The Bad Boy's Queen (R-18 Vik...

By twightzielike

10.6M 229K 28.3K

R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story co... More

Prologue
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Read me
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
EPILOGUE
Special Chapter
Thank you, next
His Broken Possession
Happy Two
Information

Chapter 7

181K 4.7K 419
By twightzielike



🥀

Zarena

"Binuntis ako ni Roberto! Ang hinayupak na 'yon!" Hagulgol niya.

Biglang nalukot ang mukha ko. "Sinong Roberto? I thought you're with Daryl?" Takhang tanong ko tsaka kumalas sa yakap. I almost wanna slap Savi's face when I found her smiling sweetly.

Pinunasan niya ang mga luhang nagkalat sa mukha niya. Humalukipkip ako sa gilid at tinaasan siya ng kilay nung lumabas ang isang malademonyong ngisi sa labi niya. "You're throwing a joke, aren't you?" Tanong ko.

She laughed. Yung tawa bang napahawak pa siya sa tiyan niya. Idagdag niyo pa na ang lakas ng boses niya. When she's done laughing, I looked at her, poker-faced. "That's the way you greet me hi? Seriously, Savi? 'Buntis ako? Binuntis ako ni Roberto!' You better get your ass right back to Bicol" Saad ko.

Ngumisi siya sa sinabi ko. "Na-miss mo ko 'no?"

Nanunudyo pa ang lukaluka. Umiling ako at tumingin sa counter. "Magtigil ka riyan at maupo ka. Siguraduhin mong hindi ka gagawa ng kahit anong kababalaghan dahil first day of work ko ngayon dito at ayokong madawit kung sisikmatin ka ulit ng pagkabaliw mo. I'll get back to you later. Pag-uusapan natin iyang pekeng pagbubuntis mong hinayupak ka" Nakasimangot kong sabi kay Savi na ngumisi. Yung ngisi bang parang may binabalak.

I groaned. "I'm serious Savi! Huwag mong hintaying kumuha pa ako ng duct tape para ipalibot sa'yo at sa upauan para hindi ka makagalaw! I can definitely do that"

Inirapan niya ako. "Oo na nga! Magbe-behave ako. Magtrabaho ka na nang makapag-usap kayo. Nangangati na bibig ko e wala pa naman si Daryl baby para patigilin ako sa pagsasalita gamit ang labi at tit-" Mas mabilis pa sa pagpatak ng 5 pm ang naging paggalaw ko paralang takpan ang bibig ng may sayad kong kaibigan. Hindi lang pala galing sa mental ang lukaluka na 'to kasi bastos din ang bibig!

"Dammit Savi! If you're sexually preoccupied, save it for yourself! Sa laki ng bunganga mo, maririnig ng mga customer namin ang mga kahalayang manggagaling diyan sa bibig mo. So shut up and just order. Kailangan ko pang magtrabaho, bwisit ka!" Ungot ko. Kahit kailan talaga, ang hirap pakiusapan ang babaeng 'to. Kapag ata nakulot na ang buhok ko sa kili-kili, saka siya titigil!

She laughed and winked at me. "Wala akong pera"

"Pinaglololoko mo ba 'ko? Alam kong may pera ka!" Irap ko.

"Tss. Sige na. Go get working, virgin Zarena" natatawang sagot niya.

I groaned frustratedly. "Savi Agbanaog, tatahimik ka o kakaladkarin kita palabas ng coffeehouse?!" Banta ko.

Ang tanging sagot niya lang sa akin ay isang matamis na ngiti. Napailing ako. Like I would fall for that! Nasanay na ako sa tingin na iyan kaya hindi ako makukuha jan.

.

.

.

Laking pasasalamat ko na tahimik lang si Savi sa buong shift ko. Minsan, nagtatanong siya sa akin kapag walang customers. But throughout, she's busy calling Daryl.

Hinilot ko ang nangangalay kong balikat. I was assigned in making the coffees as well as serving them. Not hard though. Siguro dahil nasanay na rin ako doon sa mga naging part-time jobs ko sa probinsya.

Tapos na ang shift ko. Kanina, tumatawag sina Patricia sa akin pero hindi ko sinasagot. I just sent them a message. Tinatanong kasi nila kung bakit wala pa daw ako e gabi na. So while on my work, I thought of telling them the truth about me. Pinag-isipan ko rin na masyadong maaga pa para sabihin sa kanila. I haven't even asked them their last names yet pero hindi naman mahirap iyon kasi puwede kong tignan sa attendance sheet. Yet, still, hindi ko pa sila ganoon kakilala. I'll tell them but not sooner. I'll figure out soon when is the right time to tell them.

