Can't live without you (BL)

By Eisenchan

527K 22K 2.7K

*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok... More

CAST
Chapter 1: My Ex-E-O
Chapter 2: Not a total Stranger
Chapter 3: Ex's and Oh's
Chapter 4: Double Trouble
Chapter 5: Kiss me gently
Chapter 6: Gimme more
Chapter 7: Elevator Trouble
Chapter 8: He ate my heart
Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses
Chapter 10: Make you feel my love
Chapter 11: I, My, Me, Mine
Chapter 12: Gotta be you
Chapter 13: You belong with me
Chapter 14: Love me like you do
Chapter 15: I'm with you
Chapter 16: Into the new world
Chapter 17: Déjà vu
Chapter 18: You're so gay
Chapter 19: I wish for you
Chapter 20: Dramarama
Chapter 22: Kill this love
Chapter 23: Kick it
Chapter 24: Hope Not
Chapter 25: Love Shot
Chapter 26: We belong
Epilogue
Preview: Ice X Fire
AMTR & Upcoming stories

Chapter 21: Don't know what to do

8.8K 471 79
By Eisenchan

For the first time magsusulat ako ng GxB story. LOL.

Coming soon....

--------------------------------------------------------

Bas as Eisen


Eisen's POV

Ang daming nangyaring hindi maganda nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung hanggang kailan susubukin ang tibay ng loob ko. Kahit gaano pa man kahirap ay nakaya ko at kinakaya ko. Lalong lalo na't nandyan si Jethro bilang kaagapay ko sa hirap at ginhawa. Nitong mga nakaraan lang ay panay ang hirit niya sa akin tungkol sa pag-aasawa. Alam kong gustong gusto niya nang ikasal kaming dalawa. Sino ba naman ang may ayaw ikasal sa taong mahal mo? Nakakataba talaga ng puso nang malaman kong handa siyang iwanan ang kompanyang binuo niya para sa akin. Ayun sa kaniya ay matatagalan pa bago niya maibalik ang tiwala ng mga board members. At mukhang malabo na ring makabalik ako sa kompanya. Kaya naman naisipan niyang ibenta ang lahat ng shares na meron siya sa Forever and Always Co. at bubuo ng bagong kompanya kasama ako. Noong una ay tutol ako sa ideyang yun dahil ayokong bitiwan nya ang isang bagay na matagal niyang pinaghirapan para mabuo. Ayun sa kaniya ay mas pipiliin niyang iwanan ang kompanya kaysa mawalay sa akin.

Iba talaga ang nagagawa ng pera. Nasira ang pangalan ko dahil sa paggawa ng iskandalo ni Celestine. Ayun sa mga balita ay ako daw ang nagwala at gumawa ng masama sa kaniya. Walang videos o pictures man lang sa article dahil lahat ay naplantsa na ni Celestine para sumang-ayon sa kaniya ang balita. Nakatanggap ako ng suspension sa management. Kailangan ko munang mag-lie low dahil daw sa issue. Hindi man lang nila tinanong ang side ko at kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi na ako nag-appeal sa kanila at tinanggap na lang parusa dahil alam kong may pagkakamali rin ako. Nanatili na lang ako sa bahay at pilit binabaling sa ibang bagay ang aking atensyon para hindi ako madepress. Buti na lang at nandyan si Jethro para pasiyahin ako. Minsan nga naaawa ako sa kaniya dahil nasusungitan ko siya kahit wala naman siyang kasalanan sa mga nangyayari. Siguro nga ito na ang hudyat para talikuran ko ang showbiz at magtayo na lang ng panibagong negosyo kasama si Jethro.

Sabado nang magsabi sa akin si Jethro tungkol sa farewell party kasama ang mga bigating tao sa kompanya niya. Si Rob ang nag-organize nito, ang pinakamatalik niyang kaibigan sa kompanya. Ayaw niyang sumama dahil mas gusto niyang makasama ako pero pinilit ko siyang sumama dahil sayang naman ang effort ni Rob at sa huling pagkakataon man lang ay magkasama-sama sila bago siya tuluyang umalis. Pero yung totoo ay nakiusap sa akin si Rob na piliting mapapayag si Jethro na sumama. Hindi ko naman ipagdadamot si Jethro sa ibang tao maliban na lang sa higad na si Celestine. Bago ako pumayag sa pagpilit kay Jethro ay siniguro ko kay Rob na hindi kasama si Celestine sa mga dadalo sa party. Siniguro naman ni Rob na hindi invited si Celestine sa party kaya pumayag na ako.

"Inayos ko na yung mga gamit na gagamitin mo para hindi kana maghagilap pa ng damit kapag dumaan ka ng mansion" sabi ko at sabay abot ng bag kay Jethro kung saan naglalaman ng mga kagamitan na kakailanganin niya.

"Ang sipag talaga ng misis ko. Pinagluto ako, pinaghandaan ng gamit at nilinis ang kotse ko. Kung pwede bang linisin mo rin yung tubo ko?" sabi niya habang pinipisil ang mukha ko.

"Napakabastos mo talaga" sabi ko at sabay kurot sa tagiliran niya.

