THE BILLIONARE SON ( COMPLET...

By munchyxxxmunch

3.1K 131 11

"Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory" More

PANIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
Chapter 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
FINAL CHAPTER

CHAPTER 19

45 2 0
By munchyxxxmunch

ZANDY'S POV

"Salamat yohan sa pagsama ha."- Pasasalamat ko sakanya ng maihatid nya na ako sa bahay.

Galing kaming doctor at sinamahan nya ako magpacheck up. Si mama kasi masyadong mapilit na magpacheck up ako kahit lagnat at ubo lang naman ang nararamdaman ko.

Pagkahatid kasi saakin ni Yohan kahapon ay nabanggit nya kay mama na may sakit ako kaya ayon aligaga nanaman si mama. Para hindi nalang sya mag alala ay sinunod ko na lamang ang gusto nya at nagvolunteer naman si Yohan na sya nalang ang sasama saakin magpachek up.

"Wala yun."nakangiti nyang sagot. "Basta magpagaling ka na."

"Magaling naman na talaga ako O.A lang si mama." -Natatawa kong saad.

"Hayaan mo na, nag aalala lang yun saiyo at mabuti na rin ang nakakasiguro." -Yohan.

"Oo na! Sisermunan mo nanaman ako eh." -Zandy.

Ngumiti naman ito saakin at ngumiti na rin ako sakanya pabalik.

"Oh paano mauna na ako." -Yohan.

"Sige. Ingat ka at salamat ulit." -Zandy.

"Sige." Nakangiti nyang sagot saka pinaandar nya na ang motorsiklo nya at umalis. Tinanaw ko na lamang sya habang papalayo hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

Tumalima na ako para pumasok sa bahay ngunit natanaw ko si Llander na nakatingin saakin mula sa may bintana nya. Napakaseryuso nanaman ng itsura nya pagkatapos inirapan nya ako at umalis na sa may bintana.

"Ano bang problema nya? Ang weird nya na lately." -Zandy.

Wala naman kasi ako ginagawa sakanya tapos kung makatingin saakin parang may ginawa ako mali sakanya.

Napailing na lamang ako at tuluyan ng pumasok sa bahay. Yung mga kaibigan nya nakita kong muli kanina, siguro dinalaw sya. Yung isa nyang kaibigan masyadong presko at mabulaklak magsalita at mukhang bolero. Sya yung Carlo, natatandaan ko kasi yung pangalan nya. Kung sabagay mukhang pareho naman sila nong isa nya pang kaibigan.

"Oh anak kamusta na yung check up mo?"- Tanong saakin ni mama ng makapasok ako ng bahay.

"Okay naman po ma sabi ni Doc ubo lang daw yun saka lagnat. Binigyan nya na ako ng gamot para doon." -Zandy.

"Ay mabuti naman kung ganon. Oh sya sige akyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka nalang." -Mama.

Tumango nalang ako sakanya at tumungo na nga ako ng kwarto.

《 MONDAY MORNING 》

Kanina pa nag start ang klase ngunit walang Llander na dumating in short absent sya ngayong araw. Saan naman kaya sya nagpunta? Kahit pasaway yun hindi naman yun uma'absent.

Napatingin ako kay Erickson na ngayon nagsusulat. Kinalabit ko sya para tanungin kong nasaan si Llander. Lumingon naman sya saakin pagkatapos ko syang kalabitin.

"Bakit?" Nakangiti nyang tanong.

"Ah, itatanong ko lang kung nasaan si Llander at bakit hindi sya pumasok. Alam mo ba kung bakit?" -Zandy.

"Naku! Hindi eh. Wala naman sya nabanggit saakin baka tinamad lang yun. Bakit namiss mo na ba?" Mapanukso nitong tanong.

"Hindi ah, ikaw talaga puro ka kalokohan. Hindi pa nya kasi tapos ang pinapagawa ko sakanya kaya ko sya hinahanap." -Zandy.

"Ahhh" tumango tango naman ito.

Pumasok na ang next teacher namin kaya natahimik na kami at nagfocus nalang sa lesson.

《 KINAHAPUNAN 》

"Zandy! Mica!!"

Sabay kaming napalingon ni Mica sa may likuran at nandoon si Krystal na nakatayo sa di kalayuan namin pagkatapos kumaway saamin. Napangiti nalang ako pagtapos lumakad na sya palapit saamin.

"Pauwi na ba kayo?" -Krystal.

"Oo. Akala ko hindi ka sasabay.?" -Zandy.

"Hindi kasi pumasok yung prof namin sa last subject kaya maaga kami nadismiss. Tara na?" -krystal.

Tumango naman kami n Mica at sabay sabay na nga kami naglakad palabas ng school.

"Teka, wala ka bang sundo ngayon zandy?" -Mica.

"Sundo? Sino?" -Zandy.

"Sino pa edi si Yohan diba madalas ka nyang sinasabay?" -Mica.

