How Are You, My Ex?

By Sincerelie

71.5K 1.5K 321

HAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na s... More

NOTE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
EPILOGUE

XXVII

1K 26 5
By Sincerelie

I was still a little bit confused, but I didn't let it ruin my mood. Inenjoy na lang namin ang ilang oras naming nakababad sa tubig. Magaling mag-surf si Zen kaya tinuruan niya kaming lahat kung paano. The boys were the first to ride the waves; habang kami namang mga babae ay nahirapan sa pagbalanse.

Kaya naman 'nung nag-dinner na kami at around seven, kapansin-pansin ang kapaguran na nakaguhit sa mukha naming lahat. Medyo nabuhayan kami ng loob dahil sa mga pagkaing nakahanda para sa amin.

"Anak, napagsabihan ko na ang staff na ihanda ang spot niyo mamaya sa dalampasigan para sa campfire," sabi ni Tita Edna habang kumakain kami. "Anong oras ba kayong mag-cacampfire? After dinner?"

Parang may kung anong nakapagpagising sa akin at nag-restore sa lahat ng enerhiyang nagasta ko sa dagat kanina. Was that right? Campfire? Seryoso? I've always dreamed of this ever since! Matagal ko nang pinangarap na mag-campfire kasama ang mga kaibigan ko. I just can't believe that it's finally happening today!

"Opo, Ma.." sagot ni Hiro. "Pwede pong humingi ng wine? Para kahit papano may iinumin kami mamaya," dagdag pa niya.

"Sure. Si Ate Ali mo ang nag-suggest niyan kanina. Sabi pa nga niya ay dapat may outdoor grilling kayo mamaya. Kompleto na ang lahat. Nakapagpahanda na kami ng meat at saka marshmallows. Kayo na lang ang bahalang luluto niyan mamaya."

Oh my gosh.

Hindi naman ako nananaginip, diba?

Sobrang supportive talaga ng family ni Hiro. Ang cool pa ng mama niya! Ang dami niyang alam na mga pang-millennials na activities!

Dati nakikita ko lang sa newsfeed ko sa Facebook ang mga 'squad goals' kuno na mga pictures habang nag-cacampfire; tapos ngayon we're just a few minutes away from doing that, too.

Pagkatapos naming kumain, we proceeded to the beach front na kung saan nakahanda na ang lahat na mga gagamitin namin. Gusto talaga sana naming sumali si Ate Ali sa campfire namin kaso umuwi na pala siya sa Manila dahil sinundo siya ng boyfriend niya.

"Pakiabot nga ng lighter, Ria!" ani Joaquinn at nang natanggap ito ay agad niyang sinindihan ang nagkumpulang mga piraso ng kahoy. Mabilis lang ang pagkalat ng alab nito hanggang sa tuluyan na nga itong lumaki.

Pabilog kaming nakaupo sa palibot ng apoy. Ang lamig ng simoy ng hangin kaya napalagay ako ng kumot sa aking sarili kahit na gawing upuan sana ang purpose nito. Napayakap ako sa sarili ko habang nagsimula nang maglagay ng wine si Hiro sa mga cups at isa-isa itong binigay sa amin.

Bawal daw kami sa hard liquors, eh. Kaya wine na lang daw. Pero okay pa rin naman.

"Cheers to this matandang lalaking legal na!" sabi ni Zenji at nag-cheers kaming lahat in Japanese, dahil may kasama kaming Hapon dito.

"Wait, why don't we deliver speeches kay Hiro? Isa-isa tayo," suhestiyon ni Kyra. Nanlaki ang mga mata ko dahil sumang-ayon naman ang halos lahat sa kanila maliban lang sa amin ni Jio.

Jio looks like he doesn't wanna do it—probably because he's not accustomed to this. Habang ako naman ay ayaw ding magdeliver ng mensahe para kay Hiro sa harap nila dahil hindi ako komportable. I'd rather talk to him alone...

"Sinong mauuna?" tanong ni Waks.