"Eto naman ayaw magpa-isa. Hindi mo ba kami mamimiss ni Junjun?" tanong niya habang nagpapout ng labi na parang bata na inagawan ng candy. Sobrang cute niya kapag ginagawa nila to.

"Isang araw lang kitang pinayagan Jethro kaya uuwi ka na bukas. No ifs, no buts!" sabi ko habang nakapamaywang.

"Yes maam" sagot niya habang nakasalute.

"Bawal mambabae at kapag nambabae ay?" tanong ko sa kaniya habang nakaduro.

"Putol titi" nakangisi niyang sagot na halos hindi na makita ang kaniyang mga mata sa sobrang pagngisi niya.

"Mag-iingat ka" sabi ko at bigla niya akong niyakap.

"Bye" maikli niyang tugon sabay halik sa aking mga labi. Marahan siyang naglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman. Party lang naman ang pupuntahan niya at wala namang magbabago sa loob ng isang araw na hindi kami magkasama.

"Jethro!" pagtawag ko sa kaniya at kaagad siyang lumingon sa akin. Lumapit ako para yakapin siya nang mahigpit.

"I'm sorry" ang tangi kong nasabi habang ninanamnam ang sandaling magkayakap kami.

"Sorry for what?" tanong niya habang hindi pa rin kami kumakalas sa pagkayakap.

"Eh kasi naging masungit ako sayo nitong mga nakaraang araw. Tapos napagbubuntungan kita ng galit kahit wala ka namang kasalanan" sabi ko at bigla niyang hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha ko para magtagpo ang aming paningin.

"It's okay hon. Naiintindihan ko naman. Ganyan talaga ang mga buntis, nagiging mainitin ang ulo at madalas nilang inaaway ang asawa nila. Pero kahit awayin mo pa ako araw-araw ay hinding hindi ako magsasawang intindihin ka" sagot niya sabay halik sa aking noo. Bigla na lang niyang dinikit ang kaniyang tenga sa aking tiyan.

"Mukhang malapit na talaga akong magkaroon ng panganay. Wag kang maglilikot habang wala si daddy ah!" sabi niya na tila ba may kinakausap sa loob ng tiyan ko. Bigla na lang akong naging emosyonal. Hindi ko alam dahil ba sa sobrang sweet ni Jethro sa akin o dahil wala akong matres na makakapagbigay ng anak na gustong gusto niya. Hindi ko napigilang maluha at kaagad pinunasan ito.

"Huwag ka ngang umiyak. Paano ako makakaalis niyan kung iiyak ka? Hayaan mo lagi akong tatawag after ng work ko. Magpapadala ako sa tuwing may sweldo. Nakaroaming naman tong number ko kaya makakapagtawagan pa rin tayo" pagbibiro niya at ako nama'y natawa.

"Siraulo sa batangas ka lang pupunta hindi ka mag-aabroad!" sabi ko sabat kurot sa ilong nya.

"I love you" bigla nyang sabi na parang ngungo ang tunog dahil hawak-hawak ko pa rin ang kaniyang ilong.

"I wav yu tu" sagot ko at sabay tawa. Ngumiti siya at nagpaalam sa akin. Nagpapaalam na siya pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko. Hanggang sa ako na mismo ang bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

May pangamba man sa aking dibdib, hinayaan ko paring umalis si Jethro para makasama ang mga kasamahan niya sa trabaho sa huling pagkakataon. May tiwala ako sa kaniya at alam kong hindi niya ako bibiguin. Ayokong mag-isip ng kung ano-anong masasamang bagay na mangyayari baka mabaliw lang ako. Pinagtuunan ko na lang ng pansin kung papano ko mapapasarap ang Paella na pinangako ko na ihahain sa pagbalik ni Jethro.

Kinabukasan ay nagpasama ako kila manang sa pamimili ng mga kasangkapan sa pagluluto ng Paella. Hindi ko pa natatry lutuin ito kaya humingi ako ng tulong kay manang para magawa ko nang tama ang pagluto nito. Medyo lutang ako habang namimili kami dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Ilang beses akong tinawagan ni Jethro pero hindi namin halos maintindihan ang isa't isa dahil sa hina ng signal sa location nila. Mas malakas pa ang tugtugan sa party kaysa sa boses ni Jethro. Mukhang nag-eenjoy nga silang lahat. Malamang pagod at gutom yun mamaya si Jethro pagbalik niya kaya kailangan kung igihan ang pagluluto. Nang makarating kami ni manang ay hinanda na namin kaagad ang mga kakalanganin namin sa pagluluto at nang sumalit ang hapon ay sinimulan namin ang pagluto ng Paella.