"Ah, wala naman sya sinabi na isasabay nya ako ngayon." -Nakangiting sagot ko.

"Oo nga palagi nalang kayo nagsosolo palagi nalang kayo ang sabay sa pag uwi. Parang nakalimutan nyo na ako." -May halong pagtatampo na saad ni Krystal.

Nilapitan ko naman ito at inakbayan.

"Ikaw naman masyado kang matampuhin. Sympre hindi ka namin nakakalimutan sige sasabihin ko kay yohan na ikaw naman ang isabay sa susunod." -Zandy.

"Joke lang, ito naman okay lang yun." Nakangiti nya ng sabi.

Nginitian ko nalang sya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pagkalabas namin ng gate ay sumulpot naman si Yohan. Tinanggal nya ang helmet nya at ngumiti saamin.

"Wow! Ikaw ba yan Yohan? Ilang araw lang tayo di nagkita nagbago ka na ng itsura. Nagmukha kang tao." -Krystal.

"Bakit mukha ba akong hayop dati?" -Yohan.

"Hindi ako ang nagsabi nyan ikaw." Panunukso dito ni Krystal.

"Aist!" Singhal dito ni Yohan pagkatapos sinamaan nya ito ng tingin saka binaling nya yung tingin nya saakin.

"Zandy sabay ka na saakin, ihahatid na kita." -Yohan.

Siniko naman ako ni Mica saka sya bumulong.

"Ihahatid ka daw ulit girl, baka iba na yan ha." -Mapanuksong ngiti ang binigay nya saakin.

"Sira ka talaga." - saway ko sakanya.

"Bakit si Zandy lang ang ihahatid mo hindi mo manlang kami aayain ni Mica na sumakay jan sa motor mo?" -Krystal.

Napakamot naman sa ulo si Yohan.

"Hindi tayo kasya." -Yohan.

"Sige na nga lumayas na kayong dalawa." -Krystal.

Natawa nalang ako dahil sa inaasta ni Krystal para kasi syang nagtatampo.

"Ano na Zandy tara na?" -Yohan.

"Ah---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may humarorot na sasakyan at pumarada sa harapan namin. Isang red na car na masasabi mong sports car iyon at open ang bubong nito kaya kita ang lalaking sakay nito. Naagaw nya ang atensyon ng mga studyante at nagsimula nanaman magkumpulan at magbulungan.

Dahan dahan lumingon ang taong nakasakay doon at tumingin saakin. Tinanggal nya ang suot nyang shades at nakumpirma ko na si Llander iyon. May highlight na yung buhok nya at bagsak na rin iyon na bumagay sa kaputian nya. Nagmukha tuloy sya foreigner sa itsura nya.

Bumaba sya ng sasakyan saka naglakad patungo saamin. Para naman tumahimik ang paligi at wala ako ibang ginawa kundi ang mapatitig sakanya habang naglalakad palapit saamin.

Nakasuot sya ng white na long sleeves na nakatupi hanggang siko at bukas ang isang butones non at nakashort sya'ng maong na kulay gatas saka nakarubber shoes. Mukha syang modelo sa itsura nya at mukha syang magbebeach.

"Oh lalala." -Dinig kong bulong ni Mica.

"Shit! Ang gwapo." - krystal.

Tumigil sya sa may harap namin at tumingin saakin ng seryuso at para din naman namagnet ang mata ko sakanya. Diyos ko yung puso ko bumibilis nanaman ang tibok. Anong gagawin ko?? Bakit kasi ang gwapo nya. Yan ba ang ginawa nya kaya wala sya kanina kasi nag ayos sya ng sarili.

"Get in!" -Maawtoridad nya'ng saad.

Napanganga naman ako sa sinabi nya at walang salitang lumabas sa bibig ko.

"Girl get in daw."- Bulong saakin ni krystal.

"Ha? Ah-- kasi--"- Zandy.

Para nanaman syang naasar at nabigla ako sa ginawa nya. Hinablot nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sasakyan nya at pwersahang pinasakay.

"Awwww" bulungan ng mga tao.

Umikot sya at pumunta sa driver seat saka nagseat belt. Bigla naman syang napatingin saakin at napaiwas ako ng tingin pagkatapos bigla nalang nya nilapit ang mukha nya saakin. Amoy ko tuloy ang mabangong perfume na gamit nya.

"A-nong gina-gawa mo.?"- mautal utal kong tanong. Kasi naman hindi pa kumakalma ang puso ko.

Hindi nya ako sinagot bagkus nakatingin lang sya saakin. Nakakaawkward kasi ang lapit ng mukha nya. Isang inches nalang mahahalikan nya na ako. Napalunok ako at iniwas ko yung tingin ko sakanya.

Naramdaman ko nalang may ikinabit sya saakin at ang seatbelt yun saka sya lumayo. Napahinga naman ako ng maluwag ng lumayo na sya at pakiramdam ko ang init init ng mukha ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko at nakangiting nagbabye si krystal at Mica habang nakatingin lang saakin si Yohan.

