AFTER an AFFAIR

By hopelessdiana

119K 2.4K 173

Paano kung magbalik ang taong minsan mo nang pinakawalan? Pero tanging hangad lang niya ay makuha ang alam mo... More

AFTER an AFFAIR
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Special Chapter
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter eighteen
Chapter nineteen

Chapter seventeen

3.5K 116 9
By hopelessdiana

MAINGAT NA inihiga ni Faye si Kristel nang makatulog ito. Pagkarating na pagkarating niya sa bahay ay agad niyang pinuntahan ang kambal. Nadatnan niya si Manang Lety na inihihiga sa crib si Kenneth, at sakto namang nagising si Kristel. Siya na ang nagpatulog kay Kristel at hinayaan na siya ni Manang Lety. Hindi niya alam pero tila ba habit ng kambal na kapag nakatulog na ang isa saka naman gigising ang isa. Wala kaso iyon sa kanya, sabagay hindi niya kailangang mataranta kapag nagsabay pumalahaw ng iyak ang kambal.

Nag-inat siya ng mailapag ang sanggol sa crib. Quarter to six na ng gabi nang tingnan niya ang orasan. Marahil hanggang ngayon ay magkasama pa sina Steven at Samantha. Bumagsak ang mga balikat niya sa naisip. And that pain...

Hinamig niya ang sarili. There’s no point kung parati niyang hahayaang masaktan ang sarili dahil na rin sa pagiging masokista niya. And she had enough. Mabuti nang magkalinawan na sila ni Steven para matapos na rin ang pagpapahirap niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Yes, she was scared to face the truth. But she knew she should to.

Tama na rin ang palaging umaasa sa bagay na kahit siya ay alam niyang walang kasiguraduhan. Dahil kapag hinayaan pa niyang patuloy na umasa, patuloy lang din na nadaragdagan ang sakit na nararanasan niya at sa huli maiiwan siyang nasasaktan.

She placed one hand on her chest and breath in deep. Ngunit tila kinapos naman siya ng hangin ng makapang may nawawala sa kanya. Her necklace. She looked around trying to find it. She was even praying na sana naroon lang ito sa silid na iyon at hindi sa taxi na sinakyan niya kanina dahil hindi niya alam kung paano pa iyon makukuha. Pero nanlulumong napaupo siya sa kama nang matapos niyang halughugin ang buong silid ngunit hindi nakita ang hinahanap.

Then she remembered.

Mabibilis ang hakbang na lumabas siya na silid at tinungo ang kwarto ni Steven. Naalala niyang palihim siyang pumasok ng silid nito habang nasa banyo ito at naliligo. Kaninang umaga, habang nag-aalmusal sila ay tumunog ang cellphone nito. Matapos nitong basahin ang message ay nagmamadali itong nagpaalam at hindi na tinapos ang pagkain nito. It was Sunday, at wala itong pasok. Sigurado rin siyang wala itong meeting kaya nagtaka siya sa ginawi nito. At dala ng pagdududa, palihim siyang sumunod sa silid nito. That’s when she found out that he will be seeing Samantha. Mali man, pero hindi kasi niya napigilang pakialaman ang cellphone nito.  

She tried looking for her necklace in Steven’s room. Hindi na naka-lock ang pinto ng silid nito kapag umaalis na ito ng bahay, at may basbas na rin nito na malaya na siyang makakapasok doon.

“Nasaan na ba ‘yon,” halos maiyak na siya sa paghahanap.

Kinailangan pa niyang tanggalin ang lahat ng unan sa ibabaw ng kama ni Steven, saka tumuwad para tingnan naman ang ilalim na higaan.

That necklace was special and she can’t afford to lose it. It was Steven’s gift to her when she graduated in college.

“Aray!”

Nauntog pa siya sa study table nang tiningnan ang ilalim niyon sa pagbabasakaling naroon ang hinahanap. Hinihimas ang ulong umayos siya ng tayo. Ngunit sa pagtayo niya ay muntik pa siyang madulas sa lapis na nahulog marahil. Muntik pa siyang mawalan ng balanse kung hindi lang siya mabilis na nakakapit siya sa isa sa mga drawers ng table. Ngunit dahil hindi naka-lock ang drawer bumukas iyon at humiwalay sa mesa. She silenlty cursed nang magsikalat sa sahig ang laman niyon. Mabilis niyang pinagpupulot at inayos ang laman ng pasaway na drawer.

Then she noticed something, a folder caught her attention. Bukod sa naiiba ang kulay niyon sa karaniwang puting mga folder na nasa mesa, nakasulat roon ang pangalan niya. At sa hindi malamang dahilan bigla ay sumipa ang kaba sa dibdib niya. Bakit pakiramdam niya, may mababago kapag nakita niya ang kung anoman ang nilalaman niyon?

Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang folder. Report iyon, na marahil galing sa private investigator na inupahan ni Steven para hanapin siya. Na naging daan para malaman rin nito ang tungkol sa pagbubuntis niya. May ilang larawan niya ang nakaipit sa folder at ilang report tungkol sa mga activity niya. Gusto niyang isipin na sa ginawa nito ay may halaga rin pala siya dito. Pero hindi niya magawang ikatuwa ang naisip.

