I Love You, ARA

By JFstories

27.2M 695K 789K

Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with cauti... More

✞DOCUMENTARY✞
--
c
UNO✞
DOS ✞
TRES✞
KUWATRO ✞
SINCO ✞
SEIS ✞
SIETE ✞
OCHO ✞
NUEVE ✞
DIES ✞
ONSE✞
DOSE✞
TRESE✞
KATORSE✞
KINSE✞
✞DISI SAIS✞
DISI-SIETE✞
DISI-OCHO✞
BENTE✞
BENTE-UNO✞
BENTE-DOS✞
BENTE TRES ✞
BENTE-CUATRO ✞
BENTE-SINCO ✞
BENTE-SEIS ✞
EPILOGUE✞
Ara pastel art
xxx

DISI-NUEVE✞

488K 18.1K 9.4K
By JFstories


DISI-NUEVE✞

[ START ]

ROGER's POV


Pakiramdam ko, ang oras ay huminto. Ito na siguro ang pinakamatagal na segundo ng buhay ko. Kasabay ng pagpatak ng pawis ko ang pagtulo ng luha ko. Napahagulgol ako.
Putangina! Mamamatay na ako! Ito kasing killer – nasa likod ko.

Nablangko ang isip ko, nanginginig ang aking katawan.
Papatayin niya ako ng walang kalaban-laban.

Pero hindi! Lalaban ako! Babae lang siya at lalaki ako. Buong lakas akong pumihit. Iyong garapong hawak ko, pinaghahampas ko.

Ngunit wala akong tinatamaan. May napupukol ako pero hangin lang.
Madilim – wala naman yung killer sa aking likuran.

Napakalalim ng aking paghinga.

Tangina! Akala ko mamamatay na ako!

"Roger!" Sigaw ni Ka Pineng mula sa sasakyan. Pero hindi naman yun umaandar.

Nakakapagtaka. Tapos napalingon pa rin ako sa paligid. Madilim. Nasaan yung killer? Awtomatikong gumalaw ang aking paa paatras. Natalisod pa ako at napaupo pero pinilit kong tumayo. Nangangatog pa rin ako.

Halos pagapang kong tinakbo ang sasakyan na tinulak ko. Nasa loob non si Ka Pineng. Nasa passenger's seat siya.

"Ikaw na ang magmaneho!" Sigaw niya.

Wala ako sa sarili. Pilit ko pa ngang kinakapa ang mukha ko kung buhay pa ba ako. Pagkatapos ay mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar yun. Umaandar naman ah. Bakit kanina ayaw? Napaharap na naman ako sa rearview mirror.

Napalunok ako.

Sa likod na sasakyan!

Iyong killer – nasa likod at nakatanaw samin at may hawak na martilyo.

Hindi na ako nag-isip pa. Pinaharurot ko ang sasakyan papalayo. Ni hindi ko nga alam kung saan na kami nakarating. Basta nagmaneho lang ako hanggang sa makalayo.

Samantalang si Ka Pineng ay walang kaimik-imik sa tabi ko. Pero panay ang tingin niya sa akin. Iyong pag-iyak ko kasi, naroon pa rin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na buhay ako. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Ganito pala ang pakiramdam ng muntik ng mamatay.

Pagkatapos nga non ay dumeretso na kami sa pinakamalapit na police station dun. Hindi ko nga alam kung naiintindihan ko pa yung mga tanong ng mga pulis sa akin eh. Lutang kasi ang isip ko at tulala parin ako. Wala pa rin ako sa sarili pero nakapagbigay ako ng salaysay.

Ang dami kasing tanong sa isip ko. Bakit hindi niya ako pinatay? Bakit hinayaan niya akong mabuhay?

Maya-maya ay rumesponde na ang mga kapulisan patungo sa lugar na iyon. Gusto ko sanang sumama pa pero parang hindi ko na kayang bumalik sa bahay na yun. Pakiramdam ko tuloy, mababaliw ako. Dalawang tao ang namatay sa harapan ko. Ilang multo ba ang nakita ko?

Nakatulog pala ako sa sasakyan. Narito pa rin kami sa estasyon ng pulis. Bumungad sa akin si Ka Pineng. "Roger, okay ka na ba?"

Tumango lang ako. Maliwanag na pala. Kinuha ko ang CP ko. Finally! May signal na ako. Kinontak ko agad si Isko ngunit hindi pa rin ito sumasagot.

"Shit!" Naibato ko yung cellphone ko. Bakit ba kasi hindi na nagparamdam itong si Isko? Isang gabi rin namin siyang hinintay sa hotel na pinag-usapan namin bago kami lumarga sa dating bahay ni Clarisse na asawa ko. Pero hindi ito dumating at nagpakita. Siguro kung kasama lang namin siya, baka napatay namin yung killer. Kahit papaano kasi ay marunong sa hand combat si Isko at alam nito mamaril.