"Basta huwag si Astrid. She has to be the last but not the least!" ani Ria with much conviction. Binatukan ko agad siya dahil sa tabi ko lang naman siya. Ang dami niyang alam. "Ow! Bakit ba? Tama naman ako, ah!"

"Ewan ko sa 'yo," mahina kong sabi. I doubt she even heard that.

"Ako na nga lang," Zen volunteered. Natahimik kaming lahat. Among everyone, siya 'yung napapansin kong pinaka-closest kay Hiro so far. Close naman talaga silang lahat but there's this sort of great connection between the two of them. "Astrid, may tissue ka diyan? O panyo? Pakihanda na lang just in case na umiyak 'yung jowa mo."

Napatawa kaming lahat lalong-lalo na 'nung malutong na napa-pakyu si Hiro sa kaniya.

"Sige, saan ba ako magsisimula?" napatanong siya sa sarili. Mga ilang segundo din ang lumipas bago siya nakapagsalitang muli. "Ah! Alam ko na! Okay.. let's start with this."

Nagsimula siyang magkwento tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo at kung paano niya ni-relate sa chemistry ang friendship nilang dalawa. According to him, they were both different compounds daw noong una at 'nung nagkakilala ay nagkaroon ng chemical reaction and formed a product which is friendship.

What a geek.

That was what I thought at first... pero ang cute pala. Ang witty.

"Bro, ilang buwan pa lang tayong magkakilala pero pinatunayan mong time is not a basis of how good this bond is," aniya.

Damn right.

We were all getting the feels.

Kaso biglang...

"Tanginang 'yan, ang bakla pakinggan!" Siya rin mismo ang nagsabi niyan.

"Para kang tanga! Bakit hindi mo na lang tinapos?!" gigil na gigil na sabi ni Waks na napasigaw pa talaga.

Well, I'd say that, too. Nandoon na kasi, eh! Ang lakas na ng feels! Kaso biglang boom, goodbye momentum!

Oh, diba? Napagamit na rin ako ng isang physics term dahil sa kagagawan nila. Kung kanina may chemistry si Zen, ngayon naman napagamit ako ng momentum. Konting-konti na lang talaga at ang supposedly campfire namin ay magiging science camp na!

"Tapusin mo na!"

"Okay..." Uminom muna siya sandali sa cup. "Eto na lang. Nasa legal na edad ka na kaya sana maging mas maingat ka na sa mga desisyon mo sa buhay mula ngayon. You're an adult and you will stay an adult for almost the rest of your life, so ingat ka. That's all. Happy birthday ulit."

"Thanks, man." Nag-apir silang dalawa na ginawan pa nila ng pattern. Signature handshake daw nila, ika nila.

Ang sumunod na nagsalita ay sina Joaquinn at Echo na hindi nagpahuli sa scientific metaphors. Parang elements daw ang friendship nila—cannot be broken down into simpler means and cannot be separated by chemical means.

Whew. Ayoko na sa earth.

Next namang nagsalita si Ria na sa totoo lang ay hiniling kong sana hindi na lang niya sinabi dahil duh, it's so cringey!

"Basta alagaan mo si Astrid, okay?! Take care of her until forever dahil bagay kayong dalawa. You guys are copper and tellurium. You guys are CuTe together."

See?

I told you!

Wala man lang may nagreact sa aming lahat dahil alam namin na sa Facebook niya napulot iyan. Ang masasabi ko lang ay hindi ka tunay na Facebook user kapag hindi mo pa nabasa ang CuTe na pinagsasabi niya.

"Jio! Ikaw na!" sabi ko sa kaniya at bahagya siyang siniko. Hindi siya gumalaw. Naka-pokerface siya na para bang walang pakialam sa mundo. Hays, classic Jio.

"What the hell am I supposed to say?" tanong niya na wala pa ring ka-emo-emosyon ang mukha. "Do I also need to do some paronomasia?" Nakataas pa ang kilay ng loko.

Nagkatinginan kaming lahat at sabay na napabuntong-hininga maliban na lang sa kaniya. Here we go again with the terminologies. It's not new, though. Like I said, it's just classic Jio.