Naabutan ako ni Manager na inaayos ang machines. "Salamat naman hija at nakapunta ka" Pinunasan ko muna ang basa kong kamay saka ngumiti.

"Wala pong anuman Mrs. Ingrid"

Pinakilala ko na rin si Savi kay manager. And Mrs. Ingrid likes her. Ang bait naman kasi ni Mrs. Ingrid.

I checked the time. Saktong 9 pm. 10 pm ang curfew sa dorm.

"Ano naman ang pumasok sa kokote mo at naisipan mong pumunta dito sa Maynila?" Tanong ko sa kaibigan ko habang kumakain kami ng ramen dito sa isang simpleng Korean restaurant. 49 pesos isang order ng ramen kapag 6 am hanggang 8 pm. Ngayong alas nuwebe na ng gabi, 89 and bayad per 2 servings ng ramen. Sulit at masarap.

"Wala naman akong balak puntahan ka" Umpisa niya. I raised a brow. Ngumuso siya. "Oo na, na-miss kitang bruha ka! Tsaka wala kasi akong magawa sa bahay kasi nga walang pasok for 3 days sa paaralan kasi maghahanda ang mga professors para sa nalalapit na school festival na magaganap. Kaya ayun, naisipan kong bisitahin ka kasi alam ko namang na-miss mo 'tong kagandahan ko!" Mayabang na sabi niya na siyang ikinatawa ko.


"E ikaw, kamusta na buhay mo dito?" Tanong niya.


Napahinto ako sa pagkain. Since I transferred here, I never though about it. Ngayong iniisip ko kung ano ba ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw, maayos naman. There are no complications at all. I've been working on my studies. I'm trying to stay at low-key to not get attention from other students. So far, it's all good.

Dapat masaya ako. Pero hinde. Kasi kahit anong gawin kong pagpapanggap na maayos lahat, sa katunayan ay kabaliktaran. I'm living in a lie. Nagsisinungaling ako sa lahat ng mga estudyante roon. They think I'm from a rich family, well in fact I'm just the average. Patricia at Catalya, they don't even know my true identity in terms of money. Pero wala naman akong masisisi kundi ang sarili ko. Pinasok ko 'to. Tinanggap ko ang scholarship na binigay sa amin. So I should face this. I just wanted to finish my degree, successfully. Gusto kong makapag-aral sa paaralang alam kong makatutulong sa akin at matuturuan ako ng husto. And I chose Weston University because I know the weight that it will contribute to my excellence. Ayoko rin namang mahirapan ang mga magulang ko sa paggastos ng tuition ko sa St. Thomas. Tumatanda na sila at ang tanging gusto ko lang naman ay matulungan sila kapag nakatapos na ako ng pag-aaral. Hindi lang ang mga magulang ko kundi ang mga pinsan kong iniwan ng mga magulang nila sa amin.

Noong nakalipas na taon, nadisrasya si Tito Dan. Hindi matanggap ni Tita Ica kaya naman naglasing siya ng naglasing. Inubos nito ang lahat ng pera sa pagsusugal. Hanggang sa isang araw, nabalitaan na lang naming nagbigti ito. Ang naiwang dalawang anak nilang sina Lisel at Joco ay kinuha na nila Papa kasi ang mga ibang pinsan namin, halos walang pakialam sa magkapatid.

Mabigat akong napabuntong hininga. "Mahirap" Matapat na sagot ko kay Savi. Tinitigan niya ako hanggang sa malunok niya ang kinakain.

"Peste. Kapag iniisip ko ang buhay mo, pakiramdam ko pati ako nahihirapan!" Ungot niya.

Natawa ako.

Bumalik naman sa pagiging seryoso si Savi. "Bago ako pumunta dito sa Maynila, nakausap ko sina Lisel at Joco. Ang kuwento nila sa akin, lagi raw silang binu-bully sa paaralan kasi wala na silang mga magulang. Akalain mo 'yon? Ang eengot ng ibang mga bata! Parang nilipad sa kung saan ang mga utak! Nawalan na nga ng mga magulang ang kasama nila sa paaralan, kinakantsawan pa nila?! Unbelievable!"

Napabuntong hininga ako. I miss those kids. Hindi ko na rin sila nakakausap. Kapag nakabalik na ako sa dorm, tatawagan ko sila. Siguradong male-late na naman ng tulog si Mama kasi ihahanda nito ang mga ingredients na lulutuin bukas. Mangangamusta ako kung kamusta na ba sila at ang mga bata.

