The Bad Boy's Queen (R-18 Vik...

By twightzielike

10.6M 229K 28.3K

R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story co... More

Prologue
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Read me
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
EPILOGUE
Special Chapter
Thank you, next
His Broken Possession
Happy Two
Information

Chapter 46

116K 2.9K 281
By twightzielike






🥀

Zarena

Ilang butil na mga luha ang patuloy na pumapatak mula sa mga mata ko.

Marahas kong pinunasan ang mga ito kasabay ng paglitaw ng isang mapaklang ngiti sa labi ko. Umalis si Luke kanina. Naiwan ako dito na nakatunganga sa orasan. Hinihintay na baka sakaling kapag pumatak sa hating gabi ang palaso ng orasan, itong situwasyon namin ni Luke ay agad maaayos. Pero baliw na nga siguro ako sa iniisip kong ito. Kasi hindi naman ganun kadali ito. Kahit pangarapin kong matapos na ito, hindi maaari. Kahit ilang metro pa mapunta ang hiling ko, wala itong patutunguhan. Iyon ang realidad. And realidad na masakit.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Kailangan kong iwan si Luke, 'yun ang sinasabi ng isip ko. Pero sigaw naman ng puso ko ay huwag ko siyang bitawan.

Mapakla akong natawa. Ako itong nagsabi noon kay Catalya na dapat pagsamahin niya ang puso niya at isip niya sa pagdedesisyon subalit ni hindi ko manlang magawa ngayon. Bakit? Kasi ang hirap.

Buong desisyon ang kailangan kong piliin. Buong sagot. And I'm choosing to let go of the man that I treasure so much.

Mapakla akong natawa. I'm back to square one again. Akala ko tapos na ako dito sa ganitong pagpipilian ko e. Pinili ko siyang ipaglaban noon. Pero hindi pala ganun kadali iyon. You may call me a coward for backing out. But this is the best option that I can see na hindi masasaktan o madadamay ang iba. Luke and I.. yes we will get hurt. It will be so painful. But at least his father will accept him. Ibibigay niya sa kanya ang karapat dapat na matatanggap niya na mana niya. He will become more successful. He doesn't need to get tired in fighting for us. He doesn't need to get tired in proving himself to his father. Hindi na kailangang madamay ang mga magulang ko. Lalo na ang mga nakababatang mga pinsan ko na kailangan naming pag-aralin.

This would hurt like hell. But at least at the end, all will be well.

May mga hindi man makakaintindi sa akin, pero alam ko sa sarili ko na ito ang tamang gawin. Ito ang dapat gawin.

.

.

.

Paggising ko kinaumagahan, naalimpungatan ako sa malakas na sinag ng araw. I moved my hands to feel the space beside me only to find it empty. Wala ring nakayakap sa akin.

Namumungay ang mga matang napatitig ako sa gilid ko na kung saan laging humihiga si Luke. "Hindi siya umuwi..." bulong ko.

Inabot ko ang phone ko sa bedside table at tinignan kung may notif ako galing sa kanya pero tanging message lang ni Patricia at ni Mama ang meron.

Kagat labing binuksan ko muna ang message ni mama.

Ma:

'Nak. Nagkasakit ang pinsan mong si Lisel. Isinugod namin siya dito sa ospital dahil ang taas ng lagnat niya. Nilalamig din siya at nanginginig. Ang taas taas din ng lagnat niya.

Kaninang alas dos pa ng umaga pa tinext ni mama ang mensaheng ito. I was sleeping that time, ngayon ko lang nakita.

Hinilot ko ang sentido ko sa nabasa ko. Maaaring sa oras na ito, nasa sakahan si papa o di kaya naman ay naghahanap ng kliyente. Wala na ang restaurant ni Mama. Lahat ng kasong dapat ilaban ni papa, umatras. Tingin ko naghahanap ng trabaho ngayon si papa. Dahil hindi sapat ang nakukuha niya sa sakahan para pantustos sa kailangan nila doon. Dumagdag pa ngayon si Lisel.

Walang pagdadalawang isip kong tinawagan si mama. Isang subject lang ang papasukan ko ngayong araw. Pero wala si Ma'am Despo dahil may dinaluhan siyang seminar sa ibang bansa. Sinabihan niya na kami na pansamantalang cancelled daw ang subject niya sa araw na ito. That means wala akong pasok ngayon.

"Za anak" kahit di ko nakikita si mama, boses niya palang ramdam ko na ang sobrang pag-aalala at lungkot.

Pinatatag ko ang sarili ko.

"Natanggap ko po ang text niyo. Kamusta na po si Lisel, 'Nay? Ano daw po ang problema?" Itinago ko ang kaba at pag-aalala sa boses ko. Hindi masayado pero sapat na para ipahiwatig kay mama na magpakatatag siya.

