Villareal #6: Mundane Twilight

By cinnderella

4M 137K 39.7K

Lovice More

Mundane Twilight
MT 0
MT 1
MT 2
MT 3
MT 4
MT 5
MT 6
MT 7
MT 8
MT 9
MT 10
MT 11
MT 12
MT 13
MT 14
MT 15
MT 16
MT 17
MT 18
MT 19
MT 21
MT 22
MT 23
MT 24
MT 25
MT 26
MT 27
MT 28
MT 29
MT 30
MT 31
MT 32
MT 33
MT 34
MT 35
MT 36
MT 37
MT 38
MT 39
MT 40
MT 41
MT 42
#MT43
#MT44
#MT45
#MTwakas

MT 20

74K 2.8K 676
By cinnderella

Thoughts. Put #MT20, thanks. @wpcinnderella on twitter.

#MT20

We started arranging his unit, konti lang ang kagamitan ni Horace na pangbahay pero sobrang dami niyang mga sapatos, damit at relo. Halos malunod ako sa nang makapasok sa kuwarto niya, it was a total mess. Nakakalat ang mga damit sa carpeted floor, ang mga sapatos at duffel bags. Hindi ko alam ang dapat unahin doon, ni hindi ko alam kung nagsama-sama na ba roon ang mga nagamit na niya at hindi! Ang mga mamahaling suits ay nakasalampak lang sa lapag na tila ilang beses na niyang binasahan! Seriously? Si Kuya noon, nahihirapan pang pumunta ng prom dahil walang masuot na ganito tapos ginagawang kalat lang ni Horace?

Horace chuckled with a hint of embarrassment. "A real bad mess, right? Sorry, I don't really have much time to organize my things these past days."

"'Yong totoo, kailan ka pa ba lumipat dito?"

Ngayon lang ako nakapasok sa kuwarto niya, hindi naman ako umaabot dito at hanggang sala lang noong mga nakaraang araw. Hindi ko naman inakala na nadelubyo pala ito. Nilingon ko ang malaking kama, kulay gray iyong bedsheet at comforter na magulo rin at hindi man lang yata nahawakan ni Horace para itupi!

Gumagana na naman ang pagiging pakialamera ko, naiinis kasi ako kapag may mga gamit na nakakalat. Everything around was from a work, hard or even easy, it's still from a work!

Oh my God, boys are really messy! May kapatid ako lalaki pero hindi naman makalat pero siguro dahil hindi naman marami ang kagamitan niya. Si Papa naman ang hinahangaan ko sa pagiging organisado, parehas sila ni Mama pero si Papa ang mas masinop sa kagamitan. Miski turnilyo sa bahay na makita noon ay hindi binabalewala. Doon nga siguro ako nagmana, minsan lang ako naging burara sa buhay ko at iyon ang kamaliang pinagsisihan ko.

"Two weeks ago, but I don't stay here always. I'm sleeping at home."

My lips separated. "At talagang hindi ka pa nag s-stay dito sa lagay na 'to, ha? Paano pa kung dito ka na nakatira talaga?"

He laughed, mabilis siyang yumuko para pulutin ang mga damit sa lapag. Nakapaa lang siya at simpleng sweatshort na pinaresan ng mustard yellow shirt, bumagay sa kanyang mestizong kutis. Hindi ko mapigilan pasadahan siya ng pasimpleng tingin dahil sa kanyang bulto, napapaisip pa rin ako kung panaginip bang nobyo ko talaga ang lalaking 'to.

"Malilinis ba 'yan? Nasaan ang marurumi? Baka nagsama-sama na dahil sa sobrang pagkaburara mo?"

"Laundry."

"Hindi ka naglalaba? Hindi marunong o wala na namang time?" tanong ko at tumulong na rin sa pagsisikop ng mga damit niya. Naupo ako sa kama. "Lagay mo rito lahat sa kama, marunong ka bang magtupi?"

"Sometimes when I feel like doing it." Natatawa niyang sinabi at weirdo akong tiningnan.

Napasinghap ako. "My goodness! Tamad! Ano palang alam mong gawin?"

"Magtrabaho."

"Ng babae?"