Ayun kay Jethro ay makakauwi siya ng bahay bago mag-alas otso pero halos sumapit na ang alas diyes ay hindi pa rin siya nakakauwi. Marahil natraffic lang siya sa daan. Kung sa bagay traffic talaga kapag linggo dahil magsisibalikan na ang mga tao sa metro galing sa bakasyon. Minabuti kong pumunta sa kwarto para kunin ang aking cellphone at tawagan sya nang malaman kung nasaan na ba talaga siya. Pagkabukas ko ng phone ko ay may nareceive akong message sa hindi ko kilalang user sa messenger. Hindi ko kaagad mababasa ang laman ng mga messages niya unless i-approve ko ang message niya sa akin. Pagsilip ko sa message nito ay tanging link lang ang nasa loob nito. Hindi ko na pinansin dahil baka mahack pa ang account ko sa pagnag click ako sa link na yun. Ilang segundo lang ang lumipas nang mag message itong muli at ang sabi ay "Jethro is so fucking good in bed". Bigla akong nagduda nang mabasa ko yun kaya naman chineck ko kaagad ang laman ng link.

Tumulo ang aking luha nang makita ko ang lalaking pinakamamahal ko na nakikipagtalik sa iba. Habang nasa ibabaw niya si Celestine ay ilang ulit niyang sinisigaw ang pangalan ko na mas lalong nagpadurog sa aking damdamin. Sobrang sakit ng aking nadarama habang pinapanood ang kababuyang ginawa nila. Malabong edited ang video na to dahil ako mismo ang magpapatunay na si Jethro at si Celestine ang nasa video. Nang matapos ang video ay nanatili lang ako sa kwarto habang hinahampas ang aking dibdib dahil nahihirapan akong huminga sa sobrang pag-iiyak. Hindi ko inaasahang darating si Jethro nang bumukas ang pinto ng aming kwarto. Sa sobrang galit ko sa kaniya ay naibato ko ang aking cellphone sa kaniya pero nagawa niyang Ilagan ito.

"What's wrong hon?" sabi niya at nilapag ang gamit sa sahig. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisnge.

"Napakababoy mo!" sigaw ko at sa sobrang galit ko ay nagawa ko siyang sampalin. Maski ako ay nagulat sa inasal ko kaya mas lalo akong naiyak.

"Bakit anong nagawa ko?" muli niyang tanong pinagpapalo ko siya para layuan niya ako. Magaan lang ang pagkakapalo ko sa kaniya para layuan niya ako dahil ayoko siyang pagbuhatan ng kamay dahil sa sobrang galit ng nararamdaman ko. Hindi siya umalis sa aking tabi at patuloy pa rin siyang nakayap sa akin hanggang sa tumahan ako.

Wala akong masabi sa kaniya kahit ilang beses niya akong kinakausap. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon. Ayokong ibuka ang bibig ko dahil baka makapagsabi ako ng mga salitang pagsisihan ko. Umalis lang siya sa tabi ko nang malaman niyang nariyan si James. Nasa labas sila ng kwarto habang may pinag-uusapan. Nahiga ako sa kama habang yakap-yakap ang unan. Ilang sandali pa nang maramdaman kong may umupo sa kama. Ang buong akala ko ay si Jethro pero nalaman kong si James ang kasama ko sa kwarto. Nakilala ko ang boses niya nang magsalita siya.

"Eisen, kung ayaw mong makipag-usap kay Jethro ay nandito naman ako para makinig kung ano mang problema ang pinagdadaan mo o ninyo" mahinahon niyang sabi. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata bago ako lumingon para harapin siya.

"Niloko niya ako James" sabi ko at nagsisimula na namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"Bakit ano bang nagawa niya sayo?" tanong niya habang inaabot niya sa akin ang tissue.

"Yung cellphone ko" ang tanging nasabi ko at kaagad niya itong kinuha. Halos madurog ang screen ng phone ko pero gumana pa rin siya.


Hinanap ko ang message ng nagsend sa akin na user at pinindot ko yung link kung saan ko nakita ang video. Nang maclick ko ang link ay hindi na ito nagpiplay ang sabi ay nag-expire na daw yung link. Ilang beses kong inulit ang pagclick pero parehas pa rin ang mensaheng lumalabas. Wala akong nagawa kundi ipaliwanag ang mga nangyari sa videong napanood ko. Hindi makapaniwala si James sa mga kinuwento ko pero nanatili pa rin siyang nakikinig sa akin habang nagkukwento ako. Siya na mismo ang nagcheck ng phone at ilang beses niyang ginawa ang mga steps na ginawa ko pero hind na maaccess ang video.

"Nakausap mo na ba si Jethro tungkol sa video na to?" tanong sa akin ni James at tanging pag-iling lang ang naisagot ko.

"Okay sa tingin mo ba magagawa kang lukuhin ni Jethro pagkatapos ng mga pinagdaanan nyong dalawa?" tanong niya at muli akong napailing.

"Pero nakakasiguro akong siya yun at si Celestine" pahabol kong sabi.

"Sabihin nating siya nga yung nasa video. Natanong mo ba si Jethro kung papano niya nagawa sayo yun? Natanong mo ba kung ano ang totoong nangyari? Hindi ba sumagi sa isipan mo na maaaring biktima din siya?" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang mga tanong ni James lalong lalo na yung huling tanong niya.

"Nakasama ko si Jethro simula pagkabata. Ikaw na makakapagsabi kung gaano siya kasungit at strikto bilang kapatid. Pero alam mo kung paano siya magparaya sa aming mga kapatid niya. Never naging selfish sa amin si Jethro. Sa laruan, sa pagkain at sa babae? Haha kayang kaya niyang ibigay sa aming yun lahat. Pero alam mo kung kelan siya naging makasarili?" tumingin sa akin ng seryoso si James at muling pag-iling ang aking nagawa dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya.