"Ang mga bata ay bata. Kalahati pa lang ang muwang nila sa mundo. Hindi gaya mo na puro na lang ungol at sex" I chuckled to make our conversation lighter.

"Hoy! Ang sama mo a!" Sikmat niya.

I raised a brow.

"Mas masama ka! Hindi ka na nahiya, kahapon nung tumawag ako sa'yo! Umuungol ka na naman! Kadiri ka!" Reklamo ko. Paano ba naman 'yan! Tinawagan ko siya kagabi para mangamusta kaso puro ungol lang ang naririnig ko. Ang babaeng 'to! Wala naman palang balak makipag-usap, sinagot pa ang phone niya!

Ngumuso lang siya at muling sumubo sa kinakain niya.

May naalala ako.

Saglit kong itinabi ang hawak kong chopstick saka pinaningkitan ng mga mata si Savi. "Anong pumasok sa kokote mo at ganun ang pambungad mo sa akin kanina!" Itinapon ko sa gawi niya ang kinuha kong tissue na ginusot ko.

Kagabi, itinext ko kay Savi ang tungkol sa umpisa ng part-time job ko sa Brewed Coffeehouse. Kaya hindi na dapat ako nagtataka kung paano niya nalaman.

Tumawa siya.

I scrunched my nose. "Para kang timang" Ungot ko.

"Kasi nga! 'Yun lang ang pumasok sa kokote ko na pambungad. Ang typical kasi ng hi, hello, what's up, kamusta ka, diba? Diba? Diba?! Mas masayang pakinggan ang 'buntis ako'. Ang epic kaya ng mukha mo!" Binuntutan niya ng tawa.

Nagpabuga ako ng marahas na hininga. "Hindi na dapat ako magulat sa kabaliwan mo. Ano bang aasahan ko e sa takas ka sa mental" May pagsukong sambit ko.

"How dare you! Ang galing ko kaya! Pang Oscar ang acting ko! Naniwala ka nga e! May payakap-yakap ka pang nalalaman. Dalang-dala ka siguro sa paghagulgol ko, ano?" Ang confident naman ng kaibigan kong 'to!

I couldn't help but smile. "Dahil fresh from mental institution ka, sasakyan ko ang trip mo" Nakangiting tugon ko. "Oh wow! Ang galing mo Savi Agbanaog! Dalang-dala ako sa acting skills mo! Pwede ka nang pang-Oscar's" Dugtong ko pa at pinasigla ko ng todo ang boses ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ka natutuwa?" Tanong ko. Nagpapa-inosente kao, syempre.

"Sino ba namang matutuwa sa peke mong papuri, Za?! Gad, I hate you!" Pabalang niyang saad. Kinuha niya ang chopstick niya at padabog na itinuloy ang pagkain.

This time, ako na ng tumawa.

.

.

.

Sabay kami ni Savi na naglakad pabalik sa dorm. Ang bruha kasi, wala raw patutulugan. Akalain niyo iyon? Pumunta-punta dito pero wala naman palang patutuluyan. Ni hindi man lang ako tinawagan o ti-next para tanungin kung puwede bang may makitulog sa dorm sa sarili kong kuwarto. Malay namin, baka hindi pala puwede. Good thing, every student has their own room in th dormitory. Actually, sa yaman na meron ang Weston University, ang dormitories nila para na ring condo units. Medyo maliit nga lang ng slight. Konti lang naman ang difference.

Talagang pinagalitan ko si Savi kaso ang tanging sagot niya lang sa akin, 'i-susurpresa nga kasi kita diba?! May surpresa bang sinasabi?!'

"Nakakainis ka talagang bata ka" Sikmat ko sa kanya nang malapit-lapit na kami sa gate. May 15 minutes pa kaming natitira bago ang curfew.

"That's my goal anyway. Ang inisin ka. So thank you for the compliment" Malambing niyang sabi kaya napailing ako.

Her phone rang.

"Sagutin ko lang muna. Wait a minute, kapeng mainit!" She even winked at me before running a few feet away from me to answer the call. Malamang, siguradong ang kasintahan na naman niya ang katawag niya. These guys have a serious active sex life.

I just smiled while looking at Savi who's smiling widely while talking through the phone. That glint on her face is always out when she's practically happy.

