Dagger Series #1: Unwritten

MsButterfly

1.6M 62.9K 9.6K

Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of he... Еще

Author's Note
Synopsis
Chapter 1: L
Chapter 3: Ice Cream
Chapter 4: Unicorn
Chapter 5: Questions
Chapter 6: Complicated
Chapter 7: Feud
Chapter 8: Special
Chapter 9: Sleep
Chapter 10: Three Seconds
Chapter 11: Poison
Chapter 12: Choice
Chapter 13: Cut
Chapter 14: Vulnerable
Chapter 15: Close
Chapter 16: Educate
Chapter 17: Collide
Chapter 18: Signature
Chapter 19: Happy
Chapter 20: Bliss
Chapter 21: Point
Chapter 22: Scale
Chapter 23: Black
Chapter 24: Memory
Chapter 25: John
Chapter 26: Gift
Chapter 27: Box
Chapter 28: L&T
Chapter 29: Better Than Fiction
Chapter 30: Present
Epilogue
Author's Note
Dagger Series #2: Unstrung
Announcement
Book: Unwritten

Chapter 2: List

57.4K 1.9K 346
MsButterfly

#Dagger1Unwritten #DaggerSeries

CHAPTER 2

LUCIENNE'S POV

Halos hindi na matigil ang ulo ko sa kakalingon-lingon ko sa paligid dahil talagang nabubusog ang mga mata ko sa nakikita ko. Nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ko dinampot ang laptop ko bago ako sumama kay Thorn Dawnson para pumunta sa opisina ng Dagger Security and Investigation. Kung sabagay naman kasi nang mga panahon na iyon ay kasalukuyan pang lumulutang ang utak ko sa pagkabigla sa mga nangyayari.

Pakiramdam ko kasi lahat ng nangyayari sa buhay ko ay lahat biglaan. Noon nagsusulat lang ako ng mga nobela na hindi mapansin-pansin tapos sa isang kisap ng mga mata ay natagpuan ko na lang ang sarili ko bilang isa sa mga nangungunang manunulat hindi lang sa Quetzal Publishing Corporation kung saan inilalathala ang mga libro ko kundi maging sa buong lokal na publikasyon sa Pilipinas.

Ngayon naman ay sa isang iglap ay hindi lang sa mundo ng mga manunulat at mambabasa makikita ang pangalan ko kundi maging sa buong nasyon dahil sa balita na ako ang prime suspect sa mga pagpatay na nangyayari sa bansa.

But tomorrow is another day. Kung pangalan ko lang naman ang aalalahanin, wala naman akong magagawa kundi magpatangay sa mga mangyayari. Kung meron man akong natutunan sa buhay ay iyon ay ang katotohanan na walang silbing ma-stress ako sa mga bagay na wala na akong magagawa para baguhin dahil nangyari na. Mabuti ng mag-isip na lang ako kung ano ang maaari kong gawin para malagpasan ang bagay na 'to. O to be exact hayaan ko na ang ang mga taong may solusyon sa problema ko. Aba ano ba namang alam ko sa ganitong bagay eh hamak na manunulat lang ako?

Umayos ako mula sa pagkakasalampak ko sa mahabang sofa kung saan ako iniwan ng ma-ala Thor na si Thorn para maghintay. That was an hour ago. Hindi na ako makapaglaro sa cellphone ko dahil naubos na ang baterya no'n na wala na sa kalahati nang dumating kami dito at wala rin naman akong makausap sa lugar na 'to. Bukod kasi sa hindi naman ako sanay makipag-usap sa iba ay parang sobrang busy ng mga tao dito.

Kaya kesa kainin ng pagkainip ay pinanood ko na lang ang mga taong padaan-daan sa kinaroroonan ko na hindi miminsang nagugulat kapag napapatingin sa gawi ko. Malamang ngayon lang nakakita ang mga 'yon ng unique creature na katulad ko.