"Yung yung panahong bumalik ka sa buhay niya. Naging girlfriend ni Jethro si Sam pero hiniwalayan niya ito dahil first love ni Jules si Sam. Pinaubaya niya ang negosyo ni papa kay Josh hindi dahil ayaw niyang pamahalaan kundi hiningi ito ni Josh sa kaniya. Kayang ibigay ni Jethro ang lahat ng makakaya niya sa aming magkakapatid pero tanging ikaw lang ang hindi niya kayang ipaubaya sa amin. Kayang kaya niya kaming talikuran para lang makasama ka" patuloy ang pagsasalit ni James ako ay tuluyang natahimik sa aking kinauupuan at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga narinig ko.

"Sinasabi ko to sayo dahil alam ko at alam mo kung gaano ka kamahal ni Jethro. Hindi niya magagawang unahin ang kapakanan mo nang maaksidente kayo kung hindi ka niya mahal. Hindi ka niya hahabulin at susbaybayan sa nilapatan mong school kung hindi ka niya mahal. Hindi niya dadayain ang application mo para lang magkasama kayong muli kung hindi ganun katindi ang pagmamahal niya sayo. Sana magtiwala ka sa kapatid ko" nang matapos siyang magsalita ay tinulungan niya akong punasan ang aking mga luha at bago siya lumabas ay kinuha niya ang phone ko.

"Wala nang way para marecover yung video dahil nag expire na ang link nito. Tanging ang uploader lang ang makakapag-activate ng link kaya I'll make sure na hahanapin ko ang uploader nito at pagbabayarin natin sila" kinurot niya ang kanang pisngi ko para ngumiti ako at saka lumabas ng aking kwarto.

Nanatili ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung papano ko haharapin si Jethro matapos ko siyang pagbuhatan ng kamay. Mabuti na lang at napadaan si James kung hindi ay malamang nag-iiyak pa rin hanggang ako ngayon. Tama siya dapat kinausap ko muna si Jethro bago ako nagpadala sa emosyon ko. Pero papano ko haharapin si Jethro matapos kong batuhin siya ng phone at sampalin sa mukha. Napakatanga ko talaga..

Ilang oras din akong nagpagulong gulong sa kama at hindi makatulog. Madaling araw na pero hindi parin pumapasok sa loob ng kwarto si Jethro. Lumabas na ako para hanapin siya. Una kong tiningnan ang mga guest rooms pero wala siya doon. Nataranta ako kaya napababa ako baka lumabas siya ng bahay pero nakita kong nakabukas ang tv sa living room. Nagpiplay pa rin ang isang movie sa Netflix pero nakita kong tulog na si Jethro sa couch. May anim na bote ng alak sa table na malamang siya lang ang uminom. Yung kumot na dapat bumabalot sa kaniyang katawan ay nasa paanan na niya. Kinuha ko ang kumot at tumabi ako sa kaniya. Binalot ko ang kumot sa aming dalawa at niyakap ko siya. Malalim ang tulog ni Jethro dahil siguro sa dami ng alak na nainom niya. Hindi ko alam kung bakit nagiging kalmado ako sa tuwing naririnig ko ang paghinga niya sa tuwing natutulog siya. Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at tuluyan na akong dinalaw ng antok.

Nagising ako dahil medyo mainit na ang paligid. Kahit naka-on ang aircon ay ramdam ko pa rin na nanglalagkit na ako. Pagtingala ko ay nakita ko kaagad na nakatingin sa akin si Jethro. Seryoso ang kaniyang mukha at hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya ng mga sandaling yun basta nakatingin lang kami sa isa't isa. Hanggang sa ako na mismo ang bumali sa katahimikan naming dalawa.

"Ang aga mo atang magising" sabi ko dahil 7 am pa lang ng umaga. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang hinahawi ang buhok na tumatakip sa mga mata ko.

"Natatakot kasi ako na baka mawala ka na sa tabi ko kapag pinikit kong muli ang mga mata ko" sabi niya at bigla akong nakaramdam ng awa nang makita ko na may bakas pa rin ng sampal ang pisngi niya.

"I'm sorry" sabi ko sabay halik sa pisngi niya kung saan ko siya sinampal at siniil ng halik ang mga labi niya.

Naupo kaming dalawa sa couch at nagsimulang mag-usap kung ano nga ba talaga ang nangyari. Sinimulan ko ang kwento kung papano ko nakita ang video at kung ano nakita ko doon. Kinuwento naman niya ang side niya kung saan hindi niya inaasahang naroon din si Celestine dahil hindi naman talaga siya kasama sa party na yun. Ayun sa kaniya ay humingi daw ng tawad sa kaniya si Celestine sa mga nagawa niya sa aming dalawa. Binigyan siya ng drink bilang peace offering at matapos niyang inumin yun ay wala na siyang maalala. Lumuhod sa harapan ko si Jethro at nagsumamo na wag ko siyang iwan. Mabilis ko siyang hinila para tumayo dahil alam kong biktima lang din siya sa mga masasamang plano ni Celestine. Kung tama ang hinala ko ay malamang ginamitan niya ng drugs si Jethro. Sa ngayon ay kinakailangan naming magpakatatag ni Jethro para mapalakas pa lalo ang aming pagsasama. Ang kinakailangan namin ay makakuha ng ebidensya para masampahan ng kaso si Celestine.

