Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.2K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 7

16K 626 317
By jaysanj



Zaparta's POV

"Ngayon ang gagawin natin ay maglaro." sabi ni Stace. Nagdiwang naman kami dahil sa wakas makakahawak na din kami ng bola sa loob ng dalawang buwan namin pagtraining dito.

"Four on four, kami ang mamimili ng team ninyo pero bago yan, kailangan ninyong tumakbo ng ten laps." sabi ni Rian. "Mula dito paikot sa red team tapos dito." sabi nya habang tinuturo ang daan.

"Ang dami pa din nating tatakbuhin." sabi ni Delta. "Ten laps pa."

"Okay girls. Start na tayo. Zap on the lead." sabi ni Stace kaya naman pumunta ako sa unahan.

"By the way girls, kapag nasa Red team na kayo kailangan ninyong sumigaw ng malakas. Ang sasabihin ninyo ay ang panget ninyo red team." sabi ni Sakuno.

"Ano?!" sigaw naming lahat. Gusto nya ba kaming pag-awayin?

"Biro lang." natatawang sabi nya. "Sisigaw lang kayo. Kailangan marinig namin dito. Kapag hindi namin narinig dagdag laps."

"Paano namin malalaman na narinig talaga ninyo?" tanong ko.

"Hindi ka naniniwala samin?" parang inosente pa itong Sakuno na ito.

"Hindi. Walang kati-katiwala sa mukha mo." sabi ko na ikatawa ng ilan.

"Ako magsasabi kung narinig namin." napatingin kami sa dumating. Si coach Ella.

"Okay na, maniniwala na kami." sabi ni Marceline. Napangiti na lang ako.

"Sige na, layas na." sabi ni Sakura.

Nagsimula na kaming tumakbo. Jog lang ginawa namin para hindi masyadong mapagod. Malapit na kami sa red team.

"Zap, bilang ka para malaman namin kung sisigaw na." sabi ni Delta. Nagthumb ups ako sa kanya.

Nakita namin ang red team na nagtra-train magpasa ng bola habang tumatakbo sila. Napatingin samin ang seniors nang makita nila kami pati si coach Avey. May ilan na rookies ang napatingin sa gawin namin.

Bumilang ako tsaka kami sumigaw ng malakas. Nagulat pa nga namin ang ilan tapos napatigil pa sa pagtraining yung mga rookies.

"Bilis, bilis." sabi ni Marceline kaya naman napabilis ang takbo ko. Nung lumagpas na kami sa red team ay natawa kaming lahat.

"Grabe nakakahiya 'yon. Naistorbo natin sila." sabi ni Amaya.

"Sinabi mo pa. Takbo ng mabilis pagkatapos ng sigaw ah? nakakahiya eh." sabi ni Cleo.

"Ang tanong muna, nakarinig kaya ng mga seniors?" tanong ni Justin.

"Sana. Kating kati na akong humawak ng bola. Buti pa ang red team." sabi ni Sierra.

"Kapag hindi, paktay. Lakasan na lang natin sa susunod." sabi ni Marceline.

Malapit na kami sa blue team. Tinignan namin si coach Ella kung narinig nila pero umiling ito.

"Sumigaw pala kayo?" ngising asar na sabi ni Sakura.

"Lakasan nyo girls." sabi ni Lori. Tumango kami sa kanila.

Malapit lapit na ulit kami sa red team.

"Guys bilisan natin pagkatapos ng sigaw ah?" sabi ni Amaya.

"Math lakasan mo boses mo." sabi ni Marceline.

"Kung isigaw kaya natin ay words?" suggest ni Cleo. "Like, blue team fight?"

"Not bad Cleo!" sabi ni Marceline. "Ano Zap?" napatango na lang ako. Siguro mas malakas nga kung ganon ang isisigaw namin.

"Oh nandito na naman kayo!" sigaw ni Lyte pagkakita nila samin. Napatingin tuloy silang lahat samin.

"Nakakahiya talaga." sabi ni Amaya.

"Magbibilang na ako." sabi ko. "One...two...three.." huminga ako ng malalim.

"Blue team fight!" sigaw naming lahat tsaka namin binilisan ang pagtakbo.

"Kaya nyo yan!" nakarinig kami ng sigaw pero hindi namin alam kung sino.

Pagkalagpas namin ay bumagal kami ng takbo. Nagtawanan ulit kami. Pambihira, nakakatawa na nakakahiya ang ginagawa namin.

