The Bad Boy's Queen (R-18 Vik...

By twightzielike

10.6M 229K 28.3K

R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story co... More

Prologue
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Read me
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
EPILOGUE
Special Chapter
Thank you, next
His Broken Possession
Happy Two
Information

Chapter 14

181K 4.3K 277
By twightzielike


At ako na nga po ay nagbabalik!
😄

maligayang pagbabasa!
💜

🥀

Zarena

It's the last subject of the day. Noong lunch, sabay kaming kumain ni Luke. Tumawag rin kasi sa akin si Savi bago mag-tanghali at sinabi niyang sa campus na lang daw akong kumain kasi wala raw siya sa dorm. Kaya ayun.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa Captain nilang 'yon! Binibigyan niya ako ng sakit sa ulo. And I don't want this to go further because I might end up with a broken heart.

Muling tumugtog sa isip ko ang banta niya kaninang umaga. Kapag iiwasan ko siya, mananagot ako. Ang seryoso pa naman ng mukha niya noong binitawan niya ang mga katagang iyon.

Gad, I'm hopeless!

Sineryoso ni Luke and sinabi niyang susunduin niya ako dito sa classroom. Kasi paglabas ko, nakita ko siyang nakasandal sa pader na tila naghihintay. I hate to admit it pero ang lakas talaga ng dating niya. Ang gwapo pa niya kahit nakasandal lang sa pader.

Pinagtitinginan pa kami ng mga kaklase ko at ng mga ibang estudyante. Nagbubulungan at napapatanong kung bakit magkasama kami ng Kapitan nila.

Ngayon, may mga kaklase akong pasimpleng tumitingin sa gawi ko. Some are asking pero hindi ko alam ang maisasagot ko. They should ask their freakin' Captain! Kasalanan ng lalaking iyon kung bakit nasa akin ang atensyon nila.


Catalya

Nakangiting napailing ako habang nakatingin sa harap kung saan nakaupo si Za. Several of my classmates are throwing looks at her. Panay titig sila tapos mamaya, bubulong sa katabi.

Deep inside, I know that Zarena is uneasy. Pero kapag titignan ko siya, she makes it look like she doesn't care at all. Na para bang wala lang sa kanya ang mga nakakamatay na tingin na natatanggap niya sa mga fans ni Cap. She managed to look unbothered.

Nag-kuwento siya sa amin ni Pat kanina. Of course nagpa-kuwento kami! We wouldn't let this one slip easily! It must be because of Patricia's persistence that made Zarena tell us what happened.

At sa narinig ko, pakiramdam ko ako ang kinikilig sa kanila ni Luke.

Nang tumingin ako sa gawi ni Pat, kinindatan ko siya nang makitang may malademonyong ngisi sa labi niya. We've been friends since fetus so I memorized that look. Alam kong sa kalooblooban niya, humahalakhak na siya kasi ang daming inggitera sa paligid. Madami ang tumititig kay Zarena imbes na sa prof ang tingin nila.

"Mga selosa" I mouthed at Patricia.

She giggled. "Mga inggitera" She mouthed back too before I roamed my eyes on the girls in my class who are sneakily taking a glance at Zarena from time to time, glaring at her because of jealousy.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. I looked at Zarena's back with an astonished look on my face. My oh my, it looks like the predator has already found his priced victim.


Zarena

Ilang minuto pa ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase kaya naman sinimulan ko na ang pag-ayos sa mga gamit ko.

Hindi dapat ako mag-reklamo sa hirap na mag-aral bilang law student. Too many articles to memorize. A lot of section and pages to read. Lots of books to study. Mahirap pero kaya, kakayanin, kasi ito ang gusto ko. Mahal ko ang kursong napili ko.

Tipid akong napangiti nang pumasok sa isip ko si Tatay. My dear dad lawyer. Kamusta na kaya sila?

"Zarena..." Lumingon ako sa kung saan galing ang boses ng tumawag sa pangalan ko. She's smiling from ear to ear.

Sa isip ko, napatanong ako kung sino siya. I still haven't memorized all my classmates' names yet. The girl standing in front of me never attempted to talk to me. Ngayon lang.

"Bakit?" Simpleng tanong ko bago ko isinabit ang bag ko sa balikat ko. I also gathered my books and secured them tight in my hold. Pagkatapos, nilingon ko ulit ang babae. Kita ko naman sa likuran niya sina Patricia at Catalya na mariin ang tingin sa babae na tila ba inoobserbahan nila ang bawat galawa niya. They are weighing whether she's a threat or not.