"Mabuti na lang nakakabusog kayo sa mga mata. Kung hindi baka ma-offend na ko." Sandaling natigilan ako sa sinabi ko at pagkatapos ay napabunghalit ako ng tawa. "Arte! Akala mo marunong ako no'n."

Humahagikhik pa rin ako nang mula sa kung saan ay sumulpot ang isang lalaki na kahawig ni Bossing Thorn. Mukhang mas bata nga lang. Katulad ni Thorn ang tikas niya pero may pagkakaiba sila sa aura. Ang isang ito kasi ay mukhang hindi kasing suplado ng lalaking nakaharap ko kanina. Pagpasok pa lang kasi niya ay kahit walang ngiti sa mga labi ay buhay na buhay ang mga mata niya na parang kumikinang.

Iyon nga lang nawala ang friendly vibe niya nang mapatingin siya sa gawi ko at halos mapatalon pa siya na parang nakakita ng multo. Gano'n na ba talaga kalala ang itsura ko? Naligo naman ako ah saka nagpulbos. Kasalanan ko bang nagmamadali ang Thorn na 'yon kaya hindi ko man lang nagawang makapagpalit ng damit?

"Uhh...hello." alanganing bati niya sa akin.

Itinaas ko ang kamay ko at kumaway ng bahagya. "Hello! Marami pa bang katulad mo sa lugar na 'to? Kanina pa kasi ako nagbibilang at nakakarami na ang mga mata ko eh. May papel at ballpen ka ba?"

Sunod-sunod siyang napakurap na para bang hindi niya magawang ma-proseso ang sunod-sunod na sinabi ko. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na kahit na ano 'ron. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at naghihintay sa gagawin niya pero nang hindi pa rin siya kumilos ay muli akong kumaway sa direksyon niya.

Napapitlag siya sa ginawa ko at para bang walang kontrol sa katawan na lumapit siya sa isang bahagi ng lugar at may kinuha do'n. Pagkaraan ay naglakad siya palapit sa akin at huminto siya sa tapat ko. Nag-aalangang inabot niya sakin iyon at nakangiting kinuha ko naman ang notepad na may tatak pa ng Dagger Security and Investigation.

"Ballpen meron?" tanong ko at inilahad ko ang kamay ko.

Nahihiwagahang may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang suit at inabot sa akin ang hinihingi ko. Kinuha ko sa kaniya iyon at binigyan ko pa siya ng thumbs up bago ko itinuon ang atensyon ko sa notepad at nagsimulang magsulat.

Inilista ko ang mga naaalala ng utak ko na deskripsyon ng mga lalaking pinagpala ang mga mata ko kanina dahil sa pagdaan-daan nila.

Ngingiti-ngiting pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko kahit pa nararamdaman ko ang tingin sa akin ng lalaking nakatayo pa rin sa harapan ko. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras dahil baka ito na ang sign na pwede na akong magsulat ng romance. Isang bagay na hindi ko magawa-gawa noon. I need to venture out dahil kailangan ko ng back-up incase mapulbos na ang career ko sa pagsusulat sa genre ko ngayon. Anak naman kasi ng tutubing kapatid ni Jabee ang killer na 'yon. Lagi naman kasing nakalagay sa mga libro ko na pawang kathang-isip at hindi maaaring gawin sa totoong buhay ang mga nababasa roon. Saka sino bang matinong tao ang gagawa ng gano'ng mga bagay? Sinong makakaatim na gawin iyon sa totoong taong may pakiramdam at may pamilyang naghihintay?

I write gory stuff because I love playing with words. More than the other genre I tried, gore descriptions requires ton of imagination and play of creative words. Pakiramdam ko may challenge sa sinusulat ko at hindi ako naiinip. Gano'n pa man ay lagi kong sinisiguro na ang wakas ng mga sinusulat ko ay mag-iiwan ng tamang konklusyon.

Though my books are written mostly with the point of view of the killer, it doesn't mean that I'm portraying what he's doing to be right. Dahil sa pagtatapos ng mga libro ko ay laging nareresolba ang mga pangyayari sa paraan na mapupuksa ang kasamaan na dulot ng partikular na karakter.