"Nice one girls narinig namin kayo kaso mahina pero pwede na." sabi ni Stace nung makalapit kami sa kanila. Natuwa naman kami don.

"Lakasan nyo pa!" sigaw ni Rian.

"Ibahin naman natin sasabihin natin. Paiba iba tayo para masaya." natatawang sabi ni Math.

"Ano naman ang sasabihin natin?" tanong ko.

"Cheer naman natin ang red team. Go red team?" patanong na suggest ni Sierra.

"Pwede, pwede tapos takbo ulit ng mabilis ah?" natatawang sabi ni Marceline.

Nakarating ulit kami sa red team. Talagang tumitigil sila kapag dumadating kami para panoorin kami kaya nagmamadali kaming umalis eh.

"Training?" patanong na sabi ni Persia na isa sa seniors.

"Oo eh." sabi ko dito. Bumilang na ako, pagkatapos ng three ay huminga ako ng malalim.

"Go red team!" sigaw namin. Naghiyawan naman ang mga seniors. Kumaway kami sa kanila at tumakbo ng mabilis.

"Mygod inaabangan nila tayo!" sabi ni Sierra.

"Oo nga tae. Tumitigil sila sa mga ginagawa nila." sabi ni Justin.

Ginawa namin iyon ng ilang beses. Ganon pa din ang nangyayari samin, bibilisan namin ang takbo pagkatapos namin sumigaw. Hiyang hiya talaga kami dahil tumitigil talaga sila sa ginagawa nila. Mabuti na lang naririnig nila coach Ella ang mga sigaw namin kaya hindi na nadagdagan ang laps namin. Nasa huling laps na kami papunta sa red team. Paiba iba din ang mga pinagsasabi namin. May kalokohan pa.

"Ano na sasabihin natin?" tanong ni Math.

"Alam ko na! Ang cute natin ang sabihin natin." sabi ni Marceline. Napatingin ako sa kanya.

"Pambihira, mas nakakahiya yan." sabi ko. "Hindi ka naman cute."

"Hoy!" nagsitawanan kaming lahat. "Basta yun ang sasabihin natin." nailing na lang ako. Wala na din naman nag-suggest kung ano pa eh.

"Ito na sila!" sigaw ni Carla. Shete talaga.

"Huli na 'to!" sigaw ni Marceline. "Okay girls. One and a two and a three.." napailing ako dahil sya na ang nagbilang.

"Ang cute mo daw Kriza sabi ni Zap!" sigaw nila dahil naputol ang sigaw ko sa sigaw nila. Napahinto ako sa sinabi nya.

"Hoy! wala akong sinabi na ganyan ah!" sabi ko pero tinawanan nila ako at nagmadaling umalis. Nataranta naman ako dahil iniwan nila ako. Tawang tawa din ang ilan sa red team sa sigaw nila. Nagmamadali tuloy akong umalis ng red team.

"Hindi cute si Kriza, dyosa sya!" sigaw ng kung sino. Namula ang mukha ko dahil halatang pinagtri-tripan ako.

Nakita ko ang mga kasamahan ko na nakalapit na sa mga seniors at tawang tawa. Natawa naman ang ilan sa kanila na halatang sinabi kung ano ang nangyari. Nilapitan ko agad si Marceline dahil sya ang pasimuno ng lahat ng ito. Sya ang mahilig asarin ako kay Kriza.

"Bwisit ka!" sabi ko at pinaltukan sya.

"Aray ah!" sabi nya pero nakangiti. Sinamaan ko sya ng tingin. Nailing na lang nang hindi sya nagpatinag. Pambihira talaga.


Bumabagyo ngayon kaya naman natigil ang training namin. Tuwang tuwa naman kami dahil makakapagpahinga kami ng ilang araw. Araw pa naman ang tinatagal ng bagyo. Nasa kwarto lang ako ngayon dahil tinatamad akong lumabas. Hindi ko naman alam kung ano nangyayari sa iba.

Sa ganitong bagyo, naalala ko ang kwento ni Ate Zoe. May panahon daw na nastranded sya sa gym dahil doon sya natulog. Nakasama daw nya si Ate Alexa nung oras na tapos hindi pa sila okay non. Kinikilig ako nung naikwento samin 'yon ni Ate Zoe. Ang sweet kasi ni Ate Alexa kahit na ang cold nya kay Ate Zoe non pero hindi nya naman ito iniwanan na pwede naman nya gawin. Ang ganda ng love story nila ni Ate Zoe na minsan ay nakakalungkot dahil nasaktan ni Ate Zoe si Ate Alexa pero naging sila naman at ngayon ay masaya na sila.