Nang magpadrug test si Jethro ay naging negative ang resulta nito. Ayun sa doctor ay may mga drugs na nagtatagal lang ng oras sa katawan. Nakadepende daw sa dosage o sa type ng drugs na ginamit. Malaking factor din daw ang mga kinoconsume na inumin para mapalabas ito sa ating Sistema. Kahit na magpositive si Jethro sa drugs ay wala naman kaming pruweba na si Celestine ang naglagay ng drugs sa inumin nya.

Makalipas ang ilang buwan ay nagbalik ang sigla ng relasyon namin ni Jethro. Nagpaplano kaming gumawa ng bagong brand ng sapatos. At ang head designer namin sa mga shoes ay walang iba kundi si Gunter. Mahilig mangolekta si Gunter ng shoes at isa to sa kaniyang hobby. Nadiskubre ko ang talento niya sa pagdesign ng mga shoes nang makita ko ang magawa niya sa notebook ni Lance. Meron na rin kaming factory kung saan gagawin ang mga shoes. Inaantay na lang naming maaprubahan lahat ng permits para makapagsimula na kami ng negosyo.

Isang araw nang gelatin kami ni Celestine sa balitang buntis siya at dinadala niya ang anak ni Jethro. Nagdedemand siya na pakasalan siya ni Jethro pero tinanggihan siya ni Jethro. Nangako si Jethro na hindi niya tatalikuran ang pagiging ama niya sa bata pero hindi niya magagawang magpakasal kay Celestine. Syempre hindi rin ako makakapayag na mawalay sakin si Jethro. Matagal ko nang tinanggap ang posibilidad na mabuntis si Celestine pero hindi ko alam kung bakit may pangamba pa rin sa dibdib ko. Marahil ay nakakaramdam ako ng inggit kay Celestine dahil kaya niyang bigyan ng anak si Jethro. Makalipas ang isang linggo ay kinukulit ako ni Celestine na makipagkita sa kaniya. Hindi ko alam kung papano niya nakuha ang number ko pero nakipagkita ako sa kaniya para putulin na ang ugnayan namin sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na wala akong balak isuko sa kanya si Jethro kaya pumayag akong magkita kaming dalawa.

"Ano pa bang gusto mo Celestine?" inis kong tanong nang maupo sa bakanteng upuan sa harap niya.

"Alam mo kung ano ang gusto ko Eisen. Yun ay ang pakasalan ako ni Jethro na magiging ama ng aming baby" sabi niya sabay hawak sa tiyan niya na mapapansin mo na ang paglubo.

"Papayag akong maging ama siya ng anak mo pero hinding hindi ko siya ibibigay sayo bilang asawa" mariin kong sabi at siya naman ay ngumiti ng sarkastiko.

"At malinaw naman sayo ang sinabi ni Jethro kaya kung siya ay hindi bibitaw lalong lalo na ako" dugtong ko at biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya.

"I know mahirap baliin ang pagkatao ni Jethro. Pero ikaw, alam na alam ko ang kahinaan ng mga kagaya mo" natatawa niyang sabi. Hindi lang to buntis kanina ko pa sinikmuraan ang haliparot na to.

"Excuse me?" sabi ko habang nakataas ang kilay.

"Masyado kang nagki care sa mga taong nasa paligid mo. Mas pipiliin mo ang kapakanan nila kaysa sa ikakaligaya mo at yan ang kahinaan mo" wala siyang pakialam kahit marinig ng mga katabi naming table ang pinag-uusapan niya. Nasa café kami ngayon at may iilang tao sa loob na pwedeng makirinig sa pinag-uusapan namin.

"Aalis na ako. Walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito!" tatayuan na sana ako pero nagawa niya akong pigilan.

"Wait let me finish okay" sabi niya at sumenyas siya na umupo ako. Pinagbigyan ko siya pero sa sandaling magsalita siyang ng walang kabuluhang bagay ay eexit na talaga ako.

"Alam mo bang isa sa mga board of directors ang kuya ko sa kompanya ng mga Wells na minamanage ni Joshua" sabi niya habang may kinukuhang brown envelop sa bag niya.

"So ano pinapunta mo ako dito para ipagyabang sa akin kung gaano ka yaman ang pamilya nyo?" iritable kong tanong at tumawa lang siya. Naglapag siya ng mga pictures mula sa envelop at pinakita sa akin ang mga nasa pictures. Kung hindi ako nagkakamali si Josh ito at may kasama siyang lalaki kung saan nagsesex sila sa office?

