SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (C...

By khelielove

778K 20.7K 4.5K

LISTEN... Do you wanna know a big secret? Do you promise not to tell? Let's see... Discover the secr... More

T E A S E R
P R O L O G U E
S.U. 1 Getting Ready
S.U. 3 The Decision
S.U. 4 Knowing Everyone
S.U. 5 The Top 2
S.U. 6 Marketing Project
S.U. 7 New Faces
S.U. 8 Family Picture
S.U. 9 Kilig for the First Time
S.U.10 The Prince Move
S.U. 11 Jealous Mode
S.U. 12 Rule #1
S.U. 13 Guidance & Dean's Office
S.U. 14 Changes
S.U. 15 Worrying Part
S.U. 16 Marketing Event
S.U. 17 The Winner
S.U. 18 Houston Corporation
S.U. 19 The Truth
S.U. 20 Musical box
S.U. 21 Friends
S.U. 22 Like a candle
S.U. 23 Missing Hailey
S.U. 24 Motor Accident
S.U. 25 The Two Leaders
S.U. 26 John Tino
S.U. 27 First Adventure
S.U. 28 Aphotic Dread, a secret friend
S.U. 29 The Gertler
S.U. 30 Finding the Felon
S.U. 31 Saving the child
S.U. 32 The Boss
S.U. 33 A normal feeling of being a HUMAN
S.U. 34 Back to School
S.U. 35 Christmas for a Cause
S.U. 36 Battle of the Bands
SECRETS
You are INVITED!!!
S.U. 37 Campus Masquerade Ball Party
S.U. 38 Masquerade Dance Party
S.U. 39 Dark Night
S.U. 40 The Life of the Two Leader
S.U. 41 The Unexpected Visitor
S.U. 42 Another Secret
S.U. 43 Unbelievable
S.U. 43 A Traitor or Not?
S.U. 44 The other side
S.U. 45 Who are you?
S.U. 46 Her Heart
Make your VOICE count!
S.U. 47 His Heart
S.U. 48 The Final Plan
S.U. 49 Chen's Family
S.U. 50 Chen's Thanksgiving Party
S.U. 51 A best friends Attack
S.U. 52 The Final Battle
EPILOGUE
Thank YOU!
LIST OF CHARACTERS
Update

S.U. 2 Finalizing Everything

29.6K 580 247
By khelielove

         

CHAPTER 2

THIRD PERSON'S POV

"Already done?" tanong ni Mrs. Heidy Sandberg sa kanyang kinuhang imbestigador.

"Yes, Ma'am. All files are ready for your checking."

Dumapo ang kanyang tingin sa hawak nitong mga papeles. Dalawang taon na ang nakalipas, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang kanyang pagkakalap ng mga impormasyon para matukoy ang salarin sa pagkamatay ng kanyang asawa. Walang kasing ingat ang kalabang hinahanap niya. Ang taong hindi niya mapapatawad kailanman. Sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan ang taong iyon sa oras na malaman niya kung sino ito.

"Good, I'll check it after my daughter's birthday celebration. Strangers are strictly not allowed on her big day. Kindly advice Mr. Ocampo to check the profile of each visitor and please take note that only one media station is allowed to cover my sweetie's debut party. It should be a very trusted media. Someone we know."

Tumango ang imbestigador at iniwan nito ang mga papeles sa lamesa ni Mrs. Heidy. Hailey's safety is the imperative mission of the team. No more what ifs, no more but's... on the day of her birthday, securities should be on their strict vigilance.

"You may go thanks!"

Nang lumabas ng silid ang imbestigador, napako ang kanyang tingin sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding. Kitang-kita ang matatamis na ngiti sa isa't isa ng mga nasa larawang iyon, isang magandang alaala ng kanilang kasal ni Mr. Westley.

Biglang may sumagi sa kanyang isipan, isang mapait na nakaraan.


"Heidy honey, please take good care of yourself and Hailey no matter what happens. Before I die, please secure the safety of our family and our companies, para sa inyo ito. Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ninyo. I'm so sorry honey for giving you so much pain, I hope you do understand. Maiiwan ko sa iyo ang lahat, I love you very much."

Puno ng dugo ang katawan ni Mr. Westly. Nakabulagta ito sa sahig habang hawak-hawak ni Mrs. Heidy ang mga kamay nito. Nanginginig, puno ng takot at pangamba, hirap na hirap ang kalooban ni Mrs. Heidy habang pigil hininga siyang nag-iisip ng dapat gawin.