"I... I don't know what to say," mahina niyang sabi. "Happy birthday. That's all."

May isang napakalaking question mark na gumuhit sa mukha ko. I've thought about this countless times already pero parang ang hirap kasi talagang i-visualize, eh.

We all know that Jio likes Celestine and vice versa, pero siyempre alam din naming pareho silang mga matatahimik. May malaking improvement si Jio sa social life niya but I don't really know much about Celestine. Iniisip ko lang kung ano kaya 'yung mga napag-uusapan nilang dalawang mga silent-types kapag magkasama sila. Baka boring? Or maybe they're completely different when they're together.

But anyway, maya-maya'y natapos din ang mga greetings maliban na lang sa akin na sinadya nilang last para but not the least.

"Bahala kayo diyan. Ayoko," sabi ko nang nakaupo sa buhangin habang si Ria naman ay sinusubukan akong hilain patayo.

"Hala, bakit? Mabilis lang naman 'to. Tapos na kaming lahat kaya dapat ikaw na. It's your turn, dude!"

"Ayoko nga... mas gusto kong makausap si Hiro na kaming dalawa lang..." mahina kong sabi na huli ko na lang namalayang medyo napalakas na pala iyon for them to hear. Akala ko pa naman walang may nakarinig.

"So, ano na? Mamaya ka na lang? Then let's chill na lang muna for now..."

"Sorry na lang kayo. Wala akong magagawa dahil iyan ang gusto ni Boss Astrid. Gusto ata akong solohin mamaya kaya medyo nagsusungit ngayon..." Mabilis na lumipat ang tingin ko sa pinagmulan ng boses na iyon na walanghiyang-iba kundi si Hiro Figueroa na naglakas-loob pang kindatan ako.

"Pasalamat ka lang talaga at birthday mo ngayon dahil kapag hindi, kanina pa kita nasuntok!"

Mas lalong lumapad ang ngisi niya—which is actually annoying, by the way. Kasi alam mo 'yun? 'Yung medyo na-imbyerna ka na nga tapos kukulitin ka pa.

"Ano 'yun? Suntok ng pagmamahal? G tayo diyan," aniya na sinundan ng ilang yiiieee ng mga kasama namin.

Sinamaan ko sila ng tingin pero wala akong nasabi. I don't know what to say... parang bigla na lang akong naubusan ng mga salita.

Thankfully, naka-move on din naman sila soon after. 'Yung ginawa namin is nanghiram na lang kami ng ukulele at gitara mula sa resort at nag-jamming ng mga kantang OPM—'yung mga medyo oldschool at siguradong alam ng lahat.

"Ngunit ang paborito... ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo..."

Tama nga dahil habang kumakanta ang halos lahat sa amin, si Ria naman ay sumasayaw nito kasama ang invisible partner niya. Kapag normal na araw lang 'to, natatawa na siguro kami. But because it's special and probably going to be one of the most memorable days of my life, sobrang umaapaw 'yung feels.

Starry night. Campfire by the sea. OPM jams. Nostalgic songs. Dancing by the fire. Sound of the waves. Warmth. Friendship. Love.

Could there be anything better than this?

Ang saya ko na sa nabuong friendship circle na 'to. Hindi ko man masyadong na-enjoy ang highschool life ko noon, bumawi naman ako ngayong nasa senior high na 'ko.

Life is indeed beautiful... and I'm happy that I got to meet these beautiful people. Sila 'yung nagparamdam sa 'kin ng ganitong feeling ng friendship—walang peke, walang plastikan.

"Huy! Bakit tulala ka diyan?!"

Nagulat ako sa malakas na sigaw na iyon sa mismong tapat ng tainga ko.

"Tarantado ka!"

Hinabol ko si Zenji sa dalampasigan. Mukha akong tangang sinusubukang habulin ang isang long-legged katulad niya. Nakita ng iba na ang saya raw namin kaya sumali sila hanggang sa tuluyan na nga kaming naglarong lahat.