"Bumaba ang stocks ng Wells Co. ngayong taon at may mga unresolved issues sa mga products nila napatuloy na nakakasira sa image ng kompanya. Sa tingin mo kapag nakita ng mga board of directors ang kahalayang ginagawa ng CEO nila sa kaniyang secretary sa loob ng office habang may hinaharap silang issue sa kompanya. Sa tingin mo magtitiwala pa rin ba sila sa way ng pamamahala niya?" natulala ako sa mga larawang nakita ko kaya hindi ako makapagsalita. Naglapag siya ng bagong mga pictures ang akala ko pa noong una ay si Jethro pero mukhang si Alexandre ito noong baguhan pa lang siya sa showbiz. May nakayakap sa kaniyang matabang bakla habang ang suot suot niya lang ay bikini brief.

"Yan nga pala si Alexandre bago pa siya maging sikat na artista. Yung baklang nakayakap sa kaniya ay si Mr. Romualdez. Dating manager niya yan. Si Mr. Romualdez ang naging ticket ni Alexandre sa showbiz. What I mean is ginamit niya ang katawan niya kapalit ng tinatamasa niyang kasikatan ngayon" natatawang sabi ni Celestine at hindi talaga natinag sa pagkwento kahit naririnig na ng iba ang mga sinasabi niya. Tanging pag-iling lang ang aking nagawa dahil alam kong hindi ganung klaseng tao si Alexandre.

"And lastly, napapansin mo bang minsa'y umaalis si Jethro at hindi nagpapaalam sayo?" tanong niya habang nakangiti. Ilang beses akong umiling dahil alam kong mali-mali ang sinasabi ni Celestine alam kong hindi ako magagawang lokohin ni Jethro.

"How I wish kagaya ng iniisip mo ang nangyayari. Pero ang tinutukoy ko ay ang pagpabalik-balik ni Jethro sa mga pulis para sa on-going investigation ng pagkamatay ni Mr. Santos. Sa mga taong umatend sa party siya lang ang may sabit sa alibi dahil walang makakapagpatunay kung nasaan siya sa mga oras nang mamatay si Mr. Santos. Maliban na lang kung tetestigo ako para kay Jethro dahil yung mga oras na yun yung time kung saan ineenjoy namin ang pagsesex" napakasenswal ng pagkakakwento niya na tila ba gusto nya pa akong mainis. Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero gustong gusto ko na talagang tusukin ng tinidor ang mata ng babaeng to.

"Ano ba talagang gusto mong mangyari?" tanong ko na may halong pagpipigil sa aking boses.

"Simple lang - makipaghiwalay ka kay Jethro at wag na wag ka nang magpapakita sa kaniya. Kapag ginawa mo yun ay magiging maayos ang buhay ng lahat" sabi niya habang pinipeke ang mga ngiti.

"Pano kung hindi ko gawin?" tanong ko at bigla siyang nagtaas ng kilay.

"Alam mo na ang mangyayari" sabi niya habang winawagayway ang larawang hawak niya.

"Hindi ka ba natatakot na may makakarinig sayo sa pagbabanta mo sa akin?" sabi ko habang tinitingnan ang paligid namin.

"I own this place. Kaya nga dito kita pinapunta. And when I say I own this place, lahat ng mga tao dito ay pagmamay-ari ko. Maliban sayo.... Well for now" nilakasan nya pa ang tawa niya. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kanang kamay ko dahil malapit nang maputol ang tali ng pasensya ko.

"Bibigyan kita ng isang linggo para pag-isipan ang lahat ng to. And don't worry bibigyan kita ng pera para makapamuhay ka sa ibang bansa at makapagsimula ng bagong buhay. Pwede kang mamili Canada, US, Korea, Japan, Thailand at kahit sa Mars pa basta malayo ka lang sa amin ni Jethro" sabi niya at kinuha niya ang mga larawang pinakita niya sa akin. Binalik niya ito sa brown envelop at binalik sa kaniyang bag.

"NAPAKASAMA MO!" hindi na ako nakapagpigil at nasabi ko na mismo sa mukha niya kung anong klase siyang tao.

"Let say na nabubuhay ako sa saying ni Cersei Lannister. The more people you love, the weaker you are" sabi niya at tumayo siya sa kinauupuan nya.

"And there's more.....
POWER IS POWER" tumawa siya habang naglalakad papalabas ng café. Naiwan akong nanginginig ang laman sa galit.


Tatlong araw ang lumipas simula nang mag-usap kami ni Celestine. Hindi ko sinabi ang totoong napag-usapan namin ni Celestine nang tanungin ako ni Jethro. Marami nang iniisip si Jethro at ayokong idagdag dun ang mga nalaman ko sa mga kapatid niya. Alam kung tuso si Celestine pero hindi siya ang tipo ng tao na kayang gumawa ng kwento. Napatunayan ko nga na umaalis si Jethro minsan nang hindi nagpapaalam sakin. Kaya pala hindi pa nagagrant sa amin ang mga permit dahil on-going ang investigation sa pagkamatay ni Mr. Santos at siya ang nagiging suspect hanggang hindi magtetestify si Celestine para sa kaniya. At alam ko rin na may namamagitan kay Josh at sa secretary niya. Nasaksihan ko mismo yun nang magpunta ako sa Singapore.