He barked a laugh. "Change topic! I'm working on a ship, baby. Not working the girls. Nagbago na ako."

"Utot mo, Horace!" irap ko, nilapag niya sa kama ang mga damit na pinulot. "Ihahanger ko ba ang mga 'to o itutupi?"

"I'll do that later when you get home, huwag kang mag-abala sa paggawa niyan! You're not here to be a helper!"

"Mas mabuti na 'tong may gawin ako kaysa paglalandi mo ang abalahin ko." I rolled my eyes as I started folding shirts.

He laughed loudly, naupo siya sa harapan ko at tumulong sa aking pagtutupi. Nang tingnan ko siya ay nagtaas siya ng kilay.

"Why not? It's more entertaining than doing this folding-organizing the things aren't even yours when I'm here as your boyfriend. Yours truly."

I arched my brow, I smirked when his eyes sparkled playfully.

"So anong gusto mong gawin ko? Ikaw ang organisahin ko at itupi sa walo?"

Ngumiwi siya. "Brutal! What I mean is, we should just watch a movie or pig out while playing games. Anything could be really an entertainment for us. Not this."

"We can do that after this. And what pig out? I'm already a pig! I can't pig out anymore! Nagda-diet ako."

I sighed inwardly. Here's my damn issue again, naiisip ko na naman na ang taba-taba ko at kung kakain ako ay baka mas tumaba lalo. Ayaw ko noon, kaso hilig talaga ni Horace mag food trip. Paano ko siya masasabayan kung takot ako? Minsan sumasabay ako pero sa pagtatapos ng araw ay umiinom ako ng tsaa o gamot na makakabawas timbang. Sometimes, I had to stop taking because my stomach wasn't used to it but usually, I couldn't stop. My motivation is to lose weight.

He grinned lightly. "You're cute, I love your figure very much. You don't need to be thin to look beautiful or something. You are the newest definition of  sexy."

My heart softened but it wouldn't be enough to melt my motivation on losing weight. Nakakalambot puso lang dahil naaappreciate niya ako bilang ganito at hindi kailanman pinintasan sa pagiging mataba.

"Well, I don't! I still wanna be thin and reach the size I want to get since then. Ayaw ko na ring matawag na baboy o mataba, nakakasawa."

Naalala ko iyong nabanggit ni Aliyah na mahilig daw si Horace chubby, hindi ko alam kung totoo pero siguro kaya niya rin ako nagustuhan ay dahil doon? I suddenly wondered, what if I'm thin? Siguro mas marami pa akong makikilalang lalaki na magugustuhan ako! Hmm, siguro hindi lang si Horace ang guwapo kong manliligaw noon.

He looked at me. "You should not think bad about the size you're having 'cause it's actually one of your uniqueness."

I shrugged and smiled. Ewan ko, hindi pa rin ako naniniwala roon dahil mas gusto ko iyong kaya kong masuot ang lahat ng gugustuhin na walang mamimintas. However, I appreciate his compliment. It flatters me.

On the next day, we did the same routine of organizing his unit. Tapos na kami sa kuwarto niya kaya sa sala na ako nag-ayos, mas konti naman ang aayusin kaysa kahapon. Kumpleto ang unit sa kagamitang pambahay kaya parang kuwarto lang ni Horace ang matrabahong ayusin kahapon sa dami niyang damit at sapatos. His room has a walk-in closet, we put his shoes in the tall glass cabinet there. Hindi pa nga nagkasya kaya sa lapag na lang ang mga natira.

Horace was busy on his Macbook and cellphone due to work calls and some important matters. After arranging magazines under the center table, I sat down on the couch he's in. Prente akong humikab habang pinapasadahan ng tingin ang sala, ang mga kahon ay wala nang laman at maayos na ang mga gamit niya. It was enjoying to do things here!

I felt him hug me from the side, his nose pressed on my neck and sniff. Paborito niyang gawain iyon, napansin ko. Mabuti na lang at hindi ako masyadong pawisin dito dahil aircon ang buong unit niya. Siyempre, sinisigurado kong mabango ako dahil alam kong ganito siya kadikit parati! Nakakahiya naman kung may amoy.

