So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )

14.6K 333 120
By Ytianity

Guys, ending na. Hindi ko malaman kung iiyak ba ako o tatawa eh. Nahirapan akong gawin 'to kasi wala pa akong experience sa pagtapos ng isang story. Plus, I don't know kung matutuwa kayo sa ginawa kong pakulo dito. Hahahaha. Anyways, dito niyo rin mababasa ang collaboration namin ni @YorTzekai. It was a pleasure working with him. Isa siya sa mga magagaling na author, alam niyo naman na yun eh. Hahaha. This might not take you to your deepest emotions pero pagtiisan niyo na lang. Yan lang ang kaya ng capacity ko eh. I don't intend to overdo myself kapag alam kong hindi ko kaya. :))))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

KARL VINCENT'S POV

Before I know it, humupa na ang kasikatan ko. Natabunan na kasi agad yun ng panibagong issues plus the fact na wala akong pakialam sa mga tao, kaya nawala agad yun.

Pero isang tao lang talaga ang hindi ko pwedeng hindi pansinin. Kahit na pilit niya akong pinalalayo sa kanya, hindi ko magawang dalhin ang sarili ko sa isang mundo kung saan wala siya.

Hindi ako tumahimik sa pagsuyo ko kay Allen kahit na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin niya masabi sa akin yung dahilan ng kasalanan ko. Oo, alam kong boyfriend na niya si Jake, pero, hindi naman ako nakipaghiwalay kay Allen diba? So in a sense, kami pa rin. Kabit lang yung bestfriend niya.

"Ano ba!? Pakawalan mo nga ako! Bakit mo ba ginagawa 'to? Tapos na tayo diba?" sigaw niya matapos ko siyang hilahin mula sa room papunta dito sa gilid ng library. Isang eskinita lang naman 'to sa pagitan ng library at Nursing building eh. Saka puro scaffoldings lang naman ang nandito.

"Pumayag na ba ako sa desisyon mo? Wala pa tayong mutual decision sa bagay na yan kaya wag kang mag-decide sa sarili mo lang!" bulyaw ko naman sa kanya kaya napaatras siya sa pader. Inilapit ko ang mukha ko dahilan para lumiit ang pagitan sa amin.

"Hindi ko kailangan ng permiso mo para maghanap ng iba." sagot niya lang sa akin tapos ay inilapat niya ang mga kamay niya sa dibdib ko para lumayo ako.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at para siyang nanghina. Hindi na niya ako itinutulak kaya kinuha ko yun at inilapit sa mukha ko. Hinalikan ko ang kamay niya tapos ay hinawakan ko ng kaliwang kamay ko ang kanang pisngi niya.

"Hindi ko naman sinasabing hingin mo ang permiso ko eh. It's been a month at naghahabol pa rin ako sa'yo. Ang gusto ko lang, wag mo akong kalimutan. Kasi ako, hinding-hindi talaga kita pakakawalan. Alam mo yan." mahina ngunit seryoso kong sabi sa kanya. Titig na titig ako sa mata niya dahil gusto kong makita ang reaksyon niya sa bawat salitang bibitiwan ko.

Bigla siyang umigkas sa hawak ko kaya napaatras ako. Pero mabilis akong nakabawi at hinawakan ko uli yung braso niya at hinila ko siya para mayakap ko.

"Masakit na nagkahiwalay tayo nung una. Kasalanan ko yun, aminado ako. Pero ngayon, blangko talaga ang utak ko sa kung anumang maling nagawa ko. Sabihin mo na kasi please?" malungkot kong sabi mula sa likod niya habang nakayakap ako at nakapatong ang baba ko sa balikat niya.

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya kaya siguradong kong nagpipigil siya ng pag-iyak niya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at hinalikan ang puno ng tenga niya.

"Allen, mahal na mahal kita. I'm sorry na please?" sabi ko sa tenga niya tapos ay inilayo ko siya sa akin para makita ko ang mukha niya.

Pero hindi nangyari yun dahil biglang may humawi sa pagitan namin at itinulak ako. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa akin ay napaupo ako sa lupa.

"Allen! Bakit ka umiiyak!? May ginawa na naman ba sa'yo yang lalaki na yan!?" tanong ng isang boses na kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang pinanggagalingan ay kinainisan ko na agad.

Itinukod ko ang kanang kamay ko para makatayo ako. Pinagpag ko yung puwitan ko pati yung tuhod ko nang makatayo na ako. Nakita kong nakatalikod na sa akin si Jake at pabulong na inaasikaso si Allen. Nung mapansin kong hawak niya ang pisngi ni Allen ay hindi na ako nakapagtimpi.

Hinila ko yung braso niya at bigla ko siyang sinuntok pagkaharap niya sa akin.

Napahakbang siya sa kaliwa dahil sa ginawa ko pero mabilis siyang nakabawi at kinwelyuhan ako.

"Tarantado ka ah!?" galit na galit niyang sabi. Halos masakal ako sa hawak niya sa akin pero hindi ko pinahahalatang lamang siya ngayon.

"Mas tarantado ka! Alam mong may boyfriend yung tao, kinakalantari mo!" bintang ko naman sa kanya tapos ay hinawakan ko yung mga braso niyang nakahawak sa kuwelyo ko at pinilit kong tanggalin yun.

"Gago ka!" sigaw niya lang tapos ay biglang bumitaw yung kanan niyang kamay at sinuntok ako.

Nagsimulang magkaroon ng komosyon dahil sa sigawan ng ilang nakakita. Napalibutan kami ng ilang estudyanteng nambubuyo, habang ang iba'y nakikinuod lang. Nahagip ng tingin ko si Allen na nakatulala at parang gulat na gulat sa nakitang ginawa namin, kaya naman hinawi ko si Jake at pinilit na lapitan si Allen para yakapin siya.

Pero hindi ako nakalapit masyado kay Allen dahil biglang hinila ni Jake ang likod ng kwelyo ko.

"Wag mong lalapitan ang syota ko!" sabi pa niya sabay bigwas uli ng suntok sa mukha ko.

Nagpatuloy kami sa pagsuntok sa mukha ng isa't isa hanggang sa hilahin ako paatras ng isang tao. Sinubukan kong hanapin si Allen sa paligid pero nawala na siya. Si Jake din ay bigla na lang din tumakbo at nawala sa eksena.

"Par! Wala ka na ba sa tamang pag-iisip!? Nag-aamok ka sa loob ng school!?" pasigaw na tanong sa akin ni Jomar.

Kumawala ako sa hawak niya at hinarap ko siya. Galit na galit ako kaya dapat ako ang kinakampihan nila. Ako ang kaibigan nila eh.

"Oo! Baka nga wala na ako sa tamang pag-iisip! Yung taong mahal ko hindi ko na maabot. At nanunuot sa utak ko yung katotohanan na yun dahil sa kasalanan ko." sabi ko sa kanya tapos ay kumawala ako sa hawak niya.

Inayos ko saglit ang damit ko tapos ay umalis na ako sa umpukan na yun. Mamaya may dumating pang nakatataas at magkaroon pa ako ng record.

Sa sobrang galit ko ay napagdesisyunan ko na lang na hindi na pumasok. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

ALLEN'S POV

"Hindi naman sa ganun..." mahina kong sabi kay Jake matapos niya akong tanungin kung makikipagbalikan na ba ako kay Karl.

Pagkatapos nung eksena namin sa school, inuwi na niya ako. Hindi ko siya kinikibo sa buong biyahe namin dahil alam kong galit na galit siya.

"Eh ano!? Bakit ba hinahayaan mo lang na hila-hilahin ka niya sa kung saan-saan!? Akala ko ba gusto mo nang kalimutan siya!? Eh bakit sama ka pa rin ng sama sa kanya!?" galit na galit niyang tanong sa akin. Bawat buga niya ng salita, parang pinupukpok ang ulo ko kaya napapayuko ako.

"Hindi ko naman maiwasan eh. Binibigla niya ako." mahina ko ulit na sagot.

Halos matanggal ang kaluluwa ko sa pagkabigla nang hampasin niya yung space ng kama sa gilid ko. Nakakatakot magalit si Jake. Pinagpapawisan ako ng malamig sa ginagawa niyang 'to.

"Hindi yun, Allen eh. Ang sabihin mo, mahal mo pa rin siya." seryoso niyang sabi habang nakaluhod sa harap ko. Napansin kong maluha-luha siya kaya hinawakan ko ang mukha niya. "It's been what? A month? Oo, isang buwan." dagdag pa niya.

"Jake..."

Tinaggal niya ang kamay ko at tumayo siya.

"Ano bang dinadrama-drama ko? Yun naman talaga ang totoo eh diba?" tanong niya sa akin na parang hindi siya makapaniwala. "Simula pa lang nung una alam ko nang hindi mo siya kayang kalimutan. Oo nga't hiningi mo ang tulong ko na kalimutan siya, pero, ako lang talaga 'tong umaasa sa loob ng isang buwan na mawawala siya dyan sa isip mo at ako ang papalit." pagpapaliwanag niya habang paikot-ikot siya sa kwarto ko.

"Jake naman. Wag mo ngang isipin yan." pang-aalo ko sa kanya.