Mababaliw ako kakaisip kung ano ang tamang desisyon na dapat kong gawin. Kapag pinili ko si Jethro ay maraming madadamay at madidiin sa kaso si Jethro. Sa sobrang desperado kong makahanap ng makakausap tungkol sa problemang hinaharap ko ay nagtungo ako sa simbahan para magdasal sa diyos upang tulungan akong gawin ang tamang desisyon. Nang makalabas ako ng simbahan ay wala ako sa sariling naglakad-lakad. Hinayaan ko ang mga paa ko na dalhin kung saan-saan. Sasakay ng jeep pero hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang makapag-isip. Hindi ko alam kung papano ako nadala ng mga paa sa lugar na to. Ang lugar kung saan nakakulong si Sam.

"Namiss mo ba ang ate mo?" masayang bati ni Sam. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ate.

"Pwede bang makinig ka muna sa mga sasabihin ko at saka ka magreact?" sabi ko at siya naman ay tumango bilang pag sang-ayon.


Sinimulan ko ang pagkwennto tungkol sa mga nangyari sa akin nang magtapos akong mag-aral. Kung papano ako nagsimulang magtrabaho kay Jethro. Naikwento ko rin na matagal nang bumalik ang ala-ala niya at inamin niyang mahal niya pa rin ako hanggang sa nagkabalikan kami. Nasabi ko na masaya sana kami kung hindi lang nakikiepal itong si Celestine. Nang marinig niya ang pangalan ni Celestine ay muntikan na siyang magsalita pero naalala niya yung usapan namin kaya nagpeace sign na lang siya. Sinabi ko rin yung ginagawang pagbabanta sa akin ni Celestine ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin at bakit ako napadpad dito. Natapos na akong magkwento pero wala pa rin siyang naging reaksyon. Nang titigan ko siya at saka lang siya nagsalita.

"Ohh yun na ba yun?" tanong niya at ako naman ay tumango.

"OMGGG!!" sabi niya sa pinakapeke niyang reaction.

"Pwede ba tantanan mo yan ang OA mo" iritable kong sabi.

"Sorry hindi ko pa rin kasi alam kung papano makipagchikahan sa gays. You know. Anyway hindi pa rin pala natitinag yang Celestine na yan?" tanong niya at nagulat ako dahil mukhang kilala niya ito.

"Anong ibig mong sabihin?" mabilis kong tanong.

"Kung si Celestine Cua ang tinutukoy mo ay naging kaklase namin siya ni Jethro noong High school kami. Grabe ang obsession niya kay Jethro. Alam mo bang nagawa niyang gupitin ang buhok ko dahil sa sobrang selos niya nang malaman niyang girl friend ako ni Jethro" natigilan siya nang marealize niya ang mga pinagsasabi niya.

"I mean naging girl friend niya ako noon. Syempre ikaw na ngayon. Anyway hindi naman ako nagpatalo kaya hinampas ko lang naman ang keyboard sa computer lab sa kaniyang mukha dahil sa inis ko" napailing ako nang marinig ko yun mula sa kaniya. Dati pa talaga siyang bayolente.

"Pero don't worry hindi niya maagaw sayo si Jethro kahit buntis pa man siya ngayon. Pano niya pa kaya nagagawang lumabas ng bahay sa hitsura niyang yun?" at nagtuloy tuloy ang pagdadaldal niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Well mukha siyang kambing noong high school kami so ngayon malamang mukha na siyang baka. Wait wag mong sabihin nagparetoke na siya ngayon?" napatango na lang ako dahil mukhang ganun nga ang nangyari.

"Pero maliban kay Celestine. May isa pa akong naiisip na may kagagawan ng mga nangyayari sayo. Malabong si Celestine lang ang gustong sumira sayo" sabi niya habang naka kalumbaba.

"Wala naman na akong ibang kaaway maliban sa kaniya" sabi ko at mukhang may nalalaman pa si Sam kaysa sa akin.

"Siguro hindi mo pa siya nakikilala or hindi pa siya lubusang nagpapakilala sayo" sagot niya habang tumatango na parang asong naka display sa taxi.

"Wala akong time para makipaghulaan. Pwede bang sabihin mo na lang sa akin kung sino?" sabi ko at tumingin siya sa akin nang seryoso.

"Walang iba kundi si lola" sagot niya sa pinakawalang buhay na tono ng boses niya.

"Buhay pa si lola?" gulat kong tanong.

"Yep how I wish matagal na siyang patay" sabi niya habang kinakalikot ang kaniyang kuko.

"Bakit hindi nyo nabanggit ito sa akin ni mama?" mabilis kong tanong.

"Dahil hindi mo siya kakailanganin sa buhay mo!" mabilis niyang tugon.

"At bakit mo namang nasabing may kinalaman siya sa mga nangyayari sa akin ngayon?" mabilis ko muling tanong.

"Kung ako demonyo ang tingin mo sa amin ni mama. Si lola naman ang embodiment ng salitang evil" mabilis niya muling tugon.

"At ano ngang kinalaman nito sa akin?" mabilis kong tanong.