"Westly hon, don't do this. Ano bang sinasabi mo? Hindi ka pa mawawala! Huwag mo kaming iwan ng ganito, please I'm begging you. We need you in our life. Especially now with a bunch of traitors surrounding us, we need you more, we need your guidance. Please don't! Please hon, kayanin mo, kumapit ka lang. Tatawag ako ng ambulansya. Always bear in your mind that we love you so much and we can't live without you! So please, please... plea—se... hold on for our family!"

Hindi mapakali si Mrs. Heidy habang tinitipa niya ang emergency number sa kanyang telepono. Ilang beses siyang tumatawag para kontakin pati ang ospital at maging ang kapamilya nila subalit dahil liblib ang lugar ay naging mahirap ang paghanap ng signal.

Ilang beses kumawala ang kanyang mga luha. Hindi na rin niya malaman ang gagawin dahil kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang unti-unting panghihina ng kanyang asawa. Bumulwak ito ng maraming dugo at ang mga mata nitong kanina ay nakakayanan pang dumilat, ngayon ay nawawalan na ng lakas.

"Help us! Help us, please! Tulungan ninyo kami!" paulit-ulit na sigaw ni Mrs. Heidy. "Shit!" Naitapon niya ang kanyang telepono nang mawalan ito ng baterya. Muli niyang tinignan ang asawa. Pinilit niyang buhatin ito para maisakay sa kanilang sasakyan, subalit ang katawan nito ay lalong bumibigat.

"Ho—n, lagi mong tatandaan na kahit wala na ako sa tabi ninyo, gaga—bayan ko pa rin kayo. Just pray and trust God, I'm giving you this, a key. Makaka—tulo—ng 'yan sa inyo. I don't even know who the traitor was, but in a right time, I'm sure that his or their identity will be exposed. Ho—ney, ho—n... hindi ko naaa kaaayaa—," pautal-utal na sabi ni Mr. Westley.

Umatungal ng iyak si Mrs. Heidy nang bumitiw sa kanyang mga kamay ang asawa. "No! Hold on... for the last time... please hold on. Kaya mo 'yan! Kayanin mo hon! Paano na si Hailey, paano na ako? Hindi ko ito kakayanin ng mag-isa, kailangan kita hon. I need my husband, hold on West, I'm begging you!"

Pigang-piga ang puso niya habang ang kanyang malakas na pag-iyak ay naging ritmo na sa kanyang pandinig. Lumalaban pa rin si Mr. Westly, sinusubukan pa rin nitong dumilat at pinipilit na titigan ang asawa sa kanyang mga mata. Gusto pa nitong mabuhay pero ang tadhana ay naging madamot sa kanya sa pagkakataong ito. Lumalabo na ang kanyang paningin ngunit nagawa pa rin nitong haplusin ang basang pisngi ng asawa.

"Verzor—gen ho-ning, I lo—ve you..." (Take care honey) bulong ni Mr. Westley kasabay ng pagbagsak ng kanyang kamay.

"Diyos ko po, we need you, help my husband! Please my loving Lord... hear my prayer!" pakiusap ni Mrs. Heidy.

Kinapa niya ang pulsuhan ng asawa, nang wala na siyang maramdaman ay mabilis niya itong niyakap at ang mga luha ay umagos nang umagos sa kanyang mga mata. Sumigaw siya nang sumigaw. Walang tigil... walang kapaguran... sinakop ng kanyang nagdadalamhati at nasasaktang damdamin ang kabuuan ng paligid.

Tanging ang kanyang pag-iyak lamang ang naririnig sa liblib, madilim at walang katao-taong lugar.


Napapahid sa pisngi si Mrs. Heidy. Ang mga alaalang ito ng nakaraan ay hindi niya gustong kalimutan. Ultimong ang pinakamaliit na detalye sa malagim na kaganapan noon ay hindi mawawaglit sa kanya isipan. Masakit man ang lahat, pero ayaw niyang mawala ang mga alaalang iyon.

"Who's there?" tanong niya nang marinig ang katok sa pinto.

"Mr. Ocampo."

"Come in." Pumasok ang kanyang bisita at pinaupo niya ito sa isang silya na nasa kanyang harapan. "Is everything okay?"

Isang linggo na lang, nalalapit na ang kaarawan ng kanyang anak. Gusto niyang maging maayos ang lahat at walang mangyaring masama.

"Yes, Mrs. Sandberg. Just for the update, I selected the best 50 securities to be assigned in your mansion next week. All are set plus 2 securities in every room with 20 CCTV cameras to be positioned all over your place."

Ngumiti si Mrs. Sandberg. Sana ay sapat na iyon para sa seguridad nilang mag-ina. Ayaw sana niyang bigyan ng party ang anak dahil natatakot siyang may mangyaring hindi niya inaasahan. Subalit masyado nang nakulong si Hailey sa loob ng kanilang mansyon. Ang paaralan at bahay lamang ang ginagawang tambayan ng anak at sa tingin niya ay kulang na ito sa social life. Kailangan pa rin ni Hailey maramdaman ang masayang buhay teenager.