Naramdaman ko nalang na In'start nya na yung sasakyan at pinaharurot nya iyon paalis na parang nagmamadali.

Pagkalipas ng ilang minuto nya pagmamaneho itinigil nya ang sasaknya sa gilid ng kalsada kung saan tanaw ang dagat. Bumaba kami ng sasakyan at sumandal sya sa gilid ng sasakyan saka nag cross arms.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya kasi ang layo ng tanaw nya. Mula kanina hindi pa sya nagsasalita.

Napabuntong hininga nalang ako at tumabi sakanya at sinamahan sya tumanaw sa papalubog na araw.

Sobrang tahimik at tanging hampas ng alon ang naririnig ko. Nakakaawkward tuloy dahil hindi sya nagsasalita at wala naman akong sasabihin para pag usapan namin.

Bigla nalang syang umalis sa tabi ko at pumasok ng sasakyan at may kinuha doon saka sya bumalik at napatingin ako sa hawak nyang chucky. Tinignan ko naman sya at tinusok nya yung straw sa chucky.

"Oh!" Sabay abot nya saakin ng chucky

Wala naman akong nagawa kundi tanggapin yun. Tumabi na sya muli saakin at nagsip ako sa chucky na binigay nya.

"Ang hilig mo sa chocolate." - wika ko, pansin ko kasi ang hilig nya sa matatamis.

"Hindi mo ba alam na ang matatamis ay nakakatalino." -Llander.

Napatingin ako sakanya saka tumingin naman sya saakin.

"Kung ganon bakit hindi ka matalino?" Pang aasar ko sakanya.

Pinagtaasan nya naman ako ng kilay na ikinangiti ko.

"Hey!" Nagsasalubong nyang kilay na singhal saakin.

Nginitian ko lang sya saka iniwas ko  muli ang tingin ko sakanya at tumanaw nalang ulit sa dagat saka nagsip ulit ako ng chucky.

Ilang saglit ulit naghari ang katahimikan saaming dalawa. Nagulat nalang ako ng bigla syang pumunta sa harapan ko at ikinulong nya ako gamit ang dalawang kamay nya na nakapatong sa ibabaw ng kotse nya.

Yumuko sya dahil ang tangkad nya. Naharangan nya na tuloy ang araw na tinatanaw namin kanina. Tinignan nya ako ng maigi na tila ba pinag aaralan ang mukha ko. Nakoconcious tuloy ako sa ginagawa nya.

"uy, anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong sakanya kasi ang lapit na ng mukha nya.

Hindi nya ako sinagot at mas lalo nya pa nilapit ang mukha nya saakin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napayuko ako at napahawak sa dibdib nya.

Pinakiramdaman ko kung ano ang gagawin nya. Naramdaman ko yung kamay nya na tumatapik sa likod ko at saka ko lang narealize ang posisyon namin, nakadikit na pala ako sa dibdib nya na parang yakap nya na ako. Kaya pala amoy na amoy ko yung pabango nya.

Napapikit ako saka dahan dahan na lumayo sakanya. Napatingin ako sakanya ng biglang nangati yung ilong ko.

"Aching!" Hindi ko napigilan nabahing ako. Napapikit ako dahil sa hiya.

"Hey! Mabaho ba ako?!" - saka nya inamoy amoy ang sarili nya.

"Hindi! Hindi!" Pagpapakalma ko sakanya at tumigil naman sya sa pag amoy sa sarili nya at tumingin saakin.

"Yung pabango mo kasi masyadong matapang." - Zandy.

"Matapang?!" -Llander.

"Hmm." Tumango tango ako bilang sagot.

Tumingin naman sya sa malayo at namewang. "Matapang ba yun? Mabango nga yun eh." Dinig kong bulong nya na ikinangiti ko. Gusto ko matawa sa itsura nya parang big deal sakanya yun pero pinigilan ko baka kung ano nanaman ang isipin nya.

"Hey!" Biglang sabi nya at tinuro pa ako na kinabigla ko.

"Hindi pa ako tapos sayo. ! May kasalanan ka saakin.!"- Llander.

"Kasalanan? Ano naman ang kasalanan ko sayo?" -Zandy.

"Bat ka ba sakay ng sakay sa motor ng lalaking yun?! Dimo ba alam na delikado ang sumakay sa motor. ! Wag ka ng sasakay doon ha.!" -Llander.

Sinesermunan nanaman nya ako at ginagawa nya yun habang tinuturo turo ako na parang pinapagalitan. Inirapan nya nanaman ako saka tumabi muli saakin at sumandal sa sasakyan.

"Mula ngayon saakin ka na sasabay." -Llander.

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nya.

"Ha??" -Zandy.

Tumingin naman sya saakin.

"Bingi ka ba? Sabi ko saakin ka na sasabay at ayokong nakikita kang sumasakay pa ng motor." Sabay irap nya nanaman saakin at namulsa.

"Ayoko. Kaya ko naman magcommute." -Saad ko.