"Kahit naman sabihin mo yan, hindi ko mapipigilan ang sarili ko eh. Saksi ako sa nangyari sa inyo. Alam kong mahal na mahal mo siya. Hindi mo siya malilimutan kahit na ano pa ang gawin ko."

"Tama na yan. Wag mong sabihin yan."

"Hindi, Allen. Tama na rin siguro 'to. Itigil na natin 'to. Tanggap ko noon na siya ang pinili mo. Tanggap ko rin ngayon na siya pa rin ang pipiliin mo." bigla niyang sabi.

Napayuko na lang ako sa narinig ko dahil na-guilty ako.

Mahal ko pa nga si Karl. Tama siya, kung papipiliin man ako sa kanilang dalawa, walang kakurap-kurap kong masasabi ang pangalan ni Karl.

Bigla ulit siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Seryoso siyang tumingin sa akin at hinalikan ang kamay ko.

"Hindi mo man sabihin sa akin, alam kong si Karl lang ang laman ng isip mo." sabi niya tapos ay binitawan niya ang kamay ko at umupo siya sa tabi ko. "Sa tuwing lalabas tayo, tahimik ka. Pag madadaan tayo sa isang lugar na alam kong may memories niyong dalawa, parang gusto mong umiyak. Pag magkausap tayo, parang may iniiwasan ka. Pag nagkikita tayo, hindi mo ako matignan sa mata. Allen, masakit para sa akin yun, alam mo ba? Pero natutunan kong tanggapin yun dahil sa mahal kita at naisip kong nagkaroon ako ng chance na mapasaakin ka kahit na papaano. So, in a sense, masaya ako. Yun nga lang, wala akong panama sa ex mo dahil siya pa rin ang pinili mo." nakatingin ako sa kanya habang nagsasalita siya at napansin ko na nakangiti siya kahit na malungkot yung mga pinagsasasabi niya.

Martir si Jake. Nagawa niya yun para sa akin. Alam ko naman na gagawin niya lahat para sa akin eh. Alam kong mahal niya ako. Pero ako lang talaga 'tong hindi marunong mag-reciprocate ng feelings.

"Jake, I'm s--"

"Wag mo nang ituloy yan." pagpapatigil niya sa akin. "Ipapamukha mo lang sa akin na hindi ako karapat-dapat sa'yo eh. Mas masakit yun, alam mo ba? Hayaan na lang natin na ganito ang nangyari." sabi pa niya tapos ay dahan-dahan siyang tumayo. Tumukod pa nga siya sa tuhod ko na para bang hinang-hina siya eh.

"I love you, Jake."

"Ha-ha-ha. Katawa." nakatalikod niyang sabi sa akin. "Dati gusto kong marinig sa'yo yan, ngayon parang gusto kong umiyak at iuntog ang ulo ko sa pader."

"Bestfriend pa rin naman kita diba?" tanong ko sa kanya. Tumayo na rin ako sa kama kasi parang tumitigas na rin yun dahil sa mga nangyayari ngayon. Nangangalay na pwet ko.

"Hindi ko alam. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, sa tingin mo ba magagawa ko pang makipagkaibigan sa'yo? Siguro in time, oo, pero hindi mangyayari yun ngayon." sabi pa niya.

Hindi ko maiwasang maluha dahil naisip ko ang pagkakaibigan namin. It may not have been the coolest or the greatest but it was sure fun being around him.

"Sor--"

"Sinabi nang wag mong sabihin yan eh! Ayoko ng pampalubag-loob. Mahal kita, Allen. Pero kung sa kanya ka talaga sasaya, handa akong pakawalan ka."

Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong 'sorry' lang naman ang lalabas sa bibig ko. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Sa ganitong paraan, maipaparamdam ko na nagso-sorry talaga ako sa nangyari sa amin. At the same time, ay makakapagpasalamat din ako sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

"Pagkatapos nito, please, wag mong ipamalita sa iba ang nangyari sa atin ha? Magmumukha na talaga akong tanga eh." sabi niya sa tapat ng tenga ko.

"Oo, promise. Jake?"

"Hmmm?"

"Salamat sa lahat ha? I know hindi ako naging mabuti sa'yo sa lahat ng aspeto pero nandyan ka pa rin para sa akin. Salamat talaga. I don't know kung makakahanap pa ako ng kaibigan na gaya mo."

Biglang humigpit ang yakap niya sa akin at narinig ko ang pagsinghot niya. Umiiyak siya.

"S-s-salamat din k-k-kasi dumating ka sa buhay ko. Simula pa lang nng una kitang makita, a-a-alam ko nang may gusto ako sa'yo. Pero natorpe talaga ako kasi iniingatan ko pagkakaibigan natin. Pero ang ending, sira pa rin."

"Wish ko, makahanap ka ng taong para sa'yo." sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ang pagyakap ko sa kanya.

"Itigil mo nga yan. Hindi naman matutupad yan eh. Hindi mo naman birthday eh." pagbibiro niya.

Natawa ako at marahang tinapik ang likod niya.

Kumalas ako sa yakap at tinignan ko ang mukha niya. Pinigilan kong matawa kasi parang bata ang itsura niya. May sipon-sipon siya tapos pulang-pula yung mata niya.

Umiwas siya ng tingin pero hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang luha niya gamit ang daliri ko.

"Thank you, Jake." mahina ngunit nakangiti kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at seryoso akong tinignan sa mata.

"Wag kang ganito sa ibang lalaki. Kay Karl ka lang dapat ganito." seryoso niyang bilin.

Tumango na lang ako nang nakangiti bilang sagot.

Tapos ay ngumiti na siya at tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Tumabi ako sa kama ko at tumalikod doon. Bumuntong-hininga muna ako bago ko ibinagsak ang katawan ko roon.

KARL VINCENT'S POV

I need to talk to him. I need to beg him. Please, please. Hayaan Niyo akong kausapin siya. Importante po 'to.

And then, biglang lumabas ng pinto si Jake.

Mula sa kinatatayuan ko ay lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya.

"Jake, please, let him go. Mahal na mahal ko siya. I'm begging you." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Wag tayo dito mag-usap. Halika, sumama ka sa akin."

Tinitigan ko siya sa mata bago ako tumayo. Napansin kong namumula ang mata niya at parang basa ito.

"Bilisan mo. Ayoko nang tumagal pa 'to. May sasabihin din ako sa'yo." seryoso niyang sabi kaya nagsimula na din akong lumakad at sinundan siya.

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa tumawag siya ng pedicab at pinasakay ako dun. Saan ba kami pupunta? Mukhang malayo 'to ah? Teka! May balak ba siyang kidnapin ako at dalhin ako sa malayo para patayin dahil sa pagpilit kong hiwalayan niya si Allen?

"Pare, papatayin mo ba ako?" diretsahan kong tanong sa kanya.

"Kung pwede lang eh. Para ako na lang mahalin ni Allen." sagot niya. Gusto ko nga siyang kwelyuhan para mapilit na hiwalayan si Allen eh. "Pero hindi pwede eh. Pag ginawa ko yun, parang pinatay ko na din siya. Hindi ko kayang mangyari yun. Kung saan masaya si Allen, yun ang ibibigay ko sa kanya." dagdag niya kaya kumalma agad ang utak ko.

Natahimik ako sa sinabi niya dahil ramdam ko ang kaseryosohan niya. Ilang beses na talaga niyang pinatunayan na mahal niya yung taong mahal ko. Kung iisipin nga, mas deserve pa siya ni Allen kesa sa akin eh. Ano ba naman kasing panama ko sa bait niya diba? Marunong siyang mag-alaga at magpahalaga ng tao kumpara sa akin na inuuna ang sarili at hindi inaalala ang kapakanan ng mga mahal ko sa buhay.

Tumigil kami sa harap ng isang bahay. Kulay puti siya at hindi kasing laki nung sa amin, pero nasa 4 floors siya at modern din yung design.

"Pasok." utos niya sa akin nung buksan niya yung gate ng bahay.

Kabado akong sumunod sa kanya at huminto sa harap ng pinto ng bahay nila. Tinitigan niya muna ako ng masama saka niya binuksan ang lock ng bahay.

"Pasok ka. Sa loob tayo mag-usap. Ayokong may makakita sa gagawin ko sa'yo. Baka ipa-pulis nila ako eh." sabi niya sa seryosong tono.

Napalunok ako ng laway sa narinig ko. Kung mahina lang siguro loob ko, baka naihi na ako sa takot dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"Ano ba!? Pumasok ka na sabi eh! Hindi nga kita papatayin! Mag-uusap lang tayo!" bulyaw niya sa akin.

Maingat akong pumasok sa loob habang nakatingin sa mata niya. Mahirap na, baka mawaglit lang ako, may nakatarak na sa katawan ko.

"Umupo ka muna dyan, ano ba gusto mo? Juice, kape, tubig o beer?" pag-alok niya.

"Kahit ano." sagot ko naman. Hindi ko tinatanggal titig ko sa kanya kasi baka may madampot siya sa tabi-tabi na pwede kong ikapahamak eh.

"Beer na lang. Para diretso na sa lasingan."

