The Bad Boy's Queen (R-18 Vik...

By twightzielike

10.6M 228K 28.3K

R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story co... More

Prologue
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Read me
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
EPILOGUE
Special Chapter
Thank you, next
His Broken Possession
Happy Two
Information

Chapter 36

116K 2.7K 389
By twightzielike





🥀

Catalya

I focused my attention to what our prof is saying.

Kasalukuyan naming pinag-aaralan ang bagong lesson sa Commercial Law Review. He's talking about landmark and recent jurisprudence on labor law.

Pasimple akong tumingin kay Za kasi kanina ko pa napapansin na parang wala siya sa sarili niya. And now, she's looking at Mr. Olivarez. She may look like she's listening but for me, I can tell she's in daze. Parang ang lalim ng iniisip niya.

I sighed. Kinalabit ko siya. "Okay ka lang? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi lang ngayon na napansin kong ganito si Za. Even last Saturday when her eyes were puffy. Obviously, fresh from crying. Lutang siya kahit nanonood kami ng movies noon.

At ngayon, heto.

Pagtingin niya sa akin, napansin kong parang nanunubig ang mga mata niya.

"You're not okay" Seryosong saad ko.

Kita ko sa tabi si Patricia na nakatingin sa gawi namin.

Tumango tango si Za. "Hindi ako okay" Matapat na sabi niya.

I abruptly checked the time. Shit, kakasimula lang ng klase e.

Hindi ko siya makausap ng maayos kasi may prof sa harap. And it would be disrespectful to have a conversation with Za while the professor is actually standing in front, speaking.

Zarena... she tried to smile at me. "I'm not okay but I can handle this"

I actually don't believe that.

Bumuntong hininga ako. May problema ba sila ni Luke?

Isip ako ng isip. Pero syempre nakinig pa rin ako sa prof hanggang sa matapos ang dalawang magkasunod na subjects. Break na.

"Za" rinig ko ang seryosong pagtawag ni Patricia kay Za nang makalapit siya sa puwesto namin.

When I looked at Za, kita ko ang maingat na pagngiti niya sa amin. "Gusto niyo bang kumain? Nagugutom kasi ako" That was a smooth way to divert a topic which will be opened up by Patricia.

We both sighed.

Kung ganitong ayaw ni Za na pag-usapan, dapat naming irespeto iyon. Halata man na may problema siya, kung hindi naman na niya kaya, sasabihin niya sa amin.

Tumango si Pat. "Sige tara. Tutal gutom na rin naman ang mga alaga ko sa tiyan, why not?" She tried to make the atmosphere lighter.

We ended up eating in Fritz and Bits. Gusto raw kasi ni Za ng pampalamig ulo tapos sweets.

"Ano bang meron talaga sa sweet mango at paborito mo Za?" Takhang tanong ni Pat kasi umorder si Za ulit ng mango shake at mango cake. Palagi na lang. Basta kapag may pagkain na ang recipe ay sweet mango, oorderin at oorderin niya.

"Bestfriend ko kasi siya" Kindat niya kay Pat nagpataas sa kilay nito.

"Really now? How 'bout me and Catalya then?" Untag nito.

Ngumiti si Za pero halata pa rin ang tamlay sa mga mata niya. "Bestfriends ko din?"

Tss.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap at pag-uubos ng pagkain namin nang may lumapit sa gawi namin. My eyes trailed to where her look is directed to. Si Za.

"Uhm hi" Ang nipis ng boses niya. Katulad nung napanood kong cartoon character na bruha kagabi.

Medyo maikli ang buhok. Maputi. Maganda. Sexy.

Saan to galing? Anong department?

Pagbaling ko kay Za, kita ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mata niyang agad niyang tinago. She smiled. "Diane" Bati niya sa babae.

I frowned. Diane who?

May nahihiyang ngiti sa labi ni Diane. "Sorry pero puwede bang dito ako maki-upo? Wala kasi akong kakilalang iba bukod kay Zarena" anito sa malambing na boses.

Natahimik kami ni Patricia. Hinintay namin na si Za ang sumagot.

I saw Zarena eye us first. Ang mga mata niya nagtatanong kung puwede nga ba.