Nilingon nya ako muli saka mabilis nyang pinitik yung noo ko.

"Aray ko.!" Sabay hawak ko sa noo ko.

"Ang tigas ng ulo mo.! Makinig ka saakin ha. Saakin ka lang sasabay at wala ng iba."- Llander.

"Bakit ba?" -Nakasimangot kong tanong.

"Ah basta! Wag ka ng madaming tanong!"- sabay iwas nya ng tingin.

Tinignan ko naman sya na nakasalubong ang kilay na nakatingin sa malayo at sumilay ang ngiti ko sa labi dahil sa naiisip ko.

"Llander?" Tawag ko sakanya.

Lumingon sya saakin na mukhang asar pa rin. "Ano?!"

Tumingin ako sa paa nya saka tumingin ako muli sakanya.

"Wag kang gagalaw. " tumuro ako sa may paa nya. "May ahas" pabulong kong sabi.

"Ano?!"-Llander.

"May ahas sa paa mo!" - Zandy.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mata nya.

"May ahas?! May ahas! Ahhhh!" Histerical nyang sigaw Sabay punta nya sa likod ko at napakapit sa braso ko at nagtago.

"Ayoko sa ahas! Takot ako sa ahas!" Tumalon talon sya sa likuran ko na tila takot na takot.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko at tumawa ako ng tumawa at halos maiyak na ako sa kakatawa dahil sa itsura nya at ginagawa nya.

Tumigil  sya sa pagtalon talon siguro narealize nya na pinagtitripan ko lang sya pagkatapos iniharap nya ako sakanya. Natatawa pa rin ako habang tinitignan ko sya na nagsasalubong ang kilay.

"Aist!" Naiinis nyang sigaw saka sinipa ang karton ng chuky na ininuman nya.

Para syang bata ngayon na nagtatantrums. Lumayo sya saakin at sinamaan nya ako ng tingin.

"Ang tapang tapang mo tapos takot ka sa ahas." -Natatawa ko pa rin sabi.

"Hey! Shut up!" Singhal nya saakin.

Tumahimik na nga ako at hindi ko na sya inasar.

"Umuwi na nga tayo!" -Llander.

Padabog sya pumunta sa driverseat at pabagsak na sinara ang pintuan. Napailing nalang ako at Sumunod na rin sakanya.

Pagkapasok ko ng sasakyan seryuso lang sya na nakatingin sa unahan. Mukha nga hindi nya nagustuhan ang pang aasar ko sakanya.

"Hmmmm. Sorry." Nakayuko kong saad.

Hindi sya sumagot kaya tinignan ko sya.

"Galit ka ba?" -Zandy.

Tinignan nya naman ako. "Wag mo yan ipagkakalat sa school kung hindi patay ka saakin."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya, nahihiya pala sya.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?!" -Llander.

Umiling iling naman ako.  "Wala. Sige na umuwi na tayo." Sagot ko.

Napabuntong hininga naman ito pagkatapos lumapit nanaman sya saakin para ikabit yung seatbelt ko pero pinigilan ko sya.

"Ako na!" -Zandy.

Napatigil naman sya at tumingin saakin.

"Aist! Fine!" Sabay layo nya saakin at napahawak na sa manibela.

Kinabit ko na nga ang seatbelt saka pinaandar nya na yung sasakyan.

Habang nasa byahe kami ay tahimik nanaman kaming dalawa at pansin kong pasulyap sulyap sya saakin.

"Magfocus ka nga sa pagmamaneho wag kang lingon ng lingon baka mabangga tayo." -Zandy.

"Wag kang mag alala magaling akong magmaneho."-Llander.

"Yabang mo." -Zandy.

Narinig kong Tumawa sya ng mahina kaya napatingin ako sakanya para ikumpirma kong tumawa nga sya at kita ko nga na nakangiti sya. Napatingin sya saakin ng nakangiti pagkatapos Bigla nya binawi ang ngiti nya saka sumeryuso ulit at tumingin na muli sa daan.

Binawi ko na rin ang tingin ko at tuningin nalang sa labas saka ako napangiti. Ang ganda lang kasi ng ngiti nya kaya sana palagi nalang sya nakangiti.

Sa buong byahe ay tahimik na kami hanggang sa makarating kami saamin. Inihinto nya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Ilang minutes ang lumipas at walang kumikibo saamin. Hindi ko din magawang magpaalam. Tinanggal ko ang seatbelt ko at sinimulan buksan ang pinto para makababa na ako ngunit bigla nya hinawakan ang kamay ko.

Humarap ako sakanya pagkatapos hinila nya ako at mabilis na dumapo ang labi nya sa labi ko.

Dug dug dug dug (heartbeat)

Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat at para bang nanghina ako at nakikisabay pa ang maingay kong heartbeat.

Biglang gumalaw ang lips nya kaya nawindang ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit pero napapikit na lamang ako at nakita ko nalang ang sarili ko na tumutugon sa halik nya.