"I wanna play something," he said against my neck and planted butterfly kisses before facing me a bit.

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya, his hand slid behind my lower back and the other on my lap. I'm still having a heart attack everytime he's this close.

"Hmm. Rock, paper, scissor!"

Suminghap ako. "Facebook pa, Horace! Alam ko na 'yan, kapag natalo ako... hahalik ka!"

"Oo, tapos kapag natalo mo ako, hahalikan mo ako."

Namilog ang mga mata ko, natawa agad. "Hoy, hindi ganyan 'yon! Kapag natalo kita, sasampalin kita ng malakas!"

"Yeah, and we changed the mechanics just now."

"Kapal mo! Ayaw ko, dapat sampal 'yong akin!"

He sighed and sat up, nag-indian sit siya at humarap sa akin. He held out his fisted hand with a determination written on his face.

"Okay, deal!"

Napatawa ako. "Seryoso? Sasampalin kita, 'yong malakas? Payag ka?"

He smirked and nodded.

"Why not? I'm sure that you won't win this game!"

Natatawa akong tumango, nag-indian sit din at humarap sa kanya. I brought a pair of clothes today so that after my class, I could change. I'm now wearing a white fitted shirt and gray sweatpants. Of course, I'm still embarrassed but we're just his unit. No one will judge me.

"Let's see!" I giggled as I held my fisted hand in front of his. "Smack lang 'yong kiss, ha! Walang dayaan!"

"Ang daya!" reklamo niya.

Nginisian ko lang siya.

"Game!" I said. "Bato, bato, pik!"

We both moved our hands to do the play, I picked a paper and he's a scissor! Suminghap ako, nakangisi siyang humilig para halikan ako at pinabayaan ko. Sumunod naman siya na smack lang pero ang bagal ng paglapat!

"Horace, ang daya mo!"

"What?" he laughed. "That's a smack!"

"Mabilis lang! Smack nga, e! Huwag mo nang nilalandian pa!"

Humalakhak siya, inirapan ko siya at nagpatuloy kami sa laro. Sa sumunod na tatlong ulit ay panay talo ako, he gave me a kiss again while smirking. Matalim ko siyang tiningnan.

"Nandadaya ka! Ang bagal ng pagbagsak mo ng kamay, e!"

"Hala! Sabay lang tayo! Huwag kang pikon, Lovi! Porque talunan ka, magdadahilan ng ganyan!" tawa niya.

I gasped and wiped my lips irritably while glaring at him, bumusangot ako at muling naglahad ng kamao. He won three kisses again, tahimik niya pa akong pinagtatawanan kaya lalong nakakainis. Iritado na ako dahil kahit isa ay wala man lang akong score!

I groaned in irritation. "Huwag ka kasing madaya!"

Humagalpak siya sa tawa.

"Ano ba kasing madaya? Walang daya ang larong 'to!"

Padabog kong pinunasan ang labi at muling naglahad ng kamay. Isang sampal lang talagang solid, solve na ako! I saw him slow down as we picked our hands and my eyes widened in happiness, I won on this set! Wala na akong pake kung pinagbigyan niya ako, masaya lang talaga ako na masasampal ko siya ngayon. Tawa siya nang tawa dahil sa pagpalakpak ko.

I rubbed my palms and grinned at him. He gasped nervously.

"Don't put much force, baby. May interview ako bukas," malambing niyang sinabi at nilapit ang mukha sa aking harapan.

"Huwag kang paawa!" singhal ko at hinipan ang kamay ko para lalo siyang takutin.

He laughed while watching me, he bit his bottom lip and waited for my turn. Huminga ako ng malalim, I couldn't focus much because of the close sight of his face. Nanliit ang mga mata ko at hinawakan ang baba niya para alisin ang pagkagat sa labi.

"Keep your face normal!" I hissed.

Namilog ang mga mata niya at tumawa, doon ko rin mabilis inangat ang kamay ko para sampalin siya nang malakas. Halos malaglag ang panga ko sa lagutok ng pisngi niya. Shit! Sobrang lakas nga ng sampal ko! Ang saya!

His eyes closed tight. Tawang-tawa ako pero mabilis ko siyang dinaluhan para hawakan sa pisngi, sobrang pula noon at parang bumakat pa ang palad ko.

He gasped out and flinched.

"Pati yata finger prints mo naukit na!"

I laughed so hard while caressing his cheek, nagbuntong-hininga siya at humawak na sa likuran ko para dalhin sa kanyang pagtuwid, tawa ako nang tawa habang nagrereklamo siya.

"I just got twelve swift kisses and I couldn't believe you'd hurt me so hard! Ayaw ko na!" he flared.

"Ikaw naman ang nagyaya noon!" halakhak ko.

"Pikon ka naman!" aniya. "Konting panalo ko, puro ka reklamo! Hirap mo kalaro!"

"Tss, ngayon ikaw naman nagrereklamo! Ikaw naman nagyaya noon, e! Okay lang 'yan, at least nasampal kita!"

Suminghap siya at umiling, tumayo siya at hinubad ang shirt niya mula sa neckline noon. My heart faltered, normal lang niya iyong ginagawa pero hindi talaga ako sanay. Parati pa rin akong mangha.

"S-Saan ka? Maliligo?"

Humakbang na siya paalis at nilingon ako.

"I'm gonna cook dinner, sama ka?" halakhak niya.

"Tss, hubad ka nang hubad. Para kang porn star!" humiga ako sa sofa habang matalim na nakatingin sa kanya.

"Well, I can be your porn star. You just have to say it." He smirked, he stepped towards me and bent down to kiss my lips and forehead. "Wait, you need to eat before going home."

Ngumuso ako at tinanguan lang siya, sinundan ko siya ng tingin sa pagpunta sa kusina. His butt was really distracting as hell, he's booty. Medyo mababa rin ang malapad na mga balikat dahil sa bultong tila sagana sa work out, he's healthily fitted and very sexy for a man. Kaya kahit anong isuot niya bagay sa kanya, he's just naturally beautiful in his own way. Plus the fact that he's approachable and smiling face, he got all the chairs, huh?

Huminga ako ng malalim, tuluyan siyang nawala at kinain ng kusina. I smiled slightly, this makes me feel happy. Tuwing kasama ko siya ay ramdam kong puro ang lahat, Horace is so easy to deal with. It's like happiness is always beside me, he never tried forcing me to something I don't want yet. Nakakapagtaka pa nga iyon, e. I thought, giving him the commitment will be his card to get in all the ways. I don't know what to call my feelings more when he's around, I'm just happy.

After our dinner, he drove me home. Nagulat ako nang makita ang pamilyar na sasakyan ni Colton sa harapan ng gate namin. He was standing in front while talking to Kuya Tyron and Sam, agad akong napalingon kay Horace na nakitaan ko ng pagnguso para itago ang ngisi.

I flinched. "Bakit ka pangisi-ngisi riyan?"

He rested his hand on the steering wheel and smiled widely as he shook his head, he pinched my cheek.

"Boyfriend mo na ako," he stated and kept pinching my cheek. Yumuko siya para halikan ako, it was a slow kiss that turned long but gentle.

Hingal ako nang kumalas. "O-Oo nga, sasabihin ko kay Colton."

He chuckled.

"Good to hear."

My lips were separated as he pressed his lips again for a kiss, the way he moves his lips was showing me too much affection that's making me feel flattered. I held on his jaw and kissed back, my nape shuddered down. Mabilis akong nagising at napakalas nang may kumatok sa bintana ni Horace. Though, he still continued kissing my neck. I saw Mama outside the tinted window, tinapik ko ang likuran niya.

"S-Si Mama..." I informed him but my voice broke into a moan as I felt him suckling near my collar bone. I didn't notice that he pulled my neck line down just to plant a hickey on the hidden part! "Horace!"

He chuckled roughly and stopped, muli niyang dinampian ng halik ang labi ko habang inaayos ang neckline ng damit ko.

"Is it okay?" he asked about Mama.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango, mabilis kong binuksan ang pinto sa akin para makababa. Kinakabahan ako pero nandito na ito, papangatawanan ko na lang para hindi na rin ako palaging kabado sa araw-araw. Bumaba din si Horace para harapin si Mama, I could hear them talking. Nakita ko sila Kuya Tyron na tumingin sa gawi namin. Inayos ko ang buhok at huminga ng sobrang lalim.