I heard her sigh loudly. Na para bang pagod na siya. Marahil wala rin siyang maayos na tulog dahil sa kakaiyak niya kagabi. At sumunod pa ang sakit ni Lisel. Baka hindi na siya nakatulog. Maski nga ako puyat dahil hindi ako makatulog kagabi. Mugto rin ang mga mata ko.

"Sinuri siya ng doktor. Ang sabi nararanasan ng pinsan mo ang Hypothermia. Dahil bumaba ng sobra ang temperatura niya. Sobra rin ang panginginig ng katawan ni Lisel kagabi 'nak. Seizure daw iyon sabi ng doktor. Buti na lang at nadala namin agad si Lisel dito sa ospital kasi natulungan siya agad" pagkukwento sa akin ni mama.

Masakit parin ang puso ko hanggang ngayon. Nasa isip ko pa rin ang pag-uusap namin ni Luke kagabi. Lalo na ang mga sinabi mama sa akin. Sariwang-sariwa lahat sa isip ko. Ngayon naman, nadagdagan ng pag-aalala ang puso ko sa nalaman na nangyari kay Lisel.

I inhaled sharply to satisfy the emotions raging in my chest. Pero walang naitulong iyon.

"Maayos na ang lagay ni Lisel ngayon. Kasama niya si Joco. Kapag tuluyan na siyang gumaling, puwede na daw siyang lumabas" hindi humupa ang kaba at lungkot na ramdam ko. Buti at okay na ang batang iyon. Nakahinga man ako ng maluwag sa sinabi ni Mama bagaman nag-aalala naman ako ngayon sa kanila ni Papa.

"Mabuti naman po" mahinang saad ko. I gripped my phone.

My father may still have his work, but someone is ripping his job by hindering his clients. Si mama naman, wala na ang karendirya niya na pinagkukunan rin nila ng pantustos sa pag-aaral ko at ng mga bata. Pati sa mga panggastos nila sa bahay.

"Kamusta po kayo ni Papa, Ma?" Diretsahang tanong ko.

Natahimik ang kabilang linya.

Kaya napapikit ako. Mga magulang ko sila. At mahal na mahal ko sila. In everything I have done since I was their little kid, they always come first in my decisions. Lahat ng ginagawa ko ngayon, ang mga pangarap ko at mga hiling ko ay para sa kanila lagi. Dahil gusto ko silang bigyan ng magandang buhay. Nag-aaral ako ng mabuti para sa kanila.

Kung tutuusin, sila ang bukod tanging dahilan kung bakit ako may pangarap. At kung iniisip ko ngayon ang kalagayan nila, masakit para sa akin. Kasi alam ko na ako ang dahilan kung bakit nawalan ng kliyente si papa at kung bakit kinuha ang negosyo ni mama. They don't even know anything why this is happening to them. At gusto kong malaman nila. Gusto kong sabihin sa kanila ang dahilan ng mga nangyayari ngayon.

Hirap na tumikhim si mama sa kabilang linya. "Nasa labas ang papa mo. May kinailangang asikasuhin. Pero huwag kang mag-alala 'nak. Okay lang kami. Inaalam lang namin kung bakit kinuha sa atin ang karinderya at kung bakit kumalas ang mga kliyente ng papa mo" mahinang sabi niya.

Napapikit ako sa narinig. If only they know...

"Basta ayusin mo pa rin ang pag-aaral diyan. Huwag mo na muna kaming alalahanin. Maayos na rin ang pakiramdam ni Lisel kaya huwag kang maroblema. Malakas ang nakababatang pinsan mo na iyon. Kasing lakas mo, 'nak"

I bit my lip to suppress any words coming from my mouth. Hearing my mother say that comforts me. Lalo na ang huling linya.

Pinanghihinaan ako ng loob sa totoo lang. Pero pilit kong pinapatatag at linalakasan ang loob ko dahil alam kong wala akong mapapala sa pagiging mahina. Kailangan kong lakasan ang loob ko para sa sarili at sa mga mahal ko sa buhay.

Inuwi ko sa pagngiti ang narinig na sinabi ni Mama. "Malakas ako dahil minana ko iyon sa inyo ni Papa" tumawa ako ng marahan upang hindi niya mahalata ang panginginig ng boses ko.

Rinig ko naman ang pagtawa rin ni mama sa kabilang linya. "Bumanat ka pang bata ka. Sus"

I smiled weakly. Na-miss ko yung masayang usapan namin ni Mama.

"Sige na 'nak. Alam kong marami ka pang gagawin ngayon at kailangan ko na ring asikasuhin ang mga pinsan mo. Paalam na muna sa ngayon"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Sige po 'nay. Lagi niyo pong alagaan ang kalusugan niyo ni papa. Bye po"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo para ayusin ang kama.