Gusto ko din na magkaroon ng masayang love life.

Tumingin ako sa pintuan nang may pumasok. Napatingin sya sakin saglit tapos dumiretso sa higaan at nahiga sa tabi ko. Tumingin na lang ako sa kisame. Ngayong hindi ako pagod, nababahala na ako na katabi ko si Kriza ngayon.

Nagdadalawang isip ako kung aalis na lang ako pero kasing tinatamad talaga ako at hindi ko naman alam kung saan ako tatambay. Gusto ko ng tahimik ngayon pero nakakailang naman na kasama si Kriza dito.

Tumingin ako sa gawi ni Kriza. Nagce-cellphone ito pero alam kong alam nyang nakatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga na lang ako. Gusto ko na magkaayos na kami.

Biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang bestfriend ko.

"Yo mga bestfriend ko!" sabi nya at sinara ang pintuan tsaka lumapit samin. "Zap, usog ka don. Tutal hindi mo naman kinakausap si Kriza." as if naman kinakausap din sya.

Umusog na lang ako. Tumabi sya ng higa samin. Nasa gitna namin sya ni Kriza.

"Sino katext mo Kriza?" tanong ni Marceline. Napailing na lang ako. "Babe? teka may boyfriend ka?" napaupo si Marceline. Napatingin naman ako kay Kriza. May boyfriend sya?

"Last two years pa." nagulat ako hindi dahil sa two years ago pa sya may boyfriend, kundi kinausap nya si Marceline. Sabagay, kami lang yung nalayo.

"Gwapo?" nakangiting tanong ni Marceline at bumalik sa pagkahiga. "Patingin ng picture." mabuti pa talaga si Marceline kinakausap. "Ay wow, gwapo." napatingin ako sa cellphone ni Kriza. May picture na pinakita si Kriza kasama ang isang lalaki. "Ano pangalan?"

"Charles, half filipino half japanese." sagot ni Kriza.

"Alam nila Tita yan?" tanong ulit ni Marceline.

Hindi ko alam kung ano sagot ni Kriza dahil hindi ito nagsalita. Hindi na din nagsalita pa si Marceline at nakatingin lang sa cellphone ni Kriza. Natahimik na lang ang buong paligid. Hindi na masyadong awkward dahil nandito si Marceline.

"Kriza, namiss kita." biglang sabi ni Marceline. Nakikinig lang ako sa kanila. "Hindi mo ba ako namiss?" alam kong nakanguso si Marceline dahil sa pananalita nito. "Si Zap lang naman kinaiinisan mo, bakit ako nadamay?" walangya ito sinama pa ako. "Kung hindi ka umalis, sayo ako samama eh."

"Wow ah?" sabi ko na lang bigla dahil sa sinabi nya. Narinig ko naman sya tumawa ng mahina. Napairap na lang ako.

"Dito ako matutulog. Namiss ko ang ganito. Magkakatabi tayong matulog na tatlo." sabi ni Marceline. Parehas na kami nakatingin sa kisame.

Namimiss ko din ang ganito. Namimiss ko na din sya.

"Alam mo Kriza..." hindi talaga matahimik ang isang ito. "..crush ka ni Zap." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Kinurot ko sa tagiliran si Marceline. "Aww! Zap!" daing nya.

"Manahimik ka dyan ah?" sabi ko.

"Ayoko nga. Namiss ko ang ganito kaya hindi mo ako mapipigilan. Ang tahimik kaya tapos walang magsasalita." sabi nya.

"Kailangan magsabi ka ng kung ano-ano dyan? dinamay mo pa ako." sabi ko.

"Sus, alam kong brokenhearted ka ngayon dahil may boyfriend na pala si Kriza." napairap ako bago ko sya kurutin ulit. "Zap! Masakit!"

"Paki ko? manahimik ka dyan. Mamaya maniwala pa sayo si Kriza." sabi ko.

"Ikaw Kriza, kung wala kang boyfriend ngayon tapos nalaman mong may boyfriend si Zap. Ano mararamdaman mo? 'di ba masakit kasi pinagdadamot mo noon palang si Zap."