Sinundan ko siya ng tingin habang lumalakad siya papunta sa kusina. Binuksan niya yung ref at naglabas siya ng dalawang lata ng beer mula roon.

Hinagis niya sa akin yung isa pero hindi ko muna binuksan.

"Alam mo, gusto kitang suntukin ngayon." sabi niya tapos tumungga siya ng beer.

Inilapag ko yung beer sa mesa at tumayo ako.

"Sige, hahayaan kong suntukin mo ako. Pero kapalit, hiwalayan mo na si Allen. Mahal na mahal ko siya, Pare, eh "

Tinungga niya ulit yung beer tapos niyupi yun gamit ang isang kamay lang. Inilapag niya yung lata sa mesa tapos ay lumapit siya sa akin. Kinuwelyuhan niya ako at hinila patayo.

"Mahal ko din si Allen. Pero bakit hindi niya ako kayang mahalin tulad ng ginagawa niya sa'yo kahit na paulit-ulit mo siyang sinasaktan? Ano bang meron ka na wala ako!?"

"Hindi ko alam, Pare. Pero mahal na mahal ko din si Allen kaya ginagawa ko 'to ngayon. Please lang, ipaubaya mo na sa akin si Allen."

Hindi ko inaasahan ang suntok niya sa mukha ko kaya napaatras ako at napaupo sa sofa. Napahawak ako sa panga ko dahil sa sakit ng suntok niya.

"BAKIT BA HINDI PANTAY-PANTAY ANG TAO PAGDATING SA PAGMAMAHAL!? BAKIT BA KAILANGAN PANG MAY MASAKTAN!?"

Natahimik na lang ako sa kinauupuan ko at tinitigan siya. Umiiyak siya. Masakit talaga para sa kanya na mawala si Allen. Alam ko yun. Naramdaman ko na yun eh. Pero wala akong magagawa dahil mahal ko si Allen at handa kong ipaglaban siya kahit na kanino.

Bigla siyang umupo sa tabi ko at pinunasan ang luha niya.

"Pero kahit na ganun, handa na akong pakawalan siya."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at hinablot ko ang kwelyo niya para ilapit siya sa akin.

"ANONG SABI MO?"

"Wala na kami. Nag-break na kami. Kanina lang."

Kinuha niya yung beer ko at binuksan niya yun. Nilagok niya lahat ang laman nun sa isang tunggaan lang. Pinunasan niya yung gilid ng labi niya dahil may tumulong alak.

Tumayo na ako at tinungo ang pintuan. Pero bubuksan ko pa lang sana yun, bigla akong tinawag ni Jake.

"Bago ka makipagbalikan kay Allen, ayusin mo muna ang buhay mo. Ayokong may sabit ka pa pag binalikan ka niya. Wag mo nang sasaktan si Allen ha?"

"Salamat, Pare! Promise! Hinding-hindi ko na sasaktan si Allen! Pangako ko rin na aayusin ko ang sarili ko at ang lahat ng bagay sa buhay ko."

Nakita kong napayuko siya at napahawak ng mahigpit sa lata. Tahimik na lang akong nag-sorry sa kanya mula sa kinatatayuan ko tapos ay lumabas na ako.

Should I go to Allen's and tell this? O sisimulan ko na yung sinasabi ni Jake? Pero malapit na kaming mag-Graduation. Baka pagkatapos nun, hindi na kami magkita eh. And that's what I'm afraid of.

ALLEN'S POV

"Anak, ano ba dito ang bibilhin natin? Kanina ka pa pili ng pili. Nahihilo na ako sa'yo." dinig kong sabi ni Mama na hawak ang isang long-sleeved na polo.

Sa totoo lang, pang-8 ko na atang pili yan. Hindi kasi ako mapakali. Isang linggo na lang bago mag-graduation at nagtatalo pa rin sa isip ko kung kakausapin ko ba si Karl, o hahayaan kong siya ang gumawa ng move? Pero napapaisip ako eh.

Kung ako ang unang gagawa ng move, baka lumabas na ako lang ang naghahabol sa aming dalawa. At saka, hindi ko rin naman sigurado kung ako pa rin talaga ang pipiliin niya, kahit na paulit-ulit niyang sinasabi na ako lang ang mahal niya eh.

"Anak! Hoy! Ano ka ba? Anong tinutunga-tunganga mo dyan?" pagtawag niya uli sa pansin ko. Pero para kasing mas importante 'tong iniisip ko kesa sa polo na susuotin ko sa graduation ko eh.

"Ha? Wala po 'to. May naisip lang." sabi ko na lang sa kanya.

Inilapag niya yung polo saglit at tumabi siya sa akin.

"Si Karl na naman?" mahina niyang tanong habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ko.

Napatingin ako sa kanya saglit tapos nagbalik uli ako ng tingin sa sahig saka ako tumango.

"Bakit? Ano bang inaalala mo? Gusto mo pa rin siya kahit na ilang beses ka nang sinaktan?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Tanga ba ako, Ma? Parang ang masokista ko diba? Ilang beses na akong nasaktan pero siya pa rin ang hinahabol ko." malungkot kong sabi sa kanya, to the point na maiyak na ako.

"Anak, hindi naman kita masisisi eh. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa kanya pero alam kong mahal mo siya kaya nagkakaganyan ka." sagot naman niya habang hinahagod niya ang likod ko.

"Ako ba ang lalapit sa kanya at maghahabol? O hihintayin ko siya tulad ng dati?"

"Ikaw lang makakasagot sa tanong mong yan, anak. Kami, bilang pamilya mo na nagmamahal sa'yo, tanging pag-suporta lang ang magagawa sa ngayon." nakangiti niyang sagot sa tanong ko. Patuloy pa rin siya sa paghagod ng likod ko na para bang isa akong batang inagawan ng candy.

"Ma, bakit ba kasi ang hirap magmahal?" seryoso ko namang tanong sa kanya.

"Anak, hindi mahirap ang magmahal. Ang mahirap ay yung patunayan ang pagmamahal mo sa taong yun. Tulad ng ginagawa ni Karl. Alam kong sa mga oras na 'to, may ginagawa na siya para patunayan na para kayo sa isa't-isa." pagpapaliwanag niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya at napabungisngis.

"Hahaha. Dati kabaligtaran nyan yung sinabi niyo sa akin. Ngayon parang kinakampihan niyo na siya ah?"

"Kasi napatunayan ko na mahal na mahal ka niya. Ikaw lang ang hinahanap niya para makasama sa habang buhay. Yung tipong handa niyang ipaglaban ang relasyon niyo sa kahit na sino basta mapasakanya ka lang."

Natawa na lang uli ako sa kanya. At napatingin sa mukha niya.

"Alam kong wala nang mangyayaring masama sa inyo sa pagkakataon na 'to."

"Paano ka naman nakakasigurado, Ma?"

"Alam ko. Nanay mo ako eh. Mother knows best diba?"

"Hahaha. Nahugot mo pa yun?"

"Syempre naman. Lahat huhugutin ko, basta alam kong ikasasaya niyo."

"I love you, Ma."

"Naiiyak ako, 'nak. Ngayon ko lang ata narinig sa'yo yan."

"Hindi ko lang sinasabi, pero pinaparamdam ko naman diba?"

"Oo. I love you din, anak."

Nagyakapan kami hanggang sa makuntento kami sa isa't-isa. Pinagtitinginan kami ng ibang tao kasi ang weirdo namin pero wala kaming paki. Minsan lang kami mag-drama sa isa't-isa ng nanay ko eh.

Matapos yun ay pumili na kami ng mga susuotin namin para sa Graduation ko tapos ay umuwi na kami.

Pag-uwi namin ay hinayaan ako ni Mama na mapag-isa sa kwarto ko. Nakatingin lang ako sa cellphone ko, contemplating on whether to text him or not.

Pagkatapos ng 1 buong minuto, dinampot ko ang phone ko at sinimulang mag-type ng message sa kanya.

| Hi, Karl. In case na hindi mo alam, break na kami ni Jake since last week. And in case na nakakalimutan mo, isang linggo na lang bago ang graduation natin. I'm giving you this notion kasi baka hindi ka gumagawa ng move dyan. Mahal kita. At yung dahilan kung bakit nagalit ako ay dahil sa isang picture. Picture niyo ni Keira, naked. I was devastated by that kaya pinilit ko ang sarili ko na magalit sa'yo kahit na gustong-gusto kitang pansinin, kausapin, yakapin, halikan. At the back of my mind kasi, may nagsasabi na baka hindi mo alam yung nangyaring yun. Pero napangunahan na talaga ako ng takot, doubt at insecurities kaya ginawa ko yun. I'm sorry for everything, pinapatawad na rin kita. I love you. :)) |

Pagkatapos kong masend yun ay isinunod ko namang ipadala yung picture. Matapos yun ay bumuntong-hininga ako at binitawan na lang ang phone ko basta-basta.

Now, Karl, I made a move. It's your turn to prove how much you love me.

KARL VINCENT'S POV

What the hell!? Anong picture 'to!? Who in the world took this!?

"Mommy! Daddy!" nanggigil kong pagtawag sa kanila habang tinititigan ko yung cellphone ko.