Hindi pa rin umuuwi si Luke. Ang alam ko, may pasok siya ngayon. Siguro doon na siya sa condo niya dumiretso para maghanda. Baka nga nasa school na iyon. Pero bakit hindi man lang niya ako tinatawagan?

I exhaled deeply again. Baka pagod iyon o nakalimutan niya lang. Iwinaksi ko ang iniisip ko pero kalaunan ay natigilan ako.

Tama naman ang ganitong eksena. Diba? Dapat ganito. Dapat layuan na namin ang isa't-isa para sa ikabubuti ng nakararami. Dapat umpisahan ko nang tumupad sa desisyon kong layuan si Luke. This would be very hard. Kailan ba naging madali ang pagbitaw sa taong mahal mo?

Hindi sa lahat ng panahon, dapat ipinaglalaban ang isang relasyon na alam mo namang mababali. Hindi sapat na rason ang pagmamahal para hayaan mong may mangyaring masama sa mga ibang taong mahal mo rin. Dapat alam mo rin kung kailan ka susuko. Ang limitasyon mo. At kung kaya mo mang lumaban, bakit hindi?

Pero para sa amin ni Luke, kahit anong laban pa ang gawin namin, masisira lang ang buhay ni Luke. Pati ang pamilya ko ay madadamay pa. And I can't let that happen. Knowing how merciless and powerful Luke's father is.

I am not worth the fight of Luke.

His love for me is not enough reason for him to let himself get beaten by his father. May sariling negosyo si Luke. And his business is thriving but his father is still stronger and he can easily pull down his son from reaching his goal. Kasi nag-uumpisa pa lang si Luke. At pareho kaming estudyante lang. Kung lalaban kami, hindi namin kaya.

Even if I try to convince myself again and again that I should fight for Luke because we love each other, reality still chases me down. Telling me how selfish that decision is. Kasi hindi lang naman kami ni Luke ang involved kung pipiliin namin ang desisyon na iyon. I don't want to focus on Luke and me only. Kahit gaano ko kagustong huwag sukuan si Luke, kailangan ko ring protektahan ang pamilya ko sa mga mata at kamay ng papa niya. So I'd choose to leave him to protect him and my family from the heavy circumstances that might be waiting for us.

Love is sometimes selfish. But love also needs selflessness in order to secure the people you love.

And that is painfully hard.

Brix

Walang silbi si Seven na kausap.

Captain's seat is empty. Hindi siya pumasok ngayon. Tingin ko wala rin siya sa court kasi wala naman na kaming ensayo ngayon. Tapos na ang game namin laban sa Trives.

Tinatanong ko si Seven kung nakita ba niya si Kap pero hindi siya sumasagot.

Mukhang lutang ang kumag. Malalim ang iniisip. Ganon rin si Isaac na umiigting lagi ang panga na animoy may naaalalang hindi kanais-nais.

That's why I turned to Axel. Siya lang ata ang mukhang masaya ngayon. "Monterelba" Tawag ko sa kanya. Nagsasalita ang prof namin sa harap.

Nilingon niya ako. "O" tsk.

"Sinabi ba sa'yo ni kap kung bakit di siya pumasok ngayon?"

Umiling siya bilang sagot. Si Kap kasi yung tipo na hindi nag-aabsent na walang valid na rason. Minsan lang kung tinotopak siya, nag-aaya siyang mag-cut class para mag-inuman kami. Isa yon sa gusto ko kay Kap. Kung hindi rin papasok si kap, sasabihin niya sa isa sa amin.

Pero ngayon, wala siya. Wala siyang sinabihan ni isa sa amin. Di namin alam.

E kung tanungin ko na lang kaya si Za mamayang break.

Hinintay ko ang oras hanggang sa tumunog na ang alarm hudyat na natapos na ang dalawang subject at break na. Mabilis kong tinignan si Axel nang tumayo siya. "Pupuntahan mo ba si Patricia, Bro?" Tanong ko at tumayo na rin. Kasi parehong magkaklase sina Patricia at Zarena.

"Oo bakit?"

"Sama ako. Tatanungin ko lang si Za kung bakit wala si Kap. May ibabalita pa sana ako kay Kap"

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. Mukhang mang-uusisa na naman ang gagong 'to.

"Anong balita?" Takhang tanong niya. Sabi na nga ba e!

"Wala ka na don. Wag kang tsismoso. Tara na" Akmang hahakang na sana ako pero tumigil ako nung pigilan ako ni Axel. Umiling siya. "Walang pasok ngayon sina Catalya at Zarena. Si Pat meron dahil iba ang schedule niya sa oras na ito" aniya na ikinalukot ng mukha ko.