Sinimangutan ko siya. Habang si Patricia ay patagong tumango. Tss.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Za na hawak ang tinidor. The way her hand is wrapped around it, mahigpit. "Sure, Diane. Sige dito ka na" there was no sweetness on her voice anymore.

Kita kong ngumiti si Diane.

Nakatitig pa rin ako kay Za na nakababa ang tingin niya. When she looked at me, she smiled. Yung ngiting hindi ako sigurado kung masaya ba siya o hinde. "Nga pala guys, siya si Diane. Diane, meet Catalya and Patricia"


Patricia

I feel different while looking at Za. Pinapakilala niya sa amin yung babae.

Tumikhim ako dahil hindi nagsalita si Cat nang batiin kami ng babae. "Aling department ka?" Tanong ko.

"Wala. I'm new here. Pansamantala muna ako dito kasi..." Naiwang hindi natapos ang sinasabi niya dahil tumingin siya kay Za na tahimik lang kinakain ang mango cake na order niya.

Diane cleared her throat. "I'm here to see my how my fiancé is doing. Na-miss ko kasi siya. It's been four years na hindi kami nagkakasama. At gusto kong bumawi" Ang saya ng boses niya. Pero kung gaano kasaya ang boses niya, ganun naman sumasalungat ang ekspresyon ni Za.

Okay I don't understand this shit. But looking at my friend, she looks hurt.

What the hell is going on?

Tinitigan kong mabuti si Diane. She's eating her tart. Mukhang mabait. Pero parang may something sa kanya. "So who's the guy?" Simpleng tanong ko.

Kumagat ako sa brownie na hawak ko.

Sa gilid, kita ko si Zarena na napapikit.

Diane smiled so widely. Halos umabot na ata sa tenga niya. And there was spark in her eyes. "Luke Carson"

Nabulunan ako. Shit what?

I heard Catalya gasp.

Pagtingin ko kay Za, tahimik lang siya. She's still eating. Kalmado rin ang mukha niya, hindi tulad naming gulat na gulat.

Umawang ang labi ko. Pero hindi nagtagal ay nakabawi ako. "Luke Carson?" Rinig ko ang matigas na boses ni Catalya. It's like she needs confirmation that what she heard is right.

Tumango si Diane.

Tang ina.

Inulit kong tinignan si Za. And thank God she's looking at me now. Ngumiti siya. Yung tipong nagsasabing magpapaliwanag ako mamaya. Calm down. Ganung klaseng ngiti.

Fiancé?

Shit na malagkit. Anong meron?

Kahit punong-puno ng mga tanong ang isip ko na gusto kong itanong kay Za, pinigilan ko ang sarili ko. Hinintay kong matapos ang pagkain namin. That torturous moment being with a girl that claims to be the fiancé of the man who I know is deeply in love with our bestfriend.

She was kind... Diane. Ang problema lang, bukambibig niya si Luke.

"Please explain Za. Kasi kating kati na akong malaman kung ano ba ang nangyayari" Mahinang sambit ko habang nandito kami sa oval ng sports arena. Dito namin napiling pumunta para walang masyadong taong tumatambay.

Patricia and I both listened carefully with every word when Zarena started to speak.


Zarena

I told them. Every detail.

At habang sinasabi ko, parang sariwang-sariwa ang lahat ng sakit.

"Shit" That was Catalya's first word after I told them what happened.

And Patricia was silent the whole time.

"And how are you feeling now? Anong balak mo? Pakakawalan mo si Kap? Bakit mo gagawin iyon? Tingin mo ba hahayaan ka nun?" Dirediretsong tanong niya.

Noong Sabado ng gabi hanggang ngayon ko pa pinaiisipan ang mga bagay bagay na iyan.

I smiled bitterly.

Alam kong duwag ako kapag isusuko ko si Luke. Duwag ako kung hindi ko ipaglalaban ang meron kami. Pero kung ang kahihinatnan ng pagiging duwag ko ay ang pagmamana niya sa negosyo nila. Kung ang kapalit ng pagiging duwag ko ay ang magandang relasyon ni Luke sa pamilya niya at ang pagpasa sa kanya ng ama niya sa negosyon kanyang pinaghirapan, edi duwag ako.

If being a coward is what it takes, then I admit I'm a weak coward.

Abogada pa naman ako pero di ko man lang maipaglaban ang meron kami ni Luke. Pero kasi kapag ipinaglaban ko ang relasyon namin, puro pasakit lang ang darating kay Luke. And I don't want him to accept any punishments from his father just because of me. I don't want him to be renounced by his own father just because he chooses me. I don't want any of that.

I don't want my captain to be disowned by his father nang dahil lang sa pagmamahal na meron kami. Ayoko.


Patricia

Sumabay rin sa amin si Diane sa lunch.

At noong lunch, panay ang tawag ni Luke kay Zarena. But she's not answering any of it. Kaya sinita ko siya kasi kapag hindi niya inangat ang tawag galing kay Kap, paniguradong susugod iyon para lang hanapin siya.

The least that Zarena could do dahil kasama namin si Diane ay ang i-text si Kap.

Kilala ko si Za. Ayaw niyang nakakasakit siya ng tao. So she chose what is safer. Because there is a tendency na malaman ni Diane kung sino ang tumatawag kay Za.

Nalaman namin na sa Business Department pumasok si Diane. Ang department kung nasaan kabilang si Kap. Nasa kabilang building iyon. Pero kahit nandoon siya, wala ang Vikings doon dahil nasa gym nila. Naghahanda para sa game mamaya laban sa Trives.

Patapos na rin ang klase. Ilang segundo na lang ang hinihintay ko para sa alarm na tumunog. And when it did, satisfaction filled me.

Pagtingin ko kila Za, kita ko ang kaba sa mga mata niya.

I sighed.

.

.

.

Brix

Walang kibo si Kap na naka-upo sa may bench.

Napailing ako. Bali-balit kasi kanina, may tranferee daw sa klaseng pinapasukan ni Kap. Babae.

At hindi na ako nag-alinlangan pa kung sino iyon.

"Players focus on the game" kasabay ng pagsabi ni coach non ay ang pagdating ng kabilang grupo.

Ang ingay sobra. Nagsidatingan na rin ang mga estudyante. At ilang sandali pa ay napuno ang gym.

"Mr. Carson" Rinig kong tawag ni coach kay Kap na kaagad tumayo. "Coach"

"You know what to do"

"Yes coach"

Pagtingin ko kay Kap, nakatingin siya sa banda kung saan laging nakaupo si Za kapag pinapanuod siya. Vacant pa.

Nak ng tokwa naman! Dapat maaga si Za ngayon. Matinding kalaban ang mga Trives e. Kaya dapat nandito si Za para ma-power up si Kap.

Kasi kapag may Zarena na manonood, paniguradong panalo kami.

"Chill ka lang Kap, darating din ang pinakamamahal mo" Untag ko kay kap pero nauwi sa ngiwi ang pagngisi ko nang matatalim na tingin ni Kap ang bumati sa akin.

Sabi na ngang tatahimik e.

Hindi nagtagal ay napamura ako sa pasasalamat dahil nakita ko si Za na nakatayo sa tabi ng laging inuupuan niya. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Ngunit ang nakakuha lalo ng atensyon ko ay ang bagong kasama nila.

Lintek.

Diba yun yung si Diane? Gago anong ginagawa niya dito? Tsaka bakit kasama siya nila Za?

Mabilis akong napatingin kay Kap. Ngumiwi ako sa hitsura niya.

Nakatingin siya sa gawi nila Za. Pero kung dati, kapag nanjan si Za, ang saya niya. Ngayon, ang dilim ng mukha niya. Nagtatagis rin ang bagang niya.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Play safe din ako syempre. Kasi pag sa akin tumingin si Kap, magsisitayuan mga balahibo ko sa takot dahil sa ekspresyon niya.

Bumaling ako kila Za. Nakatingin din siya kay Kap na mukhang galit. At alam na alam ng lahat ang rason. Nanjan si Diane kasama sina Za. Ang malala pa, siya ang nakaupo sa upuan kung saan laging umuupo ang reyna ni Kap.

Tangina. Malala na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

12.7K 487 30
Calderon Series #2 Bisaya | Completed Started: August 31, 2020 Ended: September 21, 2020
5.6M 91.5K 30
The most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his ever...
102K 3.9K 26
Krystal and Ace was stuck in an agreement of living in the same roof in 30 days. Krystal had feelings for Ace but Ace didn't care about her feelings...
1.8M 36.7K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.