"Marceline hindi ka talaga titigil?" pambihira ang isang 'to.

"Hanggang dito lang usapan. Wag kang epal." sabi ni Marceline at nag-draw pa ng imaginary line sa pagitan namin. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Lumayas ka na nga dito." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin ng makahulugan na ikakunot ng noo ko.

"Ayyiiee gustong masolo si Kriza." napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. "Sige na nga, aalis na ako. Balik ako mamaya dito, dito ako matutulog. Bye!" sabi nya at nagmadaling lumabas ng kwarto.

"Pambihira." napahilamos na lang ako ng mukha ko gamit ng isang kamay ko.

Isang nakakabingi katahimikan ang nangyari. Mas lalong naging awkward ang nararamdaman ko dahil sa pinagsasabi ni Marceline na kasinungalingan. Ang lakas talaga mang-asar non purkit sobrang lapit lang namin ni Kriza noon. Naalala ko tuloy kung gaano kami kaclose ni Kriza noon. Namimiss ko talaga ang mga panahon at oras na 'yon. Namimiss ko na sya. Kasama ko nga sya pero parang hindi naman dahil sa hindi pagkakaunawaan namin. Gusto ko na magkaayos kami.

"Kriza.." mahina pero alam kong narinig nya 'yon. Nilingon ko sya. Ngayon ko lang napansin na nakapikit pala sya pero hindi sya tulog. "Namimiss na kita." malungkot na sabi ko habang nakatingin sa kanya. Gusto ko na magkaayos kami kaya lalakasan ko na ang loob ko para kausapin sya ngayon. "Gusto kong magkaayos na tayo. Ayoko na ganito tayo." sabi ko pero ni hindi man lang dumilat si Kriza para tignan man lang ako.

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kisame. "Alam mo? balak kong tumigil sa paglalaro ng basketball nung natanggap ko ang envelope na galing sa Dragon Empire." inalala ko ang araw nung natanggap ko ang invitation. "Dahil alam kong nandon ka. Alam ko kasing ayaw mo akong makita at lalo mo lang kakamuhian. Gusto kong tumigil na sa paglalaro para wala ka na maging sagabal pa. Pero pinilit ako ni Tita Kill at sinabi nya sakin na ang sabi mo ay wag akong tumigil sa paglalaro ng basketball. Mahirap paniwalaan dahil kinamumuhian mo nga ako. Sabi ni Tita Kill, gusto mo akong talunin at kung titigil ako sa paglalaro, masasayang ang effort mo sa pagpractice para talunin ako. Kaya ito, nandito ako."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Inalala ko ang unang araw namin dito.

"Balak ko na sanang makipag-ayos sayo nung unang araw natin pero nung nakita kita...ibang iba ka na. Hindi ka na yung Kriza na kahit tahimik pero marunong ngumiti, sumakay sa mga biro, masigla ang mga mata, ipinagdadamot ako." medyo napangiti ako sa sinabi ko. "Ngayon, wala ng sigla sa mga mata mo, para na itong walang buhay. Hindi ka na rin ngumingiti, sumasakay sa mga biro, mas lalong tumahimik at lalong...nawalan ka na ng pakialam sakin." huminga ako ng malalim. "Lalo kong nakikita ang pagkamunhi mo sakin kaya lumalayo na lang ako at hindi na nagbalak pang makipag-ayos sayo." Tumigil ako ng ilang segundo. "Naiingit ako kay Marceline dahil nakakausap ka nya. Sana ako din, makausap kita. Gustong gusto ko na magkaayos tayo Kriza. Kahit na hindi na katulad ng dati, pero at least nakakausap mo pa din ako."

Dumilat na ako at tumingin kay Kriza. Nakapikit pa din sya. Bumuntong hininga ako at tumayo. Muli ko syang tignan bago naglakad palabas ng kwarto. Bagsak balikat akong naglakad pababa ng hagdan. Mukhang mahihirapan talaga akong makipag-ayos kay Kriza. Hihingi na lang ako ng tulong kay coach Avey o Tita Kill.

Napatingin ako sa sala dahil si Faith lang ang tao doon. Umiinom ito ng kape habang nakapikit ang mga mata na tila nilalasam ang init ng kape. Pagkatapos nyang uminom ay dumilat sya na saktong napatingin sa gawi ko. Tinaasan nya ako ng kilay tsaka ako inirapan.