I smiled at the back of my mind because of that.

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa babae nang makitang pinaglapit niya ang distansya namin. Humakbang siya palapit sa puwesto ko. Awtomatikong bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang ilahad niya ito sa harap ko. "I'm Irene" Pagpapakilala niya sa sarili habang may ngiti sa labi niya. Tinignan kong mabuti ag ngiti niya. I don't know but her smile looks fake to me. It is like she's trying to smile at me.

Napangisi ako sa isip ko. "Tell me what you need" Sumbat ko at tinanggap ang kamay niya tsaka agad bumitaw. I didn't mean to sound rude but I don't like conversing with people who approach me with a coverted agenda. And she is definitely one of them.

I've tried faking emotions when I was young. Kaya siguro minsan halatado ko ang mga taong pilit ngumingiti sa akin. I can distinguish some.

"I don't want to pry, but I'm really curious" Umpisa niya. Humigpit ang hawak ko sa mga libro ko. It seems to me that she would ask about Luke. So I braced myself and waited in anticipation.

"Si Luke ba at ikaw..." She trailed and I didn't miss the way her eyes pierced on me. Tila ba parang ayaw rin niyang ituloy kung ano man ang tatanungin niya. Alam ko kung bakit. It's pretty obvious that she's another chaser of the Captain himself!

Anak ng! Kailan ba mauubos ang mga babaeng tatadtarin ako ng tanong patungkol sa kapitan nila?! Since the hour I happen to eat with him for break, majority of the ladies in the campus started talking about me. Lalo na dito sa building ng Law students. Mukhang na-tsismis pa sa ibang blocks at sa kabilang building.

Ganito ba kasikat si Luke? Anong meron kung magkasama kaming kumain? Bakit kung umasta sila parang ngayon lang nila nakita ang kapitan nilang kumain? Ngayon lang ba siya may sinundong babae?

I doubt it!

Kaya bakit? Hindi ko gets. Pero hanga talaga ako kung papaano subaybayan ng mga fan girls ni Luke ang Kapitan nila. Grabe, alam na alam e. Updated.

Mas lumapit sa akin si Irene. "..are you dating?" Tanong niya na ikinangiti ko.

I was right.

Kanina pa nila tinatanong iyan and all I could do was shake my head to answer the person who asked me. Date? Mabibilang nga lang sa kamay at paa kung ilang oras mula nung nakilala ko ang Kapitan nila! Kaya papaanong nagde-date kami?


Patricia

"We are not dating"

Kumunot ang noo ko sa narinig kong sagot ni Zarena. Kung nandito siguro si Kapitan, iba ang mangyayari. Si Kap siguro ang sasagot sa tanong ni Irene at sasabihin niyang 'oo' ng walang pag-aalinlangan.

I chuckled when I caught eyes on how Zarena's eyes flickered when Irene grinned devilishly. "Totoo?" Tanong pa nito na tila ba nagsisitalon ang mga dede niya sa saya. Etong kaklase namin, masyado ring pahalata!

Simpleng tango lang ang naging tugon ni Za saka niya ulit kami nilingon. Yung paraan ng tingin niya, para bang sinesenyasan niya ako na tawagin siya at nang makaalis na kami para hindi na makapagtanong pa sa kanya si Irene. I grinned at her. "Tara na!" Anunsyo ko at kinindatan si Zarena nang magpaalam siya kay Irene at sumunod sa amin ni Catalya.

"Bakit panay tanong sila sa kung anong meron kami ni Luke? Why do they insist that we're dating e nakita lang naman nila kaming magkasabay kumain ng dalawang beses" Takhang tanong ni Za habang naglalakad kami sa hall way.

Nagkatinginan kami ni Catalya. I chuckled. Si Cat naman e tumingin kay Zarena na diretso lang sa daan ang tingin.

"You really don't get it, do you?" Tanong ni Cat.

Ngumiti ako at hinintay ang kung ano man ang idudugtong niya nang umiling si Za. "I'm not sure I get it. Alam kong Kapitan siya ng Vikings. Alam kong sikat siya. Yun lang. Bakit nila pinagpipilitan na nagde-date kami ng Kapitan nila? Hindi ba normal na makita nila ang Kapitan na may kasabay kumain na babae? Na may sinundong babae? He looks like the type of guy who's used to eating with his women" Kibit-balikat nito na ikinalalaglag ng panga ko.

