Romancing the Nanny

By jennaration

6.3M 77.5K 6.1K

[COMPLETED] When the handsome shipping magnate Kier Falcon hired Helga Diaz to be his twins' temporary Nanny... More

RTN
Author's Note
Chapter 6 - Meet the Falcon's
Chapter 7 - Meet the Falcon's 2
If Only
Sweet child of mine
River Falcon
Rivals
Crossing the line
Not the right time
Crazy in love
Wife..what?
Romancing 101
Rights
Lunch
Phone Call
Dinner
Hugs and Kisses
Revenge
Who is she?
Sundo
Meet the past
Things to tell
face to face
Going home
Panic
Wrong timing
End-point
Four years later
Amanpulo
First night, First Date
Meet the Falcon's part 3
Another day, another date
Epilogue
Epilogue 2: as told by Kier
Bonus: 4 years ago as told by Kier
Bonus: 4 years later as told by Kier

Date

160K 3.2K 399
By jennaration

Dedicated to Anne who answered peanuts :)

Helga's POV

Napukaw ang aking pagtitig sa nakaupong si Kier nang makita kong palapit sa akin si Clyde.

"Hey" bati niya nang nasa harap ko na ito mismo.

"Tapos na kayong maglaro?" tanong ko.

Tumango siya. "ayaw na ni Kier sumali eh. Mukhang wala na sa mood."

"Ahhh.." wala na akong masabi. Naco-conscious kasi ako sa titig niya.

"Come lets get you a snack. Im sure gutom kana."

"Naku huwag na. Binabantayan ko kasi yung mga bata." sabay nguso sa kambal.

Napakamot siya sa ulo. "What about a dinner tonight?"

"Ha eh kasi----"

"Ipagpapaalam kita kay Kier. Papayag yun! come..." hinila niya ako palapit kay Kier. Nagpatianod na lang ako dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa papulsuhan ko.

"Couz, pahiram si Helga mamayang gabi ah" panimula ni Clyde ng makalapit kami kay Kier. Napatingin ito kay Clyde ngunit pinasadahan niya ng tingin ang kamay ni Clyde na nakahawak sa akin.

"Hindi siya gamit kaya hindi ko maaaring ipahiram," aniya sa seryosong tono.

"Haisst. Oh siya siya... Im inviting Helga for a dinner tonight. Kaya ipinapaalam ko sa iyo."

"Aalagaan pa niya ang mga bata." pagdadahilan ulit nito.

"Tulog naman na ang kambal pag sundo ko kay helga."

"Madaling-araw natutulog ang mga bata kaya malilipasan na ng gutom si helga."

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Kakausapin ko yung mga bata na matulog ng maaga."

"Matigas ang ulo nila. Mas gusto nila maglaro."

"Hindi yan. Couz naman. Ngayon lang naman."

"Ngayon lang? Hindi na mauulit?"

Tumango si Clyde. Mas malala pa pala itong si Kier kay Lola kung magbigay ng permiso. Ang istrikto eh.

"At tsaka couz... dinner lang ang hinihingi ko sayo,hindi pa kamay ni helga. Bat ang dami mong tanong?"

"Dahil ako ang tinatanong mo. Hindi naman ako ang sasama sa iyo." simpleng sagot ni Kier.

Bumaling sa akin si Clyde. "Ahm.. Helga pumapayag ka na ba?" nag-puppy eyes pa ito.

Tumngin ako kay kier ngunit poker face lang naman siya sa akin. Sinesenyas ng mata ko na pigilan niya si Clyde ngunit mukhang hindi niya maintindihan.

Napipilitang tumango na lang ako.

Kasabay ng pag'YES' ni Clyde ay ang pagwalk-out ni Kier.

 Anong nangyari doon?

"Asar talo talaga iyon." komento ni Clyde sabay nguso sa papalayong si kier.

Tinignan ko siya ng puno ng pagtataka.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Mommy..mommy," napalingon ako kay Joaquin na tumatakbong lumapit sa akin.

"Mommy?" takang tanong ni Clyde. At tsaka ito tumawa ng pagkalakas-lakas.

Pinag-taasan ko siya ng kilay. Tumahimik naman ito.

Yumakap si Joaquin sa may binti ko at tsaka tumingala sa akin.

Ang luwang ng ngiti nito.

"Sabi ni Kuya,mommy na daw po ang tawag ko sa iyo." excited na sabi niya.

Umupo ako para magkapantay kami.

"Ahm Joaquin... tita pa rin ang tawag mo sa akin dahil hindi naman ako ang mommy mo. Okay?" mahinahon na sabi ko.

Napatingin ako kay Clyde. Tumango lang siya na para bang naiintindihan niya ang punto ko.

"But I want  a mommy. Kasi yung friend ko na si Josh eh may mommy. Tapos they bake cookies pa together. " he begin to sob.

Kahit papaano ay naawa ako sa mga bata.

I just sighed. Ano pa nga bang magagawa ko? Si Kier kasi kung ano-ano ang sinasabi sa mga bata.

"O sige ganito na lang. Ako muna ang mommy niyo habang nandito tayo. Okay ba yun?"

Pinunasan muna nito ang luha at tsaka ito tumango ng ilang beses.

Yumakap ito sa akin. Binuhat ko naman siya.

"Ang iyakin ng baby ko."

I heard him giggling.

Napansin kong nakangiting nakatitig sa akin si Clyde.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang sarap mo sigurong maging nanay ano? Ampunin mo kaya ako." pagbibiro niya.

"Sira!" sabay kaming natawa.

***

Alas-nuwebe na nang makatulong ang mga bata. Mukhang tumama nga si Kier sa mga sinabi niya kanina. Ang hyper ng mga bata na para bang pinakain ng isang katerbang chocolate. Maaga naman na natutulog ang mga ito kapag pangkaraniwan na araw.

"Ang hirap pa lang patulugin ang mga bulinggit na iyon." sabi ni Clyde na siyang nagpatulog sa mga bata. Kalalabas lang nito sa kwarto ng kambal. Ipinilit kasi nito na siya ang magpapatulog dahil iyon ang ipinangako niya kay Kier kanina.

Si Kier naman ay nagmumukmok doon sa loob ng kwarto niya. Hindi na nga niya ako inimik pagkatapos ng pag-uusap namin sa beach kanina.

Ngayong gusto ko siyang kausapin, siya naman ang umiiwas.

Mukhang tinopak na naman ng pagka-workaholic niya.

"Lets go?" tanong ni Clyde.

"Ah sige."

Sabay na kaming lumabas ng casitas.

Dinala niya ako sa isang restaurant bar dito sa resort. Nilakad lang namin siya ng siguro mga sampung minuto.

Hindi naman ako inantok dahil ang daldal nitong si Clyde. Kung ano-ano ang pinagkukwento. Pati lovelife ni Mommy Dionisia ay updated siya. Kalalaking tao ay tsismoso.

"Kaya mo ba ako dinala dito ay para matitigan lang yung babaeng iyon?" sabay nguso doon sa magandang babae na nakaupo di kalayuan sa aming mesa. May kausap itong lalake na nakatalikod sa direksyon namin.

Kanina pa siya kasi nakatitig doon sa babae. Na para bang kapag kumurap siya ay mawawala ito na parang bula.

Napakamot ito sa ulo. "Ah alam mo kasi Helga, ang totoo niyan... parang ganun na nga." pag-amin niya.

"Ako ba ay pinagloloko mo Clyde Dychingco? Eh bat kailangan mo pa ako dito? So cameo role ako ganon?" sabay subo sa steak na inorder niya para sa akin.

"Sorry na. Gusto talaga kitang ilibre ng dinner kaya lang nagkataon na nandito siya ngayon sa isla." nahihiyang paliwanag niya.

Linunok ko muna ang kinakain ko bago ulit nagsalita.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Parang naaamoy ko na kung saan patungo ang usapang ito.

"Diretsuhin mo nga ako. Ano ba talagang plano mo?"

"Kasi ganito yun..pagseselosin ko sana siya.Gusto kong ipamukha sa kanya na may iba na akong gusto at hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko."

Agad ko siya binatukan.

Sumimangot ito.

Gusto pa akong gamitin sa mga kalokohan niya.

Sumimsim ako sa red wine ko.

"So magkukunwari tayong magsyota ganun?"

Tumango siya.

"Ano bang nangyari at bitter ka pa rin hanggang ngayon?'" tanong ko ulit.

"Hindi ako bitter." pagtatama niya.

"Sus. Kung hindi eh bakit affected ka pa rin sa kanya. Isa kang malaking ampalaya." pang-aasar ko.

He glared at me.

" Makakaganti rin ako sa iyo." banta niya.

Binelatan ko lang ito. Para ko lang siyang kapatid. Gusto ko tlagang magkapatid ng lalake dati kaya lang hindi na nabigyan ng pagkakataon.

"Dont tell me nagkakagusto kana sa akin?"

"Kapal mo!" sagot ko.

Alam ko naman na wala talaga siyang gusto sa akin. Sanay na ako sa mga lalakeng kagaya niya.

"Ano nga..tutulungan mo ba ako o hinde?" nafru-frustrate na tanong niya.

Lihim akong napatawa. Mukha siyang nalugi.

"Oo na. Tutal nandito na tayo. Kawawa ka naman. So anong gusto mong mangyari?" tanong ko sabay subo ulit sa kinakain ko.

"Simple lang. Just go with the flow. " sabay kindat sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako.Nagpatuloy lang ako na kumain habang siya ay binalik ang tingin doon sa babae.

Hindi pa siya bitter sa lagay na yan.

Napaangat ako ng tingin nang may tumikhim sa bandang gilid ko.

"Hi Clyde. Long time no see." aniya. Hindi man lang ata ako napansin.

Pekeng tumawa itong si Clyde. Galing talaga umarte. "Uy ikaw pala. Nandito ka rin pala sa isla?" inosenteng tanong nito. Hipokrito sabi ko sa aking isip.

"Ahm yeah. Vacation with my man." balewalang sagot nito.

Nawala ang ngiti ni Clyde. "Ah yeah. Where is he?"

"Oh may kausap lang sa telepono. Sino siya?" tukoy niya sa akin.

"Right." tumayo si Clyde at tumayo ito sa bandang likuran ko. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko. Im wearing off-shoulder dress kaya ramdam ko ang malamig nitong mga kamay. Halatang kinakabahan.

"Alyana,this is Helga my girlfriend."

I mentally rolled my eyes.

Nginitian ko siya. "Nice meeting you."

Ngumiti din naman siya pero hindi umabot sa kanyang mga mata.Alam ko dahil pareho kaming babae.

"Sige balik na ako sa mesa namin." paalam niya.

"Sure." sagot ko dahil hindi na umimik si Clyde na nasa likuran ko. Saka lang ito ulit umupo nang makaalis na si Alyana.

"Bakit kasi hindi mo na lang ligawan ulit? Mukhang may gusto pa naman sa iyo iyun. Pareho lang kayong mapag-pangggap." suhestyon ko.

"Masyadong kumplikado." sagot niya.

"Bahala ka na nga.  Uwi na tayo." aya ko.

Liningon niya muna ulit yung babae bago sumunod sa akin palabas.

"Did I bore you?" tanong niya habang naglalakad kami pauwi sa casitas na tinutuluyan ko.

"Hindi. Actually nakakatuwa ka nga eh. At hindi ko maintindihan kung bakit hiniwalayan ka niya. Mukhang matino ka naman kapag bilog ang buwan." pang-aasar ko.  

"She fell out of love with me. Yan ang sabi niya." malungkot nitong sabi.

Napakamot ako sa ulo. "Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa iyo. Siguro magfocus ka na lang sa sarili mo muna like me."

"Kaya ba hindi mo sinasagot si Kier?"

"Hindi naman siya nanliligaw."

"So gusto mo siyang manligaw?"

"Hindi ah!" mabilis kong pagtanggi.

 "Alam mo bang noong unang araw kitang nakilala,nagkagusto na ako sa iyo? Kaya lang may gusto rin sa iyo si Kier. At that time, nagparaya na ako dahil alam kong hindi pa ako lubos na nakakawala kay Alyana at mas malakas ang atraksyon na nararamdaman ni Kier sa iyo kaysa sa akin."

"Bakit sinasabi mo sa akin iyan?"