"Very good! Ung mga invitees na-check mo na?"

"All screened Ma'am, except for Gertler," sambit ni Mr. Ocampo.

Natigilan siya. Nagdadalawang isip siya kung iimbitahan pa ba sila.

"Okay. Yes additional guest sila na gustong i-invite ni Hailey. Give me a background check of them. Kaibigan ko sila pero nagdududa ako sa biglang hindi nila pagpaparamdam sa amin."

"Noted Ma'am, I'll give the details as soon as possible."

Sandali pa silang nag-usap ng mga gagawin sa birthday party ni Hailey. Subalit nanatili sa kanyang isipan ang kaibigang Gertler's. Tama bang imbitahan pa rin sila?

Ano na nga ba ang nangyari sa kanila? Kamusta na kaya ang pamilyang Gertler?

Ilang oras ang lumipas nang si Hailey naman ang bumisita sa opisina ng kanyang ina. Kakatapos lang niya sa self-defense training nila ni Paula. Dalawang linggo na rin ang lumipas, madaming natutunan ang dalaga at nasisiyahan siya sa kanyang ginagawa. Alam niyang hindi lamang para sa kanya iyon, para rin 'yun sa kanyang pamilya kaya punong-puno siya ng inspirasyon.

"Hi mommy!" bungad ng dalaga.

Ngumiti siya at pinagmasdan ang kanyang ina na nakaupo sa paborito nitong sofa. Likas na maganda si Mrs. Heidy. May iilan mang puting buhok na nagtatago sa bawat hibla ng itim nitong buhok, may mga wrinkles at dark spots man sa mukha nito na kadalasan ay lalong lumilitaw kapag natapat sa liwanag, hindi pa rin maitatanggi na hindi tumatanda ang itsura nito.

Subalit nang titigan na ng dalaga ang mga mata ng ina, para siyang nalunod sa lungkot. Lungkot ng pag-iisa at sakit sa damdamin na dala ng kahapon.

"Hi! Come here, sweetie. Here's de lijst van uw gasten," (the list of your guests) wika ni Mrs. Heidy sabay abot ng isang papel sa anak.

Sinimulan ni Hailey basahin ang mga nakasulat. Kumunot ang noo niya nang hindi makita ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan. Sinabi na niya no'ng nakaraang araw na iimbitahan niya ang mga Gertler, subalit bakit wala pa rin sila sa listahan?

"Again, Ik wil uitnodigen Freja Jaz, miss ko na siya," (I want to invite) sabit niya.

"Gertler? Your best friend? Are you sure?"

Napalunok si Hailey. Akala niya ay okay na ang lahat subalit mukhang hindi pa rin pala niya napapapayag sa kagustuhan ang kanyang ina.

"Yes mommy, she's still my best friend. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari at hindi na siya nagparamdam sa akin pagkatapos ng libing ni daddy," tugon niya.

Hindi maikakailang nag-iba ang aura ng dalaga. Magpapaliwanag na naman siya sa kanyang ina.

Ilang beses din niyang inisip ang posibleng dahilan ng biglaang pagputol ng kanilang komunikasyon. Hindi niya makontak si Freja, lalo na no'ng mga panahon na kailangan niya ng kaibigan.

Iilan lang ang kaibigan ng dalaga, hirap na siyang magtiwala sa iba. Pinipigilan niya ang sariling makisalamuha sa mga bagong mukha, hindi dahil ayaw niya ng kaibigan, kundi dahil maaaring ang mga bagong tao na pumapasok sa kanyang buhay ay isa sa mga kalaban nila.

Sobrang malapit sa puso nila ang mga Gertler. Noon ay laging umaalis ang magkakaibigan, magkakasama ang buong magkapamilya sa mga out of town getaway. Ngunit tila nagyelo ang kanilang samahan nang mamatay si Mr. Westly. Nagbago ang lahat, naiwan sa ere ang pamilyang Sandberg. Gumuho ang kanilang sandalan, nabuwag ang kanilang kinakapitan. Ngayon, nag-iisa na lang sila sa mundong puno ng mga taong makasarili at mapag-balat-kayo.

Naisip ni Hailey na isang magandang pagkakataon ang selebrasyon ng kanyang kaarawan para muling makausap ang kanyang best friend. Para muling magpang-abot ang kanilang mga landas, ang mga Sandberg at Gertler ay muling magkikita.