Laki talaga ng problema nito sakin.

Saan ako tatambay nito? balak ko pa naman dito pero mukhang ang awkward din dito dahil kay Faith. Pupuntahan ko na nga lang sila Marceline sa kwarto nila.

Pagdating ko naman sa kwarto nila, si Math lang nadatnan ko. Nagpu-push up ito.

"Zap! napadpad ka dito?" tanong nya nang tumigil ito. Lumapit ako sa kanya.

"Tatambay lang sana, nasaan si Marceline?" tanong ko. "Lagi mo ba ginagawa yan?" tanong ko pa ulit.

"Lumabas si Line at oo, simula nung unang training natin sa seniors tinuloy tuloy ko na ang mga exercise natin non." sabi nya at tinuloy ang pag-push up.

"Wow, ilan per exercise?" tanong ko.

"Fifty per exercise." sagot nya. Wow, nakakahanga ang taong ito. Siguradong mas lalakas pa sya.

Pinanood ko lang sya mag-exercise. Pawisan na din sya pero mukhang hindi naman sya nahihirapan na. Mukhang nasanay na ang katawan nya sa ginagawa nya. Kung iisipin, never ko pa pala nakalaban itong si Math, nung nakaraang araw na pinaglaro kami, kakampi ko pa din sya, si Marceline lang naging kalaban ko. Kaya naman hindi ko pa alam kung paano makipaglaban sa isang matangkad at kung paano sya makipaglaro. Hindi ko sya nakikita maglaro dahil nakafocus ako sa kalaban. Sana makalaban ko na sya sa susunod. Sya ang babantayan ko.

Pagkatapos mag-exercise ni Math, nagbihis na ito ng bagong damit. Sakto naman na bumalik na si Marceline na may ngiti sa labi.

"Saan ka naggaling?" tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito?" napairap ako dahil tanong ang sagot nya. "Kumain lang ng masarap." sabi nya at ngumiti ulit.

"Lah hindi namimigay." sabi ni Math. Pambihira, si matakaw.

"Sorry, hindi kasi ako namimigay kapag masarap ang kinakain ko." sagot ni Marceline. Ganyan yan lalo na kapag paborito nya ang pagkain, hindi sya mamimigay.

"Damot. Nagutom tuloy ako dahil sa sinabi mo. Labas lang ako." sabi ni Math at lumabas ng kwarto.

"So anong ginagawa mo dito? 'di ba gusto mong masolo si Kriza?" sinamaan ko sya ng tingin.

"Siraulo. Kinausap ko si Kriza tungkol samin." sabi ko na malungkot. Mukhang naintindihan nya agad ako kaya tumabi sya ng upo sakin dito sa higaan nya.

"Anong nangyari?" umiling ako.

"Para akong nagsalita sa hangin dahil hindi man lang sya nagsalita o tumingin sakin habang sinasabi ko sa kanya na gusto kong magkaayos kami. Ang hirap makipag-ayos sa kanya. Gustong gusto ko ng magkaayos kami kahit na hindi na yung katulad ng dati, basta okay kami." sabi ko at nahiga sa kama.

"Tanda mo kung paano nagkaayos si Ate Zoe at Ate Alexa?" tanong nya. Inalala ko naman ang kwento ni Ate Zoe.

"Kinukulit nya si Ate Alexa." sabi ko.

"Yon! edi gawin mo 'yon. Kulitin mo sya. Gawin mo yung mga ginagawa mo noon sa kanya. Suyuin mo." sabi nya. "Dali dali ng problema mo eh. Patulong ka kay Ate Zoe o kay coach Avey. Parehas silang tinunaw ang yelong mga asawa nila." dagdag nya.

"Bahala na nga." sabi ko. Bahala na kung paano suyuin ang taong 'yon.



Tyrant's POV

Nakasimangot ako ngayon habang nakatingin kay Eloi na nakikipaglaro kay Janine. Nakakainis kasi dahil hindi nya ako pinapansin. Ang dami ko ng ginawa para mapansin sya pero wala lang sa kanya. Mas gusto nya pang tumingin sa bola kaysa sakin. Ano ba ang ayaw nya sakin? as if naman kasing magugustuhan sya ni Ate Kriza. Sa pagkakaalam ko may boyfriend na 'yon at mukhang straight ito kahit pa ang mga magulang nya ay lesbian.

