed.

Hindi lang sila Kid ang nagtataka kung nasaan sila. Lahat ng mga tumawid papunta sa mundong iyon ay alam na dapat sa WoodWeep sila mapupunta at hindi sa isang sira sirang bayan.

Naglibot ang ilan sa kanila para maghanap ng pwedeng mapagtanungan kung nasaan sila. Kasama na doon si Kid.

"Mag ingat ka Kid ah! Hintayin ka namin dito." Sabi ni Scarlet. Tumango namang bilang sagot si Kid at nagsimula nang maglibot.

Halos ilang oras nang naglilibot si Kid pero wala parin siyang mahanap na kahit iaang tao. Ang kanyang mga nahanap lang ay mga sunog na kahoy, mga gumuhong gusali at mga buto ng tao.

Pumikit si Kid at pinakiramdaman ang paligid. Naghahanap siya ng isang tao sa pamamagitan ng kanialng Awra.

Ilang sandali pa ay nakahanap si Kid ng isang Awra. Mahina na ito at malapit nang mawala. Mabilis na pumunta si Kid sa pwesto ng Awra at nakita ni Kid kung kanino nanggagaling ang Awra.

Maski si Master Val ay alam ang awra na iyon dahilan para mapalabas si Master Val sa loob ng Space Ring ni Kid.

'Alam kong kayo iyon. Naramdaman ko ang awra ninyo. Kahit na mas malakas ang awra mo Kid, alam kong ikaw iyon. Ikaw rin Val.'

'Wala na akong sapat na oras. Ilang sandali nalang at mawawala na ako dito. Kung kaya't pakinggan ninyo akong mabuti.'

'Nasa WoodWeep tayo ngayon. Malayo sa dating maliwanag at maingay na bayan. Ngayon ay makikita ninyong abo nalang at sirang mga gusali ang natira. Ito ay dahil kay Vrendick.'

Unti unting nawawala ang katawan ng Rainbow Pegasus sa harapan nila Kid.

'Magbubukas ulit ang Portal papunta sa ibang mundo dalawang araw mula ngayon. Magkakaroon ng portal sa bayan kung saan kayo naninirahan. Pumasok kayo sa portal na iyon at huwag nang babalik sa mundong ito. Huwag ninyong sayangin ang buhay ninyo labas kay Vrendick dahil mas malakas na siya kaysa noon.'

"Anong pinagsasasabi mo?! Anong nangyari dito?!" Taranta at takot na tanong ni Master Val sa Rainbow Pegasus.

'Umalis na kayo dito sa mundong ito at huwag nang babalik!'  sabi ng Pegasus. Unti unti nang nawawala ang kanyang katawan. Ang kantang ulo nalang ang natitira at tuluyan nang mawawala ang Awra ng Rainbow Pegasus.

'Wala na tayong magagawa laban kay Vrendick!' aniya. 'Nakuha ni Vrendick ang Spirit Stone ng pinakamalakas na Spirit sa Spirit World.'

'Ang Spirit King!' at tuluyan nang nawala ang Awra ng Pegasus.

End of Book 2

*********

READ THIS: (LOL)

Ulit po, salamat sa lahat ng nagbabasa ng story na ito. Halos dalawang taon ang ginugol ko para gumawa ng isang mediocre at low class na story katulad ng isang ito. Pero nagpapasalamat ako sa patuloy ninyong pagsuporta sa akin at pangungulit na mag UD. Lol 😂😂

Pero dito ko na tinatapos ang Part 2 ng Spirits. Maraming salamat po ulit!

Salamat guys!

Continue Reading

You'll Also Like

109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
31.4K 2.6K 72
Sa panibagong yugto ng buhay ng batang si Li Xiaolong, could he really do the things he wants to do? Paano na lamang kung sunod-sunod na kalbaryo ang...
564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
819K 146K 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga...