THE BILLIONARE SON ( COMPLET...

By munchyxxxmunch

3.1K 131 11

"Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory" More

PANIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
Chapter 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
FINAL CHAPTER

CHAPTER 29

39 3 0
By munchyxxxmunch

LLANDER'S POV

Pagkatapos namin kumain ay hinayaan ko munang mag ayos sina Nanay ng gamit nila sa kwarto at hinayaan ko na rin sila na magpahinga muna.

"Zandy?" -Tawag ko sakanya ngunit hindi sya sumagot. "Asan na ba yun?"

Hinahanap ko sya kasi umakyat lang ako sa kwarto sandali nawala na sya sa sala pagbalik ko. Lumabas ako ng bahay at doon ko sya naabutan sa may bakuran.

"Nandito ka lang pala." -Bulong ko.

Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya mula sa likod na alam ko kinabigla nya nanaman.

"Hinahanap kita nandito ka lang pala." -Llander.

"Hmm. Nagpahangin kasi ako. Kamusta sina nanay?" -Zandy.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at tumabi na lamang sakanya.

"Ayon nag aayos na ng gamit nila at sabi ko magpahinga nalang muna." -Llander.

Tinignan nya naman ako saka ngumiti at umiwas din kaagad ng tingin.

"May bago ka ng pamilya, buo ka na ulit." -Zandy.

Natahimik ako saglit dahil sa sinabi nya pagkatapos napabuntong hininga ako. May isang parte pa rin kasi sa pagkatao ko na hinahanap ko pa ang kasagutan saaking nakaraan na aking nakalimutan. Hindi ko alam kung bat big deal pa rin iyong batang babae saakin gayong meron na akong minamahal. Siguro gusto ko lang talaga sya maalala at kung may nagawa syang mabuti saakin gusto ko  magpasalamat sakanya. Sya nalang ang tanging kulang kung bat hindi ako maging masaya ng lubusan.

"Masaya naman ako na nandito sila. Sa loob ng sampung taon hindi ko na narasan magkaroon ng pamilya. Si Mr. Lee, yung mga drivers, Maids at sina Enzo at Carlo, sila lang ang naging pamilya ko. Pero ngayon may nanay na ako na tumatawag saakin na anak." Tumigil ako saglit at napabuntong hininga.

"Pero parang hindi pa ako buo. Alam kong dapat kinakalimutan ko na ang nakaraan pero hindi ko magawa. Para bang meron humahatak saakin na balikan iyong alaala na nakalimutan ko. Maganda man yun o malungkot na alaala, gusto ko pa rin maalala yung batang babaeng yun dahil parte sya ng nakaraan ko. Pagtataksil ba ito saiyo kung sasabihin kong-----Sinasabi ng puso ko na wag syang kalimutan at dapat ko syang alalahanin." -Llander.

Natahimik siya at hindi sumagot. Nag alala ako baka nagselos sya. Dapat ba na sinabi ko yun? Pero gusto ko maging tapat sakanya sa mga nararamdaman ko.

"Hindi mo ba talaga sya matandaan kahit ni isang alaala manlang.?" Tanong nya habang hindi nakatingin sa kawalan.

"Hindi. Wala akong maalala." -Llander.

Humarap sya saakin na seryuso ang itsura kaya napakunot noo ako.

"Sigurado ako gustong gusto nya rin na maalala mo sya." -Zandy.

Bigla nya hinawakan ang kamay ko kaya nagulat ako. Hindi naman kasi sya nanghahawak ng kamay.

"Halika sumama ka saakin." -Zandy.

Mas lalong nangunot ang noo ko sa pag aya nya.

"Ha? Saan?" -Llander.

"Ipapaalala ko sayo ang nakaraan." - zandy

Hindi manlang ako nakasagot dahil nya na ako palabas ng bahay. Wala naman ako nagawa kundi ang magpatangay sakanya. Ngunit Bigla din  ako nakaramdam ng panlalamig sa sinabi nya na hindi ko din alam kung bakit.

Hila hila nya  lang ako at nagpatangay lang ako sakanya. Dumaan kami sa may likod bahay at makakahoy na daanan hanggang sa nakarating kami sa may bulubundukin sa may gilid ng bangin. Malakas yung hampas ng simoy ng hangin na tumatama sa balat ko.

"Anong ginagawa natin dito?" -Llander.

Binitawan nya ang kamay ko at pumunta sa may unahan ko.

"Hindi mo ba talaga maalala ang lugar na ito?" -Zandy.

Mas lalo akong naguluhan sa mga pinagsasabi nya.

"Zandy hindi kita maintindihan. Pati kanina hindi kita maintindihan. Bakit mo sinabing Ipapaalala mo saakin ang nakaraan.?Ano ba yun?" - Llander.

Saglit sya natigilan at napapatitig saakin bago nagsalita.

"Yung batang babae, sampung taon kang inantay non. Sa bawat pagsapit ng ikasampu ng abril inaantay ka nya sa labas ng bahay nila mula umaga hanggang sa magdapit hapon. Inaabangan nya ang pagbabalik mo dahil nangako ka saknya na babalikan mo sya sa ikasampu ng abril." -Zandy.

Napakunot muli ang noo ko at mas lalo ako naguluhan.

"A-nong sina-sabi mo? " -Llander.

Lumapit sya saakin at direktang tumingin sa mga mata ko.

"Llander yung batang babaeng yun ay " AKO ".- Zandy.

Nag echo yun sa pandinig ko at hindi ako nakapagsalita. Napaatras ako at Hindi ko alam ang magiging reaction ko kung matutuwa ako o ano. Hindi kaya niloloko nya lang ako?

"Zandy stop joking. Umuwi na tayo!" -Sabay hawak ko sa kamay nya at hinila sya pero nagmatigas sya kaya napatigil ako at napatingin sakanya.

"Sa tingin mo nagbibiro ako?"- seryuso nyang sabi. Mukha ngang nagsasabi sya ng totoo. Pero paano nangyari yun?

Lumapit sya saakin at biglang hinablot ang kwintas ko kaya nagulat ako.

"Ito naalala mo to? Yung kaisa isang bagay na mahalaga saakin na binigay ko sya bago ka umalis. Sabi ko isuot mo to palagi kasi may basbas sya ng pari. Ililigtas ka nya sa pwedi magpahamak sayo. Ibinilin ko sayo na parati mo syang isuot para parati kang safe." -Zandy.

Yung sinabi nya ang eksaktong sinabi ng batang babae sa panaginip ko. Napailing iling ako at hindi ako makapaniwala. Nanaginip ba ako? Panaginip ba ito.?

"Dito sa lugar na to dito tayo unang nagkita. " -Zandy.

Unti unti syang humakbang patalikod patungo sa may bangin.

"Zandy! Anong ginagawa mo?!" -Llander.

"Alalahanin mo ako. " -Zandy.

Patuloy sya sa pag atras at patuloy sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko. Gusto kong tumakbo papunta sakanya para pigilan sya sa balak nyang gawin pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil bahagyang sumakit ito.

Tinitignan ko sya habang papalapit ang mga hakbang nya sa may bangin ng biglang may rumihistrong alaala saaking balintataw.

*********

"Kumapit ka wag kang bibitaw."

**********

Naisabunot ko ang mga kamay ko sa ulo ko at pakiramdam ko pinagpapawisan na ako at para nakikipagkarera sa bilis ang pintig ng puso ko. Nagcontrate ako at pinilit balikan ang mga panaginip kong malalabo.

Sumakit ng sumakit ang ulo hanggang sa napaupo nalang ako sa damuhan.

***********
"Ito. Para hindi mo ako makalimutan. Palagi mo yan susuutin kasi may basbas yan ng pari at sabi ng lola ko ililigtas ka nya sa kahit na anong nakaambang panganib sa buhay mo. Kaya isuot mo yan lagi ah para lagi kang safe."

"Pero sayo to. Paano kung may masama na mangyari sayo.? Baka mamaya pumunta ka nanaman ng bangin at mapahamak kana naman. Sabi mo nakakaligtas to diba?.

Hindi na ako pupunta doon at Wag mo na akong intindihin kasi malakas ako sakanya. Hindi nya ako papabayaan."

***********

Unti unti naging klaro ang pagmumukha ng batang babae hanggang sa sunod sunod na alaala ang pumapasok sa isip ko. Napakapit ako ng mahigpit sa ulo ko.

*********
"Nga pala ako si Llander. Anong pangalan mo?" -Llander.

"Ako sa si Zandy.
**********

"Zandy, paglaki natin kapag pwedi na kitang ligawan. Liligawan kita ha? "

"Bakit yun ang naiisip mo? Ang bata bata pa kaya natin para sa ganon."

"Kaya nga paglaki natin eh saka ayokong magpapaligaw ka sa iba. Gusto ko ako lang ang manliligaw mo."

"Haha. Sige na nga."

***************

"Hahaha habulin mo ako kung kaya mo.!"

" ah ganon ah!"

***************

"Zandy aalis na ako. Kailangan ko ng bumalik ng maynila."

"Ganoon ba. Babalik ka pa ba?"

"Oo naman. Babalik ako. Antayin mo ako babalikan kita. Anong date ba ngayon?"

"April 10, 2004."

"Sige sa ika sampu ng abril 2005 babalikan kita. Pangako yan."

"Promise ah."

"Promise."

*******************************

"Zandy?" Mahinang usal ko sa pangalan nya sabay tingin ko sakanya na ngayon nasa may paanan na ng bangin. Nagulat ako sa nakita ko, bahagya nyang niliyad ang katawan nya para magpatihulog sa bangin.

"Zandy!!!" Sigaw ko at tumakbo ako ng napakabilis para mailigtas ko sya.

Sa bawat paghakbang ng mga paa ko ay sya ring kaba ang nararamdaman ko kasabay ng paulit ulit na alaala na bumabalik noong panahong iniligtas ko sya sa bangin na ito. Bakit nga ba kita nakalimutan? Bakit sa dami ng makakalimutan ko ikaw pa.?!

"Zandy!!" Sigaw kong muli kasabay ang pag abot ko sa kamay nya bago pa sya mahulog ng tuluyan sa bangin.

Napakapit ako ng mahigpit sa may katawan ng puno na nakatayo. Parang noong dati lang ng una ko sya iligtas. Parehong pareho ang ganitong eksena.

"Kumapit ka wag kang bibitaw!" - saad ko habang nakakapit sya sa kamay ko. Humugot ako ng lakas para maiangat sya.

"Yaaaah!!" Sigaw ko muli kasabay ang pag angat ko sakanya.

Napahiga ako sa damuhan at nakadapa syang bumagsak sa dibdib ko. Ramdam ko yung pagod at pagkapos ng hininga ko kaya napapikit ako. Naramdaman kong hindi sya gumagalaw.

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at tinignan ko sya. Nawalan sya ng malay. Umayos ako sa pagkakaupo at kinandong ko yung ulo nya.

"Zandy!" Yugyog ko sakanya pero hindi sya nagising.

"Zandy!!"Sigaw at yugyog na ang ginawa ko para magising sya.

Nakailang tawag ako bago nya unti unti minulat ang mata nya. Dahil doon unti unti na din nawala ang kaba ko. Pagkamulat nya ay ngumiti sya saakin. Mabilis ko syang niyakap dahil sa tuwa. Masaya ako dahil naalala ko na sya at nakabalik na ako sakanya.

"I'm sorry kung nakalimutan kita. Sorry kung natagalan bago ako nakabalik. I'm sorry." -Mangiyak ngiyak kong sabi habang yakap yakap ko sya.

"Okay lang. Naiintindihan ko." -Zandy.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan ko sya.

"Bakit mo ginawa yun?!" -Sermon ko sakanya ngunit nginitian nya lang ako.

"Alam ko kasi na ililigtas mo ako at hindi mo ako hahayaan mapahamak." -Zandy.
Niyakap ko syang muli.

"Stupid." Bulong ko.

Naramdaman ko naman na niyakap nya ako pabalik.

"Sabihin mo nga ulit yung pangalan ko." -Zandy.

"Zandy.zandy. zandy! Ang pinakamamahal kong si Zandy." -Llander.

Napangiti ako at kasabay non ang pagtulo ng luha sa mata ko. Iyon ang tinatawag na tears of joy. Hindi ko sukat akalain na ang batang hinahanap ko ay nasa harapan ko na pala tapos sinusungitan ko pa noon. Sadyang mapagbiro nga talaga ang tadhana.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko at hinalikan ko sya sa noo. Humiwalay naman sya sa pagkakayakap saakin at naupo na saka ako tinignan.

"Alam mo, hindi ko aakalain na magkikita pa tayong muli. Akala ko nakalimutan mo na ako. Inantay kita sa loob ng sampung taon hanggang sa dumating sa puntong nawalan na ako ng pag asa. Pero bumalik ka, ngunit sa pagbabalik mo hindi mo naman ako maalala. Sabi ko baka nga nakalimutan mo na ako. Ngunit Hindi ko alam na may masakit ka palang nakaraan. Nalulungkot ako sa nangyari sa pamilya mo. " -Zandy.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang dalawang kamay nya.

"Zandy, Patawarin mo ako kung hindi ako nakabalik sayo ng maaga at hindi ko natupad ang pangako ko sayo at nagkahiwalay tayo ng matagal na panahon.  Nakalimutan ka man ng isip ko pero yung puso ko hindi. Panahon lang ang lumipas pero ang pagmamahal ko sayo mula noon hanggang ngayon ay hindi kumukupas." -Llander.

Ngumiti sya saakin ng bahagya at diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Alam mo naniniwala ako na hindi aksidente ang pagkikita nating muli. It's fate...... Who bring us back together. Ngayong nakabalik na ako sayo, pangako hindi na kita iiwan pang muli." -Llander.

Ngumiti naman ito bahagya saka bumuntong hininga.

"Hindi natin alam kung ano ang magiging kapalaran nating dalawa pero masaya ako na makita at makasama kang muli." -Zandy.

Masaya ako na naalala ko sya at nakabalik na ako sakanya pero sya parang malungkot yung mga sinasabi nya.

"Zandy, bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? Wala akong ibang mamahalin pa kundi ikaw lang. Pinapangako ko sayo ikaw lang zandy. " -Llander.

"Hmmm. Sinasabi ko lang naman yun kasi masyado pa tayong bata para sa seryusong relasyon. Madami pa tayong pagdadaanan. " -Zandy.

"Alam ko yun, pero alam ko naman na sigurado na ako sayo. Pinagduduhan mo ba ang pag ibig ko sayo?" -Llander.

"Hindi naman sa ganon. Sinasabi ko---"

"Sssh! Tama na." -Pigil ko sa sasabihin nya.

Pumwesto ako sa may likuran nya at niyakap ko nalang sya.

"Zandy, wag mo na muna isipin ang mangyayari sa future ang importante magkasama na tayo." -Llander.

Ibinaon ko yung baba ko sa may balikat nya.

"Mahal na mahal kita zandy. MAHAL NA MAHAL. Ayokong mawalay kang muli saakin dahil hindi ko kakayanin yun. Ngayon lang ako sumaya ng ganito dahil yun sayo. Kaya ayokong mawala ang happiness ko." -Llander. 

Lumingon sya saakin at dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa mabilis na nagtama ang aming paningin. Ilang segundo kaming nagkatitigan at tanging kabog ng dibdib ko ang naririnig ko hanggang sa Unti unti kong nilapit ang mukha ko sakanya at inabot ang mga labi nya. Napapikit na lamang ako ng bigla syang tumugon sa halik ko.

ZANDY'S POV

Magkahawak kamay kami na naglakad pabalik ng bahay. Masaya sya ngayon at masaya din ako na naalala nya na ako. Siguro katangahan nga ang ginawa ko kanina na ilagay muli ang buhay ko sa kapahamakan pero kung iyon naman ang paraan para maalala nya ako hindi ako nagdalawang isip na gawin iyon.

Yung puso ko ngayon ay punong puno ng saya at tama sya dapat hindi ko muna isipin ang future ang importante ang ngayon. Nakakatakot man sumugal sa pag ibig pero gusto ko pa rin subukan. Dahil ngayon hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na wag syang mahalin. Mahal ko na sya, hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin yun sakanya dahil napapangunahan pa rin ako ng takot.

"Oh! Anjan na pala kayo. Saan kayo galing?"  Bungad saamin ni Carlo at kasama nya si Enzo.

"Ah! Inaalala ang nakaraan." -Nakangiti namang sagot ni Llander.

"Ha?!" -Yung dalawa.

"Mga Dude! Alam nyo ba na ang batang laging nasa panaginip ko ay walang iba kundi si Zandy. Naaalala ko na ang lahat mga Dude! Naalala ko na sya."- Masayang masaya na sabi ni Llander.

Nagkatinginan naman ang dalawa at napakamot sa ulo.

"Hmm. Dude. May ipagtatapat kasi kami saiyo." -Carlo.

"Ano iyon?" -Llander.

"Tungkol to sa journal mo." -Nag aalangan sabi ni Carlo.

"Ano ang tungkol sa journal ko?!" -Seryuso ng tanong ni Llander sa kanilang dalawa.

"Eh kasi--- " Antagal bago sabihin ni Carlo.

"Kasi ano?!" Pasigaw na nasabi ni Llander kaya hinawakan ko sya sa braso para kalmahin.

"Kasi yung first page na nakasulat sa journal mo napunit namin at nandoon ang pangalan ni Zandy!" -Tuloy tuloy na sabi ni Enzo. Tapos huminga sya ng malalim dahil kinapos siguro sya hangin dahil bilis nya magsalita.

Kita ko ang pagtiim bagang ni Llander at napailing, pati rin naman ako nagulat. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nilang journal.

"Sorry Dude. Hindi namin alam na si Zandy pala yung tinutukoy mo doon sa sulat. Nag agawan kasi kami ni Enzo kaya napunit. " - paliwanang ni Carlo.

"Mga anak kayo ng timawa!" -Llander.

Lumapit ito sa dalawa at pinagbabatukan ito.

"Aray! Aray! Tama na!" Inda ng dalawa.

Lumapit ako sakanya at inawat ko sya.

"Llander tama na." -Mahinahon kong sabi at tumigil naman na sya.

"Lumayas kayo dito sa pamamahay ko.! Diba sabi ko wag nyo papakialaman ang kahit anong gamit ko. Bakit nyo pinakialaman yun?!" -Llander.

"Sorry Dude nacurious lang kami sa laman ng journal. Patawarin mo na kami." - Nagmamakaawang Saad ng dalawa.

Nagulat ako ng biglang lumuhod ang dalawa at inakap ang dalawang hita ni Llander,  tig isa sila.

"Hey!! Let go of me!!"-Llander.

"Patawarin mo na kami bro!" -yung dalawa at pilit na kumakapit sa paa ni Llander. Hindi ko tuloy napigilan wag matawa dahil sa itsura nilang tatlo.

"Anak ng-- umalis kayo jan!" -Llander.

Sinipa sipa nya ang dalawa ngunit hindi ito nagpatinag.

"Hindi kami aalis dito hangga't hindi mo kami pinapatawad. " Saad ng dalawa.

"Oo na! Oo na! Tumayo na kayo jan kung ayaw nyo sipain ko kayo!" -Llander.

Dali dali naman tumayo ang dalawa at ngumiti na ng napakalapad.

"Mga siraulo kayo.! Kung hindi nyo yun pinunit edi sana nalaman ko na kaagad na sya yung batang hinahanap ko.!"- Llander.

"Eh nalaman mo na rin naman diba?" -Enzo.

"Aba--" Inambahan nya ng sipa si Enzo pero pinigilan ko sya.

"Hayaan mo na. Wag ka ng magalit sa kanila. Nalaman mo naman ang totoo, kalimutan mo na yun."- Zandy.

Sinamaan nya naman ng tingin ang dalawa.

"Oo nga naman Dude move on na." -Carlo.

"Move on my foot! Lumayas kayo sa harapan ko. " -Llander.

"Nag aaway ba kayo?"

Natigil sila sa pagtatalo ng biglang sumulpot si nanay.

"Ah hindi po nay. Pinagsasabihan ko lang po sila dahil may kasalanan sila saakin." -Llander.

"Ah kala ko nag aaway away kayo. Nadidinig ko kasi sa kusina ang pagtatalo ninyo." -Nanay.

"Hindi po nay. Nag uusap lang po kami." Sabay pinandilatan nya yung dalawa.

"Oo nga po nay nag uusap lang kami." -Carlo.

"Ah ganoon ba. Mabuti naman kung ganon dahil hindi maganda kung nag aaway kayo." -Nanay.

"Wag na po kayo mag alala nay naayos na po nila ang hindi pagkakaunawaan. Diba boys?" -Zandy.

Sabay sabay naman silang tumango at sumagot ng " OPO". Parang ang babait nilang tignan na takot mapagalitan ng nanay, ang cute tuloy nilang tignan.

"Oh sya sige. Pasok na kayo sa loob may niluto akong meryendahan nyo. Nagdala kasi si Pedring ng saging na saba kaya ginawan ko kayo ng bananacue." - Nanay.

"Mukhang masarap nga iyon kasi gawa nyo." -Nakangiti ng sabi ni Llander.

"Oh sya pasok na kayo." -Nanay.

Sabay sabay na nga kami pumasok ng bahay at tumungo sa hapag kainan at nandoon na nga ang niluto ni nanay na banana cue. Nagsiupuan na kami sa mesa at kumuha ng tig iisang tuhog ng banana cue.

"Hmm. Ang sarap naman." -Carlo.

Napangiti nalang ako sa reaction nila parang ngayon lang nakakain ng banana cue. Enjoy na enjoy sila sa pagkain para silang bata na ngayon lang nakatikim ng banana cue.

"Oo nga pala nay nasaan po si Erickson.?" -Zandy.

"Ah ayon! Nakatulog pagkatapos namin magligpit. Maaga kasi yun nagising kanina kasi excited lumipat." -Natatawang sabi ni nanay.

Napatawa na din tuloy ako sa sinabi nya. " ganon po ba. baka nga napuyat iyon." Saad ko.

Nagpatuloy nga kami sa pagkain habang yung tatlo hindi kumikibo at kain lang ng kain. Hindi ko alam kung gutom sila o ano.
Pagkatapos namin magmeryenda ay nagpaalam na akong uuwi na. Hinatid rin ako ni Llander sa bahay kahit ang lapit lapit lang ng bahay ko. 😂

"Sabi ko sayo wag mo na ako ihatid." -Zandy.

"Kasi gusto  pa kitang makasama." -Llander.

"Maghapon na kaya tayo magkasama." -Zandy.

"Isang buong hapon lang iyon kumpara doon sa sampung taon na nawala saatin." -Llander.

Ngumiti ako sakanya ng bahagya.

"Wag mo ng isipin ang sampung taon na nawala ang importante kung ano ang ngayon. "

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko pagkatapos unti unti nyang nilapit ang mukha nya saakin.

"Hmmm. Tigilan mo ako." -Sabay lagay ko ng hintuturo ko sa labi nya.

Ngumiti naman sya saakin at tinanggal nya yung hintuturo ko sa labi nya.

"Akala ko lang naman makakaisa pa." -Llander.

Kinurot ko naman sya sa may tagiliran. Naalala ko tuloy ang kiss kanina pakiramdam ko namumula nanaman ang mukha ko. Itong lalaking to nakakarami na saakin hindi pa man din kami.

"Ouch!" Natatawa nyang inda.

"Umuwi ka na nga.!" -Zandy.

"Hahaha. Biro lang naman. " -Llander.

"Sige na uwi na." -Zandy.

"Kiss mo muna ako." -Llander.

"Llander!" - saway ko sakanya at pinandilatan ko sya.

"Hahahaha. Oh sige na nga." -Sabay halik nya saakin sa pisngi saka ngumiti.

"Sa pisngi lang ah baka naman pati iyon ipagkait mo pa."- Llander.

Napangiti nalang ako ng magpout sya.

"Oo na! Sige na uwi na." -Zandy.

Binitawan nya na nga yung kamay ko at naglakad na sya paatras at nagwave saka ngumiti. Nagwave back naman ako sakanya at nginitian ko din sya pagkatapos tuluyan na din ako pumasok sa loob ng bahay namin.

ENZO'S POV

Kasalukuyang nakahiga lang ako sa kama ko habang naglalaro ng games sa cellphone ko. Wala naman kasing ibang magawa dito sa bahay ni Llander na sobrang boring. Bakit kasi kami nandito? Ah oo naalala ko na. Dahil sa kagustuhan ni Carlo na makita si Zandy but unfortunately taken na pala ang puso non at kay Llander pa. Poor carlo akala nya makakaporma sya kay Zandy.

"Wtf!!"inis na sigaw ko ng magame over ako sa nilalaro ko.

"Aist!" Inis na binato ko ang cellphone ko sa may tabi ko at tumingala nalang sa kisame.

Iniisip ko kung uuwi na ako ng maynila dahil sobrang boring dito. Walang internet at walang signal ang cellphone. Wala din bar ibig sabihin wala din girls. Hayst! Nawala na yung night life ko.

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Naisipan ko nalang mag ikot ikot mas mabuti pa siguro iyon.

"Saan ka pupunta?" -Tanong saakin ni Carlo ng makasalubong ko sya sa sala.

"Mag iikot ikot lang." Sagot ko at nilagpasan ko na sya at tumuloy na sa may sasakyan ko.

Full speed ang takbo ng sasakyan ko dahil walang masyadong sasakyan at ang lawak ng kalsada ang ganda magpatakbo.

Napadpad naman ako sa may plaza at dahan dahan ko ng pinatakbo ang sasakyan ko. Naisipan ko nalang na bumili ng beer at dalhin sa bahay.