"What!? Kung makasigaw ka naman parang may masamang nangyari sa'yo." agad na bungad sa akin ni Daddy nung makapasok sila ni Mommy sa kwarto ko.

"Masama? Hindi naman masama. MASAMANG-MASAMA LANG!" pabulyaw at parang naninisi kong sabi sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong.

"Dad, alam mo ang tungkol dito diba?" tanong ko sa kanya.

"Tungkol saan?" tanong niya ulit. Why is he still feigning innocence when I already caught him red-handed? Kumukulo dugo ko!

"Sa kung bakit galit sa akin si Allen at bakit niya ako hiniwalayan." sabi ko sa kanya. Medyo nagpipigil akong gumawa n masama dahil nasa katinuan pa naman ako. Pero, punuin lang talaga niya ako, wala akong sasantuhin!

"Wha- Hindi ko alam yan! At saka, gaano katagal mo pang ipipilit na bakla ka? Hindi uubra sa akin yan." sabi naman niya sa akin. Tinitigan ko siya ng masama.

"Where's Keira?" tanong ko sa kanya.

"Nasa baba." sagot naman ni Mommy na nasa likuran lang ni Daddy.

Agad akong tumakbo pababa para harapin si Keira. I need to get some clear answers from her.

Nakita ko siya na nakikipaglaro kay Kurt. Mukhang masayang-masaya silang dalawa. Pero ako, hindi ako masaya. Galit na galit ako!

"Keira." pagtawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin at nginitian ako. Binitawan niya muna yung hawak niyang laruan at tumayo siya.

"Oh, hi. Bakit? May kailangan ka?" tanong niya sa akin. Sinulyapan ko saglit si Kurt at kinawayan din ako ng bata.

"Oo, may kailangan ako pero ibigay mo muna kay Manang ang bata." sabi ko sa kanya.

Kinarga niya yung bata at pumunta siya sa may kusina. Pagbalik niya ay wala na sa kanya yung bata.

"Ano ba yun, Karl?"

"Ano yung picture na sinasabi ni Allen?" agad kong tanong sa kanya.

Napansin ko ang pagkabigla niya pero nakabawi din agad siya ng reaksyon. Kumunot ang noo niya na parang nagtataka.

"Anong picture? Wala akong binibigay na picture sa kaibigan mo. Ni hindi ko nga alam number at address nun eh." palusot niya naman. Napangisi na lang ako sa narinig ko sa kanya. Buking na siya, magpapalusot pa din?

"Talaga lang ha?" sabay pakita ko sa kanya nung picture.

Napatakip siya ng bibig sa pagkabigla at agad na nag-iwas ng tingin.

"So, wala kayong sasabihin tungkol dito? Daddy?" tanong ko sa ama ko nung makita kong sumunod sila sa akin.

"What!? Hindi ko alam yan." sagot naman niya.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko between Keira and Dad. Pinipilit ko silang magsalita through my gaze. Walang nagsalita sa amin for good one minute. Until Keira broke the silence...

"It was me, yes. Ako nga ang may pakana nyan. It was because, desperado na ako. Akala ko, mapupunta ka sa akin kapag gumawa ako ng paraan para magalit siya."

"What!? Anong sinasabi mo? Nag-send ka ng pictue kay Allen para masira si Karl sa kanya?" gulat na gulat namang tanong ni Daddy kay Keira. Lumapit siya sa babaeng yun at hinarap ito.

"Yes, Tito." nakayukong sagot ni Keira. Ngayon pa talaga siya nahiyang magpakita ng mukha ha? "Pero nagkamali ako ng hinala. Para silang isang makapal na pader na mahirap tibagin. Totoo yung sinasabi ni Karl na may relasyon sila ni Allen. Hindi siya gumagawa ng dahilan." dagdag pa niya tapos ay napaupo siya sa sofa.

"Hindi ako naniniwala." sabi ni Daddy at hinarap naman niya ako.

Nagsalubong ang kilay niya at ganun din naman ang akin. Nagbatuhan kami ng matatalim na titig hanggang sa sumuko siya at umiwas ng tingin.

"Ikaw ang bahala, Dad. I'm not forcing you to believe me. I just want you to hear me out. Mahal ko si Allen. And nobody, even you, can stop us from loving each other." sabi ko sa kanya. Kung maihahambing ang mga salita ko sa isang bagay, siguro pwede ko siyang maikumpara sa lason. Bawat salitang binibitawan ko, parang may lason.

"No, Karl. I will do everything to stop you from this madness! Ikakasal kayo ni Keira at papanagutan mo ang anak mo." sabi naman niya sa akin. Aamba na sana ako ng suntok sa tatay ko pero biglang nagsalita si Mommy.

"Daniel, hanggang ngayon ba magsisinungaling ka pa rin sa anak mo?" nakayukong sabi ni Mommy.

Lahat kami sa sala ay natuon ang atensyon sa kanya. Ano bang ibig niyang sabihin? May alam ba siya sa nangyayari?

"What? What do you mean?" nagtatakang tanong sa kanya ni Daddy.

"Narinig ko kayo ni Keira the other day. You were talking about something involving Karl, but I didn't quite hear the details. It sent shivers down my spine. I'm getting the bad idea about what you've talked about."

Napanganga si Daddy at parang may sasabihin pero walang lumabas sa bibig niya dahil parang may pumigil sa kanya. Nakita kong napahawak sa braso niya si Keira na parang natatakot.

"Ano 'to, Dad!? What's the meaning of this!? Totoo yung sinasabi ni Mommy!?" tanong ko sa kanya. Napapitlag si Keira, si Daddy nama'y napalunok ng laway niya.

"It's for our own good." mahina niyang sabi.

"OUR own good!? Our!? Sa atin!? BAKA NAMAN PARA SA'YO LANG!" galit kong pagpupunto.

"Look, Karl. I want you to be happy kaya binuo ko ang pamilya mo para sa'yo." sabi niya sa akin tapos ay napansin kong hinawakan niya ang braso ni Keira na para bang pinakakalma niya 'to.

"Look here, Dad. I've got my own life kaya ako dapat ang gumawa ng paraan para solusyunan lahat ng bagay. And this," galit kong sabi habang itinuturo ko ang sahig ng bahay namin. "This is not my happiness. Not my life."

"I made a deal with Keira's father tha--" natigilan siya dahil bigla akong napamura.

"First, it was Claire's tapos ngayon tatay naman ni Keira? Ano ba ako? Collateral sa mga pangarap mo sa buhay? Ang akala ko, kaya ka bumalik dito years ago ay dahil gusto mong mabuo ang pamilya natin. Yun pala, ang gusto mong buuin ay yang pagka-perpekto at stability ng kompanya mo." galit na galit kong sabi sa kanya.

Then Mom slapped him. Nagulat ako dahil sa ginawa ni Mommy. She was never the one to snap like this. She was always the cry-in-the-corner type.

"Hindi ka na nahiya na yung bata pa ang nagpapangaral sa'yo! Sinira mo na nga buhay niya, ayaw mo pang panindigan na mali ka! Daniel, mahal kita kaya binalewala ko lahat ng kasalanan mo sa amin ng anak mo. Pero ito? Hinding-hindi ko na mapapalampas 'to. Mamili ka, aaminin mo lahat ng kasalanan mo sa anak mo o lalayasan ka namin?"

"What!? Are you crazy? Lalayas kayo?"

"No! Let me rephrase that! Aamin ka? O LALAYAS KA DITO?"

"What the h--!"

"It was a plan! It was just a plan!" biglang singit ni Keira. Humihikbi siyang humarang sa pagitan ng mga magulang ko.

Lahat ng atensyon namin ay sa kanya nabaling.

"Tama ka Karl, Kurt was not your child. He was from my ex right after I left you. I still love you kaya nakipagkasundo ako kay Tito na kakausapin ko si Daddy for partnership ng mga companies nila, kapalit ng pagtulong niya sa akin na makuha ka ulit. But it was a mistake. A huge mistake. Alam kong wala akong laban dun sa Allen na yun pero pinilit ko pa rin ang sarili ko sa'yo, dragging you into this mess. I'm sorry, Karl."

Hindi ko malaman kung anong emosyon ang itatapal ko sa mukha ko. Galit? Tuwa? Inis? Lungkot?

Pero isa ang nasigurado ko, alam na ni Daddy kung ano ang ire-react ko sa kanya.

"I'm sorry." sabi ni Daddy.

"Really? Sorry lang? Sa lahat ng ginawa mo sa akin, sorry lang? What you've done?" huminto ako saglit tapos ay nilibot ko ng tingin ang paligid. "It was so sick! Anak mo, ginagawa mong puppet for selfish purposes?" sabi ko pa sa kanya.

"Anak, nagawa ko lang naman kasi yun para sa at--"

"Para sa atin na naman? Dad, I guess, in a sense, may namana ako sa inyo. Yang pagdedesisyon para sa sarili. Pero kahit na ganun, I wouldn't do that! Much less to my own child!"

"Ano ba!? Wala na ba akong karapatang magsalita ng maayos sa bahay na 'to? Maliit na bagay, pinalalaki niyo! I said I'm sorry!"