"M-Miss, ano 'yang ginagawa mo?"

Saglit na nilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng ilong ko bago muling nagsulat. "Wag ka munang magulo diyan. Sinusulat ko pa ang mga inspirasyon ko. 'Wag kang mag-alala kasi isasama kita sa mga magiging future characters ko."

"By any chance, are you Lucienne Simons?"

Napaangat ako ng tingin sa narinig kong pagsasalita ng lalaki. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay na may bumabanggit ng totoo kong pangalan. Ang tagal na panahon ko na rin kasing nakakubli sa likod ni Lush Fox. "Oo. Ako nga."

Sa pagkagulat ko ay bila na lang niyang hinablot sa akin ang papel na sinusulatan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang tangka niyang pagpunit doon at kaagad akong tumayo para agawin iyon sa kaniya.

"Anong ginagawa mo sa obra ko?!"

"You're that killer writer!"

Napasinghap ako at kinipkip ko sa tapat ng puso ko ang notepad. "Hoy paninirang puri na 'yan! Ipis lang ang kaya kong patayin kaya 'wag mo akong pinagbibintangan diyan! Kanina pa kayo ah!"

Lumapit siya sa akin at umangat ang kamay niya para kunin sa akin ang papel pero nanating mahigpit ang pagkakahawak ko ro'n. "Let go!"

"Ayoko! Akin 'to!" sigaw ko sa kaniya pabalik.

"Wala akong balak maging sunod na biktima sa storya mo kaya akin na 'yan!"

"What is happening here?"

Napatigil ako sa pagpupumiglas at ganoon din ang lalaking kaharap ko nang dumagundong ang isang boses. Bahagyang sumilip ako mula sa pagkakaharang ng lalaking mang-aagaw ng inspirasyon at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ro'n ang taong nagdala sa akin sa lugar na 'to.

Binigyan ko ng masamang tingin ang lalaking tila nagising at aagawin na naman sa akin ang papel pero kaagad akong nakaiwas at nagmamadaling lumapit ako sa magkasalubong ang kilay na si Thorn.

"Bossing Thor, gusto akong nakawan ng taong 'yan." nag-aakusang turo ko sa lalaking napanganga habang nakatingin sa amin.

"Thorn." pagtatama niya sa akin.

"Parang mas mukhang kang Thor kesa sa Thorn. Tunog tinik sa buhay kasi eh parang may dala na hindi magandang pangitain."

Tinitigan niya ako na para bang nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ako aalisin sa landas niya bago siya tumingin sa lalaking magnanakaw na nakatingin pa rin sa amin. "Why are you getting involve with my client, Trace?"

"Wala akong ginagawang masama riyan Kuya. Nakita ko lang kasi siyang mag-isa rito tas nanghingi ng papel at ballpen. Tas ayan nakita ko sinusulat na pala ang mga taong nakita niya rito. Mamaya pinapatay na tayo niyan."

"Hoy!" singit ko at dinuro ko ang lalaki na bahagyang napaatras. "Hindi sabi ako mamamatay tao eh! Sumosobra ka na ah!"

"Puro patayan kaya ang nasa mga libro mo."

Napatigil ako sa akmang pagbulyaw sa kaniya at napatingin ako sa ceiling na para bang nag-iisip. Sabagay may point. "Sa libro lang ako pumapatay hindi sa totoong buhay. Biktima rin ako dito."

"Wala naman akong sinabi na mamamatay tao ka."

"Sabi mo killer writer ako!" sikmat kong muli.

"Trace." may pagbabanta sa tono na sabi ni Thorn. Matiim niyang tinignan ang kapatid niya na ngayon ay nalukot ang mukha. "Iyon ang tinatawag sa kaniya ng mga tao pero alam nating lahat na ibang killer ang hinahanap natin. Stop antagonizing the client."

"Killer writer ang tawag nila sa akin?" hindi makapaniwalang bulong ko.