Napakunot noo siya sa nakaipit na piraso ng nakatuping papel sa folder. Binuksan niya iyon at binasa. At halos marinig niya kung paano nadurog ang ang puso niya sa nabasa. It just hit her.

“Faye?!”

Nagpupuyos ang kaloobang hinarap niya si Steven na kararating palang. Natigilan ito sa akmang paghuhubad sa suot nitong necktie habang nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at sa hawak na folder. Wala rin naman siyang balak na itago dito ang ginawa niyang pangingialam sa gamit nito. Maging ang galit ay hindi rin niya itinago dit. While she could sense panic in Steven’s face as he stood there.    

Kinuyumos niya ang papel sa pagpipigil na sugurin ito at iparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya. Pero alam niyang hindi iyon sapat, dahil kahit kaunti ay hindi niya iyon maipaparamdam dito. Inihagis niya sa kama ang folder. With cold shoulders, she walked past him. But he had grabbed her arm when she was about to leave the room. 

“Faye—.”

“Did you had fun, Steven? Nag-enjoy ka ba sa ginawa mong panloloko sa akin?”

“What?”

“Kailangan bang pasakayin mo pa ako sa isang kalokohan para lang makuha ang mga bata?”

“What? No, its not what you think, Faye.”

“No, Steven, iyon naman talaga ang plano mo di ba? You only wanted the full custody of the twins. Sa simula pa lang wala kang ibang ginusto kundi makuha ang mga anak ko.” Binuksan niya ang papel at pinagduldulan iyon dito. “Hindi mo sa akin ipinaalam ang tungkol kay Marciano dahil oras na malaman kung wala na sa panganib ang buhay namin ng kambal masisira ang plano mo. Pero dahil pinaniwala mo akong hindi pa kami ligtas, wala akong pagpipilian kundi ang manatili sa poder mo. And you made me believe you cared for me. Hanggang sa makuha mo uli ang loob ko at maging madali para sa’yo na makuha ang kambal. Do you really have to make a fool of me?”

Sinubukan niyang makakawala sa hawak nito. Ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya. Hinawakan na siya nito sa magkabilang balikat.  

“Let me go!”

“No! Faye, listen—.”

Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito. Napayuko siya at hindi na napigilan ang mga luha niya. “Tama na, Steven. Uuwi na kami ng mga bata sa Ilocos. Pagod na akong makipaglaro sa’yo. Pagod na pagod na rin akong mahalin ka.”

Steven hugged her tight. He was gentle that her tears turned into a sob.

“You can’t, Faye.”

“Please. I don’t want to hate you more, Steven. Hayaan mo muna kami ng mga anak ko. Hindi kita aalisan ng karapatan bilang ama nila. Pero pakiusap kung buo ang desisyon mong makuha ang kambal, maari bang hayaan mo munang makasama ko sila.”

She pushed him and wiped her tears with both her hands. She gathered all her might to look him in the eyes and braved herself.

“Ngunit hindi ako mangangakong hindi ko sila ipaglalaban. May karapatan din ako sa kanila at hindi ako papayag na kunin mo ang mga anak ko. Alam kong wala akong laban sa impluwensya mo pero gagawin ko lahat huwag lang malayo sa akin ang mga bata. Marahil nga talo na ako sa simula pa lang pero hindi ko hahayaan na matalo ako ng walang laban. At hanggat hindi pa iyon nangyayari, please Steven, hayaan mo muna kami ng mga anak ko.”  

“You’re not going anywhere with my kids.” There was finality in his every words.

“Please...” she cried. “I’m not leaving without my kids. Hayaan mo na kami. Hindi mo kami pwedeng ikulong dito dahil gagawa at gagawa ako ng paraan na makatakas sa’yo kasama ang mga anak ko. We’ll hate each other eventually dahil hindi natin makuha ang gusto natin. At mas maaapektuhan ang mga bata. Ayokong mangyari iyon, Steven. They doesn’t deserve that. Tama nang hindi kumpleto ang pamilya na dapat sana ay meron sila. Ayokong lumaki silang nakikita na nagkakasakitan tayo. Na hindi tayo masaya.”

“But I love you...”

====================

BAKAS ANG gulat sa mukha ni Julie nang mapagbuksan niya ng pinto ang bestfriend niya. Mabilis iyong napalitan ng pagtataka at pag-aalala nang makita sa tabi nito ang stroller ng kambal. Mahimbing na natutulog si Kristel sa stroller. Samantalang, karga naman ni Faye ang kakambal nito habang nakasukbit naman sa balikat ng kaibigan ang isang bag.

Pero mas nag-alala siya sa nakikitang kalagayan ng kaibigan. Her eyes was swollen as if she had been crying. Nasagot ang iniisip niya nang naiiyak na niyakap siya ni Faye.  

“Bes, pwede bang magpa-ampon muna kami sa’yo ng ilang araw.”

She nodded. Pinapasok na niya ang mag-iina sa kanyang unit.

“What happened?”

Mali yata ang naging tanong niya dahil tila maiiyak na naman si Faye.

“H-e told me he love me. But I didn’t believe him, because he never did. Alam kong si Samantha pa rin ang mahal niya.”

Ramdam niya ang paghihirap at sakit sa tinig nito. She was hurting. And it was all his stupid brother’s fault.

Sarap mong kutusan, Kuya.

====================

Continue Reading