Bigla ulit siyang sinampal ni Mommy kaya nagitla ako. I'll never get used to my mother being this violent.

"Karl, pack some things. Dun tayo sa Tita mo titira, hanggang sa maisipan na ng isang demonyo dito na umalis ng pamamahay ko."

"Honey..."

"Wag mo akong maganyan-ganyan! Tiniis ko ang lahat ng kasalanan mo kasi mahal na mahal kita. Pero to do those things to your own child? OUR CHILD? Tao ka pa ba?"

"I'm so--"

"No, Daniel! Unless makita ko ulit ang anak mo na masaya, dun ko lang iisipin kung papatawarin pa ba kita."

Napatingin sa akin si Mommy at tinanguan ako. Agad akong tumakbo sa taas at kinuha ang isang maleta sa walk-in closet ko. Nagpasok na lang ako ng nagpasok ng gamit dun kahit na hindi maayos. Pagkatapos nun ay kinuha ko ang mga importante pang bagay saka ako bumaba.

Nakita kong nakaupo si Keira sa sofa at umiiyak. Si Daddy nama'y nasa pinto at nakamasid sa labas, baka nasa labas na si Mommy at inihahanda ang sasakyan.

Pagdaan ko sa harap ni Daddy ay hinawakan niya ang braso ko na para bang pinipigilan ako.

"Anak, I'm sorry." malungkot niyang sabi.

Pero hinawi ko lang ang kamay niya at dumiretso na ako sa kotse.

Binuksan ni Manang ang gate at kumaway sa amin. Bago kami tuluyang makalabas ng gate ay binilinan ni Mommy si Manang na mag-stay sa bahay dahil baka kung ano ang mangyari kay Daddy. Mahal na mahal talaga niya ang ama ko kahit na ganun ang pinaggagagawa sa amin.

Habang nagmamaneho siya ay napapansin ko ang paghigpit ng kamay niya sa manibela kaya hinawakan ko yun.

"Anak, sorry ha?"

"For what, Mi?" tanong ko sa kanya. Itinabi niya saglit ang kotse sa gilid. Medyo malayo-layo na kami sa bahay kaya I doubt na maabutan pa kami ni Daddy kung sakali mang hinahabol niya nga kami.

"For everything. Kung nagpakatatag lang ako siguro dati pa, hindi tayo magkakaganito." mahina niyang sabi tapos ay bigla siyang umiyak.

"Shhh, Mommy. Tahan na po. Wala ka pong kasalanan. Tulad nga ng sabi mo sa akin dati, nagmahal ka lang." nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla niya akong hinila para yakapin kaya napayakap din ako sa kanya.

"Don't worry, anak, maaayos din lahat ng 'to. Pero ang dapat nating unahin ay yung preparation mo para sa Graduation mo. Isang linggo na lang yun from now."

"I don't know, Mi. There's too much thing going inside my mind. Hindi ko ma-process ng maayos. Kanina, nagtext na sa akin si Allen na pinapatawad niya na ako. Pero ayoko ng ganun lang. Gusto kong magpaliwanag sa kanya ng maayos. Gusto kong ipadama sa kanya na siya lang ang Special One ko despite the hardships we've been through."

"Alam kong kaya mo 'to, anak. I have faith in you. Dahil dyan, change of plans. Sa hotel na tayo mag-i-stay hanggang Graduation mo. Ako na bahala sa pag-aasikaso ng mga kailangan mo para sa araw na yun. After the ceremony, pwede niyong gamitin ni Allen ang room for whatever purposes you see fit."

"Mommy!"

Tumawa lang siya at nagbalik na uli sa pagda-drive. Habang papunta kami sa hotel ay inaalala ko si Allen. Napapangiti ako kapag naaalala ko na ayos na ang lahat sa pagitan namin. Lahat.

And Mommy did what she said, she bought me clothes to wear for the ceremony. She was busy doing everything for me while I'm thinking of a way to talk things with Allen.

"Anak, bukas na. May plano ka na ba?"

"Wala pa nga, Mi eh. Nahihilo na ako kakaisip. Baka kasi hindi niya magustuhan gagawin ko eh."

"Okay lang yan. May bukas pa. Try mo kayang magpahangin muna para ma-refresh yang utak mo?"

"Sige po. Salamat, Mi. I love you."

"Oo na. Sige na. Basta pagbalik mo dito, dapat may idea ka na ha? I don't want you to let go of your happiness."

"Yes, Mommy. I will."

Lumabas ako ng room at bumaba muna sa lobby para dun makapag-unwind. Naupo ako sa isang couch at napatulala bigla. God, Allen! Paano ko ba sasabihin sa'yo na ayos na ang lahat? Ayoko ng simple lang kasi kulang pa yun sa lahat ng paghihirap na dinanas mo while loving me. I want to give something to you in return.

"Hi." bati sa akin ng isang tao kaya agad akong napatingin sa kanya.

Napansin ko agad ang itsura niya. Bahagyang lagpas sa balikat yung haba ng buhok niya tapos naka-eyeliner ang mga mata. Emo ba 'to? Kahit na jeans and shirt lang ang suot niya, he's excuding with confidence. Yung tipong, hindi siya papayurak sa kahit na sino. Woah! Ganito ba epekto ng overthinking? Pati personality ng isang tao, nakikita ko na? 

Nakangiti siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Kilala ba ako ng taong 'to? If so, where and when did we meet?

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah? By the way, I'm Kloyy." nakangiti pa rin niyang sabi.

Nag-aalangan akong kausapin 'tong taong 'to dahil una, hindi ko siya kilala. Pangalawa, busy ako. I've got some important things to attend to rather than to talk with him. Pero naisip ko ding bumaba ako dito para mag-unwind at makapag-release ng stress kahit na konti lang, and maybe, this Kloyy person would hear me out para lang may mapagbuhusan ako ng tension?

"I'm Karl. Yeah, malalim nga ang iniisip ko." sagot ko naman sa kanya tapos ay umupo siya sa katabing couch ng kinauupuan ko.

"Lovelife ba? Sa babae?" tanong niya. Parang nilibot ng mata niya ang mukha ko kaya medyo nag-iwas ako ng tingin.

"Yes, lovelife. Pero hindi sa babae, sa gaya mo." sagot ko. Not to sound rude about his sexuality, pero halata naman eh.

Napa-'Oh' siya sa sinabi ko pero agad ding ngumiti. Nag-iwas ako ng tingin dahil naisip kong pangit na idea ang makipag-usap sa taong 'to. Mukha namang wala akong mapapala sa kanya eh. Napabuntong-hininga ako dahil pumasok na naman sa isip ko ang pagkataranta sa paghahanap ng kasagutan kung paano ko masasabi kay Allen ng maayos ang lahat. Gusto ko kasi, dramatic yet sweet.

"Uhm. Maybe, pwede akong makinig?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at napangiti siya nung titigan niya ako sa mata.

Napabuntong-hininga ulit ako at umiwas ng tingin. Nag-focus ang titig ko sa lupa dahil iniisip ko ang mga sasabihin ko.

"Si Allen kasi eh, galit pa din sa akin. Hanggang ngayon, iniisip niya pa ring may naanakan ako. But it's not true! I wouldn't do that. Mahal na mahal ko siya."

Well, medyo nagsinungaling ako dun. Pero ang point ko naman kasi ay kung paano ko masasabi kay Allen ang lahat. Mas matikas sa bato yun eh. At alam kong kahit na sinabi niyang pinapatawad niya na ako, may kinikimkim pa rin yun. Alam kong masakit pa rin sa kanya ang nangyari.

"Then, magpaliwanag ka. Bahala na kung hindi siya makinig, at least, nasabi mo ang side mo. Nasabi mo ang totoo." sabi niya. Nakita kong parang napaisip siya sa sinabi niya. "It's his problem kung tatanggapin niya o hindi. Kung mahal ka niya, makikinig siya." dagdag pa niya.

Well, sounds easy. Pero nahihirapan talaga ako! Para akong pinapapili between life and death.

"Mahal ako ni Allen. Pero kasi, Allen is Allen. Kakaiba siya. So, I came up with a plan. And it's gonna happen right after our graduation." sabi ko. Well, medyo nagsinungaling din ako sa part na 'to.

WALA PA TALAGA AKONG PLANO! AND IT FREAKS ME OUT!

"Buwang! May plano ka naman pala, bakit ka problemado? Nakakaloka ka, Karl!" sabi niya na ikinangisi ko na lang. Pero ang totoo sa loob ko ay kabadong-kabado talaga ako. Para na talagang bubulwak yung puso ko dito sa kakaisip kay Allen!

"Kinakabahan kasi ako. Baka hindi mag-work." sagot ko naman sa kanya tapos ay bigla siyang tumayo.

"You shouldn't. Kaya mo yan. Mahal mo diba? Mahal ka din niya. At kung yang surprise plan mo eh hindi mag-work, hanapin mo ako sa Facebook at tutulungan kita dyan kay Allen." nakangiti niyang sabi sa akin. May biglang lumapit na lalaki sa may likuran niya at tinitigan ako.