"Dahil gusto kong maniwala ka sa pinsan ko. Kung ano man ang ipinapakita niya o sinasabi niya ...totoo ang lahat ng iyon."

Natahimik ako. Naniniwala naman ako eh. Natatakot lang akong sumugal.

"Oh nandito na pala tayo. Bilis natin maglakad." tawa niya. Pati ako ay nagulat. Napasarap ang pagkwekwentuhan namin.

"Anyways, thank you ha sa pagsakay sa kalokohan ko. Sa uulitin!"

"Oy hindi na iyon mauulit noh!" natatawang sagot ko.

Hinalikan ako nito sa pisngi. "Goodnight dyesabel." patakbo na itong umalis.

Dyesabel?

Tinawag din ako ni River na dyesabel noon.

"Alas-onse na ng gabi. Uwi ba ito ng matinong babae?"

Napalingon ako at nakita ko si kier na nakasandal sa hamba ng pintuan ng casitas.

Lumapit ako rito.

"Pasensiya na. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Clyde." Napahalukipkip ako dahil malamig ang ihip ng hangin. 

Bumuntong-hininga ito at tsaka binalot sa akin ang balabal na hawak niya. Hindi ko iyon napansin kanina na hawak niya.

"Lets go inside."inakay niya ako papunta sa salas. Pinaupo niya ako sa sofa at tumabi sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa totoo lang kinikilig ako sa mga titig niya.

"Nabusog ka ba sa pnagdalhan sa iyo ni Clyde? Nagugutom ka ba ulit?" nagulat ako sa mga tanong niya. Akala ko papagalitan pa niya ako. 

"Ah eh. Nabusog naman ako." sagot ko. "Ikaw? Bakit gising ka pa?"

"Hinihintay kita." simpleng sagot niya.

"Bakit? May ipag-uutos ka ba?"

Umiling siya. "Baka kasi hindi ka na ibalik ni Clyde."

Napatawa ako. "At saan naman ako dadalhin ni Clyde,aber?"

 Nagkibit-balikat siya.

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Bakit naman ako magagalit sa iyo?"

"Ahm tungkol dun sa sinabi mo kanina---"

"Mag-aantay ako hanggang ready ka na. Hindi naman kita minamadali." putol niya sa sasabihin ko.

Nagkatitigan kami at pagkatapos ay ngumit siya sa akin. Imbes na ngumiti ako pabalik ay napahikab ako. Dahil na rin siguro sa pagod sa paglalangoy kaninang tanghali ay madali akong antukin ngayon.

"Antok ka na?"

"Oo," sabay hikab ulit.

Umayos ito ng pagkakaupo. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib.

"Sleep then." sabi niya.

"Pwede naman na sa kwarto na ako matulog." sabi ko. Medyo naiilang ako dahil ngayon na lang ulit kami magkalapit ng ganito.

"Sleep."

Wala na rin akong nagawa dahil hinihila na ako ng antok. Idagdag mo pang ang init ng katawan niyang nakaakbay sa akin.

Hinalikan niya ang noo ko. "Goodnight Helga."

"Goodnight." sagot ko.

-------------------------------------------------------

A/N May FB account na si Helga ( external link) or search Helga Marithe Diaz. :)  Dont forget to vote and comment you guys. Thank you for reading :)

Dedic Question: Sino ang kamukhang artista ng lalakeng nagtanong kay Helga sa "Wife..what?" chapter?

Continue Reading

You'll Also Like

694 72 19
WARNING! 🔞 CONTAINS EXPLICIT EVENTS. STRONG PARENTAL GUIDANCE. Isang babae na naghahangad ng isang payapang lugar. Nakarating sa maliit na bayan n...
1.3M 17.7K 42
Synopsis: Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang k...
5.3M 95.8K 37
Matagal ng may gusto si Maria Gabrielle kay Miguel. Kahit noong mga bata pa sila ay lihim na niya itong sinusulyapan at palihim na pinagmamasdan. Her...
2K 101 5
THIS BOOK IS EXCLUSIVE TO DREAME AND YUGTO APP. Book IV • Double Novel of Mikee and Miggue Romero, the twin daughters of Cloud and Windy.