"Nagpapatawa ka ba?!" Singit ko.

"Luke never eats with other people other than his teammates! He never laughed before.. well maybe he does laugh. But he doesn't show it publicly. So maybe one factor why you are the running issue right now is because they witnessed how Luke's behavior changed when he was with you. And mind you, you were the only girl we saw na kasabay si Luke kumain dito sa campus! Ngumingiti pa siya at tumatawa nung kasama mo siya" Untag ko kay Zarena.

I'm making her realize the reason because I know she really can't understand because she's a transferee. Wala siyang kaalam-alam sa pag-uugali ni Cap at sa mga tao dito sa campus.

Bakas ang gulat sa mga mata ni Zarena. Confusion is also visible in her eyes. "That's unbelievable" She muttered.

Ngumisi naman si Cat sa tabi. "Unbelievable but realistic. It might sound weird for you but girl, we're telling the truth"

Natahimik si Za. It looks like she's trying to absorb what she just heard. Pero totoo naman kasi ang sinabi ko. Siya palang ang unang babae na sinundo ni Luke after class hours. Ang unang babae na nakita namin na kasabay niyang kumain. At ang unang babaeng nginitihan niya. He even laughed when he was with her and that... is so friggin' unusual!

Hindi na rin kami nagsalita ni Cat tungkol doon pero ilang saglit pa ay hindi ko napigilan ang bunganga ko nang may mapansin ako. "Bakit nasaan ba si Julius? Why the hell did we leave him behind?" Takhang tanong ko at hindi sinasadyang dumako ang mga mata ko kay Cat. Gusto ko namang matawa nang mapansin na maski siya ay nagtataka rin.

Himala ata na etong pusa na 'to ay hindi kaagad napansin na wala si Julius!

I chuckled.

Catalya

I inwardly bit my lip nang mapansin ko ngang wala si Julius. Bakit nasaan ang lalaking iyon?

Binigyan ko ng pekeng ngiti si Patricia dahil sa nang-uuyaw niyang ngiti. I badly want to pull two strands of hair from her.

Hindi ko na lang siya binigyang pansin at tumingin kay Zarena. "Kanina ko pa talaga ito gustong itanong, Za" Saad ko na ikinatigil nila ni Patricia.

"Bakit ang daang tinatahak natin, papunta sa direksyon ng exit gate? Hindi ka ba manonood ng game ng Vikings?" Takhang tanong ko.

Zarena

I cocked my head sidewards. Dahil sa tanong ni Cat, may naaalala ko.

Ang ungas na 'yon, sabi niya pumunta raw ako sa gym pagkatapos ng klase. He wants me to watch their game but I don't have much time to do that. Hindi naman ako um-oo kaya hindi talaga ako pupunta.

I sighed. Naaalala ko rin ang sinabi niyang kapag hindi ako pumunta, hindi siya maglalaro at hahanapin niya ako.

Baliw ba siya?

Like I would believe that! Sinong maniniwala 'don? I am certain that his team is archly important. Mahalaga ang basketball sa kanya lalo pa at game nila ngayon kaya hindi kapani-paniwala na kaya niyang iwan ang laro.

"Kayo? Hindi ba kayo manonood?" Balik tanong ko sa kanila kahit alam ko naman na ang sagot.

Natawa ako ng marahan nang pandilatan ako ni Patricia. "You needed to ask.." Aniya at humalukipkip. "Duh! Tinatanong pa ba 'yan?!" Maarteng sabi niya at pinaltik ang buhok niya sa balikat niya.

"Ay taray! Patricia Ardena flipped her hair!" Natatawang komento ni Cat na ikinatawa ko rin.

Ngumisi lang si Patricia. "Did I, Catalya Marquez?" Tanong nito kay Catalya na nailing na lamang dahil sa pagsabi ni Patricia sa buong pangalan niya. Well, Cat started it though.

They turned to me. "Why you? Hindi ka ba pupunta? Luke might be waiting for you" Kunot noong tanong ni Cat pero umiling ako.

I have things to do. "He won't wait. At isa pa, I can't come. Kayo na lang muna" Saad ko.