"I'm with Lovi, Nanay," Horace said gently.

"Lovi? Naku, nakakahiya. Mukhang napapadalas kasi ang paghahatid mo sa kanya, Sir. Nabibigyan ko naman siya ng pamasahe, pasaway talaga iyon."

My cheeks heated as I caught Mama's eyes on me with confusion and something I couldn't read, Horace chuckled and was also looking at me straightly. My heart drubbed so fast when my eyes went down his wet and red lips. Iniwasan ko siya ng tingin at bahaw akong ngumiti kay Mama.

"Ma!" tawag ko, medyo nahihiya.

"Naku ka, Lovi! Nagpahatid ka na naman kay Sir!"

Naramdaman ko ang paglapit nila Kuya, tumabi ako kay Mama at sinulyapan sila Colton na pare-parehong nakausisa. Matalim ang baling kay Horace, bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Colton.

"Manliligaw niya rin 'yan, Tita Luisa," ani Colton. "Kaya naghahatid."

Namilog ang mga mata ni Mama at agad napatingin kay Horace, he was just normally standing there with a confidence. Suminghap ako, nakakainis si Colton!

"M-Manliligaw?"

Nagkatinginan kami ni Horace, I gasped again and stepped beside him, in between him and Mama.

"Ma, hindi po." Iling ko.

Colton smirked cockily while Mama and the others were looking at me. I licked my lips and inhaled deeply, bahala na! Wala pa man ay kita ko na ang ngisi ni Horace.

"Ma, boyfriend ko na po si Horace..." I said gently, kabado pa rin ako pero nakakaluwag sa pakiramdam na nasabi ko na iyon.

Nalaglag ang panga nila.

"Boyfriend!?" Colton exclaimed with anger.

Mama gasped out and held my arm to shake it simply.

"Lovice, ano ba 'tong pinagsasabi mo?" impit niyang bulong sa akin, litung-lito.

Napapikit ako at muling sumulyap kay Horace, his eyes were sparkling but still casually standing there. Tipid siyang tumango sa akin at nagtaas ng kilay.

"Sorry, Mama, ngayon ko lang nasabi."

She looked at Horace and me again. "Sa loob na lang tayo mag-usap."

My heart trembled nervously, isang tango ang nagawa ko bago siya naunang pumasok sa gate namin. Sumunod agad sila Kuya sa kanya habang naiwan si Colton at hinawakan ako sa braso.

"Twillain, what the hell is this all about? Ganito ka ba kagalit sa akin at pinagpapanggap itong boyfriend na para tigilan kita?" he hissed.

My eyes widened, I was about to wriggle my arm but Horace already pushed him simply.

"Dude, hands off my girlfriend," he warned and pulled my waist closely.

Hinawi ni Colton ang kamay ni Horace at tinulak siya sa dibdib.

"Tangina mo pala—"

"Colton!" mabilis kong sigaw at pinigilan na sa dibdib si Horace para iiwas doon dahil halata na ang iritasyon, humakbang din siya palapit kaya mas lalo akong kinabahan pero tinulak ko ulit siya para ilayo.

I glared at Colton back.

"Colton! Huwag ka nang gumawa ng gulo!" inis kong sinabi at binalingan si Horace, his jaw was clenching while looking at Colton behind me. Suminghap ako at hinagod ang dibdib niya. "B-Baby, please? Let it go."

He cussed briefly and avoided the sight of Colton immediately, bumaba agad ang tingin niya sa akin at nagulat ako nang madiin niyang halikan ang labi ko bago ako hinila papasok sa gate. My chest is aching because of fast heart beats.

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 75 2
I got a blank space and I'll write your name...
3.5M 138K 54
Veiled Diaries #2: Azcon-Zobel has always been one of the most influential families in Villa Terrazas but unlike the common image of powerful familie...
7.4K 545 20
Zoe meets Nori in an unexpected event where he saves Nori from trouble. But becoming friends with her wasn't part of his plan. He's supposed to be fo...
6.6K 144 6
Complexity of Us Sequel