SOMEONE' POV

《 1 HOUR AFTER THE KISS 》

Pabaling baling sa higaan si Zandy at hindi sya makatulog gawa ng nangyaring kiss nila ni Llander kanina. Napayakap sya sa unan at nagsasalita mag isa.

"Hindi naman ako ang unang humalik sya naman bat ako mahihiya? Dapat sya yung mahiya." -Zandy.

"Pero tumugon ka naman." -Isip nya.

"Aist!" Sabay bangon nya sa higaan at ginulo yung buhok nya.

"Bakit ka kasi nagpadala zandy? Dapat itinulak mo sya kasi mali yun. Mali yun zandy! Mali! Hayst!" Sermon nya sa sarili nya at nahiga muli na frustrated. Tumingala sya sa kisame at pinagmasdan ang butiki na tumatakbo sa kisame.

"Ano na ang gagawin ko bukas? Hay! " -Zandy.

Hinigit nya yung kumot at ipinantakip sa mukha nya.

《 LLANDER'S SIDE 》

Kakalabas lang ni Llander sa CR at galing sya maligo. Nagtutuyo sya ng buhok ng Napatigil sya saglit ng maalala ang halik kanina. Napahawak sya sa labi nya saka napasandal sa pader at napapikit habang nakangiti at pinipigilan ang kilig na nadarama.

"Hay!" Saad nya saka napahawak sya sa mukha nya habang nakangiti saka naglakad patungo sa kama nya habang iwinawasiwas ang mga kamay.

Pabagsak nyang inihiga ang katawan nya sa kama saka tumingala sa kisame habang hindi pa din nawawala ang ngiti nya sa labi.

Ilang minuto syang nakatingala sa kisame pagkatapos bumangon sya at kinuha sa bag nya ang review question na pinapasagutan ni Zandy sakanya.

Nagsimula sya magsagot at magsolve ng math problems. Hindi nya rin namalayan ang pagtakbo ng oras at inabot na sya ng malalim na gabi sa pagsagot ng pinapagawa sakanya ni Zandy. Napahikab sya at hindi nya napigilan ang antok at bumagsak nalang sya sa study table nya at doon na nakatulog na nakaupo.

LLANDER'S POV

TIK TILAOK! TIK TILAOK (Tilaok ng manok)

Nagising ako dahil sa tilaok ng manok. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at napabangon ako. Nakatulog nalang pala ako dito sa study table ko, pambihira.

Nag unat unat muna ako bago ko Niligpit  yung mga mga gamit na nagkalat sa table saka ako tumungo sa CR para maligo. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi at hindi ko nanaman mapigilan ang hindi mapangiti, napasipol tuloy ako habang naliligo.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Sinipat sipat ko ang sarili ko sa salamin saka dinampot ko ang susi ng sasakyan na nasa drawer sabay hagis ko nito paitaas at sinalo din iyon.

"Alright!" Sabay dampot ko ng bag ko at lumabas na ako ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan.

"Young Master gising ka na pala. Handa na ang almusal, kumain na muna kayo bago pumasok." Saad ni Mang pedring ng makasalubong ko sya sa living area.

Nginitian ko naman sya saka hinawakan sa balikat.

"Hindi na po. Sa school na ako kakain." Sabay tapik ko sakanya at para naman ito nastatwa sa kinatatayuan nya.

Tinapik kong muli ang balikat nya saka nagmamadali na akong lumabas ng bahay.

Tinungo ko ang sasakyan saka inilabas na iyon ng bahay. Ipinarada ko muna ito sa may tapat ng bahay namin at tinungo ang bahay nina Zandy. Sakto naman palabas ang nanay nya na may dalang bilao.

"Magandang araw po." Bati ko sakanya ng nakangiti.

"Magandang araw naman iho."-Lucille.

Tumingin tingin muna ako sa bahay nila, tinitignan ko kung nandoon si zandy.

"Ah, nanjan pa po ba si zandy?" -Llander.

"Si Anding?! Ay naku! Kanina pang umalis na alas sais. Maaga daw syang papasok kasi may tatapusin syang school work." -Lucille.

School work? Wala naman kaming assignment saka hindi naman sya gumagawa ng assignment sa school. Yung babaeng yun tinakasan nanaman ako.

"Ah ganoon po ba. Sige po mauna na din po ako." -Llander.

"Oh sige. Ingat ka din iho." -Lucille.

Ngumiti nalang ako sakanya at nagbow pagkatapos tinungo ko na ang sasakyan at pinaharurot yun paalis. Patay talaga sya saakin pag sumabay nanaman sya kay yohan.

《 SCHOOL 》

Agad kong pinark ang sasakyan pagkarating ko sa school saka ako naglakad patungo sa classroom.

Pagkarating ko ng room agad ko syang hinanap at agad ko naman syang nakitang nakapangalumbaba nanaman.

Naglakad ako patungo sakanya saka naupo ako sa upuan ko na nasa tabi nya. Sinilip ko sya at ayon tulog. Nahahawa na ata to saakin eh sa pagtulog sa classroom.