Nag-text ang manager ng Brewed Coffeehouse sa akin kaninang lunch and she informed to go to work earlier than usual. Tapos pagkatapos ng night shift ko, kailangan ko pang mag-review kasi may quiz kami sa subject ni Sir Jero bukas. At may asignatura pang ibinigay si Miss Sanches sa Tax and Remedial na subject namin sa kanya.

"Bakit?"

I smiled at Pat and prepared myself to lie again. "Tumawag kasi yung isang prof ko noon sa dati kong pinag-aaralan at may pinapagawa siya" I tried to hide the guilt on my face for lying in front of them.

To mask it, I cleared my throat and smiled again. "Sige na. Mauuna na ako" Paalam ko at sumibat na nung tumango sila at tinugon ang pagpapaalam ko.


Savi

Paypay ako ng paypay!

I groaned. "Ang init!"

E wala man lang electric fan dito sa kwarto ni Za! Ang sosyal at ang bongga ng paaralan nila pero ang init naman sa loob ng dorm nila. No electric fans provided!

Muli kong tinignan ang orasan. Sigurado akong dismissed na sila pero bakit ang tagal ata niya ha. "Matatagalan pa ba ang babaeng 'yo-" Natigilan ako sa pagreklamo nang bumukas ang pintuan.

"Ang tagal mo!" Ungot ko at dumapa sa kama niya.

Ngingiting napailing naman siya. "The class just ended. Ang aga ko nga e!" Sumbat niya at natigilan. Napatitig siya sa akin.

Nagpapaypay kasi ako tapos naka-sando lang.

I scrunched my nose. "What? Don't look at me like that. Ang init dito sa kuwarto mo at walang electric fan" I admitted.

She sighed. "Savi..."

Pinanood ko siyang lumapit sa bed side table at may kinuhang remote doon. Tapos may pinindot siya habang itinutok ito sa parang high tech na elongated round steel na nakasabit sa may sulok ng pader. Ang unfamiliar ng hitsura.

Napaawang na lamang ang labi ko nang maramdaman ko ang unti-unting paglamig ng kuwarto. "Oh damn" Bulong ko at tumingin kay Za na ngayon ay inaayos ang gamit niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may aircon pala?! Paypay ako ng paypay e maron naman palang aircon! Kanina pang tanghali mainit! Minura ko pa ang dormitoryo ng Weston University kasi ang akala ko wala silang pinrovide na electric fan e ang yaman yaman nila! May aircon naman pala!" Inis na ungot ko saka sinamaan ng tingin si Zarena na nilingon ako.

She frowned at me. "Don't blame me. You didn't ask" Tanging sabi niya. Ngumuso ako.

"Sisibat na ako sa Coffeehouse. Bahala ka kung maiiwan ka dito o pupunta ka doon mamaya. But I'm going. Bye" Dire-diretsong sabi niya at napatanga na lang ako nang sumara ang pintuan. And she's gone.

Tanginang kaibigan! That was it?!

Umungot ako saka tumitig sa aircon. "I guess it's you and me now air conditioning"


Zarena

Habang naglalakad ako papunta sa coffeehouse, tumunog ang phone ko. I looked at the screen and mumbled a small curse when Luke's name popped on the ID Caller.

Hindi ko ito sinagot. Sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Muling tumunog ang phone ko, revealing Luke's name on the screen again.

And again, hindi ko inangat ang tawag niya. Hanggang sa mag-end call ulit. Ang buong akala ko ay susuko na siya pero rumehistro ulit ang pangalan niya sa scree ng phone ko. This time, he texted me.

Luke:
Answer my call.

Napailing ako nang muli siyang tumawag. Bakit ano ba ang problema ng kapitan na 'to at kinakalikot ang telepono niya? Sa ngayon, nasisiguro ko na nag-umpisa na ang game. Kaya bakit niya ako tinatawagan?

Napabuntong hininga ako. It must be because he told me to watch him play and I am not there.

He sent me another message.

Luke:
Where the fuck are you?

Umingos ako. Sige, mura pa.

I'm not stupid though to tell him where am I. Sina Patricia nga at Catalya, hindi nila alam ang tungkol sa pinagtatrabahuan ko. I can't even tell them the truth. How much more to their Captain?

Ni hindi ko nga alam kung ano ang gagawin niya at ang kaya niyang gawin kapag nalaman niya.

Humigit ako ng malalim na hininga tsaka iniba ang setting ng phone ko. I put it on silent mode. Bahala siya.