Nagbaba ng tingin sa akin ang lalaki. "Yes. Iyon ang tawag sa'yo bilang prime suspect sa mga naganap na pagpaslang. There's an allegation that you're killing people because you want to write a realistic story."

"But that's not true..."

"That's why we were hired to help you. Maliban sa pagprotekta sa iyo ay magsasagawa rin kami ng sariling imbestigasyon para malaman kung sino ang gumagawa ng mga krimen na iyon."

Sandaling hindi ako nakaimik habang tinitimbang ko ang mga sinabi niya. Kahit naman kasi anong sabihin ko ay hindi rin madali para sa akin ang mga nangyayari. Nadadarag ang pangalan ko at maaaring ito na ang magiging sanhi ng pagtatapos ng career ko pero kaya kong itabi ang isipin na iyon sa dulo ng parte ng utak ko. Dahil katulad ng nakasanayan ko na ay ang kaya ko lang gawin ay ang magpatangay sa agos.

But the thought that there's a person out there rampantly killing people the way I described situations in my book...that is something that will be forever ingrained in my conscience. Kahit na hindi ko pa ginusto ang mga bagay na iyon.

"Kailangan mong ibigay sa akin ang papel na iyan, Miss Simons." sabi ni Thorn na siyang naghila sa akin mula sa malalim kong pag-iisip.

"Akin 'to eh." reklamo ko.

"We can't let you write again for the mean time."

"What?" I asked with a horrified expression on my face. "Hindi pwedeng hindi ako magsulat."

"You can't publish any more books for now."

"Hindi ako si Superman. Kakatapos ko lang ng nobela kaya imposibleng makapagpublish ako kaagad-agad. Matagal na proseso bago lumabas ang libro, Bossing. Ang pinupunto ko lang naman ay hindi mo maaaring alisin sa akin ang pagsusulat dahil hindi tumitigil ang utak ko sa pag-iisip ng maisusulat. If I don't write it down, I'll self destroy for sure. Kuha mo?"

Sandaling nakatingin lang siya sa akin bago umangat ang kamay niya sa direksyon ko. "I still need that list."

"Hindi naman for gore story 'to eh. For romance 'to!"

"You don't write romance."

"Don't you dare!" panggagaya ko sa tono ng multo sa sikat na horror film.

Nanatiling walang emosyon na nakatingin lang siya sa akin hindi katulad ng kapatid niya na nag ngangalang Trace na napatalon mula sa kinatatayuan niya. Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Don't you dare discriminate me, Bossing Thorn. Hindi porke gwapo ka, maganda ang katawan, may muscles na parang ang sarap paglambitinan-" napatigil ako nang ma-realize ko ang mga pinagsasabi ko at muli akong tumikhim para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. Pero imbis na gano'n ang mangyari ay nagtuloy-tuloy ang paggawa ko ng ingay hanggang sa parang nasasamid na ako.

Hinampas-hampas ko ang dibdib ko hanggang sa pakiramdam ko ay hindi na ako muling iihitin ng ubo. "As I was saying, hindi ibig sabihin na hindi ako romance writer ay imposible na sa akin iyon. Sa inspired ako bakit ba?"

Imbis na sumagot ay walang babalang kinuha na lang niya sa akin ang papel at dahil hindi ko napaghandaan ang pagkilos niya ay hindi ko na siya napigilan sa ginawa niya.

"We didn't give you our consent." he said with finality and turned his back on me. "Let's go. I will introduce you to the team. Dito ka mananatili ngayong gabi at bukas kukunin natin ang mga gamit mo. After that you can choose whether you will stay here at the headquarters or we can look for a safe place for you."

Kung nakakapanakit lang ang tingin ay kanina pa siguro siya tinamaan sa paraan ng pagkakatingin ko sa kaniya. Pero hindi na niya ako hinintay pa na sumagot dahil dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa isang pasilyo habang dala-dala ang papel na sinulatan ko kanina.

Ha! Akala mo mapipigilan mo 'ko. Hardcopy lang ang meron ka. May softcopy ako sa utak ko, for your information.