"Thank you, Kloyy, ha? Medyo mas lumakas na ang fighting spirit ko." nakangiti kong sabi tapos ay tumayo na rin ako at inilahad ang kamay ko para pasalamatan siya sa pakikinig niya sa walang kakwenta-kwenta kong problema.

"Wala yun. Nakikita ko kasi sa'yo yung mga kaibigan kong lalaki na nagmahal din ng gaya naming bakla. I'm proud of those guys. I'm proud of you." sagot niya nung tanggapin niya yung kamay ko.

Biglang umakbay sa kanya yung lalaki na nasa likod niya kaya napabitaw kami ni Kloyy sa isa't-isa. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Kloyy at ang hiya. Bigla tuloy siyang lumayo sa lalaki na para bang iniiwasan ito. Siguro boyfriend niya yun. Pero bakit naman niya nilalayuan? Ang cute nga nila eh. Bagay sila. Sana ganyan kami ni Allen forever.

"Ganun ba? Pero, bakit mo iniiwasan ang boyfriend mo? By the way he looks at you, mahal ka naman niya at ganun ka din sa kanya." sabi ko sa kanya tapos ay bigla ulit siyang napatingin sa lalaki na nakangisi na sa amin.

Did he just smirk? Is he implying na sa kanya lang si Kloyy? Well, may Allen na ako kaya isaksak niya na sa baga niya si Kloyy. Besides, halata naman na may gusto sila sa isa't-isa eh. Tumi-teenager lang siguro 'tong dalawang 'to. Hahaha.

"Halika na, Kloyy." sabi nung lalaki na lumapit uli kay Kloyy. Feeling ko, kawawa mga magiging karibal nitong lalaki 'to kay Kloyy. Daig pa personal bodyguard sa pagbabantay-salakay kay Kloyy eh.

"Hindi ko siya boyfriend! Ang dami mo agad napapansin!" namumula niyang sabi. "Oh sige na, nice meeting you gwapong Karl. And goodluck! Magkita sana ulit tayo na kayo na ni Allen." nakangiti na niyang sabi tapos ay lumakad na siya palayo. Agad namang sumunod sa kanya yung 'personal bodyguard' niya kaya napahinga ako ng malalim. Ang intense kasing tumitig ng lalaking yun eh.

Ngayong ako na lang mag-isa ay napaupo ulit ako sa couch at napaisip.

Should I really make a plan? O should I just dive through everything and make a shot for our love?

Waaah! Bahala na si Batman, Superman, Spiderman, Iron Man, Gulaman. Corny ko. Hahaha.

ALLEN'S POV

"Ano ka ba naman, anak!? Nakakahilo ka na talaga! Tumigil ka na nga sa kakatingin dyan sa cellphone mo at sa kakaikot! Kulang na lang, libutin mo buong bahay natin eh!" iritang-iritang sabi sa akin ni Mama. Kanina pa kasi ako kabado eh.

"Kasi naman, Ma eh! Hindi na niya ako ni-reply-an matapos kong i-send sa kanya yung mga pinagsasasabi ko! Kinkabahan tuloy ako! Hindi ko alam kung sumuko na ba siya sa akin o hindi eh." sagot ko naman sa kanya tapos ay tinignan ko ulit yung screen ng phone ko.

"Alam mo, anak? Masyado kang nag-aalala sa wala. Mahal ka ni Karl, okay? Gumagawa na yun ng move. Pihado ko, susurpresahin ka nun mamaya." sabi pa niya sa akin. Nakita kong nakaharap siya sa salamin at nag-aayos ng kanyang buhok.

"Pero, Ma! Dapat ni-reply-an niya ako nun kahit smiley lang! Kinakabahan kasi talaga ako eh." pagrarason ko pa sa kanya

"Naku! Magbihis ka na nga lang! Kunin mo na yung toga mo sa taas para makaalis na tayo! Mamaya ma-traffic pa tayo eh." sabi na lang niya tapos ay ginamit niyang panturo yung suklay na hawak niya.

Kahit na nangangatog ako at pinagpapawisan ako ng malamig ay umakyat pa rin ako sa taas at kinuha ang toga ko. Pagkadampot ko nun mula sa kama ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Nagmamadali kong binuksan yung message at napamura ako ng malakas ng mabasa ko ang nakalagay.

| I love you. :( |

Ano 'to? Mahal niya ako pero malungkot siya? Does this mean na pakakawalan na niya ako? Does this mean na ayaw na rin niya sa akin at sumusuko na siya? What the hell did I do that text message for?

Hindi ko na alam ang nangyari sa akin, basta na lang akong napaupo sa sahig at napatingin sa kawalan.

"...pa ba? Aalis pa b-- ANAK! ANONG NANGYARI SA'YO!? BAKIT KA UMIIYAK!?" dinig kong sabi ni Mama. Nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses niya pero hindi ko siya makita. Parang nabalutan na ng tubig ang mata ko eh.

"Anak! Ano bang nangyari? Bakit umiiyak ka?" umiiyak? Ako?

Napahawak ako sa mata ko at biglang luminaw ang paningin ko. Nakita ko si Mama na alalang-alalang nakatitig sa akin. Gayundin naman ang kapatid ko na nakatayo sa pintuan.

Napatingin ako sa kamay ko at napansin kong basa ang mga daliri ko. So, umiyak talaga ako?

"Ano bang nangyari? Anong iniiyak-iyak mo? Nag-aalala ako sa'yo eh. Pinakakaba mo ako!" sabi ni Mama sa akin habang hawak ako sa magkabilang balikat at marahan akong niyuyugyog para matauhan.

Bigla kong hinanap ang phone ko na nabitawan ko pala at itinuro ko yun kay Mama. Nang madampot niya yun ay binasa niya ang nakalagay dun. Nagbago ang hilatsa ng mukha niya at napatingin siya sa akin ng may magkahalong pagkabigla at pag-aalala.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hingod ang likod ko.

"Anak. Alam kong masakit para sa'yo ang nabasa mo pero sasabihin ko sa'yo na graduation mo ngayon. Wag kang umiyak sa araw na dapat kang magsaya. Isipin mo, lahat ng pinaghirapan mo sa loob ng labing-apat na taon, magbubunga na."

"Pero, Ma, sa loob ng 14 years na yun, apat na taon lang ang kinailangan para magbago ang takbo ng buhay ko. 3 taon para sa pag-ibig, isa para sa sakit ng pagmamahal."

"Anak, ano ka ba naman!? Pwede pa naman kayong mag-usap pagkatapos ng graduation eh."

"Pero pwede ring hindi na. At kinukumpirma ng text na yan yung iniisip ko."

"Wag mo ngang pangunahan si Karl. Sa tingin ko, mali ka lang ng pagkakaintindi dito."

"Hindi, Ma, eh. Feeling ko talaga, nagsawa na siya sa akin. Nagsawa na siya sa pagmamatigas ko. Sumuko na siya sa akin."

"Hay. Bahala ka sa paniniwala mo. Pero wag na wag kang lalabas ng bahay na 'to ng umiiyak. Ibuhos mo lahat pagtapos na ang graduation niyo."

Tumango na lang ako at pinunasan ang luha ko. Huminga ako ng malalim at nag-isip ng ibang bagay bukod kay Karl. Matapos ang isang minuto ay kumakalma na ang loob ko at parang tumitigil na ang luha ko.

"Halika na." aya niya sa akin. Inutusan niya yung kapatid ko na kunin ang iba kong gamit bago kami lumabas ng bahay.

Pagkabukas ng pinto ng bahay namin ay bumungad agad sa akin ang mga pagbati ng mga kapitbahay namin. Tuwang-tuwa sila na ga-graduate na ako. Alam nila ang pinagdaanan ng pamilya namin para lang makapag-aral ako.

Papara na sana kami nang taxi nang biglang may humintong itim na van sa harap namin. Bumukas ang pinto nun at lumitaw ang isang babae. Kay puting babae at kay ganda.

"Sakay na!" aya ng babae.

Napansin ko namang agad na sumakay ang Mama ko at ang kapatid ko, kaya kahit na nag-aalangan ako ay sumakay na rin ako.

"Na-miss kita, baby!" sabi ng babae at bigla akong niyakap. Ang higpit ng yakap niya. Para siyang sawa!

"Ate Claire! Bakit ngayon ka lang dumating? Diba kahapon ang usapan natin?" biglang singit naman ng kapatid ko na sa likuran nakaupo.

Nagplano pala sila na pauwiin si Claire dito?

"Sorry! Nahirapan kasi akong pakiusapan si Daddy eh. Plus, itinakas ko lang din itong van namin. Buti na lang close kami ng driver kaya pumayag siya. Bilang pampalubag-loob, may dala ako sa inyo." masigla niyang sabi tapos ay naglabas siya ng tatlong paperbags.

Binigay niya yung dalawa kay Mama at yung isa ay nanatili sa kanya.

"Manong, drive! Alam mo na kung saan tayo pupunta." utos niya sa driver na mabilis namang pinaandar ang sasakyan.

"Claire. Bakit nandito ka? Hindi ka ba nag-aaral sa America?" nagtataka kong tanong sa kanya. hindi ko kasi talaga ma-gets kung bakit kailangan niya pang pumunta dito para lang sa graduation ko eh.