Iniwan naman ako ng kumag dahil hindi ako nakatugon. Nailing na lang ako at napag-isipang tawagan na lang si Za. Importante pa naman ang sasabihin ko kay Kap.

Nagpapasalamat ako dahil ilang rings lang ang hinintay ko bago niya inangat ang tawag. I heard her soft voice answering my call by stating my name. Pero bakit parang may mali ata sa boses niya?
O baka guni guni ko lang iyon.

"Napatawag ka Brix. Ano iyon?"

Hindi naman siguro magagalit si Kap tinawagan ko si Za. Lalo pa at kausap ko siya ngayon.

Tumikhim ako. "Pasensya na kung naistorbo kita pero gusto ko lang sanang itanong kung kasama mo ba ngayon si Kap?" Diretsahang tanong ko.

Biglang natahimik siya. So I had to check my phone to see if the call is still going or not. Nakakonekta pa rin naman.

It took her some seconds to answer. "Umalis siya kagabi at hindi pa siya bumabalik kaya akala ko pumasok na siya sa paaralan since may klase naman kayo ngayon" Halos pabulong niyang sabi. "Bakit hindi ba siya pumasok?" Halata ang pagtataka sa boses ni Za.

Napailing ako. "Wala e. Sinubukan mo ba siyang tawagan?" Tanong ko pabalik.

Imposible naman si Kap na hindi niya sinabi kay Za na wala siya. E laging pinapaalam ni Kap lagi kay Za kung asan siya kapag magkalayo sila! Sinisigarado niya lagi na alam ng reyna niya.

"Oo sinubukan ko kanina pagkatapos kong mag-almusal pero hindi niya sinasagot. It's ringing but he doesn't answer"

Nabigla ako sa narinig. Busy ba si Kap? Anong meron? Tsaka bakit parang may iba talaga sa boses ni Za?

Bumalik ako sa pagkakaupo. "Baka busy nga si Kap. Sige salamat" tanging sabi ko tsaka ko narinig ang pagpapaalam niya at ang pagpatay niya sa tawag.

Nailing ako at mabilis hinanap ang pangalan ni Kap sa contacts ko. I pressed his number after.

Gaano ka-busy si Kap at di niya man lang magawang angatin ang tawag ni Za. Tinatawagan ko siya ngayon. Malabong angatin niya per-

"Apollo"

Ay putangina. Napatuwid ako ng upo nang marinig ang malamig na boses ni Kap. Apollo na naman. Hindi ba puwedeng Brix na lang? fuck.

Pero kumunot ang noo ko nang may mapagtanto ako. E sumagot naman agad sa tawag ko. Bakit sabi ni Za, hindi niya inaangat ang tawag niya? At kung na-miss man sana ni Kap ang mga tawag ni Za, siya mismo ang tatawag pabalik. Pero hindi pa rin daw tumatawag si Kap kay Za.

"Kap" tumikhim ako. "Ba't di ka pumasok kap?"

"I got things to do" Walang buhay niyang sabi.

"Asan ka kap?" Prenteng tanong ko. Tanong talaga ako mg tanong. Bahala na.

"Office" simpleng sabi niya.

Lumunok ako. Ayokong manghimasok pero 'tong dila ko iba ang trip. Lintek. "Kap, tuloy pa rin ba ang surpresa mo kay Za mamaya?" Kinakabahang tanong ko pero naghintay ako ng ilang segundo, wala akong narinig na sagot.

Katahimikan ang bumalot sa linya ni Kap. Kaya kinailangan ko pang tignan ang screen ng phone ko para lang makumpirma kung may kausap pa rin ba ako o wala. Pero meron na naman.

"Kap?" Takhang tanong ko pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

"Forget about the plan. I'm not surprising her anymore" nakakakilabot ang boses niya. Sobrang lamig pa.

Nagsalubong ang kila ko. "Bakit kap? E last week mo pang pinlano iyon" Imporma ko. Tama, matagal nang pinagplanuhan ni Kap ang bigating surpresang iyon para kay Za. Tas ngayon hindi matutuloy? Tangina bakit?

Hinihintay ko ang pagsagot niya. Inaasahan kong babawiin niya yung sinabi niya pero napakunot noo na lamang ako nang patayin ni Kap ang tawag. The line went dead. Ni hindi niya ao binibigyan ng sagot.

Tangina ano ba ang meron sa kanila ni Za? Ano na naman ba 'to?






A/N
continue to vote and comment to unlock the following chapters, mga mahal ko

Continue Reading

You'll Also Like

933K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
40.1K 1.2K 21
Who says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.
9.1M 220K 47
Hestia has learned her lesson: never flirt with a casanova or else, you'll end up with a broken heart and a fatherless child. She has done everything...