NAPAPAHIKAB na ipinalibot ko sa tasa na nasa harapan ko ang mga kamay ko. Sobrang lamig ng tinulugan ko na kwarto kaya pakiramdam ko ay nag de-defrost ako ngayon. Wala naman akong balak magreklamo dahil isa iyon sa gustong-gusto ko sa mundo. Ayoko ng naiinitan at kung may appliances man sa bahay na paborito ko iyon ay ang pinakamamahal ko na aircon. Mabuti hindi nagtitipid ang mga tao sa kuryente dito.

Masarap sana ang magiging tulog ko kaya lang hindi talaga ako komportable. Maliit kasi ang kwarto na may kama lang, kabinet, at isang mahabang sofa. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Idagdag pa na alam kong may nagmomonitor sa akin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na may CCTV sa loob ng kwarto dahil pinaalam na sa akin iyon ni Thorn.

Inangat ko ang tasa ng tsaa na nasa harapan ko at sumimsim doon. Infernes naman sa kanila fully stocked ang kusina. At kumpara sa mga kwarto na nandito ay di hamak na malaki ang kusina. Siguro dahil na rin sa malaki ang pamilya nila.

Bukod kasi sa mga empleyado ay binubuo ang Dagger Security and Investigation ng pitong magkakapatid na lalaki na may kaniya-kaniyang share sa kompanya. Kung tama ang pagkakaalala ko ay panganay si Thorn, ang sumunod ay si Gunter, Pierce, Axel, Trace, Coal, at Domino.

When Thorn introduced me, I met all of them except Domino and Pierce. Binanggit lang ni Thorn ang pangalan nila nang isa-isahin niya ang mga kapatid niyang ipakilala sa akin.

During that introduction we also discussed the situation I'm in. Wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi ilista ang kahit na anong tungkol sa mga libro ko na maaaring makatulong sa case. That would probably take a lot of time on my part not just because of the fact that my books are lengthy but because there's a lot of killing in them. Bukod pa do'n ay pinapalista nila sa akin lahat ng sa tingin ko ay maaaring gumawa nito. Mga taong nagkaroon ako ng problema dati, mga mambabasang nagpapadala ng mensahe sa akin noon man o ngayon, mga taong hindi ako komportable na makasalamuha, at kahit na sino na may koneksyon ako.

Hindi madali iyon para sa akin na wala namang kaibigan at interaksyon sa iba maliban na lang sa editor at sa boss ko. Hindi ko alam kung anong ililista ko dahil sila lang naman ang lagi kong nakakausap.

Wala naman akong kamag-anak na maisusulat dahil parehas na galing sa ampunan ang mga magulang ko. Wala rin naman akong malalapit na kaibigan dahil busy ako sa pagsusulat at hindi naman din ako lumalabas para makakilala ng mga bagong tao.

"Good morning."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at bahagyang natigilan ako nang mamataan ko si Thorn na pumasok na ng kusina. May suot lang siya na sweatpants at sando na hapit sa kaniya. Pawis din siya na mukhang kagagaling niya lang sa pag e-ehersisyo.

"Akala ko ako pa lang ang gising." sabi ko. Mag a-ala sais pa lang ng umaga. Usually patulog na ako sa ganitong oras pero dahil sa unang pagkakataon mula sa mahabang panahon ay maaga akong nakatulog kagabi dahil sa pagod na rin siguro sa mga surpresang kaganapan sa buhay ko.

"Maaga talaga akong magising."

Lumapit siya sa refrigerator at may kinuha ro'n at pagkatapos ay naghalughog siya sa mga cupboard sa harapan niya. Nang matapos siya ay naglakad siya papunta sa kinapupuwestuhan ko at nagbaba ng bowl sa harapan ko kasunod ng karton ng gatas at cereal.

"I don't eat breakfast." I told him.

"Importante ang agahan."

"Patulog pa lang ako pag gantong oras eh."