Kung ako na lang sana.

"Basted ulit?" nakangising tanong ni Samantha. Sinamaan ko sya ng tingin. Nakakainis din ang isang ito. Lagi akong inaasar sa tuwing naiinis ako kay Eloi sa hindi pagpansin sakin.

"Lumayas layas ka sa paningin ko, Samantha ah?" inis na sabi ko pero nginisian nya lang ako. Inirapan ko sya.

"Wala ka kasing laban sa kanya. Dyosa si Kriza, ikaw?"

"Dyosa din!" sabi ko bago pa sya magsabi ng hindi maganda. Tinawanan nya naman ako. Inirapan ko ulit sya.

"Samantha." napatingin kami ni Samantha kay Eloi. "Laro." sabi nya. Napasimangot ako. Hindi man lang sya tumingin sakin.

"Kakatapos mo lang kay Janine ah? hindi ka ba pagod?" tanong ni Samantha na mukhang ayaw makipaglaro kay Eloi. Tamad kasi. Hay nako, buti pa si Janine nagpra-pratice pero yung tatlo, tsaka lang magpra-practice kapag sinipag.

"Hindi." sabi nya. Napabuntong hininga si Samantha at lumapit kay Eloi. Hindi nya mapipigilan ang gusto ni Eloi dahil takot ang mga ito sa kanya.

Naupo naman sa tabi ko si Janine.

"Ang hirap talunin ni Eloi." sabi nya habang nagpupunas ng pawis.

"Pero ikaw lang ang kaya syang sabayan." napatingin kami ni Janine sa likuran namin kung saan nanlalaro sa tabi si Monique ng cellphone nya.

"Kapag sinasabayan ko sya, mabilis akong napapagod." sabi ni Janine. "Kailangan ko na sigurong mag-jog sa umaga. Sabi ni Tita Torey, may mas magaling pa kay Eloi na nasa Dragon Empire."

"Yup!" tumingin kami kay Daily na dumating. "Si Kriza, kaya nga nung nalaman ni Eloi na nasa Dragon Empire si Kriza, nagsisipag na syang magpractice." sabi ni Daily habang nakatingin sa naglalaro na dalawa.

"Ohh minsan ko pa lang nakikita si Kriza." sabi ni Janine.

"Ang layo ba naman ng bahay ninyo sa siyudad." sabi ko. Natawa naman ng bahagya si Janine.

Halos pa probinsya na nakatira sila Janine kaya madalang lang namin sila bisitahin noon. Nagulat na nga lang ako na sasali sya ng Shakers at sa bahay namin sya titira. Masaya naman ako na makakasama ko sya ng matagal pero nakikisali naman sya kay Samantha sa pag-asar sakin kay Eloi. Manang mana talaga sa ina nyang mapang-asar.

"Oh? bumabagyo tapos nagpra-practice kayo dito." napatingin kaming lahat kay captain.

"Si Eloi lang naman yung nagpra-practice. Dinamay lang kami." sabi ni Monique.

Napangiti naman si captain habang nakatingin kay Eloi.

"Inaasahan ko kayong magiging champion kayo next year." sabi ni captain. "Ibalik ninyo ang championship sa Shakers."

"Pangako yan captain." sabi ni Janine. "Kapag hindi namin magawa 'yon, titigil na si Tyrant sa pagbuntot kay Eloi."

"Hoy bakit ako nadamay?" sabi ko kay Janine. Walangya ito mamaya matalo pala sila.

"Kapag nanalo kami, tutulungan ka namin ni Samantha mapasayo si Eloi." sabi nya. Natawa naman si Monique at Daily.

"Kahit tulungan ninyo yan, basted pa din sya." inirapan ko si Daily. Napakasupportive bwisit.

"Sumuko ka na kasi kay Eloi. Wala kang mapapala sa kanya." sabi ni Janine. Inirapan ko sila at tumayo.

"Bahala kayo dyan. Hindi ko pa din susukuan si Eloi. Matutunaw ko din yan." sabi ko at tumingin kay Eloi tsaka ako naglakad palabas ng gym.

Sisiguraduhin kong magiging patay na patay sakin si Eloi.