Napabaling ako sa backseat ng sasakyan. Nakakita ako ron ang isang redwine. Katabi non ay naroon ang coat ni Ka Pineng. "Saan galing 'yan?"

Tiningnan din yun ni Ka Pineng. "Nakita ko yan sa bodega kanina nung nandun pa tayo kaya kinuha ko."

Kinuha ko iyon. "Fonseca 1983. Rare ang wine na ito, ah..."

"Vintage Port sa Portugal. Marami nyan dun sa bahay na iyon. Pero karamihan ay basyo na lang." Nakangiti sa akin si Ka Pineng.

Nangunot ang noo ko. "Bakit mo kinuha ito?"

Inginuso niya yung coat niya sa backseat. "Kunin mo yun."

Kinuha ko naman.

"Kapain mo 'yung bulsa."

Kinapa ko ang pocket nito sa loob. May nakuha ako dung botilya. "Ano ito?"

"Cyanide. One of the fast killing and lethal poison."

Napatapik ako sa noo ko. "What do you mean? Magpapakamatay tayo?"

Humugot muna nang malalim na paghinga si Ka Pineng. "Sa tingin ko Roger, ginawang base ng killer ang dating bahay nila Clarisse," tumingin ito sa akin. "Meron akong nabubuong plano kung paano natin siya matatalo." Pagkatapos ay ipinaliwanag niya sa akin ang plano.

Bigla akong napipilan nang matapos niyang ipaliwanag sa akin ang plano niya. Natutop ko ang aking sariling bibig. "Jesus! Seryoso ka ba diyan?"

Tumango siya. Kita ko sa kanyang mga mata na desidido siya.

Napayuko ako. Totoo kaya ang lahat ng sinabi niya? Hindi pa rin ako makapagsalita. Sana nga magtagumpay ang plano naming ito. Ayokong tutulan iyon pero ayaw ko ring sang-ayunan. Buhay kasi ang nakataya doon. Bumaling na lang ako sa ibang bagay. Kinapa ko ulit itong coat niya. May nakapa ako rong garapon.

Napatingin ako sa kanya. "Nakuha mo si Ara?"

Tumango ulit siya sa akin habang nakangiti.

Muntik ko na siyang mayakap. Sa wakas, makakausap ko si Ara.

Pagkatapos non ay ako naman ang humugot sa aking coat. Kinuha ko run ang photo album na napulot ko. Parehas kaming napatingin dun. Luma na ang mga picture dun maliban sa picture ni Roli at Laurie. Narun din ang anak nila na pamangkin ko. Sa kasamaang palad, hindi pa rin natatagpuan ang mag-ina ni Roli. Basta na lang naglaho ang mga iyon.

Nasaan na kaya si Roli? Akala ko siya ang killer, mukhang hindi pala. Babae kasi ang nakita ko. Posible rin kayang ang babae iyon ang dahilan ng pagkawala ng asawa ko at ng iba pa?

Habang binubuklat pa namin ang photo album, sa likod non ay may mas lumang mga larawan. Naroon na naman ang picture ni Clarisse nung nasa ika-labingwalong taong gulang pa lang ito. At naroon din yung kasama niyang babae na hindi ko naman kilala. Lagi niya itong kasama at katabi sa mga pictures. Halos kasing edad niya lang ito, pero mas payat. Saka sa lahat ng pictures na kasama ito ni Clarisse ay nakapagtataka na palaging nakaupo ang babae.

"It's odd." Sabi ni Ka Pineng habang nakatingin sa mga picture na tinitingnan namin.

"Bakit?" Tanong ko.

©JFstories

"Hindi mo ba napapansin? Itong babaeng laging kasama ni Clarisse, sa lahat ng kuha nila, lagi itong nakaupo."

Pinakatitigan ko. Oo nga! Wala itong kuha na nakatayo ito. Bakit kaya? Ibinalik ko na sa aking bulsa itong photo album. "Magtatanong-tanong ako sa loob since narito na tayo kung may alam sila sa pamilya ng mga Villaverde. Baka ito na ang sagot sa matagal na nating mga tanong."

Pagkuwan ay bumaba na nga ako ng kotse. Ngunit hindi pa man, tinawag ako ni Ka Pineng. Nilingon ko siya. Nakayuko lang siya. "Naiwan ko sa bahay niyo yung shoulder bag ko. Sa loob non, may notebook. Diary ko yun. Pwede mo bang pakibigay yun kay Justine, iyong anak ko?" Napatikhim siya. "Nasa likod ng notebook na iyon ang address niya sa Manila."