Nang makarating ako sa Brewed Coffeehouse, awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang manager. Her face instantly lit up when she saw me. "Zarena! Mabuti naman at napaaga ka! Kailangan ko ng tulong. Mamaya kasi, maraming darating na customer kasi may nagpa-reserve dito sa shop. May celebration daw kasi ang employees ng isang kompanya at dito nila gustong kumain" Pagpapaliwanag niya.

Tumango-tango ako. "Mabuti naman po at dito nila napiling pumunta. Hindi na ako magtataka kung bakit" Pagpapalakas na sabi ko.

She chuckled. "Susmaryosep na bata ka! Oo nga e. Kaya umpisahan mo na nang makahabol tayo sa oras" Aniya at bumaling kay Dalisay, ang isa sa mga waiter ng Coffeehouse. "Dalisay, pagkatapos mo jan. Buhatin mo ang mga kahon na nandoon sa labas at ipasok mo sa storage" Utos nito kay Dalisay na tumango naman. "Sige ho, Ma'am"

.

.

.

It took me some minutes to alter some of the things displayed. Nakatutok ang buong atensyon ko sa listahan ng mga orders at tsini-tsek ko kung ano pa ba ang kulang. Pero tingin ko naman kumpleto na.

"Miss sinabi ko na kanina ang order ko? But I don't think you were listening. Ngayon, pinapaulit mo pa sa akin ang sinabi ko?" Tumigil ako sa ginagawa ko dahil sa narinig na boses ng isang customer.

Tinignan ko ang gawi ni Sansan na nasa counter. Kinukuha niya ang order ng isang medyo may katandaang babae. Sa pisikal na anyo, mukhang mabait pero sa narinig kong sinabi niya kay Sansan kanina, mataray.

Parang napahiya naman si Sansan. "Sorry po, Ma'am" Hinging paumanhin ni Sansan.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit nang makita kong tila mas nainis lang ang babae. I tapped Sansan's shoulder and gave her a knowing smile. "Ako na muna bahala. Tulungan mo muna si Dalisay" Ani ko sa mababang boses.

Pansin kong parang nakahinga siya ng maluwag. "Thank you" Bulong niya sa akin saka umalis.

Hinarap ko ang cutomer. "I'm sorry for the inconvenience, Ma'am. Let me confirm your orders again" Ani ko sa kanya ng may ngiti sa labi ko at inulit na binasa nag orders niya. Pagkatapos tinanong ko siya kung ano pa ang kulang.

She was staring at me the whole time pero hindi ko ininda iyon. "Pancake with apple syrup and 2 coffee lattés. All my orders are dine-out" Supladang sabi niya sa akin. Ngumiti lamang ako at tinipa ang orders niya.

"Is that all ma'am?" I asked politely and she nodded. "Eight hundred seventy pesos for all your orders ma'am" Pagkasabi ko nun, ibinigay niya sa akin ang isang libo. Agad ko namang binigay ang barya niya. "Perhaps, you can choose a sit to chair ma'am while we prepare your orders" Magalang na sambit ko at itinuro ang mga bakanteng lamesa sa gilid.

She cleared her throat. "Not bad. Better than her" Aniya at tumingin sa gawi ni Sansan saka ibinalik sa akin. "You're very pretty too" Sabi niya habang ang tingin ay pasuplada pa din. Napangiti ako at hindi na nagkomento pa kahit nagulat ako sa sinabi niya.

Huminga ako ng malalim nang maglakad siya papunta sa isang lamesa.

Tumingin muna ako sa iniwan kong trabaho saka itinutok ang mga mata ko sa screen. This is not bad. Just a little more time, darating na rin ang mga nagpa-reserve ng coffeehouse at matatapos ko na rin ang trabaho.

Muli kong hinanda ang ngiti ko tsaka ako nag-angat ng tingin pero ganun na lang ang paninigas ng katawan ko nang maaninag ng mga mata ko ang isang pamilyar na bulto na kakapasok lang.

My smile faltered.

Luke...

The hell is he doing here?

Nang magtama ang paningin namin, napahawak ako sa lamesa lalo na nang bumaba ang tingin niya sa suot kong apron na may tatak ng coffeehouse logo. Shit.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
40.9K 906 12
Nang magkitang muli si Drea at Dom, akala ni Drea nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Ilang taon na rin kasi mula noong mag break sila at iwan s...
19.8M 401K 43
Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3