Zaparta's POV

Dalawang linggo na simula nung nakapagpahinga kami ng sobrang tagal dahil sa bagyo kaya naman binawian kami ni coach Ella sa training. Mas tumindi ang training namin dahil halos may mga bumibigay saming rookies. May nahihimatay at may hindi na kayang tumakbo. Kasama namin ang mga seniors sa training, mas mahirap ang pinapagawa sa kanila ni coach Ella.

Hindi ko lang alam kung ano ang nangyayari sa red team dahil hindi na din namin sila nakakausap sa sobrang pagod namin at wala din akong nakukuhang sagot kay Kriza kapag tinatanong ko. Sinimulan ko na kasi ang pakikipag-usap sa kanya kahit hindi sya sumagot. Nagkwe-kwento pa din ako sa kanya sa rest day kung ano ang ginagawa namin kapag magkasama kami sa kwarto. Buti nga hindi ako nilalayasan sa kakadada ko at alam kong nakikinig sya sakin kaya tinutuloy ko lang pero minsan, para akong tanga na nagsasalita na walang kausap.

Ngayon ay nasa sala kaming lahat. May ia-announce daw ang dalawang coach samin. Wala ding alam ang mga seniors kung ano ang sasabihin ng dalawang coach namin. Wala pa ang dalawa kaya naman nag-iingay ang mga tao dito. Ang lalakas mang-asar ng mga seniors. Mabuti na lang hindi nila ako dinadamay. Ang iingay talaga nila kapag nagsama sama na sila tapos idamay pa ang mga makukulit ding rookies, isa na don si Marceline. Ka-vibes na ka-vibes kasi ni Marceline ang mga seniors. Inaasar ko nga sya noon na kaya lang sya nakapasa dito dahil may hatak sya sa mga seniors.

Dumating na ang dalawang coach namin kaya natahimik na sila. Nakangiti samin ang dalawang coach.

"Okay girls, pack your things dahil pupunta tayo ng Palawan, two days from now." nakangiting balita ni coach Avey. Madaming nagdiwang at naghiwayan dahil sa balita ni coach Avey. Tuwang tuwa sila na halos naghampasan na sila ng unan ng couch.

Napansin ko naman na si Stace, Lyte at Jacky ang hindi nakikigulo sa mga seniors tapos kami naman nila Kriza, Faith at ako ang hindi. Nakangiti si Stace at Lyte tapos yung tatlo ay poker face lang.

"Pero alam ninyong mga seniors na hindi bakasyon ang ipupunta natin doon." sabi ni Lyte. Napatigil naman ang mga rookies dahil sa pagtataka. Hindi ako nagtataka dahil nasabihan ako ni Ate Zoe tungkol sa training sa ibang lugar. Sa panahon nila sa Boracay daw sila pumunta.

"Kahit na, two days naman ang rest day natin don." sabi ni Rian.

"Wait, teka." napairap ako kay Marceline dahil nag-english na sya, nagtagalog pa sya. "Training ang ipupunta natin sa Palawan?"

"Malamang." sabi ni Jacky.

"Ehhhh!!" mahabang sabi nila.

"Sabi ko nga, two days naman ang rest day doon tapos one day lang ang training kaya okay lang. Sulit pa din." sabi ni Rian.

"Pwede na!" sabi ni Lulu.

"So ngayon, hahayaan namin kayong umuwi sa inyo at magkikita kita na lang tayo sa airport sa araw ng pag-alis para makadala kayo ng mga gamit ninyo na hindi ninyo nadala dito. Like, swimsuit." sabi ni coach Ella.

"Ayos!" nagdiwang ulit sila.

"Oh sya, maghanda na kayo, sabay-sabay na tayong pupunta sa Manila." sabi ni coach Avey kaya naman agarang umalis ang mga kasamahan namin papunta sa mga kwarto nila.

Tumayo na ako mula sa pagkaupo ko. Tumingin ako kay Kriza dahil hindi pa sya tumatayo.

"Zap." napatingin ako kay coach Avey. "Usap tayo saglit." sabi nya at lumabas ng dorm.

Tumingin ako kay coach Ella kung may alam ba sya sasabihin ni coach Avey sakin pero umiling lang ito. Naglakad na ako palabas ng dorm. Hinanap ko si coach Avey. Nakita ko sya na naglalakad. Mabilis na humabol ako sa kanya. Nang makahabol ako sa kanya ay hindi muna sya nagsalita. Nakarating kami sa isang malaking puno. Medyo may katandaan na ang puno.