"Well, huminto muna ako para sa sarili ko. Nagkaayos na kami ni Daddy pero sa ngayon ay nakatira ako sa bahay ng kapatid ko. Ginalang naman ni Daddy decision ko eh. Kaya eto ako ngayon, pa-easy-easy lang at nasa harap mo na." pagpapaliwanag niya tapos ay tumawa siya.

Napabuntong-hininga ako tapos ay napasandal sa sandalan. Hay. Ito na naman ako sa sinabi ni Karl.

"May regalo nga pala ako sa'yo, baby!" masigla niya ulit na sabi tapos ay naglabas siya ng isang box mula sa paperbag.

Inabot niya sa akin yun na tinanggap ko naman.

"Ano laman nito?" tanong ko sa kanya.

"Buksan mo kaya!"

Dahan-dahan kong tinanggal yung ribbon at saka ako nagpatuloy sa pagbukas. Nung matanggal ko na ang takip ay nagulat ako sa laman nito! Bomba! Dejoke lang! Isang royal blue na necktie! Bagay siya sa suot kong polo ngayon!

Biglang hinablot ni Claire ang tie at isinukbit sa batok ko. Nakangiti niyang inaayos ang tie sa leeg ko. Napatingin ako sa mukha niya at biglang may pumasok sa isip ko.

Ganito kaya ang magiging eksena ni Karl kapag nakapangasawa siya? Yung tipong, gigising siya sa umaga na inaasikaso siya ng asawa niya. Yung sabay silang kakain. Pag-uusapan nila ang mga bagay-bagay. Yung ihahatid ng babae si Karl sa pinto para lang tignan ang pagsakay nito sa sasakyan para pumasok sa opisina. Yung tipong naka---

"Allen? Bakit ka umiiyak?" dinig kong tanong ni Claire.

Agad kong pinunasan ang luha ko at napatingin ako kay Mama. Nung makita kong umiling siya ay tumango ako at saka tumingin kay Claire. Nginitian ko siya ng pilit at sinabing wala lang yun.

"Pagkatapos ng graduation mo, kakain tayo sa labas ha? Libre ko! Congratulatory gift ko na sa'yo." masigla niyang sabi habang tinatapik-tapik yung balikat ko.

"Salamat." nakangiti kong sabi tapos ay yinakap ko siya.

Dahil sa graduation day nga namin ngayon, traffic halos lahat ng daanan na papunta sa hotel na pagdadausan ng ceremony. Halos usad pagong ang galaw ng lahat ng mga sasakyan. At dahil sa ganung eksena ay halos late na ako nakarating. Buti na lang at kasisimula pa lang papasukin yung pila namin kaya nakahabol ako sa martsa.

Habang lumalakad ako sa gitna ay huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid.

This is it! Graduation. Ang katapusan ng pagiging estudyante ko.

Kitang-kita ko yung mga ngiti ng mga magulang na proud na proud sa mga anak nilang lumalakad din kasabay ko. Somehow, it made me feel overwhelmed na halos hindi ko na maisip yung tungkol sa amin ni Karl.

Dahil 'A' siya at 'E' ako, medyo malayo ang agwat namin. Halo kasi ang girls at boys eh. Halos sa magkabilang dulo na nga kami nakaupo eh.

Nung magsimula na ang program, pinipigil ko ang sarili ko na lingunin siya. Baka kasi hindi ko kayanin ang mag-breakdown ako dito.

Matapos ang mga dasal, kanta, at ilan pang bagay, ay pinatayo na ang block namin at pinapila sa gilid ng stage.

Ito na! Aakyat na ako ng stage para kunin ang piraso ng papel na magpapatunay ng mga pinaghirapan ko!

"Anacleto, Karl Vincent R." dinig kong pagtawag sa kanya. Agad akong napatingin sa stage pero hindi ko nakita ang mukha niya. Nakatalikod kasi siya sa akin eh.

Pero nung kunin niya yung diploma niya, lumingon siya sa akin bago siya bumaba.

So, ano yun? Last parting glance? Hindi na sana niya ginawa! Talaga bang sasaktan niya ako hanggang sa huli?

"Estanislao, Allen M." dinig kong sabi ng dean namin. Nung una ay hindi ako makagalaw dahil inaalala ko yung ginawa ni Karl pero natauhan ako nang bigla akong itulak ng kaklase ko sa likod.

Dahan-dahan akong umakyat sa stage pero napansin ko ang mga sinesenyas sa akin ng isa pang tao na nasa stage. Bilisan ko daw. Lalo tuloy akong natauhan at binilisan ang lakad ko. Pagkatanggao ko nung diploma ko ay napatingin ako sa harap.

Ayun siya, paikot na sa likod para bumalik sa upuan namin. Ni hindi niya man lang nagawang tumingin sa stage para tignan ang pagtangga ko ng diploma. Siguro nga, yun na yung huling tingin niya sa akin. Siguro nga sumuko na siya. Siguro hindi na niya kaya ang paghihintay at pagpapasakit ko sa kanya.

Bumaba na rin ako ng stage at malungkot na bumalik sa upuan ko. Dun, habang hinihintay namin yung iba pa naming kaklase na binibigyan ng diploma ay napapahikbi na ako. Hindi ko na kakayanin pag nagpatuloy pa 'to. Saktong kami pala ang huling block na bibigyan ng diploma kaya binalak kong tumakbo agad paalis ng venue kapag natapos na ang ceremony.

Pero nagsasalita pa lang yung guest speaker namin ay nagpaalam ako sa prof ko na magsi-CR lang ako kunwari. Pero ang totoo ay tumutulo na ang luha ko. Oo, iisipin nilang umiiyak ako dahil sa saya ng graduation namin. Pero ang hindi nila alam, umiiyak ako dahil sa sakit, hapdi, at lungkot!

Payuko akong dumaan sa may gitnang aisle dahil dun ako nakaupo. Isipin na nilang bastos ako sanagsasalita pero hindi ko na talaga kinakaya!

Nakarinig ako ng konting pagtatalo over the microphone pero hindi ko na lang pinansin. Kinuha ko na lang yung pagkakataon na yun para makalabas at makatakas panandalian.

Pero nagulat ako nang biglang may humarang sa akin na isang lalaki at isang babae.

Si Tito Daniel at si Keira.

Nagpakawala ako ng pilit na ngiti sa kanila dahil na-i-awkward-an pa rin ako sa kanila.

"Allen, it was our fault. We dragged you both into this mess. We're so sorry. Alam kong hindi mo na kami mapapatawad pero sorry pa rin."

Dun, hindi na talaga napigil ng mata ko na umiyak! Ano bang sinasabi ni Tito!?

"Sorry for causing you so much pain, Allen. Akala ko kasi mangyayari yung gusto ko eh. Pero hindi pala. Sorry talaga, Allen."

Isa pa 'tong babaeng 'to! Ano bang pinagsasasabi nila? Bakit nila sinasabi sa akin 'to!?

Biglang gumilid sina Tito at bumungad sa akin si Jake. Nginitian muna niya ako bago niya ako niyakap.

"Alam mo namang mahal kita diba, bestfriend?" napatango ako sa dibdib niya habang umiiyak ako.

"Dahil ganun nga, may regalo ako sa'yo." nakangiti niyang sabi tapos ay iminuwestra niya yung kamay niya papunta sa harap.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Karl na nakaluhod sa harap ng guest speaker namin na siyang Mayor ng lungsod. Napansin ko ang pagtango ni Mayor at iniabot sa kanya yung mic. Yung mga bodyguards at ibang prof na nasa stage ay mukhang kumalma at gumilid din.

Nag-ayos si Karl bago niya inilagay ulit sa micstand yung mic at tumayo siya sa may podium.

"Thank you po, Mayor, sa pagpayag po sa baliw kong plano. Salamat din po sa pagsigurado na hindi babawiin ang diploma ko dahil sa ginawa kong ito." bungad ni Karl na ikinatawa naman ni Mayor. "Ladies and gentlemen. Fellow graduates. I am here standing in front of you, to do something crazy." dagdag niya. Sumeryoso ng mukha niya habang nililibot niya ng tingin yung buong kwarto.

Biglang nagbulungan ang mga tao sa paligid na parang mga bubuyog. Maingay pero parang na-block out yun nung magkatinginan kami ni Karl.

"Love. What is love? Actually, hindi ko alam. Pero sa tuwing naaalala ko yung taong yun, parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang saya. Palagi din akong napapangiti kapag naaalala ko yung mga pinaggagagawa namin ng magkasama. Pero ngayon, kinukuha ko ang pagkakataon na 'to para mag-sorry sa taong mahal ko. Para magpaliwanag sa kanya." sabi niya. Habang tumatagal yung speech niya, lalong lumalakas yung paghikbi ko na nagreresulta sa lalong pagtulo ng mga luha ko.

Medyo matubig na ang mata ko pero napansin kong tinanggal ni Karl yung mic sa mic stand at bumaba ng stage.

"ALLEN ESTANISLAO." pagtawag niya sa pangalan ko. Lalong lumakas ang mga bulungan sa paligid kaya nakaramdam ako ng hiya.