"Pakyu ka, ikaw na taya!" malakas na sigaw ni Echo kay Joaquinn na kakahabol lang niya.

Nung nagtama ang mga mata namin ni Waks at nakita ko ang pagbuhay ng apoy sa mga ito, tumakbo na agad ako dahil alam kong ako na ang target niya.

Poteks.

Takbo.

Tumakbo ako sa hindi ko alam na bahagi ng beach. Paulit-ulit lang ang nakikita ko—coconut trees, alon, buhangin. Hindi na ako lumingon pa dahil baka ma-decelerate lang ako or worse, madapa. Basta sa pagkakaalam ko, ang layo ko na sa kanila. Hindi ko na maririnig ang mga boses nila.

At higit sa lahat, may sumusunod sa 'kin.

"Astrid!" sigaw nito mula sa di-kalayuan.

Natigilan ako sandali dahil alam kong hindi kay Joaquinn ang boses na iyon. I know it was Hiro's. I stopped on full tracks at lumingon sa kaniya. Tama ako. Siya nga iyon. Siya pala 'yung nakasunod sa akin at hindi ang taya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng pagtibok nito. Alam kong dahil ito sa ginawa kong pagtakbo, pero alam kong epekto din ito ng biglang paglitaw ni Hiro sa pinaka-hindi ko inaasahang pagkakataon.

"Ang bilis mo palang tumakbo?" nakangiti pero nakakunot-noong tanong ni Hiro. Tulala pa rin ako habang pinagmamasdan ang mukha niyang nililiwanagan ng buwan. Nakita kong humakbang siya papalapit sa akin. "Ang layo na natin sa kanila..."

Napatingin naman ako sa likuran niya. Come to think of it, ang layo nga pala talaga. I can still see the huge flame from our position kanina but it does feel so far away.

"Tara... balik na tayo. Baka hinahanap na tayo," sabi ko pero siyempre, hindi ko maitanggi that a part of me wants to stay.

Kumunot ang noo niya, na naging dahilan din ng pagkakunot ng noo ko. We're like two confused souls.

"Hala, bakit? Ito nga 'yung point ng laro, diba? Lumayo tayo para hindi tayo mahabol para maging taya," aniya.

Oo nga... may point naman siya.

Natigilan siya sandali. Mukhang may sasabihin pa siya kaya hindi na lang muna ako nagsalita.

"At isa pa... pwedeng tayong dalawa na lang muna?" tanong nito na biglang nagpalambot sa akin.

OA na kung OA pero pakiramdam ko, bumuhay na talaga ang mga paru-paro sa tiyan ko na umabot pa hanggang sa tuhod ko. Hindi ko na lang namalayang napangiti na pala ako.

The Hiro-effect, o nga naman.

"Diba may sasabihin ka pa sa 'kin? Ngayon mo na sabihin."

Tumango ako. Hinubad ko ang suot kong tsinelas at inupuan iyon sa tabi ng dagat. Ginaya niya ang ginawa ko. Niyakap ko ang tuhod ko at tumangla sa mga bituing nagniningning sa langit.

"Kailangan ba talaga ng speech?" tanong ko.

"Speech? Hindi naman," sagot nito na sinabayan ng tunog ng paghampas ng alon sa aming mga paa. "Kahit ano pa iyan basta galing mismo sa 'yo, masaya na 'ko."

"Edi ganito. Happy birthday. Iyon lang. Ayos na?"

"Masyado mo namang sineryoso." Nakita kong ngumiti siya sa peripheral vision ko. "Pero oo, ayos na rin iyon. Salamat."

"Hindi ko naman kailangan ng speech para malaman mo kung gaano ako ka-thankful na naging parte ka ng buhay ko. Makikita mo naman iyon sa actions ko," paliwanag ko.

"Alam ko... kasi nga hindi ka masyadong verbal. More on actions ka than words. At sa totoo lang? Mas mabuti nga iyon. I like you more as that kind of person, kaysa naman 'yung mga taong puro salita lang, hindi naman isinasabuhay."