"Teka lang, hinihingal ako sayo" sabi nya nang mapansin ang sunod-sunod kong tanong.

"Well sa tingin ko ay naghahanap siya ng tagapagmana ng kaniyang kayamanan at ikaw ang pinaka eligible sa natitira niyang kamag-anak" tugon niya at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi nya.

"Kung tama ang sinasabi mo ay bakit niya kailangang gawin ang lahat ng to?" tanong ko at huminga siya nang malalim bago sumagot.

"Mabuti pa siya ang tanungin mo dahil hindi ko alam kung nasa tamang katinuan pa ba yung matandang yun" sagot nya at bago siya ibalik sa rehas ay nagawa niyang ibigay sa akin ang address ni lola. Sinabihan niya akong mag-iingat at wag basta magtitiwala kay lola.

Nagpaalam ako kay Jethro na gagabihin ako ng uwi dahil pinuntahan ko ang address na binigay sa akin ni Sam. Sigurado daw siya na nandun pa rin nakatira si lola dahil hinding hindi niya maiiwanan ang mansion na binuo nila ni lolo. Nacurious tuloy ako bigla kong anong klaseng pamilya ang pinaggalingan namin. Maging si tito Kendrick na papa ni Lance ay walang nakwento tungkol kila lolo at lola. Tumatak sa aking isipan ang huling sinabi ni Sam. "Talunin mo sila sa larong sinimulan nila". Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya diyan. Makalipas ang ilang oras ay narating ko rin ang address kung saan nakatira daw si lola. Sobrang ganda ng mansion na to at mukhang mas magarbo pa siya kaysa sa mansion ng mga Wells. Hindi ako sigurado kung tama ba ang binigay na address sa akin ni Sam pero lumapit pa rin ako sa guard para makompirma.

"Magandang hapon po. Itatanong ko lang po kung dito nakatira si Georgina Fuentes?" tanong ko sa manong guard.

"Ay pasensya na po walang nakatirang Georgina Fuentes sa mansion na to" sagot ng gwardiya na nakabantay malapit sa malaking gate.

"Sigurado po kayo kasi dito po yung binigay sa aking address" pangungulit ko at napakamot si manong guard.

"Iho sampung taon na akong naninilbihan sa mansion na to at wala talagang ganyang tao dito" sagot niya at humingi ako ng paumanhin. Bago pa man ako makalayo sa gate ay may biglang nagsalita sa loob.

"Anong kailangan mo kay Georgina Fuentes?" sabi ng isang babae na nasa mid 30s.

"Good afternoon maam" pagbati ng guard sa babae.

"Ako po si Eisen Fuentes ang kaniyang apo" pagpapakilala ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka sumenyas sa guard na papasukin ako.

Sobrang ganda talaga ng bahay na to. Magkahalong modern at vintage ang style ng mansion. Habang naglalakad kami papasok sa mansion ay hindi ko mapigilang mapamangha sa ganda nito. Naalala ko tuloy yung unang dating ko sa mansion ng mga Wells. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noon. Nang makapasok kami sa loob ay pinaupo niya muna ako sa living room at siya naman ay umalis. Makalipas ang ilang minuto ay may kasama na ang babaeng kasama ko kanina. Isang matandang naka wheel chair ang marahan niyang tinutulak patungo sa direksyon ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang mukha niya at hindi ko aakalain na siya ang lola ko.

"Imposible. Kayo po ba talaga ang lola ko?" gulat kong tanong.

"Ako nga iho" tugon niya at ngumiti siya sa akin.


Hindi maaring nakakasama ko na pala ang lola ko nang hindi ko namamalayan.



Itutuloy.......




A/N: If you hate the outcome of the story please feel free to unfollow me and delete this story from your library. Hindi ko pinili ang ganitong set-up ng story kung wala akong knowledge kung papano ito nagwowork. Nagwowork ako sa isang US bank for almost 2 years and basic knowledge namin ang mga bagay gaya ng shares, stocks, bonds at kung pano nagwowork ang isang company. So please stop telling me na parang wala akong alam sa sinusulat ko. Pinaghihirapan kong mabuo ang bawat chapters na inupload ko. Kung nega comments lang about may writing ang isusukli nyo. Please leave this story na kasi sobrang nakakademotivate magsulat kapag nakakabasa ng mga ganun.

I am trying to make Eisen's character more realistic kung saan gumagawa siya ng maling desisyon sa buhay. Hindi niya napipigilan ang emosyon niya. Nagiging marupok siya sa damdamin niya at nakakapanakit siya ng ibang tao. He's not perfect okay and hindi siya yung usual lead na nababasa nyo.

And lastly, I would like to say thank you sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa story na to. Nag-effort akong tapusin ang chapter na to kahit na may pasok ako ngayong gabi at kulang sa tulog to extend my sincere gratitude sa mga real fans ng Jethro X Eisen. I promise to make it more sensible as the story ends. I love you guys.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE!!


Continue Reading

You'll Also Like

238K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
136K 3.3K 37
Highest rank in Humor #92 when boy labo meets the super yabang na bully. kwento ito na magpapakilig sa sistema niyong kinain na ng ka-bitter-an PAUNA...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...