"GUYS! COULD YOU JUST PLEASE SHUT UP! KUNG HINDI NIYO TANGGAP ANG GANITONG KLASE NG RELASYON, JUST SHUT UP! YOU DON'T HAVE TO SAY ANYTHING! WALA KAYONG ALAM, KAYA WALA RIN KAYONG KARAPATAN NA MANGHUSGA!" sigaw ni Karl kaya natahimik ang buong kwarto.

My God! I doubt na hindi siya pagalitan ng school administration dahil dito sa mga ginagawa niya. He violated many rules!

"Thank you." sabi niya nung kumalma na ang mga tao. "Now, Allen Estanislao, alam kong hindi ako ang perpektong lalaki para sa'yo. Alam kong palagi kitang nasasaktan sa lahat ng mga desisyon ko. Pero, Allen, mahal na mahal kita. And it kills me sa tuwing makikita kita na sa tabi ng iba." seryoso niyang sabi habang dahan-dahang tinatahak ang daan papunta sa akin.

Napatingin ang ilang estudyante sa akin pero hindi ko sila pinansin, si Karl lang ang focus ng mata ko.

Lumapit pa siyang lalo hanggang sa lumuhod siya sa harap ko at hawakan ang kamay ko.

KARL VINCENT'S ::: ALLEN'S POV

(Guys! Ita-try ko ang ganitong atake ng conversation. Pag may ":::" sa sentence, ibig sabihin sabay silang gumagawa ng gestures or sinasabi. Sana maintindihan niyo. Salamat.)

"I'm sorry" ::: Patuloy ako sa pag-iyak habang tinititigan ko siya. Hindi ko makontrol ang sarili ko eh. Halu-halo na ang nararamdaman ko.

Pinunasan ko yung luha niya gamit ang daliri ko. "Don't cry, mahal kita." ::: Para na siguro akong ungas dahil sa itsura ko. Salita siya ng salita pero hindi ko siya masagot. Kasi naman eh.

Nagulat ako ng bigla niya akong hampasin sa balikat. ::: "Ano yung text mo kanina? Bakit malungkot yung message mo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Napakuyom ako ng kamao sa toga niya.

Agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa ko at tiningnan ang message ko sa kanya kanina. Crap! Sad face pala nalagay ko! ::: "I'm sorry! Nagkamali lang ako ng napindot dahil sa pagkataranta ko! Hindi ko na kasi alam gagawin ko kanina eh." sabi niya sa akin matapos niyang tignan yung phone niya. Hindi ko na din alam ang gagawin ko dahil marami nang emosyon ang rumaragasa sa dibdib ko.

"Hindi! Ang sabihin mo, hindi mo na ako mahal! Ayaw mo na sa akin kasi nagsasawa ka na sa pagpapahirap ko sa'yo. Sa pagmamatigas ko." umiiyak niyang sabi sa akin habang hinihila-hila niya na parang galit yung toga ko. ::: Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Napaluhod tuloy ako sa harap niya tapos ay nagpatuloy ako sa pag hampas sa dibdib niya. "Ayaw mo na sa akin! Hindi mo na ako mahal!"

"So, pinipigil mo lang pala ang sarili mo?" nakangisi kong tanong sa kanya nung yakapin ko siya para patahanin siya at patigilin sa paghampas sa dibdib ko. Sumasakit na kasi eh. Hehehe. ::: "Oo! Kahit na para akong pinapatay araw-araw sa ginagawa ko, pinilit ko pa rin. Kasi gusto kong madala ka. Gusto kong isipin mo na mali ka. Gusto kong isipin mo na ako lang ang mahal mo." sagot ko naman sa tanong niya tapos ay itinulak ko siya para makalayo ako.

Tumayo siya kaya tumayo na din ako. "Ano 'tong sinasabi nina Tito? Bakit sila nagso-sorry sa akin?" tanong niya sa akin pero nakatingin siya kina Keira. ::: "Kami ang may kasalanan kung bakit kayo nagkagulo. Ayoko nang masira ang pamilya namin kaya nandito ako sa harap niyo para mag-sorry sa mga nagawa namin." sabi ni Tito. "Walang nangyari sa amin nung gabing yun. I drugged him. Hinubaran ko lang siya pero wala akong ginawa sa kanya." pagpapaliwanag naman ni Keira. Bigla akong niyakap ni Karl mula sa likod at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Am I forgiven?" mahina kong tanong sa tapat ng tenga niya. Tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa kanya tapos ay umikot siya paharap sa akin. ::: Niyakap ko siya tapos ay itinapat ko ang bibig ko sa tenga niya. "Tinatanong pa ba yan? Iniyakan na nga kita kanina tapos ganyan pa tanong mo?" pabiro kong sabi sa kanya.

Kumalas ako sa kanya tapos ay inapiran ko si Jake! Oo, kinausap ko siya na pigilan si Allen kapag nagtangka 'tong lumabas. Pero sina Daddy, biglaan lang yan. Kanina lang niya ako kinausap at nakipag-ayos siya sa amin ni Mommy. Hindi na rin ako galit kay Keira dahil lipas na naman na yun nangyari sa amin. Natutuwa lang ako na balak niyang ipaalam dun sa lalaki na may anak siya at handa siya sa kahit na anong isagot nung lalaki. Itinaas ko yung mic at itinapat ko sa bibig ko, "PEOPLE! KAMI NA ULIT!" ::: Naghiyawan ang mga tao at pinaghahahagis yung mga hats nila. Nakakabingi yung ingay pero nakakadala. Napayakap ako kay Karl para matakpan yung tenga ko. Pero nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hilahin.

Hinila ko siya papunta sa stage at iniabot ko sa isang prof yung mic. Tumayo kami sa gitna at itinaas ko ang magkahawak naming kamay. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng mga kasabayan naming grumaduate ganundin ang ibang magulang. Somehow, feeling ko, ipinagdidiwang din nila ang pagbabalikan namin ni Allen. Kaya, para mas ma-enjoy ko ang selebrasyon ay hinatak ko palapit sa akin si Allen at hinawakan ko siya sa baywang. ::: Bigla niya akong HINALIKAN! Hindi ko alam ang gagawin ko! Nakakahiya na hinalikan niya ako sa harap ng batch namin! Pero nung marinig ko na parang nagpalakpakan sila, sinagot ko din ang halik sa akin ni Karl.

Nung sinasagot na niya yung halik ko ay naramdaman ko ang pagkabig niya sa batok ko. Grabe talaga 'to pag hinahalikan! Nabubuhay dugo niya. Hahaha. Kumalas ako saglit tapos ay tinignan ko siya sa mata. ::: "I love you, Allen. My eyes, my mind, my heart, they're SO INTO YOU. Palagi na lang ikaw ang hanap." he sweetly said to me.

"Nang-uto pa! Ikaw din naman eh. I was SO INTO YOU simula pa lang nung una. Nagpipigil lang ako dahil takot akong masaktan." nakangiti naman niyang sabi sa akin habang naka-angkla pa rin yung mga kamay niya sa batok ko. ::: "Remember this, simula ngayon, hindi na talaga kita sasaktan. Kung mangyari man yun, hindi ako magsasawang hingin ang kapatawaran mo hanggang sa magkaayos tayo. I love you, babe. Till forever." sabi niya sa akin then he pulled me pero pinigil ko kasi may sasabihin ako.

"Walang forever! Naniniwala ka sa ganun?" tanong niya sa akin. I was caught off guard, syempre! Who would have thought na hindi pala fan ng forever fever 'tong boyfriend ko? Hahaha. ::: "Eh di happily ever after na lang, arte pa nito!" sagot naman niya sa sinabi ko. Aba't sumasagot pa ng ganun! Eh kung kaldag-kaldagan ko backbone niya? Hahaha.

Parehas namin tinignan ang paligid bago kami nagkatinginan sa isa't-isa. ::: Kinabig niya ako sa baywang at hinigpitan ko naman ang yakap sa sa batok niya. Nagsalubong ang mga labi namin sa gitna ng selebrasyon ng lahat.

"CONGRATULATIONS, GRADUATES!"

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

At dito na po nagtatapos ang istorya ng pagmamahalan nina Karl at Allen. Oo, alam ko ring nabitin kayo at hindi ako impressed sa pagkakagawa ko dito. Bilang ganti ay diringgin ko ang inyong hinaing na gawan ko ito ng Epilogue. Dun ko na rin ilalabas lahat ng saloobin ko sa nakaraang dalawang taon habang binubuo ko ito.

Sana nasiyahan kayo kahit na paano at maraming salamat sa walang patid na suporta.

Walang madramang kung anu-ano dito kasi wala ako sa mood mag-drama. Hahahaha. Sa next update ko gagawin yun. Hahaha. :))

SALAMAT TALAGA NG MARAMI, GUYS. IF IT WASN'T FOR YOU, BAKA HANGGANG NGAYON, NASA NOTEBOOK LANG 'TO AT PINAGPIPIYESTAHAN NG MGA AMAG. YOU MADE ONE OF MY DREAMS COME TRUE. I LOVE YOU ALL! <3 <3 <3

Continue Reading

You'll Also Like

309K 8.8K 37
[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story C...
167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...