Napalingon ako sa kaniya. Hindi na ako nagulat 'nung nakita siyang nakatingin din sa akin. Ang lalim din minsan kausapin ng taong 'to.

"Hiro, nga pala, sorry ha... wala akong regalo para sa 'yo."

Wala, as in wala talaga—hindi katulad ng pamilya niya na binigyan siya ng kung ano-ano. May bagong laptop, latest na Nike shoes, G-Shock, at marami pang iba. He's got every single one of them tapos ako, wala man lang may naibigay na kahit ano sa kaniya. I know he's fine with it... pero hindi ako satisfied with the fact that I didn't even bother giving him something.

It's just sad, you know.

Kaya sobrang nagulat ako 'nung nakitang ngumiti siya. I just stared at him blankly dahil kahit ako ay hindi sigurado kung reyalidad ba itong nakikita ko.

"Hindi naman ako humihingi ng materyal na regalo mula sa 'yo. You, as a whole... ikaw ang pinakamagandang regalong natanggap ko kaya please 'wag ka nang mag-sorry."

Shet.

"Alam mo bang sobrang pa-fall ka?"

Shet ulit.

Nagulat na lang ako dahil nasabi ko na pala iyon. I thought I was just thinking! I swear, hindi ko alam na lumabas na pala ang mga salitang iyon mula sa mga bibig ko!

Pero bahala na! Baka alam niya naman kung gaano siya ka pa-fall. He really does have his ways of making me fall in love with him more every single day. May something talaga sa kaniya, eh. Pakiramdam ko tuloy parang ako 'yung may birthday dahil ako 'yung nabigyan ng napakagandang regalo. Ang swerte ko. Napakaswerte ko kay Hiro.

What did I ever do to deserve him?

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi maalis ang tingin ko sa mga mata niyang nagniningning dahil sa mga bituin at buwan, sa mga labi niyang sobrang pula dahil sa ilang beses niyang pagkagat, sa matangos niyang ilong...

Jusko po.

Bakit ganito?

Bakit parang kinakabahan ako na parang ano?

"Astrid, alam mo ba kung gaano kita kagusto na halikan ngayon?"

Tangina.

Paano na 'yung puso kong napakabilis ng tempo?

Paano na lang kapag palpitation ang magiging cause of death ko dahil sa lalaking 'to?

"Alam mo ba kung gaano kahirap na magpigil?"

Umiling ako.

Takteng 'to! Bakit pa ba niya kasi ako tinatanong?! For research purposes?! Para mas lalong maging tense 'tong sitwasyon?! Nananadya talaga 'to, eh! Feeling niya siya lang 'yung nahihirapan?! Pwes, ako rin!

Umiwas na lang ako ng tingin... kasi mahirap na.

"Hihintayin ko na lang na maging eighteen ka para legal na."

Hindi ako sigurado sa kung anong nais niyang iparating sa mga sinabi niya kaya naisip kong mas mabuting itanong ko na lang mismo siya. Ngunit bago ko pa man nagawa iyon, bigla siyang umusog sa tabi ko at may naramdaman akong kung anong malambot na dumampot sa kaliwang pisngi ko.

"Pisngi na lang muna sa ngayon. Next time na lang 'yung lips."

Bigla siyang tumayo at nagsimulang tumakbo papalayo sa 'kin. Sabi niya, paunahan daw kaming makabalik doon sa campfire kanina. Tumakbo rin naman ako pero hindi ko alam kung nasaan na ang utak ko. Ang alam ko lang ay sobrang lutang ko habang tinatahak ang daanan pabalik.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 3.3K 94
Maldrid Boys Series #2 an epistolary story of Alexandro Zane Maldrid "Hala gago! Sa wrong number napunta yung load ko!"
19.2K 2.4K 56
Kalakip ng musika ang pag-ibig. Di mo alam, baka mamaya yung taong kalapit mo lang pala sa gigs na pinupuntahan mo ang sasagot sa mga katanungan mo s...
657 87 11
People can be weak. But even weak people can stand for their selves and fight back. Be strong. It only takes even a small amount of courage to do it.
356K 24.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...