May napansin din ako sa puno. May mga nakaukit doon. Tinignan ko lahat 'yon. Mga pangalan na nagtraining dito. Nandito ang ilan na sikat na player ng Dragon Empire at kasama na nakaukit ang mga kasintahan nila ngayon. Nakita ko ang pangalan ni Tita Kill at coach Avey. Napangiti ako nang makita ko ito.

"Alam mo ba? lahat ng mga nagsusulat ng pangalan dito kasama ang mahal nila, sila ang nakakatuluyan sa huli?" sabi ni coach Avey.

"Oo nga eh. Ang sweet naman, niligay nila ang pangalan nila dito. Dito sa camp nabuo ang pagmamahalan nila." sabi ko.

"Pero alam mo bang hindi alam ng kasintahan nila na may inukit pala noon ang kasintahan nila dito." tumingin ako kay coach Avey na naguguluhan. "For example, ikinuwento lang sakin ni Kill ito kaya alam ko. Nag-ukit si Kill ng pangalan nya at pangalan ko dito." sabi nya at hinawakan ang parte ng puno na may pangalan nila. "At hindi ko alam 'yon. Nalaman ko lang ito nung napasyal ulit ako dito. Katulad ni Kill ang mga taong nag-ukit dito. Nakakatuwa lang dahil lahat ng mga inuukit dito ay sila ang nagkakatuluyan. Kaya naman tinawag na itong Love Tree."

"Wow." manghang sabi ko. "Meron kaya sila Ate Zoe dito?" sabi ko at hinanap ang pangalan nila.

"Hindi mo makikita ang pangalan nila." sabi ni coach Avey.

"Ay, wala." sabi ko at tinigil na ang paghahanap.

"Wala ang pangalan nila pero may inukit si Alexa dito." sabi nya at pumunta sa likuran kaya naman punta ako sa likod. May mga nakaukit din. "Ang niligay ni Alexa dito ay alphabet." sabi nya at trinace ang alphabet pababa. "A to Z. Alexa to Zoe."

Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ng malapad. "Ang sweet!" mahal na mahal talaga ni Ate Alexa si Ate Zoe. Kinikilig talaga ako sa kanila.

"Nag-ukit din dito si Stace." sabi ni coach Avey at tumingin sa bandang itaas. Napatingin din ako. Nakita ko ang StacexJacky.

"Sabi na may something yung dalawa eh." sabi ko.

"Ikaw? bakit hindi mo itry iukit ang pangalan mo at ni Kriza." nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Coach wala akong gusto kay Kriza ah." sabi ko. "Tsaka may boyfriend sya ah?" pambihira talaga ang mga 'to, purkit close na close lang kami ni Kriza noon.

"Hindi ka naman mabiro." sabi nya at natawa. Napanguso naman ako dahil ang lakas talaga mangtrip ni coach Avey. "Pero natutuwa ako dahil kinakausap mo si Kriza kahit hindi ka nya sinasagot."

"Gusto ko na po kasing magkaayos kami. Ang hirap kasi na may kaalitan lalo na palagi kaming magkasama." sabi ko. 

"Magkakaayos din kayong dalawa. Matagal nga lang. Wag mo sanang sukuan ang anak ko. Gusto ko na din magkaayos kayong dalawa at gusto ko na din bumalik ang dating Kriza. Ang hirap din kasing kausapin ang isang 'yon. Namana sa isang ina nya ang pagiging cold nya." sabi nya at napailing. "Kung kailangan mo ng tulong kay Kriza, wag kang mahiyang magsabi sakin. I'm willing to help you."

"Thanks coach." sabi ko at niyakap sya.

"Ayaw mo talagang iukit ang pangalan nyo?"

"Coach."

Hay nako talaga.



--------------------

Continue Reading

You'll Also Like

70.4K 7.3K 53
The story starts from the time Shivaay and Annika get married the first time. Both Shivaay and Annika are trying to view their relationship from the...
682K 53.5K 110
The story revols around three friends. Manik, nandini and Aditya. Nandini and Aditya are siblings.Due to certain mishaps nandini has to move away to...
2.7M 38.9K 65
"You want daddy to f*ck you, hard and rough then reward you with his c*m, is that it, little slut?!" "Yes, Daddy" * MONALISA I thought I had a probl...
18.6K 340 21
Mason was the Jock that everybody loved perfect skin, perfect girlfriend,perfect family, perfect life!. Carter was the person that everybody hated no...