Nagkibit balikat ako at tumalikod sa gawi niya para sana harapin ang gate kaso huli ko nang pagsisihan ang aktong ginawa ko nang makita ang isang babaeng may binibigay na box sa kaharap nitong lalake.

Hindi ko makita ng husto ang mukha ng lalake kasi naka tagilid ito sa akin. Who would be the guy? I stared even more. But looking at him... nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong si Luke ang nasa harapan ko.

Napakunot ang noo ko nang mapansing pilit binibigay ng babae ang dalang box. Baka, ang laman ng box ay cake? Cupcake? I don't really know.

Pero ang pinagtataka ko, hindi siya pinansin ng Captain at nilampasan lang niya ito na parang wala lang. So ito ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi nila Pat sa akin na, wala raw sinasanto ang lalaking 'to?

I bit my lip and checked Savi. She's still busy with her phone call.

Pagtingin ko muli sa gawi ng team captain, naglalakad muli ito.

And... he stepped into the light.

Para akong tinakasan ng dugo nang makitang nakatutok ang mga mata niya sa akin.

Mabilis akong umiwas ng tingin at tumingin na lamang sa lupa. Siguradong, lalampasan niya rin lang ako katulad ng ginawa niya sa babae kanina. god, I hope so. I made a mistake taking a glance at him.

Hinintay kong may maramdaman akong presensya lampas sa akin kaso wala. Ang tanging napansin ko lang ay ang pagtigil nito sa mismong harapan ko.

Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras? It's almost 9:50 pm!

Ilang dangkal na lang ang pagitan namin. Kaya naman nung gumalaw siya pasulong, humakbang ako paatras at gulat siyang tinignan. His eyes locked to mine. Muli siyang humakbang palapit ngunit mabilis ulit akong umatras.

"What are you doing? Stay where you are!" Matigas kong sabi sa kanya.

Hindi ko napigilang mapalunok nang makitang tumaas ang gilid ng labi niya. "Tell me your name"

Napaawang ang labi ko. "What?" Nabingi ata ako.

Namulsa siya. "Your name" tanong niya. His eyes still watching me. Still focused on my face.

Saglit akong tumingin sa gawi ng babae kanina na tulad ko ay gulat rin sa nangyayari. She may be wondering why the captain is talking to a stranger like me. Well, ako din nagtataka. Why would he even talk to a commoner like me?

Ewan ko kung ilang beses na akong napalunok pero jusko po! Give justice to other men out there! This man is a walking sin! Perpekto ang pagakakahulma sa kabuuan niya. He is sculpted perfectly.

Kumurap ako. Baka nakalimutan kong kumurap. No wonder why women are bewitched.

Napatitig ako sa mga mata niya. His eyes are dark. One thing I caught, they're cold.

Muli akong napalunok. Tinapangan ko ang tingin ko. "Why do you think I'd tell you my name?" Lakas loob kong tanong. Inside, I'm so damn shaking.

Muntik ko nang makagat ang dila ko nang pumorma ang isang ngiti sa labi niya. That's a killer!

"Zarena" Saad ko bigla.

Gulat na nanlalaki ang mga mata ko sa lumabas sa bibig ko. I even covered my lips after. Napapikit ako dahil d'on. Stupid, Zarena! Paano mo naibulalas ng ganun-ganun lang ang pangalan mo?! Sita ko sa sarili ko.

He is very distracting!

Tumikhim ako at buong tapang na sinalubong ang paraan ng pagtitig niya.

Just a mere pitiful attempt at getting back control.

"And your number?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko pero nauwi sa isang singhap nang kunin niya mula sa kamay ko ang phone ko. Sa gulat ko, hindi agad ako nakagalaw. I watched him type something in his phone before I heard the sound of my ringtone.

I'm so dead.

He handed it back to me. "Save mine" Saad niya.

Naguguluhan ko siyang tinignan.

"What the hell are you doing?" Bulong ko sa kawalan. My freakin brain cells aren't coming together in one piece!

When I looked at him, there was that smirk on his lips. Ni hindi na ako nakaatras nang humakbang muli siya palapit.

His dark eyes bore to mine.

"When I call, answer it. Remember Zarena, you owe me one" He smirked.

Natuyo ang lalamunan ko.

Pakiramdam ko, nabasag ang ovaries ko.

Continue Reading

You'll Also Like

40.9K 906 12
Nang magkitang muli si Drea at Dom, akala ni Drea nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Ilang taon na rin kasi mula noong mag break sila at iwan s...
260K 14.3K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.9M 65.9K 61
Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya an...
40.1K 1.2K 21
Who says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.