Napailing na lang ako. "Bakit mo ibinibilin sa akin ito?"

"Wala lang. In case na may hindi magandang mangyari sa akin."

Napangiti ako at nilapitan ko siya. "Walang mangyayari sa atin."

Nagbago ang mukha niya. "Sa tingin mo Roger, sino ang killer?"

Tinanong niya ako non dahil halos nagkalapit kami nung babaeng iyon. Napapikit ako bago ako magsalita. Ayaw ko kasing sabihin ito. "Sa tingin ko, si –

– Mrs. Ocampo."


Nanalaki ang mga mata niya. "Paano mo nasabi?"

Napakurap ako. "Hindi ko alam... may palagay lang ako." Hindi ako makatingin sa kanya. "Kung katawan nito ang pagbabatayan, eh –" Natigilan ako.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Ewan! Magkasing katawan kasi sila ni Clarisse, eh!" Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit ko ba iniisip ito? Kung sino pa yung mahahalagang tao sa buhay ko, sila pa 'yung pinagdududahan ko.

"Mukhang may something din sa inyo ni Mrs. Ocampo, ah..." Bumaling sa iba ang kanyang paningin.

Mahabang kwento na ayaw ko ng sabihin. Lumalim ang tingin ko sa kanya. "Malalaman din natin ang totoo."

Tumingin siya sa akin. "Basta ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa anak ko." Iniba niya ang usapan.

Nagkibit-balikat na lang ako at iniwan ko na siya.

Pumasok ako sa police station na kaharap lang ng sasakyan namin. Doon ako nagtanong-tanong tungkol sa mga Villaverde, ang pamilya ni Clarisse. Pero wala namang makasagot sa mga tanong ko.

Hanggang sa may lumapit sa aking isang pulis. "Ako, baka matulungan kita?" Tawagin ko na lang daw SP01 Arthur o Arthur na lang. May edad na siya at nanay daw niya ang isa sa mga naging tagapagbantay ng bahay na iyon.

"Masasamahan mo ba ako sa kanya?"

"Pwede kitang dalhin sa bahay ko para makausap mo siya. Kaya lang, tumawag na si chief." Bumuga ito ng hangin. "Naroon sila sa dating bahay ng mga Villaverde."

Bigla akong kinabahan. "Nakita ba nila yung dalawang bangkay?"

"Tatlong bangkay ang nakita nila."

Namilog ang mga mata ko. "Ha?"

"Ang mabuti pa, sumama ka sa amin to see it yourself."

Sumang-ayon na lang ako. Marami naman kami at puro pulis ang kasama ko. Agad kong pinuntahan si Ka Pineng sa sasakyan. Ang kaso bigla siyang nawala. Saan kaya nagpunta iyon?

"Mr. Santos, let's go!" Sigaw sa akin ni Arthur.

"Sandali! Hinahanap ko lang yung kasama ko."

Nangunot ang noo ni Arthur. "Mr. Santos... wala kang kasama. Ikaw lang mag-isa ang pumunta dito sa station namin."

"Ha?"

"Halika ka na!" Kinabig na ako ni Arthur papasok ng sasakyan.

Habang nasa biyahe ay tulala ako. Hindi ba nila nakita na kasama ko si Ka Pineng? Hanggang sa narating na nga namin ulit itong dating bahay ni Clarisse. Maraming pulis dun at ilang reporters. Tinungo agad namin ang kinalalagyan ng mga bangkay. Tatlo nga ito, nakahilera. Nakabalot ito sa corpse bag.

Una nilang binuksan yung unang bag. Bumungad sa akin ang mukha ni Fin. "Kilala mo ba ito?" Tanong sa akin ni Arthur.

Hindi ako makatingin pero tumango ako.

Binuksan ang pangalawa – Si Cary.

Pagkatapos, marahang binuksan yung pangatlo.

Dito ako napaatras. Napaluha ako.

Napatigagal ako sa patay na 'to.

Imposible! Ako'y napailing.

Totoo ba ito o bangungot lang din?

Kanina lang kasi nagbilin pa siya sa akin.

Lumapit ako dito at sinipat ng tingin.

Ang bangkay na ito ay si –

Ka Pineng...

[ A novel by Jamille Fumah ]

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 677 33
We don't know who is destined for us at some time in our lives. We occasionally meet at inopportune times. Gio is a well-known celebrity and Standfor...
81.5K 628 5
One shot: Break rules. First published under (c) 2012-2013 lalice0610 uncivilized stories. Edited version published under (c) 2015-2016 lalice0610 ci...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...