Naghanap ako ng malapit na grocery store at sakto naman nakakita ako kaagad. Pinark ko muna ang sasakyan ko saka ako pumasok sa grocery store. Pagpasok ko palang ay agad naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng maputi, yung babaeng nahalikan ko ng isang araw na kaibigan ni Zandy. Yung babaeng tanga na nagtapat ng pag ibig nya sa lalaking ayaw naman sakanya. Tinignan ko sya habang may pilit na inaabot sa grocery stand.

"Tsk. Bansot kasi." -Enzo.

Napangiti ako habang tinitignan syang hirap na inaabot ang chichiriya na bibilhin nya siguro. Lumukad ako patungo sakanya at ako ang nag abot ng kinukuha nya.

"Oh!" -Enzo.

Dahan dahan naman syang tumingin saakin at nagsalubong na ang kilay nya ng makilala nya ako.

"Ikaw nanaman?!" -Krystal.

"Anong ako nanaman? Tinulungan na nga kitang abutin yan hindi ka manlang nagpasalamat."- Enzo.

"Bakit hiniling ko ba sayo na tulungan mo ako?!" -Krystal.

"Hindi." -Enzo.

"Yun naman pala!" Sabay irap nya saakin at pabagsak na nilagay sa basket ang chichiriya at iniwan ako.

Napangiti nalang ako dahil sa kasungitan nya. Ibang iba sya sa kaibigan nyang si zandy. Si zandy kasi masyadong mabait sya masyadong mataray at bungangera. Pero alam kong ako ang nakakuha ng first kiss nya. Napailing na lamang  ako dahil sa naisip ko. Kumuha na din ako ng basket para sa lalagyan ko.

Sinundan ko sya kung saan sya magpunta. Kumuha din ako ng mga chichiriya at ilang chocolates. Paborito ni Llander ang chocolate kaya ibibigay ko sakanya. Yung hinayupak na yun parang bata. Laging may nakasalpak sa bibig na chocolate.

Biglang tumigil si krystal at hinarap ako.

"Sinusundan mo ba ako?!" -krystal.

"Bat naman kita susundan? Di mo ba nakikita namimili ako. " Sabay taas ko ng basket ko. "Gusto mo din ng chocolate?" Nagpapacute kong saad pero tinarayan nya nanaman ako.

"Pwedi ba lubayan mo ako. Utang na loob ! Naiinis ako sa pagmumukha mo. Alam mo ba yun.?!"- Krystal.

Ngumiti lang ako sakanya ng mapang asar.

"Siguro kasi masyado kang nagagwapuhan saakin. Naiintimidate ka siguro sa kagawapuhan ko." -Enzo.

Tinaasan nya ako ng kilay at binigyan ko naman sya ng pamatay kong killer smile.

"Siguro lumaklak ka ng isang galon na kayabangan kaya ka ganyan ano?" - sabay irap nya saka tumalikod na sya.

Napangiti lang ako at sinundan ko syang muli. Nilapit ko yung mukha ko sa may mukha nya mula sa likod sabay bulong ko sakanya.

"Kamusta ang first kiss mo? Nagustuhan mo ba?" - bulong ko sakanya.

Napalayo sya saakin at hinarap nya ako na galit na yung itsura pero nginisian ko lang sya.

"Napakamanyakis mo talaga!"- saad nya sabay bagsak nya ng basket na hawak nya.

"Ahhhh!!" Sigaw ko dahil sa paa ko bumagsak yung basket. Tinaas ko yung paa ko at nagpatalon talon dahil sa sakit. Yung laman ng basket ay puro can goods pa naman. Anak ng timawa tong babaeng to napakasama ng ugali.

Nginitian nya naman ako ng nakakaloko habang namimilipit ako sa sakit.

Pinulot nya ang basket nya at inirapan ako saka nya ako nilayasan.

"Hey!!" Tawag ko sakanya.

"Mamilipit ka jan sa sakit. Deserve mo yan sa lahat ng perwisyo mo saakin. Get lost!" Sigaw nya din habang nakatalikod at tuluyan nya nga akong iniwan.

"Aist!" Naiinis kong saad at sinipa ko nalang ang basket na dala ko sa sobrang inis saka ako naglakad ng paika ika para habulin sya.



Continue Reading

You'll Also Like

80.9K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
479K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
125K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...