Pero hanggat maaari ay ayaw ni Mrs. Heidy imbitahan ang mga ito. Ayaw na nitong makita si Frizzy, ang matalik din nitong kaibigan. Hindi nito alam kung bakit ngunit mabigat ang kanyang dibdib sa nangyaring pagbabago sa pagitan ng dalawang pamilya. Tanging ang kabilaang investments na lamang ng pamilyang Gertler ang alam nila.

"I don't know either. Even Frizzy and Paul, they're avoiding me," biglang sabi ni Mrs. Heidy habang sinusuklay ang kanyang buhok. Sina Frizzy at Paul ang mga magulang ni Freja.

Kumunot ang noo ng dalaga, hindi niya alam na pati pala ang mga magulang ng kanyang best friend ay wala ring paramdam sa kanyang ina.

"Huwag mo ng isipin Hailey, baka busy lang sila dahil sa sunod-sunod na investments."

Napataas ang kilay niya. Naiinis siya tuwing nababalitaan ang paglago ng negosyo ng mga Gertler. Hindi naman siya naiinggit sa tagumpay na natatamasa nila, hindi lamang niya nagugustuhan ang relasyon ng kanilang mga pamilya ngayon.

"Two years? Busy sila? Grabe lang!" inis na bulyaw ni Hailey.

Napatayo sa kinauupuan si Mrs. Heidy at tumabi sa anak, "Sweetie, gano'n talaga kapag business minded ang buong pamilya. Sinusubukan siguro nilang pasukin ang lahat ng transportation investments. 'Wag kang mag-alala, stable pa rin naman tayo, top 1 pa rin sa international business. Despite of what we have achieved, we still manage to spend some time with friends and family. Alam mo 'yan, kayang-kaya ni mommy ang mga businesses natin."

"At mas kakayanin pa kapag natulungan na kita," biglang sabi ng dalaga at kinindatan pa ang ina.

"Okay, if you really want to invite the Gertler's, your wish is my command. I will ask our personnel to send the invitation card to them tomorrow."

Napatalon siya sa tuwa at mabilis na yumakap sa ina. Excited siyang muling makita ang matalik na kaibigan. Kahit na may hapdi pa rin sa kanyang puso na dulot ng mapait na kahapon, mas lamang ngayon ang kanyang kagalakang mayakap si Freja.

"Be ready with your speech sweetie. Malapit na..."

"Yes mommy. Kinakabahan nga ako e," mahina niyang tugon.

Inakbayan ni Mrs. Heidy ang anak. Alam nitong kayang-kaya ni Hailey humarap sa maraming tao. "Wees jezelf, I'm just here for you, sweetie." (Be yourself)

Ngumiti siya at muling yumakap sa kanyang ina. "Mom, thank you for preparing all of these. Thank you for staying with me."

"You're always welcome, I love you! Let's finalize everything."





Sa kabilang banda...

"Are you ready?"

"Yes boss, planado na ang lahat." Lumawak ang kanyang ngiti nang marinig ang sagot ng tauhan niya.

Nagsalin siya ng alak sa kanyang hawak na baso at diretsong ininom ang laman nito.

"Good, I want her to enter my University, let's see if she's an idiot like his fvcking father! Her sufferings will remain until her last breath fades away!"

Iniwan ng tauhan ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa inaabangan nilang party.

Kinuha niya iyon at binasa ang mga nakasulat. Napangiti na naman siya nang makita ang oras at lugar ng pagdadausan ng selebrasyon. Mayamaya'y kinuha niya ang kanyang baril na nakatago sa drawer at hinalikan ang dulo nito. Nakatingin siya sa malayo na tila may malalim na iniisip habang nakangiting mala-demonyo sa kawalan.

Muli na naman niyang maririnig ang pag-ingay ng kanyang baril. Mga nakakatakot na putok na naging kaakit-akit na sa kanyang pandinig.

"I will see you again!"

E N D O F C H A P T E R 2

Edited April 1, 2017

HAPPY READING!!!

Please drop down your comments, hit like and share this story.

Maraming salamat po sa pagsuporta. luv yah!

-Ms. K

Let's have a chitchat... follow me here:

Makipagkulitan at mag-share ng mga opinyon at kung ano-ano pa! Join us!
✍FB Group:
Skrivena University Group
✍FB Page:
Khelielove's Stories
✍FB Accnt:
Khelielove WP
✍Twitter:
Khelielove
✍Instagram:
mjkhelie

Continue Reading

You'll Also Like

187K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
11.1K 1K 53
[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2...
4M 64.2K 69
Haibara Ai Hyde, a gangster and a prisoner of her past, has a deal with her Father. She needs to study at their own University in order to find her c...
39.6K 1.2K 11
May isang babaeng ubod ng tapang at lakas. Hindi siya normal na babae dahil kung kumilos ay parang lalaki. Siya ang kumupkop sa akin at ang aking tag...