Hinawakan ko yung ilong nya at hindi ko yun binitawan hangga't  hindi sya nagigising.

Minulat nya na yung mata nya kasi hindi na sya makahinga. Hahaha.

"Hayst!" Sabay tapik nya ng kamay ko at napaayos ng upo.

"Hey! Bakit hindi mo ako inantay?! Diba sabi ko sayo saakin ka sasabay! Bat ka naunang pumasok. ?! Sumabay ka nanaman sa lalaking yun no!?"- Llander.

"Hindi!"- Zandy.

Nagulat naman ako sa inasta nya dahil sinigawan nya ako. Natahimik  kami pareho at nanatiling nakatingin sa isa't isa. Sya yung unang umiwas at pansin ko yung pamumula ng mukha nya.

Naalala ko tuloy ang kiss kagabi.

"Tungkol doon sa kagabi--"

"Sshhh!" Sabay lagay nya ng hintuturo nya sa labi ko kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Walang nangyari kagabi. Wag mo na ngang mabanggit banggit yun."-Zandy.

Napabuntong hininga na lamang ako saka hinawakan ko yung kamay nyang nasa labi ko at ibinaba iyon.

"Fine.! Hindi na."- Llander.

Hinigit nya ang kamay nya saakin at inirapan ako. Aba! Marunong na sya mataray ngayon but I like that. Napangisi ako at balak ko sya kulitin.

"Hey!" Sabay sundot ko sa tagiliran nya kaya napapihit sya na ikinangiti ko.

"Ano bang ginagawa mo?" -Zandy.

"Kasi ang sungit mo ngayon. Dahil ba yun sa kis--"

Mabilis nya tinakpan ang bibig ko ng kamay nya.

"Sinabi ng wag mong sasabihin yun baka may makarinig sayo." -Zandy.

Tumango tango nalang ako saka nya bilang pagsuko saka nya tinanggal ang kamay nya sa bibig ko tapos umayos sya ng upo.

Hindi ko na nga lang sya inasar at kinuha ko nalang ang sinagutan ko kagabi.

"Oh ayan! Nasagutan ko na yan lahat." Sabay lapag ko sa arm chair nya ng reviewer.

Tinignan naman nya yun saka tumingin sya saakin.

"Mamaya ko na ichecheck. " -Zandy.

"Okay. Sige kumain na muna tayo." Sabay tayo ko at hinila ko sya palabas ng room.

"Llander bitawan mo ako."-Zandy.

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ko sya.

"Hindi ako nagugutom ikaw nalang ang kumain." hinigit nya ang kamay nya at tumalikod pero hinarangan ko sya at nilagay ko ang isang kamay ko sa pader.

"Umalis ka jan." -Zandy.

"Ayoko nga. Kumain muna tayo." - Llander.

Umiling naman ito saka lilihis sana pero inextend ko yung paa ko para di sya makadaan.

"Alisin mo nga yang paa mo, nakakaharang ka sa mga dumadaan." -Zandy.

"Ayoko. Hanggat hindi ka pumapayag kumain tayo." - Llander.

"Hindi nga kasi ako nagugutom. May paa ka naman kaya mo naman maglakad mag isa papuntang canteen." -Zandy.

Tumingin tingin ako sa mga dumadaan pagkatapos nahiga ako sa dadaanan nya.

"Hoy! Tumayo ka nga jan! Nakakahiya ka!" -Natataranta nyang sabi dahil nagtatawanan na ang nakikita saamin at kinakantyawan sya.

"Ayoko! Kumain muna tayo."- Llander.

Sinamaan nya ako ng tingin saka napabuntong hininga at tinignan muli ako.

"Bahala ka jan.!"- Zandy.

Iniwan nya ako at naglakad pabalik ng room.

"Aist!" Sabay bangon ko at pinagtitinginan na ako ng mga studyante at ang iba pinagtatawanan na ako.

"Ayaw mo ng nakikiusap ha! "

Naglakad ako ng mabilis papunta sakanya pagkatapos hinarangan ko sya at mabilis ko sya binuhat na pang bride at napakapit sya sa batok ko.

"Kyaaahhh!!" Tili nya dahil sa gulat.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ng mabilis habang nagsisigawan na ang mga studyante. Yung ibang nasa room nagsilabasan na din dahil sa ingay.

"Llander ano ba! Ibaba mo ako.!" -Pagpupumiglas nya.

"Ayoko! " - Saad ko saka binilisan ko pa ang paglalakad.

Pinaghahampas nya ako sa dibdib.

"Aray! Wag kang malikot ihuhulog kita!"- Llander.

"Oo na! Sige na! sasama na ako. Ibaba mo na ako.!"- Zandy.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko sya.

"Totoo yan?"- Tanong ko sakanya na may halong pagdududa baka kasi tumakbo to.