Binuksan niya ang kahon ng cereal at siya na mismo ang naglagay no'n sa mangkok at pagkatapos ay nilagyan niya na iyon ng gatas.O mas tamang sabihin na "nilunod" niya iyon sa gatas. "Hindi ka patulog pa lang kaya kumain ka."

Napapabuntong-hininga na sinimulan kong kumain kahit na hindi ako sigurado kung ano ang magiging pagtanggap ng sikmura ko ro'n. Talagang hindi ako sanay mag almusal dahil ilang taon ng baligtad ang tulog ko.

"You didn't like the room."

Nagtatakang tinignan ko siya. "Ha?"

"Yung kwartong tinulugan mo. Hindi mo gusto."

"Okay lang naman. Hindi lang talaga ako sanay kasi malaki ang espasyo sa bahay ko at iniiwasan ko talaga na sumikip iyon dahil sa mga gamit. Saka hindi ko gusto ang damit ko." Napakunot noo ako ng may maisip. "Paano mo pala nalaman?"

"I was in the control room until one in the morning."

I blinked in surprise. "You watched me sleep?"

"Trabaho ko na bantayan ka."

Wala akong makuhang isagot ro'n dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon.

Akmang ipagpapatuloy ko na sana ang pagkain ng may maisip ako. "Apat na oras lang ang tulog mo?"

"Sanay na ako."

"Hindi healthy 'yon."

"Says the woman who don't have a normal sleeping pattern." he said.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "At least nakaka-eight hours pa rin. Pampatalino 'yon. Para active ang utak ko."

Hindi na siya nagsalita pa at umupo na lang siya sa harapan ko habang nilalagyan ang sarili niyang bowl ng cereal. Tahimik na kumain siya habang ako ay nananatiling pinagmamasdan lang siya.

Sa tanang buhay ko ngayon pa lang talaga ako nakatagpo ng taong katulad niya. Sa dami kong nobela na naisulat kahit pa na gore iyon ay hindi ibig sabihin hindi ako aware sa mga typical na lalaking nasa loob lang ng mga pahina ng libro. Iyong klase ng lalaki na para bang sa sobrang perpekto ay imposibleng makakita ng kapantay no'n sa totoong buhay.

But here I am. Dakilang sinuswerte na maambunan ng kagwapuhan ng taong nasa harapan ko ngayon sa kabila ng sitwasyon na kinasasadlakan ko ngayon.

"Anong problema sa damit mo?"

Like he usually do, I was taken aback again with his question. "You don't miss anything, do you?"

"No." he answered. "So what's wrong with your clothes?"

"Wala akong pantulog."

Tinignan niya ako na para bang wala ako sa tamang pag-iisip. "Naka-pajama at jacket ka paanong hindi ka naka pantulog?"

"Pambahay ko 'to hindi pantulog."

"So what do you wear when you go to sleep if that's your day clothes? Formal attire?"

Pinaikot ko ang mga mata ko sa sarkastikong tanong niya. "Hindi ba pwedeng walang sinusuot? Kahapon ginenre-discriminate mo ako ngayon naman clothing discrimination?"

Imbis na patulan ang kalokohan ko ay titig na titig lang siya sa akin na para bang may malalim siyang iniisip. Bumaba ang mga mata niya sa kabuuan ko at sinundan ko naman ang tingin niya pero hindi ko pa rin magawang maintindihan ang ginagawa niya.

Sa pagkagulat ko ay bigla na lang siyang tumayo at inalagay na sa lababo ang pinagkainin niya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.

Wala na akong nakuhang sagot mula sa kaniya dahil tuloy-tuloy lang siya na lumabas ng kusina at hindi na ako nilingon pa.

Anong nangyari do'n?



Продолжить чтение

Вам также понравится

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED) Ace Domingo

Художественная проза

3.8M 99.1K 39
LEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted something to happen, then you will just have to...
2.8M 73.5K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
36.3K 839 27
Serano #1 (Completed) The sadness of Bullet It's really for me; I bet Is this what I get? I wish we didn't met Bullet of Pain How can I restart...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.