"Oo na!"- Zandy

dahan dahan ko na nga sya binaba saka ko hinawakan ng mahigpit ang kamay nya baka tumakbo nanaman.

"Tara!" - at hinila ko na sya paalis.

YOHAN'S POV

"Zandy Mahal kita, matagal na sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita yun sayo. Zandy pwedi ba kitang ligawan?"

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Nandito ako ngayon sa CR at pinapraktis ko ang sasabihin ko kay Zandy. Balak ko kasing magtapat sakanya ngayon at dito ako sa CR nagrerehearse. Sinigurado kong walang makakarinig saakin kaya nilock ko yung pinto.

"Aist! Ano ba yan parang ang direct to the point naman. Hindi kaya sya mabigla non?"

Napailing iling nalang ako. "Bahala na."

Dinampot ko ang rosas saka nagdecide na lumabas ng CR. Wala ng atrasan to baka maunahan pa ako ng hinayupak na Llander na yun.

Naglakad ako patungo sa building nila na kinakabahan. Buong buhay ko wala akong ibang babaeng minahal kundi si zandy. Sya lang ang babaeng mamahalin ko at wala ng iba.

Pagkarating ko ng building nila tanaw ko ang madaming studyante na nagkukumpulan sa may hallway at nagtatawanan at nagsisigawan.

"Siraulo talagang Llander na yan haha."

"Kyaaahh! Ang sweet ni Llander. "

"Ako din buhatin mo !"

Ayan ang mga naririnig kong usapan ng mga studyanteng nadadaanan ko. Ano nanaman kaya ang ginawa ng hinayupak na yun?

Dali dali akong tumungo sa room  nila at nakipagsiksikan sa mga studyante ngunit nagulat ako dahil nakita kong buhat buhat ni Llander si Zandy at iyon pala ang pinagkakaguluhan nila.

"Aray! Wag kang malikot ihuhulog kita!"- Llander.

"Oo na! Sige na! sasama na ako. Ibaba mo na ako.!"- Zandy.

Ibinaba ni Llander si Zandy saka nya hinawakan ang kamay nito.

"Tara!" Sabay hila nya kay Zandy paalis sa crowd.

Napahigpit ang hawak ko sa tangkay ng rosas habang tinitignan silang palayo habang magkahawak kamay. Tinignan ko ang rosas na hawak ko saka ako tumalikod at tinapon iyon sa basurahan. Alam kong sya ang first love ni zandy at ngayong nagbalik na sya posible kayang bumalik na ang pagmamahal nya sakanya. ?

Isinuksok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko saka naglakad na ako palayo. Yung plano kong pagtatapat ay naudlot nanaman at hindi ko alam kung maipagtatapat ko pa nga ba sakanya itong nararamdaman ko.

ZANDY'S POV

Nandito kami sa Canteen ngayon dahil sa kalokohang ginawa nya kanina kaya ito wala akong choice kundi samahan sya dito baka kung anong kabaliwan nanaman ang gawin nya. Sa totoo naman kasi iniiwasan ko talaga sya kasi ayokong pag uspaan ang nangyari kagabi saka ayokong kasama sya ngayon kaya tinatarayan ko sya para wag syang dumikit saakin pero makulit sya masyado.

Nakatingin lang sya saakin at hindi naman sya kumakain. Andami nya pang biniling pagkain.

"Akala ko ba kakain ka? Bakit hindi mo pa ginagalaw yang mga pagkain?" -Zandy.

Kinuha nya ang spaghetti at nagsimulang kumain. Kung hindi pa sitahin hindi pa kakain.

Bigla sya tumigik sa pagkain tapos napatingin saakin. Tinignan nya ang tinidor na hawak nya na may laman na spaghetti saka itinapat nya saakin iyon.

"Ahhh!" -Llander.

Napatingin tuloy ako sa mga nakapaligid saamin dahil sa ginawa nya at karamihan nakatingin saakin.

"Ahh!!"- Ulit nya pero umiling iling ako.

Tumayo  ito at hinawakan ang mukha ko.

"Kain na kasi." Pamimilit nya saakin.

Napabuntong hininga nalang ako saka ko tinanggal ang kamay nya at kinain ko nalang ang sinusubo nya para tigilan nya na ako.

"Good girl." Nakangiti nyang sabi saka naupo ng muli sa harapan ko.

"Kumain ka nalang jan at wag mo na ako iintindihin. Nakakahiya na pinagtitinginan na tayo dahil sa ginagawa mo." -Zandy.

"Pinagtitinginan tayo dahil naiinggit sila sayo dahil ang gwapo ng kasama mo. You should be proud of it. " -Llander.

Napailing iling na lamang ako dahil medyo may kayabangan ang pagkakasabi nya non. Hindi pala mayabang nga ang pagkakasabi nya.

"Sige na tapusin mo na yang kinakain mo para makabalik na tayo sa room." -Zandy.

"Kumain ka na din. binili ko to para saatin dalawa. Samantalahin mo na dahil bihira lang ako maging mabait." -Llander.

Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sakanya.

"Aist! Ano gusto mo subuan kita?" -Llander.

Kinuha ko ang pansit at kinain na nga lang yun.

"Tss!" inis na wika nya saka kumain na muli.

"Nga pala ibigay mo saakin ang # mo." -Llander.

"Number? Anong number.?"- Zandy.

"Ano ka ba?! Anong number ba ang alam mo?! Sympre numero ng cellphone mo."- Llander.

Napakunot ang noo ko dahil galit nanaman sya.

"Wala ako non." - simple kong sagot.

"Anong wala? Taga taong bundok ka ba? Lahat ng tao ngayon may cellphone tapos ikaw wala." -Llander.

"Ano naman kasi ang gagawin ko sa cellphone? wala naman akong katext saka wala naman signal saatin." -Zandy.

"Kailangan yun para kung sakaling emergency may matatawagan ka!" -Llander.

"Anjan naman lagi si mama sa bahay hindi naman sila umaalis. Mabilis ko silang matatawag pag kailangan ko sila. Hindi ko na kailangan tumawag gamit ang cellphone sisigaw lang ako anjan na sila kaagad." -Zandy.

Napabuntong hininga naman ito saka napasandal sa upuan.

"Alam mo tapusin mo na yang kinakain mo at mamaya may pupuntahan tayo." -Llander.

"Saan?" -Zandy.

"Wag ka ng madaming tanong." -Llander.

Napasimangot nalang ako dahil sa kasungitan nya at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

《 MALL 》

Hatak hatak ako ni Llander papasok ng mall. Pagkatapos kasi ng klase dito nya ako dinala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito.

"Ano ba ang gagawin natin dito?" -Zandy.

"Sumunod ka lang." -Llander.

Wala na nga ako nagawa kundi ang sumunod kasi hindi nya naman binibitawan ang kamay ko.

Pumasok kami sa bilihan ng mga cellphone.

"Hi Ma'm! Hi sir!" Masayang bati saamin ng guard.

Nginitian ko naman ito at yumuko samantala si Llander hinila nanaman ako papasok.

"Mamili ka na."-Llander.

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nya.

"Pumili ka na.!" Ulit nya.

Tinignan ko naman ang presyo at ang mamahal kaya tinignan ko sya.

"Wag na. Hindi mo naman kailangan gawin yun." -Zandy.

Napabuntong hininga naman ito at hinila nanaman ako papunta sa may counter.

"Miss. Bigyan mo ako ng pinakalatest nyong model." - sabi nya doon sa sales lady.

"Sige sir saglit lang po. " -Sales lady.

Tumalima na yung sales lady at mga ilang saglit lang ay bumalik na yung sales lady at may dala na syang cellphone.

"Ito na po sir ang pinakalatest namin ngayon." -Saad ng sales lady saka binigay nya kay Llander yung fon.

Kinuha naman yun ni Llander at tinignan  pagkatapos binalingan ang sales lady.

"Sige kukunin ko." -Llander.

"Oy teka! Diba wala ka ng pera?" -Zandy.

"Sino naman ang nagsabi sayo na wala akong pera?!"- Llander.

"Ikaw, diba sabi mo noong nakaraan wala ka ng pera saka mukhang mamahalin yan kaya wag na." Turo ko doon sa cellphone.

"Tss! Wag ka ng maingay jan." Sita nya saakin saka binalingan muli ang sales lady.

"Kukunin ko na yan. Ito!" -Sabay abot nya ng card sa sales lady.

Binayaran nga nya ang cellphone at pagkatapos binigay nya na saakin.

Nagpindot pindot sya sa cellphone nya pagkatapos may tinawagan sya. Bigla nalang nagvibrate ang fon ko na ikinabigla ko pa. Tinignan ko ito pagkatapos tinignan ko sya.

Pinatay nya na ang call pagkatapos kinuha nya saakin ang fon ko at may pinindot doon.

"Ayan ah! May # ka na saakin." Sabay abot nya muli saakin ng cellphone.

Kinuha ko naman yun at tinignan ko yung speed dial at pangalan nya ang nandoon.

"Bakit ikaw yung nasa speed dial?" -Zandy.

"Bakit sino ba ang gusto mo?!"- Llander.

Napakamot nalang ako sa ulo.

"Sige na nga ikaw na." -Zandy.

"Pag nagtext o tumawag ako sayo sagutin mo kaagad ha.!" -Llander.

"Kapag may signal sympre doon ko yun masasagot. Saka magkapit bahay lang tayo hindi mo kailangan tumawag. Pwedi mo naman ako tawagin sa may bintana kung may kailangan ka." - Zandy.

"Aist! Ewan ko sayo! Andami mong alam. Halika na nga!" - Llander.

Hinawakan nya nanaman ang kamay ko at hinatak nya na nanaman ako paalis sa store na yun.








Continue Reading

You'll Also Like

130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
324K 25.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
11